You are on page 1of 4

Salitang Maragsa

Ito ay binibigkas nang tuluy-tuloy na ang


huling pantig ng salita ay may impit. Ito ay
laging nagtatapos sa patinig. Ito ay
tinutuldikan ng pakupya (^) na itinatatapat
sa huling patinig ng salita. Ito rin ay may
impit sa dulo.
Halimbawa:
yugtô, dugô, butikî, maralitâ,
kaliwâ, pasô
Salitang Mabilis
Ito ay binibigkas ng tuluy-tuloy na
maluwag sa lalamunan. Ang diin ng mga
salitang mabilis ay nasa huling pantig. Ito
ay nilalagyan ng tuldik na pahilis (´) na
itinatapat sa huling patinig.
Halimbawa:
tigmák, batubató, bulaklák,
alagád, bumilí, patíng
Salitang Malumay
Ito ay binibigkas nang banayad na may
diin sa ikalawang pantig mula sa huli.
Ito ay hindi tinutuldikan. Ang mga
salitang ito ay maaaring magtapos sa
patinig o katinig.
Halimbawa:
lipunan, ligaya, larawan,
tao, silangan, kanluran
Salitang Malumi
Ito ay binibigkas ng banayad tulad ng
malumay na may diin sa ikalawang pantig
mula sa huli. Ito ay tinutuldikan ng paiwa
(`) sa ibabaw ng huling patinig. Nagtatapos
ang mga salitang malumi sa patinig. Ito rin
ay may impit sa dulo.
Halimbawa:
diwà, lahì, dalamhatì,
dakilà, balità, tubò

You might also like