Professional Documents
Culture Documents
Emilio Aguinaldo
Aguinaldo went into exile in late 1897, after surrendering to the Spanish, but was
brought back to the Philippines by American forces in 1898 to join in the fight that
ousted Spain after almost four centuries.
Aguinaldo was recognized as the first president of the independent Republic of the
Philippines but was forced back into the mountains as a rebel leader once more
when the Filipino-American War broke out in 1901.
“Aba!” ang sagot ng Consejal Tirona. “Hindi na po dapat pang palakarin ang oras,
at maaring bumigat pa lalo ang susulungan namin ng Consejal Dano laban sa mga
Guardia Civil sa mga kapatid natin sa Katipunan; sapagkat kaninang umaga kaalis
pa lamang ninyo patungong Kabite, at tumanggap na kami nang balitang
nagbangon at sinalakay na ang Tribunal at Kuwartel ng Guardia Civil sa San
Francisco de Malabon, at kaninang katanghalian ay sinalakay naman ang
Comandancia Provincial ng Guardia Civil sa Noveleta, na pinamumunuan ng
Capitan Antonio Redoblado.”
Aba gayon pala. Bakit di ninyo naipagtapat agad sa akin? Ang balak ko'y
mamayang gabi na tayo kumilos subalit sa ganyang sabi ninyo, ay dapat nang
tayo'y sumunod, ngunit huwag nating patayin ang tatlong Guardia Civil.
Pakiusapan na lang natin sila ng kani-kanilang baril. Tayong dalawa lamang
Kumpareng Candido ang aagaw ng baril, at si Kuya Tiago Dano naman ay uuwi
agad sa Binakayan, upang maihanda ang ating mga tauhan doon.” At lumakad
naman agad si G. Dano. Saka sinabi ko kay Consejal Tirona na maghintay siya sa
loob ng aking tanggapan at aking mamanmanan kung naroroon na ang dalawa
at nakaupo. Samantalang wala pa ang ikatlong Guardia Civil, ay ibinulong ko sa
aking kabo na si Cuadrillero, G. Honorio Falla, na humanda at aagawan namin ng
baril ang dalawang naroroon at huwag silang tutulong sa amin ng Kumpareng
Tirona, hanggang hindi nila nakikitang sinuman sa amin ay magipit.
Ang aking kinausap ang nag-aanyong lalaban, kaya' nagbuno muna kaming
sandali bago inagaw ko ang baril at iniabot ko agad sa aking Cuadrillero.
Pagkatapos ay isinunod ko naman ang ikalawang Guardia Civil. Sinabi ko muna sa
kanyang: “Narinig mo na ang aking pakiusap sa iyong kasama at huwag mo nang
hintayin pang ulitin, kaya't ipagkaloob mo sa akin ang iyong baril.
“Ayoko po!” tugon niya. “Bayaan po muna ninyong makauwi ako sa aming
kuwartel sa Noveleta, at silang lahat ay hihikayatin kong makiisa na.”
"Oo," ang sagot ko. “Mabuti iyan ngunit iwan mo na lamang ang iyong baril sa
amin.” Nang aayaw niyang pumayag ay nagpamuok kaming sandali hanggang sa
pumayag ang dalawang Guardia Civil na maghubad sila ng kanilang uniporme.
Saka ko naman nakita ang makisig at malaking Guardia Civil na nakipagbuno nang
mahigpitan kay Consejal Tirona, na hindi maagaw agaw ang baril, palibhasa'y
kapwa sila matipuno ang pangangatawan.
"Bitawan mo ang baril!” ang pabulas kong sigaw sa Guardia Civil, ngunit patuloy pa
rin sa paghahamok ang kapwa tandis na lalaki, kaya't tumulong ako at siya'y
napalugamok, at tuluyang nabitawan ang baril.
Biglang naglundagan ang mga Cuadrillero na bunot na lahat ang gulok at balaraw
at tangkang uutasin ang Guardia Civil, subalit sinakyan ko agad sa ibabaw ang
nakahandusay, sabay ang sigaw kong: “Patawarin na ninyo ang buhay nito!”
Gayunpaman, hindi ko namataan na ang isa palang cudrillero ay nakasalingit at
nasaksak ang Guardia Civil sa tapat pa naman ng kanyang puso at dahil dito
patangis na nanikluhod sa akin na tutop ang dibdib at nasabing: "Maginoong
Capitan, mamamatay yata ako...! Malaki ang sugat ko sa dibdib."
“Opo” ang sagot ng lahat. “Huwag ninyo kalimutan na ang galing ng baril ay sa
pang malayuan lamang, ngunit hindi sa pagdi-di-inan, at talong gulukan, at hindi
ito ang gating susundin: MANUNUBOK muna bago biglang MANINISID.” Taglay
namin ang siyam na matatanda at mahahabang baril, ang tatlong baril na
“Remington” na naagaw namin sa mga Guardia Civil at saka sa isa pang “Eskopeta
de Piston", na pamaril ng ibon na hiniram ko pa sa Capitan Municipal ng San
Francisco de Malabon. Nagsama rin ako ng banda na pambuhay loob sa mga
kawal.
Pagkatapos na ma-iayos at maihanda ang kaka-samahin at mga dadalhin, at kahit
na ako ay natatakot, "lumakad na kami, na ako na rin ang nangunguna sa
tungkulin kong pagka Tinyente Abanderado, kahit na wala pa kaming bandera.
Pinatugtog ko ang mga banda, ng musika ng "Batalla de Jolo.” Pagtapat namin sa
aming bahay ay nasulyapan kong may mga nagsipanungaw sa durungawan
ngunit tiniis ko na huwag akong tumingin kahit sandali upang huwag makasira pa
ng loob ko sa aming layunin. Masayang-masaya kami sa lubos na mabubuhay ng
loob sa paglakad. Ang bawat lalaking madaanan, at makatanaw sa amin, ay
kusang loob at agad agad nagsipag-sama sa tropa, pagkatapos makuha ang
kani-kanilang, sibat at gulok, kung kaya't nang dumating kami sa may tulay ng
Balimbing, bago pumasok sa kabayanan ng Imus ay namasdan ko na ang kasama
kong kawal ay mahigpit pa sa dalawang libong katao. Kung bakit may totoong
yabang ang tugtog ng banda ng Cavite el Viejo, na kasama naming
nagmamatapang sa labanan ng dalawang tao na hihingas-hingas at ibinalita sa
amin na ang mga pare at Guardia Civil sa hacienda ng Imus, ay nagsipagtungo sa
kumbento, samantala'y sa torre ng simbahan lumagay ang mga Guardia Civil. Sa
ganitong balita'y napahinto kami sapagka't ngayon lamang ako makapag-aaral sa
sarili ng tinatawag na “estrategia militar” o kung paano ang pagsalakay sa mga
kalaban, at sapagka't sa tanang buhay ko ngayon lamang ako mapapasu-ong sa
ganito kalaking suliranin sa buhay. Sisikdu-sikdo man ang loob ko ay nagpanibago
kami ng paraan sa pagpasok sa labanan at pinagtatlong bahagi ko ang kabuuan
ng aming kawal na sasalakay, kaya ang kumbento naman ang pinagtalikupan
naming salakayin ng tatlong kawan.
Lubhang masaya sila parati, palibhasa'y ang labing dalawang bayan na kanilang
nasasakupan ay di nakaligtas; sa anumang labanan. Sila'y naliliskub halos at nasa
likuran ng mga bayang maligalig tuwina sa Pamahala ng Magdalo. Nang matapos
ang ilang araw na parangal ng Supremo at mga kasama, dinalaw nilang lahat ang
labing dalawang bayang nasasakupan nila bilang paghahanda. sa gagawing
pagpipisan ng dalawang Sangguniang Magdiwang at Magdalo. Nag-talumpati sila
at nangaral ng pagka-makabayan at iba pang makagising ng damdamin at
pangungusap ukol sa ating kalayaan. Sabihin pa, ang galak ng mga taong bayan.
Kaya't gayon na lamang karangal ang pagtanggap sa kanila at para bagang
isang Haring Bayan ang dumating. Ang mga daan ay pawang binalantukan, may
banda ng musika at panay nang hiyawan ng “Viva Tagalog” magkabi-kabila. Ang
mga kampana'y halos mabasag sa pagrurupiki sa mga simbahan niyang
pinagtutunguhan, may mga awit ng TE DEUM.
Sa wakas, muli na naming nagtagumpay ang ating mga kawal, at ang Ilog Zapote
ay muling namula sa dugo ng mga kalaban. Ganyan nang ganyan ang nangyaring
parati sa buong hanay ng aming labanan!
Ang mga bayan naman nilang nasasakupan sa lalawigan ng Kabite ay ang mga
sumusunod: Cavite el Viejo, Imus Dasmariñas, Silang, Amadeo, Mendez-Nuñez,
Bakood, at Carmona. Maipapalagay nating mapapalad nagsisipatnugot sa
Sangguniang Magdiwang, sapagkat simula Abril, 1897 ay minsan lamang silang
napaharap sa labanan. Iisang malaking tagumpay ang kanilang tinamo nang
magharap sila sa makapal na kawal ng Noveleta, noong Nobyembre 9, 1896. Doon
ay nakaagaw sila ng may 100 baril at lubhang marami ang kanilang nangapatay
na Kastila. Maliban sa labanang ito'y wala nangaligalig ng kanilang kinatatayuan
na gaya ng Sangguniang Magdalo, na halos araw ay may hinaharap na labanan
at laging maligalig. Ang malaking tagumpay na nabanggit ng taga Magdiwang,
ay kautangan, sa pagkamakabayan nina Heneral Pascual Alvarez, Heneral Mariano
Riego de Dios, Heneral Santiago Alvarez, Hene Aguedo Montoya, Kapitan Francisco
Montoya, at iba pa.
Subali't agad niya akong sinagot ng paulit ulit na"Huwag na kayong mangahas
upang huwag ng dumami pa ang mamamatay!” kasabay ang paghahalukipkip
niya at tungo ng ulo... saka idinugtong pa niya na ni isa pong katipunan ay walang
natitira ngayon sa Maynila. Katipunan po at di katipunan ay tumakbo sa bundok.
Dahil sa ginawang paliwang na ito'y napaurong ang aming balak, tuloy nailigtas
kami ni Bathala sa tiyak na kamatayan sa gagawin naming pag-agaw o pagliligtas
ating bayaning Dr. Jose Rizal. Sa ganito'y naghilakahot na lamang ako kung bakit
siya babarilin at naibuling ko tuloy sa sarili na walang utang na di pangbabayaran.
Nang ika 30 ng Disyembre kaarawan ng pagbaril kay Dr. Jose Rizal kung bagaman
hindi natuloy ang aming balak na siyay agawin sa kamay ng mga kalaban, ay
dumating ang ilang mga kapatid sa katipunan ng Pateros na humingi ng tulong
upang lusubin ng kampamento ng Cazadores sa kanilang bayan at gayon din sa
Tagiik. Buong galak kong tinanggap ang ganitong panukala kaya't aking
pinahanda ang aming mga kawal. Nang gabi ng ika 31 ng Disyembre 1896 ay
magdamag kaming naglakad sa tangkang matawid naming sa pag uumaga ng
bagong taon ng 1897, ng gubat at kaparangan upang lusubin ang mga kalaban sa
simbahan at kumbento ng Tagiik. Ngunit hindi nangyaring madaluhong namin nang
tuwiran ang mga kalabanan, sa dahilang naramdamang kami'y dumating at
namutok nang lubhang masasal. Iniutos ko na kubkubin na lamang ang bateriya at
unti-unting kulungin ang mga kalaban nang wala silang lalabasan.
Inatasan kong maiwan dito si Heneral Mariano Noriel. Pagkatapos ay lumipat kami
upang lusubin naman ang bayan ng Pateros. Sa kabutihang palad ay napasok
namin ng walang laban ang bayan ng Pateros kaya't sumuko kapagdaka si Frayle
Mariano Corcuera, Kura doon at Predikador Heneral ng kumbento ng Agustino sa
Maynila. Samantala'y pinaparoon ko at pinatanuran kay Heneral Pio del Pilar ang
pook na pagdaraanan ng mga kalaban maggagaling sa Napindan, sakaling
aabuloy sa Tagiik, at ako naman ang tataliba sa Pasig at Maynila.
Tuwang tuwa ang mga taga Pateros sa aming pagdating sa kanilang bayan, at
ipinakilala nila ang mataimtim na nagdamay sa amin sa pamamagitan ng
paghahanda sa bawat hahay ng pagkain sa aming mga kawal. Gayon din naman
ang mga taga Tagiik. Nagpamalas rin ng buong pagdamay hagama't ang mga
sandaling iyon ako'y sa kumbento ng Pateros nagtuloy at kinausap ko ang Kura.
Nang hapong nagdidilim na, ay dumating naman ang abuloy na galing Maynila
sakay sa isang bapor. Nang nalalapit na sa pampang ng Pateros na kinalalagyan
namin ay biglaan naming pinagsabay-sabayang putukan at bahagya na lamang
silang nakatugon nang pumutok at sa ganito'y umurong kaagad.