You are on page 1of 2

Ang Masamang Epekto ng COVID-19 sa Kabataan

Sa simula ng taong 2020, naging mabilis ang pagkalat ng COVID-19 mula sa Wuhan,
China, at nakaapekto sa milyun-milyong katao sa buong mundo. Mabilis itong kumalat at
nakahawa lalo na sa mga taong may mababang immune system, may mga karamdaman, mga
kabataan, at ang mga senior citizens o matatanda. Para ma-kontrol ang pagkalat ng sakit sa ating
bansa, nagpatupad ang pamahalaan ng quarantine o ang pagbabawal sa paglabas ng mga tao lalo
na sa mga madaling dapuan ng sakit, pagbabawal sa mga malalaking pagtitipon, paglabas o
pagpasok sa bansa, pagsuspinde sa pampublikong transportasyon, pagsunod sa social distancing,
curfew, at pati ang pagsasara ng mga paaralan. Marami ang hindi handa sa naging pagbabago
lalo na nang gawing online ang mga klase ng paaralan at unibersidad. Nakakabahala na ang mga
paghihigpit na ito at ang kawalang-katiyakan ng sakit ay nakaapekto sa mentalidad at kalagayan
ng karamihan lalo na sa mga kabataan.

Tinutukoy ang mga kabataan na nasa edad 15 hanggang 24 na taon. Sa ganitong yugto ng
paglago, maraming nararanasang pagbabago sa pisikal, sikolohikal, at sosyal na aspeto ang mga
kabataan. Para sa malusog na pag-unlad, kailangang madama ng mga kabataan na sila ay
kabilang sa grupo, mabalot ng pagmamahal, tagumpay, kalayaan, at magkaroon ng layunin sa
buhay. Mahalagang masuportahan ang yugto ng pag-unlad na ito dahil sa maraming uri ng pag-
uugali ang nabubuo na maaaring makaambag sa pagiging normal o makadulot ng karamdamang
mental sa isang kabataan.

Subalit nang pasukin ng COVID-19 ang ating bansa, ang di-maiwasang agarang
pagbabago sa sistema ng pamumuhay dahil sa pandemya ay nagdulot ng mental na karamdaman
lalo na sa mga kabataan. Dahil hindi nakakalabas ang karamihan para makipag-bonding sa mga
kaibigan o ibang tao, may ilan na nagkakasakit, nakakaranas ng stress, pagkabalisa at depresyon.
Masmalala ang epekto nito sa mga kabataan na nakakulong ngayon sa bahay na walang maayos
na relasyon sa kanyang pamilya at wala siyang malapitan na ibang tao o institusyon na maaring
magbigay suporta at gabay sa kanya. Nakakabahala rin ang mga balita tungkol sa mga kabataan
na nawalan ng pag-asa dahil sa kahirapan, at nagpakamatay dahil sa walang pambili ng mga
gadgets o kagamitan para sa online learning. May ilan naman na nagpapakamatay matapos
mawalan ng trabaho dulot ng pagsasara ng ilang mga kompanya dahil sa epekto ng pandemya sa
ating ekonomiya.
Miski na nakakatakot at nakakalungkot ang nangyayari ngayon sa ating kapaligiran, ang
pinakamahalaga ay hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Una, dapat tayong matuto na wag
lamang aasa sa ating pamahalaan at kumilos tayo sa abot ng ating makakaya. Ang mga kabataan
na hindi malapit sa kanilang mga pamilya ay maaaring humingi ng suporta sa kanilang mga guro
o kaibigan. Sa panahon ngayon na masmabilis ang komunikasyon, di na tayo dapat mag-atubili
na humingi ng tulong sa iba kung sa pakiramdam natin ay nawawalan tayo ng pag-asa.
Pangalawa, ang edukasyon ay hindi isang paligsahan. Hindi masama na ikaw ay mahuli sa pag-
aaral dahil sa hindi ka makasabay sa online learning. May ibang kaparaanan na ipinapatupad ang
pamahalaan para ikaw ay makapagtapos ng pag-aaral ayon sa iyong kakayanan. Pangatlo, ang
trabaho ay hindi permanente, may pandemya man o wala. Dapat nating isipin na maraming
paraan na maari tayong magawa para mabuhay. Sa ngayon, ilang kabataan na ang nagtatayo ng
kanilang mga maliliit na negosyo para suportahan ang kanilang sarili. Nakakagulat na ilan dito
ay masmalaki pa ang kinikita ngayon kaysa noong sila ay nagtatrabaho sa kanilang mga
kompanya.

Sa panahon ng pandemya, ang mahalaga ay di tayo mawalan ng pag-asa at sikapin nating


tumayo sa pagkakadapa sa kahit anumang pagsubok ang ibato nito sa atin. Totoo na nasa Diyos
ang awa, ngunit dapat tayong lahat ay dapat na gumawa.

You might also like