You are on page 1of 14

Mga Gunita ng Himagsikan 

             (Memoirs)
           By Emilio Aguinaldo
            Originally published 1964
EMILIO
AGUINALDO
• Emilio Famy Aguinaldo Sr. Was born on March 22
1869 in kawit cavite to Carlos Jamir Aguinaldo and
trinidad Famy-Aguinaldo.
• A filipino revolutionary,politician and military who is
officially recognized as first and the
youngest president of the Philippines.
• He led Phillipines forces first against Spain in the
latter part of the Philippine revolution (1896-1898)
and then in the Philippine-American war (1899-1901)
and the family against the United states during the
Phillipine-American war (1899-1901).
• He died on febuary 6 1964 (age 94)
ABOUT THE BOOK

• Between 1928-1946 he produced the first volume of his Memoir 


"Mga Gunita ng Himagsikan"  translated from the original tagalog as
"Memoir of the revolution" by Sulpicio Guevarra (1967).
• In his preface Aguinaldo says the memoir were based on a diary he kept and
family lore gathered by his family.
• A second publication was made in 1998 during the 100th anniversary of
Phillippines independence.
HULING ARAW NG AKING PAGKA-CAPITAN
MUNICIPAL
• Lumulan ako sa isang bangka upang ihatid  sa Cavite El Viejo. Mag aalas dos
na nung dumaong kami sa Cavite El Viejo binayaran ko ang bangkero ng 5
piso na kanilang ikinatuwa.

• Pagkadaka'y nagtuloy ako sa kumbento upang ibalita sa kura ang nabigo kong


lakad sa kabite

• Maikatlo akong kumatok sa pinto ng kanyang silid, ngunit walang sumasagot


nilakasan ko ang aking yabag ng aking sapatos upang matanto nila na may
tao sa labas, ngunit wala ring kumikilos naghinala tuloy ako sa sarili na baka
ayaw na nila akong tanggapin. lalo ko pang nilakasan ang  yabag ng aking
sapatos subalit ng akoy nasa silong na at palabas na sa pintuan, ay siyang pag
dungaw ng kura at tinawag ako "oye oye Capitan, ano ang labas ng inyong
lakas?"-ang tanong agad sa akin
• "wala pong nangyari! Bigung-bigo po ang aking lakad . Nguni't kung ako'y
binigyan ninyo ng rekomendasyon disin sana'y napagkatiwalaan ako kahit
sampung baril. Sinabi pa po sa akin na may pasiya ang Excelentisimo Capitan
general Blanco ng estado de guerra,sa walong lalawigan na kadamay ang
kabite.
• Pagkatapos ng maikling usapan umuwi ako sandali sa aming bahay at bago
dali daling nagbalik ako sa tribunal. Halos kararating ko pa lamang sa king
tanggapan ay kasunod ko namang dumating sa humahangos ang dalawa kong
consejal, sina G. candido Tria  Tirona at Santiago daño.ibinalita ko sa kanila
ang pagkabigo ng aking lakad sa kabite, at sinabi ko na "deklarado na ang
estado de guerra" hindi ko pa halos nasasabi sa dalawa ang lahat ng
nangyari sa akin sa kabite, ay sinabat na nila ako agad sa aking pangungusap
at sinabing: "tayo po'y magbangon sa agad. Sinabi na naming kangina sa
ating mga kapatid sa katipinan, na ihanda ang balaraw at humanda ng lahat sa
pagbangon at kailangan ng pututin ang tatlong Guardia Civil na
• Pumapatrulya dito sa atin" at sinagot ko naman... dahil baga sa tatlong sa
tatlong Guardia Civil ay guguluhin na natin ang ating bayan? Hindi kabilang
iyan sa labanan. Sa palagay ko, sila'y matahimik nating maaagawan ng baril
mamayang gabi.
• Aba!- ang sagot ng consejal Tirona. "hindi nap o dapat pang palakarin ang
oras at maaaring bumigat pa ang panahon sa atin. Kung kayo ay aayaw pa,
ay pasusulungan na naming ng consejal Daño ang mga Guardia Civil sa mga
kapatid natin sa katipunan;sapagka't kaninang umaga na kaalis pa lamang
ninyong patungong Kabite ay tumanggap na kami nang balita nagbangon at
sinalakay na ang tribunal at kuwartel ng Guardia Civil sa san Francisco de
Malabon, at kanginang katanghalian ay sinalakay naman ang Comandancia
Provincial ng Guardia civil sa Noveleta na pinamumunuan ng capitan
Antonio Redoblado.
• Aba! Gayon pala . Bakit di ninyo naipagtapat agad sa akin? Ang balak ko'y
mamayang gabi na tayo kumilos subali't sa ganyang sabi ninyo ay dapat nang
tayo'y sumunod, nguni't huwag nating patayin ang tatlong Guardia Civil.
Pakiusapan na lamang natin sila, kung maaari, at kung hindi'y agawan na
lamang natin sila ng kan-kanilang baril. Tayong dalawa lamang kumpareng
Candido ang aagaw ng baril, at si kuya Tiago Daño namanay uuwi agad sa
Binakayan upang maihanda  ang ating mga tauhan doon".
• At lumakad naman agad si G. Daño. At sinabi k okay Consejal  Tirona na
maghintay na siya sa loob ng aking tanggapan at akin mamanmanan kung
naroon na ang tatlong Guardia Civil lumabas ako at namalas kong naroroon na
ang dalawa at nangakaupo. Samantalang wala pa ang ikatlong Guardia Civil,
ay ibinulong ko sa aking kabo ng Cuadrillero. G. Honorio Falla na humanda
na  at aagawan namin ng baril ang dalawang naroroon at huwag silang tutulong
sa amin ng kumpareng Tirona hanggang hindi nila nakikitang sinuman sa amin
ay magipit.
• Mag iikatlo nang hapon na dumating sa sa tribunal ang ikatlong
Guardia Civil na aming pinakhihintay. Pumasok ako pagdaka, at
sinabi ko sa kumapreng Tirona na naroroon na ang mga Guardia Civil.
-10
• Nilapitan at pinag-isahan na naming hawakan ang baril ng dalawang
Guardia Civil na pawang nagulantang. sinabi  ko ang ganito sa kanila:
"mga kababayan, dumating na ngayon ang panahon na tayong mga
Tagalog at magbangon at huwag paalipin sa pamahalaang kastila.
Ibigay ninyo sa amin ang inyong mga baril at sumama na kayo sa
amin upang mahango sa kaalipinan ang ating Inang Bayan."
• Sinabi ko muna sa kanyang: "narinig mo na ang aking pakiusap sa
iyong kasama at huwag mo nang hintayin pang ulitin , kaya't
ipagkaloob mo sa akin ang iyong baril".
• "ayoko po!- tugon niya. "bayaan po muna ninyong makauwi ako sa aming
kuwartel sa Noveleta, at silang lahat ay hihikayatin kong makiisa na." "oo,"-
ang sagot ko. "mabuti iyan naguni't iwan mo na lamang ang iyong baril sa
amin".-11
• "bitiwan mo ang baril!"- ang pabulas kong sigaw sa Guardia Civil, nguni't
patuloy pa rin sa paghahamok ang kappa tandis na lalaki, kaya't tumulong
ako at siya'y napalugamok, tuloy nabitawan ang baril. Biglang
naglundagan ang mga Cuadrillero na bunot na lahat ang gulok atr balaraw at
tangkang uutasin ang Guardia Civil. Subali't sinakyan ko agad sa ibabaw ang
nakahandusay, kasabay ang sigaw kong. " patawarin na ninyo ang buhay
nito!"
• "maginoong Capitan, mamamatay yata ako..! Malaki ang sugat ko sa dibdib".
• "kung di ko nga nasangga ang pagkasaksak sa iyo ay bangkay kana ngayon
sa katigasan ng ulo mo,"-ang sagot ko.
• Tinignan ko ang kaniyang sugat at natuwa-tuwa siya ng sabihin kong hindi
siya mamamatay. Kaya't ipinatawag ko noon din ang medikilyo ng bayan na
si Tandang Julian. Salamat at hindi kami nakautang ng buhay sa ganitong
pasinaya sa pagbabangon.
• Sa ganitong pag-aagawan lamang ng baril ay malaking gulo din sa bayan ang
nangyari.-12
• Pagkatapos ng pagkakagulo naming ay namatyagan ko ang aming kura na
nasa may puno ng torre at pintuan ng patyo, at sinisilip pala kami sa tribunal,
bago bigla-biglang nawala. Samantala'y biglang lumapit sa akin si Consejal
Tirona, at hiniling sa akin na pahintulutan ko siyang mag sama ng sampung
Cuadrillero sa kumbento,
• Upang bihagin ang kura, subali't mabilis na palang nakatakas ang kura at
nakalulan sa isang lunday na patungong Tangway sa mga kalabang Infanteria
Marina sa polvorin, sa puntod ng Kulanta. Ang aming balak ay hintayin ang
kanilang pagpasok sa Binakayan, dahil sa palagay naming na kung kami ay
lulusob ay hindi naming magagapi ang kuta na kanilang kinalalagyan sa
Polvorin na malapit pa sa kutang Artilleria ng arsenal sa Kabite.
• Nang kinahating-gabi, ay dumating na ang tropag galing sa imus, dahil sa
nabigo ang kanilang pagsalakay, sa dahilan sa liwasang bayan pa lamang, bago
pumasok ng kabayanan ay naksagupa na nila ang patrulya ng mga Guardia
Civil, at doon na sila naglaban sa plasa ng munisipyo at simabahan ng Imus.
Ang mga kalaban ay napatayan nila ng dalawa, at dalawang baril ang kanilang
naagaw. Samantalang ang ating hukbo ay nakaiwan naman ng isang sugatan sa
munisipyo ng Imus, at ito'y si Teniente Marcelino Cajulis.
• Sa ganito'y iniuwi ko na ang tropa ng Cavite el Viejo, sa kabayanan at doon na
kami nagtuloy sa kumbento. Hindi nako dumaan pa sa aming bahay,ni
ipinaalam na umuwi kami, upang maiwasan ang lungkot at samaan ng loob.
Mula noon, ay pinilit ko nang huwag pakita o umuwi pa sa aming bahay.

• Ang kaba ng loob ko noon pa na may kasamang guniguni ay ang


sumasalagimsim na ang aking buhay ay hanggang tatlong araw na lamang.
Pakaraan ng  TATLONG ARAW ay sumaloob ko naman na tatagal pa ang
buhay ko hanggang TATLONG LINGGO. at nang hindi pako napapatay sa
ganitong guniguni, sumaloob naman sa akin na aabutin pa ako ng TATLONG
BUWAN. Hanggang nang malaon ay unti-unting nawalay sa aking isip ang
gayong guniguni.

You might also like