You are on page 1of 16

ANG MGA DULANG

PANLANSANGAN
• Ang dula ay isang panitikang sadyang isinulat
upang itanghal. Ginagaya nito ang isang madulang
tagpo sa buhay. Kinatatampukan ito ng mga aktor
na nagbibigay buhay sa kani-kaniyang papel. Lalo
itong nagiging makatotohanan at masining sa
paglalapat ng angkop na tunog, musika, ilaw,
kasuotan, make-up at iba pang elemento ng dula.
Nabubuo ito sa pagtutulungan ng director,
tagapamahalang pamprodukyon, manunulat ng
iskrip, taga-desensyon ng set, at iba pang tao sa
likod ng palabas.
• Mga Lugar na pinagtatanghalan ng dula.

1. Dulang pantanghalan – ginagawa sa mga


teatro, estudyo, at iba pang tagpuang sadyang
ginawa upang pagdausan ng palabas.
2. Dulang pantahanan – ay ginagawa sa bahay.
Nilalahukan ito ng magkakamag-anak,
magkakaibigan, o magkakapitbahay na
gumaganap sa kani-kaniyang papel ayon sa
Kuwento ng dulang binibigyang-buhay nila.
Halimbawa nito ang duplo at karagatan na
isinasagawa noon bilang pang-aliw sa mga
namatayan. Kahit laro lamang ay “in character”
ang mga kalahok sa pagganap ng kanilang papel.
Sa duplo, ginagampanan ang papel ng haring
nawalan ng mahalagang gamit, mga belyako at
belyaka, berdugo, at iba pa. sa karagatan naman,
nariyan ang karakter ng prinsesa at maninisid.
3. Dulang panlansangan – mga dulang isinasagawa
sa pampublikong espasyo gaya ng mga kalye,
plaza, basketball court, at iba pang lugar na bukas
sa tao. Karaniwan itong isinasagawa kapag may
pista o mahahalagang pagdiriwang sa komunidad.
Sa mga uri ng dula, ito ang pinakabukas sa
publiko. Mapapanood ito ng kahit na sinong
interesado sa pagtatanghal.
a. Komedya o moro-moro – dula na nasa anyong
patula tampok ang buhay, pag-iibigan at
digmaan ng mga kahariang Kristiyano at
Muslim.
b. Panuluyan – pagsasadula sa paghahanap nina
Jose at Maria ng pagsisilangan kay Jesus.
c. Senakulo – pagsasadula ng buhay, paghihirap
at kamatayan ni Kristo. Ipinapalabas ito tuwing
mahal na araw.
d. Salubong – ang pagsasadula sa muling
pagkabuhay ni Kristo at pakikipagtagpo niya sa
inang si Maria. Isinasagawa ito tuwing linggo ng
pagkabuhay.
e. Tibag – ang pagsasadula sa paghahanap ni
Reyna Elena, ina ni Constantine the Great, sa krus
na pinagpakuan kay Kristo, ginaganap ito tuwing
Mayo.
f. Karilyo – dulang nagtatampok sa mga anino na
pinapagalaw sa likod ng puting tabing. Ang mga
tauhan at tauhan ay gawa sa ginupit na karton na
sinasabayan ng salaysay o diyalogo. Maaari itong
gamitan ng artipisyal na ilaw o liwanag na
nagmumula sa buwan.
Dula na ipinagdiriwang sa Mindanao;
a. Kaamulan Festival (Malaybalay City, Bukidnon)
– ito ay pagtitipon ng pitong katutubong
pangkat na nananahan sa Bukidnon.
b. Kadayawan Festival (Davao City) – isinasadula
nito ang pasasalamat sa Diyos na si Manama
sa Bundok Apo dahil sa masaganang ani,
saganang kalikasan, mabuting buhay, at iba
pang biyaya.
c. Kinabayo Festival (Dapitang City, Zamboanga
Del Norte) – isinasadula nito ang mga digmaan sa
Espanya na napagwagian ng mga Espanyol.
d. Sagayan Festival (Lanao Del Norte) – ipinapakita
nito ang isang sayaw ng pakikidigma ng mga
Maranao hango sa epikong Bantugan.
e. T’nalak Festival (Koronadal City, South
Cotabato) – isinasabuhay sa pagdiriwang ang
kultura, katatagan, at kaisahan ng iba’t ibang
pangkat sa Timog Cotabato.
PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA
1. Sambitla – mula sa pinagsamang “nasasambit
bigla” ito ang mga ekspresyon na natural na
lumalabas sa bibig natin bilang tugon sa isang
sitwasyon. Puno ito ng damdamin.
Halimbawa:
Aray!
Naku po!
Diyos ko!
2. Penomenal – inilalarawan nito ang kalagayan ng
kalikasan o kapaligiran.
Lumilindol.
Bumabagyo.
Kumikidlat.
3. Temporal o pamanahon – tumutukoy sa oras,
araw, petsa, panahon, o ano mang sumasagot sa
tanong na kailan.
Sa makalawa. Sa pasko. Mamayang ala-una.
4. Eksistensysal – mula sa salitang-ugat na “eksist”
tinutukoy nito ang pagkakaroon o kawalan.
May pasok na.
Walang signal.
(may dala kang bolpen?) Mayroon.
5. Pakiusap – nagpapahayag ng pangangailangan,
kahilingan o pakisuyo.
Patapon
Pasabay naman.
6. Pahanga – nagpapahay ng pagkatuwa, at
pagkamangha.
Ang ganda!
Sulit!
Napakatalino talaga.
7. Pandiwa o pang-abay na pamaraan – ito ang
mga salitang kilos na may kasamang panuring na
nagtataglay ng buong diwa.
Takbo!
8. Pormulasyong Panlipunan – ito ang mga salita
na nakasanayan nang sabihin sa tiyak na mga
sitwasyon sa buhay.
Opo.
Maligayang kaarawan.
Makikiramay po.
Magandang umaga.

You might also like