You are on page 1of 11

PAGGAMIT NG

PANGNGALAN SA
PAGSASALAYSAY
FILIPINO 4
• Napakahalaga ng paggamit ng pangngalan sa pagbibigay ng isang ideya
o pahayag. Hindi magkakaroon ng isang makabuluhang pahayag kung
walang pangngalan na gagamitin dito. Sa anumang pagkakataon, ang
paggamit sa ngalan ng tao, bagay, pook o hayop o pangyayari ay
kumukumpleto sa diwa ng pahayag. Pangngalang pantangi man o
pambalana ang ginagamit, nakapagdudulot ito ng isang maayos ,
makabuluhan at makahulugang pangungusap.
ANG TULA
FILIPINO 5
• Hindi na marahil bago sa atin ang makakita ng tula bilang akdang
pampanitikan. Simula pa noong tumungtong tayo sa unang
baitang ng pag-aaral ay nakababasa at nakaririnig na tayo ng
tula o pagtula. Sa lahat din ng pagkakataon sa mga paligsahang
pangwika ay hindi mawawala ang sining sa pagtula.
• Ang tula ay isa sa mga anyo ng panitikan na binubuo ng mga
taludtod at saknong. Ang taludtod ay ang linya at ang mga
saknong ay binubuo ng mga taludtod.
t
a Kapagka ang baya’y sadyang umiibig,
l Sa kaniyang salitang kaloob ng langit
u saknong
Sanglang kalayaan nasa ring masapit,
d
Katulad ng ibong nasa himpapawid.
t
o
d Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo’t mga kahariaan,
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.
Ilan sa katangian ng tula ay ang sukat at
tugma.

Ang sukat ay tumutukoy sa bilang ng mga


pantig sa bawat taludtod.
Halimbawa ng saknong na may sukat:

• A-ko ay may lo-bo = 6 na pantig


• Lu-mi-pad sa la-ngit = 6 na pantig
• Di ko na na-ki-ta = 6 na pantig
• Pu-mu-tok na pa-la = 6 na pantig
• Sinasabi namang may tugma ang tula kapag
magkakatunog ang bawat dulong pantig ng taludtod sa dula.
Halimbawa:
Ang ibong makupad
Tamad sa paglipad
• Ang isang tula ay maaari ding mauri bilang
tradisyonal o malayang taludturan. Sa
tradisyonal na uri, ang tula ay may sukat at
tugma. Masasabing nasa malayang
taludturan ang tula kapag ito ay walang
sukat at tugma.
Halimbawa ng tula na may malayang
taludturan:
Ang panginoon ang aking tanglaw (10 pantig)
Sa panganib ako’y iingatan (10 pantig)
Kanino ako masisindak, matatakot (13 pantig)
Kung ako’y laging nasa piling n’ya (10 pantig)
Gagawa kayo ng isang tula.
1. 6 na saknong
2. 4 na taludtod
3. Malayang taludturan
4. kahit na anong tema

You might also like