You are on page 1of 17

Ang mga Dulang

Panlansangan
DULA

Ito ay isang panitikang sadyang isinulat upang


itanghal. Ginagaya nito ang isang madulang tagpo sa
buhay. Kinatatampukan ito ng mga actor na nagbibigay
tauhan sa kaniya-kaniyang papel.
Lalo itong nagiging makatotohanan at masining sa
paglalapat ng angkop na tunog, musika, ilaw, kasuotan,
makeup at iba pang elemento ng tula.
DULANG
PANLANSANAGAN

 Ito ang uring ginagawa sa teatro, estudyo, at iba pang


tagpuang sadyang ginawa upang pagdausan ng palabas.
 kung sa panahon ng sinaunang mga Griyego, sa mga
pampublikong teatro itinatanghal ang mga dula, ngayon,
maaari na itong gawin sa iba’t ibang lugar mula sa mga
likas na kapaligirang pinagsusyutingan ng mga pelikula at
teleserye hanggang sa sopistikadong estudyo na pwedeng
lapatan ng special effects.
DULANG PANTAHANAN

 Ito ay ginagawa sa bahay. Nilalahukan ito ng


magkakamag-anak, magkakaibigan, o
magkakapitbahay na gumaganap ng kaniya
kaniyang papel ayon sa kuwento ng dulang
binibigyan ng buhay nila. Ilan sa mga halimbawa
nito ay ang duplo at karagatan na isinasagawa
noon bilang pang-aliw sa mga namatayan.
MGA IBA’T IBANG DULANG
PANLANSANGAN
KOMEDYA O MORO-MORO

• Isang dula na nasa anyong patula tampok ang


buhay, pag-iibigan, at digmaan ng mga kahariang
Kristiyano at Muslim
PANUNULUYAN

• Ang pagsasadula mula sa paghahanap nina Jose


at Maria ng mapagsisilangan kay Jesus. Ginagawa
ito tuwing Bisperas ng pasko.
SENAKULO

• Ang pagsasadula ng buhay, paghihirap, at


kamatayan ni Kristo. Ipinapalabas ito tuwing
Mahal na araw. Nakasulat ng patula ang kuwento
nito nang may walong taludtod sa bawat
saknong.
SALUBONG

• Ang pagsasadula sa muling pagkabuhay ni Kristo


at pakikitagpo niya sa kaniyang inang Maria.
Isinasagawa ito tuwing Linggo ng pagkabuhay.
TIBAG

• Ang pagsasadula sa paghahanap ni Reyna Elena,


ina ni Constantino the Great, sa krus na
pinagpakuan ni kristo. Ginaganap ito tuwing
mayo
• Ito ay tinatawag ngayong SANTAKRUZAN
KARILYO

• Isang dulang nagtatampok sa mga anino na


pinapagalaw sa likod ng puting tabing. Ang mga
tauhan at tagpuan ay gawa sa ginupit na karton
na sinasabayan ng mga at diyalogo habang
pinapagalaw
Bukod sa mga nabanggit,
maituturing ding dula ang mga
sumusunod na mga pagdiriwang sa
Mindanao na may elementong
maladula dahil sa muling
pagsasabuhay ng isang pangyayari o
tagpo sa panitika.
Kaamulan Festival
(Malaybalay City, Bukidnon)
• Ito ay pagtitipon ng Pitong katutubong pangkat na nanahan sa rehiyon ng
Bukidnon, Higaonon, Talaandig, Manobo, Matigasalug, Tigwanahon, at
Umayamnon
• Ipinapakita rito ang iba’tibang ritwal gaya ng Pangampo (Panlahat na
pagsamba).
• Tagulaambung hu Datu (ritwal sa pagluluklok ng bagong pinuno ng tribu)
• Panumanod (isang seremonya ng mga espiritu)
• Panlisig (Ritwal sa pagtataboy ng masasamang espiritu)
• Pamalas (Ritwal sa paglilinis ng mga kasalanan)
Kadayawan Festival
(Davao City)

• Isinasadula nito ang pasasalamat sa diyos na si Manama sa


Bundok Apo dahil sa masaganang ani, saganang kalikasan,
mabuting buhay, at iba pang biyaya.

• Ang “Kadayawan” ay nagmula ay nagmula sa pagbating


“Madayaw” sa local na wika na ibig sabihin ay Mabuti,
magaling at magalang.
Kinabayo Festival
(Dapitan City, Zamboangga del
Norte)

• Isinasadula nito ang mga digmaan sa Espanya na


napagwagian ng mga Espanyol sa
makapangyarihang pamamagitan ni Senyor
Santiago. Si Senyor Santiago ang patron ng
Dapitan City at ang bansang Espanya.
Sagayan Festival
(Lanao Del Norte)

• Ipinapakita nito ang isang sayaw ng pakikidigma


ng mga Maranao hango sa Epikong Bantugan.
T’nalak Festival
(Koronada City, South Cotabato)

• Nakuha nito sa pangalang “T’nalak”. Isang


makulay na telang abaka na hinabi ng
kababaihang T’boli ng Timog Cotabato.Walang
katulad ang disenyo ng bawat tela dahil
nakabatay ito sa panaginip ng humabi nito.
Isinasabuhay ang Kultura, Katatagan, at kaisahan
ng iba’t ibang pangkat sa Timog Cotabato.

You might also like