You are on page 1of 7

Bachelor of Elementary Education

1st Semester, SY 2022-2023

Module
In
FILIPINO
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya
(Estraktura at Gamit ng Wikang
Filipino)

College of Education

This material has been prepared and communicated to you by or on behalf of


Palawan State University - CCRD Narra for educational purposes only.
DO NOT REPRODUCE OR COMMUNICATE.

Prepared by; Kimberly Joyce Ardais PSU – CCRD Narra


Bachelor of Elementary Education
1st Semester, SY 2022-2023

Module 1: Wika: Kalikasan, Kahulugan at kahalagahan

PANIMULA
Paano kaya ang buhay kung walang wika?
Siguro walang usapan, walang radyo, walang telebisyon, walang malalamyos na
mga awitin, walang makapigil hiningang mga nobela, walang mainit na yakap, walang
usapang pangkaibigan. Buti na lamang at may wika tayong ginagamit sa
pakikipagtalastasan. Humigit-kumulang nahahati nang ganito ang oras na ginugugol
natin sa pakikipagtalastasan: 30% sa pakikinig, 25% sa pagsasalita, 25% sa pagbasa,
at 20% sa pagsulat.
Makapangyarihan at pangunahing kodigo sa komunikasyon ang wika. Ang wika
ay binubuo ng mga salita na nagsisilbing intsrumento sa pagbabago ng pananaw ng
kapwa sa reyalidad lalo na kung maayos itong magagamit (Fortunato at Valdez, 1995)

Lagom-Pananaw
Sa pag-aaral ng wika, mahalagang matutunan natin sa simula kung paano natin
ituturo ang Filipino sa Elementarya. Upang mas lalong mapalawak ang kaalaman
ng mga mag-aaral sa mabisang paghimay-himay ng mga kaalamang
pampagkatuto. Kung kaya’t narito ang mga Estruktura ng Wika upang
matutunan nating higit ang epektibong pagtuturo ng Filipino sa Elementarya.

Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. Nakapagbibigay ng kahulugan ng wika
2. Naiuugnay ang gamit ng wika sa buhay ng tao
3. Nailalarawan ang kalikasan ng wika

This material has been prepared and communicated to you by or on behalf of


Palawan State University - CCRD Narra for educational purposes only.
DO NOT REPRODUCE OR COMMUNICATE.

Prepared by; Kimberly Joyce Ardais PSU – CCRD Narra


Bachelor of Elementary Education
1st Semester, SY 2022-2023

Talakayan

Mahalagang
Tanong:

1. Bakit mahalaga sa Guro ng wika ang kaalaman sa istruktura ng Wika?

Ang Kahulugan Ng Wika

Kung tatanungin natin si Mang Isidro at Aling Isidra kung ano ang wika,
maaari nilang itugon ang ganito: ito ang gamit naming mag-asawa kung may
nais kaming sabihin sa isa’t isa o ito ay may tunog na aming naririnig kung kami
ay nagsasalita o ito’y mga salita na gamit sa pagtukoy ng mga bagay sa paligid,
o di kaya’y Ito’y mga salita o lupon ng mga salita na nagbibigay kahulugan.

Alam kong sasang-ayunan mo ang mga sagot ni Mang Isidro at Aling


Isidra. Gamit nga sa komunikasyon ang wika at binubuo ito ng mga tunog. Kung
ikaw ang tatanungin, ano kaya ang magiging ideya mo sa WIKA? Ilahad mo ang
iyong sagot sa ibaba.
1. Ano ang wika?

This material has been prepared and communicated to you by or on behalf of


Palawan State University - CCRD Narra for educational purposes only.
DO NOT REPRODUCE OR COMMUNICATE.

Prepared by; Kimberly Joyce Ardais PSU – CCRD Narra


Bachelor of Elementary Education
1st Semester, SY 2022-2023

Bilang isang mag-aaral ng wika, marapat lamang na may taglay kang sariling
pagpapakahulugan kung ano ang wika. Napakaraming kahulugan ang maikakapit sa
wika. Ilang kilalang tagapagtaguyod ng wika ang may ganitong pahayag.
Ayon kay (HENRY GLEASON)
 Ang wika ay isang sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog
na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga
taong may iisang kultura.
Ayon kay (THOMAS CARYLE)
 Itinuturing ang wika bilang saplot ng kaisipan; gayunman, mas angkop
marahil sabihing ang wika ay ang saplot-kalamnan, ang mismong
katawan ng kaisipan.
Ayon naman kina (PAMELA CONSTANTINO at GALILEO ZAFRA)
 Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng
pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o
makipagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao.
 FILIPINO- Ito ay wikang pambansa, pambansang lingua franca at
wikang opisyal buong Pilipinas.
Ang Kalikasan Ng Wika

Mahalagang
Tanong:

1. Sa palagay mo, bakit may kalikasan ang wika?


______________________________________________________
______________________________________________________
_________________________________
Narito ang ilang mahahalagang puntos na dapat isaalang-alang kaugnay ng mga
depinisyong inilahad:
 Ang wika ay gamit sa komunikasyon.

This material has been prepared and communicated to you by or on behalf of


Palawan State University - CCRD Narra for educational purposes only.
DO NOT REPRODUCE OR COMMUNICATE.

Prepared by; Kimberly Joyce Ardais PSU – CCRD Narra


Bachelor of Elementary Education
1st Semester, SY 2022-2023

 Ang wika ay talagang pantao, bagama’t maaaring hindi ito


limitado sa mga tao lamang.
 Ang wika ay isang set ng mga simbolong arbitrary.
 Ang mga simbolong ito’y tunog sa pagsasalita ngunit maaari ring
biswal.
 Ang mga simbolo ay may taglay na kombensyunal na mga
kahulugan na kanyang pinagtutungkulan.
 Ang wika ay masistema.
 Ang wika ay mararanasan sa isang kultura o komunidad ng
pagsasalita.
Ang Gamit Ng Wika

Mahalagang Tanong:

1. Bilang mag-aaral, paano mo iuugnay ang gamit ng wika sa buhay


natin bilang isang tao?
______________________________________________________
______________________________________________________
_________________________________

Bagama’t ang bawat pamayanan o bansa ay may sariling wika na tangi sa iba
pang wika, ang mga wikang ito ay may magkakatulad na gamit o layunin:
1. Ang wika ay ginagamit upang mag-leybel, magtakda at maglimit.
Sapagkat wika ang ginagamit ng tao para makapag-isip, likas sa atin na agad
nilalagyan ng leybel ang mga tao o bagay na nakikita sa paligid. Ang pagleleybel
ay maaaring panlahat gaya ng tao, hayop, halaman, para mapaghiwalay ang
iba’t ibang klase ng mga bagay. Halimbawa: sa pagbibigay ng-order sa isang
organisasyon gaya ng kolehiyo o pamantasan, may mga leybel tayo gaya ng
presidente, dekano/a, puno, propesor. Sa ating pamilya itinuturo ang mga
leybel na tatay, nanay, kuya, ate, tiyo, tiya at ito ang nagtatakda n gating
kilos at kung paano natin pakikitunguhan ang mga taong iyon.
2. Ang wika ay nag-eebalweyt. Binibigyang-diin ng mga iskolar ng wika na ang
wika ay likas na may taglay na pagpapahalaga (value laden). Ebalwatib ang wika
This material has been prepared and communicated to you by or on behalf of
Palawan State University - CCRD Narra for educational purposes only.
DO NOT REPRODUCE OR COMMUNICATE.

Prepared by; Kimberly Joyce Ardais PSU – CCRD Narra


Bachelor of Elementary Education
1st Semester, SY 2022-2023

kung ginagamit natin ito sa pag-aases o pag-uuri ng isang tao o bagay.


Halimbawa: ebalwatib ang leybel na ikakapit natinn sa tao dahil nagiging dahilan
ang mga ito para maging positibo o negatibo ang pakikitungo sa mga
tao:pangit, maganda, pandak, matangkad, bobo, matalino,maputi,
maitim. Kapag winabi nating “takaw-away” ang isang tao, itinakda agad natin
ang hangganan ng mga maaaring ikikilos ng taong iyon. At kung minsan, pati na
ang taong ating kinakausap ay naniniwala rin sa leybel na ating ikinakapit sa
isang taong gayong hindi pa nila kakilala.kailangan natin ang maingat ba pagpili
ng mga bibitiwang salita upang maiwasan ang makasakit ng ibang damdamin.
3. Ang wika ay ginagamit sa pagtatalakay ng mga bagay na labas sa ating
kasalukuyang karanasan. Nagagawa nating makapagsalita tungkol sa ating
mga palagay o paniniwala tungkol sa isang bagay o pangyayaring naganap na o
maaaring mangyari dahil sa wika. Sa pamamagitan ng wika, magagawa rin
nating talakayin ang ating kalagayan sa darating na panahon.
4. Iba pang gamit ng wika. Ayon sa pananaw ng semantika, may tatlong gamit
ang wika; a) ang wika ay nagbibigay ng impormasyon; b) ang wika ay nagse-
set-up; c) ang wika ay nag-uutos(Hayakawa, 1979). Sinasabing ang wika ay
nagbibigayng impormasyon kung nadaragdagan ang ating kaalaman ng mga
salitang ginagamit.

A. Mga Gawain/Pagsasanay

Panuto: Gawin ang hinihingi sa bawat bilang, sagutan ito sa bakanteng bahagi
ng inyong papel.
1. Ilarawan isa-isa ang mga Gamit ng wika at bigyan ito ng maikling paliwanag.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_____________________________
2. Bakit mahalaga ang wika sa iyo, sa iyong pamilya, at sa lipunang iyong
kinaaaniban? Ipaliwanag sa pamamagitan ng tig-isang true-to-life na halimbawa.

This material has been prepared and communicated to you by or on behalf of


Palawan State University - CCRD Narra for educational purposes only.
DO NOT REPRODUCE OR COMMUNICATE.

Prepared by; Kimberly Joyce Ardais PSU – CCRD Narra


Bachelor of Elementary Education
1st Semester, SY 2022-2023

Sa sarili
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_____________________________
Sa pamilya
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_____________________________
Sa Lipunan
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_____________________________

B. Ebalwasyon/Pagtataya

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod:


1. Ayon kay _____________ ang wika ay itinuturing na saplot ng kaisipan at
katawan ng kaisipan.
2. . Ang wika ay sistematikong balangkas ng mga salitang tunog na pinipili ay
pagpapakahulugan ni ________________.
3. Ang _________________dahil kinakailangan na maging maingat sa pagpili ng
mga gagamiting salita sa pakikipagtalastasan.
4. _________________ ay magsisilbi na batayan natin sa ating pakikitungo sa
ibang tao.
5. Ang wika ay set ng mga simbolong ___________.

This material has been prepared and communicated to you by or on behalf of


Palawan State University - CCRD Narra for educational purposes only.
DO NOT REPRODUCE OR COMMUNICATE.

Prepared by; Kimberly Joyce Ardais PSU – CCRD Narra

You might also like