You are on page 1of 10

Characters

Geniveeb – Dalagang 17 years old. Medyo concervative Girlfriend ni Defi.

Defi – 19 years old, medyo may pagka wild at mahilig. Boyfriend ni Geniveeb

Aling Ragasa – Nanay ni Geniveeb

Shing – nakababatang kapatid ni Geniveeb

Mang Kumin – Tatay ni Geniveeb

Chismosa 1. Chismosa

Chismosa 2. Chismosa

Chismosa 3. Chismosa

Verjie – Bestfriend ni Geniveeb

Aling Ester – May anak na 10 sa edad na 34

Mang Amid – Asawa ni aling ester

Patpat – Isa sa mga anak ni ester na may 3 ng anak sa edad na 19

Jonjon – kasintahan ni patpat

Sito – Tropa ni Defi

Lola Mitang – may ari ng pinaka sikat na tindahan

EXTRAS
Intro song ~~~~~~

Magsisimula ang story sa moment na magkikita si Geniveeb kasama si Verjie at si Defi kasama si Sito.

Setting : tindahan ni aling mitang

Medyo madaming tao , tapos medyo gabi…. May mga nagbebenta ng kung ano balot, mani ganon….
Meron ding nag iinuman… 3 extra na lalake..

Mapapadaan sina Geniveeb at Verjie galing school….

Pinag uusapan dapat yung mga quizzes ganon, malapit na sila bumagsak ganon pero sa art app hindi
kase mabait at maganda yung teacher. Sa ethics malabo kase hahahaha basta ganon tapos mapapaupo
sila sa isang bench medyo malapit sa mga nangiinom.

Yung mga nag iinuman medyo may amats na tapos nabili pa ng alak. Mag tatanong si aling mitang kung
bakit ba nag iinom yung mga lalake, sasabihin nila na lagi nalang silang broken sa pag ibig at wala ng
nagmamahal sa kanila…. Mag kukwento yung isa about sa love life niya…

KAKANTA YUNG SINGERS NG MEDYO SAD SONG, VERSE 1 TO FIRST CHORUS LANG.

I cocomfort nung ibang lalake yung nagdadrama nialang kainuman sasabihin na ayus lang ganon madami
pa namang ibang babae na dadating sa buhay nila at madali lang magkajowa, mas magaganda pa at
masasarap.

Maririnig ni Verjie ang usapan at sasabihin kay Gen na nakakadiri talaga mga lalake laging ganon mag
isip medyo I elaborate pa mga sasabihin… tapos sasabihin ni Gen na hindi naman din lahat ganon, baka
hindi pa lang din talaga sila nakakatagpo ng para sa kanila.

Maririnig nung isang lasing yung usapan nina Gen at verjie, kaya lalapitan niya ito at oofferan ng inumin.
Syempre tatanggi ang dalawang babae, pipilitin nung lalake na uminom sin verjie pero ayaw talaga nila.
Kaya tatayo sila at aalis nalang ng medyo aligaga, saktong mapapadaan naman sila defi at sito
nakakagaling lang sa laro nila. Medyo pawi at nagjajog at nagpupunas ng mukha. Magkakabanggaan sina
defi at sito…. Tutugtog ang no erase sasayaw mga naglalakad (dancers 2-4)

Magsosorry sina Verjie pero dahil mukhang takot sila, tatanungin sila nina defi kung anong meron,
magkukwento ng kaunti sina verjie ng medyo takot pa sila, sasabihin nina defi na wag na sila masyado
mag alala at ilalayo nalang nila sina verjie dun..

SCENE 2.

SETTING: PARK

Uupo sina gen at defi, pero dahil dalawa lang ang kasya, sa iba uupo sina verjie at sito
Magpapakilala sila, “Ako nga pala si Defi, siya naman si sito”

Verjie: “Defi? Sito?”

Sito: oo bakit?

Verjie: Sandali…. Parang narinig ko na yan… Defi… sito…. Defi… sito…. DEFISIT OH! HAHAHAHA JOKE

Ipapakilala naman ni Gen ang sarili niya at ipapakilala din si verjie.

Magtatanong si sito kung bakit daw ba gabi pa eh nasa labas pa ang mga binibini. Sasabihin nila na
ginabi sila kakareview sa ethics. Tapos tatanungin ni gen “eh kayo, mukhang sporty kayo ah, ano bang
nilalaro niyo?”

SITO: Nako di ako naglalaro yan lang namang si Defi ang sporty ang galing galig kaya niyan

Verjie: Basketball?

Defi: Hindi

Verjie: Ah volleyball

DeFI: Hindi din

Verjie: Ah racket sports siguro no? mga badminton, tennis table tennis?

Defi: Hindi din eh.

Verjie: Ha, ano bang nilalaro mo? Naka sports attire ka pa man din.

Defi: Scrabble.

Verjie: SCRABBLE? EH BAKIT PAWIS NA PAWIS KAYO?

Sito: wala kami maisagot eh puro consonant.

Tapos ayun magkakakwentuhan sila tapos may kakanta ulit habang nagkukwentuhan sila, kunwari
nagkukwentuhan pa din sila habang may nakanta, tapos tawa tawa kunwari pero dapat walang sound
yung mga sinasabi nila.

Medyo sweet yung kanta…

Narrator: Natuloy sa panliligaw ang dalawang malalanding kabataan. Maganda naman ang naging
panliligaw ni Defi kay Gen… Hanggang sa ipinakilala na ni Gen si Defi sa kanyang magulang bilang
manliligaw ng dalaga. Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga magluang ni Gen kay Defi.

SETTING : papasok sa bahay nina Gen

Sasabihin ni Defi na kinakabahan siya at di niya alam sasabihin niya. Sasabihin ni Gen na okay lang yan di
naman kailangang scriptted yung sasabihin ni Defi sa mga magulang ni Gen. Mas magugustuhan daw ng
pamilya ni gen kung magpapakatotoo lang si Defi sa pakikipag usap sa parents ni Gen
Pumasok na sila ng bahay at nagkausap usap ang magulang ni Gen at si Defi. Mabait parehas ang mga
magulang ni gen kaya maayos naman ang naging usapan, inutusan ng tatay ang kapatid ni Gen na si
shing na ipaghanda ng makakain ang bisita ng pamilya nila.

Padabog nakukunin ni Shing ang pera at bibili sa tindahan. Pagkaalis ni shing ay nagsimula ng mag usap
usap si Defi at ng mga magulang ni Gen. papakilala ang magulang papakilala din si Defi, tanong tanong
ng bagay bagay…. Hanggang sa babalik na si shing. Magpapaalam si shing sa magulang na lalabas nalang
muna siya kase sana all pinapayagan ng mag jowa. Lalabas si shing. Magpapatuloy ang usapan hanggang
sa may tatawag sa telepono. Sasabihin ni aling ragasa na siya na ang sasagot at ituloy lang nina mang
kumin ang usapan nila.

Ssagutin ng nanay ang telepono at kunwari may kausap habang nagtatanong pa din ng bagay bagay si
mang kumin kay Defi. Matapos makipag usap si aling ragasa sa telepono ay puputulin niya ang usapan at
sasabihin na may kailangan nga pala silang puntahan ni mang kumin sa bayan. Kaya aalis na muna sila.
Nagpaalam ang mga magulang at sinabi na natutuwa silang makilala si Defi. Umalis ang mag asawa at
naiwan sina Defi at Gen sa bahay.

Maya maya ay sumenyas si Defi na parang gusto niya ng kiss sa labi galing kay Gen. Tinanggihan ito ni
Gen, pero nagpupumilit talaga si Defi, as in mapilit. Hanggang sa parang naging seryoso na ang biruang
halik na gusto ni Defi. Nagtampo si defi at sinabing uuwi nalang siya. Medyo malungkot si Gen dahil
pakiramdam niya ay kaya sila nag away eh dahil maarte siya. Hinatid ni Gen si Defi sa labas ng bahay at
nag ba bye, di pinansin ni defi si gen. pumasok na si gen ng bahay….

Habang pauwe na si Gen nakasalubong niya ang tatlong chismosa. Sasabihin nila na sino ang kasama ng
ate ni shing, nakita daw nila nagyayakapan. Naghahalika. Pag daw di pa pinag hiwalay eh bukas
makalawa buntis na, tapos pag nabuntis masisira ang future, tapos di makakatapos ng pag aaral, basta
magigign OA. Sasagot naman si shing na andami daw sinasabi ng mga chismosa. Sasabihin ng mga
chismosa na nako talaga pag talaga di pa pinag hiwalay… uulitin lang lahat ng sinabi. Sasabihin ni shing
na tama na po tama na po naiintindihan na daw niya ang gustong sabihin ng mga chismosa. Kaya
papasok na siya sa bahay nila.

NARRATOR : Nagpatuloy ang panliligaw ni Defi kay Gen hanggang sa umabot na sila ng 6 na buwan.
Birthday ni Defi at gusto ng sagutin ni Gen si Defi. Yun na ang pinaka malaking surprise na gustong ibigay
ni Gen kay Defi.

Tumawag si Gen kay Defi para itanong kung nasan si Defi. Sumagot si defi at sinabi na may sakit siya
kaya puntahan nalang ni Gen si Defi sa kanila. Pumunta naman agad agad si Gen sa bahay nina Defi dahil
sobra ang pagaalala niya sa jowa niya. Pag dating niya sa bahay nina Defi, napansin niya na walang tao.
Tumawag ulit si Gen kay Defi at sinabi na dumiretso na si Gen sa kwarto ni Defi. Medyo nagtataka na si
Gen sa pagpunta sa kwarto ni Defi. Pagbukas ng pinto nagulat si Gen sa kanyang nakita. Wala, nakaupo
lang si Defi. OA lang talaga si Gen. Sumigaw si Gen kase OA lang.
Pinaupo ni Defi si Gen sa tabi niya sa kama habang nag e ML siya. Magtatanong si Gen kung bakit walang
kasama sa bahay si Defi, sinabi ni Defi na may pinuntahan ang parents niya at mas pinili niyang hindi
sumama.

Pagkatapos mag ML ni Defi ay sinenyasan niya si Gen ng kiss. Syempre ayaw pa din ni Gen pavirgin eh.
Pero nung sinabi ni Defi na pgbigyan niya na ngayon kase birthday naman niya. Sinabi ni Gen na sige
pede pero sa cheeks lang. so kiniss na ni Defi si Gen sa cheeks. Pagka kiss sa cheeks humarap si Defi at
sinabi na bday naman niya baka naman pede na nilang gawin ang ipinagbabawal na technique. Nagulat
si Gen. akala niya yung surprise niya na yung magiging pinakamalaking surprise, pero hindi pala.
Tinanong niya si Defi kung bakit ba gustong gusto niyang gawin yun eh baka pa naman sila pareho at
hindi pa pwede dahil conservative siya. Sabihin ni Defi reasons niya. Hanggang sa maiinis si Gen at aallis
na siya ng bahay.

Nakita ng mga chismosa si Gen na naiyak pauwe. Nakasalubong ulit ng mga chismosa si Shing at
kinausap.

“Hoy alam mo bang ang ate mo ay nakita namin galing sa bahay ng kanyang nobyo at naiyak.”

“OO, tingin nga namin eh nalaman na buntis na kaya naiyak”

Ganon basta ganong convo

Tapos syempre maintriga na, tapos tatanungin ni Shing kung totoo ang sinasabi nila, tapos ganto

“Ay bakit naman kami magsisinungaleng, yan nanga ba ang sinasabi ko eh, dia sinabi ko na sayo dati
naganto ganyan (basta dapat yung repeat ng sinabi niya din kanina)”

Uuwe na si Shing sa bahay nila at ikukwento sa magulang niya ang nabanggit sa kanya ng mga chismosa.
Syempre mag woworry yung parents ganon. Basta pahabain yung usapan….

Dinner time…….

Nakagather sila sa table pero walang gana kumain si Gen. Magkakatinginan ang mga magulang at
magsesenyasan na kausapin si Gen. Pero walang naiingli. Biglang tatayo si Gen at sasabihin na ayaw na
niiyang kumain. Wala siyang gana. Sasabihin ng nanay na “Anak, alam kong ayaw mo sabihin ang
problema mo, at alam kong di ka okay. Pero andito lang kami kung kailangan mo ng kausap.” Napatigil si
Gen tapos maglalakad na ulit.

Kakanta ng kanta about sa problems, habang nakain ang parents ay nakanta ang singers ganorn.
Next scene….

School setting:

Nasa klase si Gen at tulala na parang ang lalim ng iniisip, tapos si Verjie syempre, titignan muna siya.
Iikutan niya pa tas hindi pa rin siya pinapansin. Tapos babatukan niya. Sasabihin niya "Hoy anong
ginagawa mo?"

Tapos si Gen, mapapahimas sa ulo tas sasabihin "Nag-iisip ako!!" Tas syempre titignan siya ni Verjie ng
very mapanghusga tas sasabihin "Shunga wala kang isip" tas mapapahawak sa dibdib si Gen. Tas
tatanungin siya ni Verjie kung anong nangyari.

Tas titingin muna sa paligid si Gen bago niya sesenyasan si Verjie na may ibubulong siya. Lalapit si Verjie
tas binulong na ni gen yung nangyari tas sisigaw si si Verjie ng "ANO NIYAYA KANG MAKIPAGCHUGUGAN
NI DEFI!?"

Magugulat si Gen tas tatakpan niya bunganga ni Verjie. Yung mga extra na classmate nakatingin sakanila
tas magbubulungan.

"SIGE SIGAW MO PA. HINDI RINIG NG KABILANG SECTION." -Gen

tas windang pa rin si Verjie.

Verjie: Sige na hindi na. Go kwento.

Magkukwento si Gen ng nangyari nung bertday ni Defi tas makikinig lang si Verjie pero OA nung mga
facial expression dapat.

Verjie: Sana all birthday sex.

Gen: //Tatanungin kung tama ba yung ginawa niya, kung ano gagawin niya, pano niya haharapin tas
marami pang tanong na sunod sunod tas mag-aact na di na siya makahinga tas si Verjie huhusgahan na
naman siya ng tingin tas sasabihin niya "teh kalma"
Tas si Gen kakalma ng very light tas si Verjie mag-aadvice ng mga bagay na walang connect sa sitwasyon
ni Gen tas magrereklamo si Gen na wala naman siya naitulong tas sasabihin ni Verjie "Tanga, pano ko
naman kasi malalaman e taga sana all lang ako"

Tas may klasmeyt na sisigaw ng "GENIVEEB MAY NAGHAHANAP SAYO"

SABAY ENTRANCE NI DEFI KASAMA NA NAMAN SI SITO TAS TUTUGTOG YUNG IKAW NA BA SI MR.
RIGHT, IKAW NA BA LOVE OF MY LIFE, IKAW NA BA ANG ICING SA IBABAW NG CUPCAKE KOOO. TAS
SLOW-MOTION SILA PAPALAPIT SA ISA'T-ISA.

Sasabihin ni Defi na kailangan nila magusap.

Tas cut scene

Next scene:

Setting: Sa tindahan ni Lola Mitang.

Bibili muna sila makakain tapos uupo muna sila ron.

Tahimik si Gen, nagiinarte. Tapos si defi susuyuin suyuin siya pero maarte pa rin si Gen. Sarap bigwasan.
Pero ayun. Lalambingin pa rin siya ni Defi. Hanggang sa rurupok na si Gen.

Mag-uusap sila about sa nangyari tapos magsosorry si Defi. Tas mageexplain siya ng eklabu kay Gen,
panay mabubulaklak na salita. Tas sa dulong part ng pambobola ni Defi may sasabihin siya na kaya niya
gusto yun e kasi mahal niya si Gen at gusto niya lang patunayan yung pagmamahal niya. Tas sasabihin
niya pa na desisyon ni Gen yun tas aalis si Defi tas mapapaisip lalo si Gen.

Insert mga chismosa na mapapadaan na magkakantahan

Next scene :

School setting

Mag kukuwento si gen kay Verjie na gusto na nyang pumayag sa gusto na gawin ni Defi blah blah blah

Kinahappunan :
Hahanapin ni Verjie si Gen kasi may project na naman sila sa org chem deadline na sa Monday (INSERT
DIALOGUE HERE) tas papunta dapat si verjie kila gen nang magkasalubong niya si shing tapos sasabihin
nya “Hoy san ate mo?” “Malay ko ron, try mo tingnan sa bahay ng jowa nya lagi namn nandun yun ehh”
tapos aalis si verjie para pumunta sa bahayy nila defi.

Bahay nila defi

POINT OF VIEW TO NI GEN:

Kararating lang ni Gen at tila kinakabahan pa. Imimeet siya ni Defi tas magugulat si Defi (tingen ng
gulat?) sabihin niya “Oh, gen, ano ginagawa mo rito?” tas si gen naman pabebe, kunwari shy.

Gen: Ah eh, pwede mo ba ako pasukan, I mean.. papasukin?

Defi: Sige pasukan kita, ay-- este,, pasok ka

Mag-uusap silang dalawa hanggang sa may conclusion na gusto na ni Gen makipagchukchakan kay Defi
basta for LOVE. Tas sa simula magkakailangan sila tapos hanggang palapit na ng palapit tas ----

POINT OF VIEW NI VERJIE:

Sa bahay nila defi…

“Tao po, tao po.”

Makikita nya na bukas yung pinto kaya papasok na sya . taps hahanapin nya sila gen . mararating nya
ang kwarto kung nasaan ang dalawa tapos makikita nya na bukas yun at papasok sya. Maaabutan nya na
gagawin na nila gen at defi yung pinagbaabawal na ritwal tapos mapapnsin sya nunng dalawa kaya
ihihinto nila ang balak nila

Verjie: AHHHHHHHHHHH MY VIRGIN EYES

Defi: Verjie??? anong gianagawa mo dito?!

Gen: oo nga verjie anong ginagawa mo dito?

Verjie: //magapapaliwanag about nangyaring paghanap kay gen

Gen: so anong ngang ginagawa mo dito?

Verjie : wala lang gusto kasi kitang kausapin kaso mukang wrong timing hehehe

Gen: mukang dissapointed

Verjie : hehehhe una na ako tuloy nyo na yan

Magkakahiyaan ang dalawa kaya hindi na nila gagawin ito at sasabihin ni gen na sa ibang araw na lang
nila gawin

Kinabukasan…
Same ng nagyari pero this time si sito namn ang dadating at yayakagin si defi na maglaro kaso mali din
yung timing kaya ayun hindi nanaman matutuloy ang balak ng mag jowa(hahhaha)

Next scene …

Mga chismosa nag uusap

Biglang dadan si aling ester

Pag uusapan sya ng mga chismosa “ alam mo ba yan si aling ester 34 na taong gulang pa lang pero
sampu na anak nyan” nblah blah blah

(Tapos spotlight kay aling ester)

Aling ester: (biglang magkukuwento ng pinagdaannan nya sa buhay ganun ganun)

(Pero yung mga chismosa parang naguusap pari pero walang boses)

After makwento lahat lahat ng pinagdaan sa buhay ni aling ester!!

Habang nagkukuwento si aling ester may tumutugtog !!

Dadan sila defi at gen at maririnig ang kwentuhan ng mga chismosa

Gen: pinag uusapan nanamna nila si aling ester

Defi : paano namang hindi ehh sampu na agad anak ang bata bata pa

Gen : sabagay oo nga naman maaga kasi lumadi ehh(hiyang hiya)

Kinabukasan…

Mga chismosa parin naguusap usap biglang dadaan si pat pat “ diba’t anak ni aling ester yang si pat
pat?” chismosa 1

Chismosa 2: oo

Chismosa 3: kaya naman pala ehh may pinag manahan

(tuloy tuloy lang sa pag cocoment yung mga chismosa )

Sabay spotlight ulit kay pat pat

(Tapos ikukuwento naman nya kung paano sila dumating sa punto na 19 pa lang sya ehh tatlo na agad
anak nya )

Insert music ulit

Maririnig ulit ng mag jowa tapos mag bibigay ulit ng comment nila

** usap ni aling ester, pat pat, gen at defi tungkol sa hirap ng buhay na maraming anak at maagang
nabuntis, insert mga pangaral** **mapapaisip silang dalawa**

Next scene:
Sa bahay nila defi:

Nasa kwarto na silang dalawa dahil balak nga nila na gawin na finally ang pinagbabawal na ritwal, nalock
na nila ang pinto, nakapatay na cellphone nila, basta wala ng hadlang sa plano ng pagputok ng bulkan.

Pero habang nasa kama sila.. Biglang kukwestiyunin ni gen kung tama ba yung gagawin nila kasi maiisip
niya yung kwento nina aling ester, tapos eklabu tungkol sa pangarap, na pangarap muna bago sherep
tapos maiintindihan naman ni defi yung sitwasyon kasi sasabihin niya, mahal niya naman talaga si gen
(sana all mahal) (sana all understanding) Tapos in conclusion, tatanungin na lang ni defi kung pwede na
bang maging sila ni gen tas papatunayan niya na lang yung pagmamahal niya in other ways tas bilang
malandi si gen oo raw.

Magyayakapan sila tas yun pala may bintana tas nanunuod si sito at verjie tas magsasana all si verjie tas
magkakatinginan sila ni sito tas insert background music tas the end.

You might also like