You are on page 1of 1

ANG AKING PINAKAMAMAHAL NA KABABATA

Sa isang magkahiwalay na lugar ay may dalawang magkaibigan, sina Jhon at Sophie. Bata pa
lamang sila at nasa ika limang baitang, sabay silang kumakain tuwing tanghali, sabay umuuwi
kapag uwian.
Isang araw ay lumipat na ng ibang bansa si Sophie at lubos itong ikinalungkot ni Jhon. Simula
nung umalis si Sophie ay mapag isa na lamang si Jhon sahil wala nang pumapansin at gustong
makipagkaibigan sa kanya. Hindi man lang nagpaalam si Sophie sa kanya pero may ibinilin
naming sulat si Sophie sa lol ani Jhon.
Ilang taon na ang lumipas ay lumaki na si Jhon na isang gwapo, makisig, at matalinong lalake.
Nakapagtapos na sya sa kanyang pag aaral at gusto na niyang hanapin si Sophie. Oras - Oras
siyang nasa kaniyang trabaho at malaki din ang kanyang sweldo.
Linggo – Linggo ay pumupunta si Jhon at ang kanyang lola sa simbahan malapit sa kanila. Maya
– Maya ay may bigla siyang nakita na parang kamukha ng kanyang kababata na si Sophie, ang
hindi niya alam ay bumalik na pala si Sophie sa dati nilang tinitirhan. Nagtaka si Jhon sa
kaniyang nakita, pina una niya ang kanyang lola upang sundan si Sophie. Sinundan niya ito,
maya-maya ay bigla na lamang itong nawala sa kaniyang paningin. Nagtanong tanong siya sa
mga tao kung may nakita ba silang magandang babae na kulay dilaw ang damit. Mula sa isang
kainan ay natanaw nya si Sophie doon at nilapitan niya agad ito. Hanggang sa naabutan niya ito,
at nagkaharap na silang dalawa at nalaman niyang si Sophie talaga ito na may malaking
pinagbago kaysa noon.
: IKAW BA YAN JHON? Tanong ni Sophie.
: OO, AKO TO SOPHIE, KANINA PA KITA SINUSUNDAN, HINDI KO TALAGA
AKALAING MATATAGPUAN KITA DITO TSAKA AKALA KO HINDI NA TAYO
MAGKIKITA. Nakangiting sagot ni Jhon
: DIBA SINULAT KO DOON SA LIHAM NA BABALIK DIN AKO DITO. Patawang sabi ni
Sophie.
: PWEDE BANG MAG USAP MUNA TAYO BAGO KA UMUWI?
At pumayag naman si Sophie.
Napatagal din ang kanilang pag uusap dahil matagal din silang hindi nagkita.
At mula noon ay palagi na silang magkasama buhat nong sila ay mga bata pa at tumagal ang
panahon na palagi silang magkasama ay nahulog na ang kanilang loob sa isat isa. Isang araw ay
hindi na mapigilan ni Jhon ang kanyang nararamdaman at inamin niyang may gusto siya kay
Sophie at niligawan ni Jhon si Sophie, agad naming sinagot ni Sophie si Jhon ng kanyang
matamis na “OO”. Lumipas ang ilang buwan ay nagpakasal na sila gaya ng kanilang
hianahangad nong sila ay bata pa.

You might also like