You are on page 1of 14

1

SCENE 1

Simula. Lalabas ang mga aktor bilang sila at magmimisyulang laro at sagutan ang
kanilang ginagawa sa entablado, hanggang magsimula silang magkwento tungkol kay
Pilandok.

Vincent: Pare, alam yung nangyari kaya ano, --yung kay…yung, yung, yung ---
Gabo: oo, yung kaya no – yung, yung, yung ….
Vincent: Ewan ko sa’yo, puro ka naman anoe , puro – puro ka, puro…
Gabo: Ewan ko din, para ka naming ganyan, --yung ganyan, ganyan ka…
Vincent: E, kung anuhin kita diyan e!
Gabo: Ano?!
Vincent: aaaaaahh.. aaaaaa???
Gabo: Kapikon ka naman eh!
Vincent: Alam mo kanina sa labas, sa may mga matataas na -- diyan sa may clinic ni doc
Gabo: oo nga, sobrang haba ng pila noh?
Vincent: Grabe, pinipilahan si Dok ng mga pasyente niya
Gabo: Teka, Pila? Pilak? Han? Tahanan? Pilahan? at Dok? – doctor?
Vincent: Huh? Pilahan … Dok … ? Ano yun?
Gabo: Di moa lam iyon.
Vincent: oo, alam ko,yung yung kwento ni – ni , ni …
Gabo: Kwentuhan na lang kita habang naghihintay tayo ng pagpapala.

Gabo :
Bundok, bukid at gubat
Pinagyayaman naming lahat
Palay, gulay at lamang-ugat
Sa Bulan alay na marapat.

Vincent: ah, ang gara ! Edgardo …

Vincent:
Sisirin ang dagat na malawak
Languyin ang asul na haraya
Isda, korales at halamang dagat
Sa Bulan alay na marapat.

Gabo:
Taray ah? Wala ako masabi.
Ngunit sa isang iglap, nilamon ng dilim ang bayan ng Bulawan, ninakaw ng Datu ang
bulang maliwanag.

Teka sino ba yang Datu na yan?


2

Vincent:
Yung Datu na iyon – ah , yun yung mga senador, chairman, president – kumbaga sa
bansa, sila yung mga Lider. Yan yung Datu.

Gabo:
Labis na kahirapan ang sinapit ng sambayanan. Paano na kayo? Sinong makakatulong sa
inyo?.... siyempre, si Pilandok !!!

Pilandok:
Ako si Pilandok, isinilang sa suluk-sulok
ng bayang matimyas, Bulang maliwanag
Nanay ko ang dagat, tatay ko ang bundok
Kapatid na bunso, mga bangin at ilog.

Datu Usman :
Ako si Datu Usman, may dilang mukhang suman,
Matalino’t madulas, lagging namimintas
Karaniwan ang uring pinagmulan
Tumabi ka diyan kung ayaw mong masagasaan.

Pilandok
Si Pilandok ay ako, sandata ay talino.
Sa tagisan ng talino, wala akong sinisino!
Kaya lamang, paminsan, sa aking mga paglalakbay,
Aking tinitimbang, para kanino ba dapat lumalaban?

SCENE 2

Papasok si Pilandok.

Pilandok:
Sabi ni ina, wala na kaming makain, wala na kaming bigas, saan kami makakuha?
Doon, sa nayon ng Kidapawan, naroon ang mga pinakahinog. Laging matamis, hindi
hinog sa pilit. Laging hitik, dahil walang nang-uumit o nagmamalabis. Mga kaibigan
sila, mga kasundo’t kasama. Ngunit sa pagtawid, ay, ayun lang, naroon ang mga buwaya.
Medyo naiiba sila, iba ang mga bulong ng loob!

Butihing buwaya, yoohoo, butihing buwaya! (makakarinig lang ng atungal) Butihing


ginoo, maaari bang tumawid sa ilog na inyong tirahan? Kukuha lang ako ng bigas bilin
ng aking Ina.

Buwaya : Hindi pwede, umuwi ka na, palista kayo sa mga brgy. ninyo at saka namin
kayo padadalhan.
3

Pilandok : Bakit hindi pwede ? Kukuha lang naman po ako ng bigas.


Buwaya: Ang kulit mo naman e! (magbibigay si Gov ng pang-suhol at kukunin ito ni
buawaya)
Buwaya: E, ilan ba kayo diyan? Ilang taon ka na ba?
Pilandok: Paano na kami? Bigas !!!!
Alms, alms, alms. Spare me a piece of bread. Spare me your mercy.  I am a child so
young, so thin, and so ragged. Why are you staring at me?  With my eyes I cannot see but
I know that you are all staring at me. Why are you whispering to one another? Why? Do
you know my mother? Do you know my father? Did you know me five years ago?

Yes, five years of bitterness have passed. I can still remember the vast happiness mother
and I shared with each other. We were very happy indeed.

Buwaya: Alms, alms, Alamo mo – kami na ang bahala sayo. O, eto bente, pambili niyo
ng bigas, sabihin mo sa nanay mo, iboto ang Buwaya Party –list.

Pilandok (sasabihin nya ang numero) Buwaya (sasabihin naman yung linya ng mga
pulitiko)

1. Daang matuwid
2. Republic of the Philippines
3. Sipag at Tiyaga
4. Ganyan kamis sa Makati
5. Kayo ang boss ko
6. Thr Filipino is worth dying for
7. You don’t do that to me
8. I am sorry
9. Gaganda ang buhat kay binay
10. Yes, with reservation
11. Simple lang kaming pamilya
12. Magiging dakila muli ang baying ito
13-2- Hindi ko alam.

(aalis ang buwaya)


Pilandok. Sana wala nang buwaya. Yehey! May pambili na ako ng bigas para kay nanay !

Pilandok:
Tagumpay! ngayon ay makakapunta na sa bayan ng para sa bigas ! Matutuwa si Ina!
Pero sandali, maliwanag pa, may ilang saglit pa para pumasyal. Dadayo ako doon sa
Palawan, sa dalampasigan ng mga lumba-lumbaat pawikan!

Medyo makulimlim, pero malay natin, baka ang panahon ay mag-iba! (aalis pero babalik
agad) Sana wala nang ibang mga buwaya!
4

SCENE 3

Sa kabilang dako, ipapakita si Datu Usman, napapalibutan ng mga kawal.

Datu Usman :
Ako si Datu Usman, may dilang mukhang suman,
Matalino’t madulas, lagging namimintas
Karaniwan ang uring pinagmulan
Tumabi ka diyan kung ayaw mong masagasaan.

Lechon, morcon, kaldereta, ensalada! Mansanas, ubas, persimmon, malalaking bayabas!


Ay, natikman ko na lahat, pero kumakalam pa rin ang sikmura. Ang pinuno’y laging
gutom, laging kailangang ngumasab!

Kawal:
Ano po ang inyong ipapahanap?

Datu Usman:
Kuwento ng aking Ama, ng ama ng kanyang ama, ng mga naunang ama, sa
dalampasigan, naroon ang mga nakatagong yaman! Masarap ang inihaw, malinamnam
ang torta, pero hindi ka pa raw nabubuhay kung hindi natitikman…hindi natitikman…

Kawal:
Ang alin, kamahalan?

Datu Usman:
Itlog ng pawikan! At karne ng Lumba-lumba! Humayo, mga kawal! Humayo sa may
dalampasigan. Dakpin at kunin ninyong lahat. Walang ititira, uubusing lahat!

Lumba-lumba:
May nakaambang panganib lumba-lumba
Sa malayo, mga kawal, paparating, lumba-lumba
Lumba-lumba, naririnig, naririnig mo ba sila?

Kaibigan ??? (Brutus speech)

( Pilandok at Bata : aawit at gagalaw ng sabay)


*Kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay, Pawikan at lumba-lumba ibigin mong
tunay. Pag hindi, sige ka, puso mo’y mabibiyak. Lisanin ang dagat, ika’y iiyak!
(Pilandok : coron, el nido, Puerto Prinsesa, lagoons, caves, Stalactite at stalagmite)

*Spongebob: deep blue sea


*Bahay-Kubo song
5

SCENE 4

*Diyaryo Scene

*Dream Sequence…..
Bata : Makikitang hinahandugan si Datu Usman ng mga buslo, pagbukas ay makikitang
bato ang mga ito. Magagalit ang Datu, hahampasin ang isang kawal ng bato.
Makikitang nananaginip ang hari. Sa panaginip, nakikipagsayaw siya sa gintong
sarimanok. Sasabog ang sarimanok sa huli at iiwanan ang Datu. Magigising siya. (Ito
ay gagawin habang isinasalaysay)

Datu Usman:
Isang sarimanok, isang napakalaking sarimanok! Iyan ang aking pangarap. Bukas na
bukas, ipapatawag ang mga kawal! (tatawa)

(naglalakad-lakad si Pilandok, namimigay ng Mangga sa mga makikitang nagugutom,


makikita ang grupo ng mga kawal, nakatago siyang nagmamatyag habang nakikitang
inuutusang magmina ang mga taumbayan, ninanakawan ng mga munting alahas etc).

*Phone Bit…
Pilandok:
Datu Usman, iyan ang pangalan ng kalaban. Kalaban kita dahil kalaban mo ang
taumbayan. Ginto ang iyong kailangan, ganoon ba? Sige, humanda ka sa iyong
masasaksihan.

Kailangan ko ng manok ?!
Ngayon pupunta na ako sa bahay ng Datu. Kailangan niya ang manok.

Datu Usman:
Sino ka? Kawal, palayasin ang pulubing ito! (may magsasalita, “pst !alis uy alks!)

Pilandok:
Mahal na Datu, dala ko ang alaga kong manok na magbibigay sa inyo ng maraming
ginto.

Datu Usman:
Baliw ka ba? Paano magkakaginto sa alaga mong payat na manok?

Pilandok : Wala ka bang tiwala? Ginto ng manok ! (mangiginitlog)


Manok, manok na nagbibigay sayo ng maraming ginto.

Datu Usman:
Magkano? Magkano? Magkano ang manok mo?
6

Pilandok:
Walang anumang halagang kayang tumapat, ginoo. Pero ibibigay ko po sa inyo, basta
palayain ninyo ang mga bilanggo ninyo’t isauli ninyo ang mga gintong nasamsam mula
sa taumbayan. Maliit na kapalit para sa yamang walang katapusan!

Datu Usman:
Sige,sige iyo na ang mga bilanggo, lahat ng mga nadakip at ginawang utusan. Ibabalik
ang mga ginto’t ibang ari-arian. Aanhin ko pa yan kung narito ang tunay na kayamanan?
Pero bago ka umalis, kayumangging nilalang. Sabihin mo, ano ang iyong pangalan?

Pilandok:
Matatandaan mo ako sa pangalang Pilandok.

Datu Usman:
Dakpin ang kayumangging hangal! Pilandok, hinding-hindi kita makakalimutan.

(Ibibigay ang itlog, puputok ito. Sisigaw ang Datu)

SCENE 5
*That’s the way, uh huh uh, I like it uh huh uh (tutogtog ito at sasayaw si Pilandok)

*Laptop secene

Datu Usman: (bilang mangangampanya)


Pitong taon, pitong buwan, pitong araw. Pitong oras, pitong minuto, (titingin sa sundial o
sa hourglass) apat lima anim…pitong segundo. Napakatagal na panahon, nakapadulas na
kalaban. Pero hinding-hindi kita nakakalimutan. Pilandok, ang kayumangging namahiya
sa Datu Usman! Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin. Itapon sa dagat ang hangal
na iyan!

Nakalagay si Pilandok sa hawla sa ibabaw ng dagat. May dadaang negosyanteng intsik.

Pilandok:
(magbabanggit ng mga Chinese names : Gokungwei, Henri Sy, Lucio Tan, Kris Aquino,
James Yap..) ano kaya ang pangalan nito ? ah, Spratly! Spartly !

Negosyante:
Huwag ka ngang maingay, nawawala ako sa pagkukuwenta sa listahan ng mga utang.

Pilandok:
7

Isa kang negosyante?

Negosyante:
Isang negosyanteng maiksi ang panahon, kasing iksi ng ano mo?? -- at mas maiksi ang
pasensiya.

Pilandok:
Pero ayokong ikasal sa prinsesa!

Negosyante:
Prinsesa?

Pilandok:
Pinipilit ako ng Datu na ipakasal sa anak niya. Pero ayokong makasal, lalo na sa babaeng
walang ibang sinabi kundi ang marami niyang alahas, ang walang katapusang imbakan
ng ginto, ang libu-libong lupaing may iba-ibang halamang pinagkakakitaan, hay ayoko,
ako’y naaalangan!

Negosyante:
Luku-luko ata ang taong ito. Lumalapit na ang swerte, ayaw pa. Kung gusto mo, ako
ang pakakasal sa prinsesa.

Papakawalan si Pilandok at magpapalit sila ng puwesto ng negosyante.

Pilandok:
Sige, o halika palit tayo ng pwesto !
Pagdating ng mga kawal, sumigaw ka na gusto mong makasal sa prinsesa

SCENE 6

Aalis si Pilandok. Darating ang mga kawal.

Negosyante:
Gusto kong ipakasal sa prinsesa! Gusto kong pakasal sa prinsesa!

Magtatawanan ang mga kawal at itatapon ang negosyante. Babalik ang Bata kasama
ang mga magulang at Taumbayan, nakapaligid din ang mga diwata. Naghahalo muli
ang mga mundo.

Negosyante : aaaaahh ! (makakawala at biglang aahon bilang tatay)

Makikita si Pilandok, bumalik siya kina Datu Usman.

Pilandok : Sugod sa kaharian ni Datu Usman !


8

Datu Usman:
Pilandok! Paanong ikaw ay nabubuhay pa rin? Dapat ay matagal ka nang nalunod!

Pilandok:
Hindi po nalunod, bagkus ay yumaman pa! Salamat sa inyo, mahal na Datu.

Datu Usman:
Anong kababalaghan ito?

Pilandok:
Walang kababalaghan! Nagakataon lang na may pinsan pala akong naghahari sa
karagatan!

Datu Usman:
Isang pinsan sa karagatan!

Pilandok:
At iniimbitahan niya kayo, sa isang piging. Hari at Datu, maghahati sa yaman! Tutungo
tayo sa kaharian ng aking pinsan !

(magmimistulang bay Bangka. Magsasagwan)


Pilandok : Tatawagin ko lang ang aking pinsan !
*swimming

Piladok: Ang mga alahas,ng negosyante bilang isa sa aking sugal.

Tatalon si Pilandok, aahon at iaabot ang perlas sa Datu.

Pilandok:
O eto, galing sa aking pinsan!

Datu Usman:
(sa sarili) Kung sisisid ako, siguradong hindi lang ito ang makukuha ko. Napakatangang
Pilandok, sa akin pa nagtiwala! (sa mga kawal) Sige, papasok ako sa hawlang may lubid
at itatapon ninyo sa dagat. Kpag may narinig niyong may kumatok, palitawin nyo na
dahil aahon na ako !
Tatalon ang Datu. Mayamaya’y gumagalaw ang tali. Hahatakin sana ng mga kawal
ang tali pero pipigilan sila ni Pilandok.

Pilandok:
Huwag magmadali, nagalaw lamang ang tali pagkat inalis ng aking pinsan ang Datu
Usman sa hawla. Magtimpi!

Bata : Habang naghihintay ang mga kawal ay aalis na si Pilandok. Matataranta ang
mga kawal paglipas ng ilang saglit. Aangat nila ang tali.
9

Datu:
Wala akong nahagilap kundi sandamakmak na tubig-alat at mga hayop-dagat na galit na
galit! Ngunit mas matindi ang inis ko sa Pilandok na iyan! Nasaan siya, hanapin ang
salarin! Ipapatawag ko ang pinakamlupit kong asesino. Tawagin sina Sabandar at si
Somusun!

SCENE 7

*Knockout :The Voice

Bibigyan ni Pilandok ang bata ng mga kasuotan na tulad ng sa kanya. Mag-aabot si


Pilandok ng libro sa Bata, siya naman ay magtatakip ng isang mata. Darating si
Sabandar.

Sabandar:
Nakita ba ninyo ang kriminal na si Pilandok?

Pilandok:
Ako po iyon.

Sabandar:
Ikaw?

Pilandok:
At saka siya (ituturo ang Bata).

Sabandar:
Nalito na ako.

Pilandok:
Marami po kaming Pilandok sa gubat na ito. Ako po ang Pilandok na bulag, siya po ang
Pilandok na pipi at mahilig magbasa.

Sabandar:
Dalawang Pilandok?

Pilandok:
At marami pa.

Sabandar:
Hindi nasabi ng Datu Usman sa akin iyon. Kung anuman, sapat na ang makapatay ng
kahit isa. Kaya humanda ka, o ikaw, humanda ka, humanda kahit sino sa inyo!

Pilandok:
10

Naku, yung isa na lang po ang unahin ninyo. Kasi kung ako ang uunahin, sino ang
magbabantay sa maharlikang sinturon?

Sabandar:
Maharlikang sinturon?

Pilandok:
Opo…ang maharlikang sinturon! Ang pag-aari ng Sultan ng Gubat. Ang sinumang may
suot ay madadagdagan ng isang milyong porsyentong lakas, at magiging kaakit-akit sa
kahit sinong nilalang ang naisin. Sayang naman po kung may kumuha niyan.

Sabandar:
Kakaibang lakas at kisig.

Pilandok:
Hindi naman po sa tinutukso ko kayo pero pag nasuot ninyo iyan ay magiging lamang
kayo sa kahit na sinong sultan o datu. Sayang naman kung may kumuha…

Sabandar:
Puwes, kung wala ang Sultan ng Gubat, malayo rin ang Datu Usman, akin na ang sawa,
akin ang kapangyarihan!

Hahayaan ng dalawang makuha ni Sabandar ang sinturon, na sa aktuwal ay isang


higanteng sawa. Babalik si Sabandar, bali-bali ang katawan. Hindi masaya si Datu
Usman.

Datu Usman:
Pugutan ng ulo! Somusun, sugurin ang bantay-gubat!

Somusun:
Masusunod!

*Star Wars: Lightsaber

Pilandok:
Kaunti na lamang, Toto, makakauwi ka na!

Bata:
Hinahanap-hanap ko na nga sina Nanay at Tatay, ang makauwi at makapag-aral. Isang
panibagong umaga ng pagtuklas.

Pilandok:
Basta magtiwala, huwag matakot, walang kalabang hindi kaya ng pananalig at…
11

Hindi matatapos ang sasabihin dahil darating si Somusun. Mag-aaway sina Pilandok.
Mas malakas si Somusun kaya mapapangibabawan si Pilandok. Bago tuluyang
masaktan ni Somusun si Pilandok ay makikita ng Bata ang pukyutan.

Somusun:
Katapusan mo na, kayumangging kriminal!

Bata:
Sandali!

Somusun:
Isang pesteng istorbo!

Bata:
Hindi peste kundi isang kakampi! Bakit papatay ng isang walang kuwentang nilalang
kung mapapasakamay mo na agad ang maharlikang gong?

Somusun:
Maharlikang gong?

Pilandok:
A, oo, ang maharlikang gong! Ang gong na lagusan ng walang-kapantay na
kapangyarihan.

Bata:
Pag hinampas mo ito, lalabas ang di-mabilang na alipin, aliping magaganda ang hubog,
mababango, ubod ng lupit makipagdigma. Ibibigay nila sa iyo ang lahat ng gusto mo.

Pilandok:
Pero sige, patayin mo na muna ako. Patayin mo ako at sisiguraduhin ko sa iyong kahit
nasa kabilang buhay, hindi mo mapapatunog ang gong na yan!

Somusun:
Hindi. Hindi kita papatayin. Patutunugin ko ang maharlikang gong, papanoorin mo
akong magtagumpay. Pagkatapos, ipapahiwa kita sa aking mga maganda’t malupit na
alipin.

Pilandok:
Huwag! Patayin mo na lang ako. Huwag!

Bata:
Pero sayang ang gong, sige, unahin mo na ‘yan!

Somusun:
Manood kayo, manood at saksihan ang pagwawakas!
12

Tatalikod kay Pilandok si Somusun, makakatakas si Pilandok habang nilalafang ng mga


pukyot si Somusun. Papasok ang Taumbayan, ang mga Diwata.

SCENE 8

Bata:
Makakauwi na ako sa amin?

Pilandok:
Kaibigan, munting bayani, iyan ay isang bungang naghihintay na lang ng pagkahinog.

Mag-aabot ng mga manga sa bata.

Bata:
Mukhang masarap, matingkad ang kulay!

Pilandok:
Ganyan pag hinintay, pag hindi hinog sa pilit.

Sisingit ang Nanay at Tatay.

Nanay:
Pero minsan kailangang makaranas ng asim o pait.

Tatay:
O ipaglaban ang tamis.

Bata:
Parang nakukuha ko na hindi.

Pilandok:
Mahihinog ka rin, sa tamang panahon.

(mapapansin ang bata, nakatingin sa malayo)

Pilandok:
May nakikita ka, munting bayani?

Bata:
Doon, lampas sa bundok.

Pilandok:
Bata ka pa lang, napakalayo na ng nakikita mo!
13

Pilandok:
Isang bagong umaga, para makapag-aral at tumuklas.

Pilandok:
Sige, katoto, dito ako sa isang direksyon, doon ka sa kabila. Sa dulo, doon tayo
magkikita. Handa ka na ba?

Bata:
Handa na!

Tatakbo ang dalawa sa magkaibang direksyon. Sa una ay masaya, pero dahil babalik na
ang bata sa kanyang realidad ay unti-unting makikita ang pagseryoso sa kanya.
Mangingibabaw ang tunog ng mga baril. Samantala, ang nanay, ang tatay, ang
taumbayan, ang mga diwata, doon sila sa panig ni Pilandok unti-unting sasama. Ang
bata ay seryoso, pero may bakas ng pag-asa.
14

PILANDOK
ni
Virgilio Almario

Isinadula
ni
Vlad Gonzales
Mga karagdagang teksto mula sa dulang,
“Si Pilandok at ang Bayan ng Bulawan”
ni Christine Bellen na hango rin sa orihinal na kwento

You might also like