You are on page 1of 3

Don Tiburcio Script Draft

(walking with minimal balance) Malapit na ba tayo? Nahihilo na ako! (trip on the floor) Aray! Ang sakit
ng paa ko! (pause, slowly stand up) Ha? Ano po ang sinasabi mo? Nandito na ba tayo? (pause, then walk
quickly a short distance) Yehey! Nandito na tayo- (trip) Aray! Ang paa ko!

At iyon po ang nangyari noong nakarating ako sa Pilipinas. Ako'y si Don Tiburcio de Espadaña, isang
opisyal na quinto sa Adwana. Ay, teka lang! Boss, ano po ang nangyari sa akin? (pause) Hala! Natanggal
ako sa trabaho? (pause) Hala! Hindi puwede ito! (pause) Ayoko pa bumalik sa Espanya! (small jumps)
Nakakahilo ang paglalakbay ko- (trip) Aray! Ang paa ko!

At pagkatapos noon, ako'y naghirap. Ngunit, may pumunta sa akin at sinabing nararapat akong pumunta
sa mga probinsya sa Pilipinas upang maging isang doktor. Pero, wala akong alam sa medisina... (pause
and "think") Sige na, gagawin ko iyon!

At simula sa araw na iyon, nagulat ako noong tinawag nila ako si (emphasize) Doktor de Espadaña,
Especialista en toda Clase de Enfermedades. Marami ring mga sinasabi na ako'y isa sa mga
pinakamagaling na doktor sa Pilipinas! (with pride) Hayan o, may bisita sa labas ng pinto. Papasok-
Magandang umaga po! (pause) B-bakit? Bakit galit po kayo? (pause) Ako'y isang quack doctor?
(nervously) Ha! Tapos sinasabi mo na sobra ang bayad mo sa akin? Ay- (act like people are watching) B-
bakit ang daming t-tao sa labas? (shiver in anxiety) Mga tao, huwag kayong mag-alala. Puwede ko pa
kayong tulungan. Huwag po kayong umalis! (shouting) Huwag! Huwag!

At naghirap ako ulit. Ngunit sa oras na ito, nakilala ko ang mahal ng buhay ko na si Doña Victorina. Sinabi
niya na dapat hindi ako titigil bilang isang doktor, lalo na dahil kinausap ako ni Kapitan Tiago, na sinabing
may nagkasakit sa kanila: si Maria Clara. Bumisita ako.

"Clarita, may... may sakit ngunit mapapagaling. Sa umaga ay liquen at gatas, Jarabe de altea at dalawang
pildoras de Cinaglosa."

Muli siyang gumaling, at bumalik ang pag-asa ko... [ending still incomplete]
DON TIBURCIO

Don Tiburcio de Espadaña - isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng
magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.

Scene 1: Arrival in the Philippines and losing his job

(On the floor groaning in pain) ¡Ay! ¡duele! Bwisit na buhay ito! Pilay na nga ako, wala pa akong tirahan,
tapos natanggal pa sa trabaho!

(Covers face with hands, then started weeping) Dios mío, ¿por qué me está pasando esto?

(Looks up above as if speaking to God) Diyos ko, bakit nangyayari sa akin ito?

(continues weeping)

(suddenly looks to the audience and stops weeping, stands up as if suddenly realizing a plan) Hindi ako
babalik sa Espanya hanggat hindi ako yumayaman! Ako ay si Don Tiburcio Espadana! At ako ay isang
proud na Kastila!

(pauses, and then remembers his awful situation and suddenly drops on the floor and starts bawling like
a baby)

Scene 2: Feeling sorry for himself

(woefully) Hindi ko na kaya. (crying) Hindi ko na talaga kaya!

Di bale nang magutom ako kesa magtrabaho na parang mangmang at Indiyo! At kayong mga kababayan
kong Kastila, akala ko tutulungan nyo ko. Mga wala kayong silbi! At ngayon, gusto nyo pa akong
mangloko ng mga tao sa nayon? Anong alam ko sa panggagamot? Eh kung mamatay yung mga yan
dahil sa akin?

Isa pa, mukha ba akong doktor? (places hand below his chin, smiles, and shows his broken teeth)

Scene 3: Getting married to Dona Victorina

(calling to his wife) Victorina? Victorina mi amor? Asan ka?

(Victorina: Hoy! Tumigil ka nga diyan sa kakasigaw! Ikaw ang lumapit dito!)

(feeling sheepishly embarrassed being discovered that he is a hen-pecked husband, he addresses the
audience in a whisper-like tone) Di bale nang “under”. (In a louder proud voice) At least mayaman ako
ngayon dahil mayaman ang asawa ko AT hindi na ako nagugutom! Ahahaha!

(proudly) At isa pa, isa na rin akong doctor! (laughs) Sabi ko naman sa inyo, makakapasa itong hitsura
na ito bilang doktor eh. Bilib na bilib sila sa akin! Nagbabayad sila ng malaki para lang ma-check-up ko
sila o mabigyan ng reseta miski wala akong diploma sa panggagamot.
Alam mo ba, ako ang napiling doctor pati ng mayamang pamilya nina Maria Clara. Bibisitahin ko nga sila
mamaya kasi may sakit daw si Maria Clara. Hmmm, ano na naman kaya ang ibibigay kong gamut sa
kanya?

O ikaw, gusto mo rin ba ng check-up? (smiles widely)

(Victorina: Hoy Tiburcio! Asan ka na? Kanina pa kita hinihintay ah!) (Tiburcio suddenly panics)

(answered in a loud voice) Coming, my love! Alam mo namang love na love kita eh!

(Then whispers to the audience) Joke lang.

(Leaves the scene)

-END-

You might also like