You are on page 1of 6

Ang Tatay Kong Bading

Group 1

Sa isang maliit, matao at di gaanong maayos na barangay ngunit masaya, nakatira


ang baklang si Jino na mas kilala ng lahat bilang Charlotte. Isang mapagmahal,
masiyahin at mapagkumbabang tao ngunit kapag nasaktan ay nagiging malamig ang
pakikitungo sa iba. Si Kitty isa ring baklang matalik niyang kaibigan sa
pangangailangan ay nasa tabi niya. Laging magkasama sa hirap at ginhawa
malungkot man o masaya. Nang dumating sakanyang buhay ang sanggol na
pinangalanan niyang Sophie, ang lungkot at galit na kaniyang dinadama ay napalitan
ng kasiyahan at pagmamahal. Lungkot at galit na bunga ng pagtataksil at paggamit
ng kaniyang dating mga kaibigan na sina Tom at Tiffany.

Sophie: itay papasok na po ako


Charlotte: oh sya, mag-ingat ka sa pag pasok anak ha
Sophie: opo itay

Naglalakad na si Sophie ng bigla itong huminto at pasigaw na sinabing

Sophie: itay mahal po kita mag-iingat rin po kayo


Charlotte: sige anak pangako ko yan

POV ni Charlotte
“Pasok na ho ako itay” paalam ng batang si Sophie “Sige anak mag-iingat ha”
paalala ng ama amahan nito. Habang naglalakad papalayo ang bata ay naalala nito
kung paano napunta ang bata sa pangangalaga niya.

Flashback
Tom: Parang awa mo na Charlotte kunin mo na ang bata, sakitin ang kakambal niya
at wala pa kaming sapat na pera para buhayin silang dalawa.
Charlotte: Kung makapagbigay ka ng anak parang isang kuting, wala ka talagang
hiya Tom, iniwan mo ako para sa babaing yan*sabay turo kay Tiffany* tapos ibibigay
mo saakin ang bunga ng pag tataksil niyong dalawa. (third medjo pasigaw dito)
Tom: Charlotte……

Parang maamong tupang nagmamakaawa ang binigay na itsura ni Tom kay


Charlotte.
Charlotte: Sige kukunin ko ang bata, palalakihin ko siya at mamahalin ng tunay na
parang saakin.
Tiffany: Maraming salamat Charlotte.
Singit ni Tiffany sa usapan ng dalawa.
End of Flashback

Kitty: Hoy baklang Charlotte

Sigaw ng kaibigan nitong si Kitty.

Kitty: Anong problema mo hah, at bakit nakatulala ka diyan kanina pa kita tinatawag
ayon oh may bumibili sa karinderya mo tsk tsk.
Charlotte: Ay hala pasensyo na po ano po ang inyo?
Tagapagsalaysay: Isang order nga ng kaldereta tapos isang order na rin ng kanin
Charlotte: Sige po, upo na lang po kayo doon, bale singkwenta po lahat

POV ni Sophie
Tagapagsalaysay: Hoy diba ikaw yung anak ng bakla HAHAHAHAHA, ano kayang
pakiramdam ng walang mama at papa HAHAHAHA kawawa ka naman.
Sophie: Alam nyo kahit wala akong mama at papa meron naman akong tatay,
atsaka ano namang mali kung bakla ang tatay ko mahal niya naman ako.
Tagapagsalaysay: Blebleble bakla ang tataayyyy

Tumakbo si Sophie papasok ng silid-aralan nito, siya ay sanay na sa ganitong trato


ng kaniyang mga kamag-aral kahat hindi niya na lng pinapatulang ang mga ito dahil
alam niyang mahal na mahal siya ng tatay niya at may tita Kitty naman siya na nag-
aalaga rin sakanya. Pagdating ng uwian dumiretso na si Sophie sa kanilang bahay,
nagtataka itong tinignan ang magarang kotseng nakaparada sa harap ng kanilang
bahay.

POV ni Charlotte
Charlotte: Hindi mo puwedeng kunin si Sophie kung kalian malaki na siya! Ngayong
masaya, malusog at napamahal na siya saakin! Saamin! Ngayon pa?!
Tiffany: Wala kang magagawa Charlotte mayaman na kami ngayon kaya na naming
buhayin ang kambal, wala siyang mapapala sa pag kakarenderya at pagsasideline
mo! (medj pasigaw jay ann)
Charlotte: Hoy ikaw babaeng kurikang! Wag kang sumabat dito, hindi ikaw ang
nag-aruga, hindi ikaw ang kasama niya nung nagkakasakit siya. Huwag niyong
ipamuka saakin na dahil mayaman na kayo kaya niyo na siyang buhayin, tandaan
niyo saakin kayo humingi ng tulong nung walang wala kayo. (Third ilabas mo lahat
ng galit mo dito)
Tiffany: Oo! Naaalala ko, pero ngayon kukunin na namin siya, amin parin ang
kustodiya ng bata.
Sophie: Tay ano pong meron? Sino po sila?
Tiffany: Anak, anak ako to si mama

Lumapit si Tiffany sa bata ngunit nag tago ito sa likod ni Charlotte, alam ng bata na
sila ang magulang nito pero ayaw niya dito, mas gusto at mahal niya si Charlotte
kesa sa mga tunay niyang magulang. Iba mag-alaga si Charlotte para sakanya, si
Charlotte lang ang nagparamdam sakanya na kahit hindi kumpleto ang kanilang
pamilya ay puwede silang maging masaya.

Sophie: Tay ayaw ko pong sumama sakanila.


Charlotte: Kita niyo na? Ayaw niya sainyo, bata pa lang siya binigay niyo na siya
saakin kaya wag na wag niyong kukunin ang anak ko. Kahit bakla, beki, bading o
kahit ano mang itawag nila saamin kaya pa rin naming magmahal. Minahal ko si
Sophie ng higit pa sa buhay ko.
Tiffany: Sophie, ayaw mo bang makasama ang kambal mo? Gustog gusto ka na
niyang makasama.

Hindi sumagot si Sophie bagamat tumingin ito sa tatay niyang si Charlotte, sumunod
na ginawa ng mag-asawa ay kinuha ng sapilitan si Sophie sa likoran ni Charlotte na
takot na takot mahiwalay sa kaniyang tatay. Nagkagulo ang lahat na disididong
makasama si Sophie ngunit ang tanging gusto ng bata ay sa piling ni Charlotte.
Wala nang nagawa si Charlotte napasakamay na ng mag-asawa si Sophie at
isinakay sa kotse matapos ay umalis na sa lugar na iyon. Iyak ng iyak si Charlotte,
iniisip niya kung paano nalang ang bata kung ito’y mananatili doon, ngayong nakuha
na si Sophie wala na siyang karapatan dito, naisip niya na siguro ito na ang parusa
ng panginoon sa pagiging bakla niya.

Charlotte: Ano, anong ginawa kong masama para gawin niyo saakin ang lahat ng
ito.
Tanong niya habang humahagulgul sa braso ng kaibigang si Kitty.

Kitty: Wag kang mag-alala mababawi natin si Sophie, hindi natin hahayaang
manatili siya sa mga walang awa niyang mga magulang.

Pagpapatahan nito kay Charlotte

POV ni Sophie
Pagpasok ni Sophie sa maganda at malawak na tahanan ng mag-asawa ay may
biglang lumapit at nakangiting bumati sa kaniyang pagdating. Ito ay ang kaniyang
kambal na si Eji na sabik na sabik ng makita ang nag-iisa nitong kapatid at kakambal
na si Sophie.

Eji: Hi Sophie ako nga pala si Eji kambal mo, alam mo ba matagal na kitang gustong
makita.
Sophie: Hmm hi
Eji: Alam mo kahit na kambal tayo magkaiba tayo ng itsura, matangkad ka ako
maliit, ikaw malusog tapos ako mahina ang katawan at sakitin.
Sophie: Bakit ka naging sakitin?
Eji: Sabi nila mommy at daddy sakitin na raw ako simula nung sanggol at dahil na
rin sa kahirapan dati kaya ipinamigay ka nila sa iba, malungkot ka siguro na hindi mo
kami kasama
Sophie: Hindi naman, lagi akong masaya tuwing kasama ko sila tatay Charlotte at
tita Kitty na parating nandiyan sa tabi ko at nagpapasaya saakin. Kahit na kami lang
naging masaya ako kasi sila ang mga nakasama ko
Eji: Hindi ka ba masaya na kasama mo na kami?
Sophie: Hindi ko alam, pero mas masaya ako tuwing nasa piling ko si tatay

Makaraan ang tatlong araw ay biglang tumawag ang ama ni Sophie kay Charlotte

Charlotte: Ano ang kailangan mo?

Masungit na tugon ni Charlotte dito.

Tom: Si, si Sophie naglayas

Bakas sa mukha ni Charlotte ang takot at galit na kaniyang nararamdaman, takot na


baka sakaling mayroong masamang mangyari sa bata at galit naman para sa mag-
asawa dahil sa hindi maayos na pagbabantay ng mga ito sa bata.

Chaorlotte: Mga hayop! Paano ito nangyari? Kinuha niyo siya saakin at sinabing
aalagan ito ng maayos tapos ito? Ito ang nangyari? Hinding hindi ko kayo
mapapatawad kapag may nangyaring masama sa anak ko!. (third galit dito)

Sigaw nito na pagkatapos ay pinutol na ang tawag, mabilis nitong pinuntahan si Kitty
at sinabi ang nangyari na agad namang tumulong sa paghahanap kay Sophie.
Makalipas ang ilang minutong paghahanap ay mayroon itong narinig na iyak na
nanggagaling sa gilid ng kalsada. Agad naman nitong pinuntahan ni Charlotte at
laking pasasalamat ng matagpuan niya si Sophie doon. “Sophie anak” sigaw nito at
agad ding tumingin si Sophie sa kaniyang tatay na patakbong papalapit upang siya
ay hagkan at yakapin.

Sophie: Miss na miss ko na po kayo tay


Charlotte Miss na miss na din kita-

Hindi pa natatapos ni Charlotte ang sasabihin ng biglang dumating dumating ang


magarang sasakyan ng mag-asawa.

Tom: Sophie, may masakit ba sayo? Bakit mo ginawa yon? Tara na at umalis na
tayo dito

Pag-aalalang ani ni Tom at hinila si Sophie sa pag kakahawak ni Charlotte

Charlotte: Hindi, hindi niyo na kukunin si Sophie, wala kayong inisip kundi ang mga
sarili niyo, hindi niyo na iniisip ang nararamdaman ng bata
Tiffany: Sophie wag kang making sakanya halika na

Tuluyan nanamang nakuha ng mag-asawa si Sophie, ngunit hinabol na ito ni


Charlotte, humahangos ito habang hinahabol ang sasakyan ng mag-asawa, tanaw
na tanaw naman siya ng bata na nakatingin sa likod habang umiiyak. Patawid na
nang kalsada si Charlotte ng biglang bumunggo ang isang mabilis na truck sakanya,
Ito’y naligo sa sarili niyang dugo habang gulat na itsura ang makikita sa mukha ng
bata habang itoy patuloy na umiiyak. “Ibaba niyo na ako” sigaw ng bata, hininto
naman ng ama nito ang minamanehong kotse, mabilis na bumama sa sasakyan si
Sophie at tumakbo papunta sa kaniyang tatay na nakahilatay sa kalsada.

Sophie: Sabi mo hindi mo’ko iiwan, sabi mo kukunin mo pa ako sakanila, sabi mo
mag iingat ka, sana hindi mo na lang ako hinabol, sorry tay kung hindi lang sana ako
naglayas hindi mo sana ako hahabolin, hindi sana toh mangyayari. (iiyak ako dito)
Charlotte: Anak, mahal na mahal ka ng tatay mo yan ang lagi mong tatandaan.

Huling salita nito kay Sophie bago ito bawian ng buhay.


Pamagat:
Ang Tatay Kong Bading

May Akda:
Jasmine B. Olaila
Denise Mae M. Penuliar

Mga Tauhan:
Tagapagsalaysay: Jasmine B. Olaila
Charlotte: Cristito D’III P. Parica
Sophie: Denise Mae M. Penuliar
Kitty: James Aaron S. Guiterrez
Tom: Rovince Ace
Tiffany: Jay Ann L. Ramos
Eji: Elric Czarrrie DM. Venturas

Tagpuan:
Isang maliit, matao at di gaanong maayos na barangay ngunit masaya

Uri ng Maikling Kuwento:


Kuwentong Makabanghay o Madulang Pangyayari

You might also like