You are on page 1of 2

KABANATA 24

Don Tito Paano ang gagawin nila? Anong gusto nilang gawin ko? Nananakawa alo ng baka araw-
araw!Nagbabayad ako ng lahat ng kailangang nuwis, pero ‘di ako nabibigyan ng karampatang
pagsasanggalang sa buhay ng aking mga tauhan at sa aking mga ari-arian. Masama bang
ipagtanggol ang sarili ko? Kagagawan ‘yan ng mga kaaway ko sa politika!
Labag sa batas ang walang pahintulot nap ag-iingat ng mga sandata at punglo!
Next scene
Miss Dolor Ano ang kahulugan ng Operation Scarlet, Stanley?
Estanislao Villas Puwes, nalalaman mo kung anong kulay ang scarlet, ‘di ba? Iya’y pula, kulay dugo! Maaaring
mangahuluga ang operasyong iyan ay blood bath! Maaaring sa operasyong iyan ay magkahalo na
ang balat at ang binalatan, ang kawikaan nga, Kahabag-habag na Lino!
Miss Dolor Naniniwala ka bang may kinalaman si Lino sa ibinabalitang mga katampalasan?
Estanislao Villas Ayokong maniwala
Miss Dolor Ano kaya ang loob-loob ni Miss Sanchez at ni Pari Amando?
Estanislao Villas Utang na loob, darling, huwag mong banggitin ang mga pangalang iyan!
Miss Dolor Oo nga, nakakalunos isipin! Pero, darling, nalalaman na kaya ni Ernesto ang mga nangyayari kay
Lino?
Estanislao Villas Nalalaman na! Kawawang bata. Ang sabi ni Miss Sanchez hindi makakain, hindi rin makatulog at
palaging umiiyak ang bata. Hay nako, darling, Huwag na nga ‘yan pag-usapan. Nagsisikip ang
dibdib ko!
Next scene
Civilian Guard 1 May balitang aalisin na raw ang lahat ng civilian guard, pag-upo ng bagong pangulo sa Enero.
Civilian Guard 2 Ang dami talagang dapat alisin na mga walanghiyang civilian guard pero hindi naman dapat
tanggalin lahat!
SFX *kaluskos* o *naglalakad* maingay na tsinelas
Civilian Guard 3 Uy! Ano yun?
*tahimik saglit*
Civilian Guard 1 Tao!
Civilian Guard 2 Tao nga! Nag-iisa! Plaslaitin mo!
Estanislao Villas Huwag! Magsibaba kayo sa foxhole, magmasid at humanda! Ingatanang mga gato! Huwag
puputok habang maiiwasan!
Civilian Guard 1 Papalapit dito! Hayun! Nagkubli yata sa bagong bantayog!
Civilian Guard 2 Hindi! Galing yata sa labas ‘yan, ‘Di makakalampas yan sa mga tanod sa bulaos kung nanggaling
‘yan sa labas. Baka magnanakaw ‘yan.
Estanislao Villas Kung magnanakaw lamang,bakit parang di alam kung saan siya pupunta?
Civilian Guard 1 Parang bata e.
Civilian Guard 2 Mga bata ang runner ng mga Huk, Ayun! Lumalakad! Huminto sa may puno ng kabalyero! Aba!
Umaakyat, tsip!
Estanislao Villas ‘Di ko maintindihan ‘to. Igayak ang mga flashlight, Magsiahon kayo at tumalatag. Lumapit tayo
nang unti-unti. Ako ang pipindot ng flashlight. Ako rin ang unang puputok, kung kinakailangan!
Halika na!
SFX *nahulog* *nagkagulo*
Estanislao Villas Ernesto!! Bakit? Anong ginawa mo?
SFX *binubuksan yung lukot na papel*
Estanislao Villas Maiwang kayong lahat dit. Isa lang ang sasama sa akin upang ihatid ang batang ito sa kanila.
Estanislao Villas Miss Sanchez! Miss Sanchez!! Miss Sanchez!!!
Miss Sanchez Mr. Villas, kayo ba?
Estanislao Villas Opo, Miss Sanchez. Magandang gabi sa inyo. Ako nga si Villas! Nariyan po ba si Ernesto?
Miss Sanchez E, eto nga po kami, nagising dahil napansin naming wal siya sa kaniyang higaan. Hindi namin
alam kung nasaan siya. Bakit po ba, Mr. Villas?
Estanislao Villas Huwag na kayong mabahal Miss Sanchez. Kasama namin si Ernesto.
Miss Sanchez Naku! Siyanga hu ba? Halikayo. Tuloy kayo!... Naku! Bakit? Anong nangyari sayo??
Estanislao Villas Nasugatan sa pagkakahulog at parang nabalian yata. Magdadala ako bukas ng marunong
maghilot, Miss Sanchez… Sige na ako’y mauuna na. Paalam sa inyo.
Miss Sanchez Maraming Salamat po, Mr. Villas
Miss Sanchez Magpahinga ka na Ernesto. Ipapagamot natin ang kamay mo bukas.
SFX *humihikbi*
Miss Sanchez Nauunawaan kita, Ernesto. Hindi kita sinisisi, hindi rin ako nagagalit. Sinabi ko na sa iyong
minamahal kita. Mahiga ka na at magpahinga.
Ernesto Hindi *hikbi* masamang tao *hikbi* ang tatay ko *hikbi* Hindi niya ibibigay *hikbi* itong
krusipiho *hikbi* kung masama siyang tao *patuloy sa pag-iyak*
Miss Sanchez Iyan din ang paniniwala ko. Liliwanag din ang lahat. Magpahinga ka na, Ernesto.
Doktor Broncho-pneumonia
Miss Sanchez Mabigat ba, Doktor?
Doktor Hindi naman. Mabuti at natingnan agad! … Dadalawin ko siya bukas, Miss Sanchez

You might also like