You are on page 1of 1

Princess Antonette A.

Tesado X - PERSEUS

Donya Victorina
Narinig ba ninyo ‘yun? Mag-alaga ng mga pato sa tabi ng ilog para kainin ang mga suso?
Naku… Kadiri! Ayoko kaya ng mga balut!
Ay, oo nga pala… Saan na ba ako? Tiburcio! Saan kaya pumunta ang lokong yun? Hay
nako! Dinagdag niya lang ang mga problema ko sa buhay. Sa lahat ng ginawa ko para sa kanya,
ganito lang ang makukuha ko? Aba marunong ata yun sa larong tagu-taguan. Pinahirapan niya
talaga ako eh.
S’ya pala. Ako si Donya Victorina de los Reyes de de Espedaña, ang pinaka-mestizang
Espanyol na doktora, ang sinaktan at iniwan, cuarenta y cinco, Espanya!
Hays. Grabe ano? Dahil sa kagandahan ko, marami akong mga manliligaw noon pero
itinaboy ko sila lahat. Bakit naman ako magpapakasal sa isang indiyo? Oops. Ang taong pinili at
pinakasalan ko ay si Don Tiburcio de Espedaña, isang doktor na Espanyol. Oh diba? Ang swerte
ko. Ngayon na ako’y asawa ng isang doktor, nakamit ko narin ang pinakamimithiing
altasociedad! Hindi lang ako maganda, sosyal pa! Pero‘yun nga ang problema, tumakas ang
asawa ko. Kapag nakita n’yo po siya, alam n’yo na po kung sino ang hahanapin.
Ngunit, ang mga mata ko bigla nalang napatingin sa isang taong marunong magsalita ng
Pranses. Napahanga talaga ako sa kubang ‘yon. Alam n’yo ba si Juanito Pelaez? Oo! Yung may
gusto sa magandang pamangkin ko na si Paulita Gomez. Sa sobrang ganda ni Lita, hindi alam ng
mga lalaking nagkakagusto sa kanya na nagmanaang kagandahan niya galing sa akin.
Kaya kayong mga indiyo, kung hindi niyo gusto ang gulo, alis kayo sa paningin ko, ha?
Doktora na, Hermosa pa. Isang Espanyol at hindi Filipino! Tularan n’yo ako at gaganda ang
mukha at buhay ninyo.

Hala. Nakalimutan ko pala, may salu-salo pala akong pupuntahan ngayon. Mauna na po
ako mga indiyo. Adios!

You might also like