You are on page 1of 3

“Si Stella At Ang Mga Kaibigan Niya Sa Araw ng Pasko”

Anak-mayaman si Stella subalit hindi siya katulad ng ibang lumaki sa karangyaan na walang ginawa kung
hindi ay mamasyal sa kung saan-saan at magpakasarap sa buhay.

Kahit ang ama niya, si Don Manuel, at ang ina niya, si Señora Faustina, ay lubos ang pasasalamat sa
mabuting loob ng kanilang nag-iisang anak. Kakaiba ang kabutihan na ipinapakita nito lalong-lalo na sa
mga mahirap na tao.

Tuwing Pasko, niyayaya ni Stella ang mga kaibigan niya na pumunta sa bahay-ampunan sa Marga Hera.
Namimigay sila ng mga laruan, pagkain, at iba pang mga regalo sa mga bata doon.

Disiplina Sa Ikauunlad ng Bayan, Disiplina ang Kailangan - Sanaysay Disiplina Sa Ikauunlad ng Bayan,
Disiplina ang Kailangan Maikling Sanaysay Itong linya na ‘to ay umalingawngaw noong kapanahunan ng
Martial Law. Linya na mula sa diktador na abusado at mapanlinlang ngunit bilang pangungusap, ito ay
makahulugan sa lahat at para ito sa mga kababayan nating hindi disiplinado. Hindi uunlad ang bayan
kung ang mga mamamayan ay hindi disiplinado. Kung may kaayusan at respeto sa isa’t-isa, hindi
malayong respetuhin na tayo ng mga ibang bansa at tingalain bilang kanilang inspirasyon. Ngunit kung
parati tayong hindi maayos at hindi sumusunod sa mga simpleng batas o panuto, hindi tayo
magtatagumpay. Pinatunayan ng mga Hapon noong niyanig sila ng Magnitude 9 na lindol noong Marso
na kahit nilumpo na sila ng kalamidad, ang pagiging disiplinado ay pinairal pa rin nila. Hindi sila
nagnakaw o nag-panic buying sa mga tindahan, sumunod sila sa utos ng kanilang pamahalaan na
lumikas na at higit sa lahat, nagrerespeto sila sa isa’t-isa. Isang magandang halimbawa na dapat gayahin
at gawing inspirasyon ng mga Pilipino. Paano ba maging disiplinado? Una, sumunod sa mga simpleng
panuto o batas. Kung susunod ang lahat, susunod ang kaunlaran. Pangalawa, sa lahat ng pagkakataon,
pairalin ang pagiging alerto o mahinahon, halimbawa kung may kalamidad na tumama, huwag mag-panic
dahil ang mahalaga ay nailigtas ka, ang mga bagay na naipundar mo, babalik rin yan basta’t magsumikap
ka. Pangatlo, respetuhin ang isa’t-isa, kung may respeto kayo sa kapwa mo, ang respetong ipinakita mo
ay magbibigay ng gantimpala sa’yo. Pang-apat, huwag mag-isip ng negatibo, isipin mo ang positibong
kalalabasan ng mga gawain mo upang maging matagumpay ka sa hinaharap. Kilala ang mga Pilipino
bilang hindi disiplinado, ngunit kung gusto natin ng pagbabago, unahin muna natin ang pagiging
disiplinado bago maging progresibo.
Tagapagsalaysay: Si Sophia ay ang nag-iisang anak nina Rose at Ramon. Ngunit musmos palamang si
Sophia namatay ang kanyang ina dahil sa sakit sa puso kaya ang tumatayong ina at ama niya ay ang
kanyang ama na si Ramon. Ngunit galit si Sophia sa kanyang ama dahil hindi nito binibigay ang lahat
nang kanyang gusto. Sophia: Nakakainis na ang buhay na ganito. Dalawa na lang kami ng papa ko lagi
pa siyang wala sa bahay! Lagi na lang trabaho inaatupag niya pero di naman niya binibigay lahat ng mga
gusto ko!! galit na galit talaga ako sa kanya! (Kakatok ang ama ni Sophia sa kanyang kwarto) Sophia:
Dumating na pala siya lagi nalang hating gabi siya umuuwi…hindi naman niya nabibigay ang mga gusto
ko bahala siya diyan!!! Hindi ba niya alam may pasok ba bukas nakakainis!! Tagapagsalayasay: Laging
pinupuntahan ni Ramon ang kwarto ni Sophia upang makasiguradong ayos lang si Sophia kahit pagod
siya sa kanyang trabaho hindi niya nakakalimutang bisitahin ang anak ngunit lagi ding hindi binubuksan
ni Sophia ang ama II Tgapagsalaysay: Kada umaga lagging nakikita ni Sophia na may isinusulat ang
kanyang ama sa kwaderno Sa isipan ni sophia: ano ba ;yan nagsusulat na naman siya sa kanyang
kwaderno ano yan diary isip bata!!....At ano naman to noodles nanam para sa umaga wala ba siyang
alam na lutuin isip bata na nga bobo pa!!! Sophia: Wala na bang ibang pagkain? Ramon: Pasensiya na
anak yan lang eh…. pagtiisan mo nalang Sophia: Sa paaralan na lang ako kakain :Nakakaasar, wala na
nga akong matinong ama, wala pa kong matinong pagkain. Tagapagsalay say: Kina-umagahan humingi
ng pangbiling laptop si Sophia sa kanyang ama. Sophia: Papa, pwede mo ba ko ibili ng laptop?
Kailangan ko na kasi ng computer eh para sa mga proyekto ko sa school. Ang hirap ng nag rerent pa ko
sa labas . Ama: Patawad anak, wala pang pera si papa eh Sophia: Eh inaabot kayo ng hating gabi sa
trabaho tapos walang pera?! Sino niloko niyo?! siguro nambababae ka lang eh! Madalas ka ng wala dito
sa bahay tapos di mo pa ko mapagbigyan! Walang kwentang ama! (Tumakbo palabas si Sophia habang
umiiyak) :Nakakainis! Bat ba ko nagkaroon ng magulang na di kayang ibigay ang gusto ko?! Bat sa
dinami dami ng magiging ama ko yun pang walang silbi Galit ba sakin ang Dyos?! Bat di na lang ako
pinanganak na mayaman katulad ng mga kaklase ko?! Pakiramdam ko ako na ang pinaka malas na tao
sa buong mundo. Nagiisa lang ako. Ayoko ng ganito. Ayoko ng buhay ko. III Tagapagsalaysay: Halos
dalawang hindi pinapansin ni Sophia anng kanyang ama kahit sa pag-aalmusal hindi siya sumasabay dito
pero napapansin niyang nagsusulat parin ito sa kanyang diary. May nakilala naman na lalaki si Sophia na
si Max niligawan siya nito at sinagot din naman niya ito sapagkat nabibigay nito ang mga luho niya.
Sophia: Andrei ipakilala kita sa papa ko Andrei: Sige ba! (Pagdating sa bahay) Sophia:Papa kasintahan
ko pala, si Max Andrei: Magandang gabi po : Hindi yata ako tanggap ng papa mo Sophia?!! Sophia:
Hayaan mo siya! Wag mo siyang intindihin!” : Tara date tayo!! Andrei: Nakokonsensya ako Sophia
Sophia: Bakit naman?! Andrei: Ang papa mo, narinig ko siyang umiiyak Sophi : Wala akong paki sa
kanya Andrei: Sophia wag ganyan ang trato mo sa iyong ama. Mamaya magsisi ka pag nawala siya sayo
IV Tagapagsalay say : December na. Malapit na ang Christmas Party nila Sophia kaya nagpabili siya ng
damit sa kanyang ama at dahil may pera ang kanyang ama pinangako nitong bibilhin nito ang gusto
niyang damit dahil sa kasiyahan ni Sophia niyakap nito ang ama at hinalikan. Sopjia: Ang tagal naman ni
papa baka hindi niya nabili an gang aking gusting damit lagot siya saakin!!! : Oh nandiayn na siya…. ano
nangyari sayo?! Bat puro sugat ka?! Nasan yung damit ko? Hindi iyan ang gusto ko ang pangit niyan :
Papa! Nakakaasar ka naman eh! lagi mo na lang ako pinapaasa! Ayoko na! ayoko ng maging tatay ka!
Hindi mo naman ako pinapasaya! Lagi mo pa kong iniiwan sa bahay! I hate you ! I really hate you! Ayoko
ng maging tatay ka! Wala kang kwentang----“ slap Tagapagsalaysay: Natigilan si Sophia kasi hindi niya
inaakala na magagawa iyon ng ama niya. Tumakbo palabis si Sophia habang umiiyak. Tumakbo ako
palabas habang umiiyak. BEEEEEEP Tagapagsalaysay: Nakita ni Sophia kung paano siya ilgtas ng
kanyang ama dahil sa gulat hindi siya nakakilos agad. V Sophia: Dok, ang papa ko Doktor: Patawad hija,
dead on arrival ang ama mo. Condolence Tagapagsalaysay: Ang bilis ng pangyayari, hindi inaakala ni
Sophia na wala na ang kanyanmg ama at nakita ni Sophia ang diary ng kanyang ama nagulat siya dahil
ang nakasulat sa harapan ng kwaderno ay ang kanyang pangalan. Dear Sophia….. Tagapagsalaysay:
Dahil sa nabasa ni Sophia nagsisi siya sa lahat ng kanyang ginawa at hindi niya naipakita na mahal niya
ang kanyanng ama. Nagsisisi talaga ako WAKAS………
Matamis at masarap ang nasabing prutas lalo na kapag katamtaman ang pagkahinog. Maraming
nagsasabi na ito raw ay magaling na pantunaw lalo na kapag bagong kain tayo. Kung bakit maraming
mga mata at kung bakit pinya ang tawag sa kanya ay malalaman nating sa ating alamat. Sa isang
malayong pook ng lalawigan, nakatira ang mag-inang si Aling Osang at si Pina na kaisa-isang anak.
Palibhasa’y bugtong na anak, hindi ito pinagagawa ng ina at sa halip siya ang nagtatrabaho ng lahat
nang gawaing bahay. Ang katuwiran ng ina ay “maliit pa naman si Pina.” Marahil ay paglumaki na ay
gagawa rin siya. Kung kaya ang gawain ni Pina ay maglaro, maligo, magbihis at matulog. Si Pina ay
lumaki sa layaw dahil na rin kay Aling Osang. Nais na sana ng ina na turuan ang anak na gumawa,
ngunit naging ugali na nito ang katamaran. Kaya sa malimit na pangyayari, hindi na mautusan ng ina ang
anak, palibhasa’y ina kaya matiisin. Kung ayaw magtrabaho ng anak, siya na ang gumagawa. Tumagal
ang sakit ni Aling Osang, nagrereklamo na si Pina na pagod na raw ito sa paglilingkod sa ina. Isang
umaga, si Pina’y nagluto at maghahain na lamang ito ngunit hindi makita ang sandok. “Saan kaya
naroroon ang sandok?” ang sambit nito. “Hanapin mo, naririyan lamang yan,” ang sagot ng ina. “Kanina
pa nga ako hanap ng hanap e! Talagang wala!” sabi ng anak. “Bakit ba hindi ka na lang magkaroon ng
maraming mata nang makita mo ang hinahanap mo! Ito talagang anak ko, walang katiyaga-tiyaga.”
“Marami naman kayong sinisermon pa” ang wika ng anak sabay panaog. Marahil ay hahanapin niya ang
sandok sa silong at baka nahulog. Lumipas ang mga oras ngunit hindi na nakabalik si Pina sa itaas.
Nawala siya na parang bula na naglaho at walang nakakita sa kanya kahit kapitbahay. Ilang araw ang
nakaraan sa tulong at awa ay gumaling na si Aling Osang. Hinanap ng ina ang anak ngunit hindi na sila
nagkita. Isang araw, sa may bakuran ay nagwalis si Aling Osang. Laking gulat niya nang makita niya ang
tumubong halaman malapit sa kanilang tarangkahan. Inalagaan niya iyon at dinilig araw-araw. Di
nagtagal at nagkaroon ng bunga. Napansin niya ito at tila maraming mata. Tuloy naalala niya ang sinabi
niya sa kanyang anak.

You might also like