You are on page 1of 6

ANG

SANAYSAY
- Ang sanaysay ay isang anyo ng panitikan na
tumatalakay sa pananaw ng may-akda tungkol sa
isang tiyak na paksa.
- Ayon kay Alejandro G. Abanilla, ito ay isang
“nakasulat na karanasan ng taong sanay sa
pagsasalaysay”. Hindi katulad ng tula, dula, maikling
kuwento, nobela at iba pang malikhaing panitikan na
nakabatay sa malawak na imahinasyon ng may-akda,
hangga’t maaari, katotohanan dapat ang inilalahad ng
isang sanaysay. Walang kathang-isip. Isa itong
halimbawa ng tinatawag na “obhetibong panitikan.”
1. Pormal o Maanyo – nakasentro ito sa isang paksang
akademiko o propesyonal. Kailangan itong suportahan
ng mga pag-aaral o saliksik upang lalong tumibay ang
mga impormasyong inilalahad. Seryoso ang tono nito at
may distansya ang may akda sa mga mambabasa.
Maingat ito sa paggamit ng wika. Kailangan tama ang
baybay, bantas, kapitalisasyon, pagbuo ng mga
pangungusap, at iba pa. ilang halimbawa nito ay ang
mga talakay sa mga tesis, teksbuk, ensiklopidya, ulat, at
iba pang pag-aaral.
2. Impormal – nakasentro ito sa isang paksang
personal. Malaya ang daloy ng pagbabahagi ng may-
akda. Nakabatay lang sa sarili nyang kaalaman o
karanasan ang mga impormasyon. Magaan ang tono nito
at parang nakikipag-usap sa mga mambabasa. Hindi ito
mahigpit sa paggamit ng wika. Maaaring tumaliwas sa
mga tuntunin ng wastong kayarian ng mga wika gaya ng
Ingles at Filipino. Ilang halimbawa nito ang mga travel
blog, rebyu ng pelikula, kuwento ng karanasan, at iba
pang sanaysay na personal.
BAHAGI NG ISANG SANAYSAY

1. PANIMULA
2. KATAWAN
3. WAKAS
1. PANIMULA – ito ang bahaging pumupukaw ng
interes ng mga mambabasa.
2. KATAWAN – narito ang malaking bahagi ng
pagtalakay. Dito inilalahad ang pangunahin at mga
suportang kaisipan. Ipinapaliwanag ang mga ito
nang husto at pinatitibay ng mga halimbawa.
3. WAKAS – dito inilalahad ang kongklusyon,
implikasyon, o lagom ng mga tinalakay. Maaari din
ditong mag-iwan ng hamon o tawag ng pagkilos.

You might also like