You are on page 1of 2

Ano ang bigkas at baybay palatuldikan

Palabaybayan
-(orthography sa wikang Ingles) ng Isang wika ay tumutukoy sa tamang paraan ng pag gamit ng
Isang tiyak na sistema sa pagsulat ng Isang wika.
Tuldik
-Isang hudyat na dinadagdag sa Isang titik upang mapalitan ang pagbigkas o malaman ang
pagkakaiba nito sa pagitan ng magkakatulad ng mga salita.
DIIN

-Antas ng lakas ng pagbigkas ng Salita o bahagi ng Salita.

Kasama sa araw-araw na paglalakbay ng tao ang pakikipag-ugnayan gamit ang wika.Ang wika
ay dapat na nakapagpapatatag ng bigkis ng mga tao sa pamamagitan ng
pagkakaunawaan.kaya naman mahalagang pag-aralan ang maliliit na sangkap ng wika dahil
ang mga ito Ang maghahatid sa atin ng higit na pagkakaunawa sa mga salita o mensaheng
dapat ipahayag.
Bakit ito mahalaga?
- Ang wastong pagbigkas ay nagdaragdag ng dignidad sa mensahe na ating
ipinangangaral.Itinutuon nito ang pansin ng nakikinig sa mensahe na ating ipinangangaral sa
halip na sa anumang pagkakamali sa pagbigkas.
May apat na prinsipal na uri ng bigkas o diin
1.Malumay.
- Binibigkas ito nang dahan-dahan at may diin sa pagbigkas sa ikalawang pantig buhat sa
hulihan.Ito ay hindi ginagamitan ng anumang tuldik o palatandaan. Maaaring magtapos ang
salitangmalumay sa patinig o katinig.
Halimbawa :
Buhay ,malumay ,kubo ,baka,kulay ,babae ,dahon,apat
2. Malumi
-Ang bigkas na malumi ay tulad sa bigkas ng mga salitang malumay. Ito’y binibigkas nang
dahan-dahan at may diin sa ikalawang pantig buhat sa hulihan. Ang ipinagkaiba lamang ng
dalawang pagbigkas na ito ay ang impit na tunog sa dulo ng mga salitang malumi. Palaging
nagtatapos sa tunog patinig ang malumi. Ginagamit natin ang tuldik na paiwa (\) sa
pagpapakilala ng mga salitang binibigkas nang malumi.
Halimbawa :
Baro, lahi,pagsapi,bata,luha,mayumi,tama,lupa,panlapi.
3.Maragsa
-Ito ay binibigkas nang tuloy-tuloy na ang huling pantig ng salita ay may impit. Ito ay laging
nagtatapos sa patinig. Ito ay tinutuldikan ng pakupya(^) na itinatatapat sa huling patinig ng
salita. Ito rin ay may impit sa dulo.
Halimbawa: dugô, butikî, pusô
4. Mabilis
-Ito ay binibigkas ng tuloy-tuloy na maluwag sa lalamunan. Ang diin ng mga salitang mabilis ay
nasa huling pantig. Ito ay nilalagyan ng tuldik na pabilis(‘) na itinatapat sa huling patinig.
Halimbawa: bulaklák, alagád, batu-bató

Tagapag-ulat
Gladys B. Gambosa BSED FILIPINO 1

You might also like