You are on page 1of 9

URI NG KOMUNIKASYON

1. KONTEKSTONG BERBAL

ANG PARAAN NG PAGBIGKAS/


2. MANNER OF UTTERANCE
KONTEKSTONG BERBAL

-Kahulugan ng isang salita batay sa ugnayan nito sa mga salitang


nakapaloob sa isang pahayag.

Halimbawa:
Ang relasyon natin ay isang hirayang binuo ng aking utak na alam
kong hindi mangyayari dahil may mahal ka ng iba.
ANG PARAAN NG
PAGBIGKAS/MANNER OF
UTTERENCE

-Paraan ng pagsasalita na maaring magbigay ng kahulugan sa iyong mga


sinasabi. “Paralanguage” naman ang ibang tawag dito.
MGA URI NG PARAAN NG
PAGBIGKAS
1. MALUMAY

2. MALUMI
MGA URI NG PARAAN NG
PAGBIGKAS
3. MABILIS

4. MARAGSA
MALUMAY

-Binibigkas ito nang dahan-dahan at may diin sa pagbigkas sa ikalawang pantig


buhat sa hulihan. Ito ay hindi ginagamitan ng anumang tuldik o palatandaan.
Maaaring magtapos ang salitang malumay sa patinig o katinig.

Halimbawa:
Buhay, Malumbay, Kubo, Baka, Kulay, Babae, Dahon, Apat
MALUMI
-Ito’y tulad ng salitang malumay. Ang ipinagkaiba lamang ng
dalawang pagbigkas na ito ay ang impit na tunog sa dulo ng mga
salitang malumi. Palaging nagtatapos sa tunog patinig ang malumi.
Ginagamit natin ang tuldik na paiwa (\) sa pagpapakilala ng mga
salitang binibigkas nang malumi.

Halimbawa:
Baro, Lahi, Pagsapi, Bata, Luha, Mayumi, Tama, Lupa, Panlapi
MABILIS
-Binibigkas ng tuloy-tuloy na ang diin ay nasa huling pantig. Wala itong
impit. maaring magtapos sa patinig o katinig. Ginagamitan ng tuldik na
palihis (/) na inilalagay sa ibabaw ng huling patinig ng salita.

Halimbawa:
Dilaw, Pito, Kahon, Bulaklak, Huli, Sapin, Buwan, Rebolusyon
MARAGSA
Ito’y tulad ng salitang mabilis subalit ito’y may impit o pasarang
tunog sa hulihan. Tulad ng malumi, ito ay palagiang nagtatapos sa
tunog na patinig. Ginagamit dito ang tuldik na pakupya (/\) na
inilalagay sa ibabaw ng huling patinig ng salita.

Halimbawa:
Daga, Wasto, Pasa, Tumula, Hindi, Kumolo, Humula, Ginawa

You might also like