You are on page 1of 9

Pahina 1 ng 9

Republic of the Philippines


ZAMBOANGA STATE COLLEGE OF MARINE SCIENCES AND TECHNOLOGY
(Kolehiyong Pampamahalaan sa Agham at Teknolohiyang Pangmarina ng Zamboanga)
Fort Pilar, Zamboanga City
Tel No. 992-3092/Tel No: (062) 991-0643 Telefax: (062) 991-0777 website: http:www.zscmstedu.ph

Inihanda ni:
Aubrey Jane B. Bulado MaEd., Filipino
Pahina 2 ng 9

MGA MAHAHALAGANG
PAALALA at PAGLILINAW
Ang modyul na ito ay ginawa upang matugunan ang pangangailangan sa pagkatuto ng mga mag-aaral at pagtugon sa paraan ng paghahatid ng kaalaman sa
mga mag-aaral sa panahon ng pandemya. Halos buong impormasyon pati na ang larawan para sa dagdag palamuti nito ay halaw at sinipi mula sa iba’t ibang mga
may akda ng mga aklat at/o internet.

Kaya binibigyang linaw ng bumuo ng nasabing modyul na HINDI maaaring ibahagi ninoman maliban sa mga mag-aaral na enrolled sa ilalim ng asignaturang
Panitikan 4 na may deskripsyong Maikling Kuwento at Nobela at sa ilalim din ng pagtuturo ng pangalan ng guro sa baba. Bibigyang linaw din na maaari lamang itong
gamitin para sa kapakanan ng pagkatuto ng mga mag-aaral na bahagi sa klase ng guro. Sa madaling sabi HINDI PINAPAHINTULUTAN ang pagbahagi ng modyul
sa iba na hindi saklaw sa klaseng ito.

Idinidiin din na hindi intensyion ng guro na ariin ang mga impormasyon at ideya na halaw mula sa mga akda at higit sa lahat walang balak na ipublished ito
at kung mayroon man ay titiyakin na nakasusunod sa akmang proseso.

Aubrey Jane B. Bulado


Guro
Pahina 3 ng 9

Republic of the Philippines


ZAMBOANGA STATE COLLEGE OF MARINE SCIENCES AND TECHNOLOGY
(Kolehiyong Pampamahalaan sa Agham at Teknolohiyang Pangmarina ng Zamboanga)
Fort Pilar, Zamboanga City
Tel No. 992-3092/Tel No: (062) 991-0643 Telefax: (062) 991-0777 website: http:www.zscmstedu.ph

Pamagat ng Kurso: Wika 6: Estruktura ng Wikang Filipino Linggo


Deskripsiyon ng kurso: Tinatalakay sa kursong ito ang palatunugan, palabuuan at palaugnayan ng Wikang Filipino. Nakapaloob din dito ang isensitibong
pag-aaral ng Wikang Filipino na may pokus sa bahagi ng pananalita at istruktura ng wika.
Bilang ng Yunit/ 3 Yunit
Bilang ng Oras sa Isang Linggo 3 Oras
Layunin ng Kurso: Mauunawaan ng lubusan ang estruktura ng wikang Filipino sa iba’t ibang paksa o anyo at mailapat ang kaalaman sa pamamagitan
paggamit o pagganap nito sa anomang angkop na gawain.

Balangkas ng Kurso: Kabanata 3


E.1 Mga Uri ng Diin at Tuldik
E.1.a Mga Salitang Malumay
E.1.b Mga Salitang Malumi
E.1.c Mga Salitang Mabilis
E.1.d Mga Salitang Maragsa
E.1.e Diing Mariin
Layunin:  Nakikilala ang iba’t ibang uri ng diin at akmang tuldik na ginagamit
 Nauunnawaan ang iba’t ibang uri ng diin
 Natutukoy ang wastong pagbigkas ng mga salita sa pamamagitan ng video recording
 Nakatatala ng mga salita na naaayon sa mga diin nito.
 Natutukoy ang diin at natutuldikan ng wasto ang mga salitang naitala.
Metodolohiya  Asynchronous Session ( Google Classroom )
 Synchronous (Zoom, Google Meet)
Pahina 4 ng 9

Pangkalahatang Panuto Sumagot sa Takdang Aralin


Makikikata ang lahat ng mga tanong/gawain na nandito sa modyul na ito sa inaupload na dokumento sa bahaging takdang
aralin. Samakatuwid doon lamang po isumite ang mga sagot.

Talakayan Matapos na ninyong nakilala ang mga ponema na mga makabuluhang siyang nagiging sangkap upang makabubuo tayo ng
morpema

Mga Uri na Diin at Tuldik

“Mayroong apat na prinsipal na pangkat ng salita sa Pilpino ayon sa diin”, ayon nina Santiago et al. (1991). Batay sa matandang
balarila at magpahanggang ngayon na makabagong balarila pareho parin ang na apat ang uri ng ponemang suprasegmental na diin ito
ay mga; malumay, malumì, mibilis at maragsâ, samantala mayroon din ikinokonsider na di-prinsipa na pangkat ng diin ang Mariin.

1. Mga salitang binibigkas ng malumay

Nabibigkas ang diin ng mga salitang malumay sa ikalawang pantig mula sa hulihan o penultima. Ito ay hindi tinutuldikan
at maaaring magtatapos ng patinig o katinig.

Nagtatapos sa Patinig Nagtatapos sa katinig

tao bahay

tala nanay

sarili kapisanan

dalaga silangan

2. Mga salitang binibigkas ng malumi


Pahina 5 ng 9

May hawig ang paraan ng pagbigkas ng mga salitang malumi sa malumay, subalit ang ipinagkaiba lamang nito ay laging
nagtatapos sa glottal na pasara o impit na tunog, na kung saan ito ay maturingang isang katinig subalit hindi lamang nirerepresnta
ng anomang titik sa halip mga tuldik na paiwa (ˋ) na itinatapat sa huling patinig.
batà
talumpatì
dambulahà
dalamhatì
kulasisì
labì
3. Mga salitang binibigkas ng Mabilis
Tuloy-tuloy ang pagbigkas ng mga salitang, tulad din sa malumay maaaring magtatapos sa katinig o patinig, subalit ang
diin ay nabibigkas sa hulihang pantig. Ang mga salitang mabilis ay ginagamitan ng tuldik na pahilis (ˊ) na itinatapat sa huling
pantig na patinig.

Nagtatapos sa Patinig
takbó
isá
malakí
batubató
Sulu

Nagtatapos sa Katinig
bilís
bulaklák
luningníng
alagád
alitaptáp
4. Mga salitang binibigkas ng Maragsa
Pahina 6 ng 9

Hawig din ang paraan ng pagbigkas nito sa mabilis na tuloy-tuloy na ang diin ay nasa huling pantig. Ngunit tulad ng malumi,
ang mga salitang maragsa ay laging nagtatapos sa patinig. Mabilis din na maituturing ang pagbigkas ng mga salita subalit ang
pinagkaiba lamang ay nagtatapos din ito ng glottal na pasa na nirerepresta ng pakupya (˄) na itinatapat sa ponema ng huling
patinig.

kaliwầ
dukhầ
pồ
sampȗ
salitầ
5. Ang salitang binibigkas ng Mariin

Mayroong salitang Filipino na bukod sa pagkakaroon ng alinmang apat na uri ng diin ay mayroong tinatawag na pangalawang uri
ng diin na tinatgawag na Mariin. Ang mga salitang ito ay may mga pandiwa na nasa panuhunang pangkasalukuyan (kasalaukuyang
ginagawa ang kilos) at panghinaharap (isasagawa pa lamang ang kilos).

Ilang sa mga halimbawa na binigay nina Santiago et al (1991) ay ang mga sumusunod;

Lumálakí

Kumákain

Bumabalík

Tátakbó

Kákain
Pahina 7 ng 9

áalis

Pagtataya Panuto: Magtala ng limang uri ng mga salita at bigyan ng maikling kahulugan. Salungguhitan ang diin ng bawat salitang binigay para
sa Malumay at tuldikan naman ng tamang tildik ang Malumi,Mabilis, Maragsa at Mariin. Tiyakin na ang mga babanggitin ay hindi pa
nabanggit sa mga halimbawa.

Malumay

1.

2.

3.

4.

5.

Malumi

1.

2.
Pahina 8 ng 9

3.

4.

5.

Mabilis

1.

2.

3.

4.

5.

Maragsa

1.

2.

3.

4.

5.
Pahina 9 ng 9

Mariin

1.

2.

3.

4.

5.

Sanggunian: Santiago A.S. at Tiangco G.N (1991) Makabagong Balarilang Filipino, Rex BookStore

You might also like