You are on page 1of 2

Pepeng Kalayaan 1 Magandang umaga po sa inyong lahat !! Kami ang klaseng 1-O.

Ngayon, matutunghayan nyo ang mga adhikain, pangarap, paninindigan at pangyayari sa buhay ng ating pambansang bayani... si... si... Dr. Jose Rizal.
2 Sino nga ba si Rizal? Pilipino ka diba! Dapat kilala mo siya! Walang duda na siya ang pambansang bayani dahil sa dami ng kaniyang nagawa. Oo.. marami siyang nagawa at maging tayo.. kaya rin nating maging bayani sa munting paraan! 3Isat kalahating siglong nakaraan, noong siyay isinilang sa lupang pinagmulan Buhay pa kaya ang ating pagkamakabayan, na makukuha kung syay hinangaan? 4 Ka Josey bayaning marangal, pinanggagalingan ng makabayang na asal, kapupulutan ng kay raming aral, manghihimagsik na kailanman, di brutal. 5 Ang natatanging si Rizal, may impluwensiyang nagtagal, pagdarasal sa Maykapal at hindi pagiging brutal. 6 Nagsulat ng tula, at natuwa ang madla nagpaalam sa bansa naging bayani, kahit bata. 7Oo ngat marami siyang kasintahan, Pero, hindi ito naging hadlang sa kaniyang adhikain! Na ipagtanggol itong bansang sinilangan, sa mga dayuhang kala mo kung sinuman! 8 Tatlong bagong uri ng hayop at halaman, doon sa Dapitan kaniyang natuklasan, mga batang di edukado kaniyang tinuruan, Upang silay maging mamamayang may pakinabang! 9Si Rizal na pambansang bayani, si Rizal na mahusay na manunulat! Ang bayaning tumugis sa Espanyol gamit ang pagsulat ang bayaning mulat na nagbigay-laya! 10 Lahat ng aming kakayahan, buong ligayay inalay sa bayan, lalo nung syay tinapon sa Dapitan, Sang hatol di makatarungan! 11 Rizal, na nabubuhay noong nakaraan, ating tinutularan sa kasalukuyan, mga bata ang kinabukasan, ayon sa kaniyang kaalaman. 12 Sa Poong Maykapal, salamat po kay Rizal! Na dito siya isinilang, nang maging mulat kami sa lahat ng bagay.

13 Ngayon siyay nagpaalam, kaming Pilipino hindi makalilimot, dahil araw-araw namin syang inaalala, dito sa kaniyang paaralan 14Sa kamatayan sa Bagumbayan, ating kalayaan naasahan, Lumingon sa mga kababayang pinaglingkuran, at sa mga kumokontra na lapastangan. 15 Paalam bayang sinilangan, ating pangarap maabot ang katuparan, Pilipinas , kapuluang may kasarinlan.. Paalam .. Paalam!

You might also like