You are on page 1of 18

GLOTTAL na

Pasara o Impit na
tunog
Glottal na Pasara o Impit na
tunog
Ang impit na tunog o glottal ay itinuturing na isang ponemang
patinig sa Filipino.

Ito ay tumutukoy sa isang pag-aaral ng tunog at ponema na


may kahulugan ang paglakas at pagbaba ng tunog (sa wikang
Ingles ay pitch) at pagtigil (juncture).

Ang tunog o GLOTTAL na Pasara, isinasagawa ito sa


pamamagitan ng pagsara ng glottis habang nagsasalita.
Inirerepresenta ito sa dalawang paraan:
May TULDIK sa posisyong pinal ng
salita

May GITLING sa loob ng salita


ANO ANG
TULDIK?
Ang tuldík ay diin o marka na inilalagay sa
ibabaw ng patinig ng salita upang ipahiwatig ang
tamang bigkas ng salita. Ito ay accent o stress
mark.
Tuldik sa posisyong pinal ng salita
Tatlong tandang patuldik

1. Tandang Paiwa / `/

2. Tandang Pahilis /'/

3. Tandang Pakupya /^/


Tandang Paiwa /`/
Ang Tandang Paiwa /`/ ay sa mga salitáng may diing MALUMI at
inilalagay sa ibabaw ng hulíng patinig ng salita.

MALUMI - Ang bigkas na malumi ay tulad sa bigkas ng mga salitang


malumay. Ito’y binibigkas nang dahan-dahan at may diin sa pantig sa
hulihan. Ang ipinagkaiba lamang ng dalawang pagbigkas na ito ay ang
impit na tunog sa dulo ng mga salitang malumi. Palaging nagtatapos sa
tunog patinig ang malumi.
Halimbawa
barò, lahì, pagsapì, batà, luhà,
mayumì, tamà, lupà, panlapì
Tandang Pahilis /'/
Ang Tandang Pahilis /'/ ay binibigkas ito nang tuloy-
tuloy o mabilis na ang diin ay nasa huling pantig ng
salita. Wala itong impit na tunog. Maaaring magtapos
ang mga salitang binibigkas nang mabilis sa katinig o
patinig.
HALIMBAWA
Mabilís, diláw, hulí, pitó,
bulaklák,tuliró, amá, buwán
Tandang Pakupya /^/
Ang Tandang Pakupya /^/ ay pananda sa salitâng MARAGSA at
matatagpuan sa patinig na nása dulo ng salita

MARAGSA - ay binibigkas nang tuluy-tuloy na tulad ng mga salitang


binibigkas nang mabilis, subalit ito’y may impit o pasarang tunog sa
hulihan. Tulad ng malumi, ito ay palagiang nagtatapos sa tunog na
patinig.
Halimbawa

akdâ, pasâ, humulâ, ginawâ, tumulâ, hindî, hapdî,


gawî, tupî, malî, kumolô, gintô, wastô,
Gitling /-/ sa gitna ng salita
Maikling guhit na inilalagay sa pagitan ng
dalawang pantig na pinaghahati, sa pagitan ng
1. tambalang salita, o sa dalawang salitáng
pinagkakabit.

Kapag inalis ang gitling kumakatawan sa


2. anumang glottal na pasara ay mag-iiba ang
kahulugan ng salita.
Halimbawa
May gitling /-/ Walang gitling

MAY-ARI MAYARI
MAG-ALIS MAGALIS
PANG-AKO PANGAKO
PAG-IBA PAGIBA
NAG-ULAT NAGULAT
May mga salitang maaring hindi na kailangan ng gitling
dahil hindi rin naman naiiba ng kahulugan ng salita.
Halimbawa ng PAG-ASA, PAG-IBIG, TAG-ULAN at
iba pa.
Oras ng
Tanong
MARAMING
SALAMAT

You might also like