You are on page 1of 10

Pambobola para kay Marietje

(Rayuan Dusta untuk Marietje)


ni Eka Kurniawan (Indonesia) salin sa Filipino ni Arlo Mendoza
1 Dumating ako sa Batavia noong 1869 bilang isang mersenaryo. Bagaman hindi ako
maituturing na eksperto sa digmaan, nagawa kong mapaniwala ang rekruter ko na isa akong
kinatatakutang berdugo at tirador sa Olanda. Isipin ninyo, tirador! Sa sobrang bilib sa akin ng
kumander ko, ipinadala niya ako sa isang maliit na tanggulan sa Ancol. Oo na, stirero at bolero
ako. Numero unong sinungaling sa Olanda at maging sa buong Europa.
2 Pero unawain ninyo sana ang kagustuhan kong tawirin ang mga karagatan marating lang ang
lupaing banyaga: ako’y dukha’t ulilang lubos. Ang sabi ng marami, kaya raw ipangako ng Hindia
Belanda ang lahat. Malalawak at matatabang lupa kumpara sa tigang at maliliit na lupang
sakahan sa Olanda, nandyan din ang gintong hindi pa nasisimulang hukayin, at sari-saring mga
rekado. Talagang sabik na sabik akong makarating sa Hindia Belanda upang baguhin ang
kapalaran ko. At ang pangakong iyon ng lahat ang nagtulak sa mga paa kong tumungo sa
Batavia. Dito, maliban sa isang bagay, ang lahat ay kasiya-siya: wala akong kasintahan!
3 Napakahirap maghanap ng kasintahan. Gusto ko ng nobyang puti na may mahaba at kulay
mais na buhok, matangos na ilong, at asul na mata. Lamang, bihira ang ganuong tipo ng babae
dito sa Hindia Belanda! Sa susunod na tatlong buwan pa nama’y tutungtong na akong
bente-dos anyos. Iyong ibang kasama ko dito sa kuta, nangahas nang makipagrelasyon sa mga
katutubo. Pwe! Ako, ayoko. Mga ulikba, dugyot, mangmang....nakakawalang-gana. Totoong
hindi ganuon ang lahat ng dalagang katutubo. Mayroon din naman talagang magaganda. Higit
na maganda kaysa babaeng Kastila na minsan ko nang nasaksikhan: morena, maliit na ilong,
itim at mahabang buhok, at mga matang puno ng ambisyon. Pero kaibigan, huwag kang
umasang magkakaroon ang isang tulad kong mersenaryo ng ganuong kasintahan. Tanging sa
keraton lang matatagpuan ang mga ganuong tipo ng babae. Mga tunay na anak at prinsesa ng
keraton! Kahit ang Gobernador Heneral ay hindi basta-basta pwedeng makipagrelasyon o
mag-asam na ikasal sa kanila.

4 Dahil dito, kapag may mga kaguluhang nag-uudyok sa aming makilahok sa labanan, mas
pinipili ko na lang na matulog at magpantasya. Laging pinupuna ng mga kasamahan ko ang
pagiging pihikan ko, ang kagustuhan kong magkaroon ng nobyang puti. Ang katuwiran ko sa
kanila, nais ko lang panatiliing puro ang aking dugo at lahi. Panatiliing puro ang dugong
Europeo at ang dakilang sibilisasyon, kaalaman, pilospiya, at iba pang maliliit na bagay
kaugnay nito. Natatameme at tinatamaan ng hiya (dahil nakipagrelasyon sila sa mga katutubo)
ang mga kasamahan ko sa t’wing naririnig nila ang ganitong paliwanag ko. Hetong sa inyo! O
ano? Palag pa?
5 Pagkatapos ng aming munting debate, upang labanan ang bagot, napunta sa ibang paksa
ang aming usapan. May ilang matanda na nagkuwento tungkol sa mga malalaking digmaang
kanilang nilahukan. Halimbawa nito ay ang Digmaang Diponegoro noong 1825 hanggang 1830.
O di kaya’y ang Digmaang Jaraga sa Bali noong 1846-1849. Kakatuwang marinig ang mga
ganuong kuwento, lalo na kung ang nagkukuwento ay ang matandang si August, isang
retiradong sundalo galing Pransiya na sumumpa sa kaniyang puntod na nakaharap niya si
Prinsipe Diponegoro.
6 “Iniwanan pa nga niya ako ng sugat sa balakang,” buong pagmamalaki niya. “Binigyan pa nga
ako ni Gobernador de Kock ng parangal.”
7 Gusto ko ring maranasan ang ganuong mga bagay. Pero sayang, imposible na iyon sa
kasalukuyan. Tapos na ang panahon ng malalaking digmaan. Mas madalas pa ngang
nakatengga lang kami dito sa kuta. At sa mga sandaling ganuon, talagang gustong-gusto kong
matulog at magpantasya. At habang natutulog at nangangarap, bigla kong naalala ang isang
dalagang may maputing kutis, matangos na ilong, asul na mata, at kulay mais na buhok—si
Marietje.
8 Magkatrabaho kami noon sa isang panaderya sa Delft. Mas bata siya sa akin ng dalawang
taon. Katulong siya sa panaderya samantalang ako naman ang bantay nito. Bago ako
magpasyang tumungo sa Hindia Belanda, alam kong paris naming sinisinta ang isa’t isa
(sigurado ako!). Oh Diyos ko, bakit kasi sa Europa lang mayroong dalagang puti? Muli akong
naburyong at binista ni Marietje sa aking alaala. Sa totoo lang, hindi naman talaga kagandahan
si Marietje. May kaunti siyang tigyawat sa mukha, medyo maarte, at hindi rin ganuon katalino.
Ang ebidensya? Hindi niya alam kung nasaan ang bansang Pransiya (ang kamangmangang
tulad ng kay Marietje ay matatapatan lamang

ng mga babarbong tribo dito sa Hindia Belanda). Pero anu’t anuman, nahulog pa rin ang loob
ko sa kanya. Nasa mga mata niyang nangungusap ang sikreto. Mga matang manaka-nakang
tumatagos sa aking kalooban.
9 Sayang at hindi makararating si Marietje dito sa Hindia Belanda.
10 “Bakit di ka magpadala ng sulat sa kaniya at sabihan siyang pumunta dito?”
tanong ng isang kasama pagkatapos pakinggan ang nakalulungkot kong istorya.
11 “Para ‘tong tanga,” bulalas ko. “Alam mo naman kung bakit hindi siya makapunta dito.”
12 Oo, dapat alam niya, nila, na imposible para kay Marietje na pumunta dito sa Hindia
Belanda. Tulad ng alam ng lahat, napakalayo ng distanya mula Olanda hanggang sa lupaing
barbarong ito. Ang sabi nila, para mo raw tinawid ang kalahati ng mundo. Isipin: magaganda’t
malalambing na dalagang Europeo na kailangan dumaan sa nakahihibang na paglalakbay
makarating lang dito. Sa katunayan, sa paglalakbay namin patungo dito, marami sa amin, kahit
ako, ang gusto na lamang magpatangay sa alon sa gitna ng karagatan (ewan kung anong
pangalan ng dagat na iyon, liyong-liyo kasi ako noong panahong iyon). At nang sandali kaming
dumaong sa Marseille, nagawa pang makpag-away ng mga pasahero sa mga trabahador sa
pantalan bago inawat ng mga kawal ng kaharian. Ano na lang ang mangyayari sa isang
dalagang Olandes kung sasama siya sa isang paglalakbay paris ng sa amin? Pihadong
magiging biktima siya ng mga kaululang endemiko sa naturang paglalakbay.
13 At isa pa, dahil nga sa mga nabanggit kong balakid sa paglalakbay, matagal nang patakaran
ang hindi pagdadala ng babaeng Olandes dito sa Hindi Belanda. Pero kung iisipin, estupido ang
patakarang iyon. Gamitin na lang nating halimbawa si Marietje: siya’y isang babaeng matatag.
Hindi siya mahihirapan sa paglakakbay patungo sa kabilang panig ng mundo. Pero anong
magagawa ko? Napatupad na ang patakaran ito noong simula nang dumating sa Batavia noong
1619 ang grupo ni Jan Pieterszoon Coen. Noong panahong iyon, nais din ni Coen na magsama
ng babaeng Olandes upang mapanatiling puro ang kaniyang dugong Europeo (mautak din itong
si Coen, aaminin ko). Pero siya’y nabigo dahil hindi ito pinahintulutan ng lintik na si Heeren
(patawad, ang ibig kong sabihi’y kamahalang Heeren XVII).
14 At nanatili nga (hindi man lang inamyendahan) ang bwiset na patakarang iyon. At
nagdurusa ako, ako na isang mersenaryo, dahil ang pinakamamahal kong si Marietje ay hindi
makararating dito sa Hindia Belanda. Nakakaburyong!
15 Pagkatapos ay narinig ko ang boses ng kaibigan ko na puno ng resignasyon: “Kalimutan mo
na ang lahat ng ‘yan. Ganun talaga ang kapalaran ng mga mersenaryong tulad natin.”
16 “Anong pinagsasabi mo?” angal ko. Sa isip ko, hindi na nakatutuwa ang taong ito.
Nakakainsulto na. Nakakalalaki na.
17 “Alam mo namang panahon pa ng VOC ay tanging mga mataas na opisyal lang ang
pwedeng magsama ng mga asawa at anak nila dito. Para sa atin lang ang lintik na patakarang
ito.”
18 Aaminin kong tama siya. Pero saan naman ako kukuha ng lakas ng loob para kalabanin ang
Gobernador Heneral? Sabihin pa, ang mismong kaharian na nasa kabilang panig ng mundo?
19 Sa totoo lang, noong panahong iyon, nawawalan na talaga ako ng pag-asa. Sumagi pa nga
sa isip kong umuwi na lang sa Olanda. Pero hindi ko iyon ganun kadali. Wala na akong pamilya
doon. Wala rin akong ibang kasanayan o trabaho na alam gawin. Hindi rin ako tiyak kung saan
ako madedestino. Usap-usapan na sa Belanda ang dumadaming bilang ng mga nadidistyerong
indibidwal. Hindi ako mabubuhay kung manatili lang akong manggagantso. Kung sakali, pwede
siguro ulit akong maging bantay sa panaderya. Maginhaw at masaya naman ang buhay sa
Olanda. At isa pa, malulunasan na rin sa wakas ang pangungulila ko sa babae.
Hayy...nakakahilo!
20 Paano kaya kung maghanap na lang ako ng kasintahang katutubo? Hiii... nandidiri at
kinikilabutan pa rin ako. Pero kung iisipin, posibleng may mga dalaga mula sa kanayunan, mga
anak ng magsasaka o mangingisda, na maganda. Hindi man asul ang kanilang mata, maputi
ang kutis, kulay mais ang buhok, at matangos ang ilong, ang mahalaga ay maganda pa rin sila.
Pero tiyak na iyong mga ganuong tipo ay napasakamay na ng matataas na opsiyal. Reserba
ba. O Diyos ko, bakit ninyo ako ginagawang matandang binata? Bwiset!

21 Subalit noong panahong iyon na talagang nawawalan na ako ng pag-asa at handa nang
lunurin ang sarili sa dagat, nakarating sa akin ang isang magandang balita. Isang himala ng
mundo, kasama! Sa ngalan ng mga Diyos ng mga katutubo, nagpapasalamat ako para sa
makasaysayang pangyayaring ito: ang pagbubukas ng Kanal ng Suez noong 1869 at
pagpapahintulot ng Kaharian ng Olanda na maglayag ang mga kababaihan papuntang Hindia
Belanda. Napasigaw at napatalon ako sa tuwa. Walang mapaglagyan ang kasabikang
nadarama ko. Muling sumigid sa aking gunita ang imahe ni Marietje. Napanigipan kong nagkita
na kami. O Marietje, mahal ko na matagal kong hinintay. Ano na kayang itsura niya ngayon?
Wala na kaya ang kaniyang mga tigyawat? Mas tumalino na kaya siya? Bakit ko ba iniisip ang
mga bagay na iyon? Sapat na sa aking gusto niya akong maging kasintahan, na gusto niyang
pumarito sa tabi ko.
22 Madali akong lumiham kay Marietje. Sinabihan ko siyang maglayag papunta dito sa Hindia
Belanda, na sakyan niya ang pinakaunang barkong dadaan sa Kanal ng Suez. Idinagdag ko rin
sa dulo ng liham na iniibig ko pa rin siya at gabi-gabi ko siyang napapanaginipan (walang
halong pambobola ang huling pangugusap, ha!).
23 Marami din sa mga kaibigan ko ang nagpadala ng liham sa kanilang mga kasintahan sa
Europa. Iyong mga mas matanda, tiyak na hiniling sa kanilang mga asawa at anak na tumungo
sa Hindia Belanda. Kahit iyong mga sundalong mayroon nang kasintahang katutubo ay hindi
nangiming magpadala ng liham sa Olanda, binubuyo ang kasintahang puti na dumalaw sa
Hindia Belanda: lupaing birhen at marikit. Napangiti ako habang inaasar ang mga damuho. Sa
isip ko, ang mga lalaki talaga, oo.
24 Sa wakas ay dumaong na ang unang barko na dumaan sa Kanal ng Suez. Pinagkaguluhan
ng tao ang presensya nito. Nag- abang kami ng mga kasamahan ko sa pantalan. At pangako,
walang halong biro, punong-puno ng naggagandahang babae ang naturang barko. Bumilis ang
tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ang prusisyon ng mga babaeng may buhok na kulay
mais. Isang-isang sinundo ng mga lalaki ang kani-kanilang mga asawa’t anak. Gayundin ang
ginawa ng mga binata sa kani-kanilang kasintahan. Ubos-lakas kong hinanap si Marietje.
Nasaan si Marietje? Mahal kong Marietje, nasaan ka?

25 Kasama, isang liham lang at hindi si Marietje ang dumating para sa akin. Sa liham niyang
iyon, sinabi ni Marietje na hindi siya makaalis ng Olanda dahil kakataas lamang ng sahod niya
sa trabaho. Sa palagay niya, sayang lang kung iiwan niya iyon para lamang tumungo sa Hindia
Belanda.
26 “Hangal na Marietje!” bulalas ko na puno ng pagkadismaya (napatalon tuloy sa gulat ang
mga kasama ko). “Anong saysay ng mataas na sahod at pwesto sa panaderya kung
ihahambing sa kaalwanang kayang ibigay ng Hindia Belanda?” Tagalang nakayayamot at
nakaiinis ang naturang pangyayari.
27 Sinubukan akong aluin ng ilan sa mga kaibigan ko. Isa sa kanila ang malumanay na nagsabi
na, “Subukan mo siyang padalhan ulit ng liham. Baka kailangan mo lang mas maging
malambing. Kaunting bola pa. Hindi ba ikaw ang pinamatamis ang dila sa atin? Manggagantso?
Bolero? Kumbinsihin mo si Marietje hanggang sa pumayag siyang iwan ang lintik na
panaderyang iyon.
28 Tumango-tango lang ako.
29 “Sabihin mo sa kaniya na talagang sobrang yaman ng Hindia Belanda,”
mungkahi ng isa ko pang kaibigan. “Sabihin mo ring sa kaniyang nasakop na natin, tayong
kabataang Olandes, ang lahat ng lupain at dagat sa kabuuan ng Hindia Belanda. Nakuha na
natin ang kayaman nito, at tayo na rin ang namumuno rito. ‘Yan ang sinabi namin sa aming mga
kasintahan hanggang sa makumbinsi silang pumarito. Alam mo namang mukhang pera ang
mga babaeng Europeo.”
30 Napatango lang ako, sumasang-ayon sa mungkahi ng kaibigan. Agad akong lumiham kay
Marietje. Mahal kong Marietje, simula ko, susuyurin at sasakupin ko ang lupaing barbarabong
ito alang-alang sa iyo. Iaalay ko sa iyo ang kaniyang kalikasang maganda, diyamante, ginto,
samut-saring brilyantes, at lahat-lahat para sa ‘yo. Ayos na ‘to. Kahit yata ako’y mapapaoo sa
sarili kong pambobola. At kung magkasubukan man, kaya kong mag-armas at lumaban para sa
mga bagay na iyon.
31 At sa wakas ay dumating na nga si Marietje.
32 Nginitian niya ako. Mga kasama, tila mas naging hinog na siya ngayon. Parang
wala na ang kaniyang mga tigyawat at mas lalo siyang gumanda. Mukha rin hindi na
siya mangmang tulad noon. Ang sabi pa niya sa akin, alam na niya kung nasaan ang bansang
Pransiya. Pinagmamalaki rin niya sa akin na marunong na siyang mag-Ingles at mag-Espanyol.
33 Walang mapaglagyan ang ligaya ko.
34 Pagkatapos, biglang bumaling sa akin si Mariteje: “Mahal ko, nasaan na ‘yung
lupaing sasakupin mo para sa akin?”
35 At muli, kasama ang sanlaksang magigiting na kabataang Olandes, nag-armas ako at
sumabak sa bakbakan. Nakpagdigman sa kanluran, sa silangan, sinusuyod- sakop ang bawat
sulok ng mahiwagang lupain na ito. Totoong naging matindi ang paglaban ng mga kaaway, pero
lagi kaming nagwawagi! Maitatala sa kasaysayan na nagpunyagi kami sa lupaing iyon ng mga
barbaro. Maiwawagayway ang bandila ng Kaharian ng Olanda sa lahat ng sulok ng Hindia
Belanda: pula, puti, asul. Iniaalay namin ang mayamang lupaing ito sa aming pinakmumutyang
hari at reyna. Siyempre, pati sa aming mga kasintahan. At sa kaso ko, para sa pinakamamahal
kong si Marietje na wala nang tigyawat at hindi na ganuon kamangmang.
36 At iyon ang kuwento ng aming kagila-gilalas na pakikidigma. Pakikidigma laban sa
kamangmangan ng mga nilalang sa lupaing ito na noo’y wala pang pangalan —na pagdaka’y
papangalanan naming Hindia Belanda. (2000)

Title: Flirting for Marietje


(Rayuan Dusta for Marietje)
by Eka Kurniawan (Indonesia)
Translated to Filipino by Arlo Mendoza

1 I arrived in Batavia in 1869 as a mercenary. Although I couldn't be considered an


expert in war, I managed to convince my recruiter that I was a feared executioner and
shooter in Holland. Imagine that, a shooter! So impressed was my commander that he
sent me to a small fort in Ancol. Yes, I'm a swindler and a flirt. The number one liar in
Holland and even in the whole of Europe.

2 But please understand my desire to cross the seas just to reach foreign lands: I am
poor and completely orphaned. Many say that the Dutch East Indies promises
everything. Vast and fertile lands compared to the arid and small farmlands in Holland,
there's also gold yet to be excavated, and various spices. I was really eager to reach the
Dutch East Indies to change my fate. And that promise drove my feet to Batavia. Here,
except for one thing, everything is pleasant: I have no sweetheart!

3 Finding a sweetheart is very difficult. I want a white girlfriend with long, corn-colored
hair, a high nose, and blue eyes. Unfortunately, there are very few of that kind of girl in
the Dutch East Indies! In the next three months, I'll be turning twenty-two. Some of my
companions here in the fort dared to engage with the natives. No way! I don't want that.
They are dirty, ignorant, repulsive... disgusting. Not all native girls are like that, though.
Some are really beautiful. More beautiful than the Spanish women I've seen: tan skin,
small nose, black and long hair, and eyes full of ambition. But, my friend, don't expect a
mercenary like me to have that kind of girlfriend. Only in the keraton can you find those
kinds of girls. True children and princesses of the keraton! Even the Governor-General
can't easily engage or hope to marry them.

4 Because of this, when there are disturbances pushing us to participate in the battle, I
prefer to just sleep and fantasize. My comrades always criticize my pickiness, my desire
to have a white girlfriend. My justification to them is that I just want to keep my blood
and lineage pure. To keep the European blood and the greatness of civilization,
knowledge, philosophy, and other small things related to it pure. My comrades get silent
and embarrassed (because they engage with the natives) every time they hear my
explanation. Here's to you! What about that? Still arguing?

5 After our small debate, to fight boredom, our conversation shifted to another topic.
Some elders told stories about the big wars they participated in. Examples are the
Diponegoro War from 1825 to 1830 or the Jaraga War in Bali from 1846-1849. It's
amusing to hear such stories, especially when it's August, an old soldier from France
who swears on his grave that he faced Prince Diponegoro.

6 "He even left me with a wound on my buttocks," he proudly said. "Governor de Kock
even honored me."

7 I also wanted to experience such things. But too bad, it's impossible now. The era of
big wars has passed. Most of the time, we're just idling here in the fort. And during those
moments, I really want to sleep and fantasize. And while sleeping and dreaming, I
suddenly remembered a girl with fair skin, a high nose, blue eyes, and corn-colored
hair—Marietje.

8 We worked together in a bakery in Delft. She's two years younger than me. She was
the assistant in the bakery, and I was the guard. Before deciding to go to the Dutch East
Indies, I knew that we both loved each other (I'm sure of it!). Oh my God, why are white
girls only in Europe? I was buried in my memories again, and Marietje visited me again.
To be honest, Marietje wasn't really beautiful. She had a few pimples on her face, a bit
pretentious, and not that smart. Evidence? She didn't know where France was (the
ignorance of Marietje can only be matched by the barbaric tribes here in the Dutch East
Indies). But whatever, I still fell in love with her. There was something in her eyes that
spoke secrets. Eyes that penetrated my heart.

9 Too bad Marietje can't come to the Dutch East Indies.


10 "Why don't you send her a letter and tell her to come here?" one companion asked
after hearing my sad story.

11 "It's like being foolish," I replied. "You know why she can't come here."

12 Yes, she should know, everyone should know that it's impossible for Marietje to
come to the Dutch East Indies. As everyone knows, the distance from Holland to this
barbaric land is too far. They say it's like crossing half the world. Just imagine: beautiful
and affectionate European girls have to go through a crazy journey just to get here. In
fact, during our journey here, many of us, even me, just wanted to let ourselves be
carried away by the waves in the middle of the ocean (I don't know the name of that
sea, I was too seasick at that time). And when we docked in Marseille for a moment,
passengers even got into a fight with dockworkers before being stopped by the
kingdom's guards. What would happen to a Dutch girl if she joined a journey like ours?
She would surely fall victim to the endemic shortcomings of that journey.

13 Another reason is that, because of the obstacles mentioned in the journey, it has
long been a policy not to bring Dutch women to the Dutch East Indies. But thinking
about it, that policy is stupid. Let's use Marietje as an example: she's a strong woman.
She wouldn't have a hard time traveling to the other side of the world. But what can I
do? That policy has been in place since Jan Pieterszoon Coen's group arrived in
Batavia in 1619. At that time, Coen also wanted to bring a Dutch woman to keep his
European blood pure (Coen was also clever, I admit). But he failed because that damn
Heeren (forgive me, what I mean is the revered Heeren XVII) didn't allow it.

14 And that damn policy remained (without amendment). And I suffer, I, a mercenary,
because my dearest Marietje can't come to the Dutch East Indies. It's frustrating!

15 After that, I heard the voice of my friend full of resignation: "Forget all that. That's just
the fate of mercenaries like us."

16 "What are you talking about?" I protested. In my mind, this person is no longer
amusing. It's insulting. Unmanly.

17 "You know that since the VOC era, only high officials are allowed to bring their wives
and children here. This damn policy is just for us."

18 I admit he's right. But where would I find the courage to fight against the
Governor-General? Moreover, the very kingdom on the other side of the world?
19 To be honest, during that time, I was really losing hope. It even crossed my mind to
just go back to Holland. But it wasn't that easy. I had no family there. I also had no other
skills or job that I knew how to do. I wasn't sure where I would end up. The increasing
number of destroyed individuals in the Netherlands was already a topic of conversation.
I couldn't survive just being a swindler. Perhaps, I could go back to being a guard in the
bakery. Life in Holland was comfortable and happy. And besides, my longing for the
woman could finally be resolved. Oh... it's dizzying!

20 What if I just look for a local sweetheart? Hiii... I still find it disgusting and gives me
goosebumps. But if I think about it, there might be maidens from the countryside, the
children of farmers or fishermen, who are beautiful. Even if their eyes aren't blue, their
skin is fair, their hair is the color of corn, and their noses are sharp, the important thing
is that they are still beautiful. But those types are probably already taken by high
officials. Reserved. My God, why do they make me an old bachelor?

21 However, at that time when I was truly losing hope and ready to drown myself in the
sea, good news reached me. A miracle of the world, indeed! In the name of the native
gods, I am grateful for this historic event: the opening of the Suez Canal in 1869 and the
permission of the Kingdom of the Netherlands for women to sail to the Dutch East
Indies. I shouted and jumped for joy. My excitement knew no bounds. The image of
Marietje reappeared in my memory. I dreamed that we had met. Oh Marietje, my love
that I have waited for so long. I wonder what she looks like now. Are her pimples gone?
Is she smarter now? Why am I thinking about those things? It's enough for me that she
wants to be my girlfriend, that she wants to come to be with me.

22 It was easy for me to write to Marietje. I told her to sail to the Dutch East Indies, to
take the first ship that passes through the Suez Canal. I also added at the end of the
letter that I still love her and dream of her every night (the last sentence is without any
flattery, ha!).

23 Many of my friends also sent letters to their sweethearts in Europe. The older ones
surely asked their wives and children to come to the Dutch East Indies. Even those
soldiers who already had native girlfriends didn't hesitate to send letters to Holland,
urging their white sweethearts to visit the Dutch East Indies: a virgin land and beautiful. I
smiled as they teased the fools. In my opinion, men are really like that, yes.

24 Finally, the first ship that passed through the Suez Canal arrived. People were
excited about its presence. We, my companions and I, waited at the pier. And I promise,
no joke, the ship was full of beautiful women. My heart beat faster as I watched the
procession of women with corn-colored hair. The men individually picked up their wives
and children. The young men did the same with their sweethearts. I eagerly looked for
Marietje. Where is Marietje? My dear Marietje, where are you?

25 Together, only one letter arrived for me, and it wasn't from Marietje. In that letter,
Marietje said that she couldn't leave Holland because she had just received a raise at
work. In her opinion, it would be a waste if she left it just to go to the Dutch East Indies.

26 "Foolish Marietje!" I exclaimed, full of disappointment (it startled my companions).


"What's the use of a high salary and a position in the bakery compared to the prosperity
that the Dutch East Indies can offer?" This incident was really irritating and annoying.

27 Some of my friends tried to console me. One of them gently suggested, "Try sending
her another letter. Maybe you just need to be more affectionate. A little more sweet talk.
Weren't you the one who sweetened our tongues? A swindler? Convince Marietje until
she agrees to leave that damn bakery."

28 I just nodded.

29 "Tell her that the Dutch East Indies are really wealthy," suggested another friend of
mine. "Also, tell her that we've conquered everything, as young Dutch people, all the
lands and seas in the entire Dutch East Indies. We've acquired its wealth, and we're the
ones governing here. That's what we told our sweethearts until they were convinced to
come. You know that European women look like they're after money."

30 I just nodded, agreeing with my friend's suggestion. I immediately wrote to Marietje.


My dear Marietje, from now on, I will explore and conquer this barbaric land for you. I
will dedicate to you its beautiful nature, diamonds, gold, various kinds of diamonds, and
everything for you. This should work. I might even convince myself with my own sweet
talk. And if it comes to it, I can arm myself and fight for those things.

31 And finally, Marietje arrived.

32 She smiled at me. My companions, she seemed to have matured even more now.
It's like her pimples are gone, and she's even more beautiful. She also looked less
ignorant than before. She even told me that she now knows where the country of
France is. She proudly mentioned to me that she can speak English and Spanish.

33 My joy knew no bounds.

34 Then, Mariteje suddenly turned to me: "My love, where is the land you will conquer
for me?"
35 And once again, with a hundred brave Dutch youth, I armed myself and entered the
battle. Fighting in the west, in the east, we combed and conquered every corner of this
magical land that still had no name—soon to be named Dutch East Indies. It is truly
recorded in history that we triumphed over the barbarians in that land. We will hoist the
flag of the Kingdom of the Netherlands in every corner of the Dutch East Indies: red,
white, blue. We offer this rich land to our most revered king and queen. Of course, to
our sweethearts as well. And in my case, for my dearest Marietje, who no longer has
pimples and is no longer that ignorant.

36 And that is the story of our remarkable conquest. A conquest against the ignorance
of the beings in this land that had no name at the time—now to be called the Dutch East
Indies. (2000)

You might also like