You are on page 1of 17

Panuto: Kilalanin kung sino ang

mga nagwika ng bawat kataga.


1. “Mahal ko ang aking bayan
pagkat utang ko rito at magiging
utang pa ang aking kaligayahan.”
2. “Tunay pong hindi ako
maaaring umibig ni lumigaya sa
sariling bayan ngunit nakahanda
akong magtiis at mamatay rito.
Hangad ko na ang lahat ng Inang
Bayan ay magiging kasawian ko
rin.”
3. “Ang karunungan ay para sa
lahat, ngunit huwag mong
lilimuting iya’y natatamo ng mga
may puso lamang.”
4. “May mga lalong dakilang
bagay na dapat mong isipin- ang
hinaharap ay nabubuksan pa
lamang para sa iyo, sa akin ay
ipinipinid na…”
5. “Dapat bigyang dangal ang
isang mabuting tao habang
buhay pa hindi kung patay na.”
6. Kung ang isalubong sa iyong
pagdating ay masayang mukha’t
may pakitang giliw, lalong
pagingata’t kaaway na lihim.
7. Tunay pong hindi ako maaaring
umibig ni lumigaya sa sariling bayan
ngunit nakahanda akong magtiis at
mamatay rito. Hangad ko na ang lahat
ng Inang Bayan ay magiging kasawian
ko rin.
8. Kung may masamang bahagi
kayo na nag-uudyok sa inyo sa
pagkakasala, putulin ninyo,
inyong itapon sa apoy.
9.Mamamatay ako na di makikita
ang pagbubukang liwayway sa aking
bayan! Kayong nakamamalas sa
kanya, batiin ninyo siya at huwag
ninyong kalimutan ang nangabulid
sa dilim ng gabi.
10. Ang kumbento o ang
kamatayan
11.“Diyos ko, kung ako’y iyong
pinaghihigantihan, huwag ninyo
pong idamay ang walang malay
kong anak.”
12. Kayo ang unang lalaking
nakausap ko sa lupaing ito!
13. Sa ano’t ginawa ang
kumpisalan kundi upang
magkasala? Ang lahat ng bagay
ay napapatawad, sabihin
lamang sa kura.
14. Ang mga anak ay dapat
magnasang maging higit kaysa
kanilang magulang at sa ating
piling ay wala tayong itinuturo sa
kanila kundi ang maging bata.
15. Marahil ay inakala na nilang
ako’y patay. Nais kong
paligayahin sila at aginalduhan
ngayong gabi ang aking ina… ng
isang anak!
Sagot:
1.) Crisostomo Ibarra
2.) Elias
3.) Guro
4.) Don Rafael Ibarra
5.) Pilosopo Tasyo
6.) Pilosopo Tasyo
7.) Elias
8.) Padre Damaso
9.) Elias
10). Maria Clara
11.) Sisa
12.) Heneral
13.) Andeng
14.) Kap Maria
15.) Basilio

You might also like