You are on page 1of 2

Ma. Elaine P.

Trinidad Professor Cresencia Santiano


BEED 2
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya 1
Mga Uri ng Diin
May apat na pangunahing uri ng bigkas o diin sa Filipino.1.
1. Malumay
Binibigkas ito nang dahan-dahan at may diin sa pagbigkas sa ikalawang pantig buhat sa hulihan. Ito ayhindi
ginagamitan ng anumang tuldik o palatandaan. Maaaring magtapos ang salitang malumay sa patinig
okatinig.
Halimbawa:
1. BUnga,
2. Ate, laLAki,
3. magKAno,
4. Asal
*Itinalâ ang mga pantig na mariin sa malalaking letra.
2. Malumì
Ang bigkas na malumì ay tulad sa bigkas ng mga salitang malumay. Ito’y binibigkas nang dahan
-dahanat may diin sa ikalawang pantig buhat sa hulihan. Ang ipinagkaiba lamang ng dalawang pagbigkas na
ito ay angimpit na tunog sa dulo ng mga salitang malumì. Palaging nagtatapos sa tunog patinig ang malumi.
Ginagamitnatin ang tuldik na paiwà (\) sa pagpapakilala ng mga salitang binibigkas nang malumì.
Halimbawa:
1.binatà,
2.nenè,
3.dalirì,
4. pugò,
5. malayà
3. Mabilís
Ang mga salitang mabilís ay binibigkas nang tuluy-tuloy na ang diin ay nasa huling pantig. Wala itongimpit
na tunog. Maaaring magtapos ang mga salitang binibigkas nang mabilís sa katinig o patinig. Ginagamitanito
ng tuldik na pahilís (/) na inilalagay sa ibabaw ng huling patinig ng salita.
Halimbawa:
1.gandá,
2. baldé,
3.marumí,
4.damó,
5. subsób
4. Maragsâ
Ang mga salitang maragsâ ay binibigkas nang tuluy-tuloy na tulad ng mga salitang binibigkas nangmabilí
s, subalit ito’y may impit o pasarang tunog sa hulihan. Tulad ng malumì, ito ay palagiang nagtatapos satunog
na patinig. Ginagamit dito ang tuldik na pakupyâ (/\) na inilalagay sa ibabaw ng huling patinig ng salita.
Halimbawa: 1.biglâ
2. pisâ,
3.balî,
4. ngitî,
5. bungô

You might also like