You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Province of Cebu
City of Talisay
TALISAY CITY COLLEGE
Poblacion, Talisay City, Cebu
2nd Semester, Academic Year 2021-2022

SPEC FIL 8 : PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA,


ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO
Fasiliteytor ng Kurso Erlinda G. Wong, Ed. D. Departamento Edukasyon

Guro Numero-Telepono
Kurso at Taon BSEED Fil 2 Yunits 3
Ang kursong ito ay tumatalakay sa pagsasanay sa paggamit ng estruktura at gamit ng wikang
Filipino sa pagtuturo ng elementarya. Sumasaklaw sa deskriptibong pag-aaral ng wikang
Filipino sa lebel ng ponolohiya, morpolohiya, semantika, at sintaks. Napapahalagahan din
Deskripsyon ng Kurso dito ang layunin sa epektibong pagtuturo sa elementarya. Nakapaghahandog ng dekalidad
at abot-kayang edukasyong pang-elementarya. Nakagagamit ng iba’t ibang kaalaman sa
proseso ng pagtuturo at pagkatuto. At higit sa lahat, paghimok sa mga mag-aaral sa
aktibong pakikilahok sa palatuntunan na nauukol sa pangangailangan ng komunidad.
Pangkalahatang ang Nakapaghahanda ng epektibong pagtuturo ng Filipino sa Elementarya na may wastong
Kinalabasan estruktura at gamit ng wikang Filipino.
Pangitnang Unit ng Nagagabayan sa pagiging epektibong guro at napapaunlad ang kahusayan sa paggamit ng
Kinalabasan wika.

Pangalan ng KuriKulum, Taon at


Estudyante Sek.
Telepono/Cel. Oras na itinalaga
Tirahan Mga inilaang Petsa

Kagamitang Pampagkatuto 3: Kaalamang Pangwika


BATAYANG NILALAMAN LAYUNIN PAMPAGKATUTO
 Ponolohiya Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay :
 Morpolohiya  Napapahusay ang wastong pagbigkas
 Sintaksis  Nakapag-uusap nang wasto sa paksang tinatalakay
 Nakasusuri sa gagawing MATRIX sa paksang matagumpay na pagkatuto ng wika.
PAGGANYAK

https://bmmagazine.co.uk/wp-content/uploads/2019/05/business-meeting-e155741293254.jpg

Ano kaya ang kanilang pinag-uusapan. Ito ba ay tungkol sa ……….


Paki tsek ang inyong haka-haka.
- tungkol sa Covid-19
- kalian dapat bumalik ang mga kabataan sa paaralan
- maraming natutunan ang mga bata sa “distance learning”

ANG MATERYAL NA ITO AY KAGAMITANG PANG-EDUKASYON AT HINDI PINAGBIBILI Pahina 1 ng 10


TALAKAYAN

PONOLOHIYA
Ang mga Hulwarang Tunog ng Wika.

Ang ponolohiya ng isang wika ang paraan kung paanong ang mga tunog ay makabubuo ng mga
hulwaran. Ang kaalaman sa ponolohiya ng isang magsasalita.
Ang ponema ang tawag sa pinakamaliit na makabuluhang tunog ng isang wika. Ang bawat wika
ay may kani-kaniyang tiyak na dami o bilang mga makabuluhang tunog.
Makikilala ang katuturan ng ponema kung makikita ang mga ito sa mga salitang binubuo ng
mga magkakatulad na tunog liban sa isang tunog sa maaaring magpabago ng kanilang kahulugan sa
magkaparehong kahulugan.
Ang Filipino ay may 21 ponema, 16 sa mga ito ang katinig at 5 naman ang patinig. Mga katining
p,t,k, (glotal), b,d,g,m,n,y,h,s,l,r,w,y. Mga patinig I,e,a,o,u.
Ang patinig ay inuturing na siyang pinakarampok o pinakaprominenting bahagi ng pantig,
walang pantig sa Filipino na walang patinig.
Ang wikang Filipino ay konsistent ang palabaybayan na ang ibig sabihin ay may isa-isang
pagtutumbasan ang ponema at ang letra o titik na kumakatawan dito ang simbolong ginagamit upang
magrepresinta ng ponema ay siya ring ginagamit na mga letran sa palabaybayin.

MGA PONEMANG SEGMENTAL (KATINIG AT PATINIG)


Ang mga ponema ay mga tunog na nakapaloob sa isang wika. Ito’y mga makabuluhang tunog
na nagpapabago ng kahulugan

https://www.tucambioesahora.com/2014/01/como-improvisar-un-discurso.html

MGA PONEMANG SUPRASEMENTAL


Ito ay makabuluhang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa
pagsulat. Sa ating pagsasalita o pakikipag-usap, binabago ng tono ang ating boses upang bigyan ng diin
ang bahagi ng ipinaparating na mensahe sa ating kausap.
TONO - ang pagtaas at pagbaba ng tono ng boses ay depende kung gaano kabilis magbaybreyt
ang ating vocal-kord. Ang ponemang suprasegmental ay pantulong sa ponemang segmental

ANG MATERYAL NA ITO AY KAGAMITANG PANG-EDUKASYON AT HINDI PINAGBIBILI Pahina 2 ng 10


HABA at DIIN - Ang pagpapahaba ay bahagyang paghinto sa binibigkas na pantig o silabol ng
salita nang hindi pinuputol ang paglikha ng tunog sa nasabing pantig. May mga salita na binabasa nang
mas mahaba o mas maikli.

Mahalagang ibalik ang paggamit sa mga tuldik o asento. Sa Balarila, ipinasok ni Lope K. Santos
ang tatlong tuldik bilang sagisag sa mga paraan ng pagbigkas : (1) tuldik pahilis (´), (2) ang tuldik na paiwa (`)
na ginagamit, (3) ang tuldik pakupya ( ˄ ) para sa salitang maragsa.
Hal. 1. malumay - nanay 3. malumi - labì
2. mabilis - puliś 4. maragsa - tuksô

Ang palabigkasan ba ay mahalaga para magkaunawaan?

ORTOGRAPIYANG PAMBANSA,
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO 2013
MGA URI NG DIIN AT TULDIK
1. Mga salitang malumay
- Binibigkas ito nang may diin sa pantig na pinultima o ikalawang pantig mula sa huli. Karamihang salita
ay likas na katutubo.

Nagtatapos sa patinig Nagtatapos sa katinig


dalaga nanay
babae silangan
bahay madaldal
tao tahimik
sarili

2. Mga Salitang Malumi


- Tulad ng malumay, binibigkas ito nang may diin sa pantig na pinultima. Masasabi natin na ang salitang
malumi ay laging nagtatapos sa patinig. Ang salitang malumi ay inirerepresinta ng tuldik na paiwa (`)
na natatapat sa huling patinig.

bata` dalumhati`
talumpati` luha`
dambuhala` labi`

3. Mga Salitang Mabilis


- Binibingkas ito ng tuloy-tuloy na ang diin ay nasa huling pantig. Ginagamitan ito ng tuldik na pahilis (`)
tinatapat sa huling patinig.
Nagtatapos sa Patinig Nagtatapos sa katinig
takbo´ katawán
isa´ alagád
alitaptáp
4. Mga Salitang Maragsa
- tulad ng mabilis, binibgikas ang mga ito nang tuloy-tuloy, ang diin ay nasa huling pantig, laging
nagtatapos sa patinig. Ang tuldik ay pakupya (^) na itinatapat sa huling patinig.

Nagtatapos sa Patinig Nagtatapos sa katinig


kaliwâ Salitâ
dugô butikî

sampȗ

ANG MATERYAL NA ITO AY KAGAMITANG PANG-EDUKASYON AT HINDI PINAGBIBILI Pahina 3 ng 10


MORPOLOHIYA
Ang mga salita ng wika.
Ang morpolohiya ay ang pag-aaral ng mga makabuluhang yunit ng salita ng isang wika. Ang
morpema ay pinakamliit na yunit ng isang salita na may kahulugan.
Ayon kina Santiago A at Tiangco N (2003) ng Makabagong Balarilan Filipino. Ang morpolohiya ay
ang pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at pagsama-sama ng mga ito upang makabuo ng salita. Anupa’t
kung ang ponolohiya ay tungkol sa pag-aaral ng set ng mga tunog na bumubuo ng mga salita sa isang wika, ang
morpolohiya ay ang pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng iba’t ibang morpema.

MORPEMA

Kung sa pag-aaral ng ponolohiya ay natutuhan natin ang katawagang ponema, sa morpolohiya


naman ay matutuhan ang isa pang katawagan – ang morpema.
Ang morpema sa payak na kahulugan ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay
ng kahulugan.
Mga Halimbawa ng morpema at kahulugan.
 ma - marami
 um/um - pagganap sa kilos

Mga panlaping di magkarugtong


 mag-an - gantihang kilos

May tatlong anyo ang morpema : ang morpemang salitang-ugat, morpemang panlapi at ang
morpemang binubuo ng mga ponema.
1. Morpemang salitang-ugat - ito ay payak na salita at walang kasamang panlapi.
Hal. tao, bato, gulay , asin
2. Morpemang panlapi - isang panlapi na isinasama sa pangngalan ara ganap na may
kahuluganang.

Ang isang panlapi ay hindi makapag-iisa. Ibaibang posisyon ang kinalalagyan ng panlapi sa salita
na may iba’t ibang uri ang panlapi.
 unlapi - paalis, iniibig, malungkot, manghuli
 gitlapi - tumalon, tinali, lumakad, tinukso
 hulapi - ibigin, sulatan, pagupitan
 kabilaan - inupahan, nagsigawan
 laguhan - ipinagsumigawan, nagdinuguan.

Kung sa pandinig mo ay bagong salita at hindi mo maunawaan, ano


kaya ang gagawin mo?

Makabagong Balarilang Filipino


nina Santiago A at Tiangco N.

ANG MATERYAL NA ITO AY KAGAMITANG PANG-EDUKASYON AT HINDI PINAGBIBILI Pahina 4 ng 10


Mga panlaping makangalan - nagkaroon ng kahulugan kapag isinasama sa pangngalan.
a. an o han -
1. lalagyan nang marami sa bagay na isinasaad ng salitang-ugat.
Hal. aklatan, manukan, bigasan
2. Pook na ginaganapan ng kilos na isinasaad ng salitang ugat.
Hal. lutuan, aralan, tahian
3. Gantihang kilos - biruan, kurutan, tuksuhan
4. Panahon ng pagganap - pistahan, taniman, anihan
b. In o hin –
1. Ngalan ng bagay na nagsasaad ng karaniwang gamit ayon sa salitang ugat.
Hal. prituhin, ihawin
2. Relasyon isinasaad ng salitang ugat.
Hal. tiyuhin, amain, iniina
c. ma - nangangahulugan marami
Hal. matao, mabunga, maisda
d. taga - 1. Bagsasaad ng gawain
Hal. tagalaba, tagaluto, tagalinis
2. nagsasaad din ito ng tirahan.
Hal. taga-Cebu, taga-nayon, taga-Maynila
e. pala - nangangahulugang “laging kasama”
Hal. paladasal, palatawa, palangiti
f. in o hin - nangangahulugang may katangia ng sinasabi ng salitang ugat.
Hal. antukin, sakitin, galisin
g. pang-pam-pan - nagsasaad ng ukol sa, o para sa
Hal. pambata, pambukid, panlalaki, pangkasal
h. mala - nangangahulugan tulad ng isinasaad ng salitang ugat.
Hal. malakanin, malarosas, malakrista
i. mag - nagsaad ito ng dalawang taong may relasyon o kaugnayan.
Hal. mag-ina, magkasintahan, maglolo
- nagsaad ng kilos o bagay at nakabubuo ng pangngalang tumutukoy sa taong
ang gawain o hanapbuhay ay ang kilos na isinasaad ng salitang ugat.
k. pag - nakabubuo ng pangngalang tumutukoy sa matindi o puspusang pagkilos.
Hal. pag-aalis, pagsusulat, pagbabasa

ANG MATERYAL NA ITO AY KAGAMITANG PANG-EDUKASYON AT HINDI PINAGBIBILI Pahina 5 ng 10


Sintaksis
Ang mga Hulwaran Pangungusap ng Wika

Ang sintaksis ay tumatalakay sa estruktura ng mga pangungusap at ang mga tuntuning


nagsisilbing patnubay sa pagsasabi ng kawastuhan ng isang pangungusap at ang mga tuntuning
nagsisilbing patnubay sa pagsasabi ng kawastuhan ng isang pangungusap. Ang sintaktikong kaalmang ito
sa katutubong wika ay hindi itinuturo sa paaralan ngunit nagkakahugis sa isipan habang natutuhan salitain
o natatamo ng mga bata ang kanilang unang wika.

Pangungusap

A. Kahulugan
Ayon kay Santiago A. at Tiangco (2015) sa Makabagong Balarilang Filipino. Ang
pangungusap ay isang sambitlang na may patapos na himig sa dulo. Ang patapos na himig
na ito ang nagsasaad na naipahayag na ng nagsasalita ang isang diwa o kaisipang nais
ipaabot sa kausap.
Mga Halimbawa :

Nanay! Takbo! sunog kain

pangungusap

B. Mga pangungusap na may Panag-uri at Paksa.


May mga pangungusap na binubuo lamang ng dalawang panlahat na sangkap:

Panag-uri at paksa

pangyayari bagay lugar


tao hayop

Halimbawa: nag-alaga si Tiya Ana ng mga manok at pato

- nagbibigay kaalaman o impormasyon sa paksa


Panag-uri - nagsasabi ng tungkol sa simuno
- pagbibigay ng katuturan

ANG MATERYAL NA ITO AY KAGAMITANG PANG-EDUKASYON AT HINDI PINAGBIBILI Pahina 6 ng 10


Mga Uri ng Panag-uri

1. Panaguring pangalan
- Tungkol sa pagbabayad ng buwis ang editor ngayon
2. Panaguring Panghalip
- Siya ang puno ng barangay
3. Panaguring Pang-uri
- Mainam sa kalusugan ang prutas
4. Panaguring Pandiwa
- Nagsasaka siya
5. Panaguring Pang-abay
- Ganito ang pagluluto
6. Panaguring Pawatas
- Dentista ang nagging trabaho niya sa nayon

Mauunawaan kaya ng bata kung ang gamitin mo sa isang


pangungusap ay isang salita lamang?

Makabagong Balarilang Filipino


Alfonso O Santiago at Norma G. Tiangco.

PAGBUO NG KAALAMAN
Gawain blg. 1
 Sagutin lahat ng katanungan
 Unawain Mabuti ang mga instruksyon
Pantulong na Gabay
 Sikapin na maintindihan o mababasa ang bawat salita

Kabuuang
Batayan sa Pagmamarka:
Puntos
40

Panuto : Kilalanin ang tinutukoy ng sumusunod. Titik lamang ang isagot.


PAGTATAYA

_____ 1. May isa -isang pagtutumbasan ang ponema at ang litra o titik na kumakatawan dito.
a. Hiram c. katutubo
b. Konsistent d. makabago

_____ 2. Tinuturing na siyang pinakatampok o prominenteng bahagi ng pantig. Hindi mabubuo ang
pantig kung wala ito.
a. Patinig c. alpabeto
b. Katinig d. konsonants

_____ 3. Ngalan ng bagay na nagsasaad ng karaniwang gamit ayon sa salitang ugat.


a. mo c. an o han
b. taga d. pala

_____ 4. Nangangahulugan ng marami.


a. ma c. mala
b. pala d. pag

ANG MATERYAL NA ITO AY KAGAMITANG PANG-EDUKASYON AT HINDI PINAGBIBILI Pahina 7 ng 10


_____ 5. Tumatalakay sa estruktura ng mga pangungusap.
a. morpolohiya c. sintaksis
b. ponema d. pangangusap

_____ 6. Takbo!
a. parirala c. paksa
b. pangungusap d. sintaks

_____ 7. Tungkol sa pagluluto


a. panag-uring pangngalan c. panag-uring panghalip
b. panag-uring panghalip d. panag-uring pandiwa

_____ 8. Magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad sa bigkas


a. semantika c. pares minimal
b. ponema d. ponolohiya

_____ 9. Nagsasaad tungkol sa simuno


a. simuno c. paksa
b. panag-uri d. sambitla

_____ 10. Maaring isang pangungusap lamang


a. parirala c. sambitla
b. ponema d. panag-uri

MAPANURING PAG-IISIP
Gawain blg. 2
 Pumili ng kwentong pambata
 Wastong pagbigkas
Pantulong na Gabay
 Lahat ng katanungan ay dapat mong sagutin

Kabuuang
Batayan sa Pagmamarka
Puntos
30

A. Rubric - Pagbigkas ng maikling kwento


Pamantayan Puntos Iskor
Tema/Paksa - Iba’t iba ang paksa ng mga itinanghal na kwento na
25
sumasalamin sa malawak na pinagmulan ng mga paksa
Pagkamalikhain - Gumagamit ng mga angkop na kagamitan sa
25
pagtatanghal - nakakaakit sa mga bata
Mekaniks - walang pagkakamaling gramatikal at pagbigkas ng kwento 25
Teknikal - angkop sa ginawang pagtatanghal ang desinyo ng paligid 25

B. Sagutin ayon sa inyong pang-unawa. Suriin ang paksang napili mo?


1. Ano ang dahilan at ito ang napili ninyong kwento?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. May bahagi bang gusto ninyong baguhin? Isalaysay


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

ANG MATERYAL NA ITO AY KAGAMITANG PANG-EDUKASYON AT HINDI PINAGBIBILI Pahina 8 ng 10


3. Banggitin ang aral na napapaloob.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

PAGLIKHA
Gawain blg. 3
 Sagutin ang hinihiling
Pantulong na Gabay  Lagyan ng kasagutan ang bawat kahon
 Ipaliwanag ng malinaw ang nabuong MATRIX
Kabuuang
Batayan sa Pagmamarka: 50
puntos
A. Buuin ang MATRIX

Wastong kaalaman ng
guro

Mga paraan upang


maging
matagumpay sa
pagtuturo
matagumpay
pagkatuto ng wika

“Gagawin ko ang una, ipagpatuloy mo”

B. Ipaliwanag ang nabuo mong MATRIX


____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

ANG MATERYAL NA ITO AY KAGAMITANG PANG-EDUKASYON AT HINDI PINAGBIBILI Pahina 9 ng 10


____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

SANGGUNIAN

Batayang Aklat at Talasangunian

 Alcaraz Cid V. et al. (2005). Filipino 1 : Komunikasyon sa Akademikong Filipino.


 Badayos Paquito (2014). Metodolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto ng/sa Filipino. Mga
Teorya.
 Baiasa Ailene G. et. al. (2013). Baiasa Ailene G. et. al. (2013). Pinagyamang Pluma.
 Ortograpiyang Pambansa 2013. Komisyon ng Wikang Filipino
 Santiago Alfonso at Tiangco N. (2013). Makabagong Balarilang Filipino.

TSEKLIST NG MGA NATUTUNAN SA PAKIKILAHOK SA KAGAMITANG PAMPAGKATUTO


Ang iyong fidbak ay mahalaga sa amin. Ang mga sumusunod na pahayag sa ibaba ay tungkol sa
modyul. Pakilagay ang punto sa kung saang pahayag ang naglalarawan sa iyong pagtataya sa nasabing
modyul sa pamamagitan ng paglagay ng tsek sa angkop na kahon

OO HINDI
 Ang modyul ay madaling maunawaan.
 Ang ibinigay na mga panuto ay malinaw.
 Ang mga gawain o aktibiti ay madaling gawin.
 Ang mga ibinigay na impormasyon ay kumpleto.
 Ang guro ay naghahanap ng kasalukuyang fidbak

Ano ang iyong personal na iniisip tungkol sa modyul? _________________________________________________


_________________________________________________________________________________________________

KATAPATANG PANG-AKADEMYANG PAHAYAG


Aking pinatutuhanan, na aking nabasa at buong naunawaan ang mga alintuntuninng Talisay City
Collegepatungkol sa pagiging hindi tapat sa akademya at iyan ay buo kong nalalaman sa kung anuman ang
posibleng legal na kahihinatnan.
Pangalan ng
Estudyante at Iniwasto ni
Lagda
E-mail Address E-mail Address
Petsa ng Petsa ng
Pagsumite Pagtanggap

ANG MATERYAL NA ITO AY KAGAMITANG PANG-EDUKASYON AT HINDI PINAGBIBILI Pahina 10 ng 10

You might also like