You are on page 1of 1

DonyaVictorina

Hay naku! Ang dami naman ng mga tao! Napakagulo, ang iingay! O kayong mga hampas
lupang indio, hindi ba kayo magbibigay galang sa akin? Ak oba ay hindi ninyo nakikilala? Ako si
Donya Victorina de los Reyes de, de Espadana. Tingnan ninyo ang kolerete sa aking mukha, ang
kulay at kulot sa aking buhok at aking mga magagara at mahahabang kasuotan na tila para lamang
sa isang mestiza. Kaya kayong mga indiyong sing-itim ng Aeta, dapat igalang niyo ako!
Naaalala ko noong bata pa ako, marami ang nanligaw at namangha sa aking kagandahan.
Ngunit itinaboy ko sila! Kasi naman, bakit ako magpapakasal, este, magpapasakal, sa isang
indiyo? Hindi ito maaari! Maliit pa ako’y alam kong magpapakasal lang ako sa isang Espanyol. At
heto ang “dreamboy” ko, si Don Tiburcio de Espadana. Oo, hindi nga siya ganun kayaman, mas
bata pa sa akin, at hindi pa nag-aral, ngunit isa pa rin siyang Espanyol, no! Pinilit ko naman siyang
magpanggap bilang doctor, eh! Ngayon na ako’y asawa ng isang doctor, nakamit ko rin ang
pinakamimithing alta sociedad! Hindi lang ako maganda, sosyal pa!
At alam niyo ba, isang araw, napadaan kami sa tapat ng bahay ng isang alperes at nagkataon
naroon si Donya Consolacion. Aba’y bigla ba naming sumimangot at dumura sa harap ko!
Napakawalang modo! Que horror! Que barbaridad! Akala naman niya kung sino siya para gawin
iyon sa harap ko! No se pueden! Ako, ako ang tunayna dugong Espanyol: si Dona Karina Joya de
Juan! Kaya ngayon, talagang hinamon ko siya kung sino batalagaang mas magaling sa aming
dalawa! Hindi naman siya isang totoong Donya! Alam niyo ba, isa lamang siyang labandera na
mahirap! Sobrang saya ko talaga na kaya ko siyang ipahiya sa harap ng maraming tao… Haha!
Sayang nga may masabi pa sana ako sa kanya kung hindi lang ako pinigilan ng akingasawa at ng
kura.
Kayo kanino ba kayo kakampi, sa akin o kay Consolacion? Ano, sa kanya kayo? Sige!
Magsama na kayong lahat na mga panget at peke sa impyerno! Kami lang ang mga mestisang
sosyal ang may karapatan sa langit.

You might also like