You are on page 1of 7

Pagkilala sa magagalang na pananalita

Mahalaga sa pakikipag-usap sa kapuwa ang


pagiging magalang. Upang maipakita ang
respeto sa kausap, maaari nating gamitin
ang mga salitang po at opo.
Gayundin, maaaring gamitin ang mga
panghalip na sila, naming at kanila.
Halimbawa:
1. Sino po sila?
2. Ano po ang maitutulong ko sa kanila?
3. Sa pagbati, maaari nating gamitin ang mga
pangungusap na:
a. Magandang umaga po.
b. Kumusta po kayo?
4. Sa paghingi ng paumanhin, magagamit ito:
a. Ipagpaumanhin po ninyo.
b. Ipagpatawad po ninyo.
5. Sa pag-uutos, mas Mabuti kung gagamitin ang
sumusunod na magagalang na salita:
c. Maaari po ba ninyong… (o maaari kayang …)?
d. Pakiusap, puwede po bang … (o puwede
kayang…)?
paggamit sa magagalang na pananalita
Panuto: Anong magagalang na salita ang magagamit
sa sitwasyon sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot
sa iyong kuwaderno. Magbigay ng dalawang sagot sa
bawat bilang.

1. Nahulog ang iyong lapis at pinulot ito ng isang


kaklase. Ano ang dapat mong sabihin sa kaniya?
2. Nakalimutan mong ipasa ang iyong takdang-aralin
sa guro sa oras ng kaniyang klase. Hinabol mo siya sa
labas ng silid-aralan upang ipasa ito. Ano ang dapat
mong sabihin sa kaniya?
3. Bibili ka ng pagkain sa kantina ng inyong paaralan.
Ano ang dapat mong sabihin sa nagtitinda?
4. May hinahanap kang libro sa inyong silid-aklatan.
Gusto mong magpatulong sa inyong librarian. Ano
ang sasabihin mo sa kaniya?

5. Nakita mong laging walang kausap ang isa mong


kaklase at gusto mong makipagkaibigan sa kaniya.
Ano ang sasabihin mo upang pumayag siyang
makipagkaibigan sa iyo?
______1. Hoy! Umalis ka nga rito! ______6. Bakit ka nandito?
______2. Maaari po bang ______7. Opo Inay, nakuha ko
mahiram ang upuan na ito? po.
______3. Ayaw kong ______8. Saan ka pupunta
makipagkaibigan sa’yo. tatay?
______4. Kumusta ka, Jacob? ______9. Hindi po.
______5. Hindi kita bibigyan ng ______10. Bakit hindi pa po
papel! kayo umuuwi?

You might also like