You are on page 1of 2

Arboleda, Maria May S. Prof.

Park Cheng Andres

BST-3A(MWF 8-9PM) December 11, 2017

PLUMA : REACTION PAPER

Maraming kuwento ang aking narinig bago ko pa mapanood ang Pluma: Ang dakilang

manunulat. Ngayon ay aking aalamin kung ano nga ba ang totoo sa likod ng mga kwento tungkol sa ating

pambansang bayani.

Nagsilbing lakas at tagapagasalita ng mga pilipino si rizal ng mga pilipino laban sa kastila. Sa

kaniyang mga nagawa, naipamalas niya ang pagmamahal sa ating bansa at hindi tayo dapat alipinin ng

kung sinuman. Si Dr. Jose Rizal ang ating nagsilbing pambansang bayani magpahanggang ngayon

sapagkat ang kanyang angking talino ay humahanay sa mga Pilipino. Ang kanyang katapangan ang

nagsilbing pwersa ng mga Pilipino upang lumaban sa mga kastila at ipaglaban ang karapatan ng mga

Pilipino. Bata palang ay hilig na niya ang pagsusulat. Dahil dito, nakagawa siya ng maraming mga tula at

mga nobela at hanggang sa ngayon ay ating sinasariwa. Sa edad na 8 taong gulang ay nakapagsulat na

siya ng isang tula. Noong siya ay nasa ikalawang taon pa lamang ay marunong na siyang magsulat at

magbasa na napakabihirang gawin ng isang bata. Sa panahon ngayon, karamihan sa mga bata ay nanaisin

pa ng makipaglaro sa mga kaibigan at manood ng mga palabas sa telebisyon o kaya nama’y maglaro sa

internet. Ngunit si Rizal ay mabilis na natuto, ang hilig niya ay magbasa ng magbasa ng iba’t-ibang libro

na kaniyang matatagpuan sa kanilang silid-akalatan.

Habang siya ay lumalaki, ay mas lalong lumalawak ang kanyang kaisipan at ang mga pangyayari

sa kanyang buhay minsan ay ditto niya hinahango. Sa palabas na ito ay ibinahagi ng mga eksperto ang

kanilang nalalaman patungkol sa kung paano, saan, kalian at kung ano ang dahilan sa likod ng mga

kwento ng kaniyang mga aklat. Marami ang humahadlang sa kanyang pagsusulat ngunit ang pagsusulat

pa rin ang kaniyang naging sandata upang maging matapang at matalino upang maipagtanggol ang mga

kapwa pilipino.

Sa kaniyang dalawang pinakasikat na nobelang isinulat na Noli Me Tangere at El Filibusterismo

ay isinasaad nito ang iba’t- ibang karanasan ng mga kababaihan na pangbabastos sa kanila ng mga

prayle noong panahong iyon. Ngunit nung mga panahong ililimbag niya na ang El Filibusterismo ay hindi

ito pinahintulutan na ilimbag ng gobyerno bagkus ay sinunog pa nila ito. Napakalaking galit ang

nararamdaman ni Rizal noon at siya ay gumawa parin ng paraan sa kabila ng lahat ng tumututol sa
kanyang paglilimbag. Ngunit sa aking palagay, may mga tanong sa aking isipan kung bakit siya ba talaga

ang itinakdang maging pambansang bayanin gayong napakaraming pilipino rin ang nagbuwis ng kanilang

buhay para sa ating bansa. Siguro ay dahil sa kaniyang katapangan na siya ang kauna-unahang nagsulat

patungkol sa mga kastila, kung ano ba talaga ang ginagawa ng mga kastila sa mga pilipino upang

malaman ng ibang tao ang pagmamalupit ng mga kastila sa ating bansa.

Sa dokyumentaryong Pluma: Ang dakilang manunulat ay natutunan ko kung paanong huwag

isipin ang sariling kapakanan, dapat ay makialam at huwag pabayaan na ang mali ay maging tama. Hindi

man naging makatarungan ang kaniyang pagkamatay ay nagsilbing aral naman ang mga ito upang tayong

mga pilipino ay matutong lumaban at habang buhay nating sasariwain ang kaniyang mga gawa.

You might also like