You are on page 1of 17

ANG MGA PONEMANG

S E G M E N TA L AT
S U P R A S E G M E N TA L
Ang bawat salita ay binubuo ng
makahulugang tunog na tinatawag na
ponema. Tinatawag itong makahulugan
sapagkat kapag inalis mo ang isang tunog
o pinalitan mo ito ay mababago ang
kahulugan ng isang salita.
Halimbawa:
Sa salitang “bata” (child), kapag pinalitan
natin ang “a” at ginawang “o” ay magiging
“bato” (stone) ito.
Iba na ang kahulugan nito. Ang paslit na
tinutukoy sa unang salita ay naging isang
matigas na bagay na siya namang tinutukoy
sa ikalawang salita.
May dalawang uri ang ponema;
1. Ponemang segmental
2. Ponemang suprasegmental
1. Ponemang Segmental
- May 21 ponemang segmental ang alpabetong
Filipino. Lima (5) sa mga ito ang patinig; /a,
e, i, o, u/ . Labing-anim (16) naman ang
katinig: p, t, k, b, d, g, m, n, ng, h, l, r, s, w, y,.
Tinatawag ang mga ito na ponemang segmental
sapagkat bawat tunog ay isang segment o
bahagi ng salita.
para makabuo ng isang salita,
pinagdudugtong-dugtong ang mga
tunog.
Halimbawa:
Ang salitang “laban” na binubuo ng
limang letra ay binubuo rin ng limang
tunong na /l, a, b, a, n/ na pinagdugtong-
dugtong.
2. Ponemang Suprasegmental
- samantala, ang suprasegmental naman ay
makahulugang yunit ng tunog na karaniwang
hindi tinutumbasan ng letra sa pagsulat.
Inihuhudyat o sinisimbolo ito ng mga
notasyon ponemik upang matukoy ang paraan
ng pagbigkas ng isang salita o isang pahayag.
Apat ang ponemang suprasegmental sa
Filipino.
- Sa paggamit ng suprasegmental
naipahahayag ang damdamin,
saloobin at kaisipang nais ipahayag
ng nagsasalita. Matutukoy natin ang
kahulugan, layunin o intensiyon ng
pahayag o ng nagsasalita sa
pamamagitan ng tono, haba, diin at
antala.
TONO
- Ito ang pagtaas o pagbaba ng himig sa
pagsasalita. Ito ang nagbibigay buhay sa
pagbigkas.
- Paano mo kaya gagamitin sa tamang tono
ang mga sumusunod na salita?
May sunog.
May sunog?
HABA
- Ito ang pagpapababa o pagpapatagal sa
pagbigkas ng patinig sa isang pantig ng
salita. Tandaan na may mga salita na pareho
ang baybay ngunit magkaiba ng bigkas gaya
ng;
Hamon (ham) at hamon (challenge)
Gabi (night) at gabi (taro)
Sa transkripsyong lingguwistiko,
nilalagyan ng tuldok ang mga patinig na
pinapahaba ang bigkas.
Halimbawa:
/ha.mon/ (challenge), /ga.bi/ (taro), at
/bu.kas/ (tomorrow) ay pawang may
haba sa kanilang pantig na penultima o
ikalawa mula sa dulong pantig.
DIIN
Ito ay bigat na iniuukol sa isang pantig
sa pagbigkas ng salita. Maaari din
itong tumukoy sa lakas, bigat o linaw
ng pagbigkas sa isang salita o
pangungusap na nais bigyang-
emphasis.
ANTALA
Ito ang sandaling paghinto na iniuukol
sa pagbigkas ng pangungusap upang
mas malinaw itong maintindihan. May
mga ideya kasi na kapag hindi pinag-
ukulan ng antala ay maaaring mag
bigay ng maling pag-intindi sa kausap.
Halimbawa;
“Hindi. Ako ang kapatid ni Stephanie”
at “Hindi ako ang kapatid ni Stephanie”

- May pagtanggi at pagwawasto ang


unang pangungusap samantalang ang
pangalawa ay tuwirang impormasyon.
Magagamit din ang antala kung nais
pataasin ang pananabik o suspense
sa impormasyong inilalahad.

You might also like