You are on page 1of 6

Bachelor of Elementary Education

1st Semester, SY 2022-2023

Module
In
FILIPINO
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya
(Estraktura at Gamit ng Wikang
Filipino)

College of Education

This material has been prepared and communicated to you by or on behalf of


Palawan State University - CCRD Narra for educational purposes only.
DO NOT REPRODUCE OR COMMUNICATE.

Prepared by; Kimberly Joyce Ardais PSU – CCRD Narra


Bachelor of Elementary Education
1st Semester, SY 2022-2023

Module 2: Ang Istraktura ng Wika

PANIMULA
Paano kaya ang buhay kung walang wika?
Siguro walang usapan, walang radyo, walang telebisyon, walang malalamyos na
mga awitin, walang makapigil hiningang mga nobela, walang mainit na yakap, walang
usapang pangkaibigan. Buti na lamang at may wika tayong ginagamit sa
pakikipagtalastasan. Humigit-kumulang nahahati nang ganito ang oras na ginugugol
natin sa pakikipagtalastasan: 30% sa pakikinig, 25% sa pagsasalita, 25% sa pagbasa,
at 20% sa pagsulat.
Makapangyarihan at pangunahing kodigo sa komunikasyon ang wika. Ang wika
ay binubuo ng mga salita na nagsisilbing intsrumento sa pagbabago ng pananaw ng
kapwa sa reyalidad lalo na kung maayos itong magagamit (Fortunato at Valdez, 1995)
Lagom-Pananaw
Sa pag-aaral ng wika, mahalagang matutunan natin sa simula kung paano natin
ituturo ang Filipino sa Elementarya. Upang mas lalong mapalawak ang kaalaman
ng mga mag-aaral sa mabisang paghimay-himay ng mga kaalamang
pampagkatuto. Kung kaya’t narito ang mga Estruktura ng Wika upang
matutunan nating higit ang epektibong pagtuturo ng Filipino sa Elementarya.

Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. Natutunan ang kahulugan ng ponolohiya at mga sangay nito
2. Natutukoy ang pagkakaiba ng Ponemang segmental at suprasegmental;
3. Napapahalagahan ang tungkulin ng ponolohiya sa wika

Talakayan

 Ang wika ang nahahati sa iba’t ibang subsistem upang mapag-aralan ng lubos
ang mga natatanging komponent nito. Kasama rito ponolohiya, morpolohiya,
sintaks, semantika, pragmatik.

This material has been prepared and communicated to you by or on behalf of


Palawan State University - CCRD Narra for educational purposes only.
DO NOT REPRODUCE OR COMMUNICATE.

Prepared by; Kimberly Joyce Ardais PSU – CCRD Narra


Bachelor of Elementary Education
1st Semester, SY 2022-2023

Ang PONOLOHIYA

 Ang ponolohiya ng isang wika ang paraan kung paanong ang mga tunog ay
makabubuo ng mga hulwaran. Ang kaalaman sa ponolohiya ng isang
nagsasalita/nag-aaral ng wika ay makatutulong upang makabuo ng
makabuluhang utterances ang nagsasalita at matutukoy niya kung ano ang
makabuluhan at di makabuluhan na tunog sa kanyang wika.

Ang ponemang Segmental (Katinig at patinig)

Ang mga ponema ay mga tunog na nakapaloob sa isang wika. Ito’y mga
makabuluhang yunit ng tunog na “nakapagpapabago ng kahulugan” kapag
ang mga tunog ay pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita. Ang
Filipino ay binubuo ng 21 ponema.

 Katinig- Ipinapakita ang mga ponemang ito batay sa paraan at punto ng


artikulasyon at kung ang mga ito ay may tinig (m.t.) o walang tinig (w.t.). Ito ay
binubuo ng b, d, g, h, k, l, m, n, p, r, s, t, w, x, y, at ng.
 Punto ng Artikulasyon- bahagi ng bibig kung saan nagaganap ang pagbuo ng
katinig
 Paraan ng Artikulasyon- paraan kung paano nililikha ang mga katinig

Pag-aralan ang pares ng mga salita na nagpapakita ng pagiging


makahulugan ng ilan sa 16 na ponemang katinig sa Filipino

/p/ pa.lah ‘shovel’


/b/ ba.lah ‘bullet’
/t/ patpat ‘stick’
/d/ padpad ‘drift’
/k/ kuloƞ ‘encircled’
/g/ guloƞ ‘wheel’
/l/ laket ‘locket’
/r/ raket ‘racket’

 Patinig- ito ang itinuturing na pinakatampok na bahagi ng pantig. Ang limang


patinig ng wikang Filipino ay ang a, e, i, o, u.
 Diptonggo- magkasamang patinig at katinig sa isang pantig. May pitong
diptonggo sa filipino; ay, ey, oy, uy, aw, ow, iw.
Halimbawa:
This material has been prepared and communicated to you by or on behalf of
Palawan State University - CCRD Narra for educational purposes only.
DO NOT REPRODUCE OR COMMUNICATE.

Prepared by; Kimberly Joyce Ardais PSU – CCRD Narra


Bachelor of Elementary Education
1st Semester, SY 2022-2023

Bahay, kahoy, kalabaw, saliw


 Klaster o Kambal katinig- ito ang magkasunod na katinig sa isang pantig.
Halimbawa:
Trabaho, pluma, krimen, gripo
 Pares-Minimal- ito ay pares ng salita na magkaiba ang kahulugan ngunit
magkatulad ang bigkas maliban sa isang ponema sa parehong posesyon.
Halimbawa:
Pala-bala, kulay-gulay, mesa-misa.
 Ponemang Malayang Nagpapalitan- pares ng salita na katatagpuan ng
magkaibang ponema sa magkatulad na kaligiran ngunit hindi nakaaapekto o
nakapagpapabago sa kahulugan ng salita.
Halimbawa:
Estraktura-istruktura Nasyonal-nasyunal
Politika-pulitika kalsada-karsada

Ponemang suprasegmental

 Ang mga ponemang suprasegmental ay makabuluhang yunit ng tunog na


karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat.
Diin
 Diin- paglakas o paghina ng pagbigkas ng isang salita
• Uri ng diin
 malumay- háyop, babáe, Úlo
-tumataas ang tinig sa ikalawang pantig buhat sa hulihan
-nagtatapos sa patinig at katinig
-walang impit
- may tuldik na (′)
 malumi- batà, sipì, punò
-may tuldik na paiwa (‘)
 mabilis- matá, buhók, pisngi
-may tuldik na pahilis (′)
-nagtatapos sa patinig at katinig
-mabilis ang pagbigkas at walang impit.
 maragsa- dugô, mukhâ, dukhâ
-nagtatapos sa patinig lamang
-mabilis ang pagbigkas at may impit sa huling pantig
-ginagamit ang tuldik na pakupya (^)

This material has been prepared and communicated to you by or on behalf of


Palawan State University - CCRD Narra for educational purposes only.
DO NOT REPRODUCE OR COMMUNICATE.

Prepared by; Kimberly Joyce Ardais PSU – CCRD Narra


Bachelor of Elementary Education
1st Semester, SY 2022-2023

 Tono, intonasyon, Punto- tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa


pagsasalita.
Halimbawa:
3
a.) ma gan da
2 1

2 3
ma gan da
1

 Hinto, Antala- saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na malinaw ang ibig
na sabihin.
Halimbawa:
Hindi, ako ang nagsabi.
Hindi ako ang nagsabi.

A. Mga Gawain/Pagsasanay
Panuto: Ibigay ang hinihingi ng sumusunod:

1. Magsaliksik ng “chart” nang Paraan at Punto ng artikulasyon at ilagay dito.


2. Ano ang pinagkaiba ng Ponemang Segmental at Ponemang
Suprasegmental. Gamitan ng isang halimbawa ng Graphic Organizers.
3. Ibigay ang mga letra na nakapaloob sa Patinig at katinig. Lagyan ng
halimbawa. (e.g A-aso)

B. Ebalwasyon/Pagtataya

Panuto: Isulat ang tamang sagot ng mga sumusunod:

1. Ano ang mga tunog na nakapaloob sa wika?


2. Ito ay ang paglakas o paghina ng pagbigkas ng isang salita?
3. Ito ay bahagi ng bibig kung saan nagaganap ang pagbuo ng katinig?
4. Ito ay ang magkasamang patinig at katinig sa isang pantig?
5. Ito ang magkasunod na katinig sa isang pantig?
6. Ito ay makabuluhang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan
ng mga letra sa pagsulat?
7. Ito ay paraan kung paano nililikha ang mga katinig?
8. Ito ang paraan kung paanong ang mga tunog ay makabubuo ng mga
hulwaran?
This material has been prepared and communicated to you by or on behalf of
Palawan State University - CCRD Narra for educational purposes only.
DO NOT REPRODUCE OR COMMUNICATE.

Prepared by; Kimberly Joyce Ardais PSU – CCRD Narra


Bachelor of Elementary Education
1st Semester, SY 2022-2023

9. Ito ay saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na malinaw ang ibig na


sabihin?
10. Ito ay ang pares ng salita na matatagpuan sa magkaibang ponema sa
magkatulad na kaligiran na hindi nakaaapekto sa kahulugan ng salita?
11. Ito ay ang pares ng salita na magkaiba ang kahulugan ngunit magkatulad
ang bigkas maliban sa isang ponema sa parehong posesyon?
12. Ito ang itinuturing na pinakatampok na bahagi ng pantig?
13. Ang Filipino ay binubuo ng ilang ponema?
14. Ito ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita?
15. Ito ay nahahati sa iba’t ibang subsistem?

II. Ibigay ang hinihingi ng sumusunod:


16-20. Magbigay ng 5 salita na halimbawa ng malumay at ilagay kung
saan ang tuldik ng salita
21-25. Magbigay ng 5 salita na halimbawa ng malumi at ilagay kung saan
ang tuldik ng salita.
26-30. Magbigay ng 5 salita na halimbawa ng mabilis at ilagay kung saan
ang tuldik ng salita.
31-35. Magbigay ng 5 salita na halimbawa ng maragsa at ilagay kung saan
ang tuldik ng salita.
36-37. Magbigay ng 2 halimbawa ng pangungusap gamit ang Tono o
Intonasyon at lagyan ng pattern.
38-40. Magbigay ng halimbawa ng pangungusap na may Hinto o Antala.

References;
Carpio, P.S,.et.al (2012) Komunikasyon sa Akademikong Filipino, Tinajeros, Malabon
City, Jimczyvillle Publications.

This material has been prepared and communicated to you by or on behalf of


Palawan State University - CCRD Narra for educational purposes only.
DO NOT REPRODUCE OR COMMUNICATE.

Prepared by; Kimberly Joyce Ardais PSU – CCRD Narra

You might also like