Seducing My Husband - (1152944) - 1

You might also like

You are on page 1of 577

---------------BOOK DETAILS----------------

[BOOK NAME] Seducing my Husband


[TOTALPARTS] 58
-------------------------------------------
[ BOOK DESCRIPTION ]
--------------------------------------------
[COMPLETED and EDITING] Seven years old pa lang si Tin boyfriend na niya si Jeff
ang problema lang ay
hindi ito alam ni Jeff. At ngayon kasal na sila, gagawin lahat ni Tin maakit lamang
si Jeff at magustuhan
and more mahalin siya nito katulad ng pagmamahal na binibigay niya.
-------------------------------------------

*******************************************
[1] PREVIEW: Trial Day
*******************************************
This is a work fiction. Names, characters, places, and incidents are the product of
my imagination or are
used fictitiously, and any resemblance to actual person, living or dead,
businesses, companies, events,
or locales is entirely coincidental.

--x

Preview

Trial Day

Dumaan muna kami sa bahay para makapagbihis. Kumain na lang kami sa kotse at binaba
na niya ako sa
harap ng shop ko. Gusto ko talaga sana sumama pero ayaw naman niyang pumayag.
Pinagbuksan niya
ako ng pinto hanggang sa nakatayo na kami sa harap ng shop ko.

"Susunduin kita mamaya. Hintayin mo ako." sabi niya habang nakatitig sa mata ko.

"Yes sir!" Kunwari sumaludo pa ako. Ngumiti naman siya sa ginawa ko. "Finally."
Sabi ko ulit.

"Hmm?" Kita sa mukha niya na naguguluhan siya sa sinabi ko.

"Ngumiti ka na sa wakas. Mukha ka kasing panda bear na nakasimangot na ang itim ng


eyebags." Pang-
aasar ko sa kanya. Feeling ko kasi kinakabahan siya sa trial. Kailangan ko lang
pagaanin ang loob niya.

"Gwapo naman." aniya at ngumiti siya ng pagkalaki-laki.

"Naks! From Mr. Sungit to Mr. Yabang ka na ba?" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Mahal mo naman." Tama! Mahal na mahal kita Jeff.

"Ikaw na! Ikaw na talaga!" sabi ko habang tinuturo siya.

"Ako na ang masungit at mayabang?" pagtatanong niya at nilapit ang mukha sa akin.
Uminit bigla ang
pisngi ko sa ginawa niya.

"Sabi ko ikaw na ang gwapo at mahal ko." sabi ko at nilapit ang mukha ko sa kanya
at tinitigan ang mata
niya.

Ngumiti naman siya ng pagkalaki-laki. Grabe parang dati lang napakahirap pangitiin
ng lalaking 'to.
Ngayon sumasaya na siya sa mga sinasabi ko.

"Tin! Nandito ka na pala!" Narinig ko ang matinis na boses ni Anj habang palabas sa
shop.

"Hi Anj." Bati ko sa kanya.

"Hi Teeny Weeny! Uy Papa Jeff nandyan ka pala. Ang laki ng ngiti natin a!" sabi ni
Anj saka tumingin
kay Jeff.

Na-conscious hata si Jeff at biglang tinanggal iyong ngiti niya. Tinanguan naman
niya si Anj bilang pag-
acknowledge dito. Lumapit naman sakin si Anj at binulungan ako. "Infairness naman
dyan sa mister mo
a. Dati di 'yan ngumingiti at namamansin. Ngayon mukhang napaamo mo na a."

"Baliw ka talaga Anj." Natatawa-tawa kong sabi.

"Ehem. Sige Tin alis na ako. Magkita na lang tayo mamaya." Sabi naman ni Jeff.

"Aa, okay Bubu! Good luck sa trial mo." Ngumiti naman si Jeff. Tapos tumingin siya
kay Anj. "Una na
ako."

"Wow! Nagha-hallucinate ba ako or narinig ko talagang kinausap mo ako?" Siniko ko


naman si Anj.
"Sorry naman di lang makapaniwala! Bye papa Jeff! Don't worry akong bahala dito sa
Bubu mo!" sabi
niya at tinuturo turo pa ako.

Tumango lang ulit si Jeff tapos tumingin sakin. Tingin lang siya ng tingin. Hindi
ko alam kung bakit.

"Teka Bubu, may dumi ba ako sa mukha?" Kinapakapa ko tuloy yung mukha ko.

"Hindi, wala." Ngumiti na lang si Jeff at naglakad na pabalik sa kotse. Hinampas


naman ako bigla nitong
ni Anj. Nagiging brutal na naman siya.

"Aray Anj! Bakit nanghahampas ka na naman dyan?" Humarap ako sa kanya habang
hinihimas ang
parteng pinalo niya

"Hay grabe ang slow mo talaga Tin!"

"Huh? bakit? Ano na namang ginawa ko?" pagtatanong ko.

"Di mo ba gets kung bakit ka nya tinitingnan? Gusto nya nito o!" Ngumuso siya.

"Anong ganito?" Ngumuso rin ako.

"Hay grabe! Kiss kiss! Ikaw ba talaga 'yung may asawa sating dalawa? My goodness!
Sige na papasok na
ako hintayin na lang kita sa loob. Habulin mo na!" sabi niya at pinagtutulakan na
akong pumunta kay
Jeff.

Ganun ba talaga yun? Pag tinitingnan dapat bibigyan ng kiss? Bakit alam ni Anj
tapos ako hindi?
Tumakbo na lang ako papuntang kotse. Nakasakay na siya at paalis na, kaya kumatok
ako sa bintana.
Binaba naman niya. "Bakit Bubu may prob-" Hindi na siya nakapagsalita dahil biglang
lumapat ang labi
ko sa kanya.

"Goodluck Bubu! Kayang-kaya mo yan! See you later!" sabi ko sa kanya.

Tumakbo na ako pabalik sa shop at sumilip sa kanya. Nakita ko namang natulala si


Jeff sa nangyari.

*******************************************
[2] CHAPTER 1: The Wedding
*******************************************
CHAPTER 1

THE WEDDING

Ngayong araw, ikakasal na ako. Hindi mawala ang ngiti ko habang tinitingnan ang
sarili ko sa salamin. Ni-
request ko talaga na ipagawa ang magandang wedding gown na ito. Pinilit ko talagang
magmukha
akong prinsesa ngayong araw. Syempre naman ang prinsipe ko kaya ang papakasalan ko.

May kumatok sa pinto. "Pasok." Sabi ko at nakatingin pa rin sa salamin.

"Iha are you ready?" Sila mom at dad pala iyon.

"Mom! Dad!" Lumapit ako sa kanila at niyakap silang dalawa.

"You look dazzling Tin." Sabi ni dad habang nakangiti. Ang isang kamay nya ay
nakapulupot sa bewang
ni mom samantalang ang isa naman ay nakayakap sa akin.

"Thanks dad." Kumalas na ako sa pagkakayakap at nginitian silang dalawa.

"Ano ba 'yan ikakasal na ang baby ko. Parang dati lang pinapalitan ko pa siya ng
diaper." Naku naman si
mom nag-eemote na naman. Nag-iyakan na nga kami kagabi dahil ikakasal na ang only
child nila.

"Mom naman o? Di na po ako pwede umiyak, nakamake-up na po kaya ako." Sabi ko at


tinuturo ang
mukha ko.

"I know, I know baby. Mamimiss lang naman kita e." Sabi niya at niyakap na naman
ako.

"Aww, I'll miss you too mom. Kayo ni dad. Don't worry dadalaw naman ako lagi e."
Hindi na kasi ako sa
bahay namin titira. Titira kami ni Jeff sa bahay na pinagawa niya.

"Dapat lang. And that guy should treat you well, or else..." Si dad talaga.
Napakaprotective niyan sa
amin ni mom. Super sweet 'yan pero kapag mapapahamak kami ni mom, nag-eevolve sya
sa tinatawag
kong 'business face'. Iyong mukhang kinatatakutan ng mga kaaway niya sa negosyo.

"Dad, Jeff is a good guy and you know it." Confident akong sabihin iyan. 7 years
old pa lang kaya ako
kilala ko na si Jeff. At ngayong 21 na ako, wala akong duda na siya talaga ang
prince charming ko. Simula
pa lang noong una kaming nagkita naging boyfriend ko na siya. Ang problema nga
lang... hindi niya alam
na boyfriend ko siya.

Maya maya pa'y sumakay na ako sa bridal car at nagsimulang pumunta sa simbahan.
Grabe
kinakabahan ako. After kasi naming umalis ng Pilipinas nung 9 years old ako ay
hindi na kami nagkita pa
ni Jeff. 14 years kaming hindi nagkita dahil kakabalik pa lang namin sa Pilipinas.
Sabi ni mom
pagkagraduate ko pwede na kaming magpakasal. Dapat nga magkikita kami bago ang
kasal pero sabi
nila busy daw si Jeff kaya ngayon na lang tuloy ulit kami magkikita.

Tatlong taon ang tanda sakin ni Jeff at sa age of 24, isa na siyang successful
lawyer. Pano ko nalaman?
Syempre lagi ko siyang pinapanood kapag may interview siya sa tv o may balita
tungkol sa kanya.
Tinatago ko din yung mga magazines na may picture siya. At higit sa lahat, punung-
puno ang studio ko
ng paintings ng mukha niya. Dahil naman pinagkasundo kami ng mga magulang namin,
may karapatan
naman siguro ako ipinta siya at maging stalker ng konti.

Tumigil na 'yung bridal car sa harap ng simbahan. May nagbukas ng pinto at


inalalayan akong lumabas.
Hanggang sa di ko namalayan na hawak hawak na ni Dad ang arm ko at nagsisimula na
kaming maglakad
sa altar. Nang makita ko si Jeff, parang lumiliwanag iyong background niya. Parang
biglang nag-inhale
ako at hindi na naka-exhale pa. Gwapo sya sa tv at sa pictures, pero walang tatalo
sa kagwapuhan niya
sa personal. Bata pa kami nang huli kaming magkita. Naaalala pa kaya niya ako?
Nakatingin lang kasi siya
sakin. Habang papalapit ako sa kanya, nginitian ko sya habang nanginginig ang tuhod
ko. Tiningnan niya
lang ako nang hindi ngumingiti. Bakit parang ang lungkot ng mga mata niya?

Alam kong pinagkasundo lang kami ni Jeff, pero pumayag naman siya sa kasal na 'to
diba? Pwede
naman niyang kontrahin 'yung mga magulang niya pero pumayag pa rin siya. Ibig
sabihin naman ay
gusto niya rin akong pakasalan?

Narating na namin iyong harapan at binigay na ni dad ang kamay ko kay Jeff. "Take
good care of her
young man." Narinig ko pa si dad na parang nagbabanta lang. Tumango lang si Jeff at
kinuha ang kamay
ko. Naku naman hindi na ako humihinga. Nagsimula nang magsalita yung minister pero
nakatingin lang
ako kay Jeff. Naaalala pa kaya niya ako?

Hindi ko na naintindihan 'yung sinasabi ng minister. Basta ako magpapakalunod lang


sa kagwapuhan ng
future husband ko. Nagulat naman ako nung bigla siyang tumingin sakin. Ganitong
titig ang
napapaginipan ko.

"Hindi ka ba sasagot?" sabi ni Jeff. Parang namang naguguluhan si Jeff sa inaasta


ko.

"Huh?" Anong sinasabi ni Jeff?

"Tsk. Sumagot ka na bilisan mo." Sabi niya habang nakangisi. Naiinis na hata siya
sa akin.

"Huh, bakit naman?" Nakita kong nagbuntung hininga si Jeff. Para siyang nagpipigil
ng galit na ewan.
Hindi ko kasi maintindihan.

"Miss Villanueva." Napatingin naman ako dun sa minister. "I'll ask you again. Do
you accept Mr.
Jefferson Lee as your legal husband, to have and to hold, to love and to cherish.."
Iyon lang pala.
Kailangan pa bang imemorize 'yan?

"I do." Narinig kong huminga si Jeff. Akala ba nya di ko sya papakasalan at iiwan
ko sya mag-isa dito?

"With the power vested in me, I now pronounce you man and wife. You may now kiss
the bride."

Humarap na ako kay Jeff at inangat na niya ang belo ko. I saved my first kiss just
for this moment. Pero
bakit ganun? Hindi pa ako nakakapikit dumampi na 'yung labi niya sa akin at ang
bilis din niyang
tinanggal ang labi niya sa akin. Teka teka pwedeng rewind? Hindi na hata pwede
dahil nagpalakpakan
na ang mga tao sa likod namin at naramdaman ko na lang na niyakap na ako ng umiiyak
na si mom.
Parang bitin talaga.

Di bale na may maitim kaya akong balak mamayang gabi. Nagpaturo pa talaga ako ng
gagawin kay
master Anj kaya siguradong mamaya, hindi na ako mabibitin. Humanda ka sa akin
Jefferson Lee.

*******************************************
[3] CHAPTER 2: New Home
*******************************************
CHAPTER 2

NEW HOME
Mabilis na umusad ang picture taking hanggang sa reception. Halos hindi ko naman
kakilala 'yung mga
nandito since mga ka-negosyo lang sila ni dad. Kasama rin nila iyong mga anak nila
na naging mga
kaklase ko sa school. Todo congrats at beso sila kaya todo thank you rin ako. Alam
kong marami sa
kanila kinakaibigan lang ako dahil malakas ang impluwensya ni dad sa business
world. Pero gusto ko pa
ring isipin na bukal sa puso nila ang pakikipagkaibigan sa akin.

Si Jeff naman tahimik lang. Magkatabi kami pero hindi naman niya ako kinakausap.
Minsan lumalapit sa
kanya iyong mga business partners ni dad at puro negosyo o legal issues iyong
pinag-uusapan nila.
Kapag may lumalapit naman na mga babae na nagcocongrats sa kanya, tumatango lang
siya at hindi na
nagsasalita. Natatakot tuloy iyong iba at umaalis na lang. Hindi siya ngumingiti.
Nagdududa na tuloy ako
kung ginusto niya ba talaga ito.

Si Jeff ko ba talaga Ito? Yung Jeff na pinagtanggol ako sa aso dati nung seven
years old ako at kinarga
ako sa likod niya noong nadapa ako dahil sa pagtakbo? Yung Jeff na nagpipigil
tumawa nung binigyan ko
siya ng stick drawing ng sarili niya bilang pasasalamat ko?

"Jeff. Huy, Jeff." Bulong ko sa kanya at sumisitsit pa. Nakaupo na kasi kami para
kumain. Solo lang
namin iyong table sa harapan. Kumakain na rin kasi iyong mga bisita kaya hindi na
kami masyado
napapansin. Patuloy lang din si Jeff sa hindi pagpansin sakin. Umiinom lang siya ng
wine at tumitingin
lang sa paligid.

"Uy. Pansinin mo naman ako." Bulong ko sa kanya at kinakalabit siya. "Uy, Jeff."

"Ano?" tumingin na siya wakas sa akin. Kaya lang kahit pabulong 'yung boses niya
obvious na naiirita
siya. Nakita ko rin ang mukha niya. Ang noo niya ay nakakunot ng sobra.

"Uh, wala lang. Hindi mo ba ako kakausapin?" sabi ko sa kanya at ngumiti baka
maalis ang masamang
aurang mayroon siya.

"Ano namang gusto mong sabihin ko?" Dumoble pa ang kunot ng noo niya. Hala!

"Kahit ano." Magkuwento ka ng nangyari noong wala ako.

"Kahit ano?!" sabi niya at umiwas ng tingin sa akin.

"Huh?" Tanong ko sa kanya. Napakagulo palang kasusap ni Jeff.

"Sabi mo sabihin ko 'kahit ano' tapos huh ka ng huh dyan." Naiirita niyang sagot at
tumitig sa akin na
nanlilisik ang mga mata.

Is it just me or from Jeff na naging jerk na ang prince charming ko? Okay lang
'yan. Kahit naman anong
gawin niya hindi ko kayang magalit sa kanya.

"Ganun ba?" Nginitian ko siya at tumawa ng marahan. Tiningnan niya lang ako saglit
tapos iniwas niya
iyong tingin niya sa akin. Bakit kaya may nasabi na naman ba ako?

Mabilis nang natapos ang reception at bago kami umalis kinamayan ako ni tito
Fernan. Siya yung papa
ni Jeff at isa sa mga kasosyo ni dad dati pa. Kaya kami nagkakilala ni Jeff dahil
pumupunta sila minsan sa
bahay para kausapin si dad sa mga business matters. Namatay 'yung mommy ni Jeff
nung pinanganak
siya kaya si Jeff, si kuya Glenn at si tito Fernan na lang ang nag-alaga sa kanya.
Kalaro rin namin dati si
Kuya Glenn pero hindi siya masyado sumasama samin. Five years kasi ang tanda niya
sa kin kaya pang
big toys na siya. Bakit kaya wala dito si kuya Glenn?

"Congratulations iha." Kinamayan niya ako.

"Thank you po tito." Kahit nung bata pa kami takot na ako rito kay tito Fernan.
Mukha kasi siyang strict
at parang praktisado na ang ngiti niya. Tumingin naman siya kay Jeff na nasa tabi
ko. Nagtitigan lang sila
na parang may mga hidden messages na nagtravel dahil sa titigan na iyon. Ang
uncomfortable kaya
nagsalita na lang ulit ako.

"Uh, tito. Si kuya Glenn nga po pala?" Tumingin na sakin ulit si tito at ngumiti
gamit ang kanyang
business smile. Tiningnan din ako bigla ni Jeff na parang naiinis kung bakit ko
hinahanap si kuya Glenn.
Curious lang naman ako.

"Pasensya na iha. He likes to attend your wedding but he's caught in some business
issues. And by the
way, pwede mo na akong tawaging papa. Asawa ka na naman ni Jefferson." Bigla namang
tumalikod na
si Jeff at naglakad paalis. Ano bang meron?

"Eh? Ahh, g-ganun po ba? S-sige po p-papa. Mauna na ho kami." Tumango lang siya at
naglakad na rin
ako papunta sa limo. Nakasakay na si Jeff sa loob. Gusto ko sanang tanungin kung
anong problema.
Pero nakatingin lang siya sa labas ng bintana. Tumahimik na lang din ako.

Habang umaandar ang limo nagsisimula na akong kabahan. Papunta na kasi kami sa
bahay na pinagawa
sa amin. Gusto ko nga sana na maghoneymoon sa Europe pero sabi ni mom hiniling daw
ni Jeff na kung
pwede daw sa bago na lang naming bahay. Syempre no problem iyon sa akin.

Tumigil na iyong limo sa tapat. May gate muna tapos garden tapos door papasok sa
bahay. Gawa sa
glass iyong bahay then two floors lang. Sa baba 'yung sala, kitchen, dining room,
pati yung home office
niya. Sa taas 'yung malaking master's bedroom, guest room at ang painting room ko.
Mas maliit kaysa
sa bahay namin pero okay lang kasi dalawa lang namin kami rito. Nailipat na rito
earlier yung mga gamit
namin kaya ready to enter na lang.

Nang makapasok na kami, parang tumodo na ang level ng kaba ko. Dalawa lang kasi
kami doon then
hindi naman siya nagsasalita, kaya nakatayo lang ako rito sa may sala. Pumunta
naman siya ref at
kumuha ng tubig na parang wala lang. Sabi naman ni master Anj normal lang na maging
awkward sa
simula.

"Uhh, Jeff..." Umiinom pa rin siya ng tubig pero ngayon tiningnan niya na ako.
Napalunok tuloy ako.

"Ah, ano.. natatandaan mo pa ba ako?" Nakatitig pa rin siya sa akin. Dapat ba


ipaalala ko sa kanya?
"Diba dati pumunta kayo sa bahay namin tapos nawala ka ata kaya nakita mo ako sa
may garden. Eh
nakawala pala 'yung aso kaya tumakbo ako dahil hinabol niya ako. Nadapa tuloy ako
tapos akala ko
kakagatin niya na ako buti na lang dumating ka tapos--" naitigil ang sasabihin ko
kasi biglang padabog na
binagsak ni Jeff ang baso. Kinabahan ako sa nangyari. Tinitigan niya lang ako ulit
then bigla siyang
nagsalita.

"Christine Villanueva. Twenty one year old. Renowned painter hindi lang sa
Pilipinas kundi pati sa
States. Only child and heiress ng Villanueva corporations. I think that's enough
information for me to
know." Tuloy tuloy niyang sagot sa akin habang nakatitig ng sobrang talim sa mata
ko.

"Ehh-h?" Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya.

"We can talk about our living arrangements tomorrow. Basically we can do anything
freely in this
marriage pero it's better I think if we can write in paper our own conditions, so
as not to hamper each
other's reputation." Sabi niya ulit ng tuloy tuloy.

Ano bang sinasabi niya? Nakatingin lang ako sa kanya. Nagbuntung hininga siya at
nagsalita. "Fine. Let's
talk about this tomorrow. Mauna ka na umakyat and choose whatever room that you
like."

Whatever room that I like? Isa lang naman ang room namin diba, 'yung master's
bedroom! Nauna na
akong pumuta sa bedroom namin. Breathe Tin. Breathe. Normal lang naman 'to. Ito rin
naman ang
unang step na tinuro sa akin ni master Anj? Ang mauna sa bedroom.

Pumunta na agad ako sa bathroom at nagpalit ng aking black sexy lingerie. Di nga
ako sanay magsuot ng
ganito pero ang sabi ni master, kailangan daw 'to kaya ito ang pinili niya.
Tinanggal ko ang pins ng buhok
ko at nilugay ito. Nag-apply ng red lipstick. Meron pang tinuro na sexy dance steps
sa akin si master
kaya go na talaga 'to. Kaya kahit kinakabahan, binuksan ko 'yung pinto at lumabas
na ako ng cr.

Pagkabukas ko wala pa siya? Nasa baba pa ba siya? Ano namang ginagawa niya doon. Di
bale na,
hintayin ko na lang siya. Umupo muna ako sa kama at binuksan ang flat screen tv.
Hindi dapat ganito
ang plano. Sabi ni master, dapat daw magugulat si Jeff paglabas ko ng c.r. at iuupo
ko siya sa kama.
Hanggang magsasayaw na ako ng steps na tinuro niya habang unti-unti kong
tinatanggal ang damit ko.
Sabi nya sure success daw 'to e. E bakit wala pa si Jeff? Tsaka ano ba yung mga
sinasabi niya kanina?

Lumabas na ako at sinilip siya sa ibang kwarto. Wala naman. Bumaba na ako at
tiningnan kung nandun
siya, wala rin. Sabay naman kaming pumasok ng bahay kanina. Saan siya napunta?
Sumilip ako sa ilalim
ng lamesa, wala rin. Hindi kaya nakidnap siya? Dali-dali kong kinuha ang phone ko
at tatawag sana ng
mga pulis. Pero nakita ko sa phone ko na may message ito.

From: 09054891620

Went to the office. There's an emergency meeting.-Jeff

What?! Emergency meeting ten ng gabi?! Sinong ka-meeting niya doon? Mga multo?
Sayang ang
effort ko. Sige na nga bukas na lang. Lagot siya sakin! Bukas hindi na siya
makakawala. I really
preserved my virginity for him. Kaya bukas dapat sure na talaga. Pero ngayon magre-
reply ako sa
kanya.

To 09173323642

Ok Jeff! Ingat sa meeting. See you tom! :) -Tin

*******************************************
[4] FIRST DATE
*******************************************
CHAPTER 3

FIRST DATE

"Anj! Ano nang gagawin ko?!" pagtatanong ko sa kanya. Hindi ko na kasi alam ang
gagawin ko.

"My gosh, please Tin. Pwede hinaan yung boses? Todo sigaw naman 'to!" aniya.

"Eh bakit kasi nagfafacebook ka lang dyan? Mamamatay na ako dito oh!" Tulungan mo
na kasi ako. Ano
ba kasing gagawin ko?

"Excuse me. Hindi ako nagfafacebook. I'm doing business." pagpapaliwanag niya.

"Business daw. Ano yan business of stalking?" bulong ko. Nandito ako ngayon sa
shop. Naging
classmate ko si Angeline nung nag-aaral ako sa states. Pareho naming gusto magpaint
hanggang sa
naisip niya na magtayo ng shop kung saan pwede namin i-exhibit ang mga paintings
namin. May
painting room din sa loob ng shop na 'to kaya pwede kaming magpinta kahit kailan
and at the same
time mag-accommodate ng mga walk-in clients. Proud ako sa shop na 'to dahil isa ito
sa mga bagay na
naipundar ko na walang tulong nila mom and dad.

"Kasi naman noh. Ginawa mo ba yung mga sinabi ko? Yung sexy lingerie?" sabi ni Anj.

"Oo naman! Ready na nga ako dun sa dance steps tapos biglang may meeting pala sya."

pagpapaliwanag ko. Ginawa ko naman iyong pinag-uutos niya.

"Eh yung breakfast in bed? Nagluto ka ba?" pagtatanong ni Anj.

"Syempre ginawa ko din yun! Nag-aral talaga ako magluto ng iba't-ibang dish para sa
kanya noh. Kaya
nga nagsisng ako ng maaga at pinagluto sya ng sandamukal na breakfast, para you
know, may choices
sya. Tapos biglang umalis na pala sya papuntang office di ko man lang naabutan."
Mahabang paliwanag
ko kay Anj.

Nagpout na ako. Ilang araw na din ang ganito. Maaga siyang umaalis, super late na
kung umuwi.
Obvious naman diba? Iniiwasan niya ako. Tapos dun pa siya natutulog sa guest room.
Habang
tumatagal, mas nagiging malinaw yung sinabi niya dati. Na siguro nga pinakasalan
niya ako dahil sinabi
ng mga magulang namin, hindi dahil gusto niya talaga.

"Hate to break it to you Teeny Weeny. Pero, I think alam ko na ang problema ng
asawa mo."
Nahiwagaan naman ako sa sinabi ni Anj. Pero alam ko naming alam koi yon pero nag-
iisip pa rin ako ng
positibo kahit hindi.

"Alam ko na din." Kahit si master Anj na ang dami nang naging boyfriend alam na
din.

"Really? Kung ganun may naisip ka na bang paraan para matanggal ang pagiging
pakipot ng asawa mo?"
bulalas niya sa akin.

"Huh? Pakipot?" Paanong pakipot? Si Jeff?

"Exactly. Pakipot yang si Jeff mo. Walang normal na lalake ang makakatanggi sa sexy
lingerie."
Nakangising sabi ni Anj at nilagay pa ang kamay sa baba.

"G-ganun ba yun?" sabi ko at nilagay din ang kamay sa baba.

"Pinagdududahan mo ba ang judgement ko Tin?" Nagulat naman ako sa sinabi ni Anj.


Ako ?
magdududa sa kanya? No!
"Syempre hindi Anj! Ikaw ata ang master Anj ng romance." Nakangiti kong sabi.

"Hindi lang romance. Ako din ang master ng seduction. Kaya get up girl. Puputahan
mo sya sa office
today. Let's start seduction 101." Nakangising ulit na sabi ni Anj. Go Anj!

Nandito na ako sa harap ng 10-storey building. Ganito pala itong law firm ni Jeff.
Anong floor naman
kaya yung office nya? Pumunta na ako sa reception area ng lobby.

"Uh miss excuse me. Anong floor ang office ni Jefferson Lee?" tanong ko dun sa
babaeng nasa
harapan nung counter. Parang information desk.

"10th flooor po siya ma'am." Nakangiting sabi nung babae.

"Thanks." Sumakay na ako ng elevator. Paglabas ko, bumungad sakin ang isang
malaking office area.
Madaming mga tables and chairs sa cubicle at mga lalakeng nakabow and tie. Siguro
mga lawyers din
ito. Infairness, ang gwapo nila, requirement ba sa trabaho 'yun? Lunch break na
hata nila kasi ang ingay
nilang mag-usap usap tapos nagtatawanan pa. Na saan kaya 'yung secretary? May
reception area nga
wala namang tao.

"Excuse me miss beautiful. Naliligaw ka ba?" May lumapit sa aking isang lalakeng
nakabow and tie.
Pustahan lawyer 'to. Nakangiti siya at mukha naman siyang mabait at mas matanda
lang s aakin ng
konti.

"Uh hi! Well, nandito ba yung secretary?" sabi niya at hindi pa rin tinatanggal ang
ngiti sa labi. Pala-ngiti
naman pala ang mga tao ditto.

"Si Bessie? Oo sandali lang baka nagcr lang yun. Halika kain ka muna dun habang
hinihintay mo si
Bessie." Naglakad siya doon sa kumpulan ng mga lalakeng kumakain. Sumunod naman
ako.

"Wow Paul pare, chicks 'to ah. May girlfriend ka pala akalain mo 'yun?" Nagsalita
'yung isang lalakeng
kumakain.

"Siraulo!" Sabi nung kasama ko, si Paul. Nagtawanan naman yung iba pang lalake.

"Alam mo miss buti hindi mo pinatulan 'to si Paul. Di hamak naman na mas gwapo ako
dyan. Tingnan
mo naman oh, ngiti ko pa lang, ulam na." Tapos ngumiti siya at infairness ulam na
nga. Binatukan
naman siya nung iba niyang kasama. Nagtawanan ulit silang lahat.

"Naku miss pasensya ka na. Ganyan lang talaga yang si Rey. Nananaginip ng gising."
Sabi nung isa pang
lalake.
"Anong nananaginip ng gising? Ako ata ang pinapanaginipan ng mga chikababes noh."
Pagmamalaki
nung lalaki kanina, Rey hata ang pangalan.

"Pusang gala di ata 'to nakainom ng gamot nya." Nagsalita ang isa pang lalake at
nagtawanan ulit sila.
Nangiti na lang din ako. Ang saya naman dito sa office ni Jeff. Para kasi silang
pamilya.

"By the way miss, bakit mo nga pala hinahanap si Bessie?" tanong niya sa akin.

"Ahh, actually itatanong ko sana sa kanya kung asan yung asawa ko." Sagot ko sa
kanya.

"May asawa ka na?" Tapos narinig ko pa yung ibang lalakeng nagsalita.

"Sayang pare di na pwede pormahan yan."

"Sayang ang ganda pa naman."

"Oo nga sayang."

Ang dami nilang side comments pero ngumiti na lang din ako. Ang awkward kasi nang
sitwasyon ko.

"Teka. Sino ba dito yung asawa mo?" Tanong ni Paul. Nakatingin lahat sila sa akin.
Nilibot ko tuloy 'yung
paningin ko. Di ko naman makita si Jeff.

"Uh, sabi kasi sa front desk 10th floor daw yung office nya. Pero mukhang wala
naman sya dito." Hindi
ko naman kasi siya Makita. Kanina ko pa ginagala ang mata ko ni anino ni Jeff wala
akong Makita.

Bigla na lang nagsalita 'yung mga lalake. "Naku miss ah. Iniimbento mo lang ata na
may asawa ka."

"Oo nga, alibi mo lang ata para layuan ka namin."

"Miss wag ka matakot samin. Good boys naman kami eh."

"So ano, dinner tonight?" Inakbayan na lang ako bigla nung Rey ba yun?

"Ehh-h?" Hindi ako makapagsalita sa kanila. Pero maya maya lang may narinig akong
nagbukas na pinto
sa likod ko.

"Asan na yung hinihingi kong files sa-" Kahit naman nakatalikod ako kilala ko kung
kaninong boses iyon.
Tumayo ng diretso 'yung mga lalakeng nasa harapan ko. Si Rey parang biglang nanigas
sa pagkaka-
akbay sakin. Naramdaman kong naglakaad papalapit sa amin si Jeff.

"Mister Reynaldo Buenavides. As I can remember, pinagbawal ko ang pagdadala ng


babae sa opisina."
Sabi ni jeff nang nakakatakot ang boses. Kinilabutan tuloy ako. Mukhang kinakabahan
na din si Rey.
Unti-unti siyang humarap kay Jeff at pati ako naiharap niya na rin. Take note
nakaakbay siya sa akin.
Nanlaki 'yung mata ni Jeff nung makita niya kung sino ako. Kinakabahang nakatingin
lang din ako sa
kanya habang salita naman ng salita itong si Rey.

"Boss pasensya na. Ano kasi eh, hindi ko naman sya talaga dinala dito, nakita lang
sya ni Paul..." hindi ko
na naintindihan pa 'yung mga sinasabi ni Rey. Nagtititigan lang kami ni Jeff. Lagot
na ako nito bakit kasi
nakipag-usap pa ako sa kanila. Parang wala rin namang naririnig si Jeff dahil
tinititigan niya lamang ako.
Napatingin lang siya kay Rey dahil sa isa niyang sinabi.

"Girlfriend?" Sabi ni Jeff kay Rey.

"Yes boss. Ganda ng girlfriend ko noh?" Ngumiti pa ang loko. Biglang napunta 'yung
tingin ni Jeff sa
kamay ni Rey na nakaakbay sa akin. Nakaakbay nga pala siya sa akin. Gusto ko na
tanggalin iyong kamay
niya na dapat tinatanggal ko na right now, pero para akong nanigas sa kinatatayuan
ko at hindi na
makagalaw pa. Huy Tin galaw galaw dyan. Tanggalin mo yung kamay ni Rey. Naglakad pa
lalo palapit sa
amin si Jeff. Pero hindi siya sa akin nakatingin kay Rey. Pinapapawisan na ng
malamig si Rey.
Naramdaman ko ring nangangatog ang mga tuhod niya.

"B-boss ano.... kasi ano..." Nauutal na sabi ni Rey.

"Get your hands off my wife." Mahina lang ang pagakakasabi ni Jeff pero narinig ng
buong opisina.
Bigla akong nakarinig ng mga gasps at bulung-bulungan. Parang nalaglag naman ang
panga nitong si Rey
at dali dali na niyang tinanggal ang akbay sa akin. Hindi pa rin makasalita itong
si Rey at nakatingin lang
siya kay Jeff. Nagulat na lamang ako ng biglang hinila ni Jeff ang braso ko at
pinapasok ako sa isang
private office. Kaya pala hindi ko siya nakita dahil may private office siya.

"What are you doing here?!" Pasigaw na sabi ni Jeff.

"Uh, ano kasi-" nahinto ako sa pagpapaliwanag dahil bigla siyang nagsalita

"You could have called kung pupunta ka!" aniya at tinitigan ako ni Jeff.
Nakakatakot ang tingin niya sa
akin.

"Gusto sana kasi kitang-" Hindi ulit ako nakapagsalita kasi nagsalita na naman
siya.

"Or dapat dumiretso ka na dito sa office ko hindi yung andun ka lang sa labas!"
sigaw niya sa akin.
Ayaw mo naman kasi akong bigyan ng time magpaliwanag.

"W-wala kasi kanina si Bessie kaya-"

"At ano yung girlfriend ka pa ni rey?!" matalim na ang titig niya sa akin at doble
na ang kunot ng noo
niya.
Hindi na lang ako sasagot. Hindi naman niya ako pinapatapos.

"So ano, you're guilty as charged? Hindi mo na lang ieexplain ang sarili mo? I
might as well remind you
that you're a married woman!" Ano ba yan? Kapag sumasagot ako hindi naman niya ako
pinapatapos.
Pag hindi naman sumagot, nagagalit pa rin.

"Papatapusin mo ba ko pag nagexplain ako?" mahina kong sabi. Nakatingin na lang ako
sa floor. Alam
ko sa puso ko na kahit gaano pa sya kagalit hindi nya ako magagawang saktan. Kaya
hindi ako natatakot
sa kanya. Nakakalungkot lang na lagi na lang sya nakasigaw pag ako yung kausap nya.

Nagbuntung hininga siya. Hanggang sa naging malumanay na yung boses niya. "Fine.
Ano bang
nangyari?" Hindi na niya ako sinigawan.

Pinaliwanag ko ang nangyari kay Jeff. Lahat sinabi ko para hindi niya ako
pagdudahan. Kaya lang
nakakaconscious ako habang nagkukwento kasi nakatingin lang siya sa akin. Naka-
orange flowy dress
lang ako na hanggang tuhod tapos flats. Then 'yung buhok ko nakalugay lang di ko
man lang nasuklay.
Natapos na akong magkwento. Nakatingin pa rin siya na parang nag-iisip. Ano nga
kayang iniisip niya?

"I see. But it still didn't answer my first question. What are you doing here?"
tanong niya. Kailangan
gawin ko ang sinabi ni Anj. Pakipot daw kasi si Jeff kaya kailangan kong gawin ito
para makuha ang
atensyon niya.

"Let's have lunch together?" Sabi ko sa kanya habang nakangiti.

"What? Pumunta ka dito para yayain ako maglunch?" Hala! Magagalit na naman ba siya?

"Uh, yeah? Well, that is if hindi ka pa kumain." Ngumiti ulit ako para mawala ang
masamang aura sa
kanya.

Nagbuntung hininga na naman siya. "Look. I think you're misunderstanding something.


This is not a
real marriage."

"Huh? Bakit? Totoong kasal naman tayo ah." Diba may wedding ceremony? Alam ko
pumirma naman
kaming dalawa ng marriage license. Kasal naman talaga kami.

"Well yeah we're married. Pero it's not like what you think." Paliwanag niya.
Paanong iba ang iniisip
niya?

"Bakit ano bang iniisip ko?" sabi ko at nakakunot ang noo ko.

"Yung akala mo totoo 'to." Akala ko totoo? Pero totoo naman kasi iyon.

"Totoo naman talaga 'to ah." Ano ba kasing sinasabi niya. Hindi ko naman
maintindihan.

"Fine. Let's just eat lunch." Tumayo na siya at lumabas ng office. Sumunod na rin
ako. Obvious naman
na ang ingay sa labas pero noong lumabas si Jeff biglang tumahimik bigla. Nginitian
ko na lang 'yung
mga lalake kanina pero parang nahihiyang natatakot na yung ngiti nila sakin.
Mababait naman sila kaya
lang medyo loko. Dadalhan ko nga sila ng pagkain pag dalaw ko ulit.

Maya maya bigla namang may matabang babaeng medyo matanda na ang kumausap kay Jeff.
"Ah
boss. Saan kayo pupunta? Tumawag yung secretary ni Mr. Smith pinapasabi na-"

"Cancel my appointments Bessie. Sabihin mo sa driver pababa na ako." Shock of the


century ba ito?
Bigla kasing na-speechless si Bessie at halos pati ang buong opisina. May
nalalaglag pa nga hatang cup
sa sobrang pagkabigla ng mga tao. Bakit ano bang meron? Dirediretso lang ng lakad
si Jeff kaya
sumunod lang ako. Nung nakita naman ako ni Bessie ay nginitian ko siya at nginitian
niya rin ako ng
pagkalaki-laki. Bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa kamay. "Sa buong
pagtatrabaho ko dito
hindi pa kailanman nagpacancel si boss ng appointment. I'm so happy." Mangiyak
ngiyak na sabi ni
Bessie. Ngumiti na lang ako. Nararamdaman kong makakasundo ko ang mga katrabaho ni
Jeff.

Sumunod na ako kay Jeff. Nag-elevator kami then paglabas na paglabas ng building
may tumigil na
sasakyan sa tapat namin. Pinalabas ni Jeff 'yung driver at pumunta sya sa driver's
seat. Sumakay naman
ako sa tabi nya.

"Where to?" Tanong ni Jeff.

"Uhh, sa mall na lang?"

Nagdrive na si jeff papuntang mall. Pagpasok namin medyo pinatitinginan kami medyo
sikat naman
kasi si Jeff at gwapo pa. Kumain kami sa isang resto na puro seafood. Gusto ko sana
sa isang
pizzahouse pero ayaw ni Jeff kaya dito na lang. Ang tahimik lang niya pero
pinepester ko si ya ng mga
tanong hanggang sa magsalita siya. Mabubulok naman kasi yung laway niya pag laging
syang tahimik.
Ganito naman talaga ginagawa sa mga date diba?Date daw. Kahit di niya alam date pa
rin 'to. Sabi
naman kasi ni master Anj sa kanyang Seduction 101 crash course: Surprise him in his
office and ask him
on a date. So far so good.

Natapos na kami kumain at lumabas na kami ng resto. Tumitingin na si Jeff sa orasan


niya which means
any moment now aalis na kami. Pero ayoko pa matapos ang date naming! May napansin
akong
kumpulan ng tao sa gitna ng mall. "Tara Jeff dun tayo." Hinigit ko si Jeff papunta
sa lugar na iyon.
"Okay ladies ang gentlemen we need one more couple! One more!" Sabi nung lalaking
emcee sa
stage. Nagsisigawan na 'yung mga tao. Medyo naiipit na nga kami eh. Ano bang meron?

"Halika na. Ang ingay dito." Sabi ni Jeff habang paalis na. Uuwi na ba talaga kami?
Wala naman akong
magawa dahil naglalakad na siya palayo. Sumunod na lang ako sa likod niya.

"Hmm let's see. How about that couple over there? Yes yung dalawang naglalakad.
Bagay na bagay kasi
sila hindi ba?" Nagsigawan ulit ang mga tao tapos bigla na lang may tumutok sa amin
ang spotlight.
Napatigil tuloy kami sa paglalakad.

Mayamaya pa may mga taong humahawak sa amin at hinihila na kami papuntang stage.
Nakita ko ang
pagkakunot ng noo ni Jeff. His jaw clenched. Naku lagot magagalit na naman 'to
mamaya.

Noong nandoon na kami sa stage, nakita kong may dalawa pang couples na nakatayo.
Apparently,
napasali kami sa isang contest ng hindi inaasahan. Lumapit naman sa amin 'yung
emcee at tinanong
kung boyfriend ko ba si Jeff. Syempre sabi ko asawa ko na siya at nagsigawan naman
ang mga tao.
Tapos tinanong niya ang pangalan ko. Tinanong din niya ang pangalan ni Jeff pero
hindi sumasagot si
Jeff. Nakatayo lang siya at nakalagay sa bulsa ang kamay niya.

"Hmm. Parang kilala kita. Nakabow and tie ka pa. Parang ikaw si Jefferson Lee. Yung
sikat na lawyer?"
Sabi nung emcee. Tiningnan siya ng masama ni Jeff at obvious namang naiinis na siya
sa emcee. Naku
lagot kapag nalaman ng mga tao na siya nga si Jeff. Baka kuyugin kami at
mapapabalita pa 'to sa news
mamaya.

"Uh ano." Singit ko. "Hindi po Jefferson ang pangalan nya. Sya si... Bubu." 'Yan
yung unang pumasok sa
utak ko, sorry naman. Parang hindi pa din kumbinsido yung emcee.

"Bubu?" tanong ng emcee habang nakakunot ang noo.

"K-kasi ano, short for Buboy. Oo tama Buboy. T-tapos naka bow and tie sya kasi,
ano, uh, salesman sya.
Oo tama salesman.. ng kotse. Tama, kotse." Maniwala ka. Parang naniwala naman ang
emcee.
Tiningnan naman ako ng masama ni Jeff. Nginitian ko na lang siya. Pasensya na Jeff
nililigtas lang kita.

"Ok everyone! Kumpleto na ang ating mga contestants. Simulan na natin ang ating
couple game!"
Naghiyawan naman ulit ang mga tao habang si Jeff naman tinitingnan na ako ng
sobrang sama.
Gustong gusto na niyang umalis pero hindi siya makatakas. Sino bang magbabalak na
sumugod sa
ganyang kadaming tao? Lagot talaga ako nito mamaya.
"Uy Jeff. Wag ka na magalit. Makisakay na lang tayo." Bulong ko sa kanya.

"Tsk. Bakit ba ako sumama sayo." Kahit mahina narinig ko 'yung sinabi niya. Sorry
na. Pinaghiwalay ang
girls sa boys at binigyan kami ng maliit na whiteboard. Magtatanong pala 'yung
emcee ng mga tanong
na pangcouple at dapat pareho kami ng isasagot ni Jeff para magkaroon kami ng
point.

"Ok everyone. For our first question! Ano ang kulay ng underwear na suot ng partner
nyo ngayon?"
Nalaglag ang panga ko at lumaki ang mata ko nang marinig ang tanong ng emcee.
Ganito ba ang mga
tanong dito?! Nagsigawan naman ang mga tao. Naramdaman ko ang biglang pag-init ng
pisngi ko.Teka
ano bang isusulat ko? Tumingin tuloy ako kay Jeff. Nakatingin din pala siya sakin.
Hala! Nakakahiya
naman. Nagulat na lang ako ng bigla siyang ngumiti. Matutuwa na sana ako dahil
first time niya akong
ngitian pero kasi yung ngiti nya parang nang-iinis na ewan. Parang may masamang
balak. Paano na to?

"5 seconds left!" Hala?Ano namang isasagot ko. Kahit stalker ako di ko naman alam
ang ganung bagay.
Bahala na white na lang isusulat ko iyon kasi ang normal na ginagamit.

"Time's up! Punta muna tayo dito sa Couple no. 1" Nakasulat sa whiteboard nung
babae white daw.
Nung tinanong naman ang guy kung tama ba, white nga. I knew it, white talaga lagi!
Pero nagkamali
naman siya sa hula kung anong color ang sagot ng girl. 1point lang tuloy sila. Well
at least may point!

Yung second couple naman, grabe parehong tama. Lalo pang orange pala yung kulay ng
underwear ni
girl pero nahulaan pa rin ni guy. Wow ang galing naman nila pano nila nalaman 'yun?
2points na sila.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang kami na ang tatanungin. Gustong kumawala ng puso
ko sa dibdib ko.

"So Tin. Patingin nga ng sagot mo. Ano ang kulay ng underwear ni mister?" Nahihiya
naman akong
iniharap yung whiteboard ko. "White! Tama nga kaya?" Lumapit naman ulit ang emcee
kay Jeff. "So
Bubu.." natawa naman ako don. Pero naubo lang ako kunwari para hindi mahalata.
"Tama ba na
white?" Akala ko naman hindi na sasagot 'to si Jeff pero bigla siyang nagsalita.

"Mali. Black." Naghiyawan naman ang mga tao. Ewan ko ba bakit sila sumigaw mali
naman 'yung sagot
ko. May iba pa ngang nagsasabi na, 'patingin! Patingin!' Grabe naman!

"Katahimikan muna mga kaibigan!" Sabi ulit ni emcee. "Tanungin naman natin si Mr.
Bubu kung ano
ang sagot nya. Pwede bang patingin ng sagot nyo?" Tiningnan naman ako ni Jeff at
ngumiti ng
napakadalang niyang ngiti. Tapos iniharap naman nya ang whiteboard niya.

"Wala kang sagot?" pagtataka ng emcee.


"Dahil wala naman syang suot." Sabi ni Jeff habang nakangiti ng nakakaloko.OMG!
Jeff, anong sinabi
mo? Sigurado akong namumula ng todo ang mukha ko at hindi na magkamayaw ang mga tao
sa
pagsigaw. Sinabi ba niya talagang? Napapailing na lang ako. Wala ba talaga? Meron
kaya!

Hindi pa rin maawat ang mga tao sa pagsigaw at sobrang pula na ng mukha ko. Nagulat
na lang ako ng
narinig kong si tumatawa si Jeff.

Teka.. Tumatawa si Jeff?

*******************************************
[5] IMPRESS HIM
*******************************************
CHAPTER 4

IMPRESS HIM

Sunud-sunod pa ang mga tanong na nakakahiya. Grabe ano ba 'tong nasalihan namin.
Never pa kaming
nagkakapuntos kasi naman 'tong si Jeff puro kalokohan ang sinasagot. Obvious naman
na hindi niya
sineseryoso. Tinatanong pa kung anong size ng bra/boxers ang ginagamit ng isa't-
isa. O kung anong
brand ng pantalon ang sinusuot. Pero grabe talaga ang huling tanong.

"Gaano katagal ang pinakamahaba nyong halik?"

Ang sagot ko lang 3 seconds. Isang beses pa lang naman kami nagkikiss. Nung wedding
day namin na
for sure less than 3 seconds pa nga iyon. Pero laking gulat ko noong pinakita ni
Jeff ang sagot niya sa
whiteboard. Literal na napanganga ako at bumilog ng pagkalaki-laki ang mata ko.

ALL NIGHT LONG

All night long ang sinagot ni Jeff. Tinititigan pa niya ako noong pinakita niya ang
sagot sa emcee.
Magkaiba nga kami ng kwartong tinutulugan kaya paano kami maghahalikan ng all night
long? At dahil
hindi naman ito alam ng mga tao, nagtiliian pa rin sila at todo namula naman ang
mukha ko. Nang-aasar
talaga 'to si Jeff. Natapos ang contest na laging namumula ang pisngi ko kung ano-
ano kasi sinasagot ni
Jeff.

Kahit hindi kami nanalo binigyan pa rin kami ng special prize dahil favorite daw
kami ng mga manonood.
Binigyan kami ng pinggan na may nakasulat na 'Congratulations Tin and Bubu!'Natuwa
naman ako dahil
na-appreciate nila iyon.

Nang nasa kotse na kami, tinanong ko si Jeff kung naghihiganti ba siya sakin dahil
sinali ko siya sa
contest. Sinabi ko kay Jeff na sana normal na lang ang sagot niya para kahit couple
mugs ay nakuha
naming. Pinapaliwanag ko lang ito ng maiigi para maunawaan niya. Pero tahimik lang
siya habang
nagsasalita ako. Sumilip ako sa kanya pero nakita kong nagpipigil siya ng ngiti.

Nagpababa na lang ako sa shop since hapon pa lang naman at pwede ko pa matulungan
dito si Anj.
Tinanggal ko na 'yung seatbelt ko at pababa na ako ng kotse.

"Uhm, sige salamat. Ingat ka Bubu!" Tiningnan naman ako ng masama ni Jeff. Seryoso
na naman ang
mukha niya.

"Wag mo kong tawaging Bubu." His nose flared.

"Bakit? Bagay naman ah." Nginitian ko siya.

"Hindi bagay. Pambata!" Seryoso na naman ang mukha niya. Pero bakit namumula ang
tenga niya?

"Ayaw mo ba talaga? Eh bakit namumula yung tenga mo? Uy! Bubu ganyan ka ba
magblush?"
nakangising sabi ko at binababa taas ang mga kilay ko.

"Wag mo sabi akong tawaging Bubu! Lumabas ka na nga!" Pasigaw na naman siya. Pero
namumula pa
din ang tenga niya.

"Okay! Okay!" Tinataas ko pa ang kamay ko na parang may pulis. "Sige hindi ko na
papansinin ang tenga
mo... pero.. maaga ka umuwi mamaya ah! Sa bahay ka magdinner?" Inilagay ko ang
kamay ko sa likod
ko. Nagcross finger ako para umo-oo siya. Grabe ganito ba yung feeling ng mga
lalake pag nagyayaya
sila ng date? Please Jeff pumayag ka na. Umiwas siya ng tingin sa akin at humarap
sa unahan.

"Hindi pwede. Madami pa akong gagawin." Sabi niya at iniiwasan ang tingin ko. Tama
nga ang hinala ni
Master Anj! Pakipot nga itong si Jeff.

"Ganun ba?..." Mahina kong sabi. "...Kung ganun... BUBU! BUBU! NAMUMULA YUNG TENGA
MO!
BUBU BUBU!" Sigaw ako ng sigaw. Nanlaki ang mga mata niya at namula ang tenga niya
ng todo.
Nakakatawa naman si Jeff. Sigaw lang ako ng sigaw. Kinukuha ko na ang oportunidad
para ma-
blackmail ko siya.

"Tumigil ka na nga!" Sumisigaw na rin siya. Pero hindi pa rin ako tumitigil. Say
the magic words. Say it,
say it.

"Okay fine! Uuwi na ako ng maaga at doon kakain ng dinner! Masaya ka na?!" Yes
success! Tumigil na
ako sa kakasigaw at nginitian siya ng aking sweetest smile.

"Sabi mo yan ah. Baka sabihin mo pinilit kita. See you tonight!" Tiningnan niya ako
ulit ng masama at
dali dali na akong bumaba. Pagkababa ko pinaharurot na niya paalis ang kotse habang
tumatalon talon
naman akong pumasok ng shop.

"ANJ! ANJ!" sigaw ko habang tumatalon talon. Sobrang saya ko lang dahil napa-oo ko
si Jeff.

"Ang hyper mo ngayon Teeny Weeny ah! Ang taas ng-" Hindi na niya natapos ang
sasabihin niya. Paano
ba naman niyakap ko na siya ng super higpit at pagkatapos ay tinulak tulak siya at
hinampas hampas.
Natutuwa lang kasi ako ng sobra.

"Sandali nga Tin! Malalagutan ako ng hininga sayo eh. Ano bang nangyari?" Kinuwento
ko naman ang
first time na kumain kami ni Jeff sa labas at ang couple game na nasalihan namin.
Kinuwento ko rin ang
first time ko siyang nakitang tumawa hanggang sa namumula na ang tenga niya. Super
excited and full
of energy naman ang mga pinagsasabi ko. Pero ang bruha naghikab lang. Ang boring ba
ng kwento ko?

"Hay naku Tin. Sa sigaw mo naman kanina eh akala ko may nangyari na sa inyo. Eh
kumain lang pala
kayo sa labas, my goodness." Sabi niya at naghikab na naman.

"Ano ka ba Anj big deal na yun noh! Diba dati nga halos hindi kami nagkikita tapos
hindi nya ako
kinakausap. At least ngayon, kahit naiinis sya sakin eh pinapansin nya na ako.
Tsaka ikaw naman yung
nagsabi nun sakin diba. Yung puntahan ko sya sa opisina and ask him on a date?"
mahabang paliwanag
ko.

"Exactly. It's my idea. I'm so great right?" Ang galing mo talaga Anj.

"Ikaw na talaga!" Niyakap yakap ko ulit siya. Ang swerte ko naman sa mga kaibigan!

"Chill Teeny Weeny!" Inayos niya ang damit niya dahil nagusot ko hata. "So ano nang
plano mo?" sabi
niya at inayos ang laylayan ng damit niya.

"So ayun nga Anj! Magdidinner siya mamaya sa bahay. Anong gagawin ko? Anong gagawin
ko?!" sabi
ko at pinagsisikan ang katawan ko sa kanya. Sana makaisip si master nang gagawin ko
para matuwa siya
sa akin.

"Hello girl. Ano bang dapat mong gawin? Syempre magluto ng dinner! Duh." Naku ito
talaga si Anj, nasa
nature na niya ang pagiging bitchy.

"Oo naman noh. Pero after nun? Anong gagawin ko? Itutuloy ko ba yung sexy lingerie
act na prinactice
natin dati? " Kasi for sure hindi na makakatakas si Jeff this time sa akin.

"Not yet Teeny Weeny. Sa tingin ko hindi pa handa si Jeff dyan. I guess kailangan
mo muna..." huminto
siya saglit at nag-isip. "... magpa-impress." Sabi niya at parang kumikinang-kinang
pa ang mata.
"Magpa-impress? Paano?" Paanong impress kaya iyong sinasabi ni Angeline?

"Well, kailangan makita ka niya on a different light. Hindi lang bilang isang
heiress ng kumpanya na
ipinakasal sa kanya ng magulang niya." Natahimik naman ako. Sa ngayon, alam ko
naman na napilitan
lang siyang pakasalan ako. Pero parang ayoko pa rin maniwala.

Naramdaman ko na lang na inakbayan ako ni Anj. "Girl, show him what you can do, and
he'll definitely
fall for you." Nangiti naman ako. Humanda ka Jeff at ipapakita ko kaya kong gawin
sa'yo.

Maaga akong umuwi para magprepare ng dinner. Nag-aral ako magluto ng different
cuisine para lang
kay Jeff. Kaya naman medyo confident ako na maiimpress ko siya rito. Nagpalit din
ako ng another
flowy dress na up to the knees. Favorite ko kasi talaga ang dresses.

Mayamaya pa'y narinig ko na ang sasakyan ni Jeff at ang pagbukas ng gate. Pumunta
na agad ako sa
may pinto para salubungin siya."Hi Jeff! Kamusta ang trabaho? Ok ba?" Nakangiti ako
sa kanya
pagkabukas pa lang niya ng pinto. Nagulat siya tapos nagdikit ang eyebrows niya na
parang
nagtatanong kung anong ginagawa ko. Kinuha ko naman agad ang dala niyang briefcase.

"Ako na magdadala nito. Ano kamusta? naging busy ka ba? May mga bago bang kaso?
Pagod ka ba?"
Nakatayo lang siya roon sa may pinto habang nakakunot ang noo. Naguguluhan hata
talaga siya sa mga
ginagawa ko. Sinimulan ko namang tanggalin ang necktie niya, pero parang bigla
siyang natauhan at
tinanggal ang kamay ko.

"Ako na." Sabi ni Jeff at iniwas ang tingin sa akin. Kinuha niya na rin ulit ang
briefcase niya. Tapos
nagmamadali na siyang naglakad paakyat sa kwarto niya. Sumigaw naman ako after him.
"Bumaba ka
na agad pagkatapos mo magbihis ah! Nakahanda na yung dinner!" Tila nagulat siya sa
sinabi ko. Ang
galing ko talaga magpa-impress.

Nilabas ko na ang lasagna sa oven. Then pati ang salad at garlic bread. Sana
magustuhan niya! Tiningnan
ko na rin ang table. Okay na ang candles, okay na rin ang flowers. Maayos na ang
lahat. Nothing is out
of place. Si Jeff na lang ang kulang.

Umupo na ako at hinihintay siyang bumaba. Ang tagal naman ni Jeff. Baka may meeting
na naman sya
ulit? Hindi pwede! Tumayo na ako at pupuntahan na sana siya sa kwarto nang biglang
nasa likod na pala
siya.

"Jeff! Hay grabe nanggugulat ka ba? Kanina ka pa ba dyan?" sabi ko habang


nakalagay ang kamay ko sa
dibdib. Nakapagpalit na siya into jogging pants and isang fit na shirt. Bakat naman
yung muscles niya.
Ano ba yan?

"Not really." Nakakunot na naman ang noo niya pero hindi siya nakatingin sakin
kundi sa table. Ang
ganda kasi ng pagkadesign ko sa table.

"Tara kain na tayo." Aya ko sa kanya at hinila ko na siya. Pinaupo ko siya sa chair
na katapat nung akin
tapos nilagyan ko na siya ng food sa plate. Salita ako ng salita ng mga good
qualities ko. Nagpapa-
impress nga diba?

"Alam mo jeff, magaling talaga ako magluto eh. Kahit anong cuisine kaya kong gawin.
Tapos marunong
din ako kumanta, sumayaw ng ballet, magcross stitch, gardening, tsaka tumugtog ng
piano, gitara and
violin. Tapos, kahit isang beses ko lang makita, kaya ko na agad ipinta. Uhh ano pa
ba, nung bata pa nga
ako, may award akong best in writing tsaka most polite then lagi akong highest sa
Dinner Dash. Wala
akong masyadong alam sa sports, pero lagi naman akong muse or kasali sa
cheerleading kaya medyo
may alam pa din ako." All this time nakatingin lang siya sa akin habang nakakunot
ang noo. Nung
natapos ako sa pagsasalita napansin kong hindi niya pa nagagalaw ang pagkain niya.

"Kain ka na?" Nginitian ko siya. Tumingin naman siya sa plato niya na parang nag-
aalangan kung
kakainin nga niya iyon. Buti na lang nagsimula na siyang sumubo kasi kung hindi
niya kakainin sayang
naman effort ko. Salad then lasagna then bread. Buti naman subo siya ng subo.
Paubos na ang nilagay
ko sa plate niya. Naimpress ko ba siya?

"Ano masarap ba? Masarap diba?" Sabi ko naman sa kanya. Napatingin naman siya sakin
habang
sinusubo ang huling subo. Naubos na niya ang sinandok ko sa kanya. Binaba na niya
ang tinidor niya.

"Maalat." Sabi niya ng hindi nakatingin sa akin. Paanong maalat?

"Huh? Maalat?" tinikman ko itong akin. Masarap naman. Hindi naman maalat. "Maalat
ba talaga?
Naubos mo naman ah."

Nag-iwas siya ng tingin sakin. "Pinagtyagaan ko lang." Sabi pa niya. Grabe todo
prepare pa naman ako
tapos napilitan lang pala siya ubusin? Kasi maalat? Hinding hindi na ako gagamit ng
asin. Never!
Napatungo na lang ako. "Ang hirap mo naman iimpress." Pabulong kong sabi.

Pero laking gulat ko narinig pala niya.

"Impress? Nagpapa-impress... ka sakin?" Nagpout lang ako. Hindi ko siya


tinitingnan. Nakakahiya
naman. Sino bang normal na babae ang aamin na napapaimpress siya? Ito naman si Jeff
nahalata na
nga niya nagtatanong pa.

"Tsk." Narinig ko siya. Inangat ko naman ang ulo ko at napatingin sa kanya.


Nakangiti siya na parang
nang-aasar na naman. Nawala na ang pagkakunot ng noo niya na parang naintindihan na
niya ang mga
ginagawa ko kanina pa. Ewan ko ba kung dapat ba akong matuwa o mahiya. Naging
seryoso na naman
ang mukha niya.

"Alam mo..." Sabi niya habang seryoso pero parang nagpipigil ng ngiti. "...siguro
kung kumain ka ng
madaming sili, o kumanta sa gitna ng kalsada, o tumalon sa building... baka dun pa
ako naimpress." Ano
raw? Tapos bigla niyang tinaas ang plato niya na parang nanghihingi pa ng second
serving. Nilagyan ko
pa ulit ng lasagna 'yun. Iisipin ko na sana na gusto niya ang luto ko kaya lang
nagsalita pa siya.
"Pinapagtyagaan ko lang. Wala na kasing ibang pagkain." Oo na, oo na.

Kinabukasan nagprepare talaga ako ng mabuti. Kinausap ko si Bessie sa plano ko para


maimpress sa
akin si Jeff. Inayos ko lahat ng gagamitin ko para maging tuloy tuloy ang gagawin
ko. Humanda ka
Jefferson, tignan na lang natin kung hindi ka maimpress.

"Hello Bessie? Ready na ba?" Si Bessie ang bahala dito. Since nag-usap na kami alam
na niya ang
gagawin.

"Yes Ms. Tin. Ipapalabas na po sya on your mark." Sagot niya sa phone.

"Okay sige. In 30 seconds ipalabas mo na, ok?" Para kay Jeff gagawin ko ito. Para
sa'yo to Bubu.

"Ok Ms. Tin!" aniya

"Thanks Bessie!" Binaba ko na ang phone. Ayos na ang lahat. Let the game begins.

"Ladies ang gentlemen! Simulan na natin ang Sili eating Contest!" Sabi ng emcee.
Sigawan na ang mga
tao dito sa plaza. Sumali talaga ako dito dahil itetelevise daw ang contest na 'to.
Nasa meeting kasi
ngayon si Jeff pero nakiusap naman ako kay Bessie na kung pwede kahit sandali lang
ipalabas ang
showing nito sa projector sa meeting nila. Siguro aakalain ni Jeff na another
business presentation lang
ang ipapalabas, at masusurpresa talaga siya pag nakita ako.

"Simulan na natin ang kainan!" Sigaw nang emcee. Nagsimula naman sa pagkain ng sili
ang iba pang
contestants. Kumain na rin ako ng sili. Kain lang ako ng kain. Minsan tumitingin
ako sa camera at
ngumingiti kahit naluluha na ako sa anghang. Sigurado ako napapanood ako ni Jeff
pati na rin ang iba pa
niyang kameeting. Bahala na, ang mahalaga ay ang maimpress ko siya.

Sa wakas ay natapos din ang contest. Kahit di ako nanalo, okay na rin siguro. Hindi
ko na kasi kaya
kumain ng sili. Ang pula na ng dila ko at kahit anong inom ko ng tubig parang hindi
naman nawawala ang
anghang. Mayamaya pa tumunog na ang phone ko.

"Hello Bessie?"

"Ms Tin! Gulat na gulat si boss! Halos di sya makagalaw kanina nung nakita nya yung
nasa screen!" sabi
ni Bessie.

"Ganun ba?" Nakangiti na ako. Impressed na impressed talaga siya he's so at loss
for words.

"Kaya lang lumabas bigla sa meeting room eh. Nagalit ata?"

"Hindi yan Bessie! Sure ako dyan. Ayos na ba yung para sa mamaya?" Aakikasuhin ko
na ang
pangalawang gagawin ko.

"Yes Ms. Tin. Excited na nga din sina Paul, Rey at iba pang kaopisina ni boss."
Ayos iyon kasi malalaman
nila ito.

"Sige ok yan. Papunta na ako dyan. Bessie salamat ah!" Binaba ko na ang phone.
Napangiti ako ulit sa
gagawin ko. Humanda ka ulit Jefferson.

Nandito na ako sa labas ng building ni Jeff. Nasa likod ko na ang mga kaopisina
niya dahil sila ang back-
up at banda ko. May mag gigitara, drums, keyboard, pati nga sasayaw meron. Ako sa
gitna lang, may
hawak ng mic. Pinagkakaguluhan na rin kami nang ibang mga tao. Lahat kasi ng
lumalabas galing sa
building nakiki-ososyo kung anong meron. Tapos ang ibang napadaan lang,
nakikitingin din. Ang daming
nanonood na lawyers galing sa firm ni Jeff. Hindi naman illegal ang pagkanta sa
gitna ng kalsada diba?
Sumenyas na si Bessie. Palabas na raw si Jeff. Nag-ok sign na rin ako sa mga kasama
ko. Nagsimula na
silang tumugtog.

Uso pa ba ang harana?


Marahil ikaw ay nagtataka

Lumabas na nga si Jeff sa building. Nakakunot na naman ang noo niya. Nagtataka
siguro kung bakit ang
daming tao. Nanlaki lang bigla ang mata niya noong nakita niya ako at mga kaopisina
niya sa likod ko.

Sino ba 'tong mukhang dyosa?


Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba

Nginitian ko siya. Nakatingin lang siya sakin. Nakatayo lang at hindi na gumagalaw.
Meron pang dalang mga rosas suot nama'y
Maong na kupas
At nariyan pa ang barkada
Nakaporma naka-bow and tie sa awiting daig pa minus one at sing along

Puno ang langit ng bituin


At kay lamig pa ng hangin
Sa'yong tingin akoy nababaliw giliw
At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana para sayo

Napansin siguro ng mga tao na kay Jeff ako nakatingin, kaya parang nahawi ang tao
kung na saan siya.
Para tuloy may spotlight sa kanya kasi wala naman siyang katabi.

Hindi ba't parang isang sine


Isang pelikulang romantiko
Hindi ba't ako ang bidang artista at ikaw ay ang leading-man
Sa istoryang nagwawakas sa pagibig na wagas

Naglakad ako papalapit sa kanya. Nagsigawan na ang mga tao sa paligid ko. Ang iba
inaasar si Jeff. Ang
iba tinutukso kaming dalawa. Sigurado after this, alam na ng buong law firm na ako
ang babaeng
pinakasalan niya.

Puno ang langit ng bituin


At kay lamig pa ng hangin
Sa'yong tingin akoy nababaliw giliw
At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana para sayo

Nasa harapan na niya ako. Nakatingin lang kami sa isa't-isa. Natauhan hata siya at
biglang nagsalita.
"Ano sa tingin mong ginagawa mo?" Napakaseryoso ng boses niya. Galit na ba siya? O
super
impressed? Impressed nga hata. Ang pula na kasi ng tenga niya. Nginitian ko lang
siya at kinindatan.
Nagulat siya kasi biglang bumilis ang kurap ng mata niya. Narealize hata ng mga tao
na tapos na ang
performance ko kaya nagtilian na sila. Ang mga lalake naman todo kantyaw.
Naramdaman kong
dudumugin na kami any moment kaya sinamantala ko na ang pagkakataong para tumakbo
papasok sa
building. Naiwan naman si Jeff na nakatayo at nagtatakang tinitingnan akong palayo.
Isa na lang. Isa na
lang. Nagawa ko na ang dalawang sinabi ni Jeff para maimpress siya. Isa na lang
matatapos na ito at
super impressed na siya sa akin.

Sumakay na ako ng elevator. For sure nasa tuktok na si Bessie. Pinag-usapan na kasi
namin 'to at kahit
nung una gusto niya akong pigilan, napilit ko pa rin siyang pumayag. Kakapasok ko
pa lang ng rooftop
ng pinatunog ni Bessie ang trumpet. As expected, nagtingalaan naman ang mga tao sa
kalsada kanina.
Kung madami ang nanood sa performance ko mas lalo pang dumami ang taong nakatingin
sakin
ngayon. Ang ibang sasakyan tumigil pa para manood. Medyo nagpanic hata sila nung
lumapit ako sa
edge ng building.

"Sigurado ka na ba sa gagawin mo?" narinig kong sabi ni Bessie at nilagay na ang


mga safety belts para
sa gagawin ko. Nginitian ko lang siya at tumango. Inispread ko ang arms ko at nag-
inhale muna. Grabe
ang hangin pala rito. Palubog pa rin aangraw kaya ang ganda ng view. Lumapit pa ako
sa may edge ng
building. Ang taas pala talaga rito. Pinikit ko na ang mga mata ko at any moment
now, tatalon na ako.
Jeff, diba sabi mo pag tumalon ako ng building maiimpress ka sakin? Ito na gagawin
ko na.

"Sandali! Sandali! Nababaliw ka na ba?! TIN!" narinig kong sigaw ni Jeff sa ibaba.

Binuksan ko ang mga mata ko. May hawak siyang megaphone? San niya nakuha iyon?
Teka, bakit may
mga pulis na. Ang dami na ring tao. Nakita kong parang kinukuha na nung isang pulis
ang megaphone
kay Jeff. Pero ayaw niyang ibigay. Ano bang nangyayari?

"TIN! WAG KANG TATALON! WAG KANG TATALON, KUNG HINDI LAGOT KA TALAGA SAKIN!" Sabi
ulit
ni Jeff gamit ang megaphone. Bakit ngayon niya sasabihn 'yan. Ang gulo naman niya.

Sumigaw tuloy ako para marinig niya ako."DIBA SABI MO KAPAG KUMAIN AKO NG MADAMING
SILI,
KUMANTA SA GITNA NG KALSADA, AT KAPAG TUMALON SA BUILDING MAIIMPRESS KA SAKIN? ITO
NA GAGAWIN KO NA YUNG HULI!!"

Nagbulungbulungan naman ang mga tao. Ang mga pulis naman sinusubukang kunin na kay
Jeff ang
megaphone. Nagsalita siya ulit."OO NA! HANGANG HANGA NA NGA AKO SAYO! ANG GALING MO

MAGLUTO TSAKA KUMAIN NG SILI TSAKA KUMANTA! KAYA WAG KA NA TUMALON NG BUILDING!"

Nagsigawan naman ang mga tao. Inamin ba niya talagang masarap ang luto ko? Tapos
sabi pa niya ang
galing ko kumanta. Natuwa rin siya kahit sa pagkain ko ng sili. Impressed na sya
talaga sakin. Kaya
kailangan ko na gawin 'to. Para super impressed na talaga siya. Nandito na rin
naman kaya gagawin ko
na 'to.

Narinig kong nakapasok na rin ang mga pulis dito sa rooftop. Sigurado akong pag
hindi pa ako tumalon
ngayon, pipigilan na nila ako.

Sumigaw muna ako. "BUBU PARA SA'YO 'TO!" Then I jumped. First time kong mag Bungee
jumping.

*******************************************
[6] GROCERIES
*******************************************
CHAPTER 5

GROCERIES

Nagpa-paint ako ngayon habang napakalaki ng ngiti ko sa labi. Para naman akong
baliw nito kasi kinikilig
ako na ewan. Si Jeff kasi pinapaint ko. Tapos naaalala ko pa ang mga nangyari after
nung tumalon ako
sa building. Well, oo tumalon nga ako. Pero nagbungee jumping lang naman ako. Akala
pala ng mga tao
magpapakamatay na ako. Kaya pala may mga pulis na tapos si Jeff todo kumbinsi sakin
na huwag
tumalon. Pero ok na rin pala ang mga nangyari. Napaamin ko kasi siya na masarap ang
luto ko and at
the same time ay na-impress ko siya. Nakakangiti talaga.

Kaya lang parang nagalit hata siya sa akin. Nung nakababa na kasi ako ng bungee
rope, hinila niya agad
ako sa kotse at pinaharurot pauwi dito sa bahay. Sinermonan at sinigawan niya ako
tungkol sa mga
pinaggagagawa ko habang nakaupo lang ako sa sala at nakatungo. Siguro akala niya
nahurt ang feelings
ko kaya after sometime ay tumigil na rin sya sa pagsigaw at tinanong ako.

"ANO NAIINTINDIHAN MO NA BA YUNG MGA MALING GINAWA MO?! Nagsisisi ka na ba ngayon?!

Para talagang bata." Umiiling-iling pa siya. Unti-unti ko namang inangat ang ulo
ko. Nagulat siya nang
nakita niya akong nakangiti.

"Umamin ka nga Bubu. Nag-aalala ka sakin noh? Pinapagalitan mo ako because...


you're worried about
me?" nakangiti kong sabi sa kanya.

"H-HOY. HINDI AKO NAG-AALALA SA'YO! Bahala ka kung gusto mo tumalon sa building
pero wag sa
building ko! At wag mo nga akong tawaging Bubu!" his nose flared.

"Uy! Bubu. Diba sinigaw mo pa nga kanina na masarap yung luto ko! Tapos ang galing
ko kumanta tsaka
kumain ng sili tsaka-" napatigil ako kasi nagsalita siya.

"Aish! Bahala ka nga dyan!" At nagwalk-out na nga syia. Namumula naman ang tenga.
Ang cute talaga
ni Jeff! Ang cute mag-blush.

Kinabukasan nilagyan ko ng note ang pocket ng coat niya. Bilin kasi ni Master Anj
iyon. Ligawan ko raw
si Jeff. Nakalagay sa note:

'Di ka naman camera, pero tuwing nandyan ka, nangingiti ako'

Ano kayang magiging reaksyon niya pagkabasa niya nun? Maaga siya umalis papuntang
office pero at
least kumakain na siya ng breakfast sa bahay. Hindi ko na siya masyado inaasar kasi
baka magwalk-out
na naman sayang naman ang niluto ko. Feeling ko nagiging close na kami ngayon.
Ilang araw ko na rin pinapadalhan ng lunch si Jeff. Gusto ko sanang ako magdala
pero baka magalit na
naman sakin pag pumunta ako sa office niya, kaya binibigay ko na lang sa kanya bago
siya umalis.
Noong una ayaw niya kaya siniksik ko na lang sa briefcase niya. O diba? wala siyang
nagawa. Pero
tinawagan ko naman si Bessie at nireport naman sakin na nauubos naman ni Jeff yung
pinapabaon ko.
Napangti ako ng malaki dahil doon.

Natapos ko rin ang painting ko. Isang Jeff na nakangiti ang pininta ko ngayon.
Nangingiti rin ako habang
pinagmamasdan ko ito. Mas gwapo siya talaga kapag nakangiti. Niligpit ko na ang mga
gamit then
nilagay ko sa isang sulok itong nagawa ko. Ang dami ko nang paintings kay Jeff.
Kaya bawal talaga siya
pumasok dito sa painting room ko. Bawal din naman ako pumasok sa home office niya
diba? At saka
baka kasi magfreak-out siya pag nakita niya ang mga ito. Lumabas na ako ng kwarto
at bumaba ng
bahay. Medyo madilim na kasi siguro mga 6pm na. Kanina lang 1pm ang bilis talaga ng
oras. Wala talaga
akong napapansin kapag nagpapaint.

Dadating na si Jeff ng 8, kailangan ko maghanda ng dinner. Naligo muna ako at


nagpalit ng damit. Ang
dungis ko kasi lagi pagkatapos magpinta. Nagpunta na ako sa kusina then napansin
kong we're out of
goods. Kailangan ko na ring pumunta sa supermarket. Sandali matawagan nga si Jeff.
Nakailang dial ako
pero hindi niya sinasagot. Mga 10 rings siguro iyon. Baka ayaw lang niyang sagutin?

"What?!" Sa wakas sinagot din niya kaya lang bakit nakasigaw na naman? Bad mood
na naman ba
siya? Oh no hindi pwede.

"Hi Jeff. Uh, nasa meeting ka ba? Ano kasi eh, emergency lang sana." Sabi ko sa
kanya habang
pinaglalaruan ang buhok ko. Iniikot ko ito sa daliri ko.

"Ha?! Bakit, anong nangyari?!" pag-aalala niya

"Pwede mo ba akong samahan sa sementeryo?" Tignan natin ito.

"Ano?! Teka asan ka ba? Bakit tayo pupunta dun? Sandali nga hintayin mo ako."
Narinig kong parang
kinukuha na niya ang susi. Uuwi na ba sya? Successful ba ang plano ko?

"Sige. Hintayin na lang kita dito sa bahay." Ayan unti-unti nabubuo ang plano ko.

Mayamaya pa narinig ko ng dumating ang kotse ni Jeff. Lumabas na agad ako para
salubungin siya.
Mukhang binilisan niya talaga para makarating dito.

"Ano bang nangyari? Bakit tayo pupunta ng sementeryo?" sabi niya at halatang
nagmadali siyang
umuwi kasi pawis siya tapos hindi ayos ang necktie niya.

"Ano kasi eh, patay na... Patay-" Paano ko ba sasabihin ito?


"Sinong namatay?!" aniya.

"Yung puso ko! Patay na patay sa'yo." Nanlaki bigla ang mga mata niya. Oh no lagot
ako nito. Kung ano
ano kasi iniisip ko.

"What?! So pinagmadali mo ako dito ng walang dahilan?!" Pinagdikit ko ang dalawa


kong kamay. 'Yung
parang nagdadasal lang.

"Jeff sorry! Wag ka na magalit please. May dahilan naman talaga eh. Wala na kasi
tayong pagkain,
kailangan na maggrocery. Eh gusto ko sana samahan mo ako..."

Mukhang gusto pa niya akong sigawan. Pero parang pinipigilan na niyang magalit kaya
nagbuntung
hininga na lang siya. "Look Tin. Sana sinabi mo na lang, edi bumili na lang ako ng
pagkain bago umuwi
diba?" Gusto ko kasi tayong dalawa para masaya.

"Ayoko nga. A-ano kasi, uh, hassle pa sa'yo yun diba. Oo tama, diba super busy ka."
Kumunot ang noo
niya at tiningnan ako. Parang iniisip niya kung ano bang tumatakbo sa utak ko.

"Fine. Then pumasok na tayo sa loob at magpadeliver na lang." Nagsimula na siyang


lumakad papasok.

"Teka sandali lang!" Hinawakan ko ang braso niya. Tumigil siya sa paglalakad at
humarap sa akin.
Tumingin siya sa braso niya. Tinanggal ko naman agad ang kamay ko doon. Ayaw niya
ba talagang
hawakan ko siya? Sorry naman. "P-pwede bang mag-grocery na lang tayo? Gusto ko kasi
sana ako
magluto ng dinner mo.." Please pumayag ka na. Please!

Tumitig siya sakin ng mga 3 seconds tapos nag-iwas ng tingin. Akala ko hindi na
siya papayag pero bigla
na lang isya naglakad papunta sa kotse.

"Teka, payag ka na?" Tuloy tuloy lang siya sa paglalakad. Sumunod na lang ako sa
likod niya hanggang sa
nakapasok na kami sa kotse. YES!

"Wait lang Jeff. Hindi natin 'to kailangan..." Ibinalik ko iyong de lata. ".. ito
din" Balik ulit. "... ito pa, ito
din..." Hala naman si Jeff. Lahat na lang hata ng makita niya, nilalagay sa cart.
Nandito na kami sa
grocery at kanina pa siya ganyan. Nagsuot siya ng cap para hindi makilala ng ibang
tao. Kanina pa siya
lakad ng lakad, sinusuyod lahat ng aisle. Nakasunod lang ako dito sa likod niya
habang tinutulak ko ang
cart at tinatanggal halos lahat ng nilalagay niya.

"No way. Hindi pwede, ibalik mo yan." Humarang na ako sa harap nang cart. Hindi ko
na hata kayang i-
alis yan. "Isang sakong luya? Jeff aanhin naman natin yan?" Nakapagtataka naman
hata ito.

"We should buy everything in excess. Paano kapag nagkalindol or bagyo? Mas ayos
kung may supplies
tayo." Seryosong sabi niya.

"Pero Jeff. Hindi naman siguro tayo mamamatay kung walang luya sa bahay kapag
bumagyo diba?" sabi
ko sa kanya. Inalis naman niya agad ang tingin niya sa akin.

"Fine. But don't tell me i didn't warn you." Buti naman binalik na niya. Kumuha na
rin ako nang mga
bagay na kailangan talaga. Alam kong wala namang problema sa presyo, pero ayoko
naman kasi bumili
ng mga bagay na hindi naman gagamitin o mga pagkaing hindi naman namin kakainin.
Okay na siguro
ito. Ang dami nang laman ng cart namin. Teka asan na ba si Jeff? Iginala ko ang
mata ko.

Bakit nakatayo lang siya doon? Ano ba ang tinitingnan niya?

"Jeff? Anong ginagawa mo dito bakit-"

"MOMMY!MOMMY!" May batang babaeng nakapink ang nakaupo sa floor at nagwawala at


umiiyak.
Siguro mga 7 years old 'to at nawawala ang parents niya. Si Jeff naman nakatayo
lang sa tapat nang
bata.

"Tumigil ka nga sa pag-iyak! Ang ingay mo." Sabi pa ni Jeff. Hala naman, mas lalong
umiyak at nagwala
iyong bata.

"Hala Jeff wag ka sumigaw. Mas lalo syang matatakot nyan eh." Nilapitan ko ang bata
at umupo ako sa
tapat niya.

"MOMMY! MOMMY! I WANT MOMMY!" iyak lang ng iyak si little girl.

"Ssshh. Little girl, it's okay don't cry... Uhm, sumama ka samin? Hanapin natin ang
mommy mo?" sabi
ko sa kanya nang nakangiti. Tila naman hindi niya ako napansin.

"No! No! I don't wanna! I want mommy! MOMMY!" Hala mas lalo pa hatang umiyak itong
bata.
Nagulat na lang ako ng biglang umupo sa tabi ko si Jeff. May dala siyang lollipop.

"O ito. Gusto mo ba nito?" nilapit nya sa bata iyong lollipop. Tumigil naman bigla
ng iyak itong bata.
Nakatingin sa lollipop na hawak ni Jeff. "Sa'yo na lang. Madami pa ako dito."
Pinakita niya ang isang
pack ng lollipop. Parang nanlaki naman ang mata ng bata sa dami ng lollipop na
nakikita niya.

Binulungan ko si Jeff. "Kinuha mo yan dito sa grocery noh? Hindi pa natin


nababayaran yan."

"So what? Babayaran naman natin later." Nakataas kilay niyang sabi.
Maya maya pa tumayo na iyong bata at kinuha na ang lollipop. Tumigil na rin siya sa
pag-iyak. Inextend
ko naman ang kamay ko sa kanya. "Let's go? Hanapin na natin ang mommy mo?"
Nginitian ko siya.
Tiningnan niya ang kamay ko then ang mukha ko. Pero at the end, tumingin ulit siya
kay Jeff. Lo and
behold, bigla syang tumakbo papunta kay Jeff at niyakap siya sa leeg.

"DADDY!!! DADDY!" Nakakatawa ang mukha ni Jeff. Grabe ang mukha ni Jeff! Gulat na
gulat siya na
hindi alam ang gagawin. Nanlaki ang mata niya tapos tumingin siya sakin. Nung
nakita niyang natatawa
pa ako parang nainis pa siya.

"Bubu may anak ka na pala?" Nakangiti ako kay Jeff.

" Kunin mo nga sya! Bakit nya ba ako niyayakap?" Bulong niya sakin.

"Buhatin mo na lang siya. Dalhin natin sa customer service." Sabi ko sa kanya.

"Haisst!!" Tumayo na siya habang ang higpit pa rin ng yakap ng bata sa kanya. Ang
awkward ng itsura ni
Jeff. Hindi niya alam kung paano hawakan itong bata. Naglakad na kami papuntang
customer service.
One thing I discovered about Jeff today, kahit na lagi siya nakasigaw ay meron
talaga siyang mabuting
puso. I just know na hindi ako nagkamali ng lalakeng pinakasalan.

Mayamaya pa dumating na ang mommy nung bata. Isang middle-aged woman na naka-office
attire.
Kinuwento namin kung paano namin nakita itong bata then sinabi rin naman niya kung
paano sila
nagkahiwalay. Todo thank you siya samin then kinuha niya na rin ang anak niya. Ayaw
pa nga bumitaw
nung bata kay Jeff pero syempre mas sumama siya sa nanay niya.

"Mommy! Mommy! It's daddy!" Nagulat ako sa sinabi ni little girl.

"Trish baby. Hindi sya si daddy okay?" sabi ng Mommy ni little girl.

"No! He's daddy!!" pagpipilit ni little girl.

"Ssshh. Trish behave." Then tumingin siya samin. "Naku pasensya na kayo talaga.
Every weekend lang
kasi sila nagkikita ng daddy nya. Then laging may pasalubong sa kanyang lollipop."

"Bakit naman po every weekend lang sila nagkikita? Busy po ba yung asawa nyo?"
Hindi ko na napigilan
magtanong. Nginitian niya ako. A sad smile though.

"Well, we're not really married. He has another family, so...." Nakakagulat naman
ito.

"Oh! S-sorry po. I shouldn't have asked. I didn't mean to-"

"No it's okay. Pinaniwala niya akong he's not married. And nung pinuntahan ko siya
para ibalitang
buntis ako, dun ko lang nalaman na he already has a family. Pero it's all in the
past now. We try to be
friends for the sake of Trish." Mahabang paliwanag ng mommy ni little girl.

"Naku, ang drama naman po pala ng buhay nyo." Natawa siya sa sinabi ko. Pero kahit
natawa siya alam
kong masakit iyon.

"Oo nga eh. I guess not everyone is lucky to find a good man." Tumingin naman siya
kay Jeff at ngumiti.
Tapos tumingin ulit siya sakin. "You two look good together. I know magtatagal ang
marriage nyo."
Nangiti naman ako. Sana nga!! "Sige na aalis na kami. Salamat ulit sa inyo."
Tinanguan lang siya ni Jeff. I
gave her a hug.

After that, binayaran na namin ang mga pinamili namin. Pagdating namin sa bahay
nagluto ako ng
mabilis then kumain na rin kami. Napansin ko lang na ang tahimik ni Jeff. Kanina pa
siya hindi
nagsasalita.

Sumitsit muna ako."Jeff. Bakit ang tahimik mo? Iniisip mo pa din ba yung kanina?"
Tuloy tuloy lang siya
sa pagkain. Hindi siya sumasagot. Hala galit ba 'to sakin? Ano bang ginawa ko?
"Namimiss mo na si Trish
noh? Ikaw ah, ayaw pa ipahalata." No comment pa rin siya. Subo lang siya ng subo
hindi ako
pinapansin. Hindi 'to pwede! "Ahh pagod ka na siguro noh? Sa bagay, kanina ka pa
kasi tumatakbo sa
isip ko eh." Napatigil siya sa pagkain at napatingin sakin. Yes! "Ang galing ko
noh? Yung mga pick-up
lines ko kasi parang kabilang classroom. Ibang klase!" pagmamalaki ko sa kanya.

"Ano bang sinasabi mo?" nakakunot noo niyang sabi sa akin pero nagpipigil siya ng
ngiti. Ang cute
talaga ni Jeff.

"Hindi ka kasi namamansin dyan eh. Ano ba kasing iniisip mo? Naaawa ka ba kay
Trish dahil dun sa
kinuwento ng mommy nya?" Naging seryoso naman ulit ang mukha niya. Mali na naman
ang nasabi
ko?

"Anong nakakaawa sa kanya? Maswerte sya dahil gusto sya makita ng tatay nya. Merong
mga anak na
araw-araw nila nakikita ang mga ama nila, pero wala naman 'tong pakialam sa
kanila." Natahimik naman
ako doon. Nakakatakot kasi si Jeff. Kahit hindi siya nakasigaw, parang ang lalim ng
sinabi niya. Ang mga
mata niya kasi nakatitig sa kawalan, parang may iniisip, may inaalala. Iba ang
pagkaseryoso niya ngayon.
Parang ang lungkot niya.

Tumayo ako. Hindi pwede. Hindi pwedeng ganito siya. Napatingin naman siya sakin.

"Laro tayo?" Kumunot na naman ang noo niya. Ayan okay yan, mas gusto ko ang ganyang
Jeff kaysa
doon sa nakatulalang malungkot. "Ang mananalo... pwede magkaroon ng isang
kahilingan!"
*******************************************
[7] THE GAME
*******************************************
CHAPTER 6

THE GAME

"Laro tayo?" Kumunot ang noo niya. Okay 'yan mas gusto ko ang ganyang Jeff kaysa
doon sa
nakatulalang malungkot. "Ang mananalo... pwede magkaroon ng isang kahilingan!"

"Ano na naman bang kalokohan 'to!" Umiing-iling si Jeff tapos kumain ulit.

"Uy sige na! Sayang yung isang wish kapag nanalo ka diba? Wala ka bang gustong
hilingin mula sakin?"
Sana pumayag siya.

"Wala." diretsong sabi ni Jeff. Bakit ba kasi nagtatanong pa ako? Pero hindi pwede.
Dapat makumbinsi
ko siya. May naisip na kasi akong hihilingin sa kanya.

"Meron yan! Alam mo Jeff madami akong kayang gawin! Kaya for sure kahit anong wish
mo kaya ko!"
Pumayag ka na.

"Ayoko." Tumayo na siya kasi tapos na siyang kumain. Hindi pa rin ako kumbinsido,
kailangan
mapapayag ko siya.

Sinundan ko si Jeff. "T-teka Jeff. Bakit ba ayaw mo?" Nilagay niya ang platong
pinagkainan niya sa
lababo. Then naghugas siya ng kamay. Hindi na naman siya sumasagot. "S-siguro,
natatakot ka noh?"
Bigla siyang napatigil. Yes!

Humarap na siya sakin. "Anong sinabi mo?"

"S-so totoo nga? Natatakot kang matalo kita?" Nakumbinsi ko na ba siya? Naglakad
siya papunta sa
akin. Napaatras naman ako. Lumalakad siya umaatras naman ako. Ano bang problema
niya? Maya
maya lang naramdaman kong nakasandal na ako sa pader kakaatras ko. Hala, anong
gagawin niya? Ang
lakas din ng tibok ng puso ko. Hinarang niya ang kamay niya sa magkabilang gilid
ko. Unti-unti niyang
nilalapit ang mukha niya sa mukha ko. Ito na ba ang moment na pinakahihintay ko.
Hahalikan niya ba
ako? Patay! Hindi pa ako nakapagtotoothbrush! Joke! Tatanggi pa ba ako? Pinikit ko
na ang mga mata
ko handa na akong lumapat ang labi niya sa akin.

Binilang ko sa isip ko ang mga segundong lumipas. Siguro mga limang Segundo wala pa
ring labing
lumalapat sa akin. Bakit hindi pa rin niya ako hinahalikan? Binuksan ko ang isa
kong mata. Sumilip silip
ako pero nakatingin lang si Jeff sa akin. Pinikit ko ulit ang mata ko at
nagbabakasakaling lumapat na ang
labi niya sa akin. Ready na ako. Medyo pinout ko na rin ang lips ko. Fight!
"Anong ginagawa mo?" aniya

Teka bakit ba niya tinatanong iyan? Ibig sabihin ba, wala siyang balak halikan ako?
Narinig ko pa si Jeff
na nagsnicker tapos parang nagpipigil ng tawa. Ano ba yan, nakakakahiya!! For sure
namumula ang
mukha ko ngayon. Hinding hindi ko bubuksan ang mga mata ko. Nakakahiya!

Narinig ko na lang ulit siya nagsalita."Fine. Sasali na ako sa pambatang laro mo.
But if I win, wag na wag
mo na akong kakausapin kapag hindi kailangan. Hindi mo na din ako papakialamanan
kahit kailan."

Iyon lang pala ang sasabihin, kailangan talaga super lapit sa mukha ko? Pero teka
anong sabi niya?
Binuksan ko na agad ang mga mata ko. Nakita kong nakalayo na siya sakin.

"Wait lang Jeff. Y-yun ba yung wish mo? Hindi pwede, hindi pwede yun!" Naku hindi
pwede iyon.
Bawal 'yun. Hala naman!

"Bakit, siguro natatakot ka noh?" nakangisi niyang sabi.

"H-huh? Yung wish mo kasi, hindi pwede yung ganyan-" Naku Jeff huwag naman iyon.

"So totoo nga? Natatakot kang matalo kita?" Grabe, binabalik niya sa akin ang mga
sinabi ko kanina.
Ngumiti pa siya ng pang-asar na ngiti niya. "I knew it." Tapos tumalikod na siya at
naglakad papunta sa
kwarto niya. No, hindi 'to pwede. Meron na akong naisip na ipapagawang wish sa
kanya.

"S-sandali lang!" tumigil si Jeff sa paglalakad at tumingin sa akin. Lumunok muna


ako bago nagsalita.
"Game on."

Inhale

Exhale

Humingi ako ng malalim. Nagsimula na kasi ang laro namin ni Tin. Nandito ako sa
likod ng kurtina sa 2nd
floor. Mula sa kinatatayuan ko nakikita ko ang pintuan ng kwarto ko, kwarto ni
Jeff, pati na rin ang
pintuan sa painting room ko. Bakit ako nasa likod ng kurtina? Tagu-taguan kasi ang
laro namin ni Jeff
tapos ngayon siya ang unang maghahanap. I know ang childish, buti na lang pumayag
si Jeff. Pero
masaya naman ang larong 'to. Kapag nahanap ako ni Jeff sa loob ng 10 minutes, may 1
point siya. Then
pag hindi niya ako nahanap, automatically mapupunta sa akin ang point. Mamaya siya
naman ang
magtatago then ako naman ang maghahanap. So syempre ang goal ko ay ang hindi niya
ako makita at
all cost, at ang mahanap ko siya mamaya pag nagtago na siya.

Nakikita ko nang umaakyat ng hagdanan si Jeff. Nahalughog na niya ba agad ang 1st
floor? Hindi naman
niya ako makikita diba? Kinakabahan ako. Binuksan ni Jeff ang pintuan sa kwarto
niya. Good, good. Dun
na lang siya maghanap. Mayamaya pa, lumabas na siya ulit sa kwarto. Papasok na siya
sana sa kwarto
ko, nang nilibot niya ang mata niya at napatingin dito banda sa may kurtina. Grabe
parang natigil ang
paghinga ko. Breathe Tin. Hindi ka niya nakikita, hindi talaga. Pero bakit parang
nakatitig siya dito sa
may kurtina? Nakatitig sakto sa akin. Tapos... nagpipigil ba siyang ngumiti? Pero
hindi naman niya ako
nakikita diba? Color black 'tong kurtina, sigurado akong naitatago ako nito. Mabuti
na lang binuksan
niya na ang pintuan ng kwarto ko. Pero hindi naman siya pumasok. Parang tiningnan
niya lang saglit,
tapos sinara na niya. Nagulat na lang ako ng bigla siyang nagsalita.

"Hmm. Asan kaya sya? Ang galing nya magtago." Tumatango-tango pa siya. Then
tumingin ulit siya dito
sa may kurtina kung saan mismo ako nagtatago. I swear, para talaga syang nagingiti.
Imagination ko
lang ba 'yun? Buti na lang inalis na niya ang tingin niya sakin tapos naglakad
papunta sa pintuan ng
painting room ko. Teka sa painting room ko?!

"Siguro naman pwede ako pumasok dito ngayon. Kung wala sya sa buong bahay, sigurado
nasa loob
sya nito." Sabi ni Jeff. Nagpaparinig ba siya sakin? Pero hindi naman niya alam
kung nasaan ako. Hindi
'to pwede. Nandoon lahat ng paintings ko kay Jeff. Hindi sya pwede pumasok doon.
Nakita ko ang
orasan, 3 minutes na lang bago matapos ang time niya. Go clock, bilisan mo please.
Anong gagawin ko?
Hinawakan na niya ang doorknob.

"Papasok na ako." Tapos tumingin ulit dito sa may kurtina si Jeff. Bakit ba siya
tingin ng tingin dito?
Hindi niya ako pwede makita. Kapag natalo ako, bawal ko na siya kausapin ever.
Hindi pwede iyon.
Pinihit na niya ang doorknob. Hindi rin siya pwedeng pumasok doon. Baka kapag
nakita nya ang mga
mukha niya sa paintings ko, baka magfreak-out siya at makipagdivorce na sya sakin
at lumayas dito sa
bahay.

"NO!" Sumigaw ako at tumakbo papunta kay Jeff. Humarang ako sa may pinto ng
painting room ko. "B-
bawal ka dito! Hindi pwede, bawal ka pumasok." Umiiling kong sabi.

Ngumiti siya bago magsalita. Ano 'yun? "Well, I guess hindi ko na kailangan
maghanap. Kusa ka ng
lumabas." Tapos tumingin ulit siya sa may kurtina. Teka, alam niya ba na doon ako
nagtatago kanina?

"P-pano mo nalaman na dun ako banda nagtatago? Black naman yung kurtina eh.
Nakatago kaya ng
maayos yung mukha ko."

Ngumiti ulit si Jeff. Aba in fairness, mas madalas na siya ngumiti ngayon ah. "Oo
nakatago nga 'yung
mukha mo. Pero yung paa mo hindi."
"Huh?" Napatingin naman ako bigla sa may kurtina. Hala! Oo nga hindi umaabot sa
floor yung kurtina.
Hanggang ankles ko lang iyon at siguradong makikita nga ang paa ko. Ano ba yan Tin
bakit hindi mo
napansin kanina!

Pag tingin ko kay Jeff nakangiti pa rin siya. "1 point for me."

Nakasandal ako sa main door. Nakapikit at nagbibilang. Sige lang Jeff, magtago ka
lang. Kahit sa dulo ka
pa ng mundo mahahanap kita. Joke!. Dito lang naman sa loob ng bahay ang napag-
usapan na pwede
taguan. Pero dapat mahanap ko siya. Hindi ako pwede matalo.

Tapos na ako magbilang. Humanda ka Jeff mananalo ako. Nagsimula na ako maghanap.
Wala sa likod ng
tv, sa ilalim ng sala, sa ilalim ng carpet, sa likod ng lampshade. Wala rin sa sa
ilalim ng dining table, sa
loob ng oven, sa loob ng ref o sa washing machine. Wala rin siya sa cr, binuksan ko
pa nga ang toilet
bowl. Pati dun sa home office niya tiningnan ko rin. Bago nga ako pumasok
nagpaparinig pa ako. Pero
mukhang okay lang naman sa kanya na pumasok ako, kasi di naman siya lumabas sa
pinagtataguan
niya. Wala pa din!

Umakyat na ako sa 2nd floor. Wala sa ilalim ng kama, sa loob ng cabinet, sa loob ng
laptop. Hindi kaya
pumasok sya sa drawing room ko? Pero sinabi ko namang bawal diba? Chineck ko pa rin
then wala pa
rin siya. Kahit sa kwarto ko wala. Nasaan ba siya? Meron ba siyang suot na
invisible cloak? Oh shoot, 3
minutes left. Ito na namang 3 minutes na 'to!!!

Bumaba na ako ulit. Naghanap muli. Hinahanap hanap ko siya pero wala talaga. Hindi
kaya nahigop na
siya sa loob ng tv? Imposible.

Tinignan ko ang orasan dalang minute na lang. Tumakbo ulit ako pataas. Naghanap
muli, double check
na ang ginagawa ko. Pati sa likod ng kurtina wala pa rin. Nasan na ba kasi sya?
Tinignan ko ulit ang
orasan OMG! 1 minute na lang. patay!

Tumakbo na ako ulit pababa. "Hindi pwede. Hindi ako pwede matalo. Hindi pwedeng
hindi ko kausapin
si Jeff. Hindi pwede." Hindi talaga, pumapadyak na ako. Nakakaiyak naman to.

Super check ako kung saan ba? Pero wala talaga hindi ko siya mahanap. Desperado na
ako. Kahit sa
mga magazines, sa loob ng vase at sa fruit basket hinahanap ko na siya. 30 seconds
left.

"Hindi pwede. Kapag hindi ko sya nakita, magkakaroon na sya ng 2 points. Hindi
pwedeng matupad ang
wish nya, hindi pwede." Tiningnan ko ulit ang relo ko. Super hanap lang talaga ako
kung saan saan.
Matatapos na ang time limit. 8 seconds left. Nasaan ka na ba? Tumingin ulit ako sa
orasan. Nagka-
countdown na siya. Ano ba 'yan? Sa bawat segundong nababawas ganoon rin ang pintig
ng puso ko. 7
seconds left. Ehhh? Bakit biglang namatay ang ilaw? Brownout! Nagbilang na ako sa
sarili ko. Mga anim
na segundo na lang siguro tapos limang segundo. Nasaan ka na kasi Bubu? Naglakad
kahit hindi ko
makita ang dinadaanan ko. Kahit ano na lang kinakapa ng kamay ko. "Jeff? Jeff asan
ka? Jeff?" 4
seconds left na lang tapos 3 seconds left. Oh no! Hindi pwede to. 2 seconds left
tapos biglan akong
nabunggo kapag minamalas ka ba naman. Biglang may nahawakan ang kamay ko. Pinisil
pisil ko pa ito.

"Tsk. Hanggang kailan mo ba pipisilin ang ilong ko?" Bose 'yun ni Jeff.

"Jeff?! Jeff?! Ikaw ba 'to?" Kinapa-kapa ko ang mukha niya. Si Jeff nga 'to! Kahit
madilim alam ko ang
features ng mukha niya.

"Can you stop touching my face?" naiirita niyang sabi.

"S-sorry. Pero ikaw nga si Jeff! Nakita kita! Nakita kita!" Technically hindi ko
siya makita, ang dilim. Pero
nakita ko siya before natapos ang time limit ko. Counted naman yun diba! saan ba
siya nagtago?
Nakatayo lang sya dito sa may sala? Kanina pa kaya ako naghahanap dito wala naman
siya. Tapos sakto
ko pa siyang nahanap bago matapos ang time limit ko.

"Nang dahil lang sa brownout kaya nahanap mo ako. Don't think too highly of
yourself." Seryosong sabi
niya.

"Okay lang okay lang! Buti nga nagbrownout eh. At least tie yung score natin. Hindi
matutupad yung
wish mo! Ok lang din kahit hindi ako nanalo. Hihilingin ko sana na wag mo na ako
sigawan. Pero mas
gusto ko namang sigawan mo na lang ako lagi basta nag-uusap tayo diba? Yes yes!"
Ang saya naman,
pantay lang ang points naming tapos makakausap ko pa siya.

"Tsk. Ang ingay." Sabi niya tapos tumalikod na. Naglakad na siya palayo.

"Teka Jeff san ka pupunta?"

"Matutulog na." aniya

"Hindi ba natin sisindihan yung kandila? Nasa kitchen drawer eh. Samahan mo ako
dun." Nakangiti
kong sabi. Hindi ko pa rin lubos na maisip to. Hindi ako maka-get over. Yes!
Makakausap ko siya.

"Tsk. Fine." Lumakad siyang papunta sa akin.

Narinig kong naglakad na si Jeff papuntang kusina. Susunod na sana ako nang
mapatingin ako sa
bintana. Bakit may ilaw ang mga kapitbahay? Sa amin lang ba brownout? Or naputulan
kami ng
kuryente? Imposible. Nagbabayad naman kami. Dumikit ako sa pader. Kinapa kapa ko.
Nasaan ba ang
switch ng ilaw? Nandito lang 'yun banda. Ayun nakita ko na! Nagulat at sumaya rin
at the same time
kasi may ilaw na kami.

Noong nagkaroon na ng ilaw biglang lumabas si Jeff galing sa kusina. Nagulat hata
siya.

"Jeff! Jeff! May ilaw talaga! Hindi brownout!" sabi ko habang tumatalon talon pa.

"Ahh." Bakit mukha siyang kinakabahan?

"Nagtataka nga rin ako eh. Akala ko brownout. Pero nung binuksan ko naman yung
ilaw, nabuksan
naman." Siguro may ginagawa ang meralco na kami lang ang naapektuhan.

"Hmm." Tumatango tango lang si Jeff.

"Pano kaya nangyari yun? Kanina tayo lang yung nawalan ng ilaw. Yung mga kapitbahay
kasi meron
naman. Hindi kaya may nagpatay ng ilaw natin? Pero sino namang gagawa nun? Dalawa
lang naman
tayo dito tapos-"

"T-tama na nga yan! Tsk. Ang ingay mo. Matutulog na nga ako!" Nagmamadaling umakyat
si Jeff. Ano
bang problema nun? Bakit nakasigaw na naman? Pero okay na rin iyon kasi kakausapin
niya ako.

Huwag ko na ngang isipin. Buti na lang talaga nawalan ng ilaw kanina. Nang dahil
dun hindi nanalo si Jeff
sa laro namin. Sakto lang talaga pero sino nga kaya ang nagpatay ng ilaw?

Pero napatalon ako nang biglang nag-ring ang doorbell. Gabi na, sino pang bibisita
sa amin ng ganito ka-
late?

*******************************************
[8] COMPANY PARTY
*******************************************
CHAPTER 7

COMPANY PARTY

"Mr. Lim. Ano pong ginagawa nyo dito?" Gabi na rin kasi siguro importante rin ito
kaya sinadyang
ipadala ngayon.

"Young Lady. May pinapabigay po sa inyo ang parents nyo." Si Mom talaga. Si Mr.
Lim ang pinaka
pinagkakatiwalaang empleyado ni Dad. Ang tagal niya na rin nagtatrabaho sa amin
kaya tinuturing na
namin siyang pamilya.

"Mr. Lim naman eh. Diba sabi ko po sa inyo, Tin na lang ang itawag nyo sa akin?
Pasok po muna kayo.
Naku pasensya na ho kayo, kahit gabi na pumunta pa ho kayo dito." Si Mr. Lim talaga
dati ko pa sinasabi
sa kanya na Tin na lang.

"Hindi na ho ako papasok Young Lady. Ibibigay ko lang ito at aalis na din po ako."
Nilabas nIya ang isang
invitation at ibinigay sa akin.

"Teka. Para saan po ang invitation na ito Mr. Lim?" Tinignan ko iyong invitation,
halatang may
pagkabusiness theme.

"May company party po ang parents nyo bukas ng gabi. Dadating po ang iba't-ibang
investors kasama
na ang iba pang businessmen." Sabi niya ng nakangiti.

"Pero Mr. Lim, sigurado po ba kayong para sa akin 'to? Alam naman po nila mom and
dad na wala
akong interes sa kumpanya. Hindi naman po nila ako sinasama dati." Dati ko pa
pinapaalahanan kay
Mom and Dad na hindi naman ako sa mga ganyang bagay, maggusto ko pa ang nasa shop o
kaya sa
bahay nagpapaint.

"Para sa inyo po iyan ni Mr. Jefferson Lee. Since nagpakasal na po kayo, siya na po
ang magiging future
presidente ng kumpanya. Kaya dapat lang po na ipakilala kayo sa mga tao."
Pagpapaliwanag niya.

"Ahh. G-ganun po ba. Sige po sasabihin ko na lang sa kanya bukas. Tulog na po kasi
sya ngayon.
Salamat po Mr. Lim"

"Sige po Young Lady mauuna na po ako." Sabi niya. Umalis na siya at sinara ko na
ang pinto. Ngayon ko
lang narealize na si Jeff na nga pala ang magmamanage ng kumpanya namin in the
future. Okay lang ba
sa kanya iyon? Ako kasi ayoko talaga ng mga business. Buti na lang mahal na mahal
ako nila mom at
hinayaan nila ako maging painter. Pero si Jeff napilitan lang siyang pakasalan ako.
Mapipilitan lang din
ba siyang pamahalaan ang kumpanya namin? Naguilty naman ako bigla.

Kinabukasan, pinakita ko kay Jeff ang invitation. Tumango lang siya then dadaanan
niya na lang daw
ako sa bahay tonight pagkagaling niya sa opisina. Hindi ko man lang madetect kung
pumayag ba siyang
pumunta dahil gusto niya talaga o dahil responsibilidad niya na 'to bilang future
presidente ng
kumpanya. Ang dami kong iniisip hindi ito kinakaya ng brain cells ko. Kaya naman
pagkaalis ni Jeff,
pumunta na ako agad sa shop.

"May nangyari ba sa langit kaya nahulog ang isang anghel dito sa lupa?" sabi iyon
ng isang lalaki. Parang
ang pamilyar ng boses. Pagkaharap ko nakita ko kung sino ito.

"KEVIN!" Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya. Hinalikan naman niya ako sa
pisngi. Kevin is
really one of my most favorite people in the world.
"Kelan ka pa bumalik? Akala ko next month ka pa!" nagulat naman ako sa pagdating
niya.

"Ganito talaga kapag gwapo, maparaan." Sabi niya at kumindat sa akin. Iba rin tong
si Kevin.

"Naks! Ikaw na talaga Kev!!" sabi ko habang tinuturo turo siya gamit ang daliri ko.

"Naman! Ako na talaga ang gwapo. Ikaw Tin kamusta? Parang paganda ka ng paganda
ah." Sinabi ko na
ba na he's one of my most favorite people in the world. Kahit sinong tao ang bad
mood or may
problemang iniisip, kapag nakausap ito si Kevin, mapapangiti agad. Parang ako
ngayon, nagblush pa
kunwari pero abot tenga naman ang ngiti.

"Hay nako Kevs. Wag mong masyadong bobolahin yan si Tin at madaling maniwala 'yan."
Napalingon
naman kami pareho ni Kev. Lumabas na kasi si Anj galing sa office namin sa shop.
Ang lola mo
nagmake-up at nag-ayos ng buhok. Hindi naman nakita si Kev sa loob ng anim na
buwan. Architect kasi
si Kev and may ginawa syang project sa states for 6 months.

"Why babe, gusto mo bang ikaw lang ang sinasabihan kong maganda?" aniya at ngumisi.

"No thanks. Kahit di mo sabihin I already know." Anj said and crossed her arms.

"Ohh getting feisty again huh. Yan ba ang epekto sa'yo kapag hindi mo nakikita ang
kagwapuhan ko?"
aniya ni Kevin at ngumiti ng pagkalaki-laki.

"Kapal mo talaga. Grabe ang kayabangan mo mas mataas pa sa building! Pasalamat


ka..." napahinto si
Anj.

"Mahal mo ako?" pagpapatuloy naman ni Kev.

"OO BAKIT MAY PROBLEMA?!" sigaw ni Anj at nag-blush. Ang cute naman talaga nila.

"Wala naman... Pasalamat ka lang din mahal kita" Kumindat pa ulit si Kevin.

"Hep hep! Tama na nga 'yan baka langgamin na yung shop eh." Kinikilig kong sabi sa
kanila.

Sumingit na ako kasi kapag walang umawat, maglalandian buong araw 'yang dalawang
'yan. Boyfriend
ni Anj si Kev and they are together for almost six years. Kaya nga tinatawag kong
master 'yan si Anj.
Kahit ilang beses na silang nag-away at nagbreak nitong ni Kev hindi pa rin sila
naghihiwalay.

"Sige na Tin, aalis muna kami nitong dyosang 'to. Dadalhin ko muna sya sa langit."
Nakangising sabi ni
Kev.

"HOY YABANG! ANONG SINASABI MO DYAN KAY TIN?! Mamaya kung anong isipin nyan." Then
humarap sa akin si Anj. "Tin ok lang ba ikaw muna dito sa shop? May pupuntahan lang
kami ng
mayabang na 'to."

"Oo naman noh. No problem! Sige na baka ma-late pa kayo sa date niyo." Nakangiting
sabi ko kay Anj.

"HINDI KAMI MAGDADATE NOH!" Todo react naman itong si Anj. If I know excited na
'yan deep inside.

Inakbayan naman siya bigla ni Kevin. "Alam mo babe, wag ka na masyado mag-deny
dyan. Masyado
kang obvious eh." Namula naman si Anj tapos tumingin naman sakin si Kev at
kinindatan ako. Nag-ok
sign naman ako sa kanya. Then maya maya pa nagbeso sa akin si Anj at niyakap naman
ako ni Kev then
umalis na sila. Sana maging ganyan din kami ni Jeff. Tumagal ng six years at higit
pa.

Pumasok na ako sa office namin. Ang shop kasi may receiving area, office namin ni
Anj, painting room,
then isang malaking room para sa mga exhibits. Pagdating ko sa table ko, napansin
kong may isang
puting papel na nakalagay. Isang note?

Be afraid. We're watching you.

Sino namang mag-iiwan ng ganitong note sa table ko? Para sa akin ba talaga 'to?
Wala namang
pangalan. Inikot ikot ko pa ang papel then inamoy amoy. 'Be afraid. We're watching
you.' Sino namang
gustong magsabi sakin nito. Baka prank lang 'to ni Anj. Psh, yung babaeng talaga na
iyon. Nilagay ko
muna iyong note sa drawer. Itatanong ko na lang kay Anj mamaya.

Bigla namang tumunog ang phone ko.

Mom calling...

"Hello Mom?"

"Hi Baby!! Did you receive the invitation? You and Jeff are coming right?"

"Ah opo. Pupunta na po kami dyan agad after nya lumabas sa office."

"That's good. So I'll expect you here around 7pm?"

"Yes Mom I think so. Pero Mom, required po ba talaga kami pumunta dyan? I mean, 17
pa po ako nang
huli akong umattend sa mga company parties ni Dad eh. Ang boring naman po kasi ng
mga pinag-
usapan ng mga bisita then puro sosyalan lang." Baka makalusot at pwedeng hindi na
pumunta.

"Baby, of course you need to be there. You're a married woman now and si Jeff na
ang susunod na
president ng company."

I let a sigh. "Yes mom I know."

"Don't worry baby. Pinadala ko na kay Mr. Lim ang susuotin mo tonight. Blue
cocktail dress! Isn't that
your favorite color? For sure Jefferson will be amazed when he sees you."Bigla
namang nabuhay ang
katawang lupa ko. Magugustuhan nga kaya ni Jeff ang isusuot ko mamaya? Dapat lang
bagay kaya sakin
ang blue. Then mag-aayos ako ng todo para kapag nakita niya ako, hindi na siya
makakatingin pa sa
ibang babae sa party. Lagot siya sakin, he can't look away from me tonight.

"Tin? Are you there? Hello?" Si Jeff lang talaga ang nagpapaspace ng mind ko.

"Ah yes mom. Sige po I'll see you tonight! Thank you po sa dress! Love you!" and
the line went dead.

Medyo na-excite naman ako for tonight. Dumating naman agad si Mr. Lim para ideliver
ang dress ko.
Ang galing talaga ni mom pumili, tube siya then magiging flowy sa dulo. 2 inches
above the knee kaya
lagot ka talaga Jeff.

May mga dumating na customers. Ang iba nagpareserve na sila before kaya kukunin na
lang nila iyong
paintings. Ang iba magpapagawa pa lang. Then 'yung iba nililibot ko sa exhibit
namin sa shop dahil may
mga buyers na unang kita pa lang nila binibili na nila agad. Nasa kalagitnaan ako
ng pag-eexplain ng
isang painting sa mag-asawang interesado nung naramdaman kong nagvibrate ang phone
ko.

Tinignan ko kung sino.

Jeff calling...

"Ah, please excuse me. I need to take this call." Ngumiti naman ang mag-asawa then
naglibot libot pa
sila ulit sa exhibit. Lumayo muna ako.

"Hi Jeff! Wow himala ikaw ang unang tumawag sakin ngayon. Ano bang-"

"DO YOU KNOW WHAT TIME IS IT?" Nilayo ko naman sa tenga ko ang phone. Bakit ba
naninigaw na
naman siya?

"Ahh, s-sorry. Ano bang problema? Bakit sumisigaw-"

"KANINA PA KITA TINATAWAGAN! KANINA PA DIN KITA HINIHINTAY DITO SA BAHAY DAHIL
AKALA KO
DITO KITA SUSUNDUIN!" Okay sorry. Sorry.

Pagtingin ko sa relo ko, 7pm na nakalimutan ko ang company party kapag talaga
tungkol sa paintings
ang pinag-uusapan, nawawalan ako ng sense of time. Kanina pa raw ako tinatawagan ni
Jeff pero hindi
ko man lang naramdaman ang phone ko na nagvivibrate. Hala naman Tin ano ka ba!

"S-sorry Jeff. Hindi ko kasi napansin yung oras eh. Please naman wag ka na magalit
oh."

Narinig ko siyang humihinga ng malalim yan ang ginagawa niya tuwing nagpipigil
siyang sigawan ako.
"Fine. Then dadaanan na lang kita dyan sa shop mo. Be ready or else.."

Hindi ito pwede. Hindi pa ako nakakapagbihis at nakakapagmake-up or kahit ano.


Magagalit iyon sa
akin panigurado. Then may customer pa rito, hindi ko naman sila pwede paalisin na
lang basta
basta."Ahh, ano kasi Jeff eh, uhm. Ano kasi..."

"WHAT?! DO YOU KNOW NA 7PM ANG START NG PARTY?! WE'RE ALREADY LATE AS IT IS!" galit
na
talaga siya sa akin.

"T-teka, ganito na lang. Mauna ka na lang sa party. Hahabol na lang ako later.
Tatawagan ko na lang sina
Mom na ma-lalate ako." Request ko na lang para ako na lang ang late.

"FINE. Wala na akong pakialam. Just don't expect me to make excuses for you kapag
tinanong nila
kung asan ka." Binaba na niya ang phone. Galit nga talaga iyon. Binalikan ko naman
agad ang mag-
asawang customers. Maya maya pa may napili na silang painting then binayaran na
nila. Ipapadala ko
na lang sa bahay nila bukas. Sinara ko na ang shop. Doon na rin ako nagbihis at
nagmake-up then
nagulat ako nang sunduin ako ni Mr. Lim. Tinawagan ko na kasi si Mom na ma-lalate
ako.

Nakarating ako sa party ng 8:30pm. May orchestra, chattering guests, cocktail


drinks, mga waiter na
lakad ng lakad to serve food. Plastic smile from everyone's faces, mga taong
pasipsip na walang iniisip
kung hindi ang mapalapit sa pamilya namin to gain more business. Well syempre hindi
ko naman
nilalahat. Iyan lang kasi ang sinasabi lagi ni Dad. Pero ako I'd like to believe na
most of them are here
with a pure smile and a kind heart.

Among this many people, isang mukha lang naman ang hinahanap ko. Iginala ko ang
mata ko at nakita
ko ang hinahanap hanap ng puso ko. Napapaligiran si Jeff ng mga tao in black suit.
For sure mga
businessmen din iyon at ang boboring ng mga pinag-uusapan nila. Pero si Jeff pa rin
ang pinakagwapo
sa kanila. Mukha naman kasi siyang model sa tuxedo niya ngayon. Take note, naka-
blue tie siya. Ito na
ba ang tinatawag na destiny? Tumawa siya sa isang sinabi ng mga tao sa paligid
niya. Pero hindi naman
ganyan ang totoong tawa niya parang pilit na tawa lamang.

"Why don't you go near him?" Biglang may nagsalita sa likod ko.

"Dad!" Niyakap ko siya at hinalikan sa cheeks.

"You're late." My Dad said.

"Sorry Dad. Ang dami kasing customer sa shop." Pagpapaliwanag ko habang nakangiti.

"Well I guess that's fine, since you look very pretty tonight." Ito talagang si Dad
super sweet.

"Eh kanino pa po ba kasi ako magmamana?" Ngumiti naman si Dad then inoffer niya
sakin ang kamay
niya.

"Let's go, ipapakilala kita sa ibang guests."

Pinakilala niya nga ako then nung nakita ko rin si Mom, niyakap ako at sinabihang
ang ganda ko daw.
Naman ang parents ko, masyadong nagsasabi ng katotohanan. Inikot-ikot ko ang
paningin ko. Nasaan
na ba si Jeff bakit hindi ko na siya makita. Naglakad lakad ako around the hall.
Where are you Jeff?

"So, you're Christine Villanueva?" Apat na lalake ang pinalibutan ako. Mga halos
ka-age ko lang sila.
Nginitian ko na lang sila.

"W-well yeah. And you are...?" I said.

"Pare hindi nya tayo kilala." Sabi ni guy na naka gray suit at ngumisi.

"Interesting. Konti na lang ang babaeng katulad nya." Sabi naman nung isang guy
nakablack suit tapos
red tie.

"What do we expect from the heiress of the Villanueva Corporations?" the guy naka
two button men
suit in black tie.

Nagtawanan sila then nakingiti na lang ako. Ano bang meron?

"It's really weird. Hindi mo kami kilala pero we know even the size of your shoes."
The guy in gray suit
said.

Napatingin naman ako bigla sa sapatos ko.

"Even the brand of your shampoo, alam namin." The guy na naka black suit in red
tie.

Napahawak naman ako bigla sa buhok ko. "Bakit... P-paano nyo nalaman?" sabi ko nang
nag-aalala.

"Well let's just say, our dads want to gain the favor of your family." The guy nan
aka two button men
suit in black tie.

"That's why we know a lot of things about you. Even the size of your..." guy in
black suit in red tie said.

Bigla syang tumingin sa may dibdib ko. Pero napatalon ang puso ko nang marinig ang
isang pamilyar na
boses. "I wouln't look that way if I were you."

"Jeff!" Napalingon naman ang mga lalake sa direksyon ni Jeff. Lumapit naman siya sa
akin at hinawakan
ako sa may bewang. OH MY GOSH. Nananaginip ba ako or what? Nilapit niya pa ako sa
gilid nya. Kikiligin
na sana ako ng tuluyan pero nang tiningnan ko siya, natakot ako sa mga mata niya.
Nakatitig lang kasi
siya sa mga lalake ng nakakatakot. Medyo naging uncomfortable naman ang mga lalake.

"Excuse us." Sabi ni Jeff ng nakakatakot tapos dumaan kami sa gitna nila at
naglakad na kami papalayo.
Hawak pa rin ni Jeff ang bewang ko. Ang tahimik naman niya.

"Jeff. Saan ba tayo pupunta? Kanina pa-"

"Kilala mo ba sila?" Sabi ni Jeff bigla. Tinanggal na niya ang hawak sa bewang ko
at humarap sa akin.
Kahit mahina ang boses niya nakakatakot pa rin.

"H-huh? Sino, yung mga lalake? Hindi ko nga sila kilala. Bigla na lang nila ako
nilapitan tapos-" hindi na
naman natapos ang sasabihin ko.

"Hindi mo sila kilala tapos kinakausap mo pa din sila?" Galit na ang boses niya
pero mahina pa rin. Siguro
kung wala kami sa party sinisigawan na niya ako ngayon.

"Pero, guests kasi sila nila Dad kaya-"

"Hindi ka ba talaga nag-iisip?! Binabastos ka na nga kanina, pero nakatayo ka lang


dun!"

Ako? Binabastos? Kaya ba galit na galit siya ngayon? Dahil akala niya binabastos
ako? Nag-aalala na
naman ba siya sakin?

"Iha! Jeff! There you are! Kanina pa namin kayo hinahanap!" biglang pagsulpot ni
Mommy.

"Mom."

"Don't tell me you're leaving, kakadating mo pa lang Tin. Jeff honey, why don't you
dance with Tin?
Other guests are already dancing." aniya

Tumingin ako sa gitna ng hall may mga guests na nagsasayaw in a lively music. For
sure hindi naman
sumasayaw si Jeff ng mga ganyan. Tiningnan ko si Jeff, nakapoker face pa rin.

"Ah mom. Hindi na po kami sasayaw. Ano po kasi eh, uhm.. ano-" Bigla namang
hinawakan ni Mom ang
mga braso namin ni Jeff at naglakad papunta sa gitna ng hall. Napilitan tuloy
kaming sumama sa kanya.

"Of course you two should dance." Mom suggested.

"Pero Mom wag na po. Hindi na po-"

"You'll dance, right Jeff?" suggest pa ulit ni Mom.

Tumingin naman siya kay Jeff at ngumiti. Si Jeff naman mukhang napilitang tumango.
Siguro dapat
matuwa na lang ako dahil makakasayaw ko si Jeff. Pero kasi alam kong galit siya.
"Oh. The song just got slow. Perfect." Sabi ni mom tapos akala ko bibitawan na niya
ang arms namin ni
Jeff pero pinag hawak kamay niya kami. Nagkatinginan naman kami bigla ni Jeff then
nag-iwas siya ng
tingin.

"Let's go." Sabi na lang niya hanggang nasa gitna na kami ng dance floor. Medyo
nagdim pa ang mga
lights. Ang ganda pakinggan nung orchestra. Maya maya pa nilagay na ni Jeff ang
mga kamay niya sa
bewang ko. Nilagay ko naman ang mga kamay ko sa balikat niya. Bigla naming
nangarera ang ang bawat
pintig ng puso ko.

Heart beats fast


Colors and promises
How to be brave
How can I love when I'm afraid
To fall

Nag-umpisa na rin ang kanta. "J-Jeff. Galit ka pa ba?" Hindi kasi siya nakatingin
sa akin. Naiinis na ba siya
sakin? Hindi siya sumasagot.

But watching you stand alone


All of my doubt
Suddenly goes away somehow

"Sorry." Bulong ko. Napatungo ako. "For making you dance, for making you angry, for
being late. For
everything. Siguro if hindi mo ako pinakasalan, hindi mo kailangan umattend ng
party na 'to."
Pagkatingala ko nakatingin na rin pala siya sakin. Nagkatinginan tuloy kami.

One step closer

I have died everyday


waiting for you
Darling don't be afraid
I have loved you for a
Thousand years
I'll love you for a
Thousand more

"Hindi naman ako galit sa'yo eh." Pabulong na sabi ni Jeff.

"Eh-hh?" Hindi ako makapaniwala kasi parang lagi siyang galit dahil nakasigaw siya.

Imagination ko lang ba 'to o parang hinigpitan ni Jeff ang yakap niya sakin?
Nakapulupot na kasi ang
kamay niya sa bewang ko tapos ang kamay ko naman naka-ikot na sa leeg niya. Hindi
na ako
humihinga. Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko.
Time stands still
beauty in all she is
I will be brave
I will not let anything
Take away
What's standing in front of me
Every breath,
Every hour has come to this

"Tsk. Bakit ka ba nila tinitingnan?" aniya

"Hmm?" tumingin ako sa paligid ko. May mga nakatingin nga sa amin ni Jeff. Bakit
nga ba nila kami
tinitingnan?

"Dapat kasi hindi 'yan ang sinuot mo eh." Sabi ni Jeff habang tinitingnan ang mga
tao sa paligid.

"B-bakit? Hindi ba bagay sa akin?" pagtataka ko.

Tiningnan naman ako ni Jeff sa mata."Tsk. Masyadong maganda." Naramdaman ko na


lang ang pag-init
ng pisngi ko. Siguro pulang pula na ang mukha ko.

One step closer

I have died everyday


Waiting for you
Darlin' don't be afraid
I have loved you for a
Thousand years
I'll love you for a
Thousand more

And all along I believed


I would find you
Time has brought
Your heart to me
I have loved you for a
Thousand years
I'll love you for a
Thousand more

One step closer


One step closer

I have died everyday


Waiting for you
Darlin' don't be afraid,
I have loved you for a
Thousand years
I'll love you for a
Thousand more

And all along I believed


I would find you
Time has brought
Your heart to me
I have loved you for a
Thousand years
I'll love you for a
Thousand more

Natapos na ang kanta pero hindi pa rin kami bumibitaw ni Jeff. Para kasing nastuck
na ako.
Nagtitinginan lang kami sa isa't-isa. Parang may magic and fireworks and
everything. Naputol lang ang
moment nang biglang may nagsalita.

"Jefferson. Andito ka pala."

*******************************************
[9] SUCH A CRYBABY
*******************************************
CHAPTER 8

SUCH A CRYBABY

"Jefferson. Andito ka pala."

"T-tito Fernan." Sabi ko. Alam ko naman na maaring nandito siya dahil kasosyo
naming sila sa business.

"Ah Christine. Nice to see you again." Sabi ni Tito Fernan with his business smile.
Si Jeff naman
nakatayo lang at masama na naman ang tingin sa papa niya.

"Jefferson follow me. I have something to tell you." Nagsimula nang tumalikod si
Tito Fernan,
ineexpect na susundan siya ni Jeff.

"I have nothing to say to you." Napatingin naman ako bigla kay Jeff. Grabe ganito
ba talaga sila mag-
usap? Humarap ulit sa kanya si Tito Fernan at ngumiti nang nakakatakot niyang
ngiti.

"Tumatanggi ka na ngayon Jefferson? Then... shall I talk to Christine instead? Have


a little chat about
you?" sabi niya sa akin at tumitig

Napansin ko naman na nagform ng kamao ang mga kamay ni Jeff sa gilid. Kinakabahan
naman ako bigla
kaya hinawakan ko ang kamay niya. Napatingin naman siya sa akin. "S-sige na Jeff.
Mag-usap na kayo.
Pupunta na lang muna ako kina Mom. Hintayin na lang kita." Nakangiti kong sabi.

Nagsimula na ulit lumakad si Tito Fernan palayo then sumunod na rin si Jeff. Ano
kayang pag-uusapan
nila? Noong nakalabas na sila ng hall, pumunta naman ako kina Mom. Nagkipag-
kwentuhan, nakipag-
ngitian sa ibang guests, at tumawa sa mga jokes ni Dad. Pero every now and then,
nililibot ko ang mga
mata ko, hinahanap kung nakabalik na si Jeff. Ang tagal naman niya.

"Si Jefferson Lee?" Napatingin naman ako sa likod ko noong narinig ko ang pangalan
ni Jeff. May
tatlong babae ang nagkukumpulan, pinag-uusapan hata si Jeff.

"Yeah. The lawyer who topped the bar exams! You don't know him? My gosh!" sabi ng
isang babaeng
naka red dress na super fit sa kanya.

"I know right! Saang planeta ka ba galing? He's very famous kasi hindi lang sya
matalino but also super
hot." Sabi naman iyon nung babaeng naka green tapos above the knee iyong dress niya
at fit din
katulad noong babaeng unang nagsalita.

"Wait. Siya ba yung andito kanina? The one with the blue tie? God, he's really
hot!" nagtatalong sabi
nung isang babae naka black dress.

"Exactly!!! He's quite snobbish though. Pero isa din yan sa charming qualities nya.
It makes me want to
go after him!" nakangising sabi nung babaeng naka green dress habang pinapalakpak
pa niya ang
kamay niya.

Aba! Aba!. Itong mga girlalu na ito, pinagnanasaan ang Jeff ko! Excuse me excuse
me, asawa ko na
kaya sya! Nagkumpulan pa sila tapos ay nagkuwentuhan ulit tungkol kay Jeff.

"But I've heard he's married? To the heiress of the Villanueva Corporations?" sabi
ni girl naka red dress
at pinalo pa si girl nan aka black dress.

Ayan tama yan. Kasal na sya, so hands off! I mean, thoughts off!

Umiwas naman siya sa palo nito at nagsalita. "So what? For sure it's an arranged
marriage. And hindi ba
mas masaya 'yun? Forbidden love." Aba't sinusubukan ako nitong babaeng naka black.

"Gosh girl! That's an awesome idea. Kahit mailap sya sa girls, siguradong he will
fall head over heels sa
kagandahan ko." Nikikilig naming sabi nung babaeng naka red at hahampasin na naman
si girl na naka
black dress.

"What? Baka sa akin. Ako kaya ang pinakasexy.." singit naman ni girl na naka green
dress.

Puro payabangan na lang ang narinig ko. Grabe naman sila alam naman nilang kasal na
si Jeff makaasta
sila. Na saan na ba kasi si Jeff? Hinanap ko siya ng maiigi. Dapat makita ng mga
froglets na 'to na kasal na
kami noh. Kung anu-ano pa sinasabi nila. Lumabas ako ng hall then hinanap sila.
Lakad ako ng lakad
hanggang may narinig akong nagsisigawan sa may garden. Nagtago ako sa likod ng mga
halaman at
sumilip ako.Nakita kong si Jeff iyon at si Tito Fernan.

"AYOKO! HINDI KO HAHAWAKAN ANG KASO!" nakasigaw na sabi ni Jeff at inialis ang
hawak ng papa
niya sa kanya.
"TANGA KA BA TALAGA?! HINDI MO BA NAKIKITA NA MALAKI ANG KIKITAIN MO SA MGA
SANTOS?"
Bigla naming hinawakan ni Tito Fernan ang pulsuhan ni Jeff.

"WALA AKONG PAKIALAM KUNG GANON PA SILA KAYAMAN!" sabi iyon ni Jeff at inalis muli
ang hawak
ni Tito Fernan.

"THEY ARE ON THE WINNING SIDE! KAPAG NIREPRESENT MO SILA, YOUR MONEY AND FAME WILL
GROW. WHAT IS WRONG WITH YOU?!" aniya ni Tito Fernan.

"IF THEY ARE SO CONFIDENT NA MANANALO SILA, BAKIT KAILANGAN PA NILA AKO?!" Lumayo
na si
Jeff sa kanya after niyang sabihin iyon.

Pero bigla namang hinawakan ni Tito Fernan sa kwelyo si Jeff. Kinabahan naman ako.
Naging pabulong
na lang ang pag-uusap nila kaya nilapit ko ang tenga ko para mas marinig ko at
sumilip para Makita iyon.
Mas nakakatakot pa ang usapan nila ngayon kaysa noong nagsisigawan sila.

"Just take the case before you regret it." Tito Fernan said.

"No. You know as well as I do that the Santoses are guilty as hell." May meaning na
sabi ni Jeff. At inalis
ang hawak ng kamay ng ama sa kuwelyo.

Pero kinuha naman ulit ni Tito Fernan iyon at hinawakan ng mahigpit ang kuwelyo ni
Jeff. "Sinusuway
mo na ako ngayon Jefferson? Bakit, akala mo makapangyarihan ka na dahil pinakasalan
mo ang anak ng
mga Villanueva? Nagkakamali ka." Natatawa pa si Tito Fernan habang nagsasalita.

Teka. Ako ba ang tinutukoy dun? Yung anak ng mga Villanueva na pinakasalan ni Jeff?
So para lang
talaga sa power ng pamilya namin kaya niya ako pinakasalan? Nalungkot naman ako
doon. Alam ko
namang hindi ako gusto ni Jeff kahit pinakasalan niya ako. Hindi naman ako galit sa
kanya. Pero ang
marinig yun mula sa ama niya, parang ipinamukha talaga sa akin ang buong
katotohanan. Bakit pa kasi
ako nakikinig sa usapan nila. Aalis na sana ako nang narinig kong tinanggal ni Jeff
ang kamay ng papa
niya sa kwelyo niya.

"Simula ngayon, gagawa na ako ng sariling desisyon ko. Hindi mo na ako hawak dahil
buhay ko 'to.
Siguro dapat matuto ka na ding manindigan. Hindi yung sunud-sunuran ka lang sa
kahit anong ipagawa
sa'yo ng mga Santoses." Sabi iyon ni Jeff habang tinitignan ng mabuti ang ama.

Hindi ko inaasahan, halos hindi ko nakita. Halos isang kisapmata lang nang nakatayo
si Jeff pero biglang
nakaupo na siya sa damuhan ngayon. Bigla na lang kasi syang sinuntok ni Tito Fernan
sa mukha.
Napasigaw siguro ako kung hindi ko nailagay ang mga kamay ko sa bibig ko. Pero
feeling ko any
moment now sisigaw na ako. Bakit niya ba sinuntok si Jeff? Anong nangyayari? Nakita
kong tumayo na
ulit si Jeff. Pinunasan nya yung dugo sa may labi niya. Nagulat ako nang nakita ko
syang nagsmirk.

"Sasaktan mo na naman ako? Sa bagay, 'yan lang naman ang alam mong gawin diba? Lalo
na kapag
nagsasabi ako ng totoo?" nakangising sabi ni Jeff.

Sinuntok na naman siya ulit ni Tito Fernan. Napaupo na naman si Jeff sa sahig.
Bakit ba hindi siya
umiilag? Bakit ba hindi siya gumaganti? Hinawakan ulit siya ni Tito Fernan sa
kwelyo at pinipilit siyang
tumayo. Iyon na ang huli kong nakita dahil kusa ng umaatras ang mga paa ko hanggang
sa tumakbo na
ako pabalik sa hall. Kailangan kong tulungan si Jeff. Kailangan kong makahanap ng
tulong. Tumakbo ako
ng tumakbo. Kailangan kong makita si Dad. Siya lang ang makakapigil kay Tito
Fernan. Nakarating na ako
sa main hall pero mga nag-aayos na waiter na lang ang nadatnan ko. Teka, tapos na
ang party? Hindi
pwede, na saan si Dad, na saan sila? Hindi ko pa dala ang phone ko. Naiwan ko kasi
sa shop dahil
nagmamadali na nga ako kanina.

Nilapitan ko ang isang waiter na nag-aayos ng lamesa."E-excuse me. Alam nyo po ba


kung asan si Mr.
and Mrs. Villanueva? Saan po sila pumunta?"

"Ah ma'am, hindi ho ako sigurado eh. Pero baka po nasa tapat ng hall, hinihintay
yung sasakyan nila
pauwi. Alam ko po dun din naghihintay yung ibang guests." Sabi iyon ng waiter
habang inaayos ang
mesa.

"Sige po thank you po." Tumakbo naman ako papunta sa entrance ng hall. Sana hindi
pa sila nakaka-
alis. Please Lord, please. Pag dating ko halos ubos na ang mga bisita. Naka-alis na
halos lahat. Nilibot ko
ang mga mata ko. Na saan ba sila? Pasakay na sina Mom and Dad sa kotse. Tumakbo ako
papalapit sa
kanila. "Dad! Mom! Dad! Wait!"

Napatigil naman sila sa pagpasok at napatingin sa direksyon ko. "Tin?! Akala namin
umalis ka na with
Jeff? Bakit nandito ka pa?" pagtataka ni Dad.

"D-dad... S-si Jeff.." Hindi ko napansin. Hingal na hingal na hingal na pala ako.
Hinabol ko muna ang
hininga ko. Hinawakan naman ako ni Mom sa shoulders. "Tin baby are you okay? Bakit
pagod na pagod
ka? Ano bang nangyari?" pag-aalala ni Mommy.

"Mom, dad.. uh. k-kailangan po natin magmadali.. si Jeff, si Jeff.." I said while
panting.

"Tin ano bang nangyari? Asan ba si Jeff, hindi ka namin maintindihan. Mabuti pa
sumabay ka na sa
amin. Ihahatid ka na namin pauwi." My Dad suggested.
"No Dad! Hindi po pwede.. uh..S-si Jeff po kasama si tito Fernan... s-si tito
Fernan po.." Hinihingal pa rin
ako habang nagsasalita.

"What about me, iha?" Halos tumigil naman ang puso ko dahil sa nagsalita sa likod
ko. Napatingin sina
Mom kay Tito Fernan habang dahan-dahan naman akong umikot hanggang sa makita ko na
siya.
Parang tumayo lahat ng balahibo ko nang nakita ko siyang nakangiti sa akin.

"Anong sinasabi mo Christine? Tungkol sa akin?" sabi niya iyon at nakangisi niyang
sabi.

"Uh-h.. uhm.." Halos hindi ako makasalita. Kung dati konting takot lang ang
nararamdaman ko sa
kanya, ngayon full-blown na.

"Yan nga rin ang tinatanong namin kay Tin. Pero kanina pa namin sya hindi
maintindihan." Mom said.

"Parang may gusto siyang sabihin tungkol sa'yo kumpadre at kay Jeff. Ano bang
nangyayari Fernan?"
Dad said.

Tumawa si tito Fernan ng malakas. Para naming natakot ako sa tawa niyang iyon. "Si
Jeff ba? Ang
batang 'yon kumpadre, nauna nang umalis mag-isa. Nakita siguro ni Christine habang
pinagsasabihan
ko siya kanina." Tumingin naman ng makahulugan sa akin si Tito Fernan. "Nagalit ako
dahil dapat ay
sabay silang umalis ng kanyang asawa."

"Haist. Ano bang problema ng anak mo kumpadre?! Siguraduhin lang nyang trinatrato
nya ng mabuti
ang anak ko." Ma-authority sabi ni Daddy kay Tito Fernan.

"Hayaan mo kumpadre at pagsasabihan ko pa sya hanggang sa matuto sya." Tito Fernan


said while
looking at me. Iba na talaga ang nararamdaman ko.

Napalunok naman ako sa sinabi niya. Nakatingin pa rin kasi siya sa akin.

"Hon, tara na? Mukha kasing may sakit si Tin." Sabi ni Mom kay Dad then tumingin
ulit siya sakin. "Are
you okay baby? You look really pale."

Ano bang nangyari sa dila ko? Bakit hindi nagsasalita?!

"Sige na kumpadre. Umalis na kayo." Sabi ni tito Fernan then kinausap nya ako.
"Magpagaling ka Tin.
Mag-usap na lang tayo ulit sa ibang-araw." Bumilis naman ang tibok ng puso ko sa
sinabi ni Tito Fernan.
Lalo tumindi ang takot ko sa kanya.

"Sige kumpadre. Mauuna na kami." Dad said. Pinapasok na nila akong kotse.

Ewan ko kung paano ako nakapasok sa sasakyan. Siguro halos binuhat at tinulak na
ako ni Mom. Bakit
ba kasi hindi ako makagalaw at makapagsalita.
Nandito na ako sa bahay. Hindi pa rin ako makapagsalita nung nasa kotse ako pero
parang natauhan
ako nang narinig kong iuuwi na lang daw ako nila Mom sa bahay namin dati. Hindi
pwede yun.
Kailangan ko makita si Jeff. Speaking of Jeff, wala pa rin siya ngayon dito sa
bahay. Kanina pa ako
nandito sa sala at hinihintay siya. Kunwari nga nanunuod ako ng tv pero wala naman
talaga akong
maintindihan. Parang paulit-ulit sa utak ko ang nangyari kanina. Niyakap ko na lang
yung legs ko tapos
sinandal ang ulo ko sa tuhod ko. Hihintayin ko siya kahit anong mangyari.

Nakaidlip ako though. Halos alas dose na hata nang narinig kong bumukas ang pinto.
Natigilan si Jeff
nang makita niyang nasa sala pa ako. Ako naman kinukurap ko pa ang mga mata ko at
inaadjust mula sa
pagkapikit.

"Tsk. Bakit ba dyan ka natulog?" Tiningnan ko ang mukha niya. Tumalikod naman siya
kaya hindi ko
nakita.

"J-jeff. Ayos ka lang ba? Hinihintay kita kasi, uhm..." i stopped in the mid-
sentence kasi bigla na siyang
naglakad.

Naglakad na siya paakyat sa kwarto niya. Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa
hindi ko na siya
matanaw. Hindi ko alam pero hindi na ako makagalaw nun.

"Wait lang! Jeff!" pagpipigil ko.

Tumakbo na rin ako papuntang hagdan. Pero naalala kong may sugat si jeff kaya
kinuha ko muna ang
first aid kit. Pagkatapos noon ay tumakbo na ako papuntang kwarto niya.

Kumatok ako. "Jeff?.." Kumatok muli ako. "...Jeff??" Katok lang ako ng katok pero
parang walang
naririnig si Jeff. O kaya hindi niya lang ako pinapansin. Pinihit ko na lang ang
doorknob, hindi naman siya
naka-lock

Pagkabukas ko ng kwarto niya ang dilim. "Jeff?"

NIlibot ko ang mga mata ko wala siya. Pero dito naman siya pumasok sa kwarto niya
di ba? Pumasok na
ako na ako sa loob. Tiningnan ko ang CR niya, wala rin siya doon. Binuksan ko ang
cabinet niya, hindi
naman siya nagtatago. Na saan ba siya? Hindi kaya nasa ibang kwarto siya? Lalabas
na sana ako nang
may narinig akong parang may umubo. Dahan dahan akong lumakad papunta sa kabilang
side ng kama
nya. Nakita ko siya doon, nakaupo sa floor at nakasandal sa kama. Nakapikit ang mga
mata niya at
grabe mukha niya ang daming pasa. Umupo ako sa tabi inya. Akala ko tulog na siya
kaya nagulat ako
nang bigla siyang nagsalita. "Umalis ka na."
"Jeff.. uhm, m-may dala akong first aid kit." Sabi ko at tinitigan siya. Kawawa
naman si Jeff.

Bumukas ang mga mata nya. Tapos tumingin sa akin. "Sabi ko, umalis ka na."

"Pero Jeff, yung sugat mo.." Hahawakan ko na sana ang mukha niya nang tinabig niya
ang kamay ko.

"WAG MO AKONG HAWAKAN! UMALIS KA NA SABI!" sigaw niya at tila namang tumalon ang
puso ko at
natakot sa kanya. Pero hindi ako nagpadala doon.

"Pero Jeff hindi pwede, yung sugat mo kailangan gamutin yan, kailangan-"napatigil
ako dahil sumigaw
na naman siya.

"WAG MO NA AKONG PAKIALAMAN! UMALIS KA NA! IWAN MO NA AKO! KAYA KO NA ANG SARILI
KO!" sigaw niya ulit.

Ganito ba siya kapag sinasaktan siya ni tito Fernan? Lagi ba siyang mag-isa at
hindi tumatanggap ng
tulong ng iba? Ito ba ang dahilan kaya ang lungkot niya lagi? Hindi ko namalayan,
tumutulo na pala ang
luha ko.

"Hindi. Hindi ako aalis. Hindi kita iiwan. Dito lang ako." Ayokong umiyak
pinipigilan ko umiyak. Pero
tuloy tuloy lang ang pagbagsak ng mga luha ko. Kapag naiisip ko kasi ang ginawa ni
tito Fernan kay Jeff,
tapos ang lungkot na nararamdaman ni Jeff ngayon, hindi ko talaga mapigilan. Si
Jeff naman mukhang
natigilan at iniwas ang tingin sa akin. Ang tagal din na tumahimik kami, walang
nagsasalita. Ang paghikbi
ko lang ang tanging maingay.

"Wag ka na umiyak. Hindi naman ako galit sa'yo." Sabi ni Jeff habang naka-iwas pa
rin ang tingin sa akin.
Ako naman, parang mas lalong naiyak. Dahil sa paglakas ng iyak ko napatingin na sa
akin si Jeff.

"Tama na nga 'yan! Wag ka na nga umiyak." Sabi ni Jeff na parang natataranta na.
Obviously, hindi siya
sanay magdeal ng pag-iyak ng mga babae. Pinunasan ko na ang luha ng mga mata ko.
Pero sumisinghot
singhot pa rin ako.

Hindi talaga mapigil ang mga luha ko. "I-ikaw kasi eh...Ayaw mo pa ipagamot sa akin
yung sugat mo."

"Fine. Gamutin mo na basta wag ka na umiyak. Napaka-iyakin." Nakaiwas pa rin siya


sa akin.

Natuwa naman ako at sinikap na tigilan ang pag-iyak. Pero nang dinampi ko na ang
bulak sa sugat ni
Jeff, naramdaman ko na nanigas siya at pinipigilan niya lang ipakita na masakit
'yun. Parang gusto ko na
ulit umiyak. "Hoy. Iyakin. Subukan mo lang ulit umiyak. Papalabasin na kita dito sa
kwarto ko."
Lumunok na lang ako at kinagat ang ilalim ng labi ko. Pinipigilan ko na umiyak.
Dahan dahan ko namang
ginagamot ang sugat ni Jeff para mabawasan ang sakit. Patapos na ako nang
naramdaman kong
nakatingin lang sa akin si Jeff habang ginagamot ko ang mga sugat niya. Ano kayang
iniisip niya? Naiinis
na naman ba siya sa akin dahil napakapakialamera ko?

Nang matapos ako, sumandal din ako sa gilid ng kama niya. Nararamdaman kong
nakatingin pa rin siya
sa akin. "Sorry Jeff. Alam kong hindi naman ako dapat makialam. Pero kasi... alam
kong masakit yung
sugat mo eh." Ano ba yan naiiyak na naman ako. Kinagat ko na lang ang bottom lip
ko. Tin wag kang
iiyak, wag kang iiyak.

"Iyakin." Narinig kong sabi ni Jeff. Tapos sinandal na niya ang ulo niya sa kama at
pinikit ang mga mata.
Hindi naman niya ako pinapaalis di ba? Siguro hindi naman siya galit sakin. Ginaya
ko na lang din ang
ginawa niya at pinikit ang mga mata ko. Hindi ko namalayan na napipikit ako.Pero
parang sa kaibuturan
ng utak ko, sa lugar kung saan naghahalo ang realidad at panaginip, parang narinig
kong nagsalita si Jeff
bago ako tuluyang nakatulog.

"Salamat Tin." At parang naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko.

Sana'y hindi to panaginip.

*******************************************
[10] DAY-OFF
*******************************************
CHAPTER 9

DAY-OFF

Kinabukasan, nagising akong nakahilata sa sarili kong kama. Di ba nakatulog ako sa


kwarto ni Jeff?
Binuhat niya ba ako papunta dito? Pagtingin ko sa orasan 8am na. 8AM NA?! Dali dali
akong tumayo sa
kama ko. Hindi ko pa napagluluto si Jeff ng almusal. Palabas na ako ng kwarto nang
narealize ko na
siguro nakaalis na si Jeff. Nasa opisina na siya siguro ngayon, at nakakain na siya
ng breakfast. Nice one
Tin, nice one, paano maiimpress si Jeff niyan.

Bumalik na lang ako sa kwarto at naligo. Pagkatapos ay tinawagan ko si Anj na siya


muna ang bahala sa
shop ngayon since nakipag-date naman siya last time. Besides, naririnig ko pa ngang
nagsasalita si Kev
sa background, kaya for sure ayaw din naman niya akong nandun. Balak ko magpaint
ngayon sa bahay.
Pero nagugutom na ako kaya nagpagpasyahan kong bumaba para magluto ng makakain.

Muntik n akong mahulog sa hagdan nang may biglang nagsalita."Tsk. Ang tagal
bumaba."

"JEFF?! Anong ginagawa mo dito? Diba dapat nasa office ka na?" Si Jeff ba talaga
to?

Tiningnan ko ang orasan, 8:40 na pero bakit naka-upo lang siya sa sofa at nagbabasa
ng dyaryo?
"Sunday ngayon."

"Ehh-h?" I can't even say a word.

"Tsk. Day-off ko ngayon." Hala! Galit na naman siya.

May day-off pala siya? Dati naman kapag Sunday nasa office pa rin siya. "Haist.
Magluto ka na nga lang.
Gutom na ako." Sabi ni Jeff habang naka-focus pa rin sa pagbabasa ng dyaryo.

"Teka, hindi ka pa kumakain? Sige sandali lang." Pumunta na akong kitchen at


nagluto ng late
breakfast. Ang weird talaga, hindi sya papasok sa office? Magugunaw na ba ang
mundo? Dahil ba 'to sa
nangyari kagabi? Naks, may nangyari Tin? Teka lang, hindi kaya dahil may pasa siya
sa mukha kaya ayaw
niyang pumasok? Kamusta na kaya ang sugat niya? Dali dali ko naman nilagay sa
lamesa ang mga
pagkain tapos lumapit ako kay Jeff. Umupo ako sa tabi niya kaya napatingin siya sa
akin at binaba ang
dyaryong binabasa niya.

Nilapit ko ang mukha ko para makita lalo ang sugat niya."T-teka. Ano sa tingin mong
ginagawa mo?"
pagtataka ni Jeff. Okay na ang mukha niya. May konting galos pero magaling na.
Hindi na masyado
halata ang mga suntok sa kanya kaya pwede na siyang pumasok.

"Hoy. Bakit mo ako tinitingnan? Ano bang prob-" napatigil siya ulit sa pagsasalita
kasi hinawakan ko ulit
ang mukha niya. Hinimas himas ko ang isa niyang pisngi. Kagabi ang laki ng pasa
niya dito, ngayon halos
wala na.

Napangiti naman ako."Wow ok na. Magaling na!"

Napansin ko na lang na nakatingin lang sakin si Jeff. Bigla kong tinanggal ang
kamay ko sa cheek
niya."Uh s-sorry. Chineck ko lang yung sugat mo. Uhm, hehe?"

Nakatingin pa rin siya sa akin. Hala! ayaw niya pa namang hinahawakan ko siya. Ito
naman kasing kamay
ko, pabigla-bigla. Sorry na.

Tumayo na lang ako. "G-gusto mo na ba kumain? Tara na?" tanong ko sa kanya.

Naglakad na ako papunta sa table. Sumunod na rin sya. Kumain na kami. Magkaharap
kami kaya di ko
maiwasang tumingin sa kanya. Minsan nahuhuli ko rin siyang nakatingin sa akin, kaya
nagkakatinginan
kami then sabay pa kaming mag-iiwas ng tingin. Ang gulo lang namin.

Tapos na kaming kumain at nilalagay ko na ang mga pinggan sa lababo nang tumunog
ang phone ni Jeff.
"What now Bessie?"
Nagsisimula na akong maghugas ng pinggan. Pero naririnig ko ang boses ni Jeff kahit
nandito ako sa
kitchen."Look, it's my day-off Bessie. I don't need to.... uh huh... Well, send
other guys! Asan ba sina
Paul?... Ha? Tsk.... WHAT?! Haist!... Fine. Oo na pupuntahan ko na.... Ok sige.
Fine..Bye."

Narinig kong umakyat si Jeff sa hagdan, magbibihis siguro. Ano kayang nangyari?
Pagkatapos ko
maghugas, pinuntahan ko agad si Jeff. Naabutan ko siyang palabas galing ng kwarto
niya.

"Uhm, Jeff. Aalis ka ba?" tanong ko sa kanya habang pinupunasan ko ang kamay ko
gamit ang twalyang
hawak ko.

"May kailangan akong puntahan na kliente." Sabi niya habang inaayos ang damit niya.

Tiningnan ko ang suot niya. Naka-pants and t-shirt lang siya. Hindi naman siya
mukhang pupunta ng
meeting. "Pero, akala ko day-off mo?" Nagtataka naman ako akala ko pa naman
masosolo ko na siya
ngayon.

"Akala ko din. Tsk." Sabi niya at kinamot naman ang batok.

"Ganun ba. Sayang naman." Sayang talaga akala ko talaga magkakaroon na kami ng
moment naming
dalawa.Napatungo na lang ako. Sayang kasi akala ko makakasama ko siya ngayong araw.
Sayang kasi
once in a blue moon na nga lang siya magday-off, hindi pa ako ang makakasama niya.
Sayang lang
talaga.

"Gusto mo bang sumama?" Napa-angat naman ang ulo ko nang marinig ko ang sinabi ni
Jeff.

Napangiti ako ng pagkalaki-laki. "Talaga Jeff?! Pwede ba talaga akong sumama?!


Talaga? Talaga?" Eto
na ba ang sinasabi nilang moment. I need to capture this moment.

"Wag na lang pala. Hindi pwede."napabusangot naman ako sa sinabi niya. Sana walang
bawian naman.
Nagsimula na siyang maglakad palayo.

Hinabol ko siya. "Teka Jeff! Wala ng bawian!!! Sabi mo pwede akong sumama!!"

"Wala akong sinabi."Hala! Wala daw pero mayroon kaya.

"Sige na naman please!! Isama mo na ako! Promise tahimik lang ako. Hindi kita
aabalahin. Promise
talaga." I raised my right hand. Pumayag ka na Jeff minsan lang naman to. At saka
hindi ko naman siya
gagambalain.

Napatigil siya sa paglalakad at tiningnan ako ng maigi. "Sigurado ka bang gusto


mong sumama?" sabi
niya at tinitigan ako.
"Yup! Yup! Yup!" Todo tango pa ako.

Nagbuntung hininga sya."Fine. But don't tell me na hindi kita pinigilan." May
pagbabantang sabi ni Jeff.

"YAY!" Tumakbo naman agad ako sa kwarto ko para magbihis. Kahit naman saan kami
pumunta, basta
kasama ko si Jeff, magiging masaya ako. Nagsuot ako ng casual dress then flats.
Mukhang chill lang
pero at the same time pwedeng iharap sa client ni Jeff. Konting lipstick lang then
I grabbed my
shoulder bag.

Pagbaba ko, tiningnan ako ni Jeff mula ulo hanggang paa. Ang ganda ko noh?
"Sigurado ka bang ganyan
ang isusuot mo?" pagtataka niya.

"Huh? B-bakit, hindi ba bagay?" Yumuko naman ako at tinignan ang damit ko. Okay
naman ang dress ko
pati ang flats ko.

Bigla namang tumunog ang phone niya. "Tsk. Fine pwede na 'yan." Sabi ko na nga ba
maganda rin tong
dress ko. Nagsimula na siyang maglakad papalayo habang sinasagot ang phone niya.
Hindi ba niya
nagustuhan ang damit ko? Maayos naman. Napansin ko na lang na nilagpasan na niya
ang kotse niya
pero naglalakad pa rin siya.

"Teka! Jeff! Lampas ka na sa kotse mo!" sabi ko habang tinuturo ang kotse niya. May
kausap siya sa
cellphone niya pero lumingon pa rin siya sa akin. Ang gwapo talaga ni Jeff, parang
nagliliwanag ang
background niya sa panigin ko. Tapos ngumiti pa siya. Ngumiti ba si Jeff sa akin?
Nag-smile back naman
ako.

"We're not taking the car!" nakangiti niyang sabi sa akin. So magco-commute kami.
Wow!

For the first time in my life, I'm riding the MRT. Although airconditioned naman
siya, ang sikip naman
niya. Nakatayo pa kami habang nakahawak sa parang nakasabit. Habang tumatagal, mas
lalo pang
nagkakasiksikan. Grabe ganito pala rito. Kapag tumitingin naman ako kay Jeff, super
relaxed lang niya
at parang pinipigilan niyang ngumiti. Teka pinagtatawanan niya ba ako?

"Psst. Jeff. Saan ba talaga tayo pupunta? Bakit hindi tayo pwede magkotse?" Masyado
na ring
nasisiksik ako ng tao dito sa MRT. Hindi naman ako nagrereklamo, nagtataka lamang
ako.

"Hmm. Nagrereklamo ka na ba?" sabi niya at nagpipigil ngumiti

"Uy hindi ah! Wala kaya akong sinabi! Kahit nga madaming tao at siksikan at
nakatayo dito sa MRT, wala
akong sinasabi! Hindi ako nagrereklamo talaga." Paliwanag ko sa kanya. Hindi naman
talaga ako
nagrereklamo.

Ngumiti naman ang loko. Pasalamat siya gwapo siya kung hindi...Ano Tin gagawin mo?
Napailing naman
ako sa naisip ko. Sinuot naman niya ang earphones. Dapat pala nagdala rin ako ng
ipod ko. Maya maya
pa, may mga pumasok na namang mga tao, siksikan na talaga. Medyo may nanunulak pa,
kaya
napabitaw tuloy ako sa hinahawakan ko.

"Wait lang po. Excuse lang po. Jeff! Jeff!" sabi ko habang nakipagsiksikan at para
makalapit kay Jeff.
Naaanod na kasi ako ng mga tao palayo kay Jeff. Pinipilit ko naman bumalik ulit sa
kanya pero natutulak
ako ng mga tao. Hala! hindi pwede 'to.

"Jeff! Jeff!" sigaw ko ng mahina. Hindi niya ako naririnig dahil sa earphones.
Natulak ako ng natulak
hanggang sa napa-upo at napakandong ako sa isang tao. "ANO KA BA! BAKIT MO BA AKO
INUUPUAN?!" Sigaw nung lalake. Tumayo ako agad at pinilit kumapit dun sa hawakan
para hindi na ulit
ako matumba.

"Naku pasensya na po kayo. Sorry po talaga. Hindi ko po sinasadya." Pagpapaumanhin


ko. Hindi ko na
rin mabalance ang pagtayo ko. Napatingin naman sa akin iyon lalakeng naupuan ko.
Mga 40 years old
na siguro 'yun tapos ang laki pa ng tyan.

Bigla naman syang ngumiti. Kinilabutan naman ako."Naku magandang binibini pala eh.
Gusto mo bang
umupo miss? Papaupuin sana kita kaya lang pagod ako eh. Pero.. pwede naman kitang
kandungin kung
gusto mo hehehe." Kumindat pa si kuya habang sinasabi iyon. Grabe ka manong. Ano na
lang sasabihin
ng asawa mo kapag narinig nya yan?

"Hindi na po. Salamat na lang po. Pasensya na po talaga kanina. Sige po aalis na
ako." Makikipagsiksikan
na sana ako ulit pabalik kay Jeff nang bigla niyang hawakan ang arm ko.

"Sandali lang miss. Wag ka muna umalis. Pinapakandong na nga kita o." sabi ni kuya
at tinuro pa ang leg
niya para maupuan ko. Grabe!

"Hindi wag na po. May kasama po ako. Baka po hinahanap na nya ako ngayon." Tinuturo
ko naman si
Jeff habang sinasabi ko iyon.

"Wala ka namang kasama miss eh. Dito ka muna. Usap muna tayo." Sabi ulit ni kuya
habang tinuturo
ang legs niya. hala!

Pinipilit kong makuha ang arm ko pero ang higpit ng hawak niya. Dumami ulit ang mga
tao kaya natulak
na naman ako at napakandong sa kanya. Pinilit ko ulit tumayo pero parang ayaw na
niya akong
pakawalan.
"Manong tatayo na po ako. Bitawan nyo po ako please." Pagpupumiglas ko pero ang
lakas ni kuya kaya
ang hirap makawala sa kanya.

"Wag muna miss. Dito ka muna. Nag-eenjoy pa tayo o." Hinimas himas niya ang arms
ko. Nagpupumilit
na ako ulit tumayo pero ang higpit ng hawak niya sa akin. Maya maya pa biglang may
humatak sa
kamay ko kaya napatayo na ako.

Naramdaman ko na lang na may braso na pumulupot sa bewang ko kaya napayakap ako sa


kanya.
"Jeff?" napaangat ang ulo ko.

"ANO SA TINGIN MONG GINAGAWA MO?" sigaw niya. Akala ko sa akin siya nagagalit. Pero
nakatingin
pala siya kay manong.

'Yung lalake naman parang naiinis na rin. "Teka nga bata. Wala akong ginagawang
masama. Pinapa-upo
ko lang yung babae. Dapat nga hindi mo ako sinisigawan. Mas matanda ako sa 'yo kaya
dapat
nirerespeto mo ako." Nakangising paliwanag ni Kuya.

"RESPETO?! Eh gago ka pala, hindi ka dapat nirerespeto!" sabi ni Jeff at tinitigan


ng masama si Kuya.

"ABA MINUMURA MO BA AKO?! SUNTUKAN NA LANG!" napasigaw na rin si kuya. Tumayo na


iyong
lalake at parang makikipagsuntukan na nga. Si Jeff naman mukhang hindi aatras.

"Jeff wag mo na lang pansinin. Umalis na lang tayo." Bulong ko sa kanya. Pero
hindi pa rin siya
gumagalaw. Nakatingin pa rin siya dun sa lalake. 'Yung lalake naman nagwawala na.
Alam ko namang
hindi mauunang sumuntok si Jeff. Pero for sure if sinunggaban siya nung lalake,
siguradong susuntukin
din niya. Magkakagulo na sana, buti na lang 'yung mga tao inaawat iyong mama.
Pinaglalayo na sila ng
mga tao. Hanggang sa naanod na kami ng mga tao palayo dun sa lalake.

Kumapit si Jeff dun sa hawakan, then napansin ko na hawak pa rin niya ang bewang
ko. Nakasubsob pa
din ang mukha ko sa chest niya. Hindi na ako masyado nagrereklamo ang bango ni Jeff
kaya. Ang
tahimik nga lang nya though. Galit pa rin kaya siya? "Jeff sorry."

Hindi pa rin siya nagsasalita. Patay galit pa rin 'to. Nung nandoon na sa last
station, saka pa lang kami
bumaba. Pagkababa naming ng hagdan nagulat na lang ako nang may kotse na
naghihintay sa amin.
Lumabas si Rey, 'yung ka-opisina niya galing sa kotse.

"Boss naman oh. Linggo ngayon pero tinawagan mo pa rin ako." Sabi ni Rey habang
inaabot ang susi
kay Jeff. "O, hi Tin!" Kumaway naman si Rey sa akin.

"Hi Rey! Bakit andito ka?" kumaway na rin ako sa kanya.


"Ewan ko nga rin dito kay Boss eh. Natutulog pa nga ako nang bigla akong tawagan na
magdala dito ng
kotse. Teka may date ba kayo ni boss ngayon? Kaya naman pala bigla sya nag day-off
eh." Nakangiti
nitong sabi.

Napatalon naman ako ng biglang nagsalita si Jeff."Sumakay ka na nga Tin." Biglang


sabi naman nito ni
Jeff. Nagpaalam na ako kay Rey at pumasok na ako. Papasok na rin si Jeff sa
driver's seat nang biglang
nagsalita ito si Rey. "Teka lang Boss. Iiwan mo ba ako dito? Wala akong kotseng
dala." Reklamo ni Rey.

"Magcommute ka na lang." walang lingon lingo na sabi ni Jeff bago sinara ang pinto.

"Teka lang Boss! Boss!" Nakita ko pang humahabol si Rey habang pinapaandar na ni
Jeff ang kotse.

"Ok lang bang iwan natin sya? Makakauwi ba sya?" Hinarap ko si Jeff.

"Kaya na nya ang sarili nya." Kalmado pa rin si Jeff at naka-focus sa daan.

"Peroo.. ok lang bang nakakotse tayo? Akala ko kasi magcocommute tayo eh."

"Hindi na. Nagbago na ang isip ko." Hindi ko alam ang lugar na tutunguhan namin.
Iba na kasi sa
paningin ko itong lugar na ito.

Mayamaya pa tumigil kami sa isang lugar. Humarap siya sa akin at inialis ang
seatbelt. "Wag kang
lalabas. Dito ka lang. Hintayin mo ako."

"Pero Jeff-" Bakit ba bawal akong bumaba?

Lumabas na siya ng kotse. Tumingin ako sa bintana nasa squatter's area kami. Dito
ba nakatira ang
sinasabi niyang kliente niya? Hindi nga bagay ang damit ko ditto kaya pala pinansin
niya kanina. Pero
kaya ba hindi niya ako pinapasama? Dahil akala niya hindi ko kayang pumunta rito?
Friendly kaya ako.
Hindi naman ako maarte. Kaya kong makipaghalubilo sa kanila. Bababa ako para
ipakita kay Jeff na
dapat talaga sinasama niya ako sa mga lakad niya.

Pagbaba ko, inikot ko ang tingin ko. Ang daming bahay saan ba pumasok dyan si Jeff?
Hahanapin ko na
lang siya. Nagsimula na ako maglakad. Pinagtitinginan ako ng mga tao. Napansin kong
kakaiba ang
bahay nila kasi pinagtagtagping kahoy na lamang ito. Masyado rin maliit ito para sa
kanila.

Mayamaya pa, pinalibutan ako ng mga batang nakahubad. Maliliit pa lang sila pero
still bakit sila
nakahubad?

"Bibigyan mo ba kami ng pera?" sabi noong batang naka berdeng short na may butas pa
hata sa harap.
Nagulat naman ako sa tanong ng bata kaya napanganga ako.

"O pagkain?"sabi naman noong batang naka pulang short na may tagpi tagpi ng tela.

"Pagkain? Uh, wala akong dalang pagkain eh." Sabi ko at pinakita ang kamay ko sa
kanila.

"Sige. Edi pera na lang." suggestion naman nung batang naka asul na short. Kalabit
lang sila ng kalabit sa
akin. "Uhh, sige sandali. May dala ako dito." Tumungo na akong kotse at kinuha ang
bag ko. Ganito ba
talaga dito? Bago makapasok kailangan magbayad? Magkano kaya ang binigay sa kanila
ni Jeff? Puro
100 bills lang ang dala ko, so 'yun na lang binigay ko. Maya maya pa, dumami na ang
batang nakapalibot
sa akin. Bigay lang ako ng bigay. Ang cute naman nila siguro kapag nakita ako ni
Jeff ngayon, matutuwa
siya sa akin. Pero hindi niya na ako maabutan dahil may isang teenager na lalaki na
nakashort ang
humablot sa bag ko at tinakbo ito. "Teka! Teka! Yung bag ko! Bakit mo kinuha?
Wait!"

Ito na ba 'yung feeling ng nanakawan? Tumingin ako sa mga batang nakapaligid sa


akin. Nagtakbuhan
na rin sila palayo. Ano ka ba Tin syempre hindi ka dapat humingi ng tulong sa mga
bata. Napailing
naman ako sa naisip ko baka mapahamak pa sila. Kailangan ako ang humabol sa kanya.
Kahit kunin na
niya ang laman ng bag ko ibalik niya lang yung bag mismo. Gift 'yun sa akin ni Mom
nung birthday ko at
saka favorite ko iyon.

Tumakbo tuloy ako ng mabilis, or so I think na mabilis 'yung takbo ko. Hinabol ko
'yung kumuha ng bag
ko. "Wait lang kuya! Ibalik mo lang yung bag! Kahit yung bag lang please! Sa'yo na
yung laman!" sigaw
ko habang tumatakbo.

Hindi pa rin tumigil si kuya. Takbo pa rin siya ng takbo. "Kuya! Alam kong mabait
kang tao! Alam kong
ayaw mo talaga magnakaw! Sige na please. Ibalik mo na yung bag... Aray!" Ang lampa
ko talaga.
Natapilok at nadapa ako.

Pinilit kong tumayo."Ouch.." Hinawakan ko ang right ankle ko. Nasprain ata. Pano
'to? Hindi na ako
makatayo tapos nanakaw pa ang phone ko. Hindi ko matatawagan si Jeff. Hinahawakan
ko ang ankle
ko nang naramdaman ko na lang na may taong nakatayo sa harap ko.

"Jeff?"

"Hindi ako si Jeff. Oh eto na." Binagsak niya sa akin ang bag ko. Yung bag ko! Ang
ibig sabihin, siya 'yung
lalakeng hinahabol ko kanina? "Bahala ka kung gusto mo akong isumbong sa pulis.
Pero wala naman
akong kinuha kaya wala kang maikakaso." Tumalikod na siya at nagsimula nang
maglakad papalayo.
"Teka lang! Thank you ah! Sabi ko na nga ba hindi ka talaga masamang tao. Salamat
ha." Huminto siya
sa paglalakad at humarap ulit sa akin.

"Tanga ka ba? Muntik na nga kita nakawan, nagpapasalamat ka pa?" nakataas kilay
niyang sagot sa
akin.

Ngumiti ako para hindi na niya ako sungitan."Pero hindi mo naman ako ninakawan
diba? Ako nga pala si
Tin. Anong pangalan mo?"

"Bakit ko sasabihin?" Hala! Sungit naman niya.

"Uhm, ayaw mo ba? Sige ok lang." nakangiti ko pa rin sabi sa kanya kahit injured
ako. Ang sakit niya pa
rin.

"Eh ikaw, hanggang kailan mo balak umupo dyan?" Tinitigan naman niya ako at ang paa
ko.

"Ano kasi eh, hindi ako makatayo. Nasprain ko ata yung ankle ko." Napakamot ako sa
batok noong
sinabi koi yon.

"Haist. Dapat di na ako bumalik." Narinig kong sabi niya. Pero inabot niya pa rin
sa akin ang kamay niya
at tinulungan ako tumayo. Siguro mga 16 lang itong batang 'to pero mas matangkad pa
sa akin.
Inalalayan niya ako hanggang sa nakaupo na ako sa bench sa tapat ng tindahan.

"Dyan ka na. Wag ka na lang umalis dyan kung ayaw mong may mangyari sa'yo. Sabihin
mo sa kasama
mo, dyan ka na sunduin." Papalakad na siya palayo.

Nagsalita ako bago pa siya makalayo. "Uy salamat talaga ah. Hindi mo ba talaga
sasabihin yung pangalan
mo?"

Humarap naman siya sa akin at nagsalita."Hindi."

"Tom!" May nagsalita galing sa loob ng tindahan. "Bakit ka nandito, may bibilihin
ka ba?" Dumungaw
ang isang medyo matanda nang babae.

"Haist! Aling Minda naman!" pinadyak pa ni Tom ang paa niya.

"Bakit? Ano bang nangyari Tom? O sino 'tong isang 'to?" Sabay tingin sa akin at
ngumiti.

Ngumiti rin ako at nagsalita. "Ah hello po. Pasensya na po kayo. Pwede ho bang dito
muna ako?"

"Dyan muna sya Aling Minda. Lalampa-lampa kasi, nadapa tuloy. Wag kayong mag-alala,
bibili 'yan ng
paninda nyo." Sabi iyon ni Tom at tinuro ang tindahan.

"Ah opo. Sige po bibili ako." Ano kayang mabili? Gutom na rin kasi ako.
"Ah sige iha ano bang bibilhin mo?" sabi iyong ni Aling Minda at tinuro turo ang
paninda niya.

"Uhmm.." Teka. Ano nga ba ang nabibili sa mga ganitong tindahan? "Ikaw TOM, anong
gusto mo
TOM?" Alam ko na ngayon ang pangalan niya. Thanks Aling Minda!

"Haist. Nang-aasar ka ba? Sige Aling Minda. Bigyan nyo ako ng isang plastik ng Boy
Bawang tsaka coke.
Babayaran nya lahat." Sabi ni Tom sabay turo sa akin. Ano kaya yung Boy Bawang?

"Sige po Aling minda. Ako din po, pareho nung inorder nya." Sabi ko at ngumiti kay
Tom.

Napatingin naman silang dalawa sa akin. May mali ba akong nasabi? Nakakatuwa naman.

Nakakwentuhan ko pa sina Aling Minda pati na rin si Tom. Grabe ang sarap pala ng
Boy Bawang.
Nakapagbukas na ako ng lima, kain pa rin ako ng kain.

Nakalimutan ko na nga tawagan si Jeff, kaya nagulat na lang ako ng tawagin niya ang
pangalan ko."Tin!"

Si Jeff hingal na hingal. Kanina pa ba niya ako hinahanap? "Jeff! Halika uminom ka
muna ng coke.
Mukhang pagod na pagod ka-"

"DIBA SABI KO SA'YO WAG KANG BABABA NG KOTSE?!" his jaw clenched.

Yumuko ako kasi naguilty ako hindi ako sumunod sa utos ni Jeff. "Uh, sorry ano kasi
eh-"

"KANINA PA KITA HINAHANAP, TAPOS NANDITO KA LANG PALA AT KUMAKAIN?!" sigaw niya sa
akin.
Sorry na Jeff! Patay galit na galit siya. Tumungo na lang ako. Kailangan ko lang
palipasin ang galit niya.

Pero nagulat ako ng biglang sumigaw si Tom. "WAG MO NGA SYANG SIGAWAN!" Hala! Si
Tom
sinigawan si Jeff.

Pinuntahan ko si Tom. "Tom! Hala ano bang ginagawa mo?"

"Ikaw, ano bang ginagawa mo? Bakit nagpapasigaw ka sa lalakeng 'to?" Sabi ni Tom sa
akin then
humarap siya ulit kay Jeff. "HOY IKAW! KAHIT SINO KA PA, WALA KANG KARAPATANG
SIGAWAN SYA!"

Hindi nagsasalita si Jeff. Nakatingin lang siya kay Tom. "Teka Tom, huminahon ka
lang. Wala namang
kasalanan si Jeff eh." Sabi ko ulit at tinignan si Tom. Kumalma ka na Tom.

"Tom? Tommy Sarmiento?" Biglang nagsalita si Jeff. Nagkatinginan sila ni Tom.

"Jeff. Magkakilala ba kayo ni Tom?" Papalit-palit ko silang tinitingnan.

"Hindi. Hindi ko sya kilala." Sabi ni Tom tapos bigla siyang tumakbo palayo.

"Tom! Tom! Teka!" Sigaw ko. "Jeff kilala mo ba siya? Bakit siya umalis?"
"Halika na." Sabi ni Jeff tapos nagstart na siya maglakad. Nagthank-you na lang ako
kay Aling Minda
tapos pinilit ko maglakad. Ang sakit pa rin ng ankle ko.

Napansin hata ni Jeff na ang bagal kong maglakad."Ano bang nangyari? May pilay ka
ba?"

"Wala. Ano kasi, natapilok lang ako kanina. Kaya medyo masakit lang yung ankle ko."
Hindi ko
nakatinging sabi sa kanya.

"Kung saan saan ka kasi pumupunta. Diba sabi ko wag ka na bumaba sa kotse?"ire-
ready ko na ulit ang
tenga ko.

Yumuko ako at nagsalita. "Sorry Jeff. Sorry talaga."

Bumagal naman siya sa paglalakad. Sinabayan niya ako. Pagdating namin kung saan
nakapark ang
kotse, wala na kaming nakita. Hala naman! Nanakaw ba yung kotse namin? Wala tuloy
kami nagawa
kung hindi magcommute ulit. Nagtaxi kami at bumaba sa isang restaurant. Kahit mga
4pm na, ngayon
pa lang kami kakain ng lunch. Gutom na gutom na kami.

"Jeff. Sino ba talaga si Tom? Bakit mo sya kilala?" Akala ko hindi siya sasagot
pero natuwa naman ako
dahil nagshare siya sa akin.

"Kailangan ko ang testimony niya laban sa mga Santoses. Siya ang star witness sa
isa sa mga kaso na
hinahawakan ko." Ito ba ang kaso na pinag-uusapan nila ni Tito Fernan dati?

Uminom ako ng tubig pagkatapos ay nagsalita. "Pero kasama ko siya kanina. Kung
ganun... hindi mo
siya nakausap?"

"Ayaw nya talagang tumistigo. Nahihirapan ang firm na kausapin sya." Umiiling iling
na si Jeff.

"Sigurado naman akong kakausapin din nya kayo. Mabuting tao si Tom, kaya for sure
tetestigo sya para
sa tama." Ngumiti ako kay Jeff. Napatingin naman siya sa akin. After namin kumain,
akala ko uuwi na
kami. Pero nagtaxi kami at binaba kami sa hospital. Pinabenda ni Jeff ang ankle ko.
Sabi ng doctor,
gagaling daw agad, pero dapat daw iwasan ko ang pagpapagod at pagtakbo.

Nang umalis na ang doctor, nagulat ako ng biglang lumuhod si Jeff nang nakatalikod
sa akin."Sakay na."

"Huh?" anong meron? Bakit ganito?

"Tsk. Bilis na. Nangangalay na ako."

"Pero.. ok lang ako Jeff. Hindi na kailangan-" Hinatak niya na ako, kaya napasakay
na ako sa likod niya.
Pakipot pa kunwari, pero gustong-gusto ko naman. Ang bango kasi ni Jeff, ano ba
yan. Pinulupot ko
yung arms ko sa leeg niya. Then I rest my head on his shoulder. Medyo gabi na rin
paglabas namin ng
hospital. Naglakad-lakad pa kami papunta sa waiting shed.Ang saya naman ng araw na
'to. Ang dami
kong nagawa na first time then kasama ko pa si Jeff. Sana every Sunday day-off
niya. Feeling ko
naman, kahit hindi masyado nagsasalita si Jeff, nagiging mas close na kami.

Nang nakauwi na kami ng bahay, nagluto na ako then kumain na kami ng dinner. After
that, umakyat
na ako sa kwarto tapos matutulog na sana ako nang may nakita akong note na
nakadikit sa salamin ko.

Smile now, cry later. Sino ba talaga ang nagpapadala ng mga notes na 'to?

*******************************************
[11] MEET MY FRIENDS
*******************************************
CHAPTER 10

MEET MY FRIENDS

Nandito ako sa shop ngayon at nababagabag ako. Ilang weeks na rin kasi akong
nakakatanggap ng mga
scary notes. Akala ko dati mga childish pranks lang pero ngayon kasi medyo dumadami
na sila. Wala
akong pinagsasabihan kasi ayoko namang mag-alala ang sino man. What if totoo nga
ang hinala ko,
prank lang ito tapos maiistorbo ko pa sila. Especially si Jeff. Ayokong mag-alala
siya.

"Pagod na pagod na ako." Bakit naman mapapagod to? Nasa shop lang naman siya tapos
panay tingin
kay Anj.

"Kev?" bigla kong tinuon ang atensyon ko sa kanya.

Tumingin naman siya sa akin at nagsalita. "Kanina pa kasi ako tumatakbo sa isip mo
eh." At kumindat pa
siya sa akin. Natawa naman ako doon. Ang funny talaga nito ni Kevin. Nandito na
naman siya sa shop.
Hindi na naman sila mapaghiwalay ni Anj. Ang cute talaga nilang dalawa!

"Ano bang meron? Mukhang problemado ka dyan ah." Nagtatakang tanong ni Kev.

"Hindi wala lang Kev. Ok lang ako."umiiling iling pa ako noong sinabi ko iyon.

Ngumiti naman si Kev. Alam ko na to magbibiro na naman to. "Ano ba talagang iniisip
mo? Iniisip mo ba
kung bakit masyado kang maganda?"

Madugtungan ang sinabi niya. "Actually, iniisip ko kung bakit masyado kang gwapo."

"Yun yun eh." Natatawang sabi ni Kevin at tinuturo turo pa ako. Nag-apir kami,
super friends talaga
kami ni Kev.

"Hay nako Tin. Wag mo masyado pinapalaki ang ego ng lalakeng 'to. Masyado nang
mayabang eh."
Dumating na si Anj. Siguro nakaalis na ang isang customer na inaasikaso niya
kanina.

"Ikaw naman babe. Nagsasabi lang naman ng katotohanan si Tin. Gwapo naman kasi
talaga ako eh."
Lumapit naman si Kevin kay Anj at saka inakbayan niya iyon.

"Mr. Kapal. Lumayas layas ka na nga dito. Diba may pasok ka pa?" Tinulak tulak pa
ni Anj si Kevin. Ang
sweet talaga nila.

"Ano ka ba, basta gwapo, pwede ma-late." Nilapit naman ni Kevin ang mukha niya kay
Anj.

Lumayo naman ang mukha ni Anj at medyo namumula na rin ito "Sige lang, magpa-late
ka lang. Kapag
tinanggal ka sa trabaho, bahala ka."

"Sige na nga. Aalis na. Sa bagay, napapagod na kasi akong umupo dito. Pwede bang
tayo na lang?"
Hala! Humahabol pa tong si Kevin.

"Ewww! Gasgas na 'yang pick-up line mo! Umalis ka na nga!" Tinaboy ulit ni Anj si
Kev. Sila na sweet.

Kunwari pa 'to si Anj ang laki naman ng ngiti. "Kinikilig ka noh? Sige na alis na
ako. Bye Babe." Kiniss niya
si Anj then tumingin siya sa akin. "Sige Tin, una na ako!"

Humarap ako sa kanya at nagwave. "Bye Kev! Ingat!" nakangiti kong sabi.

Lumabas na si Kev sa shop. Nilapitan ko naman si Anj at tinusok tusok. "Yieeee Anj.
Ang sweet nyo
talaga forever. Kaya Master ang tawag ko sa'yo eh. Idol ko kasi kayo ni Kev"

"Psh. Sinong sweet? Siguro nauntog talaga ako kaya I'm dating that guy." Anj said
and rolled her eyes.

"Wooh kunwari pa 'to. Kinikilig ka lang eh." Tinutusok tusok ko pa ang tagiliran
niya. Bakit kasi
nakakakilig sila?

Lumayo naman si Anj sa akin. "Tigilan mo nga ako Tin. Hindi ako kinikilig noh."
As if on cue, bigla
namang pumasok ulit si Kevin. Nagulat naman kami ni Anj.

"Oh Kev. Bakit bumalik ka?" sabi ko.

"Nakalimutan ko kasi yung puso ko." Lumapit naman siya ulit kay Anj at kiniss niya
ulit sa lips tabos sabi
niya kay Anj, "Ingatan mo muna ha. Babalikan ko mamaya." Kumindat pa itong si Kev.

Lumabas na ulit si Kev at tuluyang umalis. Hala si Anj, nakatayo lang dun.
Nilapitan ko ulit siya, and this
time hinampas hampas ko siya. "YIEEEEEE. KAYO NA ANG NAKAKAKILIG ANJ! KAYO NA
TALAGA!"

Umiwas ulit si Anj sa akin. "Aray Tin ha. Ang brutal mo na ngayon. Tumigil ka nga
dyan!" sabi niya iyon
at namumula pa rin ang mukha niya at nagpipigil ngumiti.

"Nakakakilig kasi kayo eh!! Super bagay talaga kayo ni Kev!!" hinahampas ko pa rin
siya kahit lumalayo
siya sakin.

"Tama na nga Tin! Kanina mo pa ako hinahampas eh. Eh kayo ba ni Jeff kamusta na?"
If I know change
topic lang 'to si Anj. Pero syempre, basta tungkol kay Jeff ang usapan go lang ako
ng go parang globe.

"Ayun, ok naman ata. Medyo nagstastart na syang magkwento sa akin. He's opening
up." Nakangiti
kong sabi sa kanya.

"Well, that's good. So ready ka na sa company outing?" May company outing kasi sina
Jeff. 3 days 2
nights sa Boracay. Something about building workers' camaraderie parang ganun.
Kasama lahat ng
lawyers sa 10-storey office ni Jeff. Kaya for sure madaming pupunta. Pwede kasi
magsama ng asawa or
girlfriends/boyfriends or kahit buong pamilya, since it's also an outing. Hindi ko
pa nga malalaman kung
hindi ako tinawagan ni Bessie. Itong si Jeff, ayaw niya ba akong isama? Kilala na
kaya ako ng buong
office niya.

"Yup Anj. Nakaprepare na ako ng mga dadalhin. Bukas na kasi ng madaling araw yung
alis eh."

"May mabibitbit ka bang mga snacks?"

"Yup okay na. Nagbake nga ako kanina. Pwede namin baunin yun." Sana magustuhan iyon
ni Jeff sakat
nang mga kasama sa outing.

"Naprepare mo na ba yung mga damit ni Jeff?" Buti na lang nandito si Anj para
paalalahanan ako ng
mga dadalhin.

"Yup ok na. Pumasok pa talaga ako ng palihim sa kwarto nya para ikuha sya ng mga
damit. Para din
hindi na sya mahirapan mag-impake mamaya." Ninja moves nga ako nung time na 'yun
para lang
makakuha ako ng damit niya.

"So you already have a bikini?"

Tinignan ko yung isang folder sa table ko bago nagsalita. "Yup ok na. Naimpake ko
na din... teka
WHAT?!" Teka? Anong sabi ni Anj! ANO DAW? BIKINI?

"Don't tell me wala ka pang bikini?Duh, pupunta kaya kayo sa Bora." Kailangan ba
'yun?

"W-well, may dala naman akong swimsuit Anj eh. Ok na siguro yun."

"Tin, ano ka ba. You need to show some skin! Paano maaakit sa'yo nyan si Jeff?
Besides, keri mo
naman noh! You have the perfect figure."

"Anj kailangan ba talaga yun?"

"Hay nako Tin. It's your choice naman eh. Hindi naman kita pipilitin. Pero bahala
ka. Ang daming sexy
girls sa Bora. Lahat dun naka-bikini. Yung iba nga, wala pang suot eh. Wag mo akong
sisisihin kapag
nakahanap si jeff ng ibang babae, and hindi ka na nya pansinin dahil makikipag-
divorce na sya-"

Tinaas ko naman ang kamay ko at nagsalita "HEP! Wag ka nga ganyan Anj! Sige na,
sige na, magdadala
na ako ng bikini!" Marami ba talagang nagbibikini dun?

"Good, then let's go." Sabi ni Anj at hinatak na ang braso ko.

"Huh, san tayo pupunta?"

"Duh, saan pa ba? Edi bibili ng perfect bikini for you. Bahala na muna ang mga
assistants natin dito sa
shop. Let's go!"

Have mercy on me Anj.

Nandito na kami sa mall. Kilalang-kilala pala si Anj sa shop na 'to. Nag modelling
din kasi dati si Anj, then
I think isa ito sa mga sponsors niya. "This." May pinakita sa akin na bikini si Anj
color blue. Grabehang
two-piece naman!

Umiling ako sa pinakita niya. "Ayoko nyan." Like hindi ko kaya suotin 'yan.

"I'm not asking you if gusto mo 'to. Isukat mo, go." Inirapan naman ako ni Anj.

Nakakapagod rin kayang magsukat at magpabalik balik sa fitting room. Try niya kaya
minsan. "Anj
naman. Kanina pa ako nagsusukat eh. Alin ba talaga dyan?"

"Alam mo, looking for the perfect bikini is like looking for a wedding gown. Dapat
pinag-iisipan talaga.
Go na, isukat mo na." inabot niya sa akin ang isang red, black, white bikini. Oh
no! Kinuha ko na lang
iyong bikini, then sinukat ko. Parang magkakapareho lang naman eh. Kanina pa ako
nagsusukat. Then
pinapasok ko si Anj sa dressing room.

"Ok na ba 'to?" sabi ko at tinuturo an gang bikini. Okay naman siya, okay lang din
yung figure ko.

"Hmm. It's nice. Pero baka magcamouflage ka sa dagat, since blue din yan. Let's
look for another one."
Kailan pa ba 'to matatapos? Hanggang sa naka-try na kami ng 1 million bikinis ay
may nagustuhan na rin
si Anj.Thank God. Color black siya then sabi ni Anj mas lalo daw lumitaw yung
kaputian ko pag suot ko
'yun. Grabe wala na akong pakialam, basta matapos na lang. Nung natapos kami, hindi
ko napansin na
late na pala. Siguro pauwi na rin si Jeff. Lumabas na kami ng bikini store.
Naghihintay na kami ng taxi.

Bigla akong kinalabit ni Anj. "Tin pahiram ng phone mo." Inabot ko naman ito sa
kanya. "Huh? Ah sige,
ito."

Nakatingin pa rin ako sa road. Ang tagal naman ng taxi. Pag may dumadaan naman
laging may laman.
Ano ba yan.

"Hello Jeff?" ano Anj ang tingin mo ang ginagawa mo? Napatingin naman ako kay Anj.
Teka, tinawagan
niya ba si Jeff gamit ang phone ko.

Nagmamadali naman ako hablutin ang phone ko "Anong ginagawa mo?" Sabi ko kay Anj
habang
inaagaw yung phone ko. Ayaw naman niya ibigay sa akin.

"You're Jeff right? Yung husband ni Tin? Hi I'm Anj, friend nya...." Pinipilit ko
pa rin kunin ang phone ko.
Grabe Anj ano bang ginagawa mo? "Yes yes, kasama ko si Tin ngayon. Pauwi na kami
and we are
actually wondering if you could pick us up? I mean, ganyan naman talaga yung
ginagawa ng mga
husbands right?..."

"Anj!!! Ano ba yang sinasabi mo??" Bulong ko sa kanya. Sumenyas naman siya na wag
daw ako
maingay.

"That's great! Then we shall wait for you. Nndito kami in front of Bench. Yep sa
labas na kami" Sabi ni
Anj kay Jeff. Oh my goodness, napapayag ba nya si Jeff? Tapos binaba na niya ang
tawag.

"Anj grabe ka!Bakit mo ginawa yun??Naman Anj oh! Nakakahiya kay Jeff" Nagpapadyak
pa ako sa
sinabi niya. Grabe ito!

"Alam mo Tin, wag ka nga mag-inarte dyan. I actually helped you out. Maihahatid ka
ni Jeff pauwi.
What more can you ask for?" May point siya pero nakakahiya kaya kay Jeff.

"Pero kasi baka magalit siya eh. Tsaka nakakahiya naman sa kanya, dadaan pa sya
dito." Sabi ko habang
pinagdidikit ang palad ko.

"Ano ka ba. Dapat sanayin mo yang si Jeff mo na sunduin at ihatid ka noh." Umirap
naman siya ulit sa
akin. Inaway away ko pa siya ng konti. Nakakahiya talaga kay Jeff pero hindi ko
naman maiwasang
mangiti. Ito talaga si Anj ang galing dumiskarte. Nagkwentuhan pa kami tapos
binigyan niya pa ako ng
madaming tips. Ang dami nyang binilin na gawin ko sa Bora! Lagot ka Jeff, ang dami
kong baon na
paglalandi sa'yo. Humanda ka maaakit din kita.

"Ehem." May nagsalita pagkatingin ko si Jeff. Kinabahan naman ako doon. Napalingon
kami pareho ni
Anj. Hindi namin napansin na dumating na pala ang kotse ni Jeff. Lumabas pa siya
tuloy ng car.
Tumakbo naman ako papalapit sa kanya. Hindi na man siya mukhang galit.

Lumapit ako sa kanya "Jeff! Hi! Uh, sorry ha, napadaan ka pa dito. Si Anj kasi eh.
Sya yung tumawag
talaga. Promise, hindi ko sya inutusan or anything. Hindi ko talagang gustong
tawagan ka pero si Anj
kasi talaga eh." Todo explain Tin?

Tinignan ako ni Jeff. "...Hindi mo ako gustong tawagan?" Tinaas pa ni Jeff ang
kilay niya.

"Uy Jeff hindi ah! Actually gusto nga talaga kitang tawagan eh! Kaya lang syempre
kanina, ayaw kong
tawagan ka. Pero ang ibig ko talagang sabihin, gusto naman talaga kitang tawagan!"

Ano daw Tin? Napansin kong ngingiti na si Jeff pero hindi natuloy. 'Yan pang
lalakeng yan, laging
nagpipigil ng ngiti.

Napansin ko na lang na may sumisiko sa tagiliran ko. "Teeny Weeny. Ipakilala mo


naman ako kay Papa
Jeff. Ang hot pala nya 'teh." Bulong sa akin ni Anj.

Lumapit naman ako kay Anj. "Naman. Gwapo talaga yan, bagay kami noh?" Bulong ko rin
sa kanya.

Mas nilakasan pa niya ang siko nyia sa akin. Masakit na kaya iyon. "Sige na, sige
na. Kayo na bagay.
Ipakilala mo na kasi ako." Bulong nya ulit.

"Oo na. Wag mo na ako sikuhin." Humarap na ako kay Jeff. "Uh, Jeff. Si Anj pala.
Friend and business
partner ko. Hindi sya nakapunta sa wedding kasi out of the country sya nun eh."

Napatigin naman siya kay Anj. Nilapitan naman siya ni Anj ng nakangiti. Aba ang
magaling kong
bestfriend, nagpapacute pa hata."Hi I'm Anj. I was actually the one who called you,
I hope you don't
mind? By the way, nice butt."

What?! Napanganga naman ako sa sinabi ni Anj. Tiningnan ko ng masama si Anj.


Nakangiti pa rin siya
kay Jeff pero buti naman at napansin niya ang killer gaze ko. " Ah I mean, nice to
meet you!" Biglang
bawi niya kay Jeff. Buti naman mukhang okay lang kay Jeff. Tumango lang siya kay
Anj tapos tumingin
na siya ulit sa akin. Then napatingin siya sa paper bag na hawak ko. Bigla ko
namang tinago sa likod ko
yun. Grabe, sa Bora mo pa yan pwede makita!

Para hindi niya matuunan ng pansin ang paper bag nagsalita na ako. "uhh tara na
Jeff?"

Sumakay na kami ng kotse ako sa harap tapos si Anj sa backseat. Pero syempre hindi
pa rin siya
mapigilan. Ang ingay pa rin niya pero puro tungkol lang naman sa kagwapuhan ni Jeff
ang sinasabi niya.
Kung di lang talaga kita bestfriend!Naku ha. Bumaba muna kami sa isang resto para
mag-dinner.
Tahimik lang si Jeff. Naiirita na kaya siya kay An pero hindi naman siya mukhang
naiinis. More like,
naiilang? After namin kumain, hinatid na namin si Anj.

Nang makarating na kami sa bahay niya, bumaba rin muna ako para ihatid siya sa gate
niya. Nagpaiwan
na lang si Jeff sa kotse pero nakikita pa rin naman niya kami. "Oo na, wag ka na
ma-BV dyan. Niloloko
ko lang naman yung mister mo, ang tahimik kasi tapos di namamansin."

"Uy mabait naman yun noh. Baka na-shock lang sya sa'yo" paliwanag ko. Mabait naman
talaga si Jeff.

"Na-schock sa beauty ko?Haha oo na, mukha namang mabait eh. Padalawin mo kasi lagi
sa shop.
Masasanay din sya sa akin. Ako pa, miss congeniality ako eh."

Ang galing talaga ni master Anj. "Ikaw na, ikaw na talaga Anj!"

Tumawa muna siya at nagsalita "sige na, go na girl. Bumalik ka na dun. Thanks sa
paghatid. Masamang
paghintayin ang gwapo." Kumindat pa siya sa akin. Hilig hata nila ni Kevin ang
kumindat.

"Thanks din Anj ah. Text na lang kita." Nagbeso na kami. Aalis nasa ako nang
biglang may narinig akong
nagsalita.

"Teka, ako ba yung pinag-uusapan nyong gwapo?"

"Kev!" Nasa may pinto siya ng bahay ni Anj. Ito talagang dalawang 'to. May condo
naman si Kev pero
lagi siyang nandito sa bahay ni Anj. Ano kayang kababalaghan ang ginagawa nila?
Joke. Lumabas si Kev
sa gate tapos syempre kiniss niya muna si Anj then he hugged me. "So. Ako ba yung
gwapong sinasabi
nyo?" nakangiting sabi ni Anj.

"Kapal mo, may mas gwapo sa'yo noh." Sabi ni Anj at tinuro pa ang lugar kung nasaan
si Jeff.

"So sinasabi mo bang gwapo talaga ako? Sabi ko na nga ba patay na patay ka sa akin
babe eh."

Inirapan naman ni Anj si Kevin. "Ewww! Grabe ang laki talaga ng ego mo. Feeling
gwapo!" Ang cute
talaga nila. Pero syempre sa mga ganitong pagkakataon, pinagkakaisahan namin si
Anj. Partners in
crime kami nito ni Kev.

"Gwapo naman kasi talaga Anj eh. Diba noh Kev?" Sabi ko naman.

"Yun talaga yun Tin eh. Pero Tin ba talaga ang pangalan mo? Akala ko kasi dyosa.."
Nag-apir kami ni Kev
then inakbayan niya ako. Nagtawanan kami habang si Anj umiirap. Pero for sure
natatawa na rin yan.
Sanay na sanay na yan sa amin.

"Tin." Napalingon naman ako. Hala! si Jeff lumabas na ng kotse at nakalapit na sa


amin. Bakit kasi ang
tagal ko dito ano ba yan?

"Uh Jeff. Sorry ang tagal ko. Si Kevin nga pala. Kev si Jeff pala."

"Ah, boyfriend mo Tin?" Tanong naman sa akin ni Kev. Magkasama kasi sila ni Anj
noong kasal ko.
Nagbakasyon silang dalawa, hindi tuloy sila naka-attend. Pero syempre sinendan ko
naman sila ng
invitation.

"Hindi Kev. Si Jeff sya yung-" Napatigil ako kasi biglang nagsalita si Jeff.

"Asawa nya." Bigla namang nagsalita si Jeff kaya napatingin kami sa kanya.
Nginitian naman siya ni Kev.

"O pare. Ikaw pala yung pinakasalan ni Tin. Kevin nga pala." Inextend ni Kev ang
kamay niya. Hindi siya
kinamayan ni Jeff. Tiningnan lang niya ang kamay tapos tiningnan niya sa mata si
Kev. Bakit parang galit
si Jeff kay Kev? Tapos tumingin na ulit siya sa akin. Or sa akin nga ba? Hindi eh,
more on sa balikat ko?
Hala! naka-akbay pa nga pala sa akin si Kev. Tatanggalin ko na sana ang akbay ni
Kev sa akin nang bigla
niya pang hinigpitan iyong akbay. Hala ka naman Kev. Baka magalit sa akin si Jeff!

"Pare nice to meet you. Ang swerte mo dito kay Tin. Mukhang dyosa 'to eh. Noh Tin?"
sabi niya at
tinitigan ako tapos ngumiti pa siya nang nakakaloko.

"H-huh?" ano daw sabi niya? Pinanlakihan ko na siya ng mata. Please naman Kev
makuha ka sa
tingin.Tinatanggal ko na kasi ang akbay niya sa akin pero ang higpit pa rin ng
hawak. Ano bang problema
ng lalakeng 'to? Tumingin ako kay Anj. Anj help!! Teka nagpipigil ba siya ng tawa?

"Huy. Diba sabi mo kanina. Ikaw dyosa, tapos ako naman gwapo?" super ngiti pa si
Kev. Hala! Makuha
ka sa tingin John Kevin Reyes.

"Ha?" Naguguluhan pa rin ako. Help! Ito na naman si Kev. Ano ba 'yan gusto ko na
umuwi. Di ko pa rin
matanggal ang akbay niya. Nananadya ba 'to?

Hinigpitan niya ang akbay na parang nangyayakap na siya "Sabi ko. Sabi mo sa akin
kanina ang gwapo
ko."

"Oo na. Gwapo ka na. Pwede na ba ako umuwi?" Tinignan ko ulit siya ng masama.

"Tsaka nung isang araw, tsaka nung isang linggo, tsaka nung isang buwan. DIba lagi
mong sinasabi ang
gwapo ko." Ang kulit!

"Oo na Kev. Oo na. Grabe ang gwapo gwapo mo forever, ikaw na talaga!" Humanda ka sa
akin Kevin!
Ngumiti naman ang loko. Ano bang problema?Biglang hinigit ni Jeff ang arm ko at
hinila ako sa tabi niya.
Natanggal tuloy ang pagkaka-akbay ni Kev sa akin tapos nagulat na lang ako nang si
Jeff naman ang
umakbay sa akin. Nakatingin siya ng masama kay Kev.

"Uuwi na kami. Sa bahay namin. Kaming dalawa lang." pinagdiinan pa niya iyong
salitang 'kaming
dalawa lamang' hala! 'Yan yung huling sinabi ni Jeff bago kami pumunta sa kotse.
Lumingon ako saglit at
nakita kong tumatawa si Kev at Anj. Narinig ko pa nga sila nagsasalita habang
papasok sa bahay.

"Ang sama mo babe. Bakit mo ba sila pinagtitripan?" Sabi ni Anj habang natatawa pa
rin.

"Ano ka ba babe. Hindi kasi ako kinamayan nung isa. Tinitingnan ko lang kung anong
ugali. Mukhang
ayos naman, possessive nga lang." Narinig kong sabi ni Kev hanggang nakapasok na
sila ng bahay.
Pumasok na rin kami ni Jeff sa kotse.

On the way na kami ang tahimik lang niya. Galit ba siya kay Anj o kay Kev o sa
akin? Or all of the above?
Pero bakit naman siya magagalit? Dahil maingay si Anj o dahil matagal akong
nakipagkwentuhan at
nainip na siya? Or hindi kaya nagselos siya kay Kev? Imposible. Hindi naman siya
magseselos para sa
akin.

Nakarating na kami sa bahay. Hindi pa rin niya ako kinakausap. Pupunta pa naman
kami Boracay
kinabukasan tapos hindi niya pa ako papansinin. Ang lungkot naman. Umakyat na kami
sa 2nd floor.
Papasok na sana ako sa kwarto ko nang bigla siyang nagsalita.

"Hindi naman sya gwapo." Hindi nakatinging sabi ni Kevin.

Napaharap tuloy ako sa kanya. Nakasuksok sa bulsa niya ang mga kamay niya, tapos
nakaharap nga sa
akin pero nag-iiwas naman ng tingin. Ako naman siguro ang kinakausap niya diba?
Wala namang ibang
tao dito.

"Kung sa tingin mo gwapo sya, ibig sabihin bulag ka." Nagsalita ulit siya. So ako
nga ang kinakausap
niya?

"T-teka. Si Kev ba yung tinutukoy mo?" nakataas isang kilay ko habang sinasabi
iyon.

His nose flared. "Tsk. May nickname ka pa talaga sa kanya?" Hala si Kev nga.

"Uy Jeff. Wag ka na magalit. Kev din naman yung tawag sa kanya ng ibang tao eh.
Nakikigaya lang ako.
Tsaka joke lang naman yung kanina eh. Ganun lang talaga kami ni Kev. Kahit dati pa
man, mahilig lang
talaga kami magbiruan."
"So totoo nga? Matagal na kayong magkakilala?" his jaw clenched. Hala!

"H-Huh? Hindi naman masyado. Nakilala ko lang naman sya dahil kay Anj eh. Naging
magkaibigan lang
kami, siguro kasi lagi ko syang sinasabihan na gwapo."

"TSK. BULAG KA TALAGA!" Dumoble na ang kunot ng noo niya. PATAY! Pumasok na si
Jeff sa kwarto
niya at todo baliabag sa pagsarado ng pinto. Hala naman Tin! Bakit ang palpak mo.
Ano ba 'yang bibig
mo, kung anu ano ang sinasabi mas nagalit tuloy. Palakad lakad lang ako sa harap ng
pinto ng kwarto
niya. Kakatok ba ako? Magsosorry na ba ako? Oo Tin. Kailangan mo mag-sorry. Hindi
pwedeng
nagagalit sya sa'yo. Hindi talaga pwede. Pero bakit every time kakatok na ako sa
pinto niya, nawawalan
ako ng lakas ng loob. Pero may naisip ako.

Tumakbo ako sa kwarto ko at kumuha ng papel at pentel pen. Nagsulat na ako. Lumabas
na ako ulit at
humarap sa kwarto niya. Please Jeff, wag ka na magalit. Umupo ako sa tapat ng pinto
at shinoot ko na
ang sinulat ko sa ilalim ng pinto niya. Tapos tumayo na ako at mabilis na pumasok
sa kwarto ko. Sana
mabasa niya at sana bukas hindi na siya galit sa akin. Well anyway, inayos ko na
ang mga damit ko then
nagshower na ako. Nagbihis na ako at naghanda na akong matulog nang may napansin
akong papel sa
may pinto ko. Dali dali kong pinuntahan at pinulot 'yun. Ito din naman yung sinulat
ko kanina eh.

'JEFF! IKAW TALAGA ANG PINAKAGWAPO SA WHOLE WIDE WORLD!! ^_^'

May smiley pa akong nilagay dun. Binalik nya lang ba? Kung ganun, galit pa din
siya? Nalungkot naman
ako. Pabalik na ako ng kama nang may napansin akong nakasulat sa likod ng papel.
Teka, sinulatan din
ba ako ni Jeff? Tinignan ko ang likod nito at nagulat ako may nakasulat.

'BUTI ALAM MO.'

WOW!Sulat nya nga 'to! Nagreply siya. Lumabas ako ng pinto at sinilip kung nandun
pa siya pero wala
na sya. Siguro pumasok na siya ulit sa kwarto niya. Ibig sabihin, hindi na sya
galit diba? Ayos 'to, for sure
magiging masaya ang byahe namin papuntang Bora. Tinago ko ang papel sa cabinet ko.
First sulat sa
akin 'to ni Jeff. Ipapaframe ko!

Nang dahil ditto natulog akong nakangiti. Hindi ko na tuloy napansin ang taong
minamatyagan ako mula
sa bintana. May nakita kasi akong anino.

*******************************************
[12] GREATEST FEAR
*******************************************
CHAPTER 11

GREATEST FEAR

Nandito na kami sa airplane papuntang Bora. After nito, may boat ride daw para
makarating kami sa
hotel na inupahan ng kumpanya ni Jeff para lang sa company outing na 'to. 4am pa
nga lang gising na
kami, and I think hindi na naman galit si Jeff sa akin lalo pa nang nasabi kong
boyfriend naman ni Anj si
Kev. Nakita ko sina Bessie, Rey, Paul at iba pa nyang ka-officemate kanina sa
airport. Kilalang-kilala na
naman nila ako dahil sa aking pagpapa-impress dati sa may building nila. Nung una,
medyo nahihiya pa
silang lapitan ako dahil si Jeff tahimik lang, and parang buong opisina pala
natatakot sa kanya. So
nilapitan ko sila at nakipagchikahan. Natuwa pa ako kasi iyong ibang lawyers kasama
nila ang mga anak
nila, so pinagkukurot ko ang pisngi at nakipagkwentuhan ako sa mga mag-asawa. Iyong
mga may bitbit
naman na girlfriend, chinika ko rin. After all, 21 pa lang din naman ako. Siguro if
hindi kami arranged
marriage ni Jeff, girlfriend pa lang niya ako ngayon. Ay ambisyosa Tin?!

Speaking of Jeff, magkatabi kami ngayon sa airplane kaya lang tulog siya. Kanina
kasi sa airport habang
nakikipagkwentuhan ako may ginagawa siyang stuff sa laptop niya. Siguro sa Bora
puro trabaho lang
din siya aba hindi pwede iyon. Dapat mag-enjoy din siya pero sa bagay, may dala rin
naman akong mga
pang-paint. For sure habang nagtatrabaho si Jeff pwede akong magpinta. Pero ngayon
tinititigan ko
'tong si Jeff. Ang gwapo talaga niya. Ang haba ng pilikmata tapos ang tangos ng
ilong. Wala man lang
kapimple pimple sa mukha. Mas lalo pa siyang gumwapo dahil tulog siya. Meaning,
hindi nakakunot
ang kilay niya at hindi galit. Nakaka-inlove talaga!

What if magnakaw kaya ako ng kiss sa lips sa kanya? Tumingin-tingin ako sa paligid
tulog naman sila and
if may gising man, hindi naman sila nakatingin sa akin. Hindi ko kasi masyado
naramdaman iyong kiss
namin nung kasal, kaya pwede ko naman siguro siyang halikan nang hindi niya rin
nararamdaman. Hindi
naman niya alam, sikreto lamang. Pumwesto na ako. Lord promise, 5 seconds lang
talaga, hindi ko
naman po sya rarape-in. Nilapit ko na ang mukha ko at nginuso ang lips ko. Lumapit
ang mukha ko sa
mukha niya tapos lumapit pa ulit ako. Pinikit ko pa ang mga mata ko. Ito na,
malapit na...

"Excuse me ma'am." Nagulat naman ako at biglang napa-ayos ng upo. Nakatingin sa


akin ang
stewardess na may awkward na ngiti. "Uh, I just want to ask if you want to have
water, juice, or
coffee?"
Nakakahiya naman ang mga pinag-gagagawa ko. "Uh-h." Umubo-ubo ako para maayos ang
boses ko.
"S-sige miss bottled water na lang." Binigyan naman niya ako tapos tinanong niya if
ano iyong kay Jeff.
"Uhm, sige water na lang din sya. Ibibigay ko na lang sa kanya mamaya pag nagising
na sya." Binigyan
niya ulit ako tapos nag-move on na siya sa iba pang pasahero.

Nakakahiya talaga baka sabihin niya pinagnanasahan ko si Jeff. Well pinagnanasaan


ko naman talaga,
pero syempre dapat konting demure. Maya maya pa, nagising na rin si Jeff tapos
lumapag na ang
airplane. Binigay ko ang water niya at nagstart na kami sa boat ride. Nnakikita ko
na ang blue sea at
white sand. Nang makarating na kami sa hotel, lunch time na halos so kakain daw
muna bago sila
magstart mag-company conference. Mga 1pm na lang daw sila magmimeet, so baka
mamayang hapon
ko na ulit makita si Jeff. Pero kasi, hindi naman 'yan ang main concern ngayon. Ang
pinaka-nakakaloka
talaga ay ang malaman kong sa isang kwarto lang kami magstastay ni Jeff.

"Bessie. Isang kwarto lang ba talaga yung naka-book para sa amin ni Jeff?" tanong
ko kay Bessie at
hawak hawak ang ilang gamit naming ni Jeff.

"Well, mag-asawa naman kayo Ms. Tin. Kaya isa lang talaga dapat." Sabi ni Bessie at
may chine-check
na sa may folder. Magrereklamo pa ba ako? syempre kung pwede lang mag cartwheel
dito ginawa ko
na. YES! First time namin matutulog sa isang kwarto ni Jeff. Mag-ingat ka Jeff,
baka gapangin kita
mamayang gabi. Nag-elevator na kami papuntang kwarto naming room 502. Si Jeff naman
nakakunot
na naman ang noo. Galit na naman kaya 'to? Sa bagay, ayaw niya siguro ako makasama
sa iisang
kwarto. Tahimik lang kami nag-ayos ng gamit namin. Iisa lang ang kamay. Alam na!
After namin
magfreshen up, bumaba na kami para kumain. Then after, umalis na agad si Jeff at
sinimulan na iyong
conference nila. Naiwan naman ako at nakipagkwentuhan na lang ulit sa mga babaeng
naiwan din yung
mga anak naman nila takbo lang ng takbo around the hall.

Nakita iyong isa bata takbo ng takbo. "Ang cute naman ng mga anak niyo." Sabi ko sa
kanila habang
naka-smile.

"Hay nako. Cute nga pero kapag umiyak naman. Naku! Lalo na kapag gabi, hindi ka
makatulog." Sabi
nung blonde na hair.

"Sinabi mo pa. Minsan nga magwawala pa 'yan sa mall kapag hindi nabilhan ng laruan
na gusto." Sabi
naman nung brown hair na wife.

Napatingin naman ako dun sa isang babae kasi napahagikgik siya. "Masaya gumawa ng
baby pero
kapag pinanganak na, mahirap na alagaan." Sabi naman nung babaeng black hair. Lahat
sila may mga
anak na kasi tungkol sa mga anak nila iyong pinag-uusapan. Nagtawanan naman sila at
nakitawa na rin
ako. Iba na talaga ang topics ng kwentuhan kapag may mga asawa na.

"Ikaw Tin. Wala pa ba kayong balak magka-anak ni Mr. Lee?" sabi naman nung babaeng
parang brown
na black na hair.

"Uhm." Ngumiti lang ako then uminom ng tubig. Ano nga ba dapat ang isagot sa mga
ganito?

"Syempre wala pa yan. Bagong kasal pa lang eh. Nag-eenjoy pa ang dalawang 'yan.
Tama ba Tin?
Magaling ba sa kama ang mister mo?" sabi nung black haired na babae. Nabuga ko
naman 'yung
iniinom ko. Medyo nasamid at naubo tuloy ako , binigyan naman nila ako ng tissue.

"Ok ka lang ba?" tanong nila nang nakalapit sa akin.

"Ah, o-ok lang. Sorry." sabi ko habang pinupunasan ang bibig ko. Tin, nakakahiya ka
naman! Nagulat
kasi ako. Ano ba ang dapat kong isagot? Hindi naman pwedeng sabihin kong wala pang
nagyayari sa
amin ni Jeff diba? Kahit nga kiss, isang beses pa lang.

"Hay naku. Naalala ko nung bagong kasal kami, halos hindi kami lumalabas ng kwarto
ng mister ko.
Masyado kaming busy." Sabi ni wife na black na brown haired habang ngumingiti ng
nakakaloko.

Napatingin naman ako dun sa isang wife kasi pinalo niya pa iyong mesa bago
magsalita. "Kami din noh.
Nung naghoneymoon kami, dun ko lang din nalaman na masyado palang masipag ang
mister ko!"
parang pagyayabang nung wife na blonde haired.

Nagtawanan naman ulit ang lahat, nakitawa na rin ako. Naku naman Jeff bakit nga ba
ako ulit naiwan
dito? "Eh ikaw Tin. Medyo seryoso kasi si Mr. Lee kapag nakikita ko sya sa opisina.
Pero kapag gabi ba,
eh sweet lover din sya?"

"Magaling ba?"

Nakatingin sila sa akin naghihintay ng sagot ko. Ganito ba talaga sila ka-curious?
Nakatingin lang din ako
sa kanila. Sabihin na lang nating, hindi ko alam ang sagot.

"Oh bakit Tin. Hindi ba magaling?" tanong nung isa.

"Naku sinasabi ko na nga ba, lagi kasing nagtatrabaho si Mr. Lee kaya siguro
napapabayaan ang asawa
nya." Tanong ulit. Kalian ba matatapos ang mga tanong na ito?

"Hay buti pa ang mister ko, kahit galing sa trabaho, magaling pa din." Tumingin
naman ako dun sa
nagsalita super smile siya noong sinabi niya iyon.
Tapos tumingin sila sa akin ng parang naaawa? Pagalingan ba 'to ng mister? Hala
hindi 'to pwede. "U-uy
magaling din ang mister ko ah! Oo. Oo. Magaling, magaling talaga si Jeff."

Naka-thumbs up pa ako niyan. Okay lang naman 'yung sinabi ko di ba? Ok naman hata
dahil
nagtawanan sila at ngumiti ng nakakaloko sa akin. Hala! ano bang sinasabi ko?

"Talaga Tin? Naku sinasabi ko na nga ba, malaki siguro noh?"

WHAT?! Anong malaki ba iyon? Malaking pagmamahal ba? "A-ano? Anong malaki?" sabi
ko habang
nakataas iyong kilay ko.

"Alam mo na! Yung ano, yung ano nya..."

Hala parang alam ko na. Ano naman isasagot ko dyan, hindi ko pa naman nakikita.
Ikaw talaga Tin may
planong makita! "Syempre malaki! MALAKI TALAGA! GRABE SA LAKI!"Tumayo pa ako niyan
para may
conviction. Joke lang, tumayo ako kasi kailangan ko na mag-isip ng paraan para
makaalis. Kapag
nagtagal pa ako dito, siguradong mabubuko nila na nagsisinunggaling lang ako.

"Aray." Bigla kong hinawakan ang tyan ko. "Ang sakit." Sige lang Tin. Hahaba na ang
ilong mo any
moment.

"Ok ka lang ba? Masakit ba ang tyan mo?"

"Oh my gosh. Hindi kaya buntis ka???"

"Oo nga! Baka buntis ka! Ganyan din ako dati. Bigla na lang sumasakit ang tyan ko."
Sunod sunod nilang
panukala sa akin. Grabe naman! Nag-iimbento nga lang ako na masakit ang tyan,
buntis agad? Hindi ba
pwedeng tinatawag lang ni inidoro?

"T-teka. Hindi ako buntis. Ano lang, uhm, madami lang ako nakain kaya, medyo
sumakit. Sige mauuna
na ako. Hindi ko na mapigilan, kailangan ko na ata pumunta ng cr. See you later na
lang ha!"
pagkukunwari ko. Sana kagatin naman nila iyon.

At bago pa sila makahirit na pigilan ako ay naglakad na ako ng mabilis. Dumiretso


na ako sa kwarto
namin ni Jeff. Dito muna ako baka mahuli nila ako at iinterrogate ulit. Umupo ako
sa kama at nanood
muna ng tv. Tapos nagbasa-basa ng konti tapos nood ulit ng tv. Hanggang sa parang
bumibigat na ang
mata ko at napapikit na ako.

Pero feeling ko parang may nakatingin sa akin. Binuksan ko 'yung isa kong mata
kisame lang ang nakita
ko. Binuksan ko pa 'yung isa kong mata kisame ulit. Dahan-dahan akong umupo habang
naghihikab.

"Jeff?!" Hala. Bakit nandito siya? Tapos na ba agad ang meeting nila? Sa bagay,
naka t-shirt at jogging
pants na siya. Nakaupo lang siya dun sa sala sa tapat ng kama, nagbabasa. Pero nung
tinawag ko ang
pangalan niya, napatingin siya sa akin. Siya kaya yung feeling ko na nakatitig sa
akin kanina? Imposible,
bakit naman ako tititigan ni Jeff habang natutulog?

"Uhm, kanina ka pa ba nakabalik? Tapos na ba yung meeting nyo?" Tanong ko habang


kinukusot ang
mga mata ko.

"Hmm." Sabi niya tapos tingin sa relo niya. "Alam mo ba kung oras na?"

"Huh? Hindi ko alam eh, nakatulog kasi ako sandali." Sinusuklay ko naman ang buhok
ko gamit ang mga
kamay ko. Please Lord sana hindi ako mukhang bruha dahil bagong gising.

"Nakatulog ng sandali?" Ayan na naman siya nagpipigil ng ngiti. Then tumingin na


siya ulit sa libro niya.
"Alas-sais na."

"Ahh, alas-sais na pala. Kaya pala nandito ka na-- WAIT TEKA! HUH? Alas-sais na??
As in 6pm??" Lumaki
naman ang mata ko sa narinig ko. Seriously?

Tumingin ako sa may glass window ng room. Hala madilim na nga. Pumunta ka pa talaga
all the way to
Bora para matulog? Hindi 'to pwede! Kailangan ko lubus lubusing ang stay ko dito
para maka-bonding si
Jeff.

Lumapit naman ako sa kanya at siniksik ang sarili ko, lumayo naman agad si Jeff.
"Uy Jeff! Sakto hindi na
maaraw, tara swimming tayo?"

"Ayoko." Mabilis niyang sabi nang hindi man lang inaalis ang mga mata niya sa
libro. Tumayo ako at
kinuha ang kamay niya.

"Sige na Jeff!! Tapos na naman yung meeting nyo diba? Bukas pa naman yung susunod
eh. Swimming
na tayo ngayon!"

Tinignan naman ni Jeff yung kamay kong nakahawak sa kamay niya. Inalis ko nama agad
iyon. "Ikaw na
lang mag-isa." Nakatingin pa rin siya sa libro noong sinabi niya iyon.

"Sige na naman o. Minsan lang naman tayo magpunta sa Bora eh. Please please
please!" pinagdaop ko
pa ang palad ko para lang mapapayag siya.

"Busy ako." Sa sobrang busy, hindi man lang magawang tumingin sa akin? Itong
lalakeng 'to talaga
Ayaw mo akong pansinin. Tumayo ako at pumunta ng cr. Ngayon na ang nararapat na
panahon para
isuot ang aking bikini. Lagot ka sa akin. Siguradong titingnan mo na ako.

Nang nasuot ko na, lumabas na ako ng cr at tumayo sa harap niya. Nakatingin pa rin
siya sa libro niya.
"Game na Jeff! Ready na ako! Tara na!" nakapameywang kong sabi.
"Busy nga ako. Hindi ako sasama." Nakatingin pa rin siya sa libro. Busy pala huh.
Hinugot ko ng biglaan
ang libro niya. Sorry naman, ayaw mo kasi akong tingnan.

"ANO SA TINGIN MONG-" Napatigil sya sa pagsasalita, I mean pagsigaw, nang makita
ako. Tapos
tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Nginitian ko pa siya ng aking sweetest
smile.

"Tara na Jeff? Swimming na tayo?"Matching beautiful eyes and pouty lips. Yes!
Effective to.

Mga ilang sandali pa ng katahimikan. Masyado ba syang speecheless sa beauty ko? "L-
LALABAS KA NG
NAKA-GANYAN?! MAGPALIT KA NGA!!"

Sabi ko nga hindi siya speechless. Bakit naman siya naka-sigaw na naman? Hindi ba
niya nagustuhan
ang suot ko? Ilang oras din 'to pinili ni Anj. Ilang bikini rin ang sinukat ko bago
ito napili. Naka-pout na
ako. Grabe talaga 'to si Jeff.

"ITIGIL MO NGA 'YAN! WAG KA NGANG... NGUMUSO NGUSO DYAN!" his nose flared.

Sabi ko nga eh. Ano ba yan, ang dami namang bawal. Dapat kasi hindi ko na lang siya
pinilit
magswimming, ayan tuloy nagalit sa akin. Nakasigaw na naman. Bigla namang may nag-
doorbell.
Panahon ko na 'to para makabawi.

"Wait lang Jeff. Relax ka lang dyan. Ako na ang bahala magbukas ng pinto. Ito na
o." Binalik ko na ang
libro sa kanya then naglakad ako papunta sa may pinto. Ayos! Sana hindi na siya
magalit sa akin. Narinig
ko siyang parang nagmamadaling tumayo.

"SANDALI NGA! WAG MO NGA BUKSAN YUNG PINTO! MAGPALIT KA MUNA NG DAMIT!" Sobra yung
kunot ng noo niya.

Nandito na ako sa harap ng pinto. Nabuksan ko na ng konti nang may humigit sa akin
at may nagsuot ng
t-shirt. Hala si Jeff topless na. Bakit niya ba binigay iyong damit niya sa akin?

"Tin? Ok ka lang ba? Nag-aalala kasi sa'yo ang mga-"Since nabuksan ko na ng konti
ang pinto kanina,
natulak na pala ito nung nag-doorbell. Apparently, isa siya dun sa mga wives na
nakakwentuhan ko
kanina.

"Oh. Mr Lee! Andito ka na pala. Kanina kasi sumakit yung tyan ni Tin kaya
kinakamusta lang namin sya."
Sabi nya nang may awkward na ngiti habang nakatingin kay Jeff. Tama na ang
pagtittig please.
Hanggang mukha lang dapat, hindi na kasama ang abs sa mga tinitingnan.

"Uhm. Ok lang ako. Sorry medyo, madami lang talaga akong nakain kanina." Singit ko
naman.
Napatingin naman siya sa akin. Napansin niya rin na ang suot ko lang ay ang t-shirt
ni Jeff. Tapos
nagpapalit-palit 'yung tingin niya sa amin ni Jeff.

"Ahh. Of course of course. Nag-alala lang kami since hindi ka pa lumalabas ng


kwarto. Well apparently,
busy ata kayo ni Mr. Lee." Sabi niya habang may nakakalokong ngiti.

Napanganga naman ako sa sinabi niya. "Ehem. May sasabihin pa ba kayo Mrs.
Nemenzo?" Bigla
namang nagsalita itong si Jeff.

"Ahh. Mr. Lee. Actually wala na. I-I should really leave. Nakaka-istorbo ata ako."
Ngumiti na naman
siya then nagpaalam na rin siya sa akin. Nang umalis na siya, pumasok na ulit si
Jeff sa loob. Kukuha na
ba siya ng damit ulit? Wait wag muna, patingin ng abs.

"Ah Jeff! Wag ka muna magbihis!" Napatingin naman siya sa akin. Napatingin naman
ako sa bandang
tiyan niya. Confirm may abs nga! "Ah, ang ibig kong sabihin, hindi na ba talaga
tayo magsiswimming?"
palusot ko at iniwas ang tingin.

"Hindi na. Bawal ka lumabas. Magpadeliver na lang tayo ng dinner dito." Hindi niya
nakatingin na sabi sa
akin. Galit pa rin kaya siya? Pero ok na din 'to. Dahil kami lang naman magkasama
dito sa kwarto, okay
lang na ma-stuck ako dito forever. Tumawag na ako sa lobby para magpa-room service.
Si Jeff naman
nagsuot na ulit ng t-shirt. Sayang ang ganda pa naman ng view! Joke! . Ako syempre,
suot pa rin 'yung
damit niya. Ang bango kaya at saka hindi naman niya binabawi so hindi ko rin muna
sinasauli.

Maya maya pa may nag-door bell ulit sa pinto naming for sure iyong dinner na namin
'yan. "Ako na."
Tumayo na si Jeff at binuksan ang pinto. May pumasok na lalake na may tinutulak na
lalagyan ng food.

"Pakilagay na lang dyan." Seryosong sabi ni Jeff.

Tinignan naman nung waiter si Jeff. "Yes sir."

Napalapit ako sa waiter nung makita kong parang special 'yung hinanda sa amin.
"Wow. May candles
pang kasama!"

Natuwa naman ako para kasing ang romantic. Dinner with Jeff sa Bora at may candles
pa talagang
kasama.

Napansin naman ako nung waiter. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Na-ilang
naman ako T-
shirt lang kasi ni Jeff ang suot ko so maikli. Demure naman kasi ako talaga kay
Jeff lang ako nagiging
aggressive.

Ngumiti naman iyong waiter sa akin."Ah. Kasama po talaga ang candles kapag
nagrequest ng dinner
ang mga nasa couple suite."

"Ahh. Talaga?" Tumatango tango ako habang tinititigan 'yung candles.

"Actually... kung gusto nyo po pwede ako magdala ng flowers dito." Sabi nung
waiter habang
kumikindat sa akin? Kumindat nga ba sya?

Bigla namang humarang si Jeff sa gitna namin. Natakpan niya tuloy ako parang
tinatago niya ako sa
waiter."Umalis ka na kung ayaw mo pang mawalan ng trabaho." Sabi ni Jeff sa
nakakatakot na boses.
Kinabahan hata ang waiter at dali-dali nang umalis.

"t-teka Jeff. Hindi pa natin sya nabibigyan ng tip." Tinitignan ko iyong


nagmamadaling waiter at
sumisilip na lang nun kasi nakaharang si Jeff.

"Tsk. Wag mo nga syang intindihin!" sabi naman ni Jeff tapos umupo na siya para
kumain. Umupo na
rin ako tapos kumain na kami.

"Psst. Jeff. Bakit ba ayaw mo magswimming? Hindi ka ba marunong lumangoy?" Baka


hindi naman kasi
siya marunong lumangoy, kung gusto niya turuan ko siya.

"Tsk. Ano bang tanong yan?" biglang tingin ng masama sa akin ni Jeff.

"Hmm. Kung marunong ka lumangoy, pero ayaw mo pa din magswimming, ibig sabihin...
takot ka sa
sharks?"

Napatigil siya ng pagkain at napatingin sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Sharks? Sa Boracay? Nagpapatawa ka ba?" Kumunot na rin ang noo niya.

"Akala mo lang wala Jeff. Pero malay natin, habang nagsiswimming tayo, may biglang
kumagat sa ating
mga pating. Pero wag ka mag-takot. Siguro hindi ka naman nila kakagatin eh."

Baka kasi ayaw ng mga pating ng masungit? Pero malay din natin! "Hindi kaya
sinasabi mo 'to, dahil
ikaw ang takot sa mga pating?" biglang ngisi ni Jeff.

"Huh? Sus hindi ako takot sa sharks noh! Wala kaya akong kinatatakutan." Sabi ko at
nakangiti ng todo
kay Jeff.

"Wala? Kahit ano?" napataas ang mga kilay ni Jeff. Saan nga ba ako natatakot?
parang wala naman.

"Totoo wala nga!" Tinaas ko pa ang right hand ko.

"Diba natakot ka nung nawalan ng ilaw sa bahay dati?" nakangisi niyang sabi.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Huh? Hindi naman ako natakot dahil sa brown-out
eh. Natakot lang
ako na baka hindi kita mahanap on time. Di ako papayag na hindi kita pwedeng
kausapin noh."
Napa-iwas ng tingin sa akin si Jeff. Panigurado mayamaya, mamumula na tenga nyan.
"Sigurado takot
ka sa heights."

"Hindi noh! Nagbungee jumping pa nga ako sa building nyo para ma-impress ka eh."
Namumula na ang
tenga o.

"Siguro takot ka sa kulog? Sa clown? O sa karayom?" sunod sunod niyang tanong.

"Nope nope nope. Hindi talaga ako takot dyan. Fierce ako fierce. " Pinapakita ko pa
kunwari ang
muscles ko.

"Ano ba talagang kinatatakutan mo?" Napaisip din si Jeff. Napaisip din ako. Tuloy-
tuloy pa rin sa
panghuhula si Jeff parang ayaw niya hatang tanggapin na wala akong kinatatakutan.

Natapos na kami sa pagkain. Kinuha na niya iyong pinagkainan namin then nauna na
akong
magshower. Tapos si Jeff naman sunod. Nakaupo lang ako sa kama. Kinakabahan ako
dalawa lang kasi
kami sa kwarto and isa lang ang kama.Oops! Tin Bawal man-rape! Joke! Kaya lang
paglabas ni Jeff sa
c.r., dumiretso agad siya sa sala.

"T-teka Jeff. Dyan ka ba matutulog?" Humiga na siya sa sofa at akmang matutulog na.

"Wait lang! Dito ka na lang sa kama. Baka kasi, hindi ka kumportable dyan?"
Napatayo naman ako sa
kinahihigaan ko.

"Matulog ka na. Dito na lang ako." Umusad naman ako sa gilid ng kama at humiga.
Grabe. Ayaw noya
ba talaga ako makatabi? Pero kawawa naman kasi siya dun sa sofa baka sumakit ang
likod niya.

"Uhm, ok lang naman kung ako na lang dyan sa sofa eh. Dito ka na lang Jeff sa
kama."

"Sa tingin mo papatulugin kita dito? Matulog ka na dyan." Sabi ni Jeff at


tinalukbun ang unan sa ulo
niya.

Nakakalungkot naman ako na nga ang concern sa kanya. "Pero kasi... "

Pero maya maya tumakbo ako papunta sa sofa. "JEFF! JEFF!!! AGH!" Napatayo rin
naman siya
automatically.

"Anong nangyari?! Bakit ka sumisigaw??" nakakunot na naman ang noo niya.

"May ipis! MAY FLYING IPIS! AGH!" turo ako ng turo sa may kama.

Sumiksik ako kay Jeff. "Tsk. Ipis lang sumisigaw ka na? Akala ko ba wala kang
kinatatakutan?"

"Ibang level naman yung flying ipis eh! Jeff, pano yung ipis!" Halos isiksik ko na
pati kaluluwa ko kay
Jeff. Joke!

"Tsk. Sandali nga." Kinuha ni Jeff ang tsinelas niya tapos pumunta sa may kama.
"Asan ba dito?"

"Andyan lang siguro! Kanina lumilipad lang sya dyan eh." Tumayo rin ako at pumunta
sa pwesto ni Jeff
para sabihan kung nasaan iyong ipis. "Jeff!! Andun na sya sa may sofa!! Pumasok
sya sa ilalaim ng
sofa!!" Siniksik ko ulit ang ulo ko sa bandang kili kili ni Jeff. Infairness ang
bango!

"Ah. Mamamatay din yan." Lumapit na siya ulit sa sofa at humiga. Iniwan niya akong
nakatayo sa may
kama.

Tumakbo naman ako kay Jeff. "Teka Jeff! Umalis ka dyan! Baka kagatin ka ng ipis!
Pano na!" super
worry ako kasi baka makagat siya ng ipis saying ang skin.

"Tsk. Walang namamatay sa kagat ng ipis." Sabi niya at nagtalukbun ulit.

Sumiksik ulit ako sa kanya "Pero isa syang flying ipis! Tapos ang laki
nya!"Dinemonstrate ko pa kung
gaano kalaki iyong ipis.

"Matulog ka na nga lang Tin." Walang kaimik imik niyang sagot.

"Pero paano kung lumabas dyan yung flying ipis tapos kagatin ka at kagatin din ako?
Pano na Jeff!!"
Super siksik ako sa kanya.

"Haist!" Napa-upo na siya sa sofa. "Wala ka pa lang kinatatakutan huh. Ipis lang,
sigaw na ng sigaw"
Sinuklay niya yung kamay niya sa buhok niya tapos tumayo. "Fine." Bulong niya tapos
naglakad siya
papunta sa kama. Pagkatapos ay humiga na.

Napansin niyang nakatitig lang ako sa kanya. "Matulog ka na nga dito. Bilis na!
Hindi ka na kakagatin ng
ipis dahil andito ako."

Ngumiti naman ako at nahiga na rin katabi niya. First time ko makatulog katabi si
Jeff. Pinikit ko na ang
mga mata ko. Pero paano naman ako makakatulog nito, eh katabi ko lang ang
pinapangarap ko? Ang
landi Tin? Kaya lang mayamaya, nahiga siya sa gilid niya kaya nakatalikod na siya
sa akin. Ako naman,
tinitingnan ko lang ang likod niya.

Tulog na kaya si Jeff? "Jeff? Tulog ka na ba?"

Walang sagot, siguro tulog na nga siya. Kaya nagmonologue na lang ako. "Sorry ah.
Inimbento ko lang
naman yung ipis eh. Wala naman talaga. Tsaka, hindi naman talaga ako takot dun!
Naisip ko lang, nung
tinanong mo ako kung ano ang pinaka kinatatakutan ko? Isa lang naman talaga eh-ang
mawala ka Jeff...
Naks Tin ang cheesy mo ah. Matulog ka na nga."

Nababaliw na hata ako pero this time, nakatulog na ako. Hindi ko man lang napansin
na namumula na
pala ng todo ang tenga ni Jeff, dahil kahit anong gawin niya, hindi rin siya
makatulog.

Parehas kaming iniisip ang isa't isa. Joke!

*******************************************
[13] FIRST OBSTACLE
*******************************************
CHAPTER 12

FIRST OBSTACLE

Alam mo iyong feeling na ayaw mo pang gumising kasi ang ganda pa ng panaginip mo?
'Yung nandun ka
na sa pinakamagandang part pero dahil nasisisilaw ka na sa sikat ng araw wala ka ng
ibang choice kung
hindi bumangon? Actually may isang choice ka pa. Pinatong ko ang unan sa mukha ko.
Voila! Madilim
na ulit. Okay! game panaginip, where are we again? Oo tama 'yung natulog kaming
magkatabi ni Jeff.
Nag-isip pa ako kung panaginip iyon. Teka, panaginip nga ba iyon?

Napabangon ako agad at tiningnan ang katabi ko. "Jeff?!" Walang reply. Wala naman
kasi akong katabi.
Teka, napanaginipan ko nga ba talaga ang lahat? Pero super natatandaan kong sumigaw
ako ng
ipis.Tiningnan ko ang paligid then tumakbo ako sa may glass window nasa Bora naman
ako. Hindi
naman 'to panaginip. Pero bakit wala na si Jeff? Na saan na ba siya? Lalabas na
sana ako ng kwarto para
hanapin siya, nang may napansin akong note sa may table.

Went to meeting. Just go down for breakfast. -JL

JL?! Sinulatan ako ni John Lloyd? Mas gwapo naman si Jeff ko dun. Pero speaking of
notes, simula nang
pumunta ako sa Bora, wala na akong natatanggap na scary letters. Ibig sabihin, baka
ang nagpapadala
nun sa akin ay hindi ako nasundan. Ayoko muna siyang isipin. Tiningnan ko ang
orasan, 9am na. Grabe
ka Tin, wala kang ginawa kung hindi matulog sa Bora. Hindi ko pa tuloy naabutan ang
pag-alis ni Jeff.
Sigurado mga lunch time pa sila matatapos. Ano kayang gagawin ko?

Naligo na ako tapos nagshorts at t-shirt. Hindi naman siguro magagalit si Jeff sa
suot ko. Hindi naman 'to
kasing daring ng bikini. Dinala ko na ang mga kailangan ko. Nagslippers na lang din
ako tapos lumabas na
ng hotel. Saan kaya ako magpipinta? Naglakad lakad ako hanggang makarating ako sa
may shore. Ayos
'to, ang sarap ipinta ng dagat ngayon. Pumili ako ng lugar na walang masyadong tao
then sinet-up ko na
ang mga materials ko at nagsimula na akong magpinta.
Grabe ang ganda talaga ng dagat. Ang sarap pa ng hangin ditto kaya kahit medyo
nagugulo ang buhok
ko pero okay lang. Sana magustuhan 'to ni Jeff para kapag stressed siya, titingnan
niya lang ang
painting ko, at marerelax na siya ulit. Ilalagay ko 'to sa may living room sa
bahay.

At katulad nga ng nangyayari sa akin every time nagpipinta ako, nawawalan na naman
ako ng sense of
time and space. Masyado na naman akong nalulunod sa mga pinipinta ko, kaya hindi ko
namalayan
kung na saan ako at kung anong oras na. Nang matapos ko na pinagmasdan ko muna.
Sana
magustuhan 'to ni Jeff.

Pero nagulat ako ng bigla na lang may nagpalakpakan. Napatingin ako sa paligid ko.
Hala,
pinagkukumpulan na pala ako ng mga tao.

"Ang ganda naman ng drawing mo ate!" Sabi ng isang bata. Ang cute naman niya ang
taba taba.

"It's beautiful iha! Saan ka natuto mag-paint?" Sabi naman nung isang medyo ka-age
ni mom na babae.

"Very nice painting! WIll you sell it to me?" Hala pati isang amerikano nakikinood
din pala.

"Ang ganda nga. Sobrang ganda." Sabi naman nung isang teenager na lalaki. Pero
hindi naman siya
nakatingin sa painting ko sa akin siya nakatingin? Binatukan naman siya nung
kaibigan niya.

"Nangunguna ka huh. Walang talo-talo pare." Sabi nung isa pang teenager at ngumiti
rin siya sa akin.

Ngumiti rin ako sa kanila tapos todo thank you ako. Pero sorry hindi ko siya
ibebenta. Remembrance ko
'to sa Bora. Binigyan ko na lang sila ng number ng shop namin ni Anj. O ayan Anj
ha, kahit nasa
bakasyon ako, eh kumikita pa rin.

"Hmp. Hindi naman masyado maganda." Napatingin naman ako sa nagsalita. Isang babae
na nakataas
ang kilay ang nakatitig sa akin. Siguro mga kasing-age ko rin 'to. Ngumiti na lang
ako. Just to be polite.
Maya maya pa, umalis na ang mga tao tapos niligpit ko na ang mga gamit ko. Sakto
lunch time na. Sana
tapos na si Jeff para sabay na kami.

Naglalakad na ako pabalik sa hotel nang sinabayan ako ni Miss Taas Kilay. "So.
Where did you get your
nose?" sabi niya.

Naguluhan naman ako sa sinabi niya. "Huh?"

"I mean, it's fake right? I got mine from the Netherlands." Aniya.
Napahawak naman ako sa ilong ko, mukha ba talagang fake? "Uhm." Hindi ko naman alam
ang
sasabihin ko.

"Oh well. Nevermind. Bakit mo nga pala ako sinusundan?" Iniba na niya ang usapan.
Napataas na rin
ako ng kilay sa sinabi niya.

"E-Ehh?"Sinusundan ko ba siya? Siya naman' yung unang sumunod sa akin.

"Hay. If you think I'm buying your painting, forget it. I don't even like it."
Nakataas pa rin ang kilay niya.
Ganun na ba talaga iyong kilay niya?

Nag hair-flip pa siya. Teka, diba sabi ko naman hindi ko ibebenta ang painting na
'to? Medyo ang weird
niya hata kausap. "Uhm, actually hindi naman kita sinusundan. Dito lang din yung
daan papunta sa
hotel ko." I said politely.

Medyo napahinto siya sa paglalakad at nagsalita. "YOUR hotel? What's the name?"

Inisip ko muna ito. Ano ba iyon? Ah!"Ah, Regency?"

Bigla naman siyang natawa. 'Yung tawa na parang nang-iinis. "YOUR hotel? Ang
Regency? Ha! Stop
pretending, you social climber. That is MY hotel." Super emphasize pa siya ng
'your' tapos 'my'. May
problem aba?

Hala. Nawiwindang naman ako sa kanya. Tinawag niya ba akong social climber? Ano
bang mali sa nasabi
ko? Well, hindi naman ako madaling magalit. Ang weird lang niya talaga. Tumahimik
na lang ako
hanggang sa nakarating na kami sa Regency.

Papasok na sana ako nang bigla na naman siyang nagsalita. "You're still not
leaving? I told you diba! You
can't get a penny from me. So shoo, alis na." aniya ni Miss taas kilay.

"Huh? Pero, ito ang hotel ko eh." Sabi ko sa kanya.

"Can you please stop saying it's your hotel?! Because it's MINE! Ako ang
tagapagmana ng hotel na 'to,
so please stop lying." Medyo nagpapadyak na siya sa pagsabi niya nito.

Teka. Parang gets ko na. "Ang ibig mo bang sabihin, kayo may-ari ng hotel na 'to?"

Tumawa muna siya bago magsalita."At least you admitted it. Now leave before I call
the security
guards. Liar." 'Yan ang huli niyang sinabi bago siya pumasok sa loob ng hotel.
Liar? Ako ba yun? Bakit
naman ako liar? Super weird niya talaga. Pumasok na naman din ako after some time.
Nginitian ako ng
doorman. Lagi ko rin kasi siyang nginingitian kapag lumalabas at pumapasok ako, so
medyo friends na
kami.

Nag-elevator na ako papunta sa kwarto namin. Kaya lang pagpasok ko, wala pa rin si
Jeff. Di pa rin kaya
sila tapos? Pero by lunch time dapat tapos na sila. Bigla akong may narinig na
kumakanta.

I got a pocket, got a pocketful of sunshine...

Teka, ringtone ko yan ah. Kinuha ko ang phone sa loob ng bag ko. Bigla namang
tumigil angg pagtunog.
Hala si Jeff, 30 missed calls na. Lagot ako nito. Tatawagan ko na sana siya nang
tumunog ulit' yung
phone ko. Mabilis ko namang sinagot.

"Hello?"

I-ready ang tenga ito na naman tayo. "TSK. KANINA PA KITA TINATAWAGAN AH! ASAN KA
BA?" Sabi
ko na eh. Galit na 'to.

"Uy sorry Jeff. Naiwan ko kasi yung phone ko dito sa kwarto. Eh nagpaint kasi ako
kanina. Sorry na."

"SAAN KA NAMAN NAG-PAINT? ALAM MO BANG DELIKADO DITO PAG MAG-ISA LANG? TSK." Okay
siya na concerned.

"Sorry na. Wala namang nangyari sa akin eh."

"PAANO KUNG MERON?! HAIST!"

"Uy sorry na talaga!! Wag ka na magalit. Wag ka na sumigaw o."

Narinig kong nagbubuntung hininga siya. Uyy, di na 'yan galit. "Jeff. Galit ka pa
din ba?"

"Tsk. Ayos ka lang ba?" Kumalma na rin siya at mabuti naman.

Napangiti naman ako. Kunwari nagagalit pero concerned lang naman talaga siya.

"Yes sir! Malakas ata 'to sir!" kung nakikita niya lang ang ngiti ko.

"Tss. Sige na, bilisan mo na. Bumaba ka na dito sa hall. Lunch buffet na."

"Ok! Ay Jeff.." napahinto ako. May sasabihin lang naman ako.

"Ano?" parang nairita siya.

"Uhm, madami bang langgam dyan?" Humanda ka sa banat ko.

"...Huh?" nagtaka naman si Jeff.

"Baka lang kasi nilalanggam ka... Ang sweet mo kasi eh Ok bye!" At binaba ko na
agad. Pustahan
namumula tenga nun ngayon. Bakit kaya nasi-sweetan ako kay Jeff kahit sinisigawan
niya ako? Nag-
ayos lang ako ng konti then nagpalit into my favorite casual flowy dress. Iniwan ko
muna ang painting
sa ibabaw ng kama. Then dinikatan ko ng note sa gilid:

For Jeff. Relaxing 'no? Kaya wag ka na masyado stressed! :) -Tin


Bumaba na ako sa hall. Ang dami na agad tao. Lahat sila kumakain na. Hinanap ko si
Jeff. Pero syempre,
nakipagbeso muna ako kay Bessie at nakipagbiruan kina Rey. Pinakilala naman ni Paul
ang dala niyang
girlfriend. Tapos yung iba pang mga kakilala kong nadaanan ko kinakamusta ko muna.
Tapos yung mga
hindi ko masyado nakakausap ay ngitian na lang. Mukhang mas close na nga ngayon ang
mga ka-
opisina ni Jeff. Effective ang Bora conference-outing nila.

Ginala ko ang mata ko. Ayun! Si Jeff nga yung nakaupo! Nakakunot na naman ang noo
niya habang
nakatingin dun sa may kanan. Ano na naman bang problema? Nang medyo nakalapit na
ako, nakita
kong may kumakausap pala sa kanya. Isang babaeng naka super short shorts at sando.
Nakashades pa,
take note. Obvious sa mukha ni Jeff na naiirita na siya dun sa babae, pero parang
hindi naman
nahahalata nung girl kasi salita pa rin siya ng salita.

"So, what do you think? Tonight at 7?" Narinig kong sabi nung girl kay Jeff. Anong
meron mamaya?

"Jeff?" Sabi ko, kaya napatingin siya sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya. Mabilis
siyang tumayo at
pumunta sa harap ko.

"Bakit ang tagal mo?" nakakunot kilay niyang sabi.

"Ah, sorry. Hindi kasi kita agad nakita eh."

"You again?!" Napatingin naman kami nang magsalita 'yung girl. Lumapit siya sa akin
at tiningnan ako
mula ulo hanggang paa.

"May problema ba?" Singit ni Jeff. Parang natauhan naman 'yung girl na kasama pa
pala namin si Jeff.
Ngumiti siya ng kanyang sweetest smile. "Oh nothing. Nothing important at all."
Then habang
nakangiti, unti unti niyang nilapit 'yung mukha niya sa tenga ko at bumulong siya
sa akin. "Wag mo
ngang kausapin ang guests ko. Leave now before I call the guards."

Well apparently, hindi lang ako ang naguguluhan pati si Jeff."Kilala mo ba sya?"
Tanong sa akin ni Jeff.

"Huh? Hindi naman."

"Bakit kinakausap ka nya?" aniya

"Ewan ko?" Hindi ko nga alam kung sino ba 'yan ?Mukha siyang familiar pero hindi ko
naman siya kilala
talaga. Nakita ko na ba siya before?

"How dare you?" Pabulong na sabi na naman sa akin nung babae. Then ngumiti siya
ulit kay Jeff. "Ah,
please don't mind her Jeffy. She's just someone I met this morning."

Jeffy?! Meganun agad na nickname? "Jeff? Kilala mo ba sya?"


Bumulong din ako kay Jeff "Hindi."

"Eh bakit kinakausap ka niya?"

"Ewan ko." Hindi naman pala naming kilala to?May nickname pa?

"Ehem." Singit ni girl tapos tinanggal niya ang shades niya. "I'm Caitlyn Regency.
Does that ring a bell? It
should. Ako lang naman ang heredera ng Regency hotel na 'to. It's my fault for not
introducing myself
earlier. Akala ko lang kasi kilala na ako ni Jeffy since my family is the owner."

Ahh! Siya pala yung Taas Kilay girl na nakilala ko kanina. Ngumiti naman siya ulit
kay Jeff, pero si Jeff
naman tumango lang tapos tumingin na ulit sa akin.

"Let's eat." Sabi ni Jeff sa akin tapos naglakad na siya pabalik sa table. Sumunod
na rin ako.

Pinigilan naman ako ni taas kilay, I mean Caitlyn. "Sandali nga. Bakit ba kasi
nandito ka pa? You're not
even a guest here. At pa'no mo nakilala si Jeffy?"

Hindi niya pala alam na guest din ako sa hotel? Kaya pala pinapaalis niya ako
kanina pa. Akala niya
binebentahan ko lang siya ng painting.

"Uhm actually-" napatigil ako kasi biglang may tumawag sa akin.

"Tin!" Isa sa mga wives na nakakwentuhan ko before ang lumapit sa akin.

"Uh, hi." Ngumiti ako sa kanya.

"Kamusta kayo ni Mr. Lee? Kayo ha, kaya pala hindi ka na namin nakitang lumabas ng
kwarto. Masyado
kayong busy." Sabi nung wife sa akin.

Ngumiti na lang ako. "Alam mo na! Sabi nga sa amin ni Beth, nung pumunta sya sa
kwarto nyo, wala
pang suot na t-shirt si Mr. Lee. Sana pala ako na lang ang pumunta!"

"Ahh, nagulat nga din ako nung nagtanggal sya ng shirt eh. Bigla na lang nya
hinubad kaya hindi ko na
sya napigilan." Sabi ko sa wife.

"Wow talaga? Hindi ba sya talaga mapigilan? Naku ha, hindi lang pala talaga sa
business masipag si Mr.
Lee." Sabi ni wife habang nakangiti ng nakakaloko. Hindi ko naman talaga napigilan
magtanggal si Jeff
ng shirt kasi bigla na lang niya sinuot sa akin.

"EXCUSE ME??" Nandito pa nga pala si Caitlyn. "You and Jeffy? Did you just... you
and him... did you
just.. do THAT??"Huh? Anong 'THAT'? Dire-diretso pa rin siya sa pagsasalita."Oh my
gosh. I knew it.
Grabe ka ang bilis mo. Naunahan mo pa talaga ako. I should have known that you're
that kind of girl
the first time I saw you."
Saan ko naman siya naunahan?

"Excuse me. Sino ka ba? Ayoko ng tabas ng dila mo ah. Hindi mo ba kilala kung sino
ang kinakausap
mo?" Singit naman ni Wife.

"Wala akong pakialam kung sino man kayo. Hindi mo ako kilala? Then don't talk to
me. Because I don't
talk with ugly people." Caitlyn said to wife

"Ha! Grabe ang kapal mo. Ikaw kaya ang panget dyan. Ang fake ng ilong mo!"
napapataas na rin ang
boses ni wife.

"Bitch! How dare you insult my nose?!" Caitlyn said in fury.

"Don't call me a bitch! Lawyer ang asawa ko, gusto mo idemanda kita?" Wife said at
dinuro na si Caitlyn

Hala nagkaka-initan na. Baka magkademandahan at magsabunutan 'to dito. "T-teka. Wag
kayo mag-
away. Pwede naman 'tong pag-usapan?" sana hindi na sila mag-away.

"IKAW! Isa ka pa eh! Umalis ka na nga! Stay away from me and Jeffy!" Caitlyn said
at dinuro duro ako.
Napapaatras naman ako.

"Oh my. Ikaw pala talaga ang bitch eh! Nang-aagaw ka ng asawa ng iba!" Tinanggal
naman nung wife
yung daliring nakaduro sa akin.

"Asawa? What are you talking about?" nagtatakang tanong ni Caitlyn.

Ngumiti naman ng nang-aasar si Wife. "Poor you. Hindi mo pala alam. Well I have
news for you. Tin and
Jeff are married." Sabi ni Wife then inakbayan niya ako. "Kaya ikaw ang mag-stay
away from them.
Wag kang mang-aagaw."

"WHAT?!" Medyo ang funny ng itsura ni Caitlyn. Super nakanganga siya at nanlalaki
ang mata. Pero
teka. Totoo ba yung sinabi ni wife?

"Wait Caitlyn. Gusto mo ba si Jeff? Totoo bang aagawin mo sya sa akin?" sabi ko.
Tumingin siya sa akin
ng parang naiiritang tingin. Hindi naman ako galit sa kanya. Pero syempre kapag
aagawin niya si Jeff,
hindi ako papayag! Parang ang dami niya pang gustong sabihin pero biglang dumating
si Jeff.

"Tsk. Akala ko sumunod ka na. Let's go." Sabi sa akin ni Jeff sa akin lang naman
siya nakatingin at parang
hindi naman niya napansin si Wife at si Caitlyn. Hindi naman siguro ako dapat ma-
threaten diba?

"Go na Tin. Sumama ka na sa ASAWA mo. Kumain na kayong dalawa. And by the way, may
bonfire
mamayang gabi ang buong company ha." Sabi ni Wife sa akin. Si Caitlyn naman medyo
speechless pa
rin. Hindi pa rin hata makapaniwala. Si Jeff naman nagstart na ulit maglakad
palayo.

"Uhm, sige una na ako ha." Sabi ko na lang then sumunod na ako kay Jeff. Kumain na
kami. Tinanong
ko siya kung ano nangyari sa conference nila tapos kinulit ko na magswimming naman
kami. Akala ko
hindi ko na talaga siya mapapapayag, pero nung sinabi ko na ako na lang mag-isa
magsiswimming,
pumayag na din syang sumama. Yehey!

After kumain, napasama kami sa island hopping na promo ng hotel. Wow ang awesome
naman nito!
More bonding time with Jeff. So ayun, sumakay kami sa boat along with others na
sumama rin sa tour.
Sa unang island na binabaan namin, ang daming maliliit na shells ang nakakalat sa
sand so syempre
todo pulot ako then pinapasok ko sa isang empty bottled water. Si Jeff nung una
naglalakad lang, pero
dahil pinepester ko siya, tinulungan na rin niya ako magpulot. Ang funny kasi hindi
na kami nakabalik sa
hotel room bago kami umalis. So nakapang-conference attire pa din siya habang
namumulot ng sea
shells. Ang cute niya kasi nakafold na three fourths tapos nakasapatos pa siya.

"Jeff. Tanggalin mo yung sapatos mo." Sabi ko at tumingin sa sapatos niya.

"Huh?" Tinanggal ko ang slippers ko at hinawakan ko na lang tapos humarap ako sa


kanya at naglakad
patalikod.

"Sige na try mo! Ang fun o! Ang sarap ng white sand sa paa." Sabi ko

"Ayoko. Pambata."

"Sige na Jeff!! Minsan lang naman eh!! Tanggalin mo na please." Nag-beautiful eyes
pa ako. Buti
naman nakumbinsi ko siya at nagtanggal din siya ng shoes. Nung una, mukhang awkward
pa siya pero
ngayon sa tingin ko na-eenjoy na niya ang paglalakad sa sand. Ang saya naman ng
araw na ito.

"Ouch! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Hala may nabunggo pala ako sa likod ko.

"Naku sorry! Hindi ko sinasadya-- Caitlyn?" Si Caitlyn ba talaga ang nabunggo ko?
Kasama pala siya sa
tour? Pero, siya naman 'yung may-ari ng hotel. For sure nakasama na siya sa tour na
'to before.
Sumama ba siya dahil kasama si Jeff? Nakatingin sa akin si Caitlyn ng parang 'do
you think I'd give up
that easily?'.

Bigla siyang ngumiti."Ah! Christine! Ikaw pala. Sumama pala kayo ni Jeffy sa tour?"
Nanlaki naman yung
mga mata ko. Bakit biglang ang bait niya sa akin? Medyo creepy hata.

"Uhm, oo. Sumama ka din?" Feeling ko gusto niyang umirap pero ngumiti pa rin siya
sa akin.
"Well obvious naman diba?" Tapos naglakad sya palapit kay Jeff. "So jeffy! How do
you find the tour so
far?"

"Let's go Tin. Bumalik na tayo sa boat." 'Yan lang ang sabi ni Jeff tapos naglakad
na siya pabalik.
Sumunod naman ako parang hindi naman hata ako dapat ma-threaten. Hindi nga niya
pinapansin si
Caitlyn kahit nakabikini lang siya.

"Then sasabay na ako sa inyo ok?" Sabi naman ni Caitlyn na sumingit sa pagitan
namin ni 'Jeffy'. Wala
naman hata kaming choice. Todo salita pa siya pero si Jeff naman tahimik lang.
Tumabi naman ako sa
kabilang gilid ni Jeff. Aba nagsisimula na akong mainis dito kay Caitlyn ha. Kahit
hanggang sa boat
nakadikit pa rin siya kay Jeff. Todo singit ako sa pagitan nilang dalawa.

Yung second island na binabaan namin, ang daming shops. Medyo madaming tao pero
lahat na hata ng
souvenirs mabibili dun. Pinilit ko si Jeff para samahan akong bilhan ng pasalubong
sina Mom and sina
Anj. Singit naman 'to si Caitlyn habang naglalakad kami sa mga bangketa. Kailangan
ko maka-isip ng
plano.

"Caitlyn ano yun?" Tanong ko sa kanya habang nakatingala at nakaturo sa sky.

"What?" Tumingin naman siya sa taas. Hinawakan ko agad ang kamay ni Jeff.

"Takbo!" Sigaw ko tapos hinila ko si Jeff. Narinig kong tumili si Caitlyn at


sumigaw ng 'Wait! Jeffy! Wait
for me!'. Pero binilisan namin ang takbo at nakisingit sa mga tao. Pumasok kami sa
isang shop. Nakita
kong dumaan si Caitlyn at nilampasan na yung shop kung saan kami nagtatago.

"Buti naman." Sabi ko habang hinahabol ang hininga ko.

"Psh. Parang bata." Tumingin naman ako kay Jeff. Akala ko galit siya parang
nagpipigil naman siya ng
ngiti. Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. Holding hands pa rin kami
ngayon.

"Ehem. Excuse me sir, ma'am. Bibili po ba kayo?" biglang dumating ang isang
salesman. Pinilian ko si
Jeff ng pang-Bora na damit naka shirt at shorts na lang siya ngayon. Nung una ayaw
pa niya, pero napilit
ko rin. Ang gwapo niya kasi bakat ang abs at para hindi rin kami makilala ni
Caitlyn nagsuot din ako ng
summer dress tapos lumabas na kami ng shop. Sa mga bangketa, sinuotan ko si Jeff ng
shades at wig.
Tinanggal naman niya ang wig pero sinuot niya yung shades. Ang cute niya talaga.
Bumili naman ako ng
hat. Kung anu-ano pa ang binili namin at nung bumalik na kami ng boat, pareho
kaming kumakain ng ice
cream.

Nasa boat na rin si Caitlyn, this time hindi na siya nahihiya na ipakita na naiinis
siya sa akin. Todo dikit na
naman siya kay Jeff. Grr. Yung third island na pinuntahan namin, pwede mag
snorkeling! Ang dami
kong nakitang mga fish and coral reefs. Pinilit kong magpapicture under water with
Jeff, pero sa lahat
naman ng shots namin, kasama rin si Caitlyn. Si Mike Enriquez ba sya? Ayaw nya
kaming tantanan!
Naman eh!

Halos mga 5pm na nang nakita namin ang island kung saan kami nakadestino pero bago
kami makabalik
sa hotel, dapat mapilit ko si Jeff na magswimming pa ulit. Kailangan ko makaisip ng
plano. Grr pababa
na kami sa boat, bahala na.

"Jeff ano yun?" Tanong ko habang nakaturo sa may dagat.

"Ha! As if I'd believe you again. Gasgas na yan." Singit naman nito ni Caitlyn.

"Pero, kay Jeff ko naman tinuturo eh." Sabi ko.

"Tsk. Ano bang meron?" Sabi ni Jeff habang lumalapit sa edge ng boat para tingnan
kung ano 'yung
tinuturo ko.

"Swimming!" Then tinulak ko si Jeff from the boat, tumalon din ako after him.

"Bakit mo ako--" Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Jeff. Tinalsikan ko kasi


siya ng tubig sa mukha.

Tumawa ako "Peace?"

"Psh. Ganyan pala ang gusto mo huh." At tinalsikan niya rin ako ng madaming tubig.

"Teka! Wait! Time first!" Napatawa ako sa ginawa niya. Ganyan pala siya."...ang
daya!" Sabi ko habang
nagswim away from him. Sinundan niya naman ako at naglaro lang kami ng tubig. Nang
makarating na
'yung boat sa shore, pumunta pala si Caitlyn sa mataas na diving cliff. Napansin
lang namin na andun
pala sya nung sumigaw siya.

"JEFFY!! THIS IS FOR YOU!!" Then nag-dive siya. Hala ang galing nya pala. Umikot
ikot pa siya ere bago
makarating sa tubig. Well sa bagay, dito naman sa Bora nakabase ang negosyo nila.
For sure sanay na
sanay na siya sa tubig. Grabe nakaka-impress 'yung didiving niya. Kaya pala
napatingin din si Jeff sa
kanya . Oh no hindi 'to pwede! Nagswim na si Caitlyn palapit sa amin.

"What do you think Jeffy? I'm awesome right?" Caitlyn said

"Ah, oo Caitlyn! Ang galing mo pala mag-dive!" Singit ko na lang. Please wag mo
nang kausapin si Jeff.

"I'm not talking to you." Bulong niya sa akin tapos kinausap na niya ulit si Jeff.
"I'm a really good diver
and swimmer. Gusto mo bang pakitaan kita ng swimming skills ko? I know all the
swimming strokes."
"Uhm, hindi sige Caitlyn okay lang kahit wag na. Babalik na din kasi kami sa hotel
eh. Tara na Jeff?" sabi
ko habang tinutulak tulak si Jeff papunta sa shore. Tahimik lang siya pero hindi ko
naman alam kung
anong iniisip niya. Baka pag nakita pa niya si Caitlyn magswimming, matalbugan na
ako talaga. Kailangan
umalis na kami.

"Bitch. You think I'd give up that fast?" Narinig kong bulong ni Caitlyn. Lumingon
tuloy ako sa likod ko.
Nagsmirk siya sa akin. "I'm better than you think."

Kinabahan naman ako feeling ko kasi may plano siya. Hindi kasi siya sumunod sa amin
ni Jeff na
pumunta sa shore. Nang nakaahon na kami ni Jeff nang bigla syang sumigaw. Sabi ko
na nga ba eh.

"Help! Help! I'm drowning! Help!" Sigaw ni Caitlyn habang may lunod effect pa siya.
Grr.

"Where's the lifeguard?!" Sabi naman ni Jeff habang hinahanap 'yung lifeguard. Wala
sa paligid. Hala
naniniwala ba siya kay Caitlyn?

"Halika na Jeff. Umalis na tayo." Hinawakan ko na ang braso niya.

"Can't you see she's drowning?!" Jeff said.

"Hindi naman totoo 'yan eh. Diba ang galing pa nga nya magswim at magdive kanina?"
Tumingin ako sa
paligid ko. Hala bakit wala ng masyadong tao. May mga bata na lang na gumagawa ng
sand castle.

"HELP! PLEASE HELP ME! JEFFY!" Sigaw ni Caitlyn.

"Tsk." Hinubad ni Jeff yung shirt niya.

Hinawakan ko 'yung arm nya."Teka Jeff! Wag ka ng bumalik! Hindi naman yan totoo
eh."

Tiningnan niya muna ako bago tinanggal 'yung hawak ko sa arm niya. Then he swam
pabalik kay Caitlyn.
Pag-ahon niya, buhat niya pa si Caitlyn bridal style. Hindi pa nga niya ako
nabubuhat ng ganyan. Nilapag
niya si Caitlyn sa sand. Walang malay kunwari. Tinapik tapik siya ni Jeff sa mukha.

"Hey. Can you hear me? Hey. Wake up." Jeff said. Hindi pa rin gumigising si
Caitlyn. Pero I swear parang
nagpipigil siyang ngumiti. Ang lakas ng feeling ko na fake ang lahat ng 'to.

"Jeff halika na please. Tumawag na lang tayo ng tulong. Or dalhin na lang natin si
Caitlyn sa clinic or
pabalik sa hotel or-"I stopped because Jeff starting to pump on her chest.

"T-teka . Jeff anong ginagawa mo?"

"She needs CPR." Jeff said without looking at me.


"Huh? Hindi ba pwedeng iba na lang? HIhingi na lang ako ng tulong then babalik ako
agad-"

"CAN YOU STOP BEING SO SELFISH TIN?! WE NEED TO HELP HER!" Tumingin lang sandali sa
akin si Jeff
tapos nagpump ulit siya ng chest ni Caitlyn.

Napa-atras tuloy ako involuntarily dati naman sinisigawan din ako ni Jeff, pero
bakit ngayon parang ang
sakit? Grabe nakita kong nagpipigil ngumiti si Caitlyn. Naramdaman kong may mga
taong tumatakbo
papunta sa direksyon namin, and later on mapapalibutan na nila sina Caitlyn. Ako
naman paatras na ng
paatras. Pero the moment nung nakita ko, na nilapit na ni Jeff ang mukha niya kay
Caitlyn at naglapat
na ang mga labi nila, tumalikod na ako at tumakbo palayo. If I have stayed, nakita
ko siguro na
pinulupot ni Caitlyn ang arms niya sa leeg ni Jeff. If I have stayed, nakita ko
sanang tinanggal 'yun ni Jeff
at lumayo kay Caitlyn, realizing all along that I was right, and she was just
faking it.

*******************************************
[14] TRUTH OR DARE
*******************************************
CHAPTER 13

TRUTH OR DARE

Tumakbo ako ng tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta hanggang may
sand,
tumatakbo lang ako. Hindi ko rin alam kung bakit pero basta gusto ko lang layuan
ang nakita ko.

Tumigil na lang ako nang hindi ko na talaga kaya. Hingal na hingal ako. Saan na ba
'to? Ang layo ko na
hata. Nauuhaw na ako buti na lang may malapit na resto. Pumasok ako tapos napansin
kong sea food
restaurant pala 'to. Lumulubog na kasi ang araw kaya medyo madami nang tao.
Pagpasok ko may
tumutugtog palang banda.

Umupo ako sa may dulong table at tinawag ang waiter. Uminom ako ng tubig. Gusto ko
munang
kalimutan yung kanina. Oo tama, hindi ko muna 'yun iispin. Kakain na lang ako ng
madami kaya
umorder ako ng crabs at ng fish. At ng squid. At ng prawns at ng clams at ng ice
cream, fruit shake, at
iba pa. Bahala na kakain ako ng todo. Wala ng diet diet.

Tumtugtog na lang yung banda.

Di ko maintindihan

Ang nilalaman ng puso

Subo lang ako ng subo. Bahala ka Jeff, hindi muna kita iisipin.
Tuwing magkahawak ang ating kamay

Pinapanalangin lagi tayong magkasama

Tinutusok tusok ko 'yung crabs.

Hinihiling bawat oras kapiling ka

"Kainis! Bakit pumapasok pa din si Jeff sa isip ko?"

Sa lahat

Ng aking ginagawa

Sumubo ako ng malaki. Hindi nga sabi kita iisipin.

Ikaw lamang

Ang nasa isip ko sinta

Sana'y di na tayo magkahiwalay

Kahit kailanpaman

Kinagat ko ng kinagat 'yung squid kamukha niya kasi si Jeff.

Ikaw lamang ang aking

Minamahal

Ikaw lamang ang tangi kong

Inaasam

"Ikaw fish! Bakit tumitingin ka dyan?!"

Makapiling ka

Habang buhay

Ikaw lamang sinta

"Ikaw fish ka. Kainin kita dyan eh!!"


Wala na akong hihingin pa

Wala na

Nang halos matorture ko na lahat ng inorder ko, at super busog na ako, naawa naman
ako sa itsura nila.
Ang sama mo Tin, bakit mo ba sila inaapi? Nilapag ko yung ulo ko sa table.

Ayoko nang maulit pa

Ang nakaraan

Ayokong maalala

"Sorry sea creatures. Hindi naman talaga ako galit sa inyo eh."

Bawat oras na wala ka

Parang mabigat na parusa

Huwag mong kalimutan na kahit mag-iba

Hindi ako titigil magmahal sa'yo sinta

Hindi naman talaga ako galit kahit kanino man. Kahit kay Caitlyn, naiintindihan ko
naman siya. Kagaya ko
din sya na gustong magpapansin kay Jeff. Tapos si Jeff pa, magagawa ko bang magalit
dun? Alam ko
namang gusto lang niyang tumulong. At kahit naman anong gawin niya, hindi ko hata
kayang magalit sa
kanya.

Hindi naman ako dapat malungkot. Makasama ko lang si Jeff, okay na sa akin. So
bakit inaaway ko ang
mga lamang-dagat? Ewan ko din. Siguro kasi ang sakit lang pala makita na may
kahalikan na ibang babae
yung taong mahal mo. Naks Tin, emo talaga? Tumayo na ako grabe madilim na.
Kailangan ko na
bumalik. Baka nag-aalala na sa akin si Jeff. Weh? Tin, joke yun

Naglakad na ako pabalik. Ano bang gagawin ko pag nakita ko si Jeff? syempre dapat
normal pa rin.
Alam ko namang hindi ako dapat magalit sa kanya. Wala naman siyang kasalanan.
Pabalik na ako sa
hotel nang makita kong ang daming tao sa may shore.

"TIN!" Napalingon ako.

"Bessie? Anong ginagawa niyo dito?" Nilapitan agad ako ni Bessie.

"Saan ka ba galing? Wala bang nagsabi sa'yo? May bonfire tayo tonight!" Bessie
said.

"Ah. Oo nga pala. Narinig ko nga." Nakangiti kong sabi.

"Halika sumama ka sa akin. Dun na tayo." Sabi ni Bessie. Hinila niya ako papunta sa
isang grupo na naka-
ikot sa bonfire. 'Yung mga magkakakilala ang magkakasama. 'Yung ibang mga
empleyado, meron din
kanya-kanyang bonfire.

"Uy Tin! Buti dumating ka na! Kanina ka pa namin hinahanap ah!" sabi ni Rey.

"Ah, hi Rey." Ngumiti ako sa kanya.

"Sayang hindi ko napakilala sa'yo yung girflfriend ko. Tagal mo kasi dumating eh!"
Rey said.

"Sira ulo, wala ka namang girlfriend." Sabat naman ni Paul. Nag-hi ako sa kanya
pati na rin sa girlfriend
niya. Tapos tumingin siya sa akin. "Ayos ka lang ba Tin? Kanina ka pa hinahanap ni
Boss."

Hinahanap ako ni Jeff? Imposible. "H-huh? Ah, Paul. Okay lang ako."

"Sigurado ka? May nangyari ba?" nag-aalalang tanong ni Paul.

"W-walang nangyari ano ka ba. Ok lang ako talaga." Okay lang talaga ako. Tiningnan
niya ako ng maigi.
Grabe talaga 'to si Paul feeling ko alam niya lahat ng tumatakbo sa isip ko. Nag-
awkward smile ako sa
kanya.

"Oo nga Tin. Saan ka ba talaga galing? Kanina ka pa hinahanap ni Boss. Kung kani-
kanino na nga
nagtatanong." Sabi ni Bessie

"Sinabi mo pa. Si Boss kanina pinapahanap ka na sa mga pulis, eh alam naman nyang
kailangan mawala
ka muna ng 24 oras bago sabihing nawawala ka. Kanina ko pa nga sinasabi sa kanya na
hindi ka naman
nawawala eh! Masyado lang praning." Sabi ni Rey.

"Saan ka ba talaga galing Tin?" nagtatakang tanong naman ni Paul.

"Ehh? Uhm-"Hindi ako makapagsalita.

"TIN!" Nanigas ako. Kahit nakatalikod ako sa kanya, alam ko kung kaninong boses
'yun. Tin ano ka ba,
act normal, normal! Wala naman siyang kasalanan kaya dapat kalimutan mo na 'yung
nangyari kanina.
Unti-unti akong umikot paharap sa kanya. Nakita ko si Jeff, hinihingal. Hinahanap
niya nga kaya ako?
Nag-aalala kaya siya sa akin?

"Saan ka ba nagpunta?" Sabi ni Jeff habang hinihingal pa rin. Pero dahil nagsalita
siya, napatingin ako sa
lips niya. Naalala ko tuloy ulit 'yung CPR moment nila ni Caitlyn sa buhangin. Nag-
iwas tuloy ako ng
tingin.
"Uhm, ano. Dyan lang. Yung ano, yung sa may, uh alam nyo ba yung sea food resto
dyan?" Humarap na
ako ulit kina Rey. "Yung sa may dulo banda? Ang sarap pala ng pagkain dun 'no!" I
sheepishly smiled.

So much for being normal Tin! Si Paul nakatingin lang sa akin. Alam niya talagang
may mali. Buti na lang
hindi nahalata nina Rey at Bessie.

"Ah yung may masarap na pusit! Pucha ang layo na nun ah! Nilakad mo lang ba yun
Tin?" sabi ni Rey ng
sobrang saya. Buti pa siya.

"Dapat sinabihan mo ako para nasamahan kita. Baka kung ano pang mangyari sa'yo."
Pag-aalala ni
Bessie.

Ngumiti na lang ako sa kanila. "Hindi ang lapit nga lang eh. Tsaka ayos lang naman
ako. Malakas ata 'to!"
Nagthumbs up pa ako. Si Jeff nararamdaman kong nakatingin lang sa likod ko nakikita
ko iyon sa gilid ng
mata ko.

"Sige tara na. Umupo na tayo. Kilala mo na naman Tin yung iba pang mga tao sa
opisina diba?" Sabi ni
Bessie tapos nginitian ko 'yung iba pang mga tao then nakipagkwentuhan ng konti.

Pero pasimple akong umupo sa tabi ni Bessie at Paul. Buti pumayag naman si Paul at
hindi na
masyadong ngatanong pa. Si Jeff naman napaupo sa tapat ko, at naging katabi niya si
Rey. Nagulat nga
'yung mga tao na sumama sa bonfire si Jeff. Hindi ba siya sumasali before? Sa gilid
lang tuloy ako
tumitingin. Nakikipagchikahan ako sa girlfriend ni Paul, then kay Bessie. Tapos
nakikipagbiruan sa iba
pang mga tao. Nakikipagtawanan then nag-iihaw ng marshmallow sa bonfire. Pero never
akong
tumitingin sa harap ko. Baka kasi makita ko na naman 'yung lips niya. Tapos
nararamdaman ko pang
nakatingin siya sa akin.

"Tara laro tayo!" sabi nung ka-officemate nila.

"Sige pare masaya 'yan! Anong laro?" pagsang-ayon naman nung isa pang ka-
officemate.

"Give-me-your-girlfriend game?" suggest nung naunang nagsalita kanina.

"Gagu! Walang sulutan pare." Napamura tuloy yung pangalawa dahil sa sinuggest.
Tapos nagtawanan
naman sila. Nakitawa rin ako.

"Alam ko na! Truth or dare na lang!" Bessie said.

"Ano ba 'yan Bessie! Pang-bading naman 'yan eh. Tsaka hindi ka na ba masyado
matanda para dyan?"
pagrereklamo naman ni Rey.
"Sinong matanda?" Binatukan siya ni Bessie. Nagtawanan naman ulit.

"Aray naman! Sige na sige na. Pagbigyan na natin ang Truth or Dare ni Bessie. Pero
dapat kapag
natapatan ng bote, iinom ng isang shot ha!" suggest ni Rey

Nagcheer naman 'yung ibang girls na kasama sa bilog. Aba gusto din pala nila
maglaro nun... Ano ba
yun? Kumuha ng bote si Rey at pinaikot. Naituro yung girlfriend ni Paul. Naghiyawan
naman 'yung mga
tao.

"Yun oh! Ano Lucy! Truth or Dare?" aniya ni Rey

"Dare!" Super confident ni Lucy.

"Ayos! At dahil ako ang unang nag-ikot ng bote, ako muna ang unang mag-uutos"
Tumawa pa si Rey

Tiningnan naman siya ng masama ni Paul. "Umayos ka." Nagbanta pa.

"Chill lang pare! Ang highblood eh! Hmm, ano kayang iuutos ko? Ah alam ko na! Mag-
lap dancing ka sa
harap ni Paul!" Rey

Naghiyawan naman 'yung mga tao. Ang extreme ng mga dare. Si Paul parang nagagalit
kay Rey na
namumula na nahihiya na ewan. Si Lucy naman game na game. Ininom niya ng isang
lagok 'yung nasa
shot glass. Tapos tumayo na siya at nagstart na magsayaw sa harap ni Paul at kahit
ako napatili na rin!

"More! More!" sigaw ni Rey

"Tama na grabe! Iba naman!" sabi ni Lucy at umupo na sa tabi ni Paul.

"Ang galing talaga ni Lucy! Ganyan talaga dapat! Walang arte arte!" aniya ni Rey

Napatawa naman si Lucy sa sinabi ni Rey. "Sige na, ako naman mag-iikot." Sabi ni
Lucy.

InikotI na nya ulit iyong bote. Hanggang sa naturo 'yung iba pang mga tao. Pati nga
si Bessie, pinagulong
gulong ng ten times sa sand for her dare. Si Paul naman nag-truth nai-reveal nya
tuloy ang color ng
brief niya. Nagtawanan lahat tuloy ng tao. Inikot na ni Paul 'yung bote, and sa
wakas, sa akin naman
naituro.

"Ok! Ikaw na Tin! Truth or dare?" Rey said.

"Uhm, sige dare na lang!" Parang masaya kasi kung dare.

"Yun oh! Sayang dapat ako na lang mag-utos-" napatigil si Rey.

"Tsk. Hindi sya pwede. Hindi kasali si Tin." Napatingin naman ang lahat kay Jeff.
Natahimik tuloy lahat
ng tao sa bonfire namin. KJ talaga 'to si Jeff.
"K-kasali naman lahat diba? Ang unfair naman siguro kung exempted ako." Ngumiti ako
sa kanila.
Tahimik pa rin sila, takot talaga kay Jeff. "Akin na." Kinuha ko 'yung shot glass.

"Tsk. Wag mo ngang inumin yan!" pagpoprotesta ni Jeff

Ininom ka nga. Ginaya ko 'yung kay Lucy isang lunukan lang lahat. Ano bang laman
nito?! Ang sakit sa
lalamunan. Napaubo ako after ko mainom. Narinig kong nagcheer ulit 'yung mga tao.
Yes, nabalik ulit
'yung atmosphere kanina. Si Jeff parang gusto na ulit ako sigawan. Kaya inunahan ko
na.

"Sige na Paul! Ano na yung dare mo?" sabi ko.

Napatingin naman si Paul kay Jeff. Tinititigan kasi siya ni Jeff ng murderous
glance nito. Nung tumingin
na ulit sa akin si Paul, bigla siyang ngumiti tapos binulungan ako, "Sige na.
Ayusin nyo na yan." Tapos
nilakasan niya ulit 'yung boses niya.

"Ok Tin. Ang dare ko, dun ka umupo sa tabi ni Boss." Sabi ni Paul at nakatingin ito
kay Jeff.

"Oi ang daya! Ang dali naman nun Paul!" nagprotesta naman si Rey

"Sige. Gusto mo ikaw na lang mag-utos?" sabi ni Paul. Tumingin naman si Rey kay
Jeff.

"Sabi ko nga eh. Ok na yung dare mo. Sige Tin, palit na lang tayo ng upuan."
Napakamot pa ng batok si
Rey

Wala na tuloy akong nagawa kundi umupo sa tabi ni Jeff. Ayoko naman maging KJ. Kaya
lang
magkakastiff neck hata ako nito. Hindi kasi ako tumitingin sa may kanan ko.
Nagstart na ulit 'yung
game. Nakitawa and nakipagbiruan pa rin ako as usual pero never ako tumitingin sa
may right side ko.

"Yung painting..." Narinig kong bulong ni Jeff.

"Hmm?" Sabi ko naman habang hindi pa rin nakatingin sa kanya. Nagulat ako dahil
bigla siyang
nagsalita.

"Yung painting sa kwarto... para ba sa'kin 'yon?" tanong ni Jeff. So nakita niya na
pala. Hindi niya ba
nagustuhan?

Inikot ulit iyong bote at kay Bessie tumapat. Pinili niya truth. "Ahh, pwede mo
namang hindi iuwi kung
hindi mo nagustuhan." Mabilis akong tumingin sa kanya then nag-awkward smile. Tapos
tumingin ulit
sa game. Hala nakita ko na naman yung lips niya.

Tinanong si Bessie kung sino ang pinakagwapo sa opisina. Wala daw talaga siyang
maisagot kaya mag-
dadare na lang siya. Nakitawa naman ako nung nagtawanan sila.
"Wala naman akong sinabing hindi ko gusto." Bulong ulit ni Jeff

Ano ba 'to si Jeff, pinipilit ko nga maging normal eh. Kaya dapat hindi niya ako
kinakausap diba?
Normally naman, hindi niya ako kakausapin kapag hindi ako ang unang nagsalita. At
saka kahit di ko siya
tinitingnan, alam kong nakatingin siya sa akin.

Pero wait, ibig sabihin ba nagustuhan niya 'yung pininta ko? Hay naku Tin, wala din
naman syang
sinabing nagustuhan nya eh. Pinakanta si Bessie ng 'I don't wanna miss a thing'
para sa kanyang dare.
Todo birit siya kaya nagtawanan ulit ang lahat.

Ang ingay ng buong grupo pero ang tahimik namin ni Jeff. Kahit nakikitawa ako sa
mga sinasabi nila,
hindi ko pa rin maiwasan na maramdaman lahat ng kilos ni Jeff.

"Bakit hindi mo ako kinakausap?" Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya kahit
nagsasalita siya.

Hala! Ang obvious mo naman kasi Tin. Akala ko ba normal dapat? 'Yung parang walang
nangyari. "K-
kinakausap naman kita ah." Sabi ko habang nakatingin pa rin sa bote. Tumigil ito
kay Rey. Naku, lagot
siya sa ipapagawa sa kanya ni Bessie.

"Kung ganun, bakit ayaw mong tumingin sa'kin?" Huwag mong tingnan 'yung lips niya.
Jeff hindi talaga
pwede. Okay lang talaga na magkastiff neck ako. Hindi talaga ako pwede tumingin
sa'yo. Maalala ko
lang 'yung nangyari kanina every time mapapatingin ako sa lips mo.

"H-hindi ah. Tumitingin naman ako sa'yo ah."

Plinano kong tumingin sa kanya ng mabilis lang para lang hindi niya masabing hindi
ko siya tinitingnan.
Pero kasi nang lumingon ako sa kanya, nagtama 'yung mga mata namin. Napatagal tuloy
yung tingin ko.
Para kasing ang lungkot na naman ng mga mata niya. Dahil ba yun sa akin? Imposible.

"Galit ka ba?" Mahinang sabi ni Jeff.

Gusto kong sabihin na hindi naman ako galit pero dahil nagsalita siya, hindi ko na
namang maiwasan na
mapatingin sa lips niya. Napansin din nya kung ano ang tinitingnan ko. Mabilis
akong nag-iwas ng tingin
at humarap ulit sa bote.

Kainis, naalala ko na naman. Yung mga kasama naman namin patuloy pa rin sa
paglalaro parang walang
nakakapansin sa awkward atmosphere namin ni Jeff. Magsalita ka nga Tin.

"Uhm, ano. Si, si Caitlyn nga pala. Kamusta sya? Hindi ko kasi sya makita ngayon
ah." Tanong k okay
Jeff. Makaisip man lang nang mapag-uusapan.

Huminga ng malalim si Jeff 'yung ginagawa niya kapag nagpipigil ng galit. "Wala na
sya."

Napatingin naman ako kay Jeff nang hindi sinasadya."Patay na sya?!"

Hala anong ginawa ni Jeff?! Super nagalit ba siya nung nalaman niyang
nagsinungaling si Caitlyn?

"Huh? Hindi. Wala na sya kasi umalis na sya." Sabi niya. Umalis lang pala. Excited
Tin, gusto mamatay
agad? Lord sorry. Joke lang po yun. Ayoko siyang mapahamak kahit na medyo taas
kilay siya. Tumingin
na lang ako ulit sa bote. Umiikot na siya ulit.

"T-teka. Saan siya nagpunta?" tanong ko.

"Ewan. I just told her to get lost or I'll sue her." Walang kalatoy latoy na sagot
ni Jeff. Hala Jeff hindi ba
medyo brutal 'yun? Tinakot niya ba si Caitlyn? Sabi ko na, masamang galitin 'to si
Jeff pero ano na
kayang nangyari kay Caitlyn? Sigurado, umiyak 'yun.

"Ok lang ba siya?" Kahit papaano nag-aalala naman ako sa kanya.

"Sino?"

Tumahimik lang ako. For sure alam naman ni Jeff kung sino tinutukoy ko.

"Tsk. Wag mo nga syang isipin. Hindi sya mahalaga." Sabi ni Jeff. Napakagat-labi
ako. Grabe Jeff, medyo
mean naman 'yun. Alam kong minsan nakakainis si Caitlyn, pero naiintindihan ko kasi
yung feelings niya
.

Kahit di ako nakatingin sa kanya, naramdaman kong ginulo ni Jeff ang buhok niya.
"Wag ka nga
sumimangot! Ang ibig kong sabihin...wag mo syang isipin...dahil hindi ko sya
iniisip...kasi hindi naman
sya mahalaga..." Ginulo niya ulit ang buhok niya "...tsk, hindi sya importante sa
akin... kaya wag mo na
nga lang sya isipin! Haist!"

Hala bakit biglang nainis? Napatingin tuloy ako sa kanya. Bakit namumula na naman
tenga nito? Nag-
eexplain ba siya sa akin na wala silang relasyon ni Caitlyn? Alam ko naman yun.

"Tin! Huy!" Napatingin naman ako kay Rey. Hawak niya 'yung bote. "Sa'yo naturo
'tong bote. Ano,
truth or dare?"

"Ah talaga? Sige dare ulit-"

"Hindi na nga sya kasali diba?" SIngit naman nito ni Jeff. Bakit ba ayaw niya ako
pasalihin?

"Boss hindi pwede. Kasali na sya kanina eh. Dapat kasali ulit sya ngayon."
Tiningnan ng masama ni Jeff
si Rey. Kunwari hindi naman siya napansin ni Rey, dahil ngumiti pa siya sa akin.
"Diba Tin gusto mo
namang sumali?"
"Yup! Yup!" masigla kong sagot.

"Tsk. Hindi nga pwede-"

Ininom ko na ulit ng mabilis 'yung isang shot bago pa ako mapigilan ni Jeff.
Gumuguhit talaga 'to sa
lalamunan. First time ko makainom ng ganito.

"Ano na yung dare ko Rey?" parang nagiging masigla ako dahil sa shot na iyon.

"Hmm. Ikaw Tin anong gusto mo? Ah alam ko na? Gusto mo sumayaw?" suggest ni Rey

Nagsigawan naman 'yung iba pa parang lumakas tuloy ang loob ko at tumayo."Sure!
Anong sayaw ba?"

"Woooh! Marunong ka ba nung ginawa ni Lucy kanina? Yung lap dancing? Gusto mo ba
gawin yun-"
napatigil si Rey.

"Subukan mong ipagawa yun sa kanya, at wag ka ng pumasok pa ulit sa opisina."


Napatigil na naman
ang hiyawan ng dahil kay Jeff. Forever KJ!

"T-teka Boss! Ikaw naman tinatanggal mo na ako agad sa trabaho. Biro lang naman yun
eh!" Sabi ni Rey
tapos tumingin sa akin. "Sige Tin, magjumping jacks ka na lang. Mga five times."

Nagjumping jacks na lang tuloy ako. Ang corny naman ng dare ko ito talagang si
Jeff. Mayamaya pa, ako
na 'yung nag-ikot sa bote. Napaturo 'yung bote kay Jeff. First time!

"Pano ba yan Boss. Sa'yo naturo." Sabi nung ka-Officemate nila.

"Walang daya yan ah. SI Tin pa talaga ang nag-ikot nyan." Sabi naman nung isa pang
ka-Officemate nila.

"Oo nga Boss! Truth or Dare?"

"Tsk. Hindi ako kasali." Protesta ni Jeff. KJ nga di ba? Parang natakot na ang mga
ka-opisina niya.
Natatakot mawalan ng trabaho. Hindi pwede. Dapat fun game lang 'to.

"Sige na Tin. Iikot mo na lang ulit."

"Pero diba dapat lahat kasali? Sige ako na lang gagawa ng isa pang dare." Ako na
nga lang. May KJ
akong katabi.

"WHAT?!" sigaw ni Jeff

Ininom ko na 'yung isa pang shot glass. Gumagaling na hata akong uminom.

"BAKIT MO ININOM?! UMALIS NA NGA TAYO!" sigaw na naman ni Jeff

"Teka lang Jeff. Hindi pa naman tapos eh. Ako na lang ang gagawa kapag naturo sa'yo
yung bote. Wag
ka mag-alala." At nagtongue twister ako bilang dare.
Tumagal pa ulit 'yung laro tuwing natuturo kami ni Jeff ng bote, ako ang umiinom at
napaparusahan.
Nung lumaon, kinukuha na niya sa akin ang shot glass at siya na ang umiinom kapag
natuturo siya. Pero
ako pa rin yung gumagawa ng mga dare para sa kanya.

Parang umiikot na ang paligid mas tumitingin na rin ako kay Jeff ngayon. Hindi na
ako naiilang katulad
ng kanina. Ang saya naman!

"O Tin ikaw ulit! Truth o dare?"

"Dare syempre!" Tumayo na ako at sumigaw. Grabe ang gaan ng pakiramdam ko.

"TSK. BAKIT LAGI NA LANG SYA YUNG NATUTURO NG BOTE?!" narinig kong sigaw ni Jeff

Kinuha ni Jeff mula sa akin ang shot glass at ininom niya. "Hala..." Tinuro turo ko
siya. "Ba-bakit mo
ininom?" Napasinok ako. "...Ako dapat eh. Ako dapat!" Napasinok ulit ako. Hala ang
sarap tumawa.

"B-boss... Chillax ka lang! Hindi naman namin dinadaya eh. Nagkakataon lang
talaga." Bakit parang
dalawa na ang itsura ni Rey?

"Haist. Mga lasing na kayo! Tara nga nga!" sabi ni Paul. Tumayo na si Paul. Tumayo
na rin ang iba. Bakit
nagdodoble na sila sa paningin ko. Pagewang-gewang na naglakad nung iba pabalik sa
hotel. Konti na
lang ang matino ang isip. May mga ibang grupo pa na nasa ibang bonfire pero 'yung
iba bumalik na sa
hotel kanina pa.

"Sandali lang Paul!." Tumingin siya sa akin. Hawak niya sa kanan nya si Lucy at sa
kaliwa naman si Rey.
"Ba-bakit babalik na? uhh..Pano na yung dare ko? " Suminok na naman ako.

"Bumalik na tayo Tin. Lasing ka na. Pati na din 'to si Rey at si Lucy. Bukas na
lang ulit." Doble na si Paul.

"Pero pano yung dare ko? Sa akin naturo eh!" Bigla namang may umakbay sa akin.

"Sige na Paul. Ihatid mo na sila. Ako na ang bahala dito." Si Jeff ba yun?

Nakita kong tumango ang dalawang Paul at naglakad papunta sa hotel. Nagdodoble na
siya sa paningin
ko.

Napatawa ako. Bakit kaya sya nagdodoble?

"Bakit ka tumatawa?" Si Jeff nga to ang sungit.

"Huh? Kasi doble." Sinok ako ng sinok

"Tsk. Lasing ka na. Halika na." Nagsimula nang maglakad si Jeff at dahil naka-akbay
sya sa akin,
napalakad na rin ako. Tinanggal ko ang akbay niya kaya napatigil kami.

"Shandali nga. Hindi ako lasing 'no! Sino nagsabing lasing ako?!"
"Tsk, sabi ko naman kasi wag ka na sumali dun eh! Nalasing ka tuloy!" Tapos narinig
ko siyang
bumulong. "Lagot sa'kin yang Rey na yan bukas."

"Hindi ako lasing ah! Kaya ko nga maglakad ng diresho eh!" Naglakad naman ako
pagewang-gewang.
Nahihilo na ako. Forever na hata ang sinok ko?

"Yan pala ang diretso? Tsk, halika na. Bumalik na tayo." Lumapit na siya sa akin.
Umatras naman ako
para hindi niya ako mahawakan.

"Ops! Bakit ka lumalapit sa'kin? Ayoko yang lips mo ah! Ayoko yan makita" Pagewang
gewang pa rin
ako. Ang sarap ng hangin! Ang lamig!

"Ah. Kaya ba ayaw mo akong tingnan kanina?"

"Bakit naman kita titingnan?.uh.. Crush ba kita?....uh. Ha! Akala mo crush kita?
Sino ka ba?" Naglalakad
pa rin ako. Ano nga bang lugar 'to? Bakit may buhangin? Biglang may humawak at
kumarga sa akin,
bridal style.

"Oo crush mo ako. Patay na patay ka nga sa'kin. Kaya bumalik na tayo."

Nagsimula na siyang maglakad. Tiningnan ko ang mukha niya.

"Jeff! Oo nga!uhhIkaw si Jeff!" Ang saya tumawa.

Ang sarap naman dito sa arms niya. Pinisil ko ang ilong niya, habang ang isa kong
kamay nakasabit sa
may leeg niya.

"Ano sa tingin mong ginagawa mo?" Sabi ni Jeff pero hindi naman niya tinanggal ang
kamay ko sa ilong
niya.

"Ang weird ng boses mo!" Parang ngongo si Jeff.

"Tama na nga yan. Di na ako makahinga."

Tinanggal ko nga pero pinisil ko naman ang pisngi niya.

"Ganyan ka ba talaga pag lasing?"

Tumawa ulit ako."Ang cute mo kasi eh." Ang sarap pisilin ng pisngi niya. Nakarating
na kami sa hotel.
Pumasok na kami sa elevator. Grabe nagsisimula na akong antukin. Bakit kaya feeling
ko pagod na
pagod ako?

"Bakit mo na naman ako tinitingnan?" sabi ni Jeff

"Hindi kita tinitingnan ah!" Pero syempre nakatingin pa rin ako sa mukha niya.
Bakit nga ba ako
nakatingin? Tumitig din siya sa akin at ngumiti. Hay heaven.
"Patay na patay ka talaga sa'kin 'no?" sabi ni Jeff. Buti alam mo.

"Yup! Yup! Kahit lagi kang nakasigaw, nakasimangot, hindi namamansin, at super
seloso!" sabi ko
habang sumisinok.

Nawala bigla ang ngiti niya."Nang-aasar ka ba?" sabi ni Jeff

Nandito na kami sa floor namin. Lumabas na kami sa elevator. Grabe inaantok na ako.
Ang bigat na ng
mga mata ko. Naglalakad na kami papunta sa room ng narinig ko siyang bumulong.

"I'm just not good at it."

"Hmm?" Pinipigilan kong pumikit pero inaantok na talaga ako. Naramdaman kong
binuksan niya na ang
pinto sa kwarto namin at pumasok na kami.

"Talking to people... expressing what I feel... I'm not good at those." Mahinang
sabi ni Jeff.

Nakapikit na ang mga mata ko hindi ko na talaga kaya pero ngumiti pa rin ako.

"It's okay. Kahit ano ka pa, tatanggapin ko naman lahat eh." Nilapag na niya ako sa
kama. "Mahal kasi
kita Jeff." Bulong ko yan na ang huli kong nasabi bago ako tuluyang nakatulog.

Pero sa lugar kung saan naghahalo ang realidad at panaginip, sa lugar kung saan
tumitigil ang panahon,
parang may naramdaman akong dumampi sa aking mga labi.

"Goodnight, Tin"

*******************************************
[15] MOOD SWINGS
*******************************************
CHAPTER 14

MOOD SWINGS

Kanina ko pa inuuntog ang ulo ko dito sa table. "Hoy Teeny Weeny! Anong ginagawa
mo? Napapraning
ka na ba talaga?" Anj said while arranging the files in the table.

"Anj Ipapaputol ko na yung ulo ko. Ang sakit sakit eh." Kanina pa 'tong umaga.
Simula ng pagkagising ko
ang sakit na. Kakabalik lang namin galing Bora. Grabe buong oras na nasa airplane
kami, natutulog lang
ako. Di ko tuloy nakausap masyado si Jeff. Pagkarating namin, pumunta pa rin siya
sa opisina kaya
nagpahatid na lang din ako dito sa shop.

"Tigilan mo nga yang ginagawa mo. Akin na, ako na ang puputol ng ulo mo." Tumayo si
Anj at naglakad
patungo sa akin. Kinuha niya yung gunting. Seriously? Anj? Tumigil na ako sa pag-
untog ng sarili ko pero
hinawakan ko pa rin ang ulo ko.

"Anj naman eh!! Wag ka na magjoke dyan. Mas lalo lang sumasakit eh." Sabi ko at
nagpout.

"Ah, ganun, ikaw pa galit. Sino ba kasing nagsabi sa'yo na magpakalasing ka sa


Bora? Hala sige magdusa
ka dyan." Kita mo nan gang masakit ulo ko tapos ganyan pa si Anj.

Napaiyak naman ako. "Sorry na Anj. DI ko naman sinasadya eh. Ang sakit lang talaga
ng ulo ko. Tapos
kagabi, hindi ko naman namalayan na nalasing na pala ako."

Alam ko nag truth or dare kami tapos lagi akong natuturo ng bote. Alam ko lang
masaya, maingay,
malamig. Tapos biglang nagising na lang ako sa kama sa hotel, habang si Jeff doon
na naman natulog sa
sofa. Siguro dinala na lang niya ako sa room pagkatapos ng laro? Hala bakit hindi
ko maalala.

May nilapag na mug si Anj sa table ko. "O ito. Inumin mo. Ganyan talaga pag first
time magka-
hangover. Gustong ipapugot yung ulo."

Napa teary eye pa ako sa care ni Anj sa akin. "Salamat Anj." Tapos ininom ko na
iyong binigay niya.
EAng pait pala nito.

"Kaya sa susunod, wag ka na masyado uminom. Buti kasama mo si Jeff, kung hindi baka
saan ka na
napadpad." Tumango tango naman ako. Okay pala 'tong pinainom sa akin ni Anj.
Mayamaya lang kasi,
medyo nawawala na ang sakit ng ulo ko.

"Wow Anj! Ang galing mo talaga! Pero wala ka bang pampabalik ng memory dyan? Para
kasing... may
importanteng nangyari na nakalimutan ko."

"Hay naku Teeny Weeny. Normal lang talaga ang hindi naalala ang mga ginawa kapag
nalasing."

"Pero, ang lakas talaga ng pakiramdam ko na may nangyari eh. Si Jeff.. para kasing
si Jeff... uggghhh di
ko talaga maalala." Ginulo gulo ko ang buhok ko.

Bigla namang tumili 'to si Anj. "Oh my gosh! Wag mong sabihing...when you were
drunk... kayo ni
Jeff... sa isang kwarto..."

Tumango tango ako. "Ano Anj? Ano sa tingin mong nangyari? Ano sa tingin mo yung
nakalimutan ko?"

Tinayo naman niya ako at hinawakan sa magkabilang balikat. Tapos nilapit niya ang
mukha niya sa akin.
Tiningnan ako ng sa mata ng maigi. "Umamin ka nga Tin. Nung nalasing ka ba...
NIRAPE MO SI JEFF?!"

Napakurap ako at tila nawala ako sa ulirat noong sinabi ni Anj iyon. "EHHH?! NIRAPE
KO SI JEFF?!"
Ngayon lang nagsink-in sa akin 'yung sinabi ni Anj.

"So ginawa mo nga?! Isipin mong mabuti Tin. Nalasing ka. Tapos nasa isang kwarto
lang kayo ni Jeff.
Tapos sigurado, naka t-shirt lang yun. Hindi kaya nung nakita mo ang abs nya ay
sinunggaban mo na
lang sya at wala na syang nagawa?"

Nanlaki ang mga mata ko at nalaglag ang panga. Yung abs ni Jeff..."HALA ANJ! NARAPE
KO NGA ATA SI
JEFF! NARAPE KO SYA!"

Kaya siguro paggising ko, natulog siya ng malayo sa'kin. Tapos kanina pa sa
airplane, parang naiilang
siya at hindi makatingin sa akin. Ito siguro ang dapat na maalala ko pero
nakalimutan ko lang kanina.

Bigla naman akong binatukan nito ni Anj."Aray! Naman Anj o, gusto mo ata sumakit
yung ulo ko ulit
eh."

"Alam mo Teeny Weeny, minsan nagtataka talaga ako kung bakit naging kaibigan kita."
Hinihimas himas
ko ulit angulo ko. Ang sakit ng batok ni Anj dinaig pa ang amazona.

"Seriously?! Naniwala ka talaga sa sinabi kong nirape mo si Jeff? Niloloko lang


kaya kita." Natatawang
sabi ni Anj.

"Huh? Talaga? Pero hindi kaya narape ko sya talaga? Posible kasi talaga eh... Ops
ops. Tama na yan ha.
Ang sakit na. " Pano naman kasi, mukhang babatukan na naman niya ako ulit. Sinangga
ko na ang
kamay ko kung sakaling mananakit na naman siya.

"Hay nako Tin. Tama na nga yang ka-epalan mo. Let's get down to business. Akin na."
nagstretch siya
ng kamay sa akin.

"Huh?" Tinaas naman ni Anj ang kilay niya.

Inilahad ulit ni Anj ang palad niya. "Yung pasalubong ko. Akin na."

Nangiti naman ako. "Alam mo Anj, minsan nagtataka talaga ako kung bakit naging
kaibigan kita."
Ngumiti rin siya tapos nagtawanan kami.

Ang swerte ko talaga sa mga kaibigan.

Gabi na nandito ako sa bahay, nagluluto ng dinner. Bago ako pumasok may nakita na
naman akong
mysterious note sa may pintuan. We know you just returned. Be afraid.

Afraid na talaga ako. Sino kaya 'yung mga nagpapadala ng notes na 'yun? Ang creepy
na.

"Nandito ka na pala."

"AY KABAYONG BUNDAT!" Napaikot ako para harapin 'yung tao na biglang nagsalita.
Hawak ko pa ang
sandok na parang espada lang. Hala, si Jeff lang pala eh. Nakakunot na naman ang
noo na parang
naguguluhan kung matatawa o matatakot sa akin.

"Hahampasin mo ba ako ng sandok?"

"Huh? Hindi ah." Todo iling ako at binaba ko na ang sandok. "Sorry naman, nagulat
lang ako. Uhm,
kanina ka pa dyan?"

Tiningnan niya lang ako. "Akala ko walang tao. Wala kasing baliw na sumalubong
sa'kin sa pinto." Sabi
niya tapos naglakad papunta sa ref at kumuha ng tubig. Hala galit ba sya kasi di ko
siya nasalubong?
Sorry naman iniisip ko kasi kung sino ang mga nagpapadala ng notes. Hindi ko tuloy
siya napansin.

"Uy Jeff. Galit ka ba?" Uminom lang siya ng tubig. "Sorry na. Uh, kamusta nga pala
sa office? Kamusta
yung kaso na hinahawakan mo? Nagkita na ba kayo ulit ni Tom"

Naglakad na si Jeff papunta sa dining table at umupo. Hindi pa rin namamansin.


"Uhm, gutom ka na ba?
Wait lang ha. Maghahanda na ako." Hindi pa rin siya sumasagot.

Nilagay ko na sa table ang food tapos nagstart na kami kumain. Di pa rin


nagsasalita itong lalakeng 'to.
Grabe, nagtampo agad. "Psst. Jeff. Masarap ba yung luto ko?" Kain lang siya ng
kain. Di tumitingin sa
akin.

"Nasarapan ka 'no! Diba ang galing ko magluto?" No reaction pa rin.

"Uy, salita ka naman dyan. Baka matuyo yung laway mo sige." Wala pa ring sagot.

"Yoohooo! Pogi! Gwaps! Macho! Papable! Mamansin ka naman dyan." No reaction. Talent
niyah ata
'yan ang hindi mamansin. Ano kayang gagawin ko. Ah alam ko na!

Sumigaw ako."BUBU! BUBU! BUBU!" Napatigil siya sa pagsubo at napatingin sa akin.

"Uyyy! Ikaw ha! Bubu! Namiss mo yung nickname ko sa'yo 'no?" super smile ako sa
kanya kasi
nakatuon na atensyon niya sa akin.

Tiningnan niya ako ng masama parang may internal debate siya kung sisigawan niya ba
ako o hindi na
lang ulit papansinin. At hindi na nga lang nya ako pinansin.

"Tsk." 'Yan lang sabi niya bago kumain ulit. Aba, matibay! Akala mo papayag akong
hindi ako
pinapansin? Tinuro ko siya gamit ang kutsara ko.

"Sigurado ka bang hindi mo ako papansinin Bubu? Last chance mo na 'to!"Di pa rin
niya ako tiningnan.
Kailangan ko na hata gawin ang huling plano ko. Tumayo na ako at nilapit ang
kutsara sa may bibig ko na
parang microphone lang.

Nag clear throat ako. Game! "Ehem. Ehem. I LOVE YOU BUBU! AND IF IT'S QUITE
ALRIGHT, I NEED YOU
BUBU TO WARM MY LONELY NIGHTS. I LOVE YOU BUBU, TRUST IN ME WHEN I SAY..."

"Ano sa tingin mong ginagawa mo?!" Galing ko talaga, kinakausap na niya ako ulit.
Dapat lang 'no. May
dance moves pa kasi akong ginagawa.

"OH PRETTY BUBU DON'T LET ME DOWN I PRAY. OH PRETTY BUBU NOW THAT I FOUND YOU STAY.
AND
LET ME LOVE YOU BUBU, LET ME-"Di ko na natapos kasi si Jeff tinakpan na 'yung bibig
ko.

"TAMA NA NGA! ANG LAKAS NG BOSES MO!" Sumigaw na rin siya. Namumula na naman tenga
niya.
Kinakausap na niya ako ulit. Kahit pasigaw, okay na yan.

Mayamaya pa, tinanggal na niya yung kamay niya. Ang laki ng ngiti ko.

"Subukan mong kumanta ulit dyan. Lagot ka talaga." Sabi niya.

Pademure akong tumawa at nagsalita."Sorry na.."

Umupo na ulit kami then balik sa pagkain. Sumitsit ako at saka nagsalita."Bubu.
Bakit ka ba talaga
nagalit sa akin kanina?"

Kumain na lang siya ulit. Aba, ano 'to take two? "Ayaw mo ba ulit ako kausapin?
Sure ka na ba dyan?"

Napatigil naman siya at napatingin sa akin. Galing ko talaga. "Tsk. Hindi ako
galit. Kumain ka nga lang
dyan."

"Wooshoo, hindi daw galit pero hindi namamansin." Bigla ko naman naalala. "Teka,
kaya ba hindi mo
ako kinakausap kanina... dahil dun sa nangyari kagabi?"

Napaubo naman siya bigla at parang nabilaukan. "Bubu ok ka lang? Ito tubig o."
Uminom siya nung
tubig na binigay ko. Pero ngayon nakatingin na siya sa akin. Parang... kinakabahan?
Si Jeff kinakabahan.

"Naaalala mo?" So may nangyari nga?! Nanlaki naman ang mga mata ko. Hala totoo nga
'yung hinala ko.
Narape ko nga siya talaga!

"S-syempre naalala ko. Akala ko nga imagination ko lang yun eh.." sabi ko. Sorry
Jeff minsan kasi basta
kapag ikaw sunggab lang ako ng sunggab.

Nabitawan naman ni Jeff ang hawak niyang kutsara at tinidor. Napatungo naman ako
bigla. Nakakahiya
naman kay Jeff. "L-lasing ka lang nun..." Sabi ni Jeff. Kinakabahan ba siya?

"Oo nga Bubu nalasing talaga ako."

"Tapos kung anu-ano pa yung sinasabi mo..."

"Madami nga siguro talaga akong nasabi." Siguro tungkol sa abs niya?
"T-tapos bigla na lang nangyari... basta bigla na lang.."

"Tama ka Bubu, biglaan lang talaga ang lahat." Hindi ko naman talaga sinasadya.

"Tapos.. Haist! BASTA IKAW ANG MAY KASALANAN! KASALANAN MO LAHAT!"

Inaamin ko naman na ako talaga ang may kasalanan. "Alam ko Bubu!! Kasalanan ko
talaga. Sorry na,
sorry na."

Tumahimik siya. Kaya tinaas ko ang ulo ko at titningnan siya. Nakakunot na naman
angg kilay niya, na
parang iniisip na naman kung ano ang nasa utak ko.

Tumayo na siya."Tsk. Sige basta, wag mo na ulit babanggitin. Wag mo rin sasabihin
sa iba, kung hindi
lagot ka talaga."

Pinapatawad niya na ba ako agad? Kanina nung hindi ko siya nasalubong nagtampo na
agad. Pero
ngayong narape ko siya, huwag ko lang sasabihin ok na? "S-sure ka Bubu? Ganun lang?
Diba dapat
nagagalit ka sa akin ngayon?"

Nag-iwas naman siya ng tingin. "Well, since inamin mo naman na ikaw talaga ang may
kasalanan..." sabi
ni Jeff.

"Oo promise kasalanan ko talaga. Wala ka namang ginawang masama eh." Hindi naman
niya kasalanan
kung masyado siyang gwapo kaya narape ko siya diba?

"Mabuti na 'yung nagkakaintindihan." medyo nangingiti siya. Mabuti naman at hindi


siya masyado
nagalit sa akin.

Uminom lang siya ng tubig tapos nagsimula na siyang tumalikod at maglakad papunta
sa kwarto niya.
Pero nagpahabol pa ako ng sorry. "Sorry talaga Bubu ha. Super pinagsisisihan ko
talaga ang mga
nangyari."

Bigla naman siyang tumigil sa paglalakad at humarap sa akin. "Pinagsisisihan?!"


gulat niyang sabi. Hala
bakit parang bigla siyang nainis.

"Syempre pinagsisisihan ko Bubu. Hindi ko naman talaga ginusto yun eh."

Humarap siya ulit sa akin. "Sinasabi mo bang hindi mo yun nagustuhan?!"

Bakit pasigaw na naman siya? Akala ko ba okay na? Hala ka Tin, ano na namang ginawa
mo. Gawan mo
yan ng paraan.

"Totoo Bubu! Hindi ko talaga ginusto yung nangyari. Kaya promise ko sa'yo Bubu,
hinding-hindi na
talaga yun mauulit."

Nanlaki ang mga mata niya."AT AYAW MO PA TALAGA YUN MAULIT?!"


"Ehh? Bakit Bubu, gusto mo ba yun ulitin?"

"M-MAY SINABI BA AKONG GANUN?! WALA NAMAN DIBA! HAIST!"

Tapos tumalikod na ulit siya at naglakad palayo. Hala wait lang! "T-teka Bubu!
Bakit ka nagagalit? Diba
nagsorry na naman ako tsaka-"

"WAG MO NGA AKONG KAUSAPIN! AT DIBA SABI KO WAG MO AKONG TAWAGING BUBU?!"

Mabilis siyang umakyat sa hagdan at narinig ko pang ang lakas ng pagsara niya sa
pinto ng kwarto niya.
Hala ano na naman bang nasabi ko, bakit nagalit na naman siya? Kanina okay na
namang tinatawag ko
syang Bubu. Palpak mo talaga Tin.

Niligpit ko na ang mga pinagkainan then nagshower, nagbihis at nag-ready na


matulog. Nakahiga na
ako sa kama ko, pero paikot ikot lang ako kasi di naman ako makatulog. Ayoko talaga
ng nagagalit sa
akin si Jeff. Dapat magsorry ako ng magsorry hanggang sa mapatawad na niya ako.

Kaya tumayo ako at nagsuklay and once again, nandito na naman ako sa harap ng pinto
ng kwarto ni
Jeff. Go Tin, go Tin. Kaya mo yan.

Kumatok ako."Bubu? Ah I mean, Jeff? Tulog ka na ba?" Walang sumagot baka tulog na.

"Tulog ka na ba talaga o nagtutulog-tulugan ka lang?" Walang sagot. Feeling ko


tulog-tulugan lang.

"Uy Jeff. Magsalita ka naman dyan o. Kausapin mo naman ako."Walang sagot. Grabe
matampuhin
talaga 'to si Jeff. Diba dapat kaming mga babae ang nagtatampo tapos ang mga lalake
ang manunuyo?
Kahit ako lagi ang manuyo okay lang, basta wag lang siyang magalit.

"Yung totoo, may period ka ngayon 'no?" Kanina kasi naiirita siya, then walang
kibo, then nangingiti,
then galit na naman.

"Haist." Hala! Dinikit ko tuloy ang tenga ko sa pinto. Kahit mahina, narinig ko ang
boses ni Jeff.

"Jeff gising ka pa 'no? Umamin ka, narinig ko yung boses mo. Huy." Wala na namang
sagot. Hala naman
dineadma na naman ako. Anong gagawin ko niyan? Maglupasay kaya ako?

"Uy Jeff!! Please please sorry na talaga. Wag ka na naman magalit o! Hindi ko naman
talaga sinasadya
eh. Diba sabi mo nga nalasing lang talaga ako. Di ko naman talaga ginustong rapin
ka eh. Promise hindi
na talaga mauulit. Kasalanan ko talaga, hindi mo naman kasalanan kung masyado kang
gwapo diba.
Sorry sorry sorry na talaga-"

Muntik na akong masubsob kasi naman si Jeff binuksan bigla yung pinto niya.
Nageemote pa ako dun
sa may pinto. Pero at least napalabas ko siya.

"Anong sinabi mo?" Seryosong tanong niya sa akin.

"Huh? Anong sinabi?"

"Tsk. Yung sinabi mo kanina!" naiirita na ulit si Jeff. Sabi ko na nga ba nakikinig
siya sa paglulupasay ko.

Ade m"Uhm, sorry sorry sorry?"

"Yung sinabi mo bago yan." Nagtatanong sagot ni Jeff.

"Uh, masyado kang gwapo?"

"Tsk. Yung sinabi mo pa bago yan!"

"Ah, alin? Yung sinabi ko na hindi mo kasalanan kung masyado kang gwapo?"

Nagbuntung hininga siya, nagpipigil na namang hindi sumigaw. Sorry naman, yan naman
yung naaalala
kong sinabi ko eh.

"Sabi mo kanina, nirape mo ako. Tama ba ang rinig ko?" napakaseryosong tanong ni
Jeff.

Tumango naman ako. "Sorry na please. Hindi ko naman talaga sinasadya na gawin sa'yo
yun sa Bora
eh."

"Nirape mo ako... sa Bora?" kumunot ang kilay niya. Ay Jeff, paulit ulit talaga?

Tumango ako ulit."Kaya nga sorry na. Pinagsisihan ko naman talaga eh."

"Kaya ka nagsosorry, kasi nirape mo ako? Yun din ang sinasabi mong pinagsisisihan
mo?"Parrot Jeff?
Parrot?

Tumango na lang ako ulit. "Akala ko nga imagination ko lang eh. Pero diba sabi mo
nangyari talaga?
Sorry na please. Bati na tayo." Pinagdaop ko pa ang palad kong parang nagdadasal.
Please Jeff sorry na!

Bigla namang tumawa 'to si Jeff. Diba lagi 'tong nagpipigil ng ngiti pero ngayon
kung tumawa wagas?
Yung totoo, bipolar ba siya? Kanina lang super galit.

Pero syempre ang sarap niya tingnan na tumatawa. Kaya tumawa rin ako. Mayamaya pa,
naconscious
hata siya kaya kunwari naubo siya then balik na naman siya sa seryoso niyang
mukha. "Bakit ka
tumatawa?" tanong ni Jeff.

"Huh? Wala lang. Tumawa ka kasi eh."

"Hindi ako tumawa. Naubo lang ako." Deny pa 'to.

"Sige na, hindi na." ngumiti na lang ako.


Mayamaya pa, nagsalita ulit siya. "Walang nangyari sa Bora. Wala kang ginawa
sa'kin." Yun naman pala
eh. Eh bakit nga ba ulit kami nag-aaway- teka WHAT?! Walang nangyari?!

"Anong ibig mong sabihin Jeff?! Walang nangyari? Pero diba sabi mo kanina-"
Napatigil ako. Paano ba
naman pinitik niya ng mahina ang noo ko. Napahawak tuloy ako sa noo ko.

"Ikaw Jeff ha. Bakit namimitik ka ng noo?"

Ngumiti na inaman sya. Gustong-gusto ko talaga ang smile niya. Sige na nga, pitikin
na lang nya ako lagi,
basta lagi syang ngingiti ah.

"Pinagnanasaan mo pala ako sa imagination mo huh." Nakangising sabi ni Jeff.

Nagtaka naman ako. "H-ha?"

"Sige na matulog ka na. Wag mo na isipin yung sa Bora."

Bakit ang sweet naman niya bigla ngayon? Pabago-bago talaga siya. Lumakad na ako
papunta sa kwarto
ko. And since, magkatabi lang halos ang kwarto namin, nakita ko pa siyang umiiling-
iling at nakangiting
pumasok sa kwarto niya.

Iba iyong smile niya. Hindi iyong tipong makalaglag panty na killer smile. Hindi
rin 'yung karaniwang ngiti
na nakikita ko sa kanya. 'Yung ngiti niya kasi ngayon parang may alam siya na hindi
ko alam.

*******************************************
[16] BIG DILEMMA
*******************************************
Chapter 15

BIG DILEMMA

Ang ganda na sana ng gising ko maaliwalas iyong weather, nakatulog ako ng maayos,
tapos naririnig ko
pa nga yung chirp ng mga ibon. Super excited na rin akong ipagluto si Jeff ng
breakfast. Pero nang
humarap ako sa salamin, nanlaki ang mga mata ko.

"BAKIT MAY PIMPLE AKO SA NOO?"

Isang pimple na nasa gitna pa talaga ng noo ko. Bakit ngayon pa? Masyado ko ba
talagang iniisip si Jeff?
Hindi naman masyado, slight lang. Naghilamos na ako and stuff, then bumaba na para
magluto. With or
without pimple, dapat ipagluto ko si Jeff. Fight Tin!

Nagluto ako ng egg, bacon, friend rice at nagtimpla ng juice. Nagtimpla rin naman
ako ng coffee. Sana
magustuhan ni Jeff. Mayamaya pa, nagpatugtog ng malakas 'yung kapitbahay. Lagi 'yan
nagpapatugtog
tuwing umaga. Marami nga ang nagrereklamo na nagigising sila, pero hindi naman nila
masyadong
masita kasi matanda na 'yung couple na nakatira.

I don't wanna miss a thing by Aerosmith. Napa-sway naman ako sa melody habang
nagluluto.
Regaluhan ko kaya sila mamaya ng mga CD? Music lover couple kasi talaga sila. Hala
chorus na!

Niready ko na ang sandok bilang mic. "I DON'T WANNA CLOSE MY EYES! I DON'T WANNA
FALL ASLEEP,
COZ I MISS YOU BABE! AND I DON'T WANNA MISS A THING."

Pinikit ko pa ang mata ko para with feelings 'yung isa ko namang kamay kumu-kumpas
kumpas pa
kunwari. Napanood ko kasi minsan si Anne Curtis kaya ayun nagging idol ko siya.

Kinanta ko iyong susunod na lyrics. "COZ EVEN WHEN I DREAM OF YOU. THE SWEETEST
DREAM WILL
NEVER DO I STILL MISS YOU BABE. AND I DON'T WANNA MISS A THING."

Kinulot kulot ko pa 'yung boses ko. "I DON'T WANNA MISS A THING. I DON'T WANNA MISS
A THING.
AND I DON'T WANNA MISS A..." Huminga ako ng malalim kasi ibibirit ko 'yung last
word ng lyrics "...
THINGGGG!"

Ngumiti ako ang galing ko talagang kumanta basta kapag idol si Anne magaling na.
Maya maya may
biglang nalaglag. Napatingin ako sa likod ko. Si Jeff, parang umuubo.

"J-Jeff? Kanina ka pa dyan?"

Kinuha nya 'yung briefcase niya sa floor. Yun pala yung nalaglag kanina. Or
nabitawan niya?

"Mmmm." Sabi niya lang tapos umuubo ubo pa rin siya.

Nilapitan ko naman siya. "Ok ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?" Umubo lang
siya.

"Hala, may sakit ka ba? Kanina ka pa kasi-"

Napatigil ako then nanliit ang mga mata ko. Para kasing... "Teka nga Jeff. May ubo
ka ba talaga o
pinagtatawanan mo lang ako?"Umubo pa siya ulit kunwari. Naku! Ganyang ganyan siya
kapag nagpipigil
tumawa.

"Ikaw Jeff huh. Masyado kang nagandahan sa boses ko 'no?" Bilib na hata sa akin si
Jeff kasi super
ganda talaga ng boses ko mana kay Anne.

Pinilit niyang wag na ulit umubo at naging seryoso na ulit ang mukha niya. Pero
parang nagpipigil pa rin
sya ng ngiti.

Tumingin siya sa relo niya."Ganito kaaga nagwawala ka?" nagpipigil pa rin siya ng
ngiti.
"Uy hindi ako nagwawala ah! That's called singing." Sabi ko sa kanya at tinaas ang
kilay ko.

Tinaas niya rin ang mga kilay niya na parang nagsasabing 'weh, di nga' tapos
tumingin lang sa'kin. Doon
ko lang narealize... Hala nakalimutan ko! Bigla akong tumalikod. "Ano na namang
meron?" Seryosong
sabi ni Jeff. For sure 'yung kaninang nakataas niyang kilay ay nakakunot na ngayon.

"H-huh? Hindi wala, sige upo ka na dun. Ihahanda ko na kasi yung food." Please!.
Wag mo ako tingnan
Jeff may pimple ako.

Buti naman at narinig ko na siyang naglakad papunta sa table at umupo. Naghain na


ako ng food pero
tinatakpan ko pa ang mukha ko ng plato. Masyado nga lang 'yun halata kaya either
pinipilipit ko ang
leeg ko to other direction para hindi niya ako matingnan, or nakatago ang mukha ko
sa buhok ko.
Pabalik na ako ng kitchen nang bigla siyang nagsalita.

"May mali ba akong nagawa?" Napatigil tuloy ako sa paglalakad. Pero nakatalikod pa
rin ako sa kanya.

"Ehh? Bakit mo naman natanong 'yan? Wala ka namang maling nagawa Jeff eh." Weird.
Ano bang
sinasabi niya.

"Galit ka ba sa'kin?"

"Hala. Bakit naman ako magagalit sa'yo Jeff? Hindi ako galit 'no." Ano ba talagang
meron? Wala naman
siyang ginagawa.

"Sigurado ka bang hindi ka galit?" Nakatalikod pa rin ako. Itong pimple na kasi na
ito imbes na may
moment kami ni Jeff magtitigan ay naudlot pa.

"Hala Jeff hindi nga talaga ako galit sa'yo. Promise promise."Panigurado nakakunot
na naman kilay nito.

"Kung ganun... bakit ayaw mong tumingin sa'kin?"

Hala. Hindi ako galit Jeff. Hindi lang talaga ako pwede tumingin dahil may pimple
ako. OA na kung OA,
pero baka ma-turn off ka sa'kin kapag nakita mo 'to. Hindi pwede yun!

"T-tumitingin naman ako sa'yo ah." Tumingin naman ako sa kanya kanina nung
kinakausap niya ako
about my talent singing.

Narinig ko siyang tumayo. Lumalapit na siya sa'kin. Wag kang lilingon Tin! Kahit
super gwapo niya
huwag kang lilingon. Hanggang naramdaman kong nakatayo na sya sa likod ko.

Napalunok naman ako."May nangyari ba?"

"Huh? W-wala Jeff. Wala namang nangyari. May dapat bang nangyari? Diba wala namang
dapat
mangyari? Walang nangyari Jeff. Wala talaga. He-he-he." Nag-fake laugh pa ako.
Anung sinabi ko? Sige
lang, mataranta ka lang. Mas magiging obvious ka nyan.

"Tsk. Humarap ka nga sa'kin."

"Huh? H-hindi pwede Jeff eh. Hindi talaga pwede." Jeff naman.

"Bakit hindi pwede?"

"Ano kasi eh, uhm, kailangan ko na pumunta sa kitchen. Oo tama, kaya kailangan,
nakaharap na ako
papunta dun." What Tin?

"Bakit kailangan mong pumunta sa kusina?"

"Uhm, bakit ko kailangan? Uhhh, bakit nga ba... ah! M-may nakalimutan kasi ako.
Kukunin ko lang."
palusot ko.

"Anong nakalimutan mo?" Ang dami namang tanong ni Jeff.

"Uhm, nakalimutan ko yung ano... yung..." Bakit ba kasi ang daming tanong ni Jeff?
Ganito hata talaga
kapag lawyer asawa mo ang hirap makalusot. "Yung sandok! Nakalimutan ko kunin yung
sandok."

"Bakit mo kailangan ng sandok?"

"K-kasi. Magluluto ako! Pangluto naman talaga yung sandok diba?"

"Bakit ka magluluto ulit?" Super daming tanong.

"Kasi Jeff...kailangan. Basta kailangan, wag ka na magtanong ha, sige punta na ako
sa kitchen." Ang
daming tanong ang hirap namang sumagot sa korte na nga lang tayo magkita. Joke! May
masabi lang
Tin?! Nagstart na ako maglakad pero nagulat ako nang hawakan niya ang left arm ko.
Napatigil ako sa
sobrang gulat, at sobrang saya kaya di ko na lang napansin na dahan dahan niya
akong inikot paharap sa
kanya.

Nakakunot yung noo nya habang nakatingin sa'kin."Ano bang problema?" Hindi nya ba
nakikita?
Tinakpan ko nga agad ang noo ko with my right hand. Mahirap na, baka makita niya
pa.

"Masakit ba ang ulo mo?" Dumoble na ang kunot ng noo niya.

"Huh? H-hindi ah."

"Nahihilo ka ba?"

"H-hindi rin."

"Kung ganun bakit nakahawak ka sa noo mo?"

"W-wala lang. Para cool. Hehe." Nag fake laugh ako para makumbinsi siya at ngumiti
ako pagkatapos.
Please Jeff wag ka na magtanong please. Nangangalay na ako eh.

"Tsk. Nababaliw ka na ba talaga?"

Di pa rin talaga tumigil. Tumango na lang tuloy ako ng tumango para matapos na."Oo
Jeff sorry
nababaliw na talaga ako ng tuluyan. Kaya pumunta ka na sa office mo ha." Nakakunot
pa rin ang kilay
niya. Ano bang pwede kong sabihin? "Promise talaga Jeff, wala akong tinatago o
tinatakpan o kung ano
pa man. Wala talaga. Kaya punta ka na sa office mo ok?"

Bigla namang tumaas ang mga kilay niya."Ah, so may tinatakpan ka sa noo mo?"

Nanlaki ang mga mata ko. Pano niya nalaman?"Hala diba nga sinabi ko wala akong
tinatago?! Wala
talaga, wala wala wala." Bakit ba ang hirap paliwanagan nitong si Jeff?

"Tss." Hala ayan na naman siya, nagpipigil ng ngiti. Masyado ba talaga akong
obvious? "Patingin ng noo
mo."

"W-what? Hindi pwede Jeff. Hindi pwede. Hindi pwede talaga." Hinihigpitan ko na ang
pagtakip sa
nook o.

Kumunot na naman noo niya."Ano ba kasing tinatago mo? Patingin lang."

Super higpit at wala na talagang makikita sa nook o. "Wala lang 'to Jeff. Punta ka
na sa office mo ok?
Baka ma-late ka pa eh."

"Hindi ako aalis hanggang hindi ko nakikita." Tumingin naman siya sa akin.

"Wala talagang makikita Jeff. Noo lang talaga."

"Tanggalin mo na kasi yung kamay mo!"

"Hindi talaga pwede eh. Please Bubu?" nagpout pa ako tapos beautiful eyes.

"Tsk. Hindi mo ako madadaan sa ganyan. Patingin na kasi!"

Umiling-iling ako. Sorry Jeff. "Tanggalin mo na yung kamay mo o hahalikan kita


dyan." Sabi ni
Jeff.Napatingin naman ako sa kanya.

"Weh? Blackmail ba 'yan?"

"OO! Blackmail! Kaya patingin na!" iniamba na ni Jeff ang kamay niya sa akin.

Tiningnan ko pa siya ulit ng medyo matagal seryoso na siya. Ngumiti ako."Sige


forever ko na lang hindi
tatanggalin. Para forever mo akong iba-blackmail na hahalikan mo 'ko."

Humihinga na siya ng malalim. Ibig sabihin pasigaw na siya. Kailangan mapigilan ko


iyon. "Jeff please
naman o. Hindi mo talaga pwede makita. May reason naman ako eh."
"At ano namang dahilan yun?!" his nose flared.

Sabi ko na naiinis na siya. Tumingin tuloy ako sa floor. "Sorry na. Ayoko kasing
ma-turn off ka sa'kin
kapag nakita mo 'to eh."

Natahimik siya. Hindi na kaya siya galit? Bigla na lang may humawak sa right arm ko
at dahan-dahang
tinanggal sa noo ko. Hindi pa pala niya binibitawan 'yung left arm ko kanina kaya
hawak niya 'yung
dalawang arms ko. Kikiligin na sana ako kung hindi ko lang naalala na nakatingin
siya sa noo ko.

"Ano bang meron?" Nakakunot 'yung kilay nya habang nakatingin sa noo ko.

"Ehh? Hindi mo ba talaga napapansin Jeff?"

"Tsk. Alin ba?"

Hala hindi ba niya talaga nakikita? Ang laki-laki kaya. "Ayan Jeff o. Yung pimple
ko. Sa may gitna pa
talaga ng noo ko pumwesto."

"Ahh. Tapos?" Tumatango tango pa siya. Hala! Grabe kaya iyong pimple ko.

"Huh?"

"Tapos? Ano pang tinatago mo kanina?" Nakatingin pa rin siya sa noo ko. Naghahanap
pa rin nung
tinatago ko. Wala naman akong tinatago itong pimple lang na ito.

"W-well. Ayan nga, yung pimple ko." Tinuro ko pa, bulls eye nga.

Tumigil naman agad siya sa pagtingin sa noo ko, at tiningnan ako sa mata."Yan
lang?!"

"Uy hindi 'yan tinatawag na 'LANG' 'no! Major major yan!" Napakalaking problema
kaya nito. Akala niya
'Lang' lang to pero hindi hindi hindi. Nagiging artista na hata ako, singer na
actress pa. Saan ka pa?

Umubo na naman siya pinagtatawanan na naman niya ako. "Wag ka tumawa Jeff!
Hahalikan kita dyan."

Tumigil naman siya tapos tumingin sa'kin. O ha effective! "Blackmail ba 'yan?"


tanong ni Jeff.

"Yup! Blackmail! Kaya wag ka na tumigil sa pag-ubo forever! Ano, halikan na kita?"
ngumuso na rin ako
at nagready na.

Iniwas naman niya ang tingin sa akin. "Tsk. Sa tingin mo papayag ako?"

"Naman! Ayaw mo nga bitawan yung arms ko eh." Pakipot pa tong si Jeff. Ngayon pa
lang hata niya
napansin kaya binitawan niya agad ang hawak niya sa'kin.

"Sa tingin mo gusto kita halikan? Tsk." Umiiling iling pa siya. Naku Jefferson
pakipot ka lang.
"Ayaw mo ba talaga? Eh bakit namumula yung tenga mo na naman? Uy! Ikaw Jeff huh."
Pakipot
forever tong si Jeff.

"Haist! TUMIGIL KA NA NGA! Aalis na ako." Tapos kinuha na niya ang gamit niya at
naglakad papunta sa
pinto. Parang naasar na si Jeff.

"Uyy Jeff wait lang! Uy wag ka na magalit!" Hinabol ko siya palabas ng bahay.
Sumikat na pala ang araw.
"Pst Jeff. Wag ka na magalit peace na tayo." Nilalagay lang niya ang gamit niya sa
kotse. Hala, hindi na
naman niya ako pinapansin. Change tactic!

"Bubu wag ka na magalit o. Gusto mo kiss na lang kita? Para hindi ka na magtampo!"
Lumapit lapit pa
ako sa kanya na kunwari hahalikan ko na siya. Napatawa ako kasi ang pula na naman
ng tenga niya ang
sarap talaga asarin.

"Aww! Aren't they sweet!" Napatingin naman kami ni Jeff sa biglang nagsalita. May
grupo ng
mayayamang babae ang nasa harap namin at pinapanood pala kami. May mga ka-age ako
pero
karamihan sa mga babae dito mga nasa 30s na siguro. Super sophisticated at sosyal
sila.

"You must be Mr. and Mrs. Lee?" Lumapit sa amin ang isang 30 something na woman.
She has a nice
smile, para siyang si Mom na feeling ko lagi pumupunta sa salon. Siya hata 'yung
parang leader.

Nagsmile din ako sa kanya. "Hi. I'm Christine, but you can call me Tin. And this is
Jeff, my husband."
Nuks ang sarap naman sabihin ang husband. Tumingin siya kay Jeff at tumango lang si
Jeff tapos kinuha
niya ang kamay ko at kinamayan.

"I'm very glad to finally meet you both. I've heard about Mr. Lee through
magazines, but I've never
expected Mrs. Lee to be of outstanding beauty. The subdivision gossip did not give
justice in
describing you."

Napasmile naman ako ng malaki sa sinabi niya. Naks bolera pala 'to si madam. "Oh,
thank you. You're
too kind ma'am. You're too beautiful beyond words too."

Nagblush din siya sa sinabi ko. Magkakasundo kami nito!.

"Thank you. I'm Amelia Smith by the way. Ever since you've moved in this
subdivision, everyone of us
is excited to meet both of you."

Tumango naman din 'yung ibang babae. Bakit nga pala puro babae lang sila?

"You guys are so sweet! Naalala ko tuloy when I was newly married." Sabi nung
babaeng naka asul na
dress tapos may flower sa gilid nung dress niya.

"I know! Kapag may LQ din kami ng hubby ko, hindi ako tumitigil hanggang hindi kami
nagbabati before
he goes to work." Sabi naman nung babaeng parang ka-age ko lang.

"Well of course, we didn't really mean to see both of you having an argument." Sabi
naman nung
babaeng ka-age ni Mommy ko rin.

"It just happened na nakita namin kayong lumabas ng bahay, and saw you offering him
a kiss."
Nakangiting sabi nito.

"HOW SWEET." Sabi nila sabay sabay parang mas kinikilig pa sa akin. Napatawa naman
ako ng mahinhin
dahil sa kanila.

"Ehem." Napatingin naman kami lahat kay Jeff. "Uh, please excuse me. I need to
go." Tumitig naman
sya sa'kin na parang humihingi ng tulong. Hindi nga pala magaling si Jeff
makipagmeet ng mga bagong
tao. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Ah. Sige Jeff ingat ka ha." Tapos tumingin ako sa kanila. "Please excuse him.
Malalate na kasi sya eh." I
said and smiled.

"Yes of course. Take care Mr. Lee." Madam Amelia said while smiling.

Tumango naman si Jeff. Pero hindi pa rin siya pumapasok sa kotse. Pano ba naman,
nakatingin pa rin
sila sa amin. Parang may hinihintay?

"Oh. Please don't mind us. Go ahead and do it."

"Sanay na naman kami makakita ng kissing couples."

"I often don't admit this, pero favorite ko talaga ang pagkiss sa husband ko bago
sya pumuntang
work." Sabi nila at tumango naman sila in agreement. Ngumiti na lang ako sa kanila.

Tumawa muna at nagsalita. "Actually favorite ko rin 'yan." Sabi ko naman bigla.
Tumingin ako kay Jeff
pero nakakunot na naman noo niya. Nagagalit na naman ata 'to, patay.

Tumingin naman ako ulit dun sa mga babae. Nakatingin pa rin sila sa amin
expectantly. Nginitian ko na
lang sila.

"Uhm, hehe, actually... my husband is really really shy. He's not really used in,
uhm, displaying
affection in public. Uhh, pero napakasweet nya talaga! Lagi nga nyang nauubos yung
luto ko. Tapos
kahit anong gawin ko o ano mang itsura ko, hindi sya natuturn-off sa'kin. Tapos
kapag kami nga lang
dalawa-"Hindi ko na natapos 'yung sasabihin ko kasi hinila ako ni Jeff papalapit sa
kanya at hinalikan sa
cheek.
"Bye." Sabi nya tapos pumasok na siya sa kotse niya.

Hindi ko na narinig iyong mga kinikilig na sinasabi nung ibang mga babae. Hindi ko
na rin nakita ang
super pula na tenga ni Jeff. Hindi ko na rin pinapansin ang malakas na tibok ng
puso ko.

Basta nakahawak lang ako sa pisngi ko habang tinitingnan palayo iyong kotse niya.

*******************************************
[17] FUND-RAISING
*******************************************
CHAPTER 16

FUND RAISING

Ano na naman ba 'tong napasok ko?

Pagkaalis ni Jeff hindi ko na lang namalayan na nahigit na pala ako rito sa bahay
ni Madam Amelia.
Kanina pa kami umiinom ng tea dito sa may garden. Homeowner's meeting pala 'to,
wala man lang
akong idea na may Homeowner's association pala, parang PTA meeting lang.

Grabe ang tagal kanina pa ako tumatango-tango rito, pero di naman ako nakikinig.

"Well now that's settled, let's go to another issue?" sabi ni Madam Amelia

Kailan ba 'to matatapos?

"Ah yes madam. We have the issue of Mr. and Mrs. Pascual? Nagpapatugtog po kasi
sila ng malakas
tuwing madaling araw, kaya nabubulabog po ang ibang residents." Sabi nung isang
lady na parang
kasing age ni Madam Amelia.

"Ahh. Yes I've heard of that." Tumatangong sagot ni Madam Amelia.

Nagugutom na ako.

"What do you think madam. Bibigyan po ba natin sila ng penalty?" sabi naman nung
isang lady na
kasing age ko.

"Oh, no need. Kakausapin ko na lang si Rosie. They're just an old couple who loves
music. Siguradong
maiintindihan nila when I talk to them." Madam Amelia said.

Hindi pa ako naliligo, lagot na naman ako kay Anj pag late ako ulit.

"Well sige Madam, move on na po tayo. May issue din po tungkol sa mag-asawa na
nakatira sa street
na malapit sa-" sabi ulit ng nung lady na ka-age ko. Tapos na kaya to?

"Excuse me Anne. It's very.... well, industrious of you to outline all the problems
of the subdivision.
Pero don't you think we should talk about the main concern of this meeting?" sabi
ni Madam.

Okay lang siguro na ma-stuck ako rito dahil naman sa kanila kaya napilitan si Jeff
na i-kiss ako kanina.
Kung pwede lang mag-thank you.

"Oh, o-of course madam. Well uh, let's talk about Mr. Adonis 2012?"

"Oh my gosh I'm so excited like really really excited about tonight's pageant."

"Nakapagprepare na nga ang husband ko para sa talent portion mamaya. We've actually
practiced for a
month."

Grabe talaga si Jeff, napaka-unpredictable na nakakakilig na ewan. Naalala ko na


naman tuloy 'yung
kiss niya sa'kin kanina kaya nangingiti ako.

"My husband won last year. Kaya for sure, sya ulit ang magiging Mr. Adonis ngayong
taon." L

"I don't think so Emily. My Steph practiced really hard for this year. For sure sya
na ang mananalo."

"Ehem, ladies? Please settle down. I thought we're here to finalize the pageant's
arrangement and
deal with the problem." Biglang singit ni Madam. Kanina pa kasi 'yung mga babae
dito na pinag-
uusapan ang mga husband nila, buti pa ako si Jeff lang.

Bakit hindi ko mapigilan ngumiti? Normal ba talaga 'to? Napahawak pa ako sa cheek
na hinalikan kanina
ni Jeff.

"I've heard na nagkasakit si Mr. Gil. Kailangan natin ng replacement." Madam said.

"Naku madam. Wala na po kasi tayong mahanap na replacement. Tonight na po kasi ang
pageant kaya
wala pong handa." Sabi ulit nung lady n aka-age ko. Siguro yun ang secretary ni
madam sagot kasi siya
ng sagot.

"But we need a replacement. Is anybody here willing to volunteer her husband?"


deklara ni Madam.

"Lahat po ng nandito, kasali na po ang husband madam. Well syempre except po kayo
since... wala na
po si Mr. Smith. Uh, sorry madam." Pagpapaumanhin nung isang lady.

Hay naku, excited na ako pag-uwi ni Jeff mamaya. Ipapahalik ko rin 'yung kabila
kong cheek, para
pantay diba. Yehey, ang galing ko talaga mag-isip.

"That's ok. Pero, hindi lang naman ako ang exception right? We still have.....
Christine?" Tumingin si
Madam sa akin.

"Oh! Oo nga madam! Si Mr. Lee! Pwedeng-pwede isali yun!"

"What do you think Christine? Ok lang ba isali sya?"

Lagot sa'kin si Jeff mamaya. Kapag hahalikan na niya ako sa cheek, bigla akong
haharap sa kanya para sa
lips na lang! I'm so awesome.

"Christine? Christiine?" May humawak sa arm ko. "Are you okay?"

"Huh?!" Hinawakan pala ako ni madam. Nakatingin din lahat ng babae sa akin. Hindi
pa naman ako
nakikinig. Busy ako sa pagdadaydream. Napatawa na lang ako. Ano na ba ulit yung
pinag-uusapan?
Napalunok naman ako.

"So payag ka na? Ok lang naman diba?"

Saan ako papayag ulit?

"I'm sure you will solve the problem if you say yes."

Ano bang problema?

"Besides, sigurado namang tataas ang mararaise nating funds kapag pumayag ka."

Fundraising?

Oh no.Bakit sila nakatingin sa'kin at nakangiti na naghihintay? Bakit parang


pinapaguilty nila ako? Ano
ba talagang pinag-uusapan nila? Hinawakan ulit ni madam ang arm ko.

"Maiintindihan namin if hindi ka papayag. After all, it's such a short notice. Pero
the first time I laid my
eyes on you Christine, I just know you don't let people down. Am I right?"

Hala naman. Bakit ang galing ni madam mambola? Napapatango tuloy ako.

"Gusto mo namang tulungan ang homeowners' association right?" Tinitignan ako ni


Madam sa mata.
Tumango naman ako.

"I knew it. You're very dependable and kind and sweet. You want the best for our
subdivision hindi
ba?"

Tumango ulit ako.

"Then does that mean you agree?

Tumango na lang ako. Saan nga ba ako ulit nag-aaggree?

"Good. Thank you Christine." Nginitian ako ni madam then nagstart na siyang tumayo
sa upuan. "Thank
you ladies. I think we're finished here. See you this afternoon. We need to look in
the place bago pa
dumating ang mga tao."

Tumango naman ang mga babae, so naki-oo na lang din ako. May meeting pa ulit this
afternoon?
Pwede bang wag na lang umattend? Wala naman akong gagawin dun.

Nagsitayuan na ang lahat then umalis na si madam. May sumunod sa kanya na parang
nagtatanong
about final event details? Ewan ko. Tumayo na rin ako. Lagot! late na naman ako sa
shop nito.

"Christine buti naman pumayag ka." Chinika ako nung isang babae. Nginitian ko na
lang din siya habang
naglalakad papunta sa bahay.

"Well, para naman 'to sa homeowners diba?"

Sige lang Tin. Mag-imbento ka lang. Hindi ko nga alam kung anong pinayagan ko.

"Yes! For sure tataas ang funds na makakalap natin this year."

"Oo nga eh. Sana nga, uh, tumaas."

Kasama ba talaga ako dyan sa fundraising na 'yan? Bahala na. Ayun na 'yung bahay.
Yes! "Uhm, sige ha.
Una na ako. Dito na kasi yung bahay namin."

"Sige Christine. See you na lang mamaya." Binilisan ko na maglakad. Gusto ko na


umuwi pero may
pahabol pa siya na nagpatigil sa'kin sa paglalakad. "Everyone is really excited to
see Mr. Lee tonight!
See you!"

Si Jeff? Anong ibig niyang sabihin? Lumingon ako and nakita ko siyang naglalakad na
palayo. Hala

Hinabol ko siya. "Uhm sandali lang. A-Anong ibig mong sabihing, excited kayo makita
si Jeff?"

Kumunot ang noo niya."Huh?"

"D-diba sabi mo. Everyone is really excited to see Mr. Lee tonight?" sabi ko.

"Ahh. Yup! Natuwa nga kami nang pumayag ka. Akala namin, imposibleng mapasali si
Mr. Lee."Ngumiti
siya sa'kin. Hala. Ano ba kasing nasalihan ko? I mean, ano bang nasalihan ni Jeff,
nang dahil sa'kin?

"Uhm. Gusto mo bang maglunch na lang sa bahay? Magluluto ako! Ano bang favorite mo?
Kayang-kaya
ko yan gawin!"

"Wow talaga Christine? Sure sige. Mamaya pa naman uuwi yung husband ko eh."

Na-invite ko tuloy siya ng wala sa oras. Hala naman. Masama ang kutob ko dito.
Kailangan kong
malaman kung anong nangyayari. Kailangan talaga.
Inuuntog ko na naman ang ulo ko dito sa table sa shop.

"Teeny Weeny. May hangover ka na naman ba?"

Untug lang ako ng untog. Ano na naman kasi ang nangyari?

"Hoy babae. Ano bang nangyari?? Magsalita ka nga dyan."

"Wala Anj. Wala lang 'to. Wag mo na lang ako pansinin."

Untug lang ako ng untog. Lagot na ako talaga.

Hinawakan ako ni Anj sa balikat at hinarap ako sa kanya. "Tin, tumingin ka nga
sa'kin. Ano ba talagang
nangyari? Bakit naghehead bang ka na naman dyan?"

Nakatitig lang ako sa kanya. Mamamatay na talaga ako nito.

Kinalog-kalog naman niya ako."Huy Tin! Umayos ka ngang babae ka. Magsalita ka.
Anong nangyari?
Tungkol na naman ba 'to kay Jeff?"

Kay Jeff? Kay Jeff? KAY JEFF?

Napangawa tuloy ako."HALA ANJ!Lagot ako talaga. Lagot na lagot ako. Patay na!"
Mangiyakngiyak na
ako. Grabe naman kasi.

Ginugulo gulo ko pa ang buhok ko. Nagcross arms naman 'to si Anj."So tungkol nga
kay Jeff?"

"Anj lagot ako kay Jeff nito. Hindi na naman niya ako kakausapin pag nagkataon. "
Umiiyak na talaga
ako pero walang luha, patay na naman. Hindi na talaga ako kakausapin ni Jeff nito.
Mababaliw na ako.
Mababaliw na ako.

"Huy! Bakit ka ba nag-iinarte dyan ng walang luha? Dapat may tears effect para
believable."

Napatigil naman ako.

"Ganun ba yun?"

Tumango-tango naman siya.

"Hello. Di ka ba nanonoood ng Mara Clara? Dapat may tears effect!"

"Sige nga paiyakin mo 'ko! Kunwari ikaw si Clara. Go Anj, kaya mo 'yan. Ako kunwari
si Mara tapos
paiiyakin mo ako at- OUCH! Bakit mo naman ako binatukan? Ang mean mo Clara, ang
mean mo."

Tiningnan niya pa ako ng masama. Minsan ang scary talaga nito ni Anj."Hoy Teeny
Weeny. Konti na lang
talaga sasabunutan na kita eh. Umayos-ayos ka nga. Akala ko ba may problema ka
tapos biglang gusto
mong mag-acting as Mara Clara?! My goodness!"

Umupo naman siya sa silya. Clara, wag po. Chos. Hindi na ako nagcomment kasi parang
mahihigh blood
na.

"Go Tin. Spill the beans. Ano bang nangyari?"

At kinuwento ko na nga. Hala naman, bakit ba kasi hindi ako nakikinig kanina.
Naisali ko tuloy si Jeff sa
Mr. Adonis 2012! Take note, may talent portion pa. Pano ko naman siya makukumbinsi
na mag-talent
ang sumali pa nga lang sigurado hindi na siya papayag. Diba? Diba? Pano ko
malulusutan 'to nakapag
commit na ako kay madam? Pano ko sasabihin kay Jeff?!

"Edi wag mong sabihin."

"HUH?!"

Napatingin naman ako kay Anj. Grabe siya, tinitingnan lang niya ang kuko niya
habang relaxed na
relaxed.

"Come on Teeny Weeny. Yan lang pinoproblema mo? Hayyy."

Tumayo ako. Maghahyperventilate na ako pero ang relaxed lang niya. "Hala naman
Anj!! Hindi ka ba
nakikinig sa kinuwento ko?? Lagot ako kay Jeff nito. Kapag nalaman nya kung anong
ginawa ko, for
sure-"

"Bakit ba kasing kailangan pa nya malaman?"

"Huh? Ano bang ibig mong sabihin? Malamang kailangan nya malaman diba. Paano sya
makakasali kung
hindi nya alam?"

Nginitian ako ni Anj. Kinilabutan naman ako bigla. "Don't worry Tin. I have a
plan."

I hate the plan.

Lord promise. Hayaan mo lang masurvive ko 'to, makikinig na ako sa mga meeting o
kung ano pa man.
Please please, wag nyo lang pong hayaan magalit sa'kin si Jeff ng todo-todo.

Kanina pa kasi ako dito sa clubhouse. In fairness ang sosyal ng clubhouse dito.
Pang mayaman talaga.
Ito naman kasi 'yung binilin sa'kin ni Anj. Ang tumulong sa arrangment ng event,
magdecorate ng
stage, at kung ano ano pa. Hindi ko pa nga nakakausap si Jeff. Siya na daw bahala
sa lahat.

Lumubog na ang araw at nagsisimula na ang pageant. Ang daming tao na pumunta. May
color code pa
'yung iba para pangcheer. Tin relax ka lang. Sabi ni Anj for sure dadating daw si
Jeff. Bakit ang tagal
niya? Magiging giraffe na ang leeg ko nito kakahanap.

Kanina pa ako kinakamayan ng mga tao dito. Then chika dito, chika dyan. Ngiti ako
ng ngiti pero
nauutot na ako sa kaba. Nasaan na ba si Jeff?

"Ladies and gentlemen! Welcome to the annual Mr. Adonis 2012! Let the pageant
begin!" sabi ng
emcee

Naghiyawan naman ang mga tao. Tinatawagan ko na si Anj. Bakit ba hindi siya
sumasagot?

"I'm sure we are all excited to see our contestants. So wag na natin patagalin pa!
Let us all welcome
our candidate number 1, Mr. Ralph Linarez!"

"Go go Ralph! Go go Ralph! GO RALPH!" Hala ang lupet ng cheering sa kanya ng


pamilya niya ah.

Mga nasa 30s na si Mr. Ralph pero ang laki ng smile niya. Kaya siguro ang dami
niyang fans. Ininterview
lang siya ng konti hanggang sa tumugtog siya ng piano bilang talent niya. Ang
galing niya.
Nagpalakpakan ng malakas ang mga tao.

HALA ASAN NA BA SI JEFF.

Hanap lang ako ng hanap. Tumatalon para makakita ng magandang access. Naks!

Hanggang sa dumami na ang mga napapanuod ko sa stage. Merong medyo oldies na,
merong mga ka-
age lang ni Jeff. Iba't-iba ang talen from musical instruments, martial arts,
poetry, sing and dance. Sila
na, sila na talaga. Tapos grabehan pa ang cheer ng mga tao dito.

Dadating pa ba si Jeff? Last contestant siya pero malapit na siya.

"Ah Christine. There you are. I was looking all over the place for you."

Nanlaki ang mga mata ko. "M-Madam. Kayo po pala. A-andito lang n-naman po ako sa
paligid. D-dyan
lang sa tabi-tabi." Tumawa tawa pa ako.

Mamamatay na ako.

"I see. Medyo late na si Mr. Lee, isn't he?" Ngumiti siya.

Patay na ako. Bahala na. Sasabihin ko na lang ang totoo.

"Yun nga po madam eh. Yun nga po sana ang sasabihin ko sa inyo. K-Kasi ang totoo po
nyan, si Jeff,
hindi po sya-"

Napaatras ako si madam kasi. Naglakad palapit sa'kin aatras ako. Lalakad siya
aatras naman ako. Bakit
ba kasi ako umaatras??Wag kang gagalaw. Hold your ground!
Lumaki ang ngiti sa'kin ni madam. Naiihi na ako na ewan. "Christine darling. You
wouldn't ruin this
pageant right? Hindi pwedeng magkulang ang contestants. Kahit bumagyo o lumindol o
magunaw ang
mundo, dadating pa din si Mr. Lee. Do you understand?"

Bakit ganun? Kahit mahinahon lang ang pagkakasabi niya, tapos nakangiti pa siya,
hindi na ako
makagalaw. Tumango na lang ako. Jeff asan ka na ba?

"Good. Then see you later Christine."

Pagkaalis ni madam, pumunta ako dun sa walang tao na lugar. Tinawagan ko ng mabilis
si Anj. Please!
Sumagot ka Anj. Nagriring lang wala pa ding sagot.

Hala! Maloloka na ako

"Now ladies and gentlemen. For the last but not the least contestant of the night.
He is a newcomer in
our pageant ..." Hindi ko na naintindihan ang sinasabi ng emcee. Busy pa rin ako sa
pagcontact kay Anj.
Sumagot ka Anj or else hindi lang ako kay Jeff malalagot, pati na rin kay madam.

Since wala pa ring sagot, tumingala na lang ako sa langit at pinikit ko ang mga
mata ko. Lord promise
talaga, mag-aalay ako ng baka, ng baboy, ng kambing, ng langgam, ng-

"TIN!"

"AY PALAKA!" Binuksan ko ang mga mata ko then napalingon ako sa likod ko.

"Anong palaka?!"

Promise Lord, mag-aalay talaga ako ng palaka.

Napasigawa ako. "JEFF!! YOU'RE HERE!! YOU'RE HERE!!" Tumalon talon ako. Parang
palaka lang Tin ah.

"T-teka, ok ka lang?" sabi ni Jeff.

Paano ba naman, hinihingal siya and medyo pawis. Tumakbo ba siya papunta rito?
Hinawakan niya ako
sa shoulders ko. "DIBA DAPAT IKAW ANG TINATANONG KO NYAN?! YOUR FRIEND SAID
NAAKSIDENTE
KA DITO SA CLUBHOUSE! ARE YOU ALRIGHT?!"

My friend? Si Anj?

"Huh? Ako naaksidente?! Yung ganitong kaganda Jeff, mukha bang naaksidente?"

"WHAT?!"

Sabi ko nga joke lang.

"Let us all welcome.. Mr. Jefferson Lee!" Napatingin naman ako sa emcee.

Naghiyawan ulit ang mga tao. Nanlaki ang mga mata ko. Hala ito hata ang plano ni
Anj. Gulatan ganun?
Si Jeff naman first time napansin na may mga tao at may event pala. Tumingin siya
sa'kin ng nakakunot
ang noo.

"What's this?!"

Nginitian ko na lang siya. Sorry Jeff. Mas takot na ako kay madam Amelia ngayon.

Mayamaya pa, may mga lumapit sa kanyang mga tao at inescort siya sa stage.

Nung una naguguluhan pa siya, pero nung nakita na niya yung banner na may Mr.
Adonis 2012 parang
naintindihan na niya kung anong nangyayari. Kaya nung nasa stage na siya,
nakatingin siya ng masama
sa'kin. Hala sorry talaga Jeff!Babawi na lang ako promise.

"So, Mr. Lee. I heard bagong kasal ka lang. How is it so far?" Tinignan ng emcee si
Jeff.

Nakatingin lang sa'kin si Jeff ng masama. Hindi siya sumasagot.

"Ehem. Well, it's pretty nice to be newlyweds don't you think Mr. Lee?"

Hindi pa rin siya nagsasalita. Super tahimik din ng audience. Na-aawkward na ang
emcee. Kaya
napagdesisyunan ko, ngayon na ako babawi kay Jeff para hindi na siya magalit.
Pumunta ako sa gitna
ng crowd.

"J-E-F-F! GO GO BUBU FOR THE WIN! J-E-F-F! GO GO BUBU FOR THE WIN!" Sigaw ko. Wala
kayo sa akin
binigkas ko isa isa ang mga letter ng pangalan ni Jeff tapos super sigaw talaga. O
ano kayo. Nganga kayo
sa cheering ko 'no?Meron pa 'yang right hand up, left hand up, habang tumatalon
talon. Si Jeff naman
nanlaki ang mata sa ginagawa ko. Nagulat ka huh.

Sigaw lang ako ng sigaw "GO JEFF ANG GWAPO MO PANALO KA NA! WOOH!"

Nung una tinitingnan lang ako ng audience, hanggang sa sumabay na rin sila sa
pagcheer ng candidates
nila. Hindi hata ako magpapatalo. Malakas kaya ang cheer ko.Nilakasan ko pa ang
sigaw ko.

"SINONG GWAPO? SI BUBU! SINONG PANALO? SI BUBU! WOOOOH GO JEFFFF!!"

Mas lalong lumakas din ang pagcheer ng audience sa pambato nila.

"Wow! Ngayon ko lang nalaman na Mrs. Lee has so much..... energy!" Tumingin naman
sa akin ang
emcee at ngumiti

"Tsk. Parang baliw." Nangingiti na ba si Jeff? Nakabawi na ba ako sa kanya? Kaya


lang sumimangot ulit
siya dahil sa sinabi nung emcee.

"Well everyone. Let's see how Mr. Lee walks! I present to you again, candidate
number 15!"
Pumalakpak ang mga tao. Tumingin na naman ng masama sa'kin si Jeff.

"GO! BUBU!! YOU CAN DOOO IT!! WOOOOH!!!"

Di pa rin gumagalaw si Jeff. Go na Jeff. Magmodel model ka lang naman sandal. Dapat
itodo ko na ang
pagcheer 'yung buwis buhay!

Umakyat ako sa upuan kaya napatingin na naman sa'kin ang lahat.

"KAYANG-KAYA MO 'YAN BUBU! GO GO GO GO GO! J-E-F-F! GO GO BUBU FOR THE WIN!! J-E-F-
F! GO
GO BUBU FOR THE WIN!! WOOOH! GO JEFF GO FOR THE W-"

"TSK! BUMABA KA NGA DYAN! PAG IKAW NAHULOG, HUMANDA KA."

Napatigil naman ako sa pagcheer. Hala sumisigaw na siya. Super galit na ba siya
sa'kin?

Bigla namang nagcheer ang mga tao may mga sumisipol pa."Aww. Ang sweet ni Mr. Lee.
Awww."

Bigla naman akong tinignan ulit ng audience. Yung totoo, ako ba yung contestant?
Bumaba na ako sa
chair. Agaw eksena ka Tin eh.

"HAIST!" Narinig kong sabi ni Jeff hanggang sa nakita ko na siyang nagsisimulang


rumampa sa stage?
Well basically naglalakad lang siya. Kita naman sa mukha niya na naiinis siya.

Pero kasi ang gwapo niya galing pa siyang office kaya naka-coat and tie. Mukha
tuloy siyang model ng
onesimus, tuxedo, or something like that.

Kaya di ko mapigilan ang sumigaw. "ANG GWAPO MO BUBU! IKAW NA TALAGA! IKAW NA!
WOOOOOH!"

Bakit parang hindi na lang ako ang nagchecheer para sa kanya. 'Yung iba din kasi
todo tili na. Hala
naman walang agawan. I-cheer nyo yung mga asawa nyo!!

"JEFF KO YAN! ANG GWAPO 'NO? AKO ASAWA NYAN! DIBA DIBA BUBU DIBA??"

Hindi pa rin mapigilan ang tilian. Ito pang si Jeff parang nangingiti habang
namumula ang tenga. Sa'kin
ba siya nangingiti o gusto niya lang talaga na ang daming nagchicheer? Hmp.

"WHOA LADIES AND GENTLEMEN. Punung-puno tayo ng energy tonight! That's good!" super
ngiti ang
emcee

Nagsigawan naman ang mga tao.

"Ngayong nakita na natin ang paglalakad ni Mr. Lee..." Inakbayan niya pa si Jeff.
"For sure excited na
din tayong makita ang talent nya!"

"YEAH!" sabay sabay sabi ng audience


Nakalimutan ko, may talent portion nga pala. Paano 'to?

Tinanggal naman agad ni Jeff ang akbay sa kanya ng emcee. "WHAT ARE YOU TALKING
ABOUT? TSK."
Hala nagagalit na naman si Jeff.

"Well..." Tumawa ng pilit ang emcee. "... for sure may, uhm, hinanda kang talent
for us Mr. Lee?"
Kinakabahan na rin si emcee.

Nag-cross arms naman si Jeff at hindi sumagot. Obvious na gusto na niyang bumaba ng
stage pero
hindi niya magawa dahil nakatingin lahat sa kanya.

Nagbulung-bulungan naman ang audience.

"Well, why don't we ask Mrs. Lee. For sure, may hinandang talent ang husband mo
tama ba?"

Hala naman, bakit ako kinakausap ng emcee. Napatingin tuloy sa'kin ang madlang
people. Nakita ko rin
si madam na nakangiti sa'kin yung nakakatakot niyang ngiti. Napalunok ako. Mag-isip
ka Tin. Ano nga ba
ang talent ni Jeff?

Napatingin ako sa kanya at nagsmirk siya sa'kin ng parang nang-aasar.

"TAKE IT OFF! TAKE IT OFF BUBU! TAKE IT OFF! TAKE IT OFF!"

"WHAT?!" Nakakunot na naman ang noo niya. Lagot talaga ako nito mamaya.

Mayamaya pa, sumunod na ang crowd sa pagcheer ng 'TAKE IT OFF'. Aba, gusto din
makita ang abs ni
Jeff huh! Very talented kasi ang abs niya talaga

"TAKE IT OFF!! TAKE IT OFF!!"

Si Jeff naman parang nagagalit na nahihiya na naiirita na walang magawa na ewan.


Tiningnan niya muna
yun mga tao, then ako, then saka niya unti unting inaalis ang pagkabutones ng polo
niya. Eto na ang
oras, ihanda ang bibig.

"PATATAS, MANSANAS, ISDA AT KABIBE! GRABEHAN JEFF ANG SEXY MO!"Nagwawala na ako.
Pati
naman ang audience todo sigaw na.

Kahit nakatayo lang dun si Jeff, siya ang may pinakamalakas na cheer sa talent
niya. Napatawa ako
mag-isa. Ang galing ko talaga!

"BEST IN TALENT KA NA JEFF!!! AY MR. ADONIS NA PALA!! PANALO KA NA TALAGAAAAA!!!


WOOOOOH"

True enough, nanalo nga si Jeff. Umakyat pa ako sa stage habang sinusuotan siya
nung parang crown.
Ang sama na naman ng tingin niya sa'kin. May sinabihan din kasi ako na picturan
kami ni Jeff sa stage.
Iritang-irita na si Jeff.

Bakit siya nanalo? Kung akala niyo dahil sa talent, nope. Well syempre nakatulong
'yun para siya ang
may pinakamaraming pondo na nakalap. Madami rin kasi sa audience ang bumoto sa
kanya.

Pero sabihin na lang natin na milyones ang ginamit kong pangboto, kaya naman siya
ang may
pinakamaraming nakuhang funds. Fundraising event pala talaga ang Mr. Adonis
pageant.

Yumaman ang homeowners' association dahil sa'kin. Galing ko talaga. Palakpakan!

*******************************************
[18] COME AND GET ME
*******************************************
CHAPTER 17

COME AND GET ME

Hindi pa rin niya sinasagot. Kanina pa ako tawag ng tawag. Isa pa ulit.

"T-teka Anj! Bakit mo kinuha yung phone ko? Tinatawagan ko pa si Jeff eh!"

"Stop this Teeny Weeny. Kanina mo pa sya tinatawagan."

Pinilit ko namang agawin ulit sa kanya ang phone ko. "Anj akin na please. Tatlong
araw na niya akong
hindi kinakausap. Super aga niya umaalis tapos super gabi na din umuuwi. Di ko
tuloy sya naabutan!
Kaya sa phone na lang ako magsosorry. Kaya ibigay mo na please? Akin na, akin na."

Hindi pa din niya binibigay. Todo agaw naman ako.

"What's this Tin?! 247 CALLS?! 247 times mo na syang tinatawagan?! Hello! Talagang
hindi nya sasagutin
'no!"

"Sasagutin din nya yan kapag dinamihan ko pa. Go na Anj, akin na."

"Bakit ka ba kasi nagsosorry? Wala ka namang ginawang mali ah!"

"Anj kasalanan ko naman talaga eh. Kaya please ibigay mo na?"

"Look, alam mo style yan ng mga lalake eh. Yung kapag nag-away kayo, ipaparamdam
niya sa'yo na
ikaw yung may kasalanan! Kahit, kahit... wala ka naman talagang ginagawang masama!!
Kainis!!"

Napatigil naman ako sa pag-agaw ng phone ko. "Wow Anj, may pinaghuhugutan ba 'yan?"
Todo
explain kasi siya. Umupo naman siya sa couch at nag cross arms.
"Mga lalakeng yan! Bahala sila kung ayaw nila tayong kausapin! Manigas sila, hindi
tayo magsosorry!"

Umupo naman ako sa tabi niya. "Huy Anj. Nag-away ba kayo ni Kev?"

"KEV? KEV? Sino ba sya?! Paano kami mag-aaway kung hindi ko naman sya kilala! Hindi
talaga!!" Naku,
nag-away nga.

"Anj. Tawagan mo na lang kasi. Magsorry ka na lang. Para magkabati na kayo."

"BAKIT BA AKO ANG MAGSOSORRY? Kasalanan naman nya eh! Tapos ngayon, sya pa yung may
ganang
hindi ako tawagan?? Pwes, hindi ko rin sya papansinin!"

"Pero Anj, importante pa ba kung sino ang may kasalanan? Ikaw na lang kasi ang
mauna magsorry
para-"

Humarap naman siya bigla sa'kin. "Tin, sa isang relationship, hindi pwedeng ikaw
lang lagi ang
nagbibigay. Hindi pwedeng ikaw lagi yung mauunang magsorry. Masasanay si Jeff
nyan!"

"Huh? Hindi naman ako-"

"Hay. Hulaan ko Teeny Weeny. Kapag nagalit si Jeff, kahit di mo naman alam kung
bakit, ikaw agad
yung unang lalapit sa kanya at magsosorry."

"Uy hindi naman 'no! Hindi kaya ako nakakalapit sa kanya! Minsan, hanggang pinto
lang ako ng kwarto
ni Jeff tapos minsan- OUCH!" Ito na naman si Anj. Nambabatok na naman.

"Makinig ka sa'kin Tin. Kung gusto mong magkabati kayo ni Jeff, kailangan mong
gamiting ang CGM
technique."

"CGM? Ano 'yun?"

"Come and Get Me technique! Madali lang 'to pero baka mahirapan ka."

"Mahirapan? Hindi ah! Kayang-kaya ko yan! Ano bang gagawin Anj?"

"Right. Kung gusto mong kausapin ka niya ulit, itigil mo yung pagtawag sa kanya ng
247 times! Wag ka
na rin sorry ng sorry kapag wala kang kasalanan at higit sa lahat! Wag mo din syang
pansinin kung hindi
ka nya pinapansin! KUHA MO?"

"Hala naman Anj effective ba talaga 'yan?! Kapag hindi ko siya kinausap edi kahit
kailan hindi na din nya
ako kakausapin. Kapag hindi ko sya pinansin, edi hindi na rin niya ako papansinin
forever!"

"Hay nako Tin, wala ka bang tiwala sa'kin? Kaya kami tumatagal ni Kev dahil ganyan
yung ginagawa ko!"
"Ganun ba? Pero kasi-"

"Sandali. Ano yun?"

Nakatingin sya sa may likod ko.

"Huh? Bakit Anj, may nakita ka bang multo o white lady o may pugot na ulo? Hindi na
ba ako titingin or-
"

"Ang baliw mo talaga Tin! May multong nalalaman ka pa dyan. Ito na nga yung phone
mo." Binalik na
niya sa'kin ang phone ko.

Dahan-dahan namang tumayo si Anj at naglakad papunta sa may bintana. "Anj anong
gagawin mo?"

"Hindi mo ba naririnig yun? Parang may bumabato sa shop natin?"

"Huh? Alin ba?" Pinakinggan ko. Hala oo nga parang may bumabato. Tiningnan ko si
Anj. Nandun na
siya may bintana. Nakakunot ang noo niya.

"Hay. Bakit ba 'yung shop pa natin ang pinagdiskitahan nila?"

"Bakit Anj? Anong nangyari?"Lumapit na din ako sa may bintana at dumungaw. "Huh?
Bakit ang daming
bata sa harap ng shop natin Anj? Anong meron?"

"Naglalaro lang yang mga yan. Alam mo naman, kapag bata mahilig mambato ng mga
bahay. Sandali
nga pagsasabihan ko."

Pumunta na si Anj sa may entrance. Nagpaiwan na lang ako rito sa may window. Nung
bata naman ako
hindi ako nambabato ng shop ng iba.

"Kids! Kids! Wag nyong batuhin yung shop ok? Sa iba na lang kayo maglaro."

Narinig kong sabi ni Anj. Pero hindi pa rin umaalis ang mga bata. Bigla silang
nagform ng one line
paharap sa amin then tumalikod?

S O R R Y N A I L O V E Y U O

Yan yung nabasa kong nabuo nung mga bata dahil dun sa mga nakasulat na letters sa
likod ng t-shirt
nila. Nagpalit naman ng pwesto yung dalawang bata sa dulo. Nagkamali kasi sila.

S O R R Y N A I L O V E Y O U

Hala anong ginagawa nila? Mayamaya pa, biglang may nagpatugtog.

I know you love me

I know you care


Si Kev Sumasayaw-sayaw sa harap ng shop namin habang naka-lip sync.

Just shout whenever

And I'll be there

Nakakatawa si Kev. Tumingin naman ako kay Anj. Siya ay nasa state of shock pa rin.

You are my love

You are my heart

And we will never, ever, ever be apart

"Sa tingin mo madadala mo ako sa paganyan-ganyan mo?"

Pakipot pa 'to si Anj. For sure kinikilig na 'yan deep inside. Si Kev naman sayaw
pa rin ng sayaw. Ang
benta, gumigiling pa.

And I was like baby, baby, baby, oh


Like baby, baby, baby, no

Hinila naman niya si Anj para magsayaw din. Pati yung mga bata kanina, nakikisayaw
na rin.

Like baby, baby, baby, oh


I thought you'd always be mine, mine

Si Anj naman nagpipigil pa kanina. Pero ngayon natatawa na rin at nakikisayaw.


Grabe ang cute talaga
nila together. Tumalikod na ako sa bintana nang nagkiss sila. Tinukso naman sila
nung mga bata.

Mukhang effective ang CGM technique ah. Kailangan gamitin ko!

Alas-dose ng hatinggabi, nakaupo pa rin ako dito sa sofa sa bahay. Pumipikit-pikit


tapos sasampalin ang
sarili. Ano ka ba Tin, hindi ka pwede makatulog. Kailangan ngayong gabi maabutan ko
si Jeff. Tatlong
araw ko na siyang hindi nakikita.

May nagbukas na ng gate. OH-EM! Wag kang tatayo Tin. Umupo ka lang dyan. Remember
ang CGM
technique? Hinihintay mo lang siya para makita mo siya. Yun lang. Bawal mo siyang
kausapin, pansinin,
o kahit ano pa man.

Hindi ba pwedeng kahit 'Hi Jeff' lang? Sampal sa sarili. Tin, umayos ka.

Bumukas na ang pinto. Wait lang Lord di pa ako prepared. Tumitig na lang tuloy ako
sa vase. Narinig
kong natigilan siya nang nakita niya akong gising pa. Nakatitig pa rin ako sa vase.
Kumain na kaya
syia?Nagtanggal na siya ng sapatos. Hindi niya ako kinakausap, kaya hindi ko rin
sya kakausapin. Go Tin!

Naglakad siya papunta sa kitchen at kumuha ng tubig. Tiningnan ko na siya ngayon.


Bakit parang mukha
siyang pagod at pumayat? Kaya ba siya ginagabi ng uwi dahil madami siyang ginagawa?
Tapos hindi pa
siya nakakain ng maayos?

Hindi mo siya pwedeng kausapin Tin. Wag kang magtanong ng anything.

Nang natapos na siya, tumitig ulit ako sa vase. Baka mahuli pa niya akong
nakatingin. Akala ko aakyat na
siya pero bigla siyang tumigil bago sa may hagdanan. Napatingin tuloy ako sa likod
niya.

"Hindi ka pa ba matutulog?" WEH?KINAUSAP NiYA AKO?! Di nga? Ang galing pala talaga
ng CGM
technique ni An.! Dapat pangatawanan ko na 'to!

Tumayo ako. "Hindi! Hindi pa ako matutulog! Hindi na rin kita tatawagan! Hindi rin
kita kakausapin o
papansinin! Hindi na ako magsosorry! Hindi talaga!"

Anj will be so proud of me. Super proud. Humarap naman bigla sa'kin si Jeff. "TSK
FINE! WALA AKONG
PAKIALAM! BAHALA KA KUNG ANONG GUSTO MONG GAWIN!" Tapos umakyat na siya ng padabog.

Napaupo naman ako ulit sa sofa. First time after three days, narinig ko ulit ang
pagsigaw ni Jeff.
Effective talaga ang technique ni Anj. I'm so happy

Umagang-umaga nagkakaheart attack ako. Pa'no ba naman. Una, hindi ko na naman


naabutan si Jeff.
Super aga na naman umalis. Pangalawa, bago ako pumunta sa shop, may nakita na naman
akong note
na ka-ipit sa may pinto. Ito na naman yung creepy notes. Pangatlo, habang sinasara
ko ang pinto sa
bahay, bigla namang may kumalabit sa'kin.

Napasigaw tuloy ako kaya tinakpan niya ang bibig ko. "Ssssh. Wag ka nga maingay."

Tumango ako kaya tinanggal na niya ang kamay niya. "Tom? Anong ginagawa mo dito?
Pa'no mo
nalaman yung bahay namin?"

"Magaling kasi ako." Nangiti naman ako dun. Kaya niyakap ko siya.

"Waaa Tom namiss kita! Lagi kang dumalaw ha!"


"T-teka nga! A-ano bang ginagawa mo? Bitawan mo nga ako! May girlfriend na ako
'no!" Cute talaga
nito ni Tom. Tinanggal ko na ang yakap ko pero nginitian ko siya ng malaki.

"Uy! Sino yang girlfriend mo Tom? Ikaw ha. Pakilala mo naman ako!"

"Tumigil ka na nga! O, ito."

"Hmm? Ano ba 'to?" May inabot siya sa'kin na envelope. "Binibigyan mo ba ako ng
sulat?"

"Bakit naman kita susulatan? Bigay mo sa asawa mo."

"What?! Love letter para kay Jeff?!"

"Bakit ko naman sya bibigyan nun?! Hay. Ebidensya yan!"

"Huh?" Tiningnan ko 'yung sulat. "Teka, ito ba yung laban sa mga Santoses?"

"SSSSHHH!" Tumingin siya sa paligid. Tumingin din ako parang action movie lang.

"Huy Tom. Pa-explain naman. Bakit ba sila dinedemanda ni Jeff?" Bulong ko sa kanya.

"Hindi nya ba kinukwento sa'yo? Kung ganun, wag mo na lang alamin." Bulong din
niya.

"Sige na naman please?" Nagpacute pa ako.

Nagbuntung hininga naman siya. "Hay. Basta ang masasabi ko lang, maraming illegal
na ginagawa ang
buong pamilya ng mga Santos. Pero hindi sila nakukulong dahil madumi sila maglaro.
Masyado silang
maparaan. Kaya wala nang abogado ang nagtatangkang kalabanin sila. Baliw lang
talaga yung asawa mo
para ipakulong sila." Bulong niya sa'kin.

"Hmm. Kung ganun baliw ka rin? Kasi tinutulungan mo siya?" Super smile ako sa
kanya.

"Psh. Hindi ko sya tinutulungan. May-utang na loob lang ako sa kanya. Alis na nga
ako."

Tumingin tumingin naman ako sa paligid."Ok Tom. Walang panganib. Pwede ka na


umalis."

"Psh. Baliw ka rin talaga."

Alam ko namang mabait talaga 'tong si Tom. Tinawagan ko naman agad si Bessie. Siya
na kasi yung
ipabibigay ko kay Jeff nung envelope. Diba nga CMG? So hindi ko siya pwede
kausapin.

Na-explain din sa'kin ni Bessie na ito yung unang kaso ni Jeff na hindi dinidikta
ni Tito Fernan.
Importante pala talaga sa kanyang mapanalo ang kasong 'to. Dapat suportahan ko
siya.
Anyway, nandito ako ngayon nakatayo sa gitna ng plaza. May nagrequest kasi na
customer na
makausap daw ang painter ng isang artowrk na binili niya ako yun. Sabi ni Anj dito
daw sa plaza
nakikipagkita.

At saka si Anj hindi ko na makausap ulit ng maayos. Parang medyo praning na


ngumingiti na naman
mag-isa. Naglakad-lakad na lang ako. Sabi naka jeans and white shirt lang daw si
Mr. Anderson. Ang
dami namang nakaganun.

"TUMINGIN KA NGA SA DINADAANAN MO!"

"Huh?"

Napatingin naman ako sa lalakeng nasa harap ko ngayon. Ang laki ng katawan, tapos
may mga tattoo
pa. Nanlalaki ang ilong niya sa'kin habang nakatingin na parang gusto niya akong
tirisin.

"ANONG TINITINGIN TINGIN MO?? HA?!"

Tumingin naman ako sa kanan ko. Tapos sa kaliwa. Then tumingin sa kanya. "A-ako po
ba yung kausap
nyo?"

"SINO PA BA?! MAY IBA PA BANG BUMANGGA SA'KIN? IKAW LANG NAMAN DIBA?"

"T-teka. Nabunggo ko ba kayo?" Hala. Wala naman akong maalala. Kung nabunggo ko
siya, di sana
tumilapon na ako. Magbobounce back ako sa laki ng katawan niya.

"AYAW MO PANG AMININ?! HINDI KA BA MAGSOSORRY?!"

Pinagtitinginan na kami ng mga tao. "Naku nabunggo ko po ba kayo talaga? Hindi ko


po talaga napansin
eh. Hindi ko din po sinasadya. I'm so sorr-"

Teka nga. Ito hata ang perfect opportunity para mapractice ko ang CGM technique.
Besides, hindi ko
naman talaga maalala na nabunggo ko siya. Nagstraight body ako, then tiningnan ko
siya sa mata.

"Hindi po ako magsosorry! Hindi ko po kayo kakausapin at hindi ko po kayo


papansinin!" Effective 'to
kay Jeff kagabi eh. For sure effective ulit 'to. Kaya lang bakit nanliit ang mata
nung lalake sa'kin. Lumaki
pa lalo yung butas ng ilong niya.

"ANONG SINABI MO?!" Tinaas niya ang kamay niya na parang sasapukin ako. Oh no,
sasaktan niya ba
ako? Nakatingin lang ako sa kanya, hindi ako makagalaw.

Biglang may humigit sa kamay ko. "HOY! SAN KA PUPUNTANG BABAE KA?! HINDI PA TAYO
TAPOS!"

Narinig kong pahabol sa'kin nung guy. Tumakbo ako ng tumakbo. Hindi ko alam kung
saan ako pupunta
pero basta may humihila lang sa'kin eh. Nakahawak lang ako sa kamay niya. At least
naligtas ako. Does
this mean, effective talaga ang CGM technique ni Anj?

Tumakbo pa kami ng tumakbo hanggang sa tumigil na kami. Hindi na kami nahabol nung
guy. Grabe,
nakakapagod. Hingal na hingal ako.

Pero nagulat ako ng biglang tumawa yung lalaking humihigit sa akin.

Napatingin naman ako sa katabi ko na biglang tumawa. Humihingal din siya. Siya hata
'yung humigit sa
kamay ko kanina. Infairness ang cute niya. Mga ka-age siguro 'to ni Jeff.

"That was fun!" Ngumiti siya. Ang ganda rin ng ngiti niya. Napa-smile din tuloy
ako. "Wow, di ko akalain
na gagalitin mo sya."

"Huh? Naku hindi ko naman sya ginalit 'no. Hindi ko naman talaga sya binangga."

"Sabi mo eh." Ngumiti siya ulit. "I'm Eric by the way." Inextend niya sa'kin ang
kamay niya. "Sorry if
bigla na lang kita hinigit kanina. I just thought you needed help?"

Kinamayan ko naman siya. "I'm Tin. Salamat talaga hinigit mo ako kanina. Actually
sumisigaw nga ako ng
help eh. Pero syempre sa utak lang ako sumisigaw. Para kasing kanina hindi ako
makasalita, pati na
gumalaw hindi din. Kahit nga inuutusan ko yung paa ko na gumalaw ayaw pa rin niya.
Pero syempre sa
isip ko lang din sya inuutusan, so baka hindi nya narinig? W-well, ayun nga."

Ang dami ko hatang nasabi.

Napatawa naman siya. Hala! "You're funny."

Buti na lang nakatingin lang siya sa'kin habang nakangiti pa rin. Forever ba siyang
nakangiti? Hindi hata
'to marunong sumimangot.

"So, since tinulungan kita. Want to treat me for lunch?" Sabi nya sa'kin ng pabiro.
Nginitian ko siya.

"Sure! Kaya lang, baka next time na lang ha. May imi-meet kasi akong kliente ngayon
eh."

"Sa gitna ng plaza?"

"Well, oo eh. Sabi dun daw. Binili niya kasi yung painting ko, kaya ako talaga
dapat 'yung makipagkita sa
kanya."

"Wait wait. Tin? Is that a nickname for Christine? Christine Villanueva?"

Nanlaki naman ang mga mata ko. "Bakit mo ako kilala?!"

Ngumiti naman siya ng malaki sa'kin. "We should really eat lunch together. I'm Eric
Anderson. The one
you're supposed to meet?"

Tiningnan ko naman ang suot nya. White shirt, jeans. Oh dear, siya nga yun!

Sumakay naman kami sa car niya. Pinagbuksan niya pa ako ng door, take note. Ang
gentleman din pala
nito ni Eric. Nag-usap lang kami about dun sa painting ko. Art lover din pala siya
pati yung mga favorite
kong artists kilala niya rin.

Nalaman ko ding chef pala siya. Hala naman, gusto ko din magchef. Nakwento ko tuloy
kung saan-saan
ako nag-aral magluto. Dadalhin niya pala ako sa restaurant niya. Nakakatuwa naman
'tong si Eric. Ang
dami naming pagkakapareho.

Kaya lang 2 hours na kami nagbabyahe. Ang layo naman ng restaurant niya. Naalala ko
naman si Jeff
bigla. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Busy pa rin kaya siya sa kaso? Ang saya
siguro kung
makakasama kong kumain si Jeff ngayon.

"Andito na tayo. Sorry if gutom ka na." Ngumiti siya ulit.

Nagsmile din ako.

"Hindi ok lang Eric. Pero for sure madami akong kakainin. Ok lang ba?"

"Oo naman!" Natawa siya. "You're very honest aren't you? Let's go."

Ang dami palang kumakain dito sa resto niya. Hinainan niya ako ng madaming pagkain.
Grabe paano ko
naman mauubos 'yan lahat. Pero kapag ganito, hindi ako tumatanggi sa libre. Ang
sarap din ng mga
ginawa niya. Grabe, tinalbugan ang cooking powers ko.

Kaya lang bigla ko naman naalala si Jeff. Kumain na kaya siya? Dapat hata itigil ko
na ang CMG
technique na yan. Namimiss ko na kasi siya.

"Are you okay Tin? May problema ba?"

"H-huh? Hindi wala. Naisip ko lang if kumain na ba si Jeff."

"Jeff? Your brother?"

Natawa naman ako dun. "Brother? Hindi ah. Wala naman akong kapatid 'no. Husband ko
si Jeff."

Nawala naman bigla ang ngiti niya."Oh. You're married?"

"Yup! Actually, 6 months na kaming married!" Nangiti naman ako pag naalala ko.
Grabe ang bilis ng
panahon. Ang saya kasing kasama si Jeff. Kahit lagi siyang nakasigaw, ang saya
naman lahat ng
memories na ginagawa namin. Napakwento tuloy ako ng walang sa oras dito kay Eric.

"So, ok lang naman sa asawa mo na we become friends right?"


"Oo naman Eric! Wala namang problema yun 'no."

"Pero sa'yo, ok lang naman na maging kaibigan mo ako diba?"

"Eric." Hinawakan ko naman yung kamay niya. "Kaibigan na kita. Wal aka nang
magagawa."

Nag-ngitian naman kaming dalawa. Hanggang sa matapos na kami kumain at umuwi na.
Kaya lang,
habang nasa daan kami bigla namang tumigil ang kotse niya.

"Eric bakit tumigil? Anong problema?"

"Wala na tayong gas."

"Huh? Pa'no yan?" Gabi na kasi. Kailangan ko na makauwi. Tumingin ako sa labas nasa
highway kami.
Wala namang gasolinahan ditto.

"Stay here. I'll ask for help."

Bumaba naman siya sa car. Nagtry siyang pumara ng ibang kotse. Ako naman binuksan
ko ang phone
ko. Hala, no signal! Bumaba na rin ako para tulungan si Eric. Pero super konti ng
cars na dumadaan dito
then 'yung iba na dumadaan, hindi naman tumitigil. Hindi na rin kasi kami makita
dahil madilim na.

"Bumalik ka na lang sa loob. Ako ng bahala." Sabi niya sa'kin. Sumunod naman ako.
Pagod na rin kasi
ako. Nakatulog siguro ako nang hindi sinasadya. Ginising na lang ako ni Eric,
umaandar na ang kotse.
Hala late na. Hindi ko naman siya masisisi kasi super nagsosorry siya sa'kin.
Nagtravel pa kami, and halos
2 am na nang mahatid niya ako sa bahay. Nilakad niya ako hanggang gate.

"Sorry talaga Tin. Hindi ko naman akalain na mangyayari 'to."

"Okay lang naman 'yun Eric. Enjoy naman eh." Nagsmile ako. Nagsmile din siya.

"Thank you for today. Gusto mo bang mag-exaplain ako kay Jeff kung bakit ka
inumaga?"

"Huh? Hindi wag na Eric. Baka tulog na din kasi sya eh. Sige pasok na ako ha."

"Sige. See you na lang ha."

Pumasok na ako then narinig ko ang kotse niya na umalis na. Nakapatay na kasi lahat
ng ilaw, pero
nagulat ako nang biglang magsalita si jeff.

"So. He's the guy you're having an affair with?"


*******************************************
[19] LONELY, STILL
*******************************************
CHAPTER 18

LONELY, STILL

"So. He's the guy you're having an affair with?"

Hala naman. 2 am na. Bakit gising pa si Jeff? Nakaupo lang siya dun sa may sofa.
Hindi ko makita ang
mukha niya. Nakapatay na kasi ang ilaw. Hinihintay niya ba ako? Weh, ambisyosa Tin?

Umakyat ka na lang Tin. Hindi mo nga siya papansinin diba. Naglakad na ako. Huwag
mo siyang
papansinin Tin. Wag talaga.

"Alam mo ba kung anong oras na? BAKIT NGAYON KA LANG?" Napatigil tuloy ako. Hala
galit ba siya? In
fairness ha, effective ang CGM. Kinakausap niya ako.

"Hindi ka ba magpapaliwanag?"

Ano bang ipapaliwanag ko? Hindi kaya, nadiscover na ni Jeff ang Come and Get Me
strategy ko? Nahuli
na ba niya ako? Siguro nga, kailangan sabihin ko na. Gusto ko na rin naman siyang
kausapin. Tama,
ititigil ko na.

Humarap ako sa kanya. "Uh Jeff, siguro nga napansin mo na, iba yung kinikilos ko
nitong mga
nakaraang araw? Ang totoo kasi nyan... uhm, actually ang hirap nya ipaliwanag eh."

Pa'no ko ba 'to sisimulan? Siguro ikukwento ko muna si Anj. Siya naman ang pasimuno
nito. Pero wait.
Ibig sabihin ba nun, ikukwento ko rin 'yung nag-away sila ni Kev? Hindi ko naman
masyado alam kung
ano talagang nangyari-

"Tsk. BAKIT HINDI MO SIMULAN SA PAG-EXPLAIN KUNG BAKIT NAKIKIPAGBULUNGAN KA DAW SA


ISANG LALAKE SA HARAP PA MISMO NG BAHAY NATIN?!"

Nakipagbulungan?Ah! Si Tom! Well nagbubulungan nga kami kanina. Nakita siguro kami
ng mga
kapitbahay.

"Ah, yun ba Jeff. Nagbubulungan lang naman kami kasi-"

Bigla siyang tumawa. Yung sarcastic na tawa. "So totoo nga?" Umiling-iling pa siya.
Tapos bumulong sa
sarili pero narinig ko naman. "Para akong tanga kaninang pinagtatanggol ka sa
kanila."

Pinagtatanggol? Kanino sa mga kapitbahay? Hala pinagchismisan ba ako dahil


nakipagbulungan ako sa
labas ng bahay? Naku naman, bawal ba 'yun? Dapat kumuha ako ng copy ng rules and
regulations sa
Homeowners' Association.

"Jeff mabilis lang naman kami eh. Hindi naman kami masyado nag-usap-"

"THAT'S NOT THE POINT TIN! Sa harap pa talaga ng bahay natin kayo
nag....bulungan?!"

Bakit parang at a loss for words ito si Jeff. Sorry na. Paalis na kasi ako kanina.
Hindi ko na tuloy na-invite
si Tom sa loob ng bahay.

"S-sorry Jeff. Sige next time na dumalaw sya, papapasukin ko na talaga sya dito sa
loob."

"WHAT?!"

Hala naman, bakit ba siya nagagalit. Ano na naman bang maling nasabi ko?

Nakita ko siyang nagbubuntung hininga na naman. Nagpipigil manigaw. "Yung naghatid


sa'yo kanina.
Sya ba 'yun?" Tanong niya sa nakakatakot na boses.

"S-si Eric?" Ang weird. Kanina si Tom ngayon si Eric?

"Wala akong pakialam kung sino sya. Pero alam ba nya na MAY ASAWA KA NA?"

Bakit bigla niya 'tong tinatananong? Tumango na lang ako. "Alam niya pero madaling
araw ka na niya
inuwi?!"

"A-actually Jeff, hindi naman niya kasalanan eh. Siya nga yung gumawa ng paraan
para makauwi kami-"

"So ano, pinagtatangol mo pa sya?!"

"Huh? Hindi naman sa ganun. Ang totoo nga niyan kanina, natulog lang ako habang
sya-"

"WHAT?!" Napatayo na siya. "YOU SLEPT... ON HIS HOUSE?!"

"Huh? Jeff hindi ah! Hindi pa naman ako nakakapunta sa bahay nya eh. Sa kotse lang
naman kami
buong maghapon-"

"ANO?!"

"W-well kasi after namin maglunch. Dumiretso na kami agad sa kotse niya. Hindi ko
naman alam na-"

"TAMA NA NGA! JUST, JUST STOP EXPLAINING! AYOKO NA MALAMAN KUNG ANONG MGA GINAWA
NYO!" Hala. Super galit na siya ng bongga.

"T-teka lang Jeff. B-bakit ka ba nagagalit? Hindi ko talaga maintindihan kung


bakit-"

"HINDI AKO NAGAGALIT!! BAKIT NAMAN AKO MAGAGALIT?!"

"Pero kasi-"
"ALAM MO TIN? WALA AKONG PAKIALAM KAHIT ANONG GAWIN MO! DAHIL WALA NAMAN AKONG
PAKIALAM SA'YO, PATI NA DIN SA PUNYETANG KASAL NA 'TO! ALAM NAMAN NATING DALAWA NA
NAPILITAN LANG AKONG PAKASALAN KA, AT PINAGSISIHAN KO YUN!"

Mabilis na umakyat si Jeff ng hagdan. Ako naman naiwan lang nakatayo. At that
moment, hindi ko na
kailangan ng Clara para sampalin ako. Kasi kahit hindi ko namamalayan, may tumulo
na palang luha
mula sa mga mata ko.

Ilang linggo na akong hindi kinakausap ni Jeff. Halos hindi na nga siya umuuwi.
Hindi ko na siya nakikita.
Sinubukan kong pumunta sa office niya, pero nung nandun naman ako, hindi naman ako
lumapit. Okay
na sa'kin makita siya sa malayo, marinig ang boses niya. Wala rin kasi akong lakas
ng loob na kausapin
siya. Ano naman kasing sasabihin ko diba?

"Tin are you okay?"

"Huh?" Naku naman. Ito na naman ako, nawawala sa planet earth. Kasama ko nga pala
si Eric. Nandito
siya sa shop, namimili na naman ng paintings. Nginitian niya ako. Nagsmile din ako
sa kanya.

"Sorry Eric. Napapraning na naman ako. May napili ka na ba?"

Hinawakan naman niya ako sa may balikat. "Tin magka-away pa din ba kayo ni Jeff?
Gusto mo bang
kausapin ko sya?"

Ang bait talaga nito ni Eric. Nitong mg nakaraang linggo, lagi siyang pumupunta sa
shop at kinakamusta
ako. Tapos nilalabas niya rin ako at kumakain kung saan-saan. Lagi pa siyang
nakasmile tapos ang
daming pakulo.

"Eric hindi mo naman sya kailangan kausapin para sa'kin eh. Wala ka namang
kasalanan."

"Are you sure Tin? Sige. Basta kung may magagawa ako, sabihin mo lang ha." Grabe
ang bait nya.
Niyakap ko tuloy siya. Nabigla hata siya sa ginawa ko.

"Eric. Thank you talaga. Ang bait bait mo sa'kin. You're really a true friend!"

Parang naging stiff hata yung katawan niya sa yakap ko. Nagulat na lang ako ng
bigla siyang nagsalita ng
seryoso.

"Hindi ako mabait Tin." Bakit biglang naging seryoso ang boses niya? Or imagination
ko lang 'yun?
Kumalas ako sa hug then tiningnan ko ang mukha niya. Bigla naman siyang ngumiti.
Parang normal
naman.

"Hindi kita tinutulungan ng dahil sa kabaitan ko. Tinutulungan kita kasi kapag
malungkot ka, halos lahat
ng painting na ginagawa mo puro dark colors. Wala tuloy akong mapili."

Napasmile naman ako dun."Sorry na po Mr. Anderson. Wala na po ba kayong mapili?


Sige po
susubukan kong magpaint mamaya with light colors."

Natawa naman sya sa "Mr. Anderson" ko. Natawa na rin tuloy ako.

"Tin, pwede ka ba mamayang gabi? Dinner naman tayo. Casual clothes lang. May alam
akong bar
malapit sa QAve." Dinner? Naalala ko na naman si Jeff. Ang tagal ko na rin kasing
mag-isang kumakain
ng dinner sa bahay. Dati ang saya namin magdinner, pero ngayon hindi na niya
tinitikman ang luto ko.

Bigla namang ginulo ni Eric yung buhok ko. "Wag ka na nga sumimangot dyan. O ano,
see you
mamayang gabi?"

"Sige na nga. Basta libre mo ha." Mas okay naman 'to kaysa mag-isa na naman akong
kakain sa bahay.

Umalis na si Eric at pumasok na ako sa office namin ni Anj. Good thing na lang
talaga, wala na akong
natatanggap na notes ngayong mga nakaraang linggo. Salamat naman at hindi na
nakikisabay pa ang
mga notes na 'yun sa mga problema ko.

Umupo na ako sa table ko. Kainis, nakita ko pa ang picture namin ni Jeff nung
awarding niya nung Mr.
Adonis. May mga pics din kami sa Bora na pinaframe ko at nilagay dito sa table ko.
Masaya naman kami
kaya lang naalala ko naman bigla ang sinabi niya, na pinagsisihan niyang
pinakasalan niya ako. Totoo ba
'yun Jeff? Akala ko pa naman okay tayo. Akala ko pa naman kahit paano, masaya ka.

Tinusok tusok ko ang mukha ni Jeff sa picture. Nakakainis. "Ikaw bubu ha. Ang sakit
mo magsalita!
Nakakahurt ka ng feelings."

Tinusok-tinusok ko pa ulit. Kainis talaga. Tapos bigla naman akong maguguilty. Kasi
baka sumasakit na
ngayon ang mukha niya dahil lagi ko siyang tinutusok-tusok.

"Sorry na Jeff, di naman ako galit eh. Miss na miss lang kita. Please wag ka na
magalit sa'kin o." Ano ba
yan. Ito na namang mga luhang 'to. Hindi ko na naman mapigilan.

"Teeny Weeny umiiyak ka na naman ba?"

Pumasok na pala si Anj. Nakakahiya naman sa kanya. Binaba ko na ang picture frame
then kinusot ko
ang mata ko. "H-hindi ah Anj. Bakit naman ako iiyak? Tingnan mo ang laki ng smile
ko o. Ha-ha-ha."

Umupo siya sa harap ng table ko, tapos tiningnan ako ng matalim. "Hindi daw
umiiyak. Eh ang pula ng
mata mo."
"Hindi ah! Ano lang yan Anj. Napuwing lang. Oo tama, napuwing."

Tinaasan niya ang kilay niya. "Napuwing na naman? Kahapon napuwing ka rin ah. Pati
nung isang araw,
tapos nung isang araw pa. then yung nakaraang linggo napuwing ka rin."

Nagforced smile na lang ako sa kanya. Feeling ko kasi pag nagsalita ako, mas lalo
lang ako maiiyak.
Hinawakan naman niya bigla ang kamay ko.

"Tin. Alam mo namang loka-loka ako. Medyo prangka at nambabatok. Pero alam mo naman
na andito
lang ako kung kailangan mo ng kausap diba?"

Naiyak na ako ng full force.

"Bestfriend mo ako ok? Kahit ano pang kabaliwan yang pinagdadaanan mo, dadamayan
kita."

Pinisil niya pa ang kamay ko. Di ko na napigilan ang waterfalls kong luha.

"O ano na namang drama yan? Bakit lumakas yung iyak mo?" Inabutan niya ako ng
tissue.

"K-Kasi naman Anj eh." Suminga naman ako. "M-May mga makabagbag-damdamin ka pang
sinasabi
dyan eh."

"Sira! Tumigil ka na nga sa pag-iyak. Ano ba kasi talagang nangyari sa inyo ni


Jeff?"

Pinunasan ko naman ang mukha ko. Ito talaga si Anj, medyo magaling din magpa-iyak.

"Hindi ko nga din alam eh. Basta bigla na lang sya nagalit. Ginawa ko naman yung
CGM technique. Basta
bigla na lang nung hinatid ako ni Eric, nagalit na sya ng todoo tapos-"

"Teka teka nga Tin. Bakit nasali dito si Eric?"

"Yun nga Anj eh. Di ko din alam kung bakit sya sinasali sa usapan ni Jeff eh."
Suminga ako ulit. Excuse
me.

"Hmm. I think alam ko na ang problema."

"Talaga Anj? Ano, ano?"

Ngumiti naman siya ng nakakaloko sa'kin. "Hindi ko muna sasabihin Tin. Baka masyado
ka ma-excite
eh."

"Hala promise hindi ako maeexcite!! PROMISE PROMISE ANJ! Hinding-hindi talaga
forever and ever
and ever."

Tinaasan niya ako ng kilay."Yung ganyang level, hindi ka pa excited nyan huh."
Nagpacute naman ako.
"Naku itigil mo nga yan Tin. Kailangan ko pa i-confirm kaya hindi ko pa pwede
sabihin sa'yo."

Tumango na lang ako. Ano ba 'to si Anj. May pasuspense pang nalalaman. "Pero
sandali nga Tin. Bakit
ba kasi laging nagpupunta dito yang Eric na 'yan? Nanliligaw ba sa'yo 'yan?"

"Hala naman Anj! Magkaibigan lang kami ni Eric 'no."

"Para kasing, iba ang pakiramdam ko kay Eric eh. Ewan ko! Parang masyado syang...."

"Mabait?" pagpapatuloy ko.

"Well, oo mabait. Tsaka parang ano, masyadong...."

"Gwapo?"

"Syempre isa pa yun. Pero kasi iba talaga eh. Parang..."

"Parang laging nakasmile? Thoughtful? Caring? Ano ba talagang sasabihin mo Anj?


Masyado syang
ano?"

"Ewan ko ba! Para kasing masyado syang... perfect."

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Wait lang Anj. Lilinawin ko lang huh. Ayaw mo sa
kanya dahil masyado
syang perfect?"

"Hay naku teeny Weeny. Wala naman akong sinabing ayaw ko sa kanya. Ang ibig ko lang
sabihin, wala
naman kasing perpektong tao eh."

Nanlaki naman ang mata ko. "Ang ibig mong sabihin Anj...HINDI TAO SI ERIC?! Isa
kaya syang alien??"

Binatukan na naman niya ako. Grabe, nakakadami na siya. "Saan ba talaga gawa yang
utak mo Tin? Hay
nako, umalis ka na nga! Kausapin mo na si Jeff! Magbati na kayo!"

"Pero Anj. Magkakabati pa ba kami? Galit na galit sya sa'kin eh. Tsaka anong
gagawin ko, hindi ko
alam."

Tinayo naman niya ako at tinulak-tulak sa pinto. "Kalimutan mo na yung CGM strategy
ok? Hindi pala
sya gumagana sa'yo. Go na, kaya mo yan."

Nandito na ako sa may pinto."Eh ano nga Anj, anong gagawin ko?"

Nagulat naman ako nang bigla niya akong niyakap at binulungan.

"Just be Tin."

Nandito na ako sa building ni Jeff. Kahit hapon na, umuwi muna ako para magluto.
Para may madala
naman ako dito ngayon. Nagjeans pa ako then off-shoulder na blouse. May red
lipstick pa talaga para
kay Jeff basta hindi ako lalabas ng building na 'to ng hindi kami nagkakabati. Go
Tin!

Pumasok na ako sa elevator. Kinakabahan ako. Ano kayang sasabihin ko? Bahala na,
maglulupasay na
lang ako. Basta dapat magkabati na kami.

Nandito na ako sa floor ni Jeff. Alam ko na, magsosorry na lang ako sa harap ng mga
officemates niya
para malaman niyang sincere talaga ako sa paghingi ng sorry. Game Tin? Ready, get
set, gooo!

"I'M SORRY JEFF!SORRY NA! WAG KA NA MAGALIT!" Todo sigaw pa ako.

Hindi sa speechless sila wala lang kasing tao. Kaya wala talagang magrereact.
Tumingin naman ako sa
relo ko. Uwian na ba? 5 pa lang. Alam ko mga 7pm sila umuuwi. Na saan kaya sila
nagpunta?

Naghintay muna ako baka naman bumalik sila. Tawagan ko kaya si Bessie? Kinuha ko
ang phone ko.
Bigla namang nag-ring. Sinagot ka naman.

"Hello?"

"Hello Tin? Ready ka na ba? Andito na ako sa labas ng bahay mo."

"Ehh? Eric?"

Oo nga pala may dinner nga pala kami. "It's okay if hindi ka pa prepared. I guess
I'm too early?"

"H-huh? Hindi naman. Ang totoo nyan, wala ako sa bahay eh. Uhm, una ka na lang?
Susunod na lang
ako."

"Sigurado ka?"

"Yup. See you later na lang Eric."

Binigay na lang niya ang address ng bar. Magtataxi na lang ako papunta dun.
Naghintay pa ako ng konti,
pero mukhang hindi na hata babalik sina Jeff eh. Puntahan ko na nga lang muna si
Eric. Aabangan ko na
lang mamaya si Jeff sa bahay.

Nandito na ako sa bar. May banda na tumutugtog tapos medyo maraming tao. Nakajeans
lang ako,
pero maganda naman ako. Joke

Nasan na kaya si Eric?

"Tin!" Ginala ko ang mata ko nakaupo siya sa may round table. Tumayo siya nang
lumapit ako.

"Sorry Eric ha. Late ako."


"Sure Tin. No problem. You look pretty tonight."

"Ehh? Ah, thanks Eric."

Para kay Jeff naman 'tong pag-aayos ko.

"Upo ka na. I'll get you something to drink."

Umalis naman siya hinintay ko lang siya dun. Ang ingay naman sa lugar na 'to. Mas
gusto ko pang
magdinner sa bahay kasama si Jeff. Kamusta na kaya isya?

"Can I buy you a drink?" Napatingin naman ako sa lalakeng biglang lumapit sa table
ko. Nginitian ko na
lang siya.

"No, thank you."

"Sige na miss, wag ka na mahiya. Ano bang iniinom mo? Lady's drink perhaps?"

"H-hindi wag na. Salamat na lang." Ano ba yan kuya, ayoko nga. Chinichika pa rin
ako nung lalake.
Ngumingiti na lang ako to be polite. Hindi pa ba siya aalis?

"Vince."

Dumating na si Eric at nakatingin ng masama dun sa guy, na tinawag niyang Vince.


Ang weird, kasi
number one, magkakilala pala sila. And number two, hindi ako sanay na hindi
nakangiti itong si Eric.

"O Richard pare! Ikaw pala! Ngayon lang ulit kita nakita dito ah!" sabi nung Vince

Richard? Eric kaya ang pangalan niya. Si Eric naman hindi nagcocomment. Tinititigan
lang si Vince.
Parang may hidden message ang titigan nila.

"Kasama ko si Tin. Excuse us pare."

"Naku! Pasensya na Richard, akala ko nag-iisa lang sya." Tinignan pa ulit siya ng
masama ni Eric. "Sige
pare una na ako."

Kinindatan naman muna ako nung si Vince bago siya umalis. Nagtanguan naman sila ni
Eric. Nang
makaalis na siya, umupo na si Eric sa tabi ko. Hala naman ang seryoso niya.

"Uh, Eric. Bakit ka nga pala nya tinawag na Richard?"

Uminom naman muna siya bago tumingin sa'kin. Then ngumiti. Yan ang kilala kong
Eric!

"Hindi wala. Yun lang kasi yung tinatawag nila sa'kin dati. Pero ayoko ng pangalan
na yun."

Uminom ulit siya.

"Ganun ba? Sa tingin ko, ok lang naman yung pangalang Richard eh."
Tumingin naman siya ulit sa'kin at ngumiti."Mas gusto ko ang Eric." Nilapit naman
niya sa'kin ang drinks.
"Here. Drink up Tin."

"N-naku Eric. Ok lang ba if kumain na lang ako? Ayoko na kasi talaga uminom eh. Ang
hirap magka-hang
over." Ngumiti naman siya then tinawag ang waiter. Nag-order na lang ako, tapos
nagwentuhan pa
kami ni Eric. Hanggang sa dumating na ang food. Kwentuhan ulit. Lumilipas ang oras
na
nagkukwentuhan lang kami.

Nagtatanong ako tungkol sa kanya, pero parang hindi siya kumportable sa usapan
'yung sarili niya kasi
iyon. Puro ako tuloy ang nagkukwento. Pati nga ang mga embarassing experiences ko
nung bata
naikwento ko na. Tawa naman siya ng tawa.

"Grabe. Nakakatawa ka talaga. Talagang kinuwento mo pa nung nahulog yung pants mo?"
Wagas
naman makatawa 'to si Eric.

"Sabi mo kasi magkwento ako ng nakakatawa eh. O ayan na. Tsaka, kaibigan naman kita
kaya ok lang na
ikwento ko yun."

Ang sarap naman ng pagkain. Napatigil naman si Eric sa pagtawa. Uminom siya ulit.
Tapos tumingin siya
sa stage.

"Do you really see me as a friend Tin?" Mahina yung boses niya pero narinig ko.

"Huh? Oo naman Eric! Super bait mo kaya then napaka-friendly. Sino bang aayaw
makipagkaibigan
sa'yo?"

Uminom ulit sya. Hala, medyo madami na hata siyang naiinom.

"Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o malungkot dahil tinuturing mo akong
kaibigan."Natawa
pa siya tapos tumingin ulit sa'kin. Ano bang ibig niyang sabihin? Nakita niya
siguro ang mukha kong
naguguluhan kaya bigla siyang tumayo.

"Makinig kang mabuti ha."

"Ehh? Sa'n ka pupunta Eric?"

"Kakanta ako. Dinededicate ko sa'yo yung kanta."

Lumakad naman si Eric papuntang stage. Kakanta ba talaga siya? Magaling siguro
talaga siya kumanta.
Binulungan niya ang banda, hanggang sa nagstart na silang tumugtog. Si Eric, hawak
ang mic sa gitna ng
stage habang nakatitig sa'kin.

Lumayo ka na sa akin
Wag mo 'kong kausapin
Parang awa mo na
Wag kang magpapaakit sa akin
Ayoko lang masaktan ka
Malakas ako mambola
Hindi ako santo

Pero para sa'yo


Ako'y magbabago
Kahit mahirap
Kakayanin ko
Dahil para sa'yo
Handa 'kong magpakatino
Laging isipin
Lahat ay gagawin
Basta para sa'yo

Nakatingin lang sa'kin si Eric. Nakasmile naman ako sa kanya. Ang galing niyang
kumanta. Proud friend
here!

Hindi ikaw yung tipong niloloko


At hindi naman ako
Yung tipong nagseseryoso
At kahit
Sulit sana sa'yo ang kasalanan
Lolokohin lang kita
Kaya't kung pwede wag nalang dahil
Ayoko ngang masaktan ka
Wag kang maniniwala
Hindi ako santo

Pero para sa'yo


Ako'y magbabago
Kahit mahirap
Kakayanin ko
Dahil para sa'yo
Handa kong magpakatino
Laging isipin
Lahat ay gagawin
Basta para sa'yo

Pumalakpak ako. Go Eric! Nagulat naman ako nang lumapit siya kung saan ako nakaupo.
Hala, nasa
spotlight tuloy kami.

Bakit nakikinig ka pa
Matatapos na ang kanta
Pinapatakas na kita
Mula nung unang stanza
Hinde ka ba natatakot
Baka ikaw ay masangkot
Sa mga kasalanan ko

Hinawakan naman niya bigla ang kamay ko at inalalayan akong tumayo. Habang
kumakanta siya,
naglalakad kami papuntang stage. Hala naman, bakit niya ako dinadala sa stage. Naku
po, di ako
marunong kumanta.

Pero para sa'yo


Ako'y magbabago
Kahit mahirap
Kakayanin ko
Dahil para sa'yo
Handa kong magpakatino
Laging isipin
Lahat ay gagawin
Basta para sa'yo

Pero para sa'yo


Ako'y magbabago
Kahit mahirap
Kakayanin ko
Dahil para sa'yo
Handa kong magpakatino
Laging isipin
Lahat ay gagawin
Basta para sa'yo

Nang natapos ang kanta, nandun na kami sa stage. Naghiyawan naman ang mga tao. Ang
galing kasi
talaga ni Eric kumanta. Nagthumbs up ako sa kanya.

"Good job Eric. Ang galing mo!"

Seryoso siyang nakatingin sa'kin."Bakit nakangiti ka pa? Hindi mo ba naintindihan


yung kanta ko?" sabi
ni Eric

Naguluhan naman ako.

"BOSS! DIBA SI TIN YUN?!"

Bigla namang may sumigaw sa audience kaya napatingin ako. Kilala ko ang boses na
'yun.

"BOSS! SI TIN NGA! AYAN TUMITINGIN SA ATIN!"

Hala si Rey yun. Nilibot ko ag tingin ko. Lahat din ng mga ka-opisina ni Jeff nasa
isang table, nakatingin
sa'kin. Kaya ba wala sila kanina sa office? May night-out sila? Teka, nasan si
Jeff? Nakaupo sa may gitna.
Nakita ko siyang nakatingin sa'kin. Kahit kinakausap siya ni Rey, hindi siya
nagsasalita. Nakatitig lang siya
sa'kin.

Bigla namang may humawak ng kamay ko."Tin."

Hindi ako gumagalaw. Nakatingin pa rin ako kay Jeff. Nakita kong kinuha niya ang
bote sa table at
uminom. Kailangan ko siya puntahan, makikipagbati na ako. Sinubukan kong maglakad
papunta sa
kanya, pero bigla namang hinigit ni Eric ang kamay ko.

"Tin."
"T-teka lang. Kailangan ko puntahan si-"

Hindi ko na natapos pa, nanlaki nalang ang mga mata ko. Because suddenly...

Eric kissed me.

*******************************************
[20] SUPER GLUE
*******************************************
CHAPTER 19

SUPER GLUE

Nandito ako sa police station. Grabehan, first time 'to. Makukulong na ba ako? Si
Jeff kasi nakikipag-
usap pa dun sa mga pulis. Ako nakaupo lang dito. Yung katabi ko sa kanan, parang
adik lang. Yung nasa
kaliwa naman lasing kaya humihilik habang natutulog. Gusto ko na umuwi.

Paano ako napunta sa police station? Hay nako, nagsimula lahat 'to kay Eric eh.

Naalala ko nun.

Eric is kissing me.

Nakatayo lang ako dun. Hindi ako makagalaw. Nanlalaki ang mata. Totoo ba 'to?!
Hinahalikan niya
talaga ako? Pero bakit? Sa sobrang gulat, hindi ako agad nakakilos.

Naghihiyawan ang mga tao pero wala akong naririnig. Napatayo na pala lahat ng ka-
opisina ni Jeff, hindi
ko man lang napapansin.

Teka! Si Jeff! SI JEFF! Nakikita kami ni Jeff! Bigla akong natauhan, at tinulak si
Eric palayo. Nakatingin
lang siya sa'kin.

"Eric! Anong ginagawa mo? Bakit mo ako-"

Hala, nasa floor na si Eric. May sumuntok sa kanya. "JEFF?!"

Hinawakan niya sa kwelyo si Eric tapos sinuntok ulit.

"T-teka Jeff! Wait wag kayo mag-away." Ang awesome parang action movie lang. Pero
magkakasakitan
lang sila nito. "Hala Eric wag mo suntukin si Jeff!"

Gumaganti na kasi si Eric. Nagsuntukan pa rin sila. Yung mga tao naman
naghihiyawan. Yung mga ka-
opisina ni Jeff, inaawat na yung suntukan. Anong ginagawa ko? Wala lang, nasa
gilid, nagchicheer. Joke.
Syempre pinipigilan ko sila.
"Tama na yan! Please naman wag na kayo mag-away. Teka lang Jeff! Eric!"

Nagsusuntukan pa rin sila. Pati ang manager ng bar, sinisigawan na sila. Ayaw
talaga magpaawat. Alam
ko na!

KRING! KRING!

Nagsigawan ang mga tao tapos tumakbo palabas ng bar. Nagkakagulo na, kasi sabay-
sabay lumabas.
Nagpaawat na rin sina Jeff at Eric nang narinig nila ang tunog. Pinaghiwalay na
sila nung mga natirang
tao pero nagtitinginan pa rin sila ng masama.

Anong ginawa ko? Wala naman. Pinatunog ko lang yung fire alarm. Kaya nga ako nasa
police station.

Si Jeff din nireklamo ng manager. Siya kasi ang naunang sumuntok. Tapos ako,
nireklamo rin. Nawalan
daw siya ng customers nang dahil sa'kin. Pero ginawa ko lang naman 'yun dahil gusto
ko ng peace and
order.

Si Eric? Ang weird, bigla na lang siyang nawala. Simula nung nagkagulo hindi na
siya nakita tapos nung
dumating ang mga pulis, wala na siya. Sa bagay, hindi naman siya nireklamo nung
manager. Wala
naman daw siyang kamalay-malay, basta bigla na lang sinuntok ni Jeff.

Naku naman, siguradong super super super galit na sa'kin si Jeff. Nakita niya pa
talaga na hinahalikan
ako ni Eric?Oh no, kailangan ko talaga mag-explain. Hindi ko naman ginusto 'yun .

"Limang minuto lang."

"Huh?"

Inabot sa'kin nung pulis yung telepono.

"Pwede kang tumawag ng abogado o kahit sino. Pero isang tawag lang pwede."

Naiirita niyang paliwanag sa'kin. Ang scary naman ni Mr. Police. "P-pwede po kayang
dalawang tawag?
Kailangan ko po kasing-"

Tinitingnan niya ako ng masama. Napalunok na lang ako. Sabi ko nga eh, isang tawag
lang.

"Nagsisimula na ang oras mo." Sabi niya lang tapos umalis na. Game, game 5 minutes
lang. Sino bang
tatawagan ko? Si Mom or si Dad? Dapat kasi dalawang tawag pwede.

Teka lang. Diba sabi niya, pwedeng tumawag ng abogado? Lawyer naman si Jeff ah.
Kanya-kanya ba
dapat 'yan? Fine, tatawag ako ng sarili kong lawyer.

Bakit hindi niya sinasagot, I dial her number, sagutin mo na.


"Miss gusto mo?" Yung parang adik kong katabi sa upuan ay inaalukan ako ng
bubblegum. Yung
nginuguya niya kaning bubblegum, inoffer nyia sa akin. "This tastes yummy." Tapos
sinubo niya ulit at
ngumuya-nguya pa siya.

Gusto ko ng umuwi!

"H-hello?"

"ANJ! BUTI SUMAGOT KA NA!" Meet my lawyer, si Anj. Sugurin nyia lang ang mga pulis
dito, for sure
wala silang binatbat.

"Ano ka ba Teeny Weeny. Alam mo ba kung anong oras na? Hatinggabi na kaya!" sabi ni
Anj habang
humihikab.

Naku nagising ko hata si Anj. Kaya pala medyo sleepy voice pa siya. "Anj sorry!
Pero kasi sabi nila
kailangan ko daw tumawag ng lawyer then dapat five minutes lang kaya binibilisan ko
talaga magsalita
tapos yung katabi ko binibigyan ako ng kinagat na nyang chewing gum samantalang
yung isa naman
super lakas humilik tapos-"

"Sandali nga Tin. Dahan dahan nga lang-"

Maghahyperventilate na ako. "Syempre gusto ko na nga umuwi kanina pa pwero hindi


naman ako
pinapaalis dito tapos si Jeff kanina pa sya nakikipag-usap dun hindi naman nya ako
pinapansin kaya
kanina pa ako nakaupo na walang ginagawa eh hindi ko naman talaga alam kung-"

"TIN! SSHH! SANDALI LANG!" Narinig ko siyang nagsigh. "Nabaliw ka na ba talaga? Wag
ka nga
magpanic dyan! Ano ba talagang nangyari, hindi kita maintindihan eh."

"ANJ NASA POLICE STATION AKO!" Nanahimik naman si Anj sa phone pero maya maya lang.

"Weh?"

"Anj naman eh!! Hindi 'to joke. Andito nga ako talaga!"

"Weh?"

"Anj please makinig ka naman! Five minutes lang ako pwede. Ayan nga o, tinitingnan
na ako ng
masama nung pulis."

Matatapos na ba agad ang time. Wala pa akong nasasabi. Narinig ko naman siyang
tumawa.

"Seryoso ba yan Tin? Ikaw? Nasa police station? Ikaw talaga?" Tumawa ulit siya.
"Wow, congrats."

"Congrats ka dyan. Ito naman eh, seryoso nga."

Tumawa ulit siya. " Ano ba kasing nangyari? Bakit andyan ka?"
"Basta Anj sinuntok kasi ni Jeff si Eric, tapos nagkakasakitan na sila. Then
syempre pinatunog ko yung
fire alarm kaya nireklamo ako ng manager."

Lumapit na sa'kin ulit ang pulis.

"Wow talaga? Si Jeff mo nakipagsuntukan? Ha! Tama nga ata yung theory ko." Tapos
bumulong pa siya.
"Selos lang pala eh."

"Huh? Ano sabi mo Anj?" Tinuturo na nung pulis ang relo niya. "Uy ano na, ano nang
gagawin ko?
Tapos na yung oras ko sa phone 'no. Pupunta ka ba dito?"

Sumesenyas ako sa pulis na wait lang. Nagcross arms naman siya.

"Nope Tin. Hindi ko na kailangan pumunta dyan. Makakalabas ka naman kahit wala
akong gawin 'no."

"Hala naman Anj! Please gumawa ka ng paraan, isa lang yung pwedeng tawag na gawin
ko eh."

"Chill ka lang Teeny Weeny. There's only one thing you need to do."

"Ano naman yun?"

"Kailangan mo maging.... isang SUPER GLUE!"

"What?" Nababaliw na talaga 'to si Anj.

At syempre nababaliw na rin ako. Sinusunod ko naman kasi lahat ng sabihin niya.
Syempre naman,
Master Anj kaya 'yan.

Hala si Jeff. Tapos na hata sya makipag-usap. Nagkamayan pa sila ng pulis. Wow,
friends agad? Kanina
lang, ipapakulong na siya. Okay game, kailangan ko namaging Super Glue.

Lumapit na ako sa kanya. "J-Jeff."

Hala. May pasa siya sa mukha. Ang sakit na naman niyan panigurado. Tumingin siya
sa'kin saglit tapos
nag-iwas agad ng tingin. Hindi niya ako kinakausap.Nagsimula na siya maglakad.

"T-teka Jeff. Pwede na ba tayo umalis?"

Lakad pa rin siya. "Teka lang Jeff. Kukunin ko lang yung dala ko. Sabay na tayo
umuwi."

Dala ko pa rin kasi ang lunchbox na dapat ibibigay ko sa kanya kanina. Tumigil siya
sa paglalakad pero
hindi pa rin siya tumitingin sa'kin. "Ako lang ang pwede umalis."

"Huh? Bakit ikaw lang pwede?" Ayan na naman siya sa hindi niya pagsasalita. Di na
naman niya ako
kinakausap. "Kung ganun, iiwan mo ako dito?"

Hindi pwede. Ayoko na rito. Gusto ko na umuwi. Akala ko di niya ako papansinin.
Kaya nagulat ako
nang bigla siyang humarap sa'kin at nagsalita.

"Ayaw na kitang makita pa."

"Huh?"

Nagsimula na ulit sya maglakad.

"T-Teka lang Jeff!"

Naglakad lang siya hanggang nakalabas na siya ng police station. Hindi pwede 'to.
Pano ako magiging
Super Glue nyan? Pano ako didikit ng didikit kay Jeff kung maiiwan ako dito? Hindi
pwede! Sinugod ko
ang pulis. Nagulat hata siya nang bigla akong lumapit.

"May problema ba Miss?"

"Totoo po bang pinayagan nyong makalabas dito si Jeff?" Tinuro ko yung may pinto.

"Ah si Mr. Lee? Pwede na syang lumabas dahil nakausap na nya ang manager. Hindi na
sya sasampahan
ng kaso."

Tumayo ako ng diretso. Tiningnan ko siya sa mata. "Kung ganun, kayo po ba ang tao
na in-charge para
mapalabas sya?"

Tiningnan naman niya ako ng naguguluhan. Pero nagstraight body din siya. Tiningnan
din ako sa mata.
"Ganun na nga. Ako nga ang nagpalabas sa kanya. May problema ba?"

Tama! Siya na nga! Lagot sa'kin 'tong pulis na 'to. Hinawakan ko naman bigla ang
kamay niya. Nagulat
hata siya. "Mr. Police! Mr. Police! Parang-awa mo na palabasin mo na rin po ako!
Mabait naman po
akong tao eh. Sorry na po hindi na ako ever magpapatunog ng fire alarm. Promise
talaga
magpapakabait na po ako. Please please please Mr. Police. Please please!"

Nakakunot naman ang kilay niya sa'kin. "Ano bang sinasabi mo dyan Miss?"

"Diba kayo po yung nagpalabas kay Jeff? Kung ganun pwede nyo din po ba akong
palabasin? Sige na
naman po Mr. Police!!"

Tinanggal naman niya ang kamay niya sa pagkakahawak ko. Napatungo na ako. Oh no,
hindi siya
papayag. I knew it.

Kaya lang bigla syang tumawa? Napatingala ako ulit. "Ano ka ba Miss. Pwede ka na
naman talagang
umalis eh. Kinausap na ni Mr. Lee ang manager. Alam ko nga binayaran na din nya
yung mga nasira sa
bar pati na yung nawalang kita sa mga customer. Kaya hindi na din sya magsasampa ng
kaso sa'yo."

"Talaga?! Pero bakit sabi po ni Jeff-"


Well oo nga. Wala naman siyang masyadong nasabi. Si Jeff talaga kailangan ko siyang
mahabol.
Kailangan kong maging Super Glue!

Nagthank you na lang ako kay Mr. Police tapos kinuha ko ang bag ko. Tumakbo na ako
palabas sa police
station. Nasaan na si Jeff? Iginala ko ang mata ko. Ayun! Nakalagay sa bulsa ang
kamay habang
naglalakad. Babalikan nya hata yung kotse niya sa bar. Tumakbo naman ako palapit sa
kanya. "Jeff!"

Napatigil siya ng konti pero tumuloy din agad sa paglalakad. Sumunod na lang tuloy
ako sa likod nya.
Sumitsit pa ako. "Jeff." Sabi ko habang naglalakad at sumasabay sa kanya. "Thank
you nga pala.
Kinausap mo pala yung manager para makalabs ako agad. Akala ko nga maiiwan ako dun
eh."

Hindi man lang siya lumilingon. Pero infairness, ang gwapo pa din kahit
nakatalikod.

"Jeff kumain ka na ba? Madaling-araw na pero kung hindi ka pa nagdidinner meron ako
ditong-"

"Hindi ako uuwi." Hala! Naglalakad pa rin siya pero at least nagsasalita na siya.
Yes!

"Bakit naman? Umuwi ka na muna! Sabay na tayo."

It's official. Ang sexy ng likod ni Jeff. Kanina ko pa tinitngnan. Ayos, ipapaint
ko 'to.

"Tsk. Umuwi ka na nga! Magpasundo ka dun sa Eric mo, o kahit sino pa man. Wala
akong pakialam."

Bakit biglang ang sungit na naman niya? "Hay. Bakit ba lagi nyang sinasali si Eric
sa usapan?" Bulong ko
sa sarili ko. Lagi na lang talaga.

"Anong sabi mo?!"

"H-Huh? Hindi wala. Pero Jeff bakit mo ba kasi ako pinapasundo kay Eric? Eh ikaw
naman yung gusto
kong sabayan eh."

Napahinto naman siya sa paglalakad. Tapos umikot at humarap sa'kin. "WAG MO NGA
AKONG
SUNDAN!"

Tapos tumalikod ulit sa'kin at naglakad. Akala ko naman kung ano nang sasabihin.
Syempre naglakad pa
rin ako sa likod niya. "Hindi kita sinusundan Jeff 'no! Pareho lang talaga tayo ng
pupuntahan. Dito rin
kasi ako pupunta."

"Tsk." Binilisan naman niya ang lakad. Binilisan ko rin. Kumaliwa siya. Kumaliwa
rin ako. Tumakbo siya.
Tumakbo rin ako. Nagtumbling siya. Nagtumbling rin ako. Joke lang, syempre hindi
kasali ang tumbling.
Parang timang lang kami habang hinahabol ko siya. Buti na lang talaga madaling-araw
pa lang kaya wala
masyadong tao sa daan.

Pumasok na sya ng kotse niya. Syempre pumasok rin ako sa passenger's seat. I AM A
SUPER GLUE!
Hindi niya ako mapapaalis 'no.

"TSK. AKALA KO BA HINDI MO AKO SINUSUNDAN?!"

Nagseatbelt na ako. "Hindi kita sinusundan Jeff 'no. Akala ko lang kasi taxi yung
kotse mo. Kaya
napasakay ako."

Nagbuntung hininga naman siya. "PWES HINDI TAXI 'TO! KAYA BUMABA KA NA!"

Binuksan ko ang radyo. "Lalalalala." Kumanta na lang ako.

"TSK." Tinapakan ni Jeff ang accelerator.

Then I died.

Joke lang, buhay pa 'ko. Mamamatay na nga lang any moment. Nakahawak ako ng malupit
dito sa
upuan pati na dun sa hawakan sa taas

"JEFF DAHAN-DAHAN LANG!!"

Binilisan niya pa lalo. Kanina pa ganito ang takbo namin. Super bilis! Sumisigaw na
ako pero wala naman
hata siyang naririnig. Grabe ano ba 'to si Jeff. Hindi naman siya dati magbilis
magpatakbo ng kotse. Pero
ngayon bakit gigil na gigil sa accelerator?!

"JEFF! RED LIGHT! RED LIGHT! GUSTO MO BA ULIT BUMALIK SA POLICE STATION??" Hala
nilampasan
niya pa rin kahit red light. Wala kasing pulis ng mga ganitong oras.

"MOM! DAD! MAHAL KO KAYO!" Lord, pakisabi na lang sa kanila. Sorry if mamamatay na
ako ngayon.

"ANO BABABA KA NA BA?!" sigaw ni Jeff

BInilisan pa ulit ni Jeff. "HINDI AKO BABABA! HINDI AKO BABABA! ISA AKONG SUPER
GLUE!"

"WHAT?!"

"HINDI MO AKO MATATANGGAL! DIDIKIT AKO NG DIDIKIT SA'YO!." Sumisigaw pa rin ako.
Ang bilis pa
rin namin. Gusto ko pa mabuhay!Lord!

Mayamaya pa, tinigil na ni Jeff ang kotse. Tapos bumaba na siya. Grabe hingal na
hingal ako. Hindi
naman ako ang nagdrive. Pero napagod ako kakasigaw. Humingal, hingal muna ako ng
konti bago ako
lumabas. Buwis buhay yun.
Teka? Bakit kami nandito? Sa office building niya? Ang aga-aga pa. Magtatrabaho na
siya agad?
Pumasok na rin ako. Di bale na, Super Glue naman ako eh. Kahit sa'n pa siya
pumunta, susundan ko
siya. Pasara na ang elevator na sinasakyan ni Jeff. Tumakbo naman ako at napigilan
ko itong sumara.
Akala mo Jeff aa.

Sumara na tapos pinindot niya ang 10th floor. Hala naman, magtatrabaho na ba siya
agad? "Grabe Jeff
magtatrabaho ka na agad? Eh alas dos palang ng madaling-araw eh."

Nagcross arms naman siya. "Umuwi ka na kung gusto mo."

"Hindi ako uuwi. Hindi ako uuwi. Hindi ako uuwi." I AM TIN THE SUPER GLUE!

Hindi na naman isya nagsalita. Naku pano yan, kapag nakarating na kami sa office
niya, panigurado
magtatrabaho ng magtatrabaho na naman 'to. Hindi na naman ako kakausapin. Kailangan
ko gumawa
ng paraan. Kailangan talaga.

Pero paano? Ano namang magagawa ko?

Ting!

10th floor na. Hay bahala na. Pagkabukas ng elevator, pinindot ko agad ang close
button. Nagulat
naman si Jeff sa ginawa ko kaya hindi niya napigilan yung pagsara. Hindi na rin
siya nakababa.

"ANO SA TINGIN MONG GINAGAWA MO?!"

Pinindot ko ulit papunta sa ground floor. Sorry Jeff.

"KUNG GUSTO MO UMUWI, WAG MO AKONG IDAMAY!"

"Ehhh. Jeff naman eh. Ayoko pang umuwi. Pero ikaw hindi ka din pwede magtrabaho.
Hindi mo na
naman ako papansinin eh."

"MADAMI AKONG KAILANGANG GAWIN! TSK!!" Super dami ba talaga? 2AM dapat start na?
Naman.

Ting!

1st floor na ulit. Bumukas na ang elevator.

"Bumaba ka na." Sabi naman bigla ni Jeff. Napatingin tuloy ako sa kanya. Grabe
mukha na siyang
pagod, puyat, at payat. O diba, 3 P's! kaya dapat hindi ko talaga siya iwanan.

"I'm a Super Glue. Hindi ako aalis."

"Tsk. Bahala ka nga."

Pinindot na niya ulit ang close button. Tapos 10th floor button. Grabe. Wala na ba
talaga akong
magagawa pa? Hindi ko na ba talaga siya mapipigilan?
Nanlaki ang mga mata ko kasi parang lumindol?

"Hala Jeff! Lumilindol ba? Bakit gumagalaw?" Gumalaw talag. Tumingin naman si Jeff
sa elevator
buttons. Nasa 1st floor pa rin kami.

Gumalaw na naman at napasigaw ako. Napahawak naman ako sa arm ni Jeff. Hindi ko rin
sinasadya
'yan. Napahawak lang talaga.

Pero syempre, hindi muna ako bumibitaw. 'Yun talaga, sinasadya ko na.

Gumalaw na naman at bigla namang namatay ang ilaw sa loob ng elevator. Tumigil
bigla sa paggalaw.

"Tsk."

Pinindot ni Jeff ang mga buttons. Ayaw na magbukas. Madaling-araw pa lang. Wala
pang tao sa building
para tulungan kami. Sinusubukan ni Jeff buksan ang elevator. Pero kahit anong gawin
nya, hindi pa rin
niya mabuksan.

Curious ba kayo kung anong ginagawa ko? nakatayo lang. Nakangiti. 'Yung totoo,
bakit ang swerte ko?

*******************************************
[21] DISINFECT
*******************************************
CHAPTER 20

DISINFECT

Nakaupo kami ni Jeff sa magkabilang dulo ng elevator. Dapat nga tatabi ako sa
kanya, kaya lang lumayo
siya.

"Psst. Jeff. Tulog ka ba?"

Nakapikit kasi siya tapos nakasandal ang ulo. Mukha na siyang pagod. Kanina pa kasi
siya gumagawa ng
paraan para makalabas kami. Pero dahil swerte hata talaga ako, mastustuck kami dito
hanggang may
pumasok na empleyado.

"Huy. Jeff."

Wala pa ding sagot. Nakatulog na nga hata siya. Ano ba 'yan sige na nga matutulog
na rin ako. Pumikit
ako pero hindi naman ako inaantok.

Parang ang sakit hata ng tyan ko. Ano ba namang utak 'yan, ayaw matulog. Basta
pipikit lang ako.
Magbibilang na lang ako ng tupa. Makakatulog din ako nyan.

Hinalikan ako ni Eric.


Napamulat ako bigla. Hala naman! Bakit naaalala ko pa 'yun? Bakit ba kasi ginawa'
yun ni Eric?! Mas
matagal pa tuloy 'yun kaysa sa halik sa'kin ni Jeff nung kasal namin. At saka dapat
si Jeff lang ang
hahalikan ko.

Kinuskos ko ang lips ko gamit ang kamay. Mabubura ko ang kiss na 'yun. Mabubura ko
talaga. Parang
ayaw. Kinuha ko ang bottled water dun sa baunan na prinepare ko. Dadalhin ko dapat
'to kay Jeff
kanina.

Naglagay ako ng konting tubig sa may palad ko. Tapos pinunasan ko ng tubig ang lips
ko. Ok 'to
mawawala na yung kiss!

"Ehh? Anong tunog yun?" Napatigil tuloy ako sa ginagawa ko dahil may narinig akong
kung ano parang
tunog kasi ng tyan.

Hinawakan ko ang tyan ko. Hindi naman ako nagugutom. Oh no, nautot ba ako? Inamoy-
amoy ko yung
paligid. Hindi naman.

Hindi nga ako yun. Napatingin ako kay Jeff. Tulog pa rin siya. Tunog lang ng tunog
'yun.

"Tsk."

Hala nagsalita siya. "Jeff?! Gising ka?!"

Nakapikit pa rin siya at hindi nagsasalita. Pero narinig ko siya kanina."Gising ka


'no? Umamin ka na!"

Napatingin ako sa tyan niya tumunog kasi. "Oh! Gutom ka 'no Jeff? Hindi ka ba
nakakain sa bar?"

Di pa rin siya gumagalaw. "Pero madami namang pagkain sa bar eh." Ayaw pa rin niya
magsalita. "Di
kaya... gusto mo lang kainin eh yung luto ko? Ayaw mo ng ibang pagkain? Hmm, kaya
ka siguro
namamayat 'no?"

Bigla namang bumukas ang mata niya. Yay. "WAG MO NGA AKONG KAUSAPIN! TULOG NGA AKO
DIBA?! TSK!"

Hala tulog daw. "Sabi ko na nga ba Jeff gising ka eh!"

"HINDI NGA! TULOG NGA AKO!"

"Wala namang tulog na sumisigaw eh."

"HINDI AKO SUMISIGAW! TSK! PWEDE BA, WAG MO NGA AKONG-"

Nanlaki ang mata ko. Oh no! Pinisil ni Jeff ang ilong niya. Pinisil ko rin ang
ilong ko. Please Lord, sana
lamunin na ako ng lupa.
"TSK! ALAM MO BANG NASA ELEVATOR TAYO TIN?! WALANG BINTANA! TAPOS NGAYON KA PA...
HAIST!"

Ladies and gentlemen, umutot ako. Matuturn-off sa'kin si Jeff nito. "S-sorry Jeff.
Hindi ko naman
sinasadya eh. Ang dami ko kasing nakain, tapos medyo intense pa ang mga pangyayari,
so..."

Tumingin siya ng masama sa'kin. Nag-sorry face ako. Matagal din kaming nakaganun.
After sometime,
nagcross arms siya at pumikit. Hindi na ulit siya gumalaw. Hala matutulog na ba
siya ulit. Hindi
pwede!Dapat akong makabawi. Hindi pwedeng makatulog siya na turn-off siya sa'kin.
Nilabas ko ang
baunan na dala ko. Tapos lumapit ako kay Jeff at nilapit ko sa ilong niya ang
pagkain.

"Yum. Ang sarap naman kumain. Yum."

Nilapit ko pa ng mas malapit ang pagkain. Gumalaw naman ng konti ang ilong niya.
Nangiti naman ako.
"Ito talaga mabango na 'to. Masarap din talaga, lalo na sa mga gutom dyan."

Minulat naman niya ang mata niya. Nang nakita niya ang pagkaing nilalapit ko sa
kanya, iniwas naman
niya bigla ang ulo niya. Ayaw niya ba?

"Jeff. Ito o, niluto ko. Sige na kumain ka na. Diba gutom ka?"

Di pa din siya tumitingin sa'kin. "LUMAYO KA NGA! DUN KA SA DATING PWESTO MO!"

"S-sige. Basta andito lang yung food ha."

Nilapag ko ang baunan sa floor sa may gitna namin. Tapos bumalik na ako ulit sa
kabilang dako kong
pwesto. Nagsorry na naman ako sa pag-utot ko diba?

"HINDI KO KAKAININ YAN!" Sigaw niya. Hala nagalit ba siya ng todo sa'kin?

Tinitingnan ko siya, pero di siya nakatingin sa'kin. Tapos hanggang sa titingnan ko


na lang ang baunan.
Pero kasi parang feeling ko tinitingnan niya ako kaya iaangat ko yung ulo ko. Pero
pag tumingin naman
ako sa kanya, hindi naman siya nakatingin sa akin. Sorry ang gulo lang ng iniisip
ko.

Bakit kasi ang tahimik ni Jeff? Bakit ayaw niyang kainin ang niluto ko. Go Tin,
basagin mo ang
katahimikan. Magsalita ka, go!

"Uh, Jeff. Kamusta nga pala yung ebidensya na binigay sa'yo ni Tom?" Napatingin
siya sa'kin. Ang galing
ko naman. "Pinipilit ko nga syang ipakita sa'kin yung laman nung envelope eh. Ayaw
naman nya.
Masyado bang confidential?"

Kumunot naman ang noo niya."Ah-h, ok lang naman kung bawal sabihin. He-he." Bawal
nga hatang
ikwento.
"Nagkita kayo ni Tom?" Seryoso niyang tanong.

Napatingin ako sa kanya. "Oo. Diba alam mo naman yun?"

Nakakunot pa rin ang noo niya. Baka galit pa rin siya sa pagbubulungan namin sa
harap ng bahay. "Uy
Jeff. Sorry nga pala dun. Papasukin ko naman talaga si Tom sa loob ng bahay eh.
Kaya lang paalis na
talaga ako. Kaya sa labas na lang tuloy kami nag-usap. Hindi ko naman alam na bawal
pala magbulungan
eh."

"Tsk. Ano?"

"Jeff promise talaga. Hindi ko talaga alam na may bawal-magbulungan-rule. Promise


kukuha na ako ng
listahan ng rules and regulations sa subdivision para alam ko na next time."

Forever na namang nakakunot ang noo niya. "Tsk. Ang gulo mo kausap." Sabi niya
then pumikit ulit.
Hala naman, maututulog na ulit siya?

Ano kayang gagawin ko? Kinuha ko na lang ulit ang bottled water. Kumuha ng tubig
tapos kinuskos ko
na lang ulit sa lips ko. Mamaya pagdating sa bahay, lalagyan ko 'to ng mainit na
tubig. Para madisinfect
na talaga ang labi ko.

"Ano kayang nangyari kay Eric? Bigla na lang sya nawala eh. Saan kaya sya pumunta?
Hmmm...Eric...
Eric..." Nasabi ko na pala ang nasa isip ko. Di ko sana mapapansin kung hindi
sumigaw si Jeff.

"WAG MO NGA SYANG BANGGITIN!"

"Ay Eric!" Ang sama na naman ng tingin niya sa'kin. "Ang ibig kong sabihin, 'ay
palaka!'. He-he?"

Sorry naman, nagulat lang. Siguro nga galit siya kay Eric nang dahil sa nakita niya
kanina. Ako rin naman
nung nakita kong may kahalikan siyang iba, nainis ako ng bongga. Magsosorry na ba
ako? Nakakatakot
naman kasi ang tingin ni Jeff.

"Uhm, Jeff. Yung nangyari nga pala kanina... sa bar? Yung sa amin ni Eric, ang
totoo nyan-"

"AYOKONG MARINIG."

"Pero kasi, hindi ko naman talaga-"

"Wag ka na nga magpaliwanag, dahil WALA NAMAN AKONG PAKIALAM KAHIT ANONG GAWIN MO!"

Pumikit na lang siya ulit. Gusto ko lang naman magsorry Jeff. Nagbuntung hininga
ako. Tapos kinuha ko
na lang ulit ang bottled water. Kasalanan 'to nung kiss. Kailangan kusutin ko
mabuti para maalis na
talaga. Kinuskos ko ng bongga ang lips ko.
"Tsk! Ano ba kasing ginagawa mo?!" Napatingin ako kay Jeff at nakanguso pa rin.
Akala ko matutulog
na siya. Nag-iwas naman siya ng tingin.

"Hindi ko tinatanong dahil sa gusto kong malaman. Wala talaga akong pakialam.
Wala." Tumingin siya ng
sandali sa'kin pero umiwas agad. "Haist! Wag mo na nga lang sabihin!"

"O-ok." Ang weird naman ni Jeff. Tinatanong kung anong ginagawa ko, tapos biglang
wag ko na lang
daw sabihin. Tinuloy ko na lang ulit ang ginagawa ko kanina. Dapat matanggal na
'to.

"Tsk. Ano ba talagang ginagawa mo?! Sabihin mo na nga lang!" Hala. Ngayon naman
gusto na niya ulit
malaman.

"Huh? Wala lang 'to Jeff. Para lang ma-disinfect."

Nilagyan ko pa ulit ng tubig ang lips ko. Kumunot naman ang noo niya. Napa-explain
tuloy ako. "Kasi
Jeff, hindi ko naman talaga ginusto yung nangyari kanina eh. Kaya kailangan i-
disinfect."

"Tsk. Kung makapagsalita ka, parang unang beses ka lang nahalikan." Napatingin
naman ako sa kanya.
Todo kunot na ang noo niya. Inaasar niya ba ako?

"Hindi 'no Jeff! More than once na kaya ako nahalikan!" Akala mo Jeff 2 times na
kaya ako nakahalik!
Akala mo wala akong experience? Hmph!

"TSK. TINATANONG KO BA?! HINDI NAMAN DIBA!! HAIST!" Hala bakit bigla na naman siya
sumigaw.
Akala niya ba nagsisinunggaling ako?

"Tama naman diba? More than one naman ang dalawang beses." Bulong ko. Narinig pala
nya.

"ANONG SABI MO?"

"M-More than once na naman talaga eh. Nung una, nung kasal natin. Diba nagkiss
tayo. Yung
pangalawa, yung kanina sa'min ni Eric."

Todo explain Tin? Eh kasi naman eh. Baka maturn-off na naman sa'kin si Jeff. Okay
na naman 'yung
dalawang beses diba? Sorry na ako na ang walang experience. Hindi kasi ako
nagboyfriend dati dahil
alam kong mappangasawa ko si Jeff. Kaya siya lang talaga.

Nakatingin pa rin siya sa'kin habang nakakunot ang noo. Naturn-off ba siya sa'kin?
"TSK! ANG GULO
MO TALAGA KAUSAP!"

"Huh? S-sorry?" Magulo ba talaga akong kausap? Parang di naman.

Nagulat naman ako nang bigla pa ulit siyang magsalita. "Kunin mo nga yung pagkain!"
"Huh?" Yung baon na hinanda ko?

"Bilis na!"

Kinuha ko naman ang food. Tapos? "Lumapit ka sa'kin." Pinapalapit niya talaga ako?!
For real?!

"Tsk! Dapat ba laging uulitin?!"

"Hindi 'no!" Lumapit ako agad at tumabi sa kanya. Mamaya bawiin pa niya yung sinabi
niya.

Kinuha naman niya bigla ang baunan at kinain. Kinakain niya yung niluto ko.
Napangiti naman ako. Subo
siya ng subo. Gutom na gutom nga siguro siya.

"Wow Jeff mauubos mo na?" Kumain lang siya ng todo. Sige kahit di na lang niya ako
pansinin. Kinuha
naman niya ang bottled water na hawak ko, at ininom ang natirang tubig na di ko
nagamit.

Ngumiti ako sa kanya. "Masarap ba Jeff?" Super saya ko naman na kinain niya. Nag-
iwas naman siya ng
tingin sa'kin.

"Pwede na pagtyagaan." Mas lumaki ang ngiti ko. Bati na siguro kami 'no? Kinain na
niya ang luto ko.
Mayamaya pa, kinulit ko lang siya ng kinulit. Nakikipag-usap na ulit siya sa'kin at
hindi na rin masyado
sumisigaw. Wow ang sarap naman ng feeling!! Namiss ko si Jeff. Bakit kaya biglang
bati na kami? Hindi
pa ako naglulupasay nyan, bati na agad. Sa bagay, ayos 'to!

Mayamaya pa, napagdesisyunan namin na matulog muna. Pagod na rin kasi si Jeff.
Tapos may pasok pa
siya mayamaya. Pumikit na kami.

30 minutes na hata ang nakalipas. Hindi pa rin ako makatulog kasi naman. Alam mo
'yung feeling na
katabi mo yung taong mahal mo? Yung feeling na hindi ka makahinga? So paano naman
ako
makakatulog diba? Binuksan ko ang kaliwang mata ko. Tulog na hata talaga si Jeff.
Binuksan ko na ang
dalawa kong mata. Tulog na nga siya!

Tumitig lang ako sa kanya. Ipipinta ko 'to mamaya. Buti hindi ako nakatulog.
Tinitingnan ko lang ang
mukha ni Jeff. Namiss ko siya. I'm sure after this, mamememorize ko na lagi ang
mukha nya. I gently
poked his cheek.

"Jeff." Bulong ko. Hindi siya gumalaw. Tulog na nga hata siya. Ayos 'to. Lumapit pa
ako sa kanya. Gamit
ang daliri ko, hinaplos ko ang cheek niya. Then pati ang mata niya. Wow grabe, ang
haba ng pilikmata
niya. Then pati ang eyebrows. Pati yung noo niya na laging nakakunot. Sana hindi na
siya lagi
nakakunot. Ang tangos ng ilong niya. Wow grabe, stalker mode talaga Tin?!
Hahaplusin ko na sana ang lips nyia pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
Nanlaki yung mata ko.
Gising siya. Oh no kailangan ko magsorry, kailangan ko- Bumukas ang mga mata niya.
Nagkatinginan
kami. Akala ko ba magsosorry ako. Bakit hindi ako makagalaw. Bakit nakatingin lang
ako sa mga mata
niya. Para akong nalulunod na ewan.

T-teka. Imagination ko lang ba 'to o nilalapit talaga ni Jeff ang mukha niya
sa'kin? Ito na ba yun?
Hahalikan na ba niya ako?! Ayan na ang lapit na niya. Pinikit ko na ang mga mata
ko. Ang perfect naman
ng moment na 'to.

Ting!

Bigla kaming napatayo ni Jeff at napunta sa magkabilang dulo ng elevator. Dalawang


babae at dalawang
lalake ang nagkukwentuhan nang bumukas ang elevator. Mga ka-opisina hata sila ni
Jeff dahil nag-
good morning sila dito. Anong oras na ba? Umaga na siguro. Sumakay sila. Ibig
sabihin ang sira lang pala
talaga nung elevator ay hindi mabuksan mula sa loob? Siguro nasira lang namin ni
Jeff kanina dahil
pindot kami ng pindot ng buttons.

Well anyway. Hindi ko na masyado naintindihan kung anong pinagkukwentuhan nila,


nandun lang ako
sa isang sulok ng elevator, nababaliw. Hahalikan ba talaga ako ni Jeff kanina? Or
baka imagination ko
lang talaga yun. Hindi ako makatingin sa may direksyon niya. Parang nahihiya ako na
hindi makahinga
na kinikilig na ewan. Nababaliw na ata ako!

Ting!

6th floor. Lumabas na sila. Di pala sila kapareho ng floor ni Jeff.

"Oh no. Nakalimutan ko yung briefcase ko sa car." Sabi nung girl.

"Sige samahan na kita. Kunin natin." Sabi naman nung Boy

Sasakay na ulit sana ang dalawa sa elevator pero bigla namang humarang si Jeff.
Pinindot niya ang close
button kaya hindi sila nakasakay. "Hala Jeff. Bakit mo sinara? Sasakay sana sila
eh. May nakalimutan
kasi yung babae sa car kaya-"

Jeff is kissing me. JEFF IS KISSING ME. Oh gosh. Napasandal naman ako dito sa may
wall ng elevator.
Hala hindi ako marunong. Napahawak ako sa may shirt niya.

Nanlalaki pa rin ang mata ko. Hala 7th floor na.

Ganito ba talaga? Ang sarap sa pakiramdam. Para akong lumulutang. He's kissing me
softly. Parang
alam niya talagang wala akong idea kung paano humalik. Unti-unting pumipikit yung
mga mata ko.
Bahala na. Gagayahin ko na lang kung anong ginagawa niya.

Narinig ko na lang tumunog ang elevator. 8th floor na siguro.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ganito pala ang isang tunay na halik. Parang ayaw ko
nang matapos.
Pinulupot niya yung arms niya sa bewang ko, at nilapit niya ako sa kanya.
Unconsciously, pinulupot ko
naman ang akin sa leeg niya.

Tumunog ulit ang elevator 9th floor na.

Hindi na gumagana ang utak ko puro firewokrs na lang ang nakikita ko kahit
nakapikit ako.

Ting! 10th floor

Tumigil na sa paghalik sa'kin si Jeff. Pero magkadikit pa rin ang ilong namin.
Hindi pa rin niya ako
pinapakawalan. Nagkatinginan kami habang pareho kaming hinihingal. Sa mata niya,
parang ang dami
niyang gustong iparating sa'kin, pero hindi niya lang masabi. Naks, ang deep nun
Tin.

Ting!

Bumukas na ang elevator.

"Disinfected na ngayon ang lips mo." Yan na lang huli niyang sinabi bago lumabas ng
elevator at
pumunta sa opisina niya. Ako naman nakatayo lang dun habang sumasara ang pinto ng
elevator. At
parang baliw lang, napahawak ako sa lips ko habang ngumingiti.

Dapat pala 2nd floor pa lang bumaba na sila ng elevator. Sayang!

*******************************************
[22] CONFESSION
*******************************************
CHAPTER 21

CONFESSION

Ang sakit na ng mukha ko kakangiti anong magagawa ko, di ko mapigilan.

Kahit nga may scary note na naman sa table pagdating ko dito sa shop, hindi pa rin
natatanggal ang ngiti
ko. Akala ko nga tumigil na silang magpadala sa'kin ng notes. Bakit kaya ngayon
biglang meron na
naman ulit? PERO WALA NA AKONG PAKIALAM. Ang ganda ganda kaya ng araw, ng mga
halaman, ng
pader, ng mga langgam, ng mga-
"Naks. Ang laki ng ngiti natin ngayon ah."

"KEV!" Napahawak ako sa chest ko. "Grabe, nagulat naman ako sa'yo." Naka-upo na
kasi siya dun sa
sofa. Hindi ko naman siya narinig pumasok.

"Kumatok ako kanina pero nakatulala ka lang at nakangiti." Hinagisan niya ako ng
apple. Kinagat naman
niya ang isa pa niyang dala. "Ano bang nangyari? Bakit nakangiti ang isang dyosa?"
Kumindat pa siya.

"Hay nako Kev." Hinaplos-haplos ko ang apple na binigay niya. "Wala naman masyadong
nangyari."

Natawa naman siya. "Alam mo Tin ang weird mo ngayong araw."

Bigla namang dumating si Anj. Tapos na hata niya asikasuhin 'yung isang customer.
"Ngayong araw
lang? Hay nako babe. Araw-araw nababaliw yan si Tin."

May nilagay na stuff si Anj sa table niya. Tapos umupo siya sa sofa katabi ni Kev.
Inakbayan naman siya
ni Kev tapos mabilis na hinalikan sa buhok.

Hindi ko naman mapigilan na mas lalong ngumiti. Magiging ganyan na rin kami ni
Jeff. Tumatawa na ako
sa naiisip ko.

"Alam mo babe sa tingin ko tama ka. Nababaliw na nga sya." Bulong naman ni Kev kay
Anj.

"Hoy grabe narinig ko yun ah! Hindi kaya ako nababaliw." Sabi ko habang nakangiti
pa rin. Ang saya
talaga!

"Nagkakaganyan yan kasi napanaginipan nyang hinalikan sya ni Jeff. Alam mo naman
yan si Tin, may
pagka-imaginative." Bulong naman ni Anj. Aba, hindi ba nila ako napapansin? Sila
lang ang nag-uusap?
At saka anong sabi ni Anj?!

"Ui Anj ah! Hindi ko kaya yun napanaginipan! Hindi ko din yun inimagine! Nangyari
talaga!!"

"Mukhang napanaginipan nya nga lang." Bulong naman nito ulit ni Kev.

"Pati ba naman ikaw Kev?! Hindi ka naniniwala? Ikaw na super gwapo, macho at hot
kong kaibigan na si
Kevin, hindi ako papaniwalaan?" Nagpacute eyes pa ako.

Ngumiti naman siya ng malaki sa'kin. Bingo. "Ikaw pa Tin! Hindi ko papaniwalaan?
Kapag mga mukhang
dyosa na kagaya mo ang nagsasabi, papaniwalaan ko talaga agad. Kaya pala napansin
ko na medyo
blooming ka today at parang-Aray babe. Nambabatok ka na naman?" sabi ni Kevin.

"Sige lang. Pagkaisahan nyo na naman ako. Batukan ko kayong dalawa dyan eh."Si Anj
naman.
Kiniliti naman siya ni Kev sa tagiliran.

"Wag mo nga akong hawakan!" Umiwas pa tong si Anj. Minsan naiisip ko pakipot din
tong si Anj.

Kiniliti pa rin siya. "Ano ba! Sinabing ng wag-"Napatawa na si Anj sa kiliti ni


Kev. Natawa rin ako nung
tumawa si Anj. Pakipot pa kasi. Natawa rin si Kev hanggang lahat kami tumatawa na
parang baliw. Ang
cute talaga nilang dalawa.

"So Tin. Kung totoo ngang hinalikan ka ni Jeff-" Hindi pa rin makapaniwala si Anj
na hinalikan ako ni Jeff.

"Totoo nga!" depensa ko.

"At kung hindi mo lang talaga yun napanaginipan-" Bakit ba ayaw niyang maniwala?
Kiniss naman talaga
ako ni Jeff. Si Anj naman.

"Nangyari talaga!" Naks tin. Todo explain? Nangyari naman kasi talaga.

"Kung ganun, ano nang status niyong dalawa?" sabi ni Anj.

"S-Status?" Anong status?

Kinuha ni Anj ang apple ni Kev at kinagatan rin ito. "Oo Tin! Status! Yung for
example, kapag ininvite mo
si Jeff na facebook friend, anong ilalagay mo sa relationship status nyo?"
Napahawak ako sa baba ko.
Napapaisip ako dito sa sinabi ni Anj.

"Uhm, ano kasi Anj eh, wala namang facebook si Jeff. Kaya hindi ko sya ma-aadd as
friend." Kaya nga
hindi ko ma-add wala naman hata. Sayang!

Nagkatinginan naman sila ni Kev. Ngumiti si Kev pero nagbuntung-hininga si Anj.

"Ikaw na nga lang babe kumausap dito. Mababatukan ko 'to eh." Hinampas naman ni Anj
si Kev.

Hala naman. Wala naman kasi talagang facebook account si Jeff. Nginitian naman ako
ni Kev."Well Tin.
Alam naman nating mag-asawa na kayo ni Jeff. Pero iba na ang pakikitungo nyo sa
isa't-isa ngayon,
tama ba?" sabi ni Kev.

Tumango naman ako. Si Kev nagsasalita ng mabagal na parang nakikipag-usap sa


kinder. "Nung
sinasabi mong hinalikan ka niya-" bakit baa yaw niyong maniwala ni Anj? Pati ba
naman si Kev?

"Hinalikan nya talaga ako." Lagi na lang ba ako magdedepensa?

"Right. Bago mangyari yun, sinabi mo ba sa kanya yung nararamadaman mo? Sinabi mo
ba na... gusto
mo sya?" Nagsalita ulit si Kev/

Napahawak naman ako ulit sa baba ko. "Uhm, wala naman hata akong sinabing ganun."
Pero may
naramdaman kami este naamoy. Alam mo na.

"Pero siya. Pagkatapos ka niya halikan, may sinabi ba siya na gusto ka nya?"
pagpapatuloy ni Kev

"Huh? Wala naman. Sabi lang nya pang-disinfect ganun."

"What? Hay ang gulo. So ano nga Teeny Weeny, kayo na ba ni Jeff?" Singit naman ni
Anj.

Kami na nga ba? Well nagkiss naman kami diba? Kami na nga hata siguro?

"Kung hindi kayo kinasal, sigurado wala pa kayong relasyon ngayon. Napakabagal
naman kasi ng
lalakeng yun. Manghahalik tapos wala namang sasabihin." Sabi ni Kev

"Tama ka dyan babe. At alam mo Tin, dapat nung hinalikan ka ni Jeff, tinanong mo na
agad kung kayo
na. Kung pwede mo na ba syang ituring na boyfriend mo or what." Sumang-ayon naman
tong si Anj.
Eh?

Wow. Magiging boyfriend ko si Jeff? wala naman kasi akong idea sa ganito. "G-ganun
ba yun?"

"Naman! Ganyan ginawa ko kay Kev 'no. Bigla naman kasi akong hinalikan, kaya
tinanong ko kung bakit
nya ginawa yun. At ayun, tinanong na nya agad kung pwede nya akong maging
girlfriend." Todo explain
Anj?

Naghair flip naman ito si Anj. Aba ang haba ng hair.

"Diba babe ikaw ang unang humalik sa'kin? Tapos ikaw din ang nagtanong kung pwedeng
tayo na-
Aray! Babe naman! Joke lang!" nakangisi si Kev

"Kapal mo talaga forever!!" Ito na naman si Anj, nagiging brutal. Nambabatok na


naman.

"Hmm. Sa tingin ko Tin alam ko na kung anong status nyo ngayon ng Jeff na yan eh."
Anj said and
tucked her forefinger on her chin.

"Talaga? Anong status namin?" Nacucurious naman ako sa status naming ni Jeff.

"M.U." sabi ni Anj

"Huh?"

"Oh my goodness Tin. Don't tell me pati yan hindi mo alam? M.U. as in Mutual
Understanding-"
Napahino si Anj dahil nagsalita si Kev.

"Malanding Ugnayan-" sabi ni Kev

"Malabong Usapan-" suggestion pa ni Anj


"Medyo Umiibig-" may naisip pa si Kev.

"Magulong Unawaan-" suggest ulit ni Anj

At may naisip na naman si Kev. "Matandang Ukluban-"

"What babe?! Ang weird naman nung naisip mo." Napaharap naman tong si Anj.

Nagshrug lang si Kev. "Wala na akong maisip." Tapos kumagat ulit nung apple niya.

"Basta Tin! Kailangan mo gumawa ng paraan para maging boyfriend-girlfriend na kayo!


Hindi pwedeng
M.U. lang kayo forever 'no." Paanong MU kaya yung sinasabi n Anj.

"P-Pero pano ko naman gagawin yun?"

"Edi magconfess ka!" nagcross arm pa si Anj.

"Magtapat ka." Singit naman ni Kev.

Ang cute naman nila. Sabay pa talaga sila nagsalita tapos pareho pa halos ng
sasabihin. Tumawa naman
kaming tatlo. Pero sa loob-loob ko, nag-iisip na ako ng plano kung pano magconfess!

Lagot ka sa'kin Jeff! Magiging boyfriend kita!

Maaga akong umuwi ng bahay. Nakapagluto na ako and nakaharap na ako sa laptop
ngayon. Nagsearch
ako sa google tapos click kapag may nakita. Binabasa kong maigi tapos sinusulat
yung importanteng
bagay.

Okay na siguro 'to. Kanina pa ako naghahanap ng ideas kung pano magconfess. Ito daw
ang ginagawa
para mapasagot mo ang taong gusto mo. So far, nakapaglista na ako ng 5 steps para
sure success ang
confession ko.

Step 1. Watch a movie.

Step 2. Eat in a restaurant.

Step 3. Give flowers.

Step 4. Watch the sunset together.

Step 5. Confess!

Okay na to. Yes!

"Anong ginagawa mo?"

"AY PALAKA!" Napatayo ako agad. Sinara ko ang laptop tapos tinago ko sa likod ko
ang listahan ko.
"Ikaw pala Jeff! Nagulat naman ako sa'yo!"
Nakakunot ang noo niya at parang tinitingnan kung anong tinatago ko."Ano yan?"

"W-Wala 'to Jeff! Wala talaga. Tara na kumakain na tayo. Gutom na ako eh." Naglakad
na ako ng mabilis
papuntang dining room. Hindi niya pwedeng malaman ang plano ko!

Narinig ko namang sumunod siya. Kumain na kami habang kinukulit at kinakamusta ko


siya. Ang saya
naman, kasabay ko na ulit kumain si Jeff at syempre bumubwelo na ako.

"Uhm, Jeff. Diba Sunday naman bukas? Wala ka namang trabaho diba?"

"Mmm." Kumakain pa rin siya.

"Kung ganun, hindi ka busy?"

"Mmm." Sumusubo pa rin siya.

"Uh, pwede ka kaya lumabas bukas?"

Napatigil naman siya sa pagkain. Tapos tumingin sa'kin habang ngumunuguya. Teka,
ayaw ba niya?
Hindi siya pwede tumanggi!

Kinuha niya ang tubig at uminom.

"Sige na Jeff date tayo! Hinalikan mo naman ako eh-"

Nabuga ni Jeff ang iniinom niyang tubig. Tapos umubo-ubo. Hala hala.

"O-Ok ka lang? Hala, ito tissue o." Lumapit ako sa kanya at hinimas-himas ang likod
niya. "Wag ka kasing
magmadaling kumain Jeff. Mabubulunan ka nyan eh."

Umubo-ubo pa sya ng konti. Nung medyo kumalma na sya, pinainom ko ulit sya ng
tubig.

"Okay ka na ba Jeff?"

"Hmm." 'Yan lang sabi niya. Teka, namumula ba ang tenga niya?

Tumayo na siya at nagsimulang maglakad. "Uy wait lang! Ano pwede ka ba bukas?"
Napatigil siya sa
paglalakad. "Please please please please please? Bubu please?" Pinagdaop ko pa nag
palad ko tapos
beautiful eyes.

Pumayag ka. Pumayag ka. Pumayag ka. "Fine." Bulong niya tapos umakyat na sa kwarto.

Yung totoo, hinalikan niya ba talaga ako o napaniginipan ko nga lang talaga? Para
kasing wala namang
nagbago. Pero at least pumayag siya makipagdate sa'kin bukas! Go Tin! Dapat maging
successful 'to!

Kinabukasan, maaga ako umalis ng bahay. Pero 1pm pa kami magkikita . Sabi ko kay
Jeff sa may
sinehan na kami magmeet. Ganun kasi ang nabasa ko sa google. Ang corny din kasi
kung sabay kami
aalis ng bahay diba. Mas okay kung may hanapan factor muna kami.

Suot ko ang favorite casual dress ko, naka-flats, then ginawa kong medyo wavy ang
buhok ko. Bago
matapos ang araw na 'to, dapat may boyfriend na ako.

"Jeff! Dito!" Kumaway-kaway ako hanggang nakita na niya ako. Grabe ang gwapo talaga
niya. Kahit
naka-jeans and shirt lang siya, mukha pa rin siyang model. Nakashades pa talaga.

"Anong nangyari sa buhok mo?" Unang sinabi niya nung magkalapit na kami.

"Huh?" Napahawak tuloy ako sa buhok ko. "Wala lang. Kinulot-kulot ko lang. Okay
ba?"

Nag-iwas naman siya ng tingin. Uy, ang ganda ko Jeff 'no?

"Tsk. Tara na nga."

Pumunta na kami sa bilihan ng tickets. Hala ano naman kayang papanoorin namin?
Nakalimutan ko i-
search 'to sa google. Merong horror, romance, comedy. Tinanong ko si Jeff kung
anong gusto niya.
Kahit ano daw. Ano nga kayang maganda?

Bahala na. Pinili ko na lang yung may picture ng aso. Ang cute kasi. Binayaran ni
Jeff ang lahat. Pati na
rin ang popcorn. Ano ba yan, sabi sa google dapat ako magbabayad. Oh well, sino
bang hindi
tumatanggi sa libre?

Pumasok at umupo na kami. Sa loob ng sinehan madilim, malamig, at pwedeng-pwede ang


mga plano
ko. Lagot ka sa'kin Jeff. Hindi ka makakaligtas sa'kin! Mga 30 minutes muna ang
pinalipas ko bago ko
sinagawa ang plano ko. Okay game Tin!

Inakbayan ko si Jeff. Ito ang nakita ko na ginawa ni Kevin kay Anj. Nagulat hata
siya sa ginawa ko.

"Anong ginagawa mo?" Bulong sa'kin ni Jeff.

"Uhmm. Wala lang Jeff. Nangalay lang yung arm ko. Kailangan ng patungan." Palusot
mo Tin.

"Tsk. Bakit mo ba ako inaakbayan?" Take note, nagbubulungan lang kami niyan.

"Hindi kita inaakbayan ah." Ito namang si Jeff.

"Tanggalin mo nga yung kamay mo."

"Hindi pwede Jeff. Hindi ko pwede tanggalin."

"Tsk. Tanggalin mo. Hahalikan kita dyan."

"Edi halikan mo." Sus naman. Mga panakot ni Jeff, hindi nakakatakot eh. Nakakakilig
lang.

"Haist!" Sabi niya tapos nanood na lang siya ulit. Hooray to my arm! I won!
Nanood na lang din ako.

Tinanggal ko na ang akbay ko sa kanya. Kasi naman eh. Bakit nakakaiyak yung movie?
Nagpunas ako ng
luha. Bakit namatay yung bidang aso? Bakit? Ang cute cute pa naman niya. Akala ko
pa naman happy
movie 'to. Tapos bakit biglang masasagasaan ng kotse ang aso tapos-

"Tsk. Umiiyak ka ba?"

"Huh?" Nagpunas agad ako ng luha. "H-Hindi ah."

"Bakit ka ba umiiyak? Dahil sa aso?!"

Hala naiinis ba siya dahil umiiyak ako? "S-Sorry. Hindi naman talaga ako umiiyak
eh. Napuwing lang
ako." Nagpunas ulit ako ng luha.

"Tsk. Halika na nga." Kinuha niya ang kamay ko at hinila palabas.

"T-Teka Jeff hindi pa tapos yung movie eh. Hindi na ba natin papanoorin yung
susunod na-"

"WAG KA NA NGA UMIYAK!" Bigla naman siyang sumigaw nang nakalabas na kami ng
sinehan. Hala
galit ba siya?

"H-Hindi naman ako umiiyak Jeff-"

"ANG PULA NG MATA MO TAPOS SASABIHIN MO HINDI KA UMIIYAK?!"

"S-Sorry kasi-"

"TSK! Hindi maganda ang palabas na yan! Bakit ba sila nagpapalabas ng mga ganyan!"

Hindi niya ba nagustuhan yung napili ko? Sorry Jeff. Hinigit na naman niya ulit ang
kamay ko, pero hindi
naman kami lumayo. Bumalik lang kami dun sa may bilihan ng ticket.

"Yes Sir, Ma'am, ano pong palabas ang papanoorin nyo?" Sabi nung girl sa ticket
outlet.

"TSK! TANGGALIN NYO NGA YUNG MOVIE TUNGKOL DUN SA ASO! HINDI YAN DAPAT PINAPALABAS
EH!"

Napatayo naman ang babae. Naguguluhan. "Bakit sir? Ano po bang problema?"

"MASYADO YANG NAGPAPAIYAK! BASTA TANGGALIN NYO NA YAN! HINDI YAN DAPAT
PINAPALABAS!" Hala naman si Jeff. Nang dahil ba naiyak ako sa movie na 'to kaya
pinapatanggal na nya
ngayon?

"Sir pasensya na po. Hindi po kami pwedeng basta-basta na lang magtanggal ng movie
without any
order from the management. Kailangan pa po-" Parang natatakot na yung girl sa
ticket outlet.

"PWES KAKAUSAPIN KO ANG MANAGER NYO! ASAN BA SYA?! PAPUNTAHIN MO NGA DITO PARA
MAKAUSAP KO-"

"Jeff." Pinisil ko ang kamay niya. Napatingin naman siya sa'kin. "Tama na yan. Ok
lang naman ako eh."

Tiningnan niya ako ng maigi na parang sinisigurado kung okay lang ba ako. Tapos
nag-iwas siya ng tingin.
"Tsk. Nang dahil lang sa aso umiyak ka na? Napaka-iyakin." Tapos bumulong siya pero
narinig ko
naman. "Dapat hindi na talaga pinapalabas yang pelikulang yan. Pinapaiyak ka lang
eh."

Nangiti naman ako dun. "Tara na Jeff. Madami pa tayong pupuntahan eh. Wag mo na
kausapin yung
manager."

"Tsk. Fine."

Buti na lang pumayag siya at nagsimula na kami maglakad. Naiwan naman ang miss dun
sa ticket outlet
na naguguluhan.

Basta ako, masaya. Mukhang magiging successful ang date na 'to.

Syempre joke lang 'yun.

"Ano pong ibig nyong sabihin na wala akong reservation?" Hala anong nangyari.

"Wala po talaga Ma'am. Wala po ang pangalan nyo dito." Sabi nung Lady sa
reservation area.

"Pwede po bang paki-check ulit? Nagpareserve po talaga ako eh." Tiningnan naman
ulit nung babae
yung listahan niya. Ano ba yan, nagpareserve naman talaga ako 'no. Sabi kasi sa
google romantic
restaurant daw 'to. May manghaharana sa inyo habang kumakain, then romantic ang
ambiance, kaya
nga madaming pumupunta. Kaya kagabi pa lang, nagpareserve na ako.

"Ma'am pasensya na po, wala po talaga. Kung gusto nyo po irereserve ko na lang kayo
para bukas."

"Huh? Bukas pa? Naku hindi pwede. Hindi ba pwedeng ngayon na lang? Kailangan kasi
ngayon eh.
Ngayon talaga miss."

Hindi talaga pwede bukas. Ngayon ako magcoconfess.

"Naku pasensya na po kayo. Hindi po talaga pwede."

"Pero kasi miss-"

"Tsk. Umalis na nga tayo." Hinila na naman ako ni Jeff palabas ng restaurant.

"Teka lang Jeff. Dapat dyan tayo kakain eh. Nagpareserve naman talaga ako 'no."

"Sa iba na lang. Wag na dyan."

"Hindi pwede Jeff. Dyan dapat talaga."


"Tsk. Umuwi na lang tayo. Magluto ka na lang." Sabi niya tapos nagsimula nang
maglakad.

Hala hindi kami pwede umuwi! Magcoconfess pa ako 'no!

Hinabol ko sya. "Teka lang Jeff! Wag na tayo umuwi. Uhm, sige dun na lang tayo
kumain." Nagturo ako
ng isang random na kainan. "Basta hindi pa tayo pwede umuwi ha."

Buti pumayag siya at naglakad na kami papunta dun sa kainan na tinuro ko. Wow
grabe, puro
hamburgers naman pala ang kinakain dit. Umorder na lang ako ng kahit ano sa menu.
Naman eh, bakit
parang ang palpak ng inorganize ko na date.

"Hindi ba masarap?" sabi ni Jeff.

"Huh?"

"Bakit hindi mo kinakain? Tsk." Tinawag niya ang waitress.

"Yes sir? May additional order po ba kayo-" sabi ng Waitress pero napatigil siya.

"ASAN ANG MANAGER NYO? PAPUNTAHIN MO NGA DITO KAKAUSAPIN KO!" Hala naman si Jeff
bakit
nagtatawag na naman ng manager.

"S-Sir bakit po, ano po bang problema? Baka naman po pwedeng ako na lang po yung
kausapin nyo-"

"HINDI MASARAP YUNG PAGKAIN NYO! HINDI NYA KINAKAIN!" Tinuro naman ako ni Jeff.
"PAPUNTAHIN NYO ANG MANAGER NYO DITO KUNG AYAW NYONG IDEMANDA KO KAYO AT-"
Napatigil si Jeff. Pa'no ba naman, kinagat ko ng malaki ang hamburger ko. Kasi
naman, bakit may
naririnig pa akong idedemanda or something. Ito talagang si Jeff.

"Sir parang-awa nyo na, matatanggal ako sa trabaho pag nagkataon. Wag nyo na pong
kausapin yung
manager-" nagmamakaawa na 'yung waitress.

"Ok na. Pwede ka na umalis." Bakit ganito si Jeff paiba-iba?

"Po?" Naguluhan naman ang Waitress.

"Kinakain na nya. Pwede mo na kami iwan." Nakaiwas ng tingin si Jeff.

"O-Ok sir. S-sige po." Umalis na ang waitress na naguguluhan. Kumain naman kaming
dalawa.

Hay grabe. Bakit ngayon ko lang napansin. Napakasweet naman ni Jeff.

Tiningnan ko ang relo ko. Hala malapit na magsunset! Kailangan ko na gawin ang step
3 and step 4.

Tumayo ako. "Jeff wait lang ha. Hintayin mo lang ako dito."

"Tsk. Sa'n ka ba pupunta?"


"Basta. Kain ka lang dito ha. Hintayin mo 'ko."

At lumabas na nga ako. Tumakbo ako papunta dun sa bilihan ng mga bulaklak.
Nagpagawa na ako ng
bouquet of roses dito kaninang umaga. Kaya ngayon ipipick-up ko na lang. Kaya lang
syempre ang dami
pa ring tao. Puro lalake nga ang customers dito. Hay bahala na, okay lang naman
kahit ako ang
magbigay ng flowers. Sana magustuhan 'to ni Jeff!

Naku naman malapit na magsunset. Tumakbo na ako pabalik dun sa kainan. Nakita ko si
Jeff nasa labas
na. Hinihintay ako. Tinago ko muna sa likod ko ang roses bago lumapit.

"Jeff."

"TSK! SA'N KA BA GALING?! BAKIT KA BA UMALIS?"

Hala naman. Hindi siya pwede magalit. Ngumiti ako. "Sorry. May kinuha lang kasi
ako."

"AT ANO NAMAN YANG KINUHA MO? BAKIT ANG TAGAL-TAGAL MO-"

Nilabas ko ang bouquet na hawak ko sa likod. Napatigil naman siya sa pagsasalita at


napatingin dun sa
hawak ko. Tapos tumingin sa'kin. Ngumiti naman ako.

"Para sa'yo 'to Jeff! Bouquet of roses! Nagustuhan mo ba?"

Nakatingin pa rin siya sa'kin. Ayaw ba niya? Di niya kasi kinukuha. Kaya ayun,
nilagay ko na lang ng
sapilitan ang dala kong bouquet sa kamay niya.

"Tanggapin mo na. Para sa'yo naman talaga yan eh." Napatingin ako sa relo ko. Oh
no, kailangan na
namin magmadali. "Jeff halika. May puputahan pa tayo." Nakatitig pa rin siya sa
bouquet sa kamay
niya. Hindi gumagalaw. Hala naman.

"Let's go na Jeff. Kailangan na natin tumakbo." Hinawakan ko na lang siya sa arm


niya at hinila. Nagulat
hata siya pero nakitakbo naman siya sa'kin. Hanggang sa narating na namin ang
mataas na lugar na
nasearch ko sa google.

"Bakit ba tayo nandito?" Tanong ni Jeff habang tumitingin-tingin sa paligid.

"Jeff tingnan mo yun o!" Tinuro ko yung orange na araw. Sakto! Palubog pa lang
talaga! Okay na okay
ang view dito! "Jeff ang ganda diba! Ang ganda talaga!!" Super ganda talaga ng
sunset! Super romantic
pa.

"Yeah. It's really beautiful." Sabi ni Jeff sa mahinang boses.

Napatingin tuloy ako sa kanya. Nakatingin siya sa'kin? Ngumiti naman ako. "Uy. Ako
ba yung maganda
Jeff?" Nag-iwas naman siya bigla ng mata. Tumingin na lang dun sa araw.
"The sunset... It's really beautiful." Palusot ka Jeff! Aminin mo na kasi na
maganda ako.

Tiningnan pa ulit namin ang sunset. After some time, huminga na ako ng malalim. Go
Tin! Ito na yung
chance mo! Magconfess ka na!

"Uhm Jeff.... ang totoo nyan... may gusto sana akong sabihin sa'yo eh...." Inhale,
exhale Tin. Kaya mo
yan! Hindi kumikibo si Jeff, ibig sabihin hinihintay niya kung ano ang sasabihin
ko. Go Tin!

"N-Naaalala mo ba Jeff? Yung una tayong nagkita? Bata pa tayo nun diba.... Alam mo
ba, simula
nun....hanggang sa umalis kami ng Pilipinas... tapos nung kinasal tayo.... hanggang
sa ngayon.... ang
totoo kasi nyan..."

"Tsk. Ano ba kasing gusto mong sabihin?" Nakatingin na sa'kin si Jeff. Naman kasi
Tin! Galingan mo
naman magconfess!! Nagstraight body ako.

Tiningnan ko siya ng diretso. "Jeff, dati ko pa talaga 'to gustong sabihin... wala
lang akong lakas ng loob
dati eh... pero ngayon sasabihin ko na... Jeff alam mo, mula noon hanggang
ngayon... I... I really-"

"Tsk. Ano ba kasi?"

"I really-"

"Ano nga?!"

"I really really-"

"ANO?!

"I really need to pee."

"HUH?!"

"Sorry ihing-ihi na ako. Wait lang ha. Dito ka lang. Babalik din ako agad."

Tumakbo muna ako palayo. Naman Tin! Ang palpak mo talaga! Bakit ba hindi mo masabi
ang mga
salitang "I really love you"?! Ang dali lang naman diba! Nagpractice ka naman diba!
Naman!

Naghanap na lang din muna ako ng cr. Ang totoo niyan naiihi naman kasi talaga ako.
Nakakakaba
naman kasi. Hindi ko pa naman 'to nagagawa ever. Pagkatapos ko magcr at pagkatapos
ko rin iuntog-
untog ang ulo ko sa pader, lumabas na ako.

Game na talaga! Humanda ka Jeff! Magiging boyfriend na kita!

"Tin." Napatigil ako. Tapos humarap sa likod ko.

"E-Eric? Anong ginagawa mo dito?"


Hala bakit nandito si Eric? What a coincidence! Medyo namayat hata siya then hindi
nakangiti. Lumapit
siya sa'kin.

"Tin. Kailangan mo sumama sa'kin." iHala naman, bakit ang seryoso ng boses nya.

"H-Hindi pwede Eric eh. Kasama ko kasi si Jeff." Nakatingin lang siya sa'kin. Hindi
man lang ngumingiti,
medyo nakakatakot. Ibang-iba dun sa nakilala kong Eric. "S-Sige una na ako ha.
Hinihintay kasi ako ni
Jeff."

Tumalikod na ako. Bakit ganito, ang creepy naman sa pakiramdam. Naglakad na ako
palayo pero
nagsalita ulit siya kaya napatigil ako.

"I'm sorry."

"Huh?" Teka, bakit sya nagsosorry? Ahh! Oo nga! Hinalikan nya nga pala ako sa bar!
Kaya siguro medyo
naiilang ako sa kanya. Siguro akala nya galit ako. "Ok lang naman yun Eric eh.
Kalimutan na lang natin
yun. Alam ko namang hindi mo sinasadya kung anong nangyari-"

Bigla namang may nagtakip ng panyo sa ilong at bibig ko. T-Teka anong nangyayari?!

Eric?! Bakit ginagawa 'to ni Eric? Sinubukan kong magpumiglas. Pero malakas ang
hawak niya sa'kin.
Tapos parang nanghihina at nahihilo na ako.

"I'm sorry Tin." Yan ang huling salitang na narinig ko.

And then there's darkness.

*******************************************
[23] HOSTAGE
*******************************************
CHAPTER 22

HOSTAGE

Alam mo 'yung feeling na inaantok ka pa? Nakapikit ka pa nga. Pero parang hindi mo
mapigilan na
magising kasi ang ingay ng mga nasa paligid mo. Sssh quiet please!

"Ayos 'to pare! Chiks na chiks!" Boses ng isang lalake.

"Ang puti o! Takte parang labanos!" boses naman nung isa pang lalaki siguro.

Nagtawanan sila. Bakit ba ang ingay nila?! Matutulog pa ako.

"Ang ganda nito tsong! Habang wala pa si Pinuno, ako muna ang magpapaligaya sa
kanya." Ano ba 'yan
bakit ba ang daldal nila tapos ang dami nilang nagsasalita.
"Ulol! Walang agawan! Ako mauuna dyan."

"Chill lang kayo mga tsong. Kapag ganito kakinis, pwede namang hati-hati eh."
Nagtawanan ulit sila.
Pero this time, minulat ko na ang mga mata ko. Pa'no ba naman, biglang may humaplos
sa arm ko.

"Whoaaaa! Gising na sya tsong!"

"Ayos 'to! Pwedeng-pwede na simulan ang PARTY!"

"PARTEY!" Sigaw naman nila.

Oh my gosh oh my gosh oh my gosh. Nilibot ko Ang mga mata ko. Bakit pinapalibutan
ako ng mga
lalakeng nakakatakot?! Nasaan ba ako? Bodega ba 'to? Warehouse? Abandoned building?
Napansin
ko rin na nakasandal ako sa isang poste, pero nakatali ang kamay at paa ko, so
hindi ako makagalaw.
Waaa.

Teka sino ba sila? Bakit ako nandito? Ang huling natatandaan ko lang si Eric. Oo
tama, kinidnap ako ni
Eric. Sinaktan din ba niya si Jeff? Tumingin ako sa paligid, wala naman si Jeff.

Hala! Baka hinihintay niya pa rin ako! Dapat magcoconfess na ako! Tama, kailangan
ko maka-alis dito.
Hinihintay ako ni Jeff. Kailangan ko siya puntahan. Kailangan ko pa magconfess.

"O teka miss. Wag ka matakot! Friends naman tayo 'no." Ngumiti ng nakakatakot
sa'kin ang isang
lalake. Tapos naglakad siya papalapit sa'kin.

Anong gagawin ko omg omg omg. Waaaaa. Tin wag kang magpapanic! Kailangan mo maka-
alis dito!
Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

Alam ko na. Kailangan takutin ko sila. Dapat masindak ko sila. "L-Lumayo ka sa'kin.
Wag kang lalapit!"
Sabi ko gamit ang aking scary voice. Ginaya ko lang ang boses ni Jeff kapag galit
siya. Para tuloy akong
lalake magsalita. Go Tin!

"Ooooh! Feisty! Gusto ko 'yan."

"Pucha. Gusto ko talaga yung medyo pakipot eh."

Nagsimula na ring lumakad palapit sa'kin ang ibang lalake. Naman eh, hindi ba
effective ang scary voice
ko?! WAG KA MAGPANIC TIN!!

"Lumayo kayo sa'kin!! Wag kayong lalapit!! Tumigil kayo sa paglalakad!!" Lumalapit
pa rin sila. Hala
naman. Nagscary voice naman ako. Bakit hindi effective?! Kailangan ko hata baguhin
ang tactic.
Ganitong ganito ang napapanood ko sa action movies. Dapat pagbantaan ko sila!

"S-Subukan nyo lang talagang lumapit.... lagot kayong lahat!! Humanda kayo sa'kin
kapag naglakad pa
kayo!!" Bakit hindi sila tumitigil? Ang lapit na nila sa'kin. Nakangiti pa sila. Go
Tin kaya mo yan! "Matakot
kayo! Matakot kayo! Wag kayong ngumiti-ngiti sa'kin! Matakot kayo!"

Napatigil sila dahil sa sinabi ko. Sus 'yan lang pala ang technique. Ang galing ko
talaga! Kaya lang bakit...
nagtawanan sila? Akala ko ba natakot na sila.

"Bakit kayo tumatawa?! Hindi kayo pwedeng tumawa! Matakot kayo sa'kin!!" Ginamitan
ko pa sila
nung scary voice ko. Akala nyo huh.

"Naks miss ang tapang mo ha." Ngumisi yung isang lalaki.

Matapang talaga ako! "Eh ano bang magagawa mo? Nakatali ka dyan sa poste." Sabi
nung isa pang
lalaki. Tumawa ulit sila.

Ha! Pinagtatawanan ba nila ako?! Tinaas ko ang ulo ko. "AKO? Ako tinatanong nyo
kung anong gagawin
ko?! Sigurado ba kayong gusto nyo pang malaman?!" Akala nila huh. Dapat silang
matakot sa'kin!

"Oooooh! We're scared!" Sabi nila then nagtawanan. Teka nga, inaasar ba talaga nila
ako?! Kailangan
ko na hata ilabas ang huling technique ko. Huminga ako ng malalim.

"PANGET!! MGA PANGET KAYO!! Ang papangit nyong lahat!! Wala man lang kayo sa
kalingkingan ni
Jeff ko! Ewww ang pangit pangit nyo talaga!! Panget panget panget pang-"

Biglang may nagtakip ng bibig ko. Aray naman, ang sakit ng hawak nya sa'kin.
"Tumigil ka nga sa
pagsasalita mo. Wag mo kaming iinsultuhin, babae ka lang. Hostage ka lang namin.
Wala kang
karapatan." Sabi nung isang lalake sa nakakatakot na boses.

Sinubukan kong sumigaw pero mas hinigpitan niya pa ang hawak sa bibig ko. Aray ha,
ang sakit na
talaga.

"Ang tapang mo ah." Sabi nung isa pang lalake tapos hinigit nya ang buhok ko. Aray!
Grabe mga bakla
siguro sila! Bakit sila nanananakit ng babae?

"Tama na yan." Biglang may nagsalita kaya napalingon ang mga lalakeng bully sa
likod nila. "Wag nyo
syang saktan." Napatingin din tuloy ako kung sino ang nagsasalita.

Si Eric!! Ililigtas nya ako! Ililigtas nya ako!!

"Richard pare. Bakit ayaw mong masaktan ang babaeng 'to? Gusto lang naman namin sya
paglaruan."
Hinigpitan pa nung lalake yung hawak niya sa bibig ko. Aray!

Lumapit naman sa kanya si Eric. Buti na lang nandito siya. Ililigtas nya 'ko.
"Bitawan mo sya." Sabi ni Eric
Nginitian naman siya ng nakakaasar nung lalakeng panget. Pero eventually tinanggal
na naman nya ang
hawak niya sa'kin. Pati yung humihigit ng buhok ko kanina, tumigil na rin.

"Waaaaa Eric! Umalis na tayo! Buti dumating ka! Ito kasing mga panget na 'to kanina
pa nila ako
binubully tapos-"

"Subukan mong magsalita ulit. Puputulin ko ang dila mo." Sabi sakin nung
nakakatakot na lalake. Grabe
napatigil ako sa pagsasalita. Naniniwala kasi akong gagawin niya talaga 'yun.
Sayang naman ang aking
precious tongue.

"Anong problema Richard? Bakit pinagtatanggol mo ang babaeng 'to?" Lumapit siya kay
Eric tapos
ngumiti. "Hindi kaya... nagkagusto ka na sa kanya? Diba ang trabaho mo eh ang mapa-
ibig sya? Para
sumama sya sa'yo at iwan yung abogado. Eh anong nangyari pare? Wag mong sabihing
ikaw ang
nahulog..."

Nagtawanan naman ang iba. Pero nagtitigan lang sila ni Eric. Hala ano bang sinasabi
nung lalakeng 'yun?
Friends kami ni Eric 'no. Kaibigan ko siya.

"Tapos ka na?" Seryoso na ang boses ni Eric.

Ngumisi ulit 'yung lalaki. "So ano pare, totoo nga? Ikaw ang nahulog?"

"Hindi ko kailangan sagutin ang mga walang kwenta mong tanong." What? I knew it.
Friend ko talaga si
Eric. Hindi niya ako hahayaan masaktan dito.

"Eric." Tumingin siya sa'kin. Then naglakad papalapit. "Eric kailangan ko na maka-
alis dito. For sure
hinihintay na'ko ni Jeff. Sigurado nag-aalala na yun kasi bigla na lang akong
nawala tapos-"

Bigla naman niyang hinawakan ang panga ko. Katulad nung ginawa nung lalake kanina.
Aray ang sakit
din. "Mabuti naman wala syang pasa. Binilin sa'kin ni Pinuno na dapat wala syang
galos." Ang higpit ng
hawak ni Eric sa panga ko.

"Ooooh! Yan ba ang dahilan kung bakit mo sya pinagtatanggol Richard? Hindi dahil sa
gusto mo sya?"
Binitawan na ako ni Eric tapos hinarap na niya ulit ang mga lalake.

"Trabaho lang ang pakikipagkaibigan ko sa kanya. Sinusunod ko lang kung anong gusto
ni Pinuno."
Walang emosyong sabi ni Eric.

"Yun yun pare eh!" Inakbayan na nila si Eric, o si Richard, tapos nagtawanan. So
ano ibig sabihin nun?
Hindi ko talaga siya friend? Niloko lang nya ako ganun? Hindi. Hindi ako
naniniwala. Kaibigan ko si Eric!

Palayo na sana sila. Pero napatigil sila nung nagsalita ako. "Eric! Eric talaga
yung pangalan mo diba?
Totoong kaibigan kita, right? Hindi naman totoong niloko mo 'ko eh. Hindi yun
totoo. Diba magkaibigan
tayo? Eric..."

"Tanga ka ba talaga?" Nagtawanan na naman sila. Nilapitan ako ni Eric. "Richard ang
pangalan ko. At
kahit kailan, hindi kita tinuring na kaibigan."

"Hindi totoo yan! Friends tayo! Close nga tayo diba?" Ano ba kasing sinasabi niya?
Kaibigan ko si Eric. At
alam ko sa puso ko na tinuring niya rin akong kaibigan.

"Tanga ka nga talaga. Siguro kailangan mo na makita ulit si Berto." Sabi ni Eric ng
matalim ang tingin sa
akin.

Nagulat naman ako at nagtaka."Huh?" Sinong Berto? Ano bang sinasabi niya? Nag-snap
si Eric ng
fingers niya. Then may lumapit na isang malaking lalake na may mga tattoo.

"Hindi mo ba naalala si Berto?" Tinitingnan ako ng masama nung lalakeng malaki.


Kilala ko ba siya
dapat? Hindi ko siya maalala.

"H-Hi Berto. Ako nga pala si Tin." Nagsmirk naman siya sa'kin then nagtawanan 'yung
iba. Sorry naman,
di ko na siya maalala.

"Natatandaan mo pa ba nung una tayong nagkita Tin?" sabi ni Eric.

"Ehh? Syempre naalala ko pa. Diba binili mo yung isa kong painting? Kaya dapat
magkikita tayo sa plaza.
Kaya lang biglang may lalake na-"

Nagtawanan na naman sila. Napatingin ako kay Berto. OH MY GOLLY APPLE SAUCE. Siya
nga yun! Siya
yung lalakeng nabunggo ko sa plaza na dapat sasapukin na'ko kaya lang hinigit ni
Eric ang kamay ko kaya
naligtas ako.

"Hindi mo talaga sya nabunggo Tin. Plano lang ang lahat ng 'yun para maligtas kita
at ituring mo 'kong
kaibigan." Napatingin naman ako kay Eric.

WEH? GRABE OVER OVER HINDI AKO MAKAPANIWALA! So simula pa lang niloloko na talaga
ako ni Eric?
I mean ni Richard? WEH?.

"Nandito na si Pinuno." Nagtinginan naman ang lahat sa likod nila. Pati ako
napatingin na rin. Pumasok
ang isang grupo ng mga lalakeng naka-black coat lahat. Wow grabe creepy. Lahat nga
naka-shades pa.

"Ahh. Richard. It is so nice to see you. I trust nagawa mo ng maayos ang inutos
ko?" Sabi nung isang
lalake na naka-violet coat. I mean, honestly? Violet coat? Nakakaloka.

Tumango naman si Eric. "Pinuno. Sya po ang asawa ni Lee." Tapos tumingin sa'kin.
Lumapit naman sa'kin ang tinawag ni Eric na Pinuno. So siya pala 'yun? Sya na yung
the great Pinuno? Di
naman siya mukhang nakakatakot. Nakangiti siya ng malaki sa'kin.

Pero parang nasisilaw talaga ako sa kanya. Violet coat then may lima pang singsing
sa kamay. Weh. Siya
ba talaga? Pero okay din 'to. Siguro kung magiging mabait ako, papatakasin na niya
ako. Oo tama,
ganun na lang ang strategy ko.

"Ahhh. So ikaw pala yun. Christine right?" sabi nung Pinuno.

"Uhm, pwede nyo po akong tawaging Tin." Ngumiti ako. Ayan, pa-FC na.

"Ohh! Tin! Right. I shall call you Tin. After all, close naman tayo hindi ba?"
Close ba kami? Di naman.

"Uhm, he-he. S-Sige po. Close na po tayo simula ngayon."

"Ngayon lang?" Sabi nya tapos naglakad siya pa-ikot sa'kin. Okay lang kaya 'to?
Effective na nga kayo
ang strategy ko? "I'm writing you letters tapos sasabihin mo, ngayon lang tayo
magiging close?"

Teka. Ano raw?

"L-Letters?"

"Ah yes. Ako ang nagpapadala ng mga notes sa'yo. Nagustuhan mo ba honeypie?"
Hinawakan naman
niya bigla ang buhok ko. Naman ang creepy.

"B-Bakit nyo po ba ako pinapadalhan ng notes? Wala naman po akong ginagawang


masama. Promise
mabait po talaga ako. Kahit po tanungin nyo pa po ang parents ko, hindi naman po
ako masama eh."

Bigla naman siyang tumawa. Malakas na tawa. Nakitawa rin ang ibang lalake. Oh well,
makikitawa na
nga lang din ako.

Sabi ko nga. Dapat di na ako nakikitawa. Tumigil sila at tumingin sa'kin. Lumapit
naman sa mukha ko si
Pinuno. Mga ka-age lang naman pala siya halos ni dad.

"Hindi mo ba ako kilala Tin? Alam kong wala kang kasalanan. Pero kinakalaban ako ng
asawa mo, kaya
ka nadadamay."

"S-Si Jeff? Mabait din po si Jeff! Hindi po sya gumagawa ng masama. Well siguro
medyo isnabero, tsaka
naninigaw, pero mabait naman po sya talaga-"

"Jaime Santos."

"Huh?"

"Tandaan mo ang pangalan ko. Katakutan mo ang pangalan ko." Santos. Oo tama, siya
yung kalaban ni
Jeff. Masama siya pero hindi 'yan ang concern ko ngayon. Bakit hinahawakan niya pa
rin ang buhok ko
habang nakangiti?

"Baduy." Sabi ko.

"Hmm?" Nagtataka naman yung pinuno.

"Sabi ko, ang baduy mo. Pinuno ka pa naman, wala ka man lang fashion sense? Violet
na coat?! Sino pa
bang nagsusuot nyan?"

Go Tin. Kailangan lakasan mo ang loob mo. Kaaway siya ni Jeff kaya magiging kaaway
ko na rin siya.
Start now!

Bigla naman niyang hinigit yung buhok ko. Ugh! Bakit ba favorite nila higitin ang
buhok ko? "Wag kang
masyadong maingay little girl. Dahil sisiguraduhin kong hindi kayo makakalabas dito
ng buhay,
hanggang hindi pinipirmahan ni Jeffferson ang dokumentong nagsasabi na bibitawan na
nya ang kaso
laban sa amin." Higpit ng hawak ni Pinuno

Lumayo na siya sa'kin at... tinanggal ang coat. Wow nahurt ata ang feelings niya.
Chos. Pero wait, si
Jeff? Pipirma si Jeff?

"T-Teka. Nasan si Jeff? Anong ginawa nyo sa kanya? Sa'n nyo sya dinala?!" Baka may
nangyari masama
kay Jeff. OMG!

Ngumiti naman si Pinuno. "Wag ka mag-alala little girl. Wala pa kaming ginagawa kay
Jefferson." Bigla
namang may lumapit na tauhan sa kanya at may binulong. Tapos mas lalong lumaki ang
ngiti niya. "Well
actually, ngayon pa lang kami may gagawin."

Teka, anong ibig niyang sabihin? Tumawa naman siya ulit ng malakas. Tumayo na ang
iba pang mga
lalake. Parang nagreready na. Ano bang nangyayari?

"Ahhh. Jefferson! There you are! Long time no see!" napatungo naman ako kay Pinuno.
Hala
nakikipinuno na rin ako.

Napatingin naman ako. Si Jeff nga! Suot niya pa rin ang damit nung magcoconfess ako
dapat. Although
hindi siya nakatali, madami namang lalake ang nasa gilid niya habang naglalakad.

"Nasan sya?" Sabi ni Jeff sa kanyang scary voice. 'Yan yung ginagaya ko kanina
bakit hindi effective..

"Jeff! Jeff! Tumawag ka na ba ng pulis? I'm here!!" Napatingin naman siya sa


direksyon ko. Bakit
parang gusto ko ng maiyak? Nandito na si Jeff, safe na'ko.

"You did not call the police, didn't you Jefferson? Alam mo naman ang mangyayari
kung ginagawa mo
yun." Ngumiti ng pang-devil yung pinuno. Napatingin ulit si Jeff sa kanya.

"Pakawalan mo sya." Jeff's scary voice.

"Not so fast Jefferson. Kailangan mo pang pirmahan ang dokumento na nagsasabing


iuurong mo na
ang kaso laban sa'min-" napatigil si pinuno.

"Pakawalan mo siya." Dumoble pa 'yung intense ng pagka scary ng voice ni Jeff

Sabi ko sa inyo nakakatakot talaga. Medyo napalunok kasi si Pinuno.

"Richard." Sabi ni Pinuno tapos biglang lumapit sa'kin si Eric. Tinanggal na niya
ako from the poste pati
na rin 'yung tali ko sa paa. So although nakatali pa rin ang kamay ko sa likod ko,
nakakalakad na'ko.

Tatakbo na sana ako papunta kay Jeff nang bigla namang hawakan ako ng mahigpit nito
ni Eric. Naman
Eric, pakawalan mo na'ko.

"Now Jefferson. Since napagbigyan na kita, why don't we get down to business."
Nilapit naman agad
nung mga lalake ang table sa gitna.

"Hindi mo na ako dapat kinalaban Jefferson. Nagalit tuloy ang mga Santoses sa'yo.
But ofcourse we're
very forgiving." Binigay na ni Pinuno ang ballpen kay Jeff. "Just one signature.
And both of you are free
to go."

Hala papapirmahin na nila si Jeff! Hindi pwede. Alam kong mahalaga ang kasong 'to
kay Jeff. Hindi niya
pwede pirmahan 'yan.

"Wag Jeff! Wag mong pipirmahan! Wag ka makikinig sa baduy na pinuno na yan!!" Sigaw
ko bigla.
Hinigpitan naman ni Eric ang hawak niya sa'kin. Tapos napatingin sa'kin si Jeff.
Nilapitan naman ako ni
Pinuno.

"You should really keep your mouth shut little girl. Hindi ka nakakatulong." Sabi
sa'kin ni Pinuno na
parang gusto na niya akong kulamin.

"Bakit?! Na-offend ka ba nung sinabi kong baduy ka? Baduy ka naman talaga eh!"
Papalag ka pinuno sa
akin?

"Wag mong subukan ang pasensya ko." Aakmain na sana akong saktan ni pinuno.

"Wag mo syang sasaktan." Biglang nagsalita si Jeff

"Sige saktan mo 'ko! Kala mo natatakot ako?!"Hindi ako papaya na mawala na lang ng
parang bula ang
kasong ito na dapat pagbayaran nila.

"Tin tama na." Tumingin naman sa akin si Jeff.


"Binalaan na kita." Super scary na rin ng boses ni pinuno.

"Wag ka matatakot Jeff sa matandang 'to! Kahit anong mangyari wag mong pipirmahan-"
For the first
time in my life, nasampal ako. Nakaka-iyak pala. Ang sakit.

"DIBA SINABI KONG WAG MO SYANG SASAKTAN!" Susugurin na sana ni Jeff si pinuno kaya
lang
hinawakan siya nung mga lalake.

Wag kang iiyak Tin. Wag kang iiyak. Dapat malakas ka. Tatakas pa kayo ni Jeff dito.
Hindi ka pwedeng
umiyak.

"Now, now. I didn't really mean that Jefferson. Nabigla lang ako-" Napalunok si
Pinuno.

"GAGO KA! BAKIT MO SYA SINAMPAL?!" triple na ang intensity ng boses ni Jeff.

"Pirmahan mo na lang ang dokumento para matapos na." ngumisi si Pinuno

"PAKAWALAN MO MUNA SYA BAGO AKO PUMIRMA!" sigaw ni Jeff.

"Wag mo nga akong galitin! PUMIRMA KA MUNA BAGO KO KAYO PAKAWALAN!" sumigaw na rin
si
Pinuno

"Bading!" Sigaw ko. Napatingin tuloy ulit sila sa'kin. Hindi pwedeng pumirma si
Jeff. Hindi talaga. "Ikaw
Pinuno ka. Naka-violet coat tapos nanampal ng babae? Bakla ka 'no?!"

Lumaki ang ilong niya at lumapit sa'kin. Sabi ko na bading 'to. Guilty masyado.
"TUMIGIL KA NGA! Wag
mo 'kong ipapahiya sa harap ng mga tauhan 'ko." Hinigit na naman niya ang buhok ko.

"Kanina mo pa hinahawakan ang buhok ko! Inggit ka 'no!" Yung totoo, ang fierce ko
hata masyado
ngayon. I'm so proud of myself.

Sinampal niya ako ulit. May nalasahan akong dugo sa lips ko. Naririnig ko si Jeff
na sumisigaw. Jeff,
confirmed. I swear bading talaga si Pinuno. Pwede naman niya ako suntukin pero
kanina niya pa ako
sinasampal.

"That should shut you up." Sabi nung bading este si Pinuno.

Inhale. Exhale. Kaya mo yan Tin. Tiningnan ko siya sa mata. "Yan lang ba ang kaya
mo-"

Sinikmuraan nya ako. Naubo ako sa ginawa niya. Ouch. Wag kang iiyak Tin. Wag kang
iiyak.

"TIGILAN MO NA SYA!" Sigaw naman ni Jeff then nagwala siya kaya nabitawan siya nung
iba sa mga
humahawak sa kanya. Sinuntok niya sila, pero eventually nahawakan pa rin nila si
Jeff. Ang dami
naman kasi nila. Unfair.
Nagwawala pa rin si Jeff kaya binugbog na rin siya nung mga lalake. Hindi pwede!

"STOP IT!" Hindi nila pwedeng saktan ang Jeff ko.

"JUST SIGN THE FUCKING DOCUMENT!" nagwawala na 'yung bakla este si Pinuno.

"PAKAWALAN MO MUNA SYA!" sigaw ni Jeff.

"I call the shots here. WALA KANG KARAPATAN DIKTAHAN AKO!" Lumapit na naman sa'kin
si Pinuno at
sinampal ako ulit. Hobby na ba niya ang sampalin ako? "Pirmahan mo na or I'll make
her suffer!"

Sige ako na lang ang saktan. Kahit anong gawin nila dapat hindi pirmahan ni Jeff
ang dokumento!
Nginitian ko si Pinuno. Akala niya huh. Mag-eevolve na ako sa pagiging SanGoku.
Joke!

"You know what? You're a coward. Matapang ka lang na saktan kami dahil madami kang
kasama. Pero
if ikaw lang mag-isa, siguradong tatakbo ka lang because YOU. ARE. SUCH. A.
COWARD!!! UGH-"
Sinuntok na naman niya ang tyan ko. Feeling ko mahuhulog na ako sa floor kung hindi
lang ako hawak
ni Eric.

"MATAPANG KA HUH." Sigaw ni Pinuno sa mukha ko. Pwe! Yung laway niya tumatalsik.

Tumayo ako ulit ng diretso. Tapos tiningnan ko siya sa mata. "Matapang talaga 'ko.
At ikaw duwag."
Matapang ako. Matapang!

Tinitigan niya naman ako na parang gusto na nya ako ichop-chop. Si Jeff naririnig
kong nagpupumiglas
at sinusuntok ang mga humahawak sa kanya pero hindi pa rin siya makawala. Bigla
namang tumayo ang
mga balahibo ko nang nginitian ako ni Pinuno.

"Magsisisi kang ginalit mo 'ko." Tapos tumango siya kay Eric pati na rin sa dalawa
pang lalake. Lumapit
sila sa'kin. Oh no anong gagawin nila. Bubugbugin ba nila ako or sasampalin or-

Sinira ni Eric yung manggas nung dress ko. Na-expose tuloy ang right shoulder ko.
'Yung lumapit sa'king
isang lalake sinira yung part ng palda nung dress. Tapos hinawakan niya ang legs
ko.

"Stop it! STOP IT!" Sinubukan kong magpumiglas. Sinisipa ko sila. Pero hindi pa
rin sila tumitigil.
Naramdaman kong hinahalikan ni Eric ang leeg ko. Tapos ang isa pang lalake sinira
na talaga ang dress
ko. Na-expose tuloy ang bra ko.

"TAMA NA! Please please!" Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong level ng takot.
Yung super
super takot. Kahit nga ang kanina ko pang pinipigilang mga luha, tumulo na. "Stop
it! Stop it! Jeff!
JEFF!"
Biglang sinuntok ni Jeff ang isang lalake na humahalik sa'kin. Pati ang isa pa.
Pero bago pa niya
masuntok si Eric nahawakan na siya ulit nung iba pang tauhan ni Pinuno.

"TIGILAN NYO SYA! TIGILAN NYO SYA! MGA GAGO KAYO! PAPATAYIN KO KAYO!" Nakakatakot
na rin.

Nagpupumiglas na rin ako. Ewan ko ba kung bakit. Pero kahit kasi wala ng ginagawa
sa'kin si Eric, feeling
ko hinahawakan pa rin nila ako. Gusto ko tumakbo at sumigaw na ewan, pero naiiyak
na lang ako. Pero
hindi pa rin ako pinapakawalan ni Eric.

"PIPIRMAHAN KO NA ANG DOKUMENTO! WAG NYO NA SYANG SASAKTAN DAHIL PAPATAYIN KO


KAYO!" sigaw ni Jeff at nagpupumiglas sa hawak ng mga lalaki.

Nagwawala pa rin ako at sinusubukan kong makalapit kay Jeff kaya inutusan ni Pinuno
si Eric na ialis
muna ako dun. Nilabas niya muna ako ng building pero todo iyak na 'ko. Hindi ko na
alam kung anong
nangyayari.

"Kailangan ko bumalik... kailangan ko iligtas si Jeff.... si Jeff... mapapahamak


sya.... kailangan ko
bumalik... kailangan ko-"

Bigla namang tinanggal ni Eric ang tali ko sa kamay. "Eric kailangan ko bumalik...
kailangan ako ni Jeff...
Eric pakawalan mo din si Jeff-"

Tinanggal niya ang coat niya tapos sinuot sa'kin. "I'm sorry Tin. Ang duwag ko."
Iyak pa rin ako ng iyak.
Isa lang ang nasa isip ko. Kailangan ko iligtas si Jeff. Bigla naman akong tinulak
ni Eric.

"Go. Umalis ka na. Tumawaga ka ng pulis. Humingi ka ng tulong."

"Pero Eric andyan pa si Jeff. Hindi ko sya pwedeng iwan hindi ako pwedeng umalis
mag-isa-"

"Bilisan mo na! Kung gusto mo syang iiligtas, kailangan mo humingi ng tulong.


Tumakbo ka na Tin.
TAKBO!"

Napatakbo naman ako. Gabi na pala. Hindi ko man lang alam kung saan ako pupunta.
Basta tumakbo
lang ako ng tumakbo. Nakakita ako ng highway. Kailangan ko ng tulong. Kailangan ko
iligtas si Jeff.

Kumaway-kawaya ko para tigilan ng sasakyan. Pero hindi pa rin sila tumitigil. Kaya
pumunta ako sa gitna
ng kalsada at nangharang ng kahit anong sasakyan. Buti naman, may tumigil na isang
delivery truck.

"HOY! Kung gusto mo magpakamatay, wag kang mandamay- Miss ok ka lang?" bumaba naman
ang
driver.
"Please tulungan nyo po ako... kailangan ko po ng tlong... si Jeff... si Jeff..."

"Naku miss ano bang nangyari sa'yo? Bakit ganyan ang damit mo? Hay sige sumakay ka
na nga! Idadaan
kita sa police station!"

Sinakay naman niya ako. Hindi pa rin tumitigil ang luha ko sa pag-agos. Ang lamig-
lamig. Niyayakap ko
ang sarili ko habang nasa byahe kami. Naghahyperventilate na hata ako.

Pagdating ko sa police station, halos hindi na ako makahinga. Hindi na rin nila
halos mainitindihan ang
sinasabi ko. Basta nung nakuha nila ang description ko nung lugar at kung ano pang
naintindihan nila sa
sinabi ko, umalis na sila.

May lumapit naman sa'kin na babaeng pulis. Tapos mayamaya pa may dumating na
ambulansya.
Nagwawala na ako, kailangan ko maligtas si Jeff pero bakit parang walang
nangyayari?! Hindi na ako
makahinga.

Tinusukan ako ng injection ng isang medical person. Hanggang sa nawalan na ako ng


malay.

*******************************************
[24] HOME SWEET HOME
*******************************************
CHAPTER 23

HOME SWEET HOME

"It has been three days already! Why is she not waking up?!" narinig ko ang boses
ni Mom.

"Look Honey. If you'll just calm down, we can talk to the doctor-" Pati si Dad.

"That doctor is fake. Lagi nyang sinasabi na okay lang si Tin pero bakit hanggang
ngayon hindi pa rin siya
gumigising?!"

"Look. He's one of the best doctors in the country. Inexplain nya na nagkaroon ng
too much fatigue si
Tin kaya hindi pa sya gumigising. We just need to wait-"

"I DON'T WANT TO WAIT ANYMORE! Hon, I want my daughter awake. Now. Oh God.
Kasalanan 'to ng
asawa nya eh! I knew it! That boy is no good. Dapat sa umpisa pa lang hindi na tayo
pumayag sa
arranged marriage na yan!"
"Can you please calm down?! Tatlong araw mo nang sinisisi si Jefferson sa nangyari.
Mabuti nga hindi
ka nya pinapatulan!"

"Hindi nya talaga ako sasagutin because I'm in the right. Kasalanan nya kung bakit
nagkaganito si Tin
kaya dapat lang-"

"M-Mom. Dad." Sa wakas nakapagsalita na rin ako. Kanina ko pa gusto magsalita pero
walang
lumalabas na boses.

Tumakbo sila papalapit sa'kin. Si Mom hinawakan agad yung kamay ko. "Oh gosh baby.
Are you okay?
Andito lang si mommy. Baby andito lang si mommy ha."

"Tin? Tin naririnig mo ba kami? Nakikita mo ba kami?" sabi ni Daddy

Inikot ko ang paningin ko. Bakit puro puti? Na saan ba 'ko? Bakit parang ang bigat
ng katawan ko?

"TIN. TIN BABY. Ako si mom. Remember me?" Pinisil nya yung kamay ko, tapos tumingin
kay Dad. "Oh
gosh hon, she doesn't remember us anymore. Tinititigan nya lang tayo."

"May amnesia ka ba Tin? Hindi mo na ba kami naalala?" Yung totoo, naging doktor ba
agad ang mga
magulang ko? Bakit sinasabi na agad nila na may amnesia ako. Kaloka. Pag hindi agad
nakasagot may
amnesia agad? Hindi ba pwedeng overwhelmed muna?

"Dad, Mom... ang ingay nyo. Wala po akong amnesia. Imbento naman kayo eh." Ngumiti
na ako para
makalma sila.

"Oh Tin, my baby. Nagsasalita ka na. Akala ko di ka na gigising. Three days ka na


dito sa hospital." Nasa
hospital ako? Pero bakit? Pa'no nga ba ako napunta dito. Ang naalala ko lang,
tumatakbo ako. Umiiyak.

"Tatawagin ko lang si Dr. Paige. Siguradong matutuwa sya pag nalamang gising ka na.
I'll be right back
Tin." Hinalikan naman ako sa noo ni dad.

"You'll be alright baby. Everything's gonna be okay." Inayos nya yung buhok ko.
"For sure, papauwiin
ka na ni Dr. Paige. There's really nothing wrong with you so-"

"Mom. Si Jeff? Asan po si Jeff?"Naalala ko na. Tumakbo ako kasi kailangan ko


humingi ng tulong para
iligtas si Jeff. Kung ganun asan na siya?

"Mom ano pong nangyari kay Jeff? Naligtas po ba sya ng mga pulis? Nandito din po ba
sya sa hospital?"

"Baby please calm down. Wag mo muna isipin si Jefferson. Magpahinga ka muna so-"

Umupo ako sa bed. Wow ang hirap pala. Siguro hindi na sanay gumalaw ang katawan ko
after 3 days ng
pagtulog.

"Tin anong ginagawa mo? Humiga ka muna please-"Tinanggal ko ang nakalagay na


dextrose sa wrist ko.
Tapos tumayo from the bed. Kailangan ko hanapin si Jeff. Kailangan ko siya makita.

"Tinatawag na ng Dad mo ang doctor. Please Tin wag ka muna tumayo. Kailangan mo pa
magpahinga-"

Lumabas na ako ng room. Sinundan ako ni Mom. "Nasan po si Jeff? Kailangan ko po sya
makita-
"Hinawakan ni Mom ang arm ko kaya bigla akong napatigil.

"Tin. Listen to me. Kailangan mo na bumalik sa room mo. Wala na si Jeff-"

"What? NO! Hindi po yan totoo!" Tinanggal ko ang hawak niya sa'kin, then tumakbo sa
may elevator.
Hinabol ako ni Mom pero sinarhan ko siya ng elevator kaya hindi siya nakapasok.

Hindi totoo yun. Buhay pa si Jeff. Hindi pa sya pwede mawala. Pumunta ako sa
nurse's area. "Excuse
me. Meron po bang pasyente na Jeff dito? Jefferson Lee?"

Tiningnan naman ako ng nurse. Tapos tumingin dun sa data sheet niya."Ka-ano ano po
kayo ni Mr.
Lee?" sabi nung Nurse

"I'm his wife."

"Well. We had a patient named Jefferson Lee at room 247 pero wala na sya-"

Tumakbo na ako. Madaming tao sa elevator kaya naghagdan na lang ako. Nang mahanap
ko kung saan
yung Room 247, nagmamadali akong binuksan ang pinto kaya lang biglang may lumabas
na nurse.

"Excuse me. Dito po ba yung room ni Jefferson Lee?"

Tumingin siya dun sa hawak niyang board tapos ngumiti ng malungkot sa'kin."Yes ito
nga. But I'm sorry
you're too late ma'am. I'm afraid to say na wala na po si Mr. Lee-"

"NO! Hindi totoo yan!" Pumasok ako sa room kahit na pinipigilan ako nung babae.

"Ma'am please. Hindi na po kayo pwedeng pumasok dahil-"

"No. Hindi 'to totoo." Iniiling-iling ko pa ang ulo ko. Oh gosh oh gosh oh gosh.
Grabe feeling ko
nalagutan na rin ako ng hininga. Yung tao kasi sa bed, nakatakip ng puting kumot.
Eh diba pag ganyan,
ibig sabihin patay na?

"Jeff?" Lumapit ako ng dahan-dahan sa kanya hanggang nasa tabi na nya ako. "Jeff?"

Alam kong mas creepy kapag sumagot siya. Pero kasi parang hindi ko lang matanggap
na patay na siya.
Gusto ko sanang tanggalin ang kumot sa ulo niya. Pero pa'no kung nakadilat siya?
Diba mas
nakakatakot?
"Ma'am. I'm sorry to interrupt pero-"

"JEFFFFF!!" Naglupasay na ako tapos unga ng unga. "Hindi ka pwedeng mamatay! Hindi
pwede! Jeff
wag mo 'kong iwan! Wag mo 'kong iwan!!"

"Ma'am, please calm down. Ang totoo po nyan-"

"Go away!"

"Pero ma'am-"

"Iwan nyo po muna ako please." Umiiyak na ako ng tuluyan kaya medyo nilayuan muna
ako ng nurse.
Hinampas-hampas ko naman ang katawan ni Jeff. "Nakakainis ka naman eh!! Bakit ka
ganyan! Diba
sisigawan mo pa ko! Diba kakain ka pa ng luto ko! Bubu naman eh!!! Bakit namatay ka
agad?! Hindi
pwede!"

Umaagos na naman ang luha ko ng todo-todo. Sinubsob ko ang ulo ko sa kama ni Jeff.

"Bakit hindi mo 'ko hinintay Jeff? Umalis lang naman ako para humingi ng tulong eh!
Dapat hinintay mo
'ko!! Tsaka, magcoconfess pa 'ko sa'yo diba! Sasabihin ko pa na mahal kita eh!
Tatanungin pa kita kung
pwede kita maging boyfriend eh! Bubu naman!! Dapat hinintay mo 'ko."

Todo iyak na 'ko. Nakakaiyak talaga 'to si Jeff!!"Bubu! Gumising ka! Hindi mo 'ko
pwedeng iwan dito.
Hindi pwede! Kailangan mo gumising-"

"Excuse me. Miss?" Napatigil ako sa pag-eemote. Bakit biglang nagsalita ang bangkay
ni Jeff. Hindi ko
pa rin tinataas ang mukha ko.

"Bubu? Joke lang yun. Syempre ayokong mawala ka. Pero kung patay ka na talaga,
hindi ko naman
gusto na gumising ka pa diba. Syempre joke lang yun-"

Biglang tumawa ang bangkay. Oh no!

"Miss. Hindi pa ako patay." HUH?! Tinaas ko ang ulo ko. At naka-face to face ko ang
isang matandang
lalake na nakangiti.

"Jeff? Tumanda ka na ba agad? Three days lang naman ako natulog ah." Nginitian
naman ako ulit nung
matanda.

"Hindi ako si Jeff iha."

Nanlaki ang mga mata ko. "Ang ibig sabihin po ba, sumanib sa inyo si Jeff? Nasa
loob po ba sya ng
katawan nyo?"

"Walang sumanib sa'kin. Hindi ako ang boypren mo. Erning ang pangalan ko. Tawagin
mo na lang akong
lolo Erning." Pinunasan ko ang mata at mukha ko. Puro luha na kasi.

"Uhm, lolo Erning." Lumapit ako sa kanya at tiningnan ang mukha niya. "Kung ganun
hindi po kayo
patay? Nakataklob po kasi sa inyo yung puting kumot eh."

Tumawa ulit sya."Hindi pa ako mamamatay iha. Malakas pa 'ko. Tinakip ko lang yung
kumot dahil
nasisilaw ako sa ilaw."

"Ahh. G-ganun po ba. Pero teka, sabi po nila dito yung room ni Jeff?"

"Hmm. Hindi ako sigurado. Pero baka sya yung nandito sa kwartong 'to bago ako
dumating."

"Uh, actually ma'am, yan po sana yung gusto kong sabihin sa inyo kanina." Tumingin
naman ako sa
nurse. "Si lolo Erning na po ang bagong pasyente sa room na 'to. Kakadischarge lang
po ni Mr. Lee."

"Teka. Kung ganun, asan na si Jeff? Anong nangyari sa kanya, ok lang ba sya?" Ano
bang nangyayari?
Naapektuhan ba ang utak ko?

"Mukhang ayos naman ang boypren mo iha. Pero sige tanungin mo na lang sya. Kanina
pa naman sya
nakatayo dyan." Napatingin ako kay lolo Erning. Pero nakatingin siya sa may likod
ko habang nakangiti.
So lumingon ako. At nakita ko si Jeff na nakatayo sa may pinto. Nakatingin sa'kin.

Lumapit ako ng dahan-dahan sa kanya. "Ikaw na ba ang multo ni Jeff?"

Kumunot naman ang noo niya. Wow, bakit nagagaya ng multo ang pagkunot ng noo ni
Jeff? "Bumalik
ba ang kaluluwa mo sa mundo dahil tinawag kita?" Humawak pa 'ko sa may puso ko. "Ok
na Jeff. Hindi
mo na kailangan gawin 'to. Rest in peace."

"Tsk. Ano bang sinasabi mo?" Hala hala! Bakit nagagaya rin ng multo ni Jeff ang
boses niya?!

"Dapat nang matahimik ang kaluluwa mo Bubu. Hindi mo na ako kailangan multuhin."
Medyo ang
creepy na kasi . Bigla namang lumapit sa'kin ang multo ni Jeff. "Naglalakad ang
multo! Naglalakad ang
multo!"

Bigla niyang pinitik ang noo ko. Napahawak naman ako sa noo ko. Nanlaki pa ang mga
mata ko.
"Namimitik ang multo! Namimitik!" Ganito ba talaga ang multo? Parang totoo lang.

"Tsk. Hindi ako multo."

"Nagsusungit ang multo! Nagsusungit!"

"Tama na nga Tin. Hindi pa ako patay."

"HUH?" HInawakan ko naman agad ang cheeks niya. Tapos pinisil-pisil. "Buhay ka nga
Jeff! Buhay ka!"
"Sino ba kasing nagsabing patay ako?"Sino nga ba? Wala naman pala. Pero kasi sabi
ni Mom, then yung
nurses... hay ano ba yan. Meron pa silang pa-'too late, too late'. Sabi pa ni Mom
wala na si Jeff! Yun
pala nadischarge lang sa room, kaya wala na. Sus naman.

"Teka Jeff. Ibig sabihin magaling ka na? Wala na bang masakit sa'yo?" Sa bagay,
wala na siyang mga
pasa. Mukhang okay naman siya. Tinitigan niya naman ako saglit tapos pinitik ulit
ang noo ko. Aray ha,
nakakadami na 'to si Jeff.

"Magsorry ka kay lolo Erning. Ginulo mo siya sa pagtulog."

Hala oo nga pala! Lumapit naman ako kay lolo Erning. "Lolo sorry po. Hindi ko po
alam na kayo yun.
Nagising ko po ata kayo sa pagdadrama ko. Sorry po talaga."

Ngumiti naman siya sa'kin. "Walang anuman yun iha. Nakakatuwa nga dahil kahit
sisenta anyos na 'ko,
eh may nagtapat pa ng pag-ibig sa'kin." Nanlaki ang mata ko. Ito naman si lolo!
Nambubuking! Lumapit
ako sa kanya at bumulong.

"Lolo, wag po kayo maingay. Hahanap pa po ako ng tyempo para magconfess eh. Wag nyo
naman po
akong ibuko." Tumawa naman siya tapos bumulong din sa'kin.

"Kanina pa naman sya nandun sa may pinto. Narinig nya lahat ng sinabi mo."

"PO?!"

"Tsk. Tama na nga yan. Wag mong sigawan si lolo." Nilapitan na ako ni Jeff then
tumango siya kay lolo.

"Mauuna na ho kami. Pasensya na ho sa abala."

"Sige sige mag-ingat kayo. Hay ang sarap talaga maging bata." Sabi ni lolo then
nilapitan siya nung nurse
na nakatayo sa isang gilid kanina.

Lumabas na kami ng kwarto ni lolo. Hala naman kinakabahan tuloy ako. Nakakahiya
kasi. Narinig pala ni
Jeff ang mga pinagsasabi ko kanina. Hindi naman ganun ang plano ko ng pagconfess.

"Ayos ka lang?"

"H-Huh? Oo naman Jeff. Ok lang ako."Waaa ako lang ba ang nakakaramdam ng


awkwardness? Bakit
kasi ang ingay ko kanina mag-emote.

"Tsk. Dapat hindi ka pa bumangon. Bigla ka na lang daw tumakbo kaya tinawagan ako
ng Mom mo."

"Ah. S-Sorry. Wala ka kasi paggising ko kaya akala ko may nangyari sa'yo eh."
Silence. Naglalakad pa rin
kami. Tin, ang awkward naman ng mga sinasabi mo!! Kakahiya kay Jeff-
"Hala! T-Teka! Bakit mo 'ko binuhat? Jeff hala." Kanina naglalakad lang kami tapos
bigla na lang akong
bubuhatin? Bridal style pa. Hindi naman sa nagrereklamo ako. Nagtatanong lang. At
kinikilig lang.

"Tsk. Dapat hindi ka napapagod." WEH. Si Jeff ba talaga 'to? Sinabi niya ba talaga
ang narinig kong sinabi
niya?

Pinagtitinginan naman kami ng mga tao sa ospital. Wapakels ang lola niyo. Nakahawak
ako sa leeg ni
Jeff 'no. Bakit ko papakialamanan ang pagtingin-tingin nila? Baka inggit lang sila!

Hanggang sa nakarating na kami sa hospital room ko. "There you are! Hindi ka dapat
tumakbo baby. I'm
so worried!" Lumapit agad si Mom sa akin.

"Tin, hindi ka dapat umalis basta-basta. Pa'no kung may nangyari sa'yo?" sabi naman
ni Dad

Nilapag naman ako ni Jeff sa kama. "Mom, dad, sorry po. Actually, gusto ko lang
naman po sanang
umuwi na."

Ayaw pa sana ni Mom, pero nagpumilit ako. Tapos pinacheck-up ako ni dad kay Dr.
Paige, then nung
sinabing pwede na akong umuwi pero kailangan pa rin magpahinga sa bahay, pumayag na
siyang
umuwi ako.

SI Jeff naman naka-tayo lang sa isang gilid. Hindi nga siya pinapansin ni Mom.
Siguro nung tulog ako
pinagalitan siya ng bongga ni Mom. Kawawa naman ang Jeff ko. Tapos mayamaya pa,
hinanda na ang
mga gamit ko dahil uuwi na kami. Si Jeff naman kinausap ni Dad sa labas. Hala
naman, bakit ba nila
pinag-iinitan si Jeff?

Si mom pa gusto sa bahay nila ako umuwi. Ayoko nga, gusto ko sa bahay namin ni
Jeff. Mayamaya pa,
lumabas na kami at sinakay na ni Jeff ang mga gamit sa car. Grabe nga eh, kahit
plastic bag, ayaw akong
pagkargahin.

"Mom. Aalis na po kami." Hawak-hawak pa rin kasi ni Mom ang kamay ko.

"Tin. Ayaw mo ba talagang sa bahay muna? I can take care of you if dun ka muna
magstay."

"Mom."

"Hon, may asawa na si Tin. Bitawan mo na nga sya." Tapos humarap sa'kin si Dad.
"Take care ok? Just
call us if you need anything."

"Yes dad. Thanks. Mom wag ka na po umiyak." Niyakap ko sila then kiss.

"Mauuna na po kami." Dumating naman si Jeff sa tabi ko. Na-ikarga na hata lahat ng
gamit sa kotse.
"Pakisabi nga hon sa isang lalake dyan na ingatan nya ang baby ko." Sabi ni mom kay
Dad.

"Mom. Bakit hindi nyo po kinakausap si Jeff?"

"Well young man, nagkakaintindihan naman tayo diba?" Sabi naman ni Dad kay Jeff.

"Yes Sir." Hala ano 'to parang CAT lang?

"Tin. Pakisabi sa asawa mo na siguraduhin nya lang ang sinasabi nya. Or else I'll
slap him harder next
time." Sama pa rin ng tingin ni Mom kay Jeff.

"What? Mom! Sinampal nyo po si Jeff? Mom naman! Bakit nyo naman po-"

"Iingatan ko po sya." Bigla namang nagsalita 'to si Jeff. Napatingin tuloy kami sa
kanya. "Let's go Tin."

Pinagbuksan niya pa ako ng pinto tapos umalis na kami. Hala naman, ang tahimik sa
kotse. Galit ba siya?
Pero mukhang hindi naman siya galit. Mayamaya pa, nakarating na kami sa bahay.

"Uhm Jeff. Gusto mo tulungan kita sa mga binibitbit mo?"

"Wag na. Mapahinga ka na lang sa kwarto mo."

Nakapasok na kami. Inaayos na ni Jeff ang mga gamit. "Pero hindi naman ako inaantok
eh." Umupo na
lang ako sa sofa at binuksan ko ang tv.

"Tsk. Hindi ka ba mapapagod nyan?"

"Huh? Hala grabe naman Jeff. Wala nga akong ginagawa eh. Pa'no ako mapapagod?"
Seriously?!
Nakakapaod manood ng tv? Ito talaga si Jeff. Anyway, nanood muna akong konti ng tv.
Hanggang sa
bored na ako. Ano ba yan, bawal pa din ako pumunta sa shop eh. Tapos si Jeff naman
ayaw ako
patulungin sa pag-aayos. Ano na lang gagawin ko? Napatingin ako sa orasan! Sakto!

Tumayo ako. "Sa'n ka pupunta?"

"Ah, magluluto ako ng lunch Jeff. Anong gusto mo kainin?"

"Tsk. Maupo ka na nga lang."

"P-Pero-" Bigla naman ako inupo ni Jeff dun sa dining room chair. Gusto ko magluto.

"Dito ka lang."

"Jeff, hindi naman nakakapagod magluto-"

"Ako na ang magluluto."

"Huh? Talaga Jeff? Marunong ka magluto?"

"Tsk. Ano bang akala mo sa'kin? Dito ka lang, wag kang gagalaw." At syempre hindi
na nga ako
gumalaw. Wow grabe totoo ba 'to? Makakatikim ba talaga ako ng luto ni Jeff? Hindi
pa ako ever ever
ever nakakatikim ng kahit anong niluto niya. Excited na 'ko!! For sure masarap
magluto si Jeff! Si bubu
ko pa! The best ata 'yan!

HALA! Isang oras na! bakit ang tagal ni Jeff? Dibdiban hata ang ginagawa niyang
pagluluto.

"Jeff? Hindi ka pa ba tapos? Gusto mo bang tulungan kita?"

"Tsk. Tapos na 'ko. Dyan ka lang."

"Uhm, ok."Wow grabe excited na 'ko! Mayamaya pa, lumabas na si Jeff. Pawis na
pawis. Dinibdib niya
siguro talaga ang pagluluto! Kaya lang parang, medyo kinakabahan siya? Nilagyan
niya ako ng plato
then utensils.

Nilabas na rin niya ang rice. Kaya lang pagtingin ko, bakit ang daming tubig? Lugaw
ba 'to?

"Medyo napadami yung tubig sa kanin." Sabi niya habang namumula ang tenga. Ang cute
talaga ni Jeff.

Nginitian ko siya. "No problem Bubu! Actually favorite ko nga yung kanin na medyo
masabaw eh.
Galing mo talaga!" Nag-iwas naman siya ng tingin tapos pumasok ulit sa kusina. Well
hindi ko naman
talaga favorite ang kaning may sabaw, pero luto naman 'to ni Jeff eh. Kaya kakainin
ko 'to.

Mayamaya pa, lumabas na siya na may hawak na platong nakatakip pa. Naks may cover
pang
nalalaman! "Wow Bubu! Mukhang masarap yan ah!" For sure masarap. Isang oras niya
'yan ginawa.

Umupo naman siya sa harap ko sa lamesa. Tapos nilapag na niya ang plato sa gitna
namin. Excited na
'ko! Inamoy-amoy ko pa.

"Yum! Ang bango Bubu ah. Sigurado masarap 'to!" Actually hindi naman mabango. Ang
totoo nyan,
amoy sunog. Ano kaya 'to? Pero syempre sa pang-amoy ko mabango yan! Niluto ni Jeff!

And then binuksan na niya ang kanyang niluto! Tentenenen! Ngumiti ako ng malaki.
"Wow Bubu! Ang
ganda naman ng pagkakaluto mo. It's a....." Teka. Ano nga ba 'tong niluto niya. May
isang buong
kamatis, at isang buong sibuyas na nasa yellow na thing na medyo sunog. Pancakes ba
'to? Yung
kamatis at sibuyas 'yung mata?

"Scrambled egg." Napatingin naman ako nang bigla kay Jeff. Kinakabahan ba siya?
"Medyo nasunog
lang so..." So yung yellow pala yung itlog. Then lalagyan niya dapat ng kamatis at
sibuyas, pero hindi
naman niya hiniwa. Yung buo tuloy 'yung nilagay. Now i know, hindi pala talaga
marunong magluto si
Jeff.

"Yum! Scrambled eggs? Favorite ko yan eh! Ang galing mo naman Bubu magluto!"

"Mmmm." Namumula ang tenga nyia. Hala! Nilagyan niya ako ng masabaw na rice sa
plate, pati na din
nung scrambled egg niya. Nilagay niya rin sa'kin yung isang buong kamatis at
sibuyas.

"Kumain ka ng madami. Magpalakas ka."

"S-Syempre naman." Kumuha ako ng piece nung itlog, then konting rice din. Kainin mo
'yan Tin, niluto
yan ni Jeff. Sinubo ko na.

Oh my gosh. Hilaw pa ang kanin tapos yung itlog, lasang sunog. Sinama niya pa hata
yung egg shell sa
scrambled egg niya. Halos hindi ko manguya.

"Kamusta? Ayos lang ba?" Tanong sa'kin ni jeff habang nakatingin sa'kin.
Naghihintay ng reaction ko
habang namumula ang tenga. First time niya nga hata magluto. I should be happy. Ako
ang unang
nakatikim ng luto niya.

With all difficulty, nilunok ko na kung ano ang sinubo ko. Pagkatapos ko uminom ng
tubig, ngumiti ako
ng napakalaki kay Jeff. "Super sarap Bubu! Grabe ang galing mo pala talaga
magluto!"

Hindi ako nagsisinuggaling Lord ha. Masarap talaga. Masarap siya talaga. Okay sorry
Lord I'm lying. Pero
kasi naman si Jeff. Namula pa lalo ang tenga tapos parang nagingiti na, masasabi ko
bang hindi masarap
yung luto niya? Syempre ayoko namang mahurt yung feelings niya diba.

"Kumain ka pa ng madami." Hala! Dinagdagan pa ni Jeff ang nakalagay sa plato ko.

"T-Teka lang Bubu. Uhm, ikaw? Hindi ka ba kakain? Bakit nilalagay mo lahat sa'kin?"

"Kailangan mo magpalakas. Kaya dapat kainin mo lahat."

Sweet sana yung thought ni Je. Kaya lang, mamamatay ako nito. Pero syempre kinain
ko pa rin yung
nilagay nIya. Halos kalahati na ako nang biglang tumunog yung doorbell. Parang
gusto kong maiyak.

"I'll get the door." Tumayo na 'ko. Woooh makatakas lang Tin eh 'no?

"Tsk. Umupo ka na lang. Ako na." Umalis na si Jeff. Nung wala siya uminom ako ng
uminom ng tubig.
Hala bakit feeling ko masusuka na 'ko? Hindi pwede, pigilin mo Tin. Pigilin mo.
Bumalik na ulit si Jeff at
umupo.

"Sino yung nagdoorbell?" Tanong ko

"Nobody."
Biglang tumunog ulit. "Hindi mo ba sya pinapasok Jeff?"

"Tsk. Fine." Tumayo ulit si Jeff then binuksan na yung pinto. Sino ba yun?

"Boss! Ganda ng bahay ah! Asan si Tin?" Ehh? Parang kilala ko ang boses na 'yun.
"Tin! Andito ka pala!
Tinatago ka ba sa'min ni Boss?"

"Rey!" Tumayo naman ako at niyakap sya. Pati na rin sina Paul at Bessie.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Lumapit sa akin si Paul

"Ok na 'ko Paul. Thank you."

"Tin. Pinapabigay ng mga tao sa opisina." Inabutan naman ako ni Bessie ng mga 'Get
well soon cards'.

"Thank you Bessie. Pakisabi rin sa kanila salamat ha." Ang sweet naman nila.

"Nahuli ng mga pulis 'yung Jaime Santos na kumidnap sa'yo. Kahit isa pa lang siya
sa mga Santoses na
nahuhuli, siguradong darating ang panahon na makakasuhan din yung iba." Napatingin
naman ako kay
Paul.

"G-Ganun ba." Wow bigla ko namang naalala ang nagyari. Sana nga mahuli na sila.

"Tsk. Tapos na ang sinadya niyo. Umalis na kayo." Tapos napatingin naman ako kay
Jeff.

"Ito naman si Boss! Kakadating lang eh! Oi Tin, magpagaling ka ha." Ngumisi naman
tong si Rey.

"Syempre naman Rey!"

"Yown! Teka. Anong kinakain mo? Pakain naman hindi pa kami naglulunch eh." Lumapit
naman si Rey
sa table.

"Tsk. Umalis na nga kayo. Hindi kayo pwede kumain dito." Hinarang naman ni Jeff si
Rey.

"Ito talaga si Boss ang selfish! Ayaw mong i-share 'yung luto ni Tin?!" Sumingit pa
rin si Rey kahit
nakaharang si Jeff.

"Luto ba 'to ni Tin? Ano ba 'to?" Sabi ni Paul habang tinitngnan yung lamesa.

"Scrambled egg yan Paul-"

"SCRAMBLED EGG? Eh bakit mukhang nakakadiri?" nakataas kilay na sabi ni Rey.


Napatingin ako kay
Jeff. Oh no, nakakunot na ang kilay niya.

"Tin, hilaw pa ang lugaw niyo. Kailangan pa 'to ng konting luto." Sabi naman ni
Bessie

Oh no. Kailangan na nila tumigil. Magagalit na si Jeff nito.


"Bakit may buong kamatis at sibuyas sa plato mo?" ehh? Paul ano 'yan eh?

"Uhm kasi-" Waa Bakit ba kasi hindi ako makaisip ng sasabihin?

"Sige nga patikim nung itlog! Kahit na mukhang hindi maganda, masarap naman lagi
'yung luto ni Tin
eh." Kumuha na si Rey ng kutsara.

Hala, hindi pwede. Hindi niya pwede matikman. Kumuha na ng scrambled egg si Rey.

"Uhm Rey ang totoo kasi nyan.." Sinubo na ni Rey ang nasa kutsara niya. Oh no. "Si
Jeff yung nagluto."

"Ahh. Kaya pala."

"Boss? Nagluluto ka? Medyo kulang pa sa luto yung lugaw..." sabi ni Bessie

Binuga ni Rey ang sinubo niya. "Tangina boss! May egg shell pa dito sa scrambled
egg mo?!" Tapos
tumakbo siya sa ref at uminom ng maraming tubig. Hala hala.

"Tsk. Pinapakain mo ng ganito ang asawa mo Boss?" Inamoy-amoy pa ni Paul ang


pagkain. Naman!
Iniinis pa nila si Jeff.

Nilapitan ko siya. "Uhm. Masarap naman talaga Bubu eh. Medyo nasunong lang kaya
siguro ayaw nila."

Tumingin naman sa'kin si Jeff tapos kumuha sa kutsara nung scrambed egg niya.
Hinaluan nyiia pa ng
lugaw, este kanin. Oh no.

"Jeff wag mo na tikman." Sabi ko sa kanya habang nakangiti. Please Jeff huwag na.
Pero syempre,
sinubo pa rin nya. Nakatingin lang tuloy ang lahat sa kanya.

Naka-poker face lang siya. Nginunguya niya ang niluto niya. Then hanggang sa
nilunok niya. Napalunok
din tuloy kaming lahat.

"Well?" nakangising sabi ni Bessie

Nakatingin lang kami lahat kay Jeff. Nakatayo lang siya dun. Kaya lang mayamaya
tumakbo siya sa CR at
sumuka. HALA! Okay lang ba siya?

"Ano ba yan si Boss! Sige na Tin alis na kami. Pagaling ka." Naglakad na si Rey

"S-Sige. Salamat."

Niyakap ako ni Bessie tapos binulungan naman ako ni Paul. "Bilib na talaga 'ko
sa'yo Tin. Pati luto ni Boss
pinagtyatyagaan mo." Nginitian niya ako kaya nginitian ko rin sya. Then umalis na
sila. Tumakbo ako
agad sa CR para i-check si Jeff. Pero palabas na siya.

"You should also throw up. Throw everything up." Tapos tinulak ako ni Jeff papunta
sa CR. Pero bakit
ganun, hindi na ako nasusuka. Oh well. Ganito katibay siguro talaga ang pag-ibig ko
kay Jeff! Kahit
anong pagkain, kaya kong kainin!

"Jeff. Labas naman tayo."

"Tsk. Hindi pwede. Magpahinga ka lang."

Naman eh. Wala ba talaga akong pwedeng gawin? Naka-upo lang ako rito sa dining area
habang
kumakain. Well, nag-order na lang kami ng pagkain. Tinapon na ni Jeff ang niluto
niya. Si Jeff naman
naka-upo lang dun sa sofa, nagbabasa na naman.

"Bubu sige na. Labas tayo! Okay lang naman ako eh."

"Hindi pwede." Kanina ko pa siya pinepester, hindi naman ako pinapayagan.


Pagkatapos ko kumain,
nagtoothbrush lang ako tapos umupo sa tabi ni Jeff.

"Pupunta na lang ako sa shop. Hindi ako mapapagod dun promise."

"Bawal."

"Sa mall na lang?"

"No."

"Sa sinehan? Sa playground?"

"Hindi pwede."

"Sa puso mo?"

Napatigil naman siya sa pagbabasa at napatingin sa'kin. Tumawa ako pagkatingin niya
sa kin.

"Bakit ka tumatawa?" his brow creased.

Tumawa ulit ako.

"Tsk. Bakit nga?"

Tumigil na ako. "Wala lang. Trip ko lang." Nginitian ko siya ng malaki. Naman eh,
nabobored na kasi ako
dito sa bahay.

"Wag ka na nga tumawa. Baka mapagod ka." Hala naman. Pati tumawa bawal na rin? Ano
na lang
gagawin ko.

"Ok lang naman talaga ako Jeff eh." Hinawakan ko ang right cheek ko. Hindi na naman
masakit ang
sampal sa'kin eh. Promise okay na talaga.

"Tsk. Yan na nga bang sinasabi ko. Masakit ba?"


"Huh? Jeff hindi naman talaga-" Hinawakan nya ang right cheek ko. Tapos hinaplos-
haplos. Hala hala.

"Sabi ko na kasing wag tumawa. Ano masakit pa ba?" Nagsmile naman ako ng malaki.
"Tsk. Wag ka na
nga rin ngumiti. Baka sumakit ang mukha mo."

"Uhm, actually Bubu. Pati yung kabila masakit."

"Ano? Tsk." Hinawakan niya rin ang left cheek ko. Tapos hinaplos-haplos. Wooooh mga
da moves ko
talaga! Napakahusay. "Tumawag na nga tayo ng doktor."

"Ha? Hala wag na. Uhm, ano. Hindi naman kasi masyado masakit Bubu eh." Kumunot
naman ang noo
niya tapos tumingin sa'kin. "Uhm, sige Bubu haplus-haplusin mo lang. Mawawala an
yung sakit."

"Tsk. Niloloko mo ba 'ko?"

"Hala bubu! Bakit kita lolokohin? Hindi ko magagawa yun 'no!"

Tinitigan niya naman ako habang nakakunot na naman ang noo. Nginitian ko siya. Pero
biglang
tumunog ang door bell.

"Dito ka lang. Buubuksan ko yung pinto." Tumayo na si Jeff.

"Uh, ok." Naman o. Ang asungot naman nungnagdoorbell. Nakakachansing na nga ako.
Naman talaga!

"TIN!"

"ANJ!" Sabi ko na nga ba asungot. Chos. Syempre masaya ako na nandito si Anj.
Nilapitan ko siya at
niyakap.

"Hey gorgeous!"

"Kev!" Yayakapin ko na rin sana si Kev kaya lang hinawakan naman ako bigla nito ni
Jeff.

"Wag ka masyadong gumalaw. Baka mapagod ka." Sabi sa'kin ni Jeff tapos pinaupo ako
ulit.
Nagtinginan naman si Anj at Kev at parang natatawa. Nagkwentuhan galore muna kami
sa sala. Well
syempre si Jeff tahimik lang. Tumatango lang kapag kinakausap.

"Tin! Let's prepare some juice." Hinila ako patayo ni Anj

"Sure!" Kaya lang tumayo rin si Jeff.

"Hindi siya pwede mapagod. Ako na lang kukuha."

"Oh come on Jeff. Hindi naman nakakapagod kumuha ng juice 'no." Bigla na lang ako
hinigit ni Anj
papuntang kitchen. Wala na lang nagawa si Jeff. Kaya idol ko 'to si Master Anj.
"Ok lang ba maiwan si Jeff kasama si Kev? Hindi ba mag-aaway yun?"

"Ano ka ba bakla, okay lang yan. Good influence kaya ang babe ko sa asawa mong
masyadong
masungit." Binuksan ni Anj ang ref at kumuha ng pagkain. Tapos umupo dun sa kitchen
counter.
Nagstart naman ako magprepare ng juice.

"Uy hindi masungit yun 'no. Ang sweet kaya ng Bubu ko." Ngumiti naman ako ng malaki
at nagdreamy
face.

"Alam mo Tin ang landi mo! Tinawagan pa naman ako ng nanay mo, alalang-alala! Akala
ko pa naman
naghihingalo ka na."

"Hay naku Anj, kilala mo naman yun si Mom. May pagka-OA. Pero okay na naman talaga
ako eh."

"Wag ka kasi masyadong magmukhang mayaman! Kaya ka kinikidnap eh."

"Hala. Wala naman akong ginagawa eh." Lumapit naman sa'kin si Anj at pinisil ang
cheeks ko. Ang cute
ba talaga ng cheeks ko at gusto nilang pisilin?

"I'm glad you're fine Teeny Weeny." Nginitian ko naman siya.

"Thanks Anj.... Ang drama mo ah-Ouch!" Pinisil niya kasi ng todo ang cheeks ko.

"Sige na sige na, ipasok mo na yan sa loob. Mamaya pagalitan pa 'ko ng asawa mo
dahil napagod ka
dito."

"Di naman ako napapagod eh."

Pero nilabas ko na ang juice. Mukhang seryoso hata ang pinag-uusapan nila. Well
seryoso, kasi
although ngumingiti si Kev, si Jeff todo nakikinig. Hmm. Okay naman ata sila.

"Hi Babe. Anong pinagkukwentuhan niyo ni papa Jeff?" Si Anj, umupo sa tabi ni Kev.

"Secret babe. Guys' talk." Kumindat naman si Kev.

"Wooshooo! Gaya-gaya lang kayo sa girls' talk namin ni Tin eh." Ngiting ngiting
sabi ni Anj.

"Bubu okay ka lang?" Tumabi naman ako kay Jeff.

"Mmm." Sabi ni Jeff, then nag-iwas ng tingin. Bakit namumula na naman tenga nito?
Tiningnan ko ng
masama si Kev. Ngumiti lang naman siya at nagshrug.

Nagkwentuhan din muna kami. Actually matagal kaming nagkwentuhan. Si Anj pa at si


Kev! Ang ingay
ng dalawang yan!

After some time, tiningnan ko naman si Jeff. Medyo nakakunot na ang noo niya.
Naiinis na siguro,
kanina pa may bisita. Di pa naman 'to sanay kapag laging may ibang tao. Pero
naappreciate ko naman
na nandito pa rin siya. I mean, pwede naman siya umalis pero sinasamahan niya pa
rin ako.

"Babe diba may gagawin ka pa?" Nagstretch ng braso si Kev.

"Ako? Wala 'no-" Hinila naman ni Kev si Anj.

"Meron Babe. May gagawin ka pa. Alis na tayo?" Tinitigan naman siya ni Kevin.
Umirap naman si Anj.

"O sige na nga, aalis na kami. Nakaka-istorbo naman ata kami dito." Tumayo na si
Anj at Kev.

"Ui hindi naman Anj. Gusto niyo ba dito na din kayo magdinner? Hapon na naman eh."

"Sure-"

"EHEM." Nagfake cough si Jeff.

"Wag na Babe. Tin uwi na kami. Bawal pa kasing mapagod ang dyosa diba?" Kumindat na
naman tong si
Kev.

"S-Sige. Ingat kayo." Nag-beso kami i Anj tapo hinatid ko sila sa may pinto. Habang
naglalakad sila
palabas, nagbubulungan pa.

"Babe dito muna tayo. Wala naman akong gagawin eh." Sabi ni Anj kay Kev.

"Iwanan na natin sila. Busy sila." Bulong naman ni Kev. Kahit bulong naririnig ko.

"Hindi yan! Wala namang gagawin yan si Tin eh."

"Si Tin wala. Yung lalake meron. Kinausap ko na."

"Ano na namang kalokohan ang sinabi mo dun Babe?"

"Ehem." Sinara na ni Jeff ang pinto. "You should rest. I'll wash the glasses."

"H-Hindi Jeff. Ako na lang maghuhugas."

"Ako na. Magpahinga ka na lang." Hindi naman nakakapagod yun.

"Ehhhh. Hindi naman ako pagod eh." Nagpout tuloy ako. "Kanina pa 'ko walang
ginagawa."

Tinitigan naman ako sandali ni Jeff. "Tsk. Fine. Let's walk outside after I wash
the glasses."

"Talaga Jeff?! Sige sige sige!" Tumakbo naman agad ako papuntang taas para magpalit
ng damit sa
kwarto. Yes yes yes makakalabas ako ng bahay! Ayos 'to!

Mayamaya pa bumaba na ako tapos lumabas na kami ng bahay ni Jeff. Palubog na ang
araw kaya
medyo malamig na. Perfect mag-stroll around the neighborhood. Naglakad-lakad pa
kami. Grabe ang
sarap ng simoy ng hangin. Nililipad-lipad pa ng konti ang buhok ko. Tapos kasabay
ko pa maglakad si
Jeff, ang saya!

"Jeff thank you talaga ha! Buti pumayag ka na lumabas tayo! Ang saya!"

Naglakad pa kami. Hindi talaga matanggal ang ngiti ko! Ang refreshing kasi ng
outdoors!

"Tin."

"Hmm?"

"May sasabihin ako sa'yo." Napatingin ako sa kanya. Wow kinakabahan ba siya?

"Ano yun Jeff?" Tumingin naman siya sandali sa'kin tapos nag-iwas ng tingin.

"I..." Jeff trailed off

"I?"

"I really...." Kinakabahan ba tong si Jeff?

"Huh?"

"I really...Tsk." Ginulo naman niya ng konti ang buhok niya. Hala hala. Hindi pa
rin tumitingin sa'kin.

"Anong sabi mo Bubu? I really tsk?"

"Haist! Hindi!" Lumunok naman siya. "I really really..."

Napatingin naman siya sa'kin. Natatawa na ako.

"Pinagtatawanan mo ba 'ko?"

"Hala! Hindi bubu ah." Kinakagat ko ang dila ko. Pinipigilang ngumiti ang sarili.

"Wag kang tumawa."

Hindi ko na mapigilan natatawa na talaga ako.

"Tsk. Sinabing wag diba?"

Tawa ulit. Waa! Nakakatawa talaga.

"Tsk. Hindi ka ba titigil?"

"S-Sorry. Sorry." Pinigil ko na ang pagtawa. "Ikaw kasi Bubu eh!"

"Ano na naman?"

"Yung tenga mo Bubu! Namumula! Tapos hindi ka pa makatingin sa'kin. Tapos hindi mo
pa masabi yung
gusto mong sabihin. Tapos sunset pa ngayon!" ngumiti naman ako ng pang-asar "Kung
hindi lang ikaw
si Jeff, iisipin ko magcoconfess ka sa'kin eh."

Bigla naman siyang tumigil sa paglalakad. Napatigil din tuloy ako. Then tiningnan
niya ako ng seryoso sa
mata. EHHHH? Magcoconfess ba talaga sya kanina? Tama ba ang hula ko? Hala naman.
Bakit parang
bigla akong kinabahan?

"Tin." Sabi niya sa seryosong boses.

"B-Bakit Bubu?" Ito na ba? Ang moment of truth? Kyaaaaaa.

"Mr. and Mrs. Lee! Nice to see you around the neighborhood!"

Nasira naman ang eye-to-eye namin ni Jeff dahil napatingin kami sa biglang
nagsalita.

"M-Madam."

"Hello Tin, long time no see!" ngumiti naman si madam

Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa na feeling ko magcoconfess si Jeff saka naman
namin
makakasalubong ang Homeowners' Association?!

"Hi Mr. Adonis!" Sabi naman nung isang babae. Kumunot naman bigla ang kilay ni
Jeff. Wala na, panira
na talaga sila ng moment.

Nakipagkwentuhan pa kami ng konti sa kanila. Well actually sila lang ang


nagsasalita, nakikingiti at
nakikitango lang kami ni Jeff. Humingi na rin ako ng copy kay Madam ng rules and
regulations sa
subdivision. Diba pinagchismisan nila ako dati? Dapat di na yun maulit 'no.

Salamat naman. Naka-alis na rin kami ni Jeff. Ang hirap hata makawala kay Madam.
Nakapangako nga
agad kami ng donation para sa bagong project ng homeowner. Kamusta naman yun.

"Jeff punta tayo dun!" Tinuro ko ang clubhouse tapos tumakbo na ako papasok. Walang
masyadong
tao dito sa clubhouse. Pumasok at tumayo naman si Jeff sa may gitna.

"Tsk. Ano bang ginagawa natin dito? Umuwi na nga tayo!"

"Huh? Uuwi na agad? Wag muna Jeff!" Pumunta naman ako dun sa harap. 'Yung kung
nasan 'yung
stage ng Mr. Adonis dati. Hihi. "Ladies ang gentlemen! Let's welcome our Mr. Adonis
2012!" Nagboses
emcee pa ako niyan.

Nagcross arms naman si Jeff habang pinapanood ako. "Nang-aasar ka ba?"

"He-he Hindi ah!" Tapos rumampa ako kunwari. Ginaya ko ang lakad ng mga lalake.
"Diba Jeff ganito
yung lakad mo kaya ka nanalo."

Namumula na ang tenga niya. Ang cute talaga asarin nito ni Jeff. "Itigil mo na nga
yan!"

"Tapos pano nga ba yung talent mo Jeff? Teka nakalimutan ko eh. Iisipin ko muna.
Pano nga ba yun?
Basta diba best talent ka?"
"Tsk. Uuwi na ako." Tapos tumalikod na siya at naglakad na. Ang bilis talaga
mapikon nito

"Uy sandali lang bubu! Ikaw naman hindi ka na mabiro." Hinabol ko siya tapos
hinawakan ko ang kamay
niya. Napatigil tuloy siya sa paglalakad tapos napatingin sa'kin. "Alam mo kung
nasabihan lang ako ng
maaga, ang talent mo dapat ay dancing."

"Tsk. Kung sinabihan mo 'ko, hindi ako sasali-" Hinigit ko naman ang kamay niya.

"Okay practice na tayo!" Nilagay ko ang right hand ko sa shoulder niya, tapos
tinaas ko ang left hand ko.
This is what you call, a ballroom dancing position. Chos.

"Umuwi na nga tayo."

"Hindi pa pwede Bubu. Sasayaw pa tayo."

"Tsk. Ayoko."

"Hmm. Hindi ka ba marunong? Don't worry sabayan mo lang ako." Then ginalaw-galaw ko
ang paa ko.
Pano nga ba ulit magwaltz? Parang ganito hata yung step nun. Di ko masyado
matandaan.

"Marunong daw."

"Marunong talaga ako Bubu! Medyo nakalimutan ko lang. Hmm, alam ko ganito lang yun
tapos-" Bigla
akong inikot-ikot ni Jeff. Tapos sinayaw-sayaw niya ako.

"Waaaa! Ang galing mo pala sumayaw Bubu!" Namumula na naman ang tenga. Sinayaw-
sayaw niya pa
ako. Tapos inikot-ikot. Ang saya naman! "Fast learner ka talaga Bubu! Ang galing ko
magturo kung
pa'no sumayaw 'no?"

"Tsk."

"It's okay Bubu. No need to thank me." Nginitian ko naman siya then sinayaw-sayaw
niya pa 'ko. Wow
kahit hindi ko maalala ang steps parang nililipad lang ang mga paa ko. Ang galing
kasi ni Jeff talaga eh.
Hanggang sa...

"Sorry sorry! Natapakan ko yung paa mo! Sorry Jeff!!" Napatigil tuloy kami sa
pagsasayaw.

"Ngayon mo lang napansin? Kanina pa kaya."

"HUH?! Talaga? Waaaa! Sorry sorry sorry! Masakit na ba yung paa mo? Kanina ko pa ba
naapakan?"
Nakatungo ako dahil tinitingnan ko ang paa niya. "Ano pupunta na ba tayo ng
ospital? Masakit ba ng
super super Bubu? Hala naman bakit kasi ako nagmamarunong sumayaw eh hindi naman
talaga-
Ouch."
Ito talaga si Jeff. Pinitik na naman ang noo ko. Napahawak tuloy ako sa noo.

"Stop always worrying about me." Sabin i Jeff.

"Pero kasi-" Bigla namang hinawakan ni Jeff ang bewang ko. Napalagay tuloy ang mga
kamay ko sa
balikat niya.

"Let's just dance slowly." Hala hala. Ang lapit naman namin ng bongga ni Jeff.
Sumasayaw-sayaw lang
kami ng dahan-dahan. Naks parang prom lang ah. Wala nga lang tugtog.

"Bubu. Ok na ba yung paa mo? Pwede naman kasi tayong pumunta ng hospital-"

Pinulupot niya ang arms niya sa bewang ko. Napalapit tuloy ako sa kanya. Hala
naman, magkayakap na
kami. Pero gumagalaw-galaw pa rin kami. Parang sumasayaw na magkayakap lang. Basta
ang lapit
namin. As in nararamdaman ko na ang mabilis na tibok ng puso niya. Or puso ko ba
'yun?

"I'm sorry." Bulong niya.

"Ehh? Kasalanan ko naman na natapakan kita-"

Hinigpitan naman niya ang yakap niya sa'kin. "For everything. I'm sorry for
everything."

Bakit ba siya nagsosorry? Kasalanan ko naman talaga. Basta hindi ako makapag-isip.
Nararamdaman ko
kasi ang hininga niya sa leeg ko kapag nagsasalita siya.

"Hindi ko pinirmahan yung dokumento. Buti dumating agad ang mga pulis. Basta hindi
ako titigil
hanggang hindi pa sila napapakulong. Ipapakulong ko sila lahat." Bulong na naman ni
Jeff. Nakikiliti na
talaga ang leeg ko! Tin kase, seryoso 'to.

"Wala ka namang kasalanan Bubu eh." Pinulupot ko rin ang arms ko sa leeg niya.
Tapos hinigpitan ko rin
ang yakap ko sa kanya. Ito talaga, seryosong paglalandi na.

"Sinasakal mo ba 'ko?"

"Huh? Hindi ah!" Medyo niluwagan ko naman ang hawak ko. Baka di na siya makahinga.
Nagyakapan
muna kami dun then after some time, naglakad na kami pabalik sa bahay.

Gabi na kasi kaya madilim na. Ito namang si Jeff ang bilis maglakad. Nangunguna.
Ano na namang
problema nito? Kanina kung makayakap sa'kin parang dikya, tapos ngayon ang bilis
maglakad? Naiiwan
tuloy ako.

"Uy Jeff wait lang." Hala ang bilis pa rin niya maglakad. Naiihi na ba 'to?
Sinusundan ko pa rin siya sa
likod. "Ui diba bawal ako mapagod?"
Napatigil siya sa paglalakad. Tumakbo naman ako papalapit sa kanya. "Hay grabe Bubu
bakit ang bilis
mo maglakad-"

"Tin." Hala bakit ang seryoso na naman ng boses niya?

"May problema ba?" Nakatalikod pa rin kasi siya sa'kin. Hindi ko makita ang mukha
niya.

"Sinasagot na kita."

"Huh?!" Teka. Ano daw? Tama ba ang narinig ko? Bigla naman siyang humarap sa'kin.
Namumula ang
tenga.

"Oo na. Tayo na."

"HUH?!" Is he saying what I think he's saying? Chos ang gulo lang. Nagcross arms
naman siya.

"Ehem. Bakit hindi mo 'ko hinintay Jeff. Umalis lang naman ako para humingi ng
tulong. Dapat hinintay
mo 'ko. Tsaka, magcoconfess pa 'ko sa'yo diba." Monotonous pa ang pagkakasabi niya.
Pero teka teka!
'Yan ba ang sinabi ko kay lolo Erning na narinig ni Jeff? "Sasabihin ko pa na mahal
kita eh. Tatanungin pa
kita kung pwede kita maging boyfriend-"

Tinakpan ko ang bibig ni Jeff. Hala naman 'yan nga yung sinabi ko! Bakit memorize
na niya agad!
Nakakahiya! Waaa!

"Bubu naman eh! Hindi kasi dapat ganun yung confession ko! Hindi mo naman kasi
dapat yun narinig
eh! Diba akala ko nga patay ka na!"

Tinanggal naman ni Jeff ang kamay ko sa bibig niya. Pero hindi niya pa rin
binitawan ang kamay ko.
Tapos bigla syang nagsmile. Waaaaaaa! Minsan lang magsmile si Jeff ng ganito! 'Yung
nakakalaglag
panty na smile!

"Be my girl, Tin." Yan ang narinig kong sinabi niya bago ako... nahimatay.
Nahimatay dahil sa sobrang
saya.

Hala. For the first time in my life, may boyfriend na hata ako.

*******************************************
[25] GIRLFRIEND
*******************************************
CHAPTER 24

GIRLFRIEND

Paano nga ba maging isang mabuting girlfriend?


"Bubu! Ito na yung lunchbox mo o." Sapilitan kong nilagay sa kamay niya. "Kumain ka
ng mabuti ha!
Wag kang magpapalipas ng gutom." Super smile pa ako.

"Mmm."

"Yung gamit mo kumpleto na ba?"

"Mmm. Tara na." Hinahatid na kasi ako ni Jeff ngayon bago siya pumasok. Hatid-sundo
na ako ngayon
sa shop! Level-up na talaga ako.

"Wait lang bubu! Nagdala ka ba ng extra shirt? Eh ng pamunas sa likod-"

"Tsk. Tara na."

"Pero kasi Bubu diba. Baka pagpawisan ka-"

"Tama na nga yan. Umalis na tayo."

"Wait! Last na bubu!" Lumapit ako sa kanya at inayos ang necktie niya. "Medyo
tagilid kasi yung
pagkakatali mo eh." Wooooh, ang swerte ko talaga. Hinahayaan na niya akong ayusin
ang necktie niya.

Nakatingin lang siya sa'kin. Hala naiinis na ba siya ng todo? Ito talaga si Jeff,
nagmamadali lagi. "Wag ka
na mainis Bubu. Hindi pa naman tayo late eh." Inayos ko lang ang necktie niya tapos
nginitian ko siya.
"Ayan ok na."

Nakatingin pa rin siya sa'kin. Galit na ba 'to? "Uy. Sorry na. Sige na, halika na,
umalis na tayo, diba
nagmamadali tayo-"

"Tin." Binalik niya sa'kin ang lunchbox na binigay ko kanina.

"Huh?" Hala naman. Galit na ba talaga 'to? Bakit niya binabalik? Niluto ko 'to ng
maaga.

"Dalhin mo na lang yan mamaya. Ipapasundo kita. Sabay tayo maglunch." Sabi niya
tapos lumabas na
papuntang kotse.

Naman. Umagang-umaga pinapakilig ako ni Jeff. YES MAY LUNCH DATE KAMI MAMAYA!

Hinatid na ako ni Jeff sa shop. Tapos syempre ang dami ko pang pahabol na paalala
bago siya nakaalis.
Mahirap na 'no, baka magkasakit ang Jeff ko. Then ayun pumasok na ako sa loob.

"Huy! Ngiti-ngiti ka dyan."

"Hi Anj." Nilagay ko na ang mga gamit ko sa desk. Ang saya!

"Diba kakagaling mo lang sa stress? Eh bakit ang laki ng ngiti mo?"

"Wala naman." Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Parang ang ganda ko today.

"Nako nako nako nako. Tigilan mo 'ko Teeny Weeny." Lumapit naman sa'kin si Anj
habang
nakapamewang. "Spill it. Anong nangyari??"

Nginitian ko siya. "Blooming ba ako today Anj?"

"Tigilan mo 'ko sa kaartehan mo. Ano na nga! Sabihin mo na!"

"Excited naman 'to! Wala naman kasing masyadong nangyari eh." Inayos-ayos ko ang
buhok ko sa
salamin. Gusto ko na maglunch!

Binatukan naman ako bigla nito ni Anj. Aray ha. "Sasabihin mo ba o babatukan ulit
kita? May pabitin
effect pa 'tong nalalaman! Teeny Weeny ha!"

"Sige na sige na. Sasabihin ko na." Lumapit naman ako sa kanya habang nakahawak sa
dress ko. "Anj,
May boyfriend na ata ako."

"O tapos?" Bakit parang bored siya?

"ANJ! MAY BOYFRIEND NA AKO!!" Super sigaw pa ako tapos tili.

"Tin, may asawa ka na."

"Na boyfriend ko na din ngayon. Diba sabi mo, M.U. lang kami dati? Ngayon boyfriend
ko na sya Anj!!"

"O tapos?" Bakit ganyan na naman mukha niya? parang bored.

"Anj naman eh! Kinikilig na ako ng todo dito. Pwede ka naman siguro kiligin din ng
konti diba?"

"Hay nako. Akala ko naman kasi kung ano na. Kung makangiti naman kasi 'to." Pumunta
naman siya sa
bag niya at may kinuha. "Psh, boyfriend. Mga trip nyo talagang mag-asawa. Ay ewan
ko sa inyo!"

"Anj naman eh! First time 'to! As in, wow isipin mo, ako magkakaboyfriend?!
Waaaaaaa! Nakakakilig
diba! Nakakakilig!" Talon talon pa ako.

"Oo na, oo na. Kinikilig na din ako." Emotionless niyang sabi. Hala! May bigla
naman siyang nilagay sa
kamay ko. "At dahil kinikilig ako, ikaw na ang mag-asikaso nyan."

"Ano namang laman nito Anj?" Bakit niya 'ko binigyan ng brown envelope?

"Files sa Art exhibit. Ako na gumawa nyan last year, ikaw na ngayon."

Every year nga pala, nagsasama-sama ang mga artists para gumawa ng isang malaking
exhibit ng mga
paintings. Every year din sumasali kami ni Anj. Promotion din para sa shop,
magiging busy ako nito.

"Ok sige. Ako na bahala dito Anj."

"May meeting bukas with other artists. Makipag-coordinate ka na lang sa kanila."


"Yes ma'am!" Sumaludo pa ako.

"Good. Good. At dahil mabait kang bata..." May inabot na naman siya sa kamay ko.
Maliit na envelope?

"Bibigyan mo pa 'ko ng trabaho?" pa-cute pa ako. Nguso kong nguso.

"Nope. I'm giving you a date."

"Huh?" Binuksan ko ang envelope. Ticket sa isang concert? "Uhm, bakit isa lang?
Asan yung ticket ni
Jeff?"

"Nope Teeny Weeny. It's a date with me. I invited our other college friends. Girls'
night out next
week? Namimiss ko na magparty and mag-boys watching 'no!"

"Huh? Anj." Umupo na ako sofa. "Hindi na ako pwede pumunta sa mga concert at
magparty katulad ng
ginagawa natin dati."

"And why not?"

"May asawa na ako."

"So?" Tinaasan naman niya ako ng kilay.

"Well, bawal na ako mag-boys watching. Or magwala sa concert. Basta bawal na."

"Teeny Weeny!" Umupo naman siya sa tabi ko. "Alam mo bang special ticket yan. Hindi
basta basta ang
pinapasok sa concert na 'to. And besides, minsan na nga lang tayo lumabas diba.
Let's dance and get
drunk!"

"Hindi talaga pwede Anj." And hindi ako pwede malasing, nakakahiya kaya kay Jeff.

Bigla namang nagcross-arms 'to si Anj. Then nag-sad face. Nagpapaawa effect ba
siya? "So ganyanan
na. Hindi ka talaga sasama?"

"Sorry na Anj. Hindi na talaga 'ko pwede." Inabot ko naman sa kanya yung ticket.

"Alam mo ba kung anong meron next week?" Huminto siya saglit tapos tumingin sa
akin. "Birthday mo!
Pwede mo naman makasama yung asawa mo ng buong araw ah. 8pm pa naman ang start ng
concert,
so dapat makapunta ka!"

"Birthday ko na next week?!" Binatukan naman ako ni Anj.

"Oo bakla birthday mo! Gift ko nga yan sa'yo eh." May pumasok naman na customer sa
shop. Tumayo
na kami ni Anj. "Sige basta itago mo muna yang ticket. Just let me know if you
change your mind."
Then nagtrabaho na kami. Nilagay ko na lang ang ticket sa bag ko. Oh well. Hindi
naman talaga ako
pupunta sa concert na 'to. Siguro nung college pwede pa, pero ngayon?
Mas gusto kong i-celebrate ang birthday ko with Jeff! Speaking of which, kailangan
makumbinsi ko siya
na makipagdate sa'kin next week!! Oo tama! Birthday date! Go Tin!

Lunchbreak na. Nandito na ako sa elevator papunta sa floor ni Jeff. Dala ko na ang
lunchbox nya.
Girlfriend na girlfriend.

Ting!

Nandito na ako sa 10th floor. Teka. Bakit parang iba? Bakit parang nagkakagulo
sila? Takbo ng takbo ang
mga tao habang may dala na mga papeles.

Bakit busy pa rin? Lunchbreak na. Dapat naglulunch na sila.

"Bessie?" Wow si Bessie. Todo type sa computer. Napatigil naman syia nang nagsalita
ako.

"Tin! Anong ginagawa mo dito?"

"Uhm-"

"Bessie! Kailangan 'to ipapirma kay Boss!" Lumapit naman sa'min 'yung isang ka-
opisina ni Jeff.
Nginitian niya lang ako sandali then kinausap na ulit si Bessie. Naks, busy talaga
ah.

"Ikaw na lang magpapirma Arnold. Binigyan ako ng deadline ni Boss dito eh."

"Ikaw na Bessie! Katakot si Boss eh. Hulk-mode." Tumingin naman sa'kin sandali si
Arnold tapos
ngumiti. Tapos bumulong kay Bessie. "Basta ikaw na bahala ah."

Nilagay naman niya sa desk ni Bessie ang mga papeles. "Hoy Arnold sandali!"

Mayamaya pa may mga lumapit na naman kay Bessie at binigyan ng mga papeles na
ipapapirma daw
kay Jeff.

"Hay! Kalalakeng-tao mga duwag." Sabi ni Bessie habang nagtatype ulit.

"Uhm Bessie excuse lang..." napatingin siya ulit sa'kin at parang narealize na
nandun nga pala ako.

"Tin, pasensya ka na. Madami lang kasing ginagawa sa opisina eh."

"Ano bang nangyayari? Bakit parang busy lahat ang mga tao?"

"Hulk-mode kasi si Boss."

"Huh?" Anong hulk-mode? Avengers ba ito?

"Medyo bad mood kasi si Boss." Huh? Pero bakit? Okay naman kanina si Jeff nung
umalis siya sa bahay.
"Dinalaw kasi kanina ng tatay niya." Sabi ni Bessie na parang nagets 'yung
pagkaclueless ko.

"S-Si tito Fernan? Tapos? Anong nangyari?" Wow Tin, kung makachismis wagas?

"Ewan ko nga rin! Narinig namin nagsigawan sa loob. Tapos pag-aalis ng tatay ni
Boss, hulk-mode na
siya."

Tiningnan naman niya yung dala kong lunch. "Next time mo na lang yan ibigay kay
Boss, Tin. Hay,
gutom na nga rin kami eh."

May lumapit na naman kay Bessie na nagpapapirma. Kaya ba ayaw nilang pumasok sa
office ni Jeff?
Dahil nasa-hulk mode siya?

"DIBA SINABI KO NANG TAPUSIN NA 'TO! BAKIT HINDI PA RIN TAPOS HANGGANG NGAYON?!
TSK!"

Hala! Hanggang dito naririnig ang sigaw ni Jeff! Hulk-mode nga siya talaga!

"Hay, kawawa naman si Rey. Kanina pa siya dyan sa loob." Sabi ni Bessie

Bigla namang bumukas ang pinto ng office ni Jeff tapos lumabas ang mukhang dinaanan
ng bagyo na si
Rey.

Lumapit naman si Bessie dala ang mga papeles na binigay sa kanya. Sumunod naman
ako. "Rey
pumasok ka ulit. Ipapapirma pa 'tong iba."

"Langya Bessie, iba naman! Ayoko na pumasok ulit!"

"Rey pare. Ito pa yung ibang papapirmahan." Lumapit pa ang isang lalake then inabot
kay Bessie yung
iba pang mga papeles.

"Ayoko na! Ako na lang lagi pinapapasok nyo! Asan ba si Paul, sya naman!" Nagwawala
na si Rey

"Absent si Paul."

"Lokong yun! Tumatakas! Ikaw naman Bessie pumasok!"

"Ayoko nga. Nangangain si Boss eh."

"Hindi lang nangangain! Namumutol ng katawan, namimilipit ng leeg, nang- Tin. Ikaw
pala. Anong
ginagawa mo dito?" First time naman ako napansin nito ni Rey.

"Uhm, hi Rey. Magdadala sana ako ng lunch." Ngumiti ako sa kanya.

"Magdadala ka ng lunch?! Magdadala ka ng lunch?!" nakangiti rin si Rey

"Paulit-ulit? Paulit-ulit?" Paulit-ulit na rin ako.

"Hinde. Hinde." Sagot ni Rey


"Okay. Okay."

"Tumigil nga kayong dalawa. Sige na Rey,ipasok mo na 'to sa loob. Bilis na."
Tinutulak nan i Bessie si
Rey.

"Ayoko nga Bessie! Hindi na ako papasok dyan." Nagwawala ulit si Rey.

"Pa'no na? Gusto mo ba mawalan tayo lahat ng trabaho?"

"Teka, alam ko na." Kinuha naman ni Rey ang mga papeles kay Bessie at biglang
binigay sa'kin. "Diba
dadalhan mo naman ng lunch si Boss? Ipapirma mo na din yung mga papeles."

"P-Pero-" Tinulak naman ako ni Rey papunta sa door ng office ni Jeff.

"Kaya mo yan Tin. Ikaw na ang bahala, okay?"

"S-Sandali lang Rey-" Wala na. Napasok na 'ko sa office ni Jeff.

Si Jeff naman nandun sa may table nya. Nakahawak sa noo habang nakapikit.

"Uhm-"

"DIBA SINABI KO NANG WAG NYO MUNA AKO ISTORBOHIN?!" Katakot naman 'to si Jeff.
Hulk-mode.
Right.

"Pero kasi yung mga papeles-"

"TSK! WAG NYO NGA AKO MUNANG KAUSAPIN! MAMAYA NA AKO PIPIRMA!"

"O-Okay. Sige sasabihin ko na lang sa kanila. B-Babalik na lang ako mamaya."


Tumalikod na ako at
naglakad ulit pabalik sa pinto.

Si Rey talaga. Bakit kasi ako ang pinapasok niya dito?

"TIN?!" Napatigil naman ako sa paglalakad. "ANONG GINAGAWA MO DITO?!"

"Uhm.." Humarap naman ako ulit kay Jeff. Lumapit siya sa'kin habang nakakunot ang
noo. Tiningnan
niya ang mga dala kong papeles tapos kinuha niya.

"BAKIT IKAW ANG MAY DALA NITO?"

"Uhhh, actually-"

"BAKIT SA'YO NILA PINAPAGAWA 'TO?!" Naglakad naman si Jeff papunta sa pinto. Hala
hala.
Papagalitan niya ba sina Rey?

Hinawakan ko naman ang arm niya kaya napatingin siya sa'kin. "L-Lunch? Diba kakain
tayo ng lunch?"
Tinaas ko naman ang lunchbox na dala ko.

Tiningnan naman niya ang lunchbox. Tapos tumingin sa'kin. Nginitian ko siya. Then
hinigit ko at pinaupo
dun sa sofa sa office niya.
"Bubu, maglulunch tayo diba. Wag ka na magalit dyan." Binuksan ko ang lunchbox then
kinuha ko sa
kanya ang mga papeles at nilagay sa table sa harap namin.

"HINDI AKO GALIT!"

"Hindi daw. Eh bakit ka sumisigaw?"

"HINDI AKO SUMISIGAW-"

Sinubuan ko siya. Nagulat ata sya dahil nanlaki ang mata niya. Nilunok naman niya
agad.

"BAKIT MO BA AKO-"

Sinubuan ko ulit siya.

Tapos ngumiti ako. "Masarap ba yung luto ko Bubu?" Ngumunguya pa siya kaya hindi
siya makasagot.
Nagstart na rin ako kumain. "I know Bubu, hindi mo na kailangan sabihin. Alam ko
masarap talaga."

"TSK! SINONG NAGSABI SA'YO NA PWEDE MO 'KONG SUBUAN?!"

Hala. Galit na agad?

"Uhm.... hehe? Sorry na Bubu. O sige ito na." Nilapit ko na sa kanya ang lunchbox.
"Sige na hindi na kita
susubuan, wag ka na magalit-"

"SINONG NAGSABI SA'YO NA TUMIGIL KA NA?! SINABI KO BANG TUMIGIL KA NA SA PAGSUBO


SA'KIN?!"

"Uhm... hindi naman. Pero kasi akala ko-"

"SUBUAN MO PA NGA AKO! BILIS NA!"

Hay nako. Ito talaga si Jeff. Kinuha ko na ulit ang lunchbox tapos sinubuan ko
siya. Pakipot pa eh.
Nasarapan na naman 'to sa luto ko. Chos.

"Wag ka na kasi magalit Bubu. Sige ka magkaka-wrinkles ka nyan."

"ANO?!"

"Joke lang yun Bubu. Wag ka na magalit, umalis na naman si tito Fernan eh."

Napatigil naman siya at napatingin sa'kin. Uh oh. Tin yung dila mo naman o. "Uhhhh,
wag mo na yun
isipin Bubu-"

"Kinausap ka ba nya?" Tanong naman niya ng seryoso sa'kin. Ito na naman 'yung scary
voice ni Jeff.

"H-Hindi naman Bubu. Nakichismis lang ako kina Bessie kaya nalaman ko na nagpunta
dito si tito
Fernan."
Nag-iwas naman sya ng tingin. "Basta wag mo siyang kakausapin. Lumayo ka kapag
nilapitan ka niya."

"Uhm, ok." Hala naman si Jeff. Bakit ang seryoso? Ano na naman bang nangyari? Hindi
'to pwede! "Ui
Bubu! Wag mo na isipin yun. Dapat ang iniisip mo.... yung mas importanteng mga
bagay."

Napatingin naman sIya ulit sa'kin habang nakakunot Ang noo.

"Uh, for example! Alam mo bang tinatawag ka nilang Hulk?"

"ANO?!"

"O ayan. Hulk-mode ka na naman. Wag ka na kasi masyado manigaw."

"Tsk. Hindi ako naninigaw!"

Nakita ko naman sIya nag-inhale exhale. Nagpipigil magalit. Ang cute talaga nito
ni Jeff.

"Bakit ka ngumingiti dyan?"

"Hmm? Wala lang Jeff." Sinubuan ko naman sIya ulit. Nakatingin pa rin siya sa'kin.
Nginitian ko naman
siya ulit ng malaki.

"Bakit ka nga ngumingiti?!"

"Huh? Wala lang."

"Tsk! Bakit nga?!"

"Wala lang talaga Bubu"

"Bakit nga?!"

"Wala ngaa." mauubos na namin 'to! Nagluto pa naman ako ng good for 4 people. Iinom
na sana ako ng
tubig pero bigla namang hinawakan ni Jeff yung arm ko. Hindi ko tuloy nainom.

"Tsk. Sabihin mo muna kung bakit ka ngumingiti."

"Hala bubu! Wala lang nga talaga" Ano ba 'to si Jeff. Ang kulit.

"Sabihin mo na kasi!"

"Oo na oo na. Pwede uminom muna?" Binitawan naman niya yung arm ko tapos uminom
ako.

Bakit nga ba ako ngumingiti? Wala lang naman talaga. Siguro sa sobrang saya? Sana
ganito na lang kami
forever.

"O ano na?! Bakit kanina ka pa ngumingiti?!" Todo seryoso naman 'to si Jeff!

"Kasi Bubu... ang cute mo. Kaya napapangiti ako." Yan ang tinatawag na mga da
moves.
Kaya lang bakit bigla naman siyang sumimangot. "Anong sabi mo?!"

"Uhm, cute ka?"

"Mukha ba 'kong aso?! Wag mo nga akong tawaging cute!" Nagcross arms naman siya.

Ang cute talaga ni Jeff. Ayaw niya palang tawagin siyang cute. Bakit ba? Aso lang
ba ang may
karapatang maging cute?

"O sige. Hindi ka na cute."

"ANO?!" Hala bakit nagagalit na naman siya?

"Nung sinabi kong cute ka, nagalit ka. Nung sinabi ko namang hindi ka cute, nagalit
ka rin-"

"Hindi ako cute dahil hindi ako aso! Gwapo ako! GWAPO!"

Napatingin naman siya sa'kin kasi nagpipigil akong matawa. Si Jeff ba talaga
nagsabi nun?

"Pinagtatawanan mo ba'ko?!"

"Hindi Bubu ah." Nag-thumbs up naman ako sa kanya. "Tama ka. Ikaw nga ang super
super gwapo-"
Hindi ko na mapigilan natatawa na talaga ako.

"Wag ka nga tumawa!"

Sorry naman hindi ko mapigilan. Natatawa talaga ako.

"Tsk! Tumigil ka nga!" Tinakpan naman niya ang bibig ko. Natatawa talaga ako.

"Tatanggalin ko yung kamay ko basta wag ka na tumawa!" Nag-nod naman ako. Tinanggal
naman niya.

Tinakpan na naman niya ang bibig ko kasi natawa na naman ako.

Mayamaya pa, nagpromise na talaga ako na hindi na ako tatawa. Kaya pinakawalan na
niya ako.

"Sorry Bubu. Wow, ngayon ko lang kasi narinig sa'yo ang mga... ganyang bagay."
Tinawag ba talaga ni
Jeff ang sarili niyang gwapo? Well totoo naman kasi. Pero wala lang, nakakatawa
pala pag sa kanya
mismo nanggaling.

"Tsk. Hindi na nga kita kakausapin! Madami pa 'kong gagawin." Ito talaga si Bubu!
Namumula na naman
tenga.

"Sige na nga alis na 'ko. Punta na ako ulit sa shop." Tumayo na 'ko.

"SINABI KO BANG UMALIS KA NA?!" Hala. Sabi niya, madami pa siyang gagawin. Akala ko
naman
pwede na ako umalis. Umupo na lang ulit ako. Then nginitian ko siya.

"Ikaw Bubu ah. Ayaw mo talaga akong paalisin-"


"UMALIS KA NA NGA!" Hala! Ang gulo ng bongga nito ni Jeff! Tumayo na ako ulit.
"Sige alis na 'ko. Ay
wait lang Jeff! Pirmahan mo pala muna yung mga papeles."

"Tsk." Sabi niya pero pumirma na rin. After nun, binitbit ko na ulit ang mga papel.

"Sige Bubu. Alis na ako ah. Kitakits na lang tayo mamaya."

Malapit na ako sa may pinto nang bigla ulit siya magsalita. "Tsk. Sandali nga."
Tumayo siya tapos kinuha
niya sa'kin ang mga dala ko. "Hatid na kita."

Wow wow wow talaga? Kinuha niya na rin ang coat niya then pati ang susi sa kotse.
Ang saya naman!

Paglabas namin, nandun lahat ng kaopisina niya sa may pinto ng office ni Jeff.
Obvious naman masyado
na nag-eeavesdrop!

Binigay naman ni Jeff ang mga papeles kay Bessie. "Ikaw muna bahala dito Bessie."

"Sure Boss!"

"May date ka Boss? Sama naman kami!" singit ni Rey

Tiningnan siya ng masama ni Jeff. "Sabi ko nga eh. Enjoy kayo." Tumingin naman
sa'kin si Rey. "Sige Tin!
Wag mo muna pabalikin dito si Boss. Sumusungit dito eh-Joke lang Boss!"

"Tara na nga." Naglakad na paalis si Jeff. Sumunod naman ako sa kanya.

On the way, inaapiran ako nung mga katrabaho niya then tinatapik. Todo thank you
sila sa'kin.
Makakalunch na kasi sila dahil wala na si Hulk. Kulit talaga.

Nang nasa kotse na kami, may bigla naman akong naalala. "Bubu! Next week pala. Wag
kang
masyadong maging busy ah."

"Busy ako."

"Huh? Eh kahit sa Thursday next week lang. After mo sa opisina, labas tayo ha!
Ummm, kain tayo dun
sa restaurant na dapat kakain tayo dati? For sure magpapareserve na ako."

"Wag ka na magpareserve."

"Ehhh. Sige na Bubu. Thursday night lang. Alam ko namang busy ka pero-"

"Ako na ang magpapareserve."

"Talaga?" Weh. Ang swerte ko naman! Si Jeff na ang magpapareserve? Ganito na ba


talaga ang feeling
kapag girlfriend na?

Bigla namang tumigil ang kotse. Pagtingin ko sa bintana, nasa shop na pala kami.
Ang bilis naman ng
oras.
"Ilang araw din akong nawala sa opisina. Baka maging busy ako sa mga susunod na
araw."

"Ehh? Ok lang yun Bubu. Ako nga din baka maging busy din ako. May kailangan kasi
akong asikasuhing
exhibit. Ok lang ba?"

"Mmm."

"Pero Thursday next week ah! I-reserve mo na free day yun, ha Bubu!"

"Fine. Sige na, sunduin na lang kita mamaya."

"Ok! Salamat Bubu!" Bumaba na ako ng kotse. Tapos binaba ni Jeff ang bintana. "Bye
Bubu! Ingat ka
ha! Ingat sa pagdadrive!"

"Mmm. Pumasok ka na."

"Huh? Hindi sige magdrive ka muna. Papasok na ako pag-umalis ka na."

"Tsk. Hindi pwede. Pumasok ka muna."

"Ang sweet naman ng Bubu ko! O sige pasok na ako ah. Ingat ka." Tumalikod na ako at
nagstart na
maglakad papunta sa shop.

"Tin!"

"Huh? Bakit Bubu?" Lumapit ulit ako sa kanya. "May problema ba?"

Nag-iwas naman siya ng tingin sa'kin at humarap na sa manibela. "Next week... wag
ka na magdala ng
bulaklak para sa'kin."

"Huh?"

"I'll... be the one who will buy you flowers."

"Wow! Talaga bubu?!"

"Tsk. Sige na. Pumasok ka na."

"Okay, sige ingat."

Pumasok na ako ng shop habang ang laki ng ngiti. WAAAA. Totoo ba 'to? Si Jeff na
raw ang mag-
aasikaso sa reservation then bibigyan niya pa ako ng flowers? WAAA.

Paniguradong best birthday ko 'yun!

Pagpasok ko ng shop, kinuha ko agad ang cellphone ko. May tatawagan lang.

"Hello?" sagot niya agad.

"Hi Bubu! Ang saya ng lunch! Ingat ka sa pagdadrive, ok?"

"Tsk. Oo na."
"Tapos excited na ako for next week! Wag mong kakalimutan ah!"

"Fine. Tsk, bakit mo ba ako tinatawagan? Kakakita pa lang natin."

"Ito naman si Bubu ang sungit. Namiss lang naman kita agad eh!"

Speechless siya? Panigurado namumula na naman tenga nito.

"Sige na. Bye na."

"Okay! Bye Bubu! Ingat ka."

"Mmm. Ibaba mo na."

"Huh? Eh bakit ako mauunang magbaba? Ikaw muna mauna."

"Tsk. Ikaw na. Bilis ibaba mo na."

"Sige na nga. Ako na lang. Sige ibababa ko na."

"Ibababa ko na talaga." Sabi ko ulit sa phone

"Tsk. Ibaba mo na!"

"Ito na ibababa ko na talaga."

"Tsk. Tin! Ibaba mo na-"

"I love you Bubu!" Then I ended the call.

Nagsisisgaw ako dun sa shop.

"Sssssshhhh!" Sabi naman bigla sa'kin ni Anj tapos nginitian ko bigla yung customer
na inaasikaso niya.

Sorry naman. Kinikilig lang. Ganto pala feeling ng may boyfriend at maging
girlfriend ni Jeff.

*******************************************
[26] NO JEFF *new
*******************************************
CHAPTER 25

NO JEFF

Isang linggo na ang nakakalipas. Grabe, halos hindi na kami nakakapag-usap ni Jeff.
Super busy kasi
namin.

HInahatid niya pa rin ako. Pero minsan, pinapasundo niya na lang ako sa driver.
Ginagabi kasi siya sa
office. Pero naiintindihan ko naman yun. Busy kasi siya.

Then minsan naman ako ang kung saan-saan napapadpad. Palipat-lipat sa shop then
dito sa exhibit.
Ang totoo nga nyan, ngayong gabi na itong presentation ng exhibit! Then bukas, yung
birthday date ko
with Jeff!

Nagbonggang damit pa ako ngayon. Madami kasing manonood ng exhibit namin. May
konting program
pa nga mamaya, then free wine for the guests.

Pinadalhan ko si Jeff ng invitation sa exhibit. Ang i-dinisplay ko kasing art yung


mga paintings ko sa
kanya. Sana matuwa siya!

"Tin!"

"Anj! Kev!" Niyakap ko sila.

"Hi Teeny Weeny. Ganda ng mga paintings natin ah. Kaya lang puro mukha naman 'to ni
Jeff. Well okay
lang, gwapo naman sya." Anj

"Syempre naman Anj. Hindi na nga kami masyado nakakapag-kita ni Jeff ngayong
nakaraang linggo eh.
Kaya pag nakita nya yung paintings ko, malalaman nyang lagi ko pa rin syang
naiisip!"

"Ewwww. Please lang ha. Ayokong marining ang kalandian mo Teeny Weeny." Anj

Kinurot ko naman sa braso si Anj. Ang kyot talaga nitong bespren ko.

"Hmm. I must say you look wonderful in your dress Tin." Sumingit naman si Kev.

"Awww kev! Friend talaga kita. Ganda din ng porma mo ah. Tuxedo!" sagot ko naman.

"Hay nako Tin. Wag mo na nga kunsintihin yan, at mamaya ipagyayabang na naman nya
kung gano sya
kagwapo."

"Why babe, totoo naman kasi. And you also look ravishing in your dress."

"Naman! Ang ganda ko kaya. Bagay talaga sa'kin ang dress na 'to." Naghairflip pa si
Anj.

"Bagay nga talaga. But I like you better without it." Napanganga naman si Anj,
tapos napatingin sa'kin.
Then hinampas ng malakas si Kev sa braso.

"Aray naman babe!"

"Tumigil ka dyan Kevin! Nakakahiya kay Tin, mga pinagsasabi mo ha!" Namumula na ang
pisngi ni Anj

"Hehe. Go lang. Don't mind me." Cute talaga ng dalawang 'to. Landian naman ng
sagad-sagadan!

"Tin, my baby! Ang ganda ng exhibit!"

"Mom?" Niyakap naman ako ni Mom then pati ni Dad. Teka, hindi ko naman sila
ininvite.

"Ehem. Excuse us Mr. and Mrs. Villanueva." Kinindatan naman ako ni Anj then umalis
na sila ni Kev.
Hala naman. Bakit nila ininvite parents ko?

"Tin. Your paintings are beautiful. I'm so proud of you." Sabi ni Daddy

"T-Thanks Dad. I'm so happy you could come."

"Yes baby ofcourse we will. Good thing dinalaw ka namin ng Dad mo sa shop one day.
Pero wala ka
dun kaya nasabi ni Anj na busy ka pala sa pag-aasikaso ng exhibit. Nakalimutan mo
ata kami iinvite
baby?" Hala naman. Hindi naman kasi dapat sila invited talaga. Baka kasi ma-
awkward si Jeff pag andito
sila. Lalo na kay Mom.

"Syempre naman Mom. I just forgot to give you the invitations." Weh Tin,
sinunggaling.

"Your paintings are the best in this exhibit. Good job Tin."

"Thanks Dad."

"You could have chosen a better subject. Bakit puro yung lalakeng yun naman ang
pinapaint mo
baby?"

"Mom. Jeff po ang pangalan nya. Tawagin nyo naman po sya sa pangalan nya."

"He's not even here. So bakit ko sya tatawagin sa name nya."

"Mom."

"Oo nga Tin. Asan si Jefferson?"

"Uhm, malalate lang po sya ng konti Dad."

"Late ng konti? We're late as it is."

"Mom naman. Sandali lang po, tatawagan ko lang si Jeff." Lumayo naman ako ng konti
sa kanila. Kaya
lang naririnig ko pa rin magsalita si Mom.

"Hon, that boy is really no good. Wala sya dito when he should be supporting Tin."
Naririnig ko ang
binubulong ni Mom kay Dad.

"Baka naman nalate lang si Jefferson." Lumayo pa ako ng konti sa kanila. Jeff
sagutin mo naman yung
phone mo. Nasa kotse ka na ba? Malapit ka na ba? Nasan ka na?

Nagriring lang ang phone. Pinadalhan ko naman siya ng invitation diba? Sabi naman
niya pupunta siya.

"Tin. Tinatawag ka sa stage." Napaigtag ako ng tawagin ako ni Anj.

"Huh?"

"Para sa mga participants ng exhibit? Go! Itaas mo ang bandila ng shop natin."
Umakyat naman ako ng
stage. Pero kasi,nasan na ba si Jeff? Bakit hindi niya sinasagot? May nangyari ba?
Na-aksidente kaya
syia? Hinde Tin, wag kang mag-isip ng ganyan.

Pagbaba ko ng stage, tinawagan ko ulit siya. Nagcontinue naman ang program. Waaaaa
bakit hindi pa
rin niya sinasagot?

"Tin, anak. Pwede mo ba kaming samahan mag-ikot sa exhibit na 'to?"

"S-Sure Dad." Sinamahan ko naman sila. Sumama na rin sa'min sina Anj at Kev. Pero
hindi talaga ako
makapag-concentrate.

Si Mom kasi. Kung ano-ano pa ang sinasabi tungkol kay Jeff. Hindi ko tuloy
mapagtanggol si Jeff. Wala
naman kasi talaga siya dito. Waaa ano nga kayang nangyari?

Teka. Alam ko na! Nag-excuse lang ako tapos tinawagan ko si Bessie.

"Hello?"

"Bessie! Hi! Si Tin 'to."

"O Tin, ikaw pala. May problema ba?"

"Uhm, wala naman. Ano lang kasi, alam ko gabi na. Kanina pa nag-uwian, so siguro
nasa bahay ka na.
Pero kasi-"

"Ah Tin. Ang totoo nyan nandito pa kami sa opisina eh."

"Huh? Pero almost 10pm na-"

"Yun nga eh. May emergency meeting kasi mula dun sa isang kliente namin. Andito pa
si Boss kaya
hindi pa din kami maka-uwi."

"G-Ganun ba? Kung ganun, nasa meeting pa si Jeff?"

"Oo, hindi ka ba nya tinawagan?"

"Huh? Ah, t-tinawagan niya ako. Kaya lang uhm, akala ko lang, tapos na sila. W-
Well, matagal pa ba
kayo dyan?"

"Siguro. Mukhang hindi pa matatapos eh. Gusto ko na nga din umuwi."

"Ganun ba? Sige salamat Bessie. Ingat kayo ah. Bye."

Bigla namang may humawak ng arm ko. "Tin baby, bakit ka ba nandito? Let's go where
the other artists
are."

"O-Ok Mom."

Grabe. Parang lumulutang lang ako. Hindi ko kasi alam kung anong dapat maramdaman.
May
emergency meeting si Jeff. Naiintindihan ko naman yun. Naiiintindihan ko talaga.
Understanding
girlfriend kaya ako. Naiintindihan ko si Jeff.

Natapos na ang exhibit na hindi pa rin dumating si Jeff. Baka ginabi na rin ang
meeting niya. Hinatid ako
nila Mom sa bahay.

"Wala pang ilaw ang bahay niyo? Does this mean wala pa rin ang asawa mo?" sabi ni
Mom.

"Bye Mom." Lumabas na ako ng kotse.

"Tin!" Lumabas din sila sa kotse. "Gusto mo bang sa bahay ka na muna matulog?" Dad
said.

"No it's okay Dad. Pauwi na din naman po siguro si Jeff."

"Tinawagan mo na ba sya?"

"Opo. May emergency meeting po kasi sya-"

"Emergency meeting? It's almost midnight! Walang kwenta talaga ang lalakeng yun-"

"MOM!" Napatingin naman sila sa'kin. "I'm sorry po. I'm just tired. Papasok na po
ako."

Naglakad na ako papasok sa bahay. Narinig ko pa si Mom na medyo humihikbi. Hala


sorry, hindi ko
naman talaga gustong sigawan si mom.

Umupo muna ako sa sofa. Hihintayin ko si Jeff. Siguradong magsosorry 'yun. Ayoko
namang isipin niya
na galit ako. Hindi naman kasi ako galit sa kanya. Hindi talaga.

Well siguro medyo nagtatampo. He could have texted me kung hindi siya makakapunta.

Pero kasi may emergency meeting siya. Busy siya. Naiintindihan ko kung bakit hindi
siya nakarating.
Understanding girlfriend nga ako diba?

Hihintayin ko siya. Pero parang ang bigat nan g pakiramdam ko. Inaantok na ako.

Paggising ko, umaga na. Hala hala! Bakit nandito na ako sa kwarto ko? Si Jeff!

Mabilis naman akong bumaba. Gising na si Jeff, umiinom ng coffee.

"Jeff!"

"Ah, gising ka na?"

"S-Sorry di ako nakapagluto ng breakfast. Late ka na ba? Sandali lang ha, maliligo
lang ako. Bibilisan ko
lang."

"Mmm." Sabi niya habang nagbabasa ng dyaryo. Wala ba syang gustong sabihin sa'kin?

"Uhm, alam mo hinintay kita kagabi."


"Mmm. Dapat natulog ka na sa kwarto mo. Baka magkasakit ka kung sa sofa ka
natutulog." Nagbabasa
lang sIya ng dyaryo. Hindi ba sIya magsosorry na hindi sIya nakapunta sa exhibit
ko?

"G-Ganun ba?" Wala pa rin siyang sinasabi. Tumalikod na ako. Maglalakad na sana ako
pabalik sa
kwarto pero humarap ulit ako sa kanya at bumalik.

"Bubu, wala ka bang nakalimutan?" Tumingin naman siya bigla sa'kin. Nakakunot ang
kilay. Tinitigan ko
rin siya.

"Ah, yung kahapon?" Sabi niya na parang hindi pa sure. Ngumiti naman ako. Sa wakas.
"Well, hindi kita
nasundo dahil sa emergency meeting. Pero pinasundo naman kita sa driver. Naka-uwi
ka ba ng
maayos?"

"Ehhh?" Bigla namang tumunog ang phone niya.

"Sandali lang, kailangan ko sagutin 'to." Tumayo siya pero lumingon ulit siya
sa'kin. "Maligo ka na Tin.
Kailangan na natin umalis."

"O-ok." Waaaaaa. Nakalimutan niya ba talaga ang exhibit ko? Nakalimutan niya nga
ata. Hindi naman
niya binabanggit.

Ok lang yan Tin. Alam mo namang busy si Jeff. Kailangan mong intindihin na madami
siyang inaasikaso.
Kasalanan ko rin naman kasi. Hindi ko napaalala sa kanya. Understanding girlfriend
ka. Dapat
maintindihan mo.

Mayamaya pa, hinatid na ako ni Jeff sa shop. Pero bago ako bumaba, pinaalalahanan
ko naman siya sa
date namin mamaya. Baka kasi makalimutan niya rin.

"Jeff 7pm mamaya ha. Sa restaurant na lang tayo magkita?"

Tumingin naman siya sa'kin nang nakakunot ang noo. Napalunok naman ako. "Diba Bubu
may date
tayo mamaya? Thursday na ngayon diba?"

Hindi naman nyia nakalimutan diba? Diba diba? Bigla na namang tumunog ang phone
niya. Grabe ang
busy naman niya.

"Yeah. See you later." Sabi nya bago kinuha ang phone. Pero bago ako bumaba ng
kotse, nagsalita ulit
ako.

"Jeff dadating ka naman mamaya diba? Hindi mo naman kakalimutan diba?" Tiningnan
naman niya ako
sa mata.

"Yeah. Hintayin mo 'ko." Nginitian ko naman sya.


"Pinky swear?" Tinaas ko yung pinky finger ko.

"Tsk. Bumaba ka na nga."

"Sige na Bubu! Pinky promise!"

"Tsk. Fine" Tapos nagpinky promise kami! Yay. Bumaba na ako then sinagot na ni Jeff
ang phone call
nya.

Excited na ako para mamaya! Bumili pa naman ako ng bagong dress.

Pagpasok ko sa shop, ang dilim. Hala, wala pa ba si Anj? Pero lagi naman siyang
maaga. At saka bakit
bukas ang pinto?

"Anj? Nandito ka na ba-"

"HAPPY BIRTHDAY!!" Hala! Bakit ang daming tao? Biglang bumukas ang ilaw tapos may
mga naghagis
sa'kin ng confetti. May nagsuot pa sa'kin ng birthday hat.

"Surprise Tin!" Bigla akong yinakap ni Anj.

"Wow! Thanks Anj! Salamat din sa lahat!" Hala grabe. Pati high school and college
friends andito din!
Pati mga kaibigan ko sa iba't-ibang sulok ng mundo. Ang saya naman ng birthday ko!

Kumain kami then nagchika-chika. Namiss ko naman sila!!Grabe, yung iba kong mga
lalakeng kaklase,
nagpapacute pa sa'kin. Kailangan ko pa ipakita yung wedding ring ko para malamang
kasal na ako.

"Anj! Grabe ka! Thank you ah!" Niyakap ko sya. "Surprised na surprised ako."
Naiiyak na ako.

"Naman! Sasama ka naman sa'min mamaya sa concert diba?"

"Anj naman eh. Alam mo namang hindi ako makakasama. May date kami ni Jeff."

"Hay nako. Ikaw bahala. Basta yung ticket ang gift ko sa'yo. Sure ka na bang hindi
ka sasama?
Madaming cute guys mamaya!"

"Mas cute pa rin Jeff ko 'no. Ah, mas gwapo pala. Hindi cute"

"Sige na. Sige na. Teka ilang taon ka na ba, 16?"

"Tama!" Niloloko ko lang.

After ng aking birthday "party", nag-ayos na kami ng shop. Then nag-asikaso ng mga
customers.
Hanggang sa lumubog na ang araw kaya nagpaalam na ako kay Anj.

Nagpa-salon muna ako. Tapos sinuot ko na ang bago kong dress. Waaaaa ang ganda ko
na! Sana
magustuhan 'to ni Jeff!
After that bumili muna ako ng cake. Dapat hata si Jeff na ang pinabili ko. Pero
kasi bibilhan na niya ako
ng flowers. Okay na rin kahit ako na ang bumili ng cake. At saka hindi niya nga
pala alam na birthday ko.

Okay na 'to! Pumunta na ako dun sa restaurant.

"Excuse me ma'am. May reservation po ba kayo?"

"Hi. Uhm, do you have a reservation by Jefferson Lee?" Nasa loob na kaya si Jeff?
Pero maaga naman
ako.

"Wala po kaming reservation under that name."

"Ehh?" Hala. Nakalimutan ba ni Jeff? Hindi ba siya nakapag-reserve? Napatungo naman


ako.

"Pero we have reservation under Mrs. Lee. Christine Lee? Kayo po ba yun?"

What? Napatingala na ulit ako. Grabe akala ko nakalimutan ni Jeff. Ano ka ba Tin,
maniwala ka kay Jeff.
Tutuparin nya ang promise nya.

Pinapasok na ako then pinaupo sa table. Sakto 7pm na! Parating na siguro si Jeff.
Binuksan ko na rin
ang cake. Dapat sabay kami magwish ni Jeff! Waaaa excited na 'ko!

30 minutes na ang nakakalipas. Aba medyo late si Jeff. Di bale, for sure padating
na siya. Hihintayin ko
lang siya.

1 hour na. Breathe Tin. Baka natraffic lang.

"Ma'am oorder na po ba kayo?" Bigla namang may lumapit sa'kin na waitress.

"Uhm, may hinihintay pa ako. Mamaya na lang. Thank you."

After 1 hour and 30 minutes, grabe tatawagan ko na si Jeff!

Nagriring lang . Naman Jeff, bakit hindi ka sumasagot? Baka may meeting na naman
ulit? Ah tama,
tatawagan ko na lang si Bessie.

Sinubukan ko ulit tumawag pero kay Bessie naman. Hala! Bakit pati si Bessie hindi
sumasagot?

2 hours na ang nakakalipas. Waaaaa. Ang tagal ni Jeff. Gutom na ako. Tapos
tinitingnan pa ako ng mga
waitresses. Naka-200+ missed calls na ata ko kay Jeff. Bakit hindi siya sumasagot?

Hindi. Hindi ako aalis. Nagpromise sa'kin si Jeff. Sabi niya hintayin ko siya. Kaya
hindi ako aalis!
Naniniwala ako sa kanya.

2 hours and 30 minutes na ang nakakalipas. Nakatulala na lang ako. Pwede naman
siyang tumawag
diba. Pwede naman kahit magtext kung hindi siya makakapunta. Okay lang naman kung
busy talaga
siya.

Pero sana naman, sinabihan niya ako diba. Pero kahit ano wala.

"Uh, ma'am, oorder na po ba kayo? Madami po kaming specialties. Meron po kaming-"


sabi nung
waitress.

"May candle ba kayo?"

"Ma'am?"

"Pwede po bang makihingi ng candle? Kahit isa lang?" sabi ko.

"S-Sure ma'am." Umalis naman ang waitress then pagbalik niya may dalang isang
kandila.

Pinasindihan ko naman yun then tinusok ko dun sa taas ng cake. Tapos pumikit ako.
Please please
please. Ang wish ko lang sa birthday ko ay ang dumating si Jeff. Kahit wala na
siyang dalang flowers
okay lang. Basta nandito lang siya. Please please please.

Lagpas tatlong oras na akong naghihintay.

"Ah ma'am. Pasensya na po kayo. Pero magsasara na po kasi kami eh. Lagpas 10 pm na
po kasi."
Waitress said.

Tiningnan ko ang kandila. Naubos na siya. Hindi pa rin dumadating si Jeff. "Ma'am
pasensya na ho
kayo. Pero baka ho pagalitan na ako ng manager. Kailangan na po kasi namin
maglinis-"

Tumayo na ako. Kinuha ko na ang bag ko tapos naglapag ako ng pera sa table. Then
nagsimula na akong
maglakad.

"T-Teka ma'am. Wala naman po kayong inorder, wala po kayong kailangan bayaran.
Tsaka po yung cake
nyo naiwan nyo-"

"Sa'yo na lang yung cake." Sabi ko habang dirediretso sa paglalakad.

Wag kang iiyak Tin. Wag kang iiyak.

Pumara ako ng taxi. Alam ko na kung saan ako pupunta.

"TIN?! Weh. Ikaw ba talaga yan??"

Nakita ko na rin ang table nila Anj. Kinuha ko agad ang nakapatong na wineglass sa
table nila. Then
ininom ko in one gulp.

"Whoa! Akala ko bawal ka na uminom?" nakangising sabi ni Anj.

"Sinong nagsabi? Iinom ako kung kailan ko gusto!" Kumuha pa ako ng another glass
then ininom ko ulit
na isang lagok lang.

"Wooooh! That's my girl! Let's dance!" Hinila naman ako ni Anj sa dance floor.

Habang nagcoconcert kasi ang banda, sumasayaw naman ang mga tao. Pinunit ko ang
dress ko para
umiksi. Hindi kasi ako masyado makapagsayaw. Then nilugay ko ang buhok ko.

"Bakit bigla kang pumunta dito?" Sigaw sa'kin ni Anj habang sumasayaw! Ang lakas
kasi ng music nung
banda!

"Because I want to!" Sigaw ko rin. Wooooh! Party party! Tinaas-taas ko ang kamay
ko. Then tumalon-
talon ako! Ang saya!

Bigla namang may humawak sa arm ko at sinayaw-sayaw ako. Woooooh! Parang college
lang . Madami
nga ding nagsasabi na kaklase ko sila dati. Pero hindi ko naman maalala.

Everytime may dumadaan na waiter, kumukuha pa ako ulit ng drinks. Grabe, after
every glass parang
mas sumasaya ang birthday ko.

Umakyat naman ako dun sa may stage! Grabe mas masaya sumayaw dito! Nakikita ko
lahat ng mga
tao! Tumalon-talon pa ako dun tapos mayamaya pa hinigit na ako ni Anj pababa.

"Tin! You should go home! Lasing ka na!" Sigaw sa'kin ni Anj.

"Hindi pa ako lasing Anj! Ikaw! Ahehe0he." Tinuro-turo ko siya. "Ikaw yung lasing
dyan eh!" Tiannggal
ko naman yung hawak niya sa'kin.Sumisinok na naman ako.

"You should call Jeff! Magpasundo ka na!"

"Call Jeff? Call Jeff?"napasinok ako. "Ahehe. Kanina ko pa nga siya tinatawagan
eh!" Suminok na
naman ako.

Pumunta na ako dun ulit sa dance floor. Woooh! Party pa!

May humawak naman bigla ng bewang ko. Nilapit niya ako sa kanya tapos sinayaw-
sayaw. Wooooh!
Party!!

"Hey Christine! Remember me? I'm James! Classmate mo 'ko sa states nung college!"
Sabi nya sa may
tenga ko. Nakakakiliti naman!

"Hi Jamessss!" Suminok na naman ako "My name is Tin! Not Christine! Ahehehehe."
Sinok na naman.

Nagsayaw-sayaw pa kami. Salita naman ng salita 'to si James. Hindi ko naman masyado
maintindihan
yung sinasabi nya. Basta sayaw lang ako ng sayaw.

Bigla namang may humawak ng arm ko.


"Tin tama na yan."

"KEV!! Hi Kev Sayaw tayo!"

"Lasing ka na Tin, halika na." Si Kev nandito rin pala nagpaparty.

Hinigit naman ako nito ni Kev. Pero hinawakan ako ulit ni James.

"Teka pare. Wala namang bastusan-" Super higpit naman ng hawak ni James.

"Back-off. May asawa na sya pare." Hindi ko sila gaanong maaninag kasi medyo dim
ang light.

Then hinila na niya ako palabas ng concert. Kasama rin pala namin si Anj. "Balik pa
tayo sa loob! Party pa
eh!" Sabi ko naman. Ang lamig naman kasi dito sa labas.

"Babe asan ba sundo nito?"

"Tinawagan ko na. Buti nga sumagot na eh. Parating na yun." Pinisil ko naman ang
ilong ni Anj.

"Tigilan mo 'ko Teeny Weeny. Maaga tuloy ako uuwi dahil sa'yo. Babe pigilan mo nga
sya sa pagpisil ng
ilong ko." Galit bas i Anj?

"Tin, tama na yan." HInawakan naman ako ni Kev. Kaya ang ilong na lang niya yung
pinisil ko.

"Sandali nga. Bibili lang ako ng maiinom nyan ni Tin. Masyadong lasing eh." Saan
naman tutungo si Anj?

"Kaya mo ba? Hindi ka ba nahihilo?" Inalalayan na ako ni Kev.

"Ok lang ako Babe. Sandali lang." Umalis naman si Anj.

"Kev. Kev. Kev. Eh-he" Pinisil ko naman ang cheeks niya.

"Bakit ka ba kasi naglasing Tin?"

"Hindi ako lasing ah!" Pinaupo naman ako ni Kev sa isang upuan dun.

Mayamaya pa dumating na si Anj tapos may pinainom siya sa'kin na something. Eeek.
Ang pait na
naman ng lasa. Pero okay naman ata. Hindi na ako nahihilo tapos hindi na ako
sinisinok.

Kaya lang nakatulala na lang ako. Naalala ko na naman na hindi ako sinipot ni Jeff.

"Tin ano bang nangyari? Akala ko may date kayo ni Jeff mo?" umupo si Anj sa tabi
ko.

"Nag-pinky promise siya. Nag-pinky promise sya sa'kin." Tinaas ko pa yung pinky
finger ko.

"What?!"

"Bumili pa nga ako ng cake eh! Kahit ako yung may birthday, ako yung bumili ng
cake." Nagpout na ako.

"Ano bang sinasabi mo Tin?" singit ni Kev.

"Nakakainis sya! Akala nya gwapo sya? Hindi ah! Cute sya! Hindi sya gwapo! Cute
sya!"

"Chill lang Tin. Declamation ba 'to? Todo kumpas eh." Ano ba naman 'yang si Anj,
nag-eemote na nga
ako

Nagbuntung-hininga pa ako.

"Anj mabait naman ako diba? Understanding naman ako diba?" humarap pa ako kay Anj.

"Hindi rin."sabi ni Anj

"Babe." Sabi naman ni Kev habang pinaglakihan ng mata si Anj. "Tin, oo mabait ka,
maganda ka,
understanding ka."

"Babe wag ka masyado sinunggaling."Nakita ko parang inirapan ni Anj si Kev.

"Pagbigyan mo na. Kailangan ni Tin ng konting pambobola." Sabi ni Kev sabay kindat.

Kaibigan ko ba talaga mga 'to? Bakit inaapi ako? Chos. "Hindi ko naman sya pinilit
eh. Sya naman yung
nagsabi na boyfriend ko na siya diba? Sabihin nyo nga, pinilit ko ba sya? Hindi
naman diba! Hindi!"

"Ano bang sinasabi nito Babe?" Wala namang nakakagulat. Wala ring nakapagtataka sa
sinabi ko. Bakit
gulong gulo sila?

"Ewan ko nga din hindi ko maintindihan. Nababaliw na ata." Sabi naman ni Anj.

"Ui ah! Naririnig ko kayong dalawa."

"Ito naman joke lang. Ano ba kasing nangyari talaga? I-explain mo kasi ng maayos."

Tumingin naman ako sa relo ko. 1am na. Hay. "Tapos na ang birthday ko." Walang
Jeff. Nakalimutan na
niya ang birthday ko. Akala ko magiging masaya ang birthday ko. Nakakailang strikes
ka na Jeff?
Nakalimutan mo ng may girlfriend ka?

NO JEFF. WALA.

*******************************************
[27] HE ANSWERED BACK
*******************************************
CHAPTER 26

HE ANSWERED BACK

"TIN!" Bigla akong napatayo. Si Jeff! Si Jeff? Humihingal siya nang makarating
sa'min. "Ayos ka lang?"

Nag-iwas naman ako ng tingin. Bakit nga ba ako nag-iiwas ng tingin? Kasi siya!
Nakatingin sa'kin ng
bongga.

"Jeff naman kasi. Bakit ngayon ka lang? Sige na iuwi mo na si Tin. Kanina namimisil
na 'yan ng ilong." Anj

"Let's go." Waaa. Hahawakan na sana niya ang kamay ko pero bigla akong nagtago sa
likod ni Kev. Hala,
bakit ko ba 'to ginagawa?

"Tin. Bakit ka nagtatago sa likod ko?" Tumitingin naman si Kev mula sa likod niya.

"Multo ako. Multo ako. Invisible ako. Hindi niyo ako nakikita. Hindi talaga."

"Tsk. Tin, umuwi na tayo." Lumapit naman si Jeff kay Kev.

"Hindi niyo rin ako naririnig. Wala kayong naririnig. Multo ako." Ano ba tong
ginagawa ko?

"Tigilan mo na nga yan."

"Hala ka. Galit sa'yo yung multo. Ano ba kasing ginagawa mo papa Jeff?" nakangising
sabi ni Anj.

"Hay, mag-usap na nga kayo." Humarap naman sa'kin si Kev tapos hinila ako papalapit
kay Jeff. "Pare
ikaw na ang bahala."

Nagtitigan muna sila ni Kev. Well syempre, hindi ako tumitingin kay Jeff pa rin.
Nag-nod naman si Jeff
kay Kev.

"Babe tara na."

"O sige. Tin una na kami ha." Niyakap naman ako ni Anj. "22 ka na, tanda mo na."

"Anj wag muna kayo umalis. Mumultuhin kita talaga." Bulong ko naman sa kanya.

"Sige multuhin mo. Babatukan ko pati yung multo mo. Arte nito. Sige na alis na
kami. Mag-usap na kasi
kayo."

At umalis na nga sila. Anong gagawin ko? Bakit ba kasi ako tinitingnan ni Jeff?
"Bakit ang ikli ng damit
mo?"

Bigla naman niyang sinuot sa'kin ang coat niya. "Let's go." Tapos hinawakan niya
ang kamay ko at
naglakad na kami.

Hinawakan niya ang kamay ko! Hinawakan niya! Tinanggal ko naman agad ang kamay ko
sa
pagkakahawak niya.

Tatlong oras ako naghintay ah! Hindi mo ako madadaan sa ganyan Jeff.

Hinawakan naman niya ulit ang kamay ko. Tinanggal ko ulit. Hinawakan niya.
Tinanggal ko. Hinawakan
nya. Tinanggal ko. Hinawakan nya. WAAAAAAAA!
Tumigil ako sa paglalakad then umupo ako sa gitna ng kalsada. Natanggal na rin sa
wakas ang kamay
niya then napatigil din siya sa paglalakad.

"Tsk. Tumayo ka na dyan. Umuwi na tayo."

"Hindi. Hindi ako tatayo. Isa na akong bato sa kalsada. Hindi na ako pwede maalis
dito." Nagpout pa
ako.

"Tin, tama na nga yan."

"Ang multo ay isa nang bato."

"Tsk. Hindi ka ba tatayo dyan?"

"May nakita ka na bang tumatayong bato? Ayoko. Ayoko. Ayoko."

"Fine. Dito ka na lang. Aalis na ako." Tumalikod na sya at naglakad palayo. Iiwan
na niya ako? Talaga?
Sige Tin pangatawanan mo yang pag-upo upo mo dyan. Pakipot ka pa kasi.

Pero nakakatampo kasi talaga. Hindi na nga niya ako sinipot sa exhibit, sa date
namin, tapos ngayon
hindi man lang siya magsosorry.

"Excuse me ma'am. May problema ba?"

Napatingala naman ako sa biglang nagsalita. "Mamang Pulis. Hi." Sumaludo pa ako sa
kanya.

"Bawal ho kayong umupo sa gitna ng kalsada ma'am."

"Nakakita na po ba kayo ng batong umuupo?"

Nagbuntung-hininga ako ulit. "Mamang pulis masama ba akong girlfriend?" Ginagawa ko


naman lahat
ah. Lahat lahat na.

"Nako. Wag muna kasi kayo magboypren. Kasing-edad lang naman kayo ng anak ko. Umuwi
na kayo
ma'am. Madaling araw na."

"Hindi po pwede. Isa po akong bato. Hindi na po ako pwede maalis dito sa kalsada."

"Nagdudrugs ka ba iha? Tsk tsk, mga kabataan talaga. Sige sumama ka sa'kin sa
presinto-"

"Kasama ko po sya." Si Jeff! Bumalik siya! Kinamayan naman niya ang pulis tapos
nag-usap muna sila ng
konti.

"O ma'am. May asawa na pala kayo eh. Sumama na kayo sa kanya." Turo ni mamang pulis
kay Jeff.

"Hindi po ako sasama. Lagi na lang po nya ako sinasaktan."

"Huh? Atty. Lee, pinagbubuhatan mo ba ng kamay ang asawa mo?"


"What? No! Hindi ko sya sinasaktan! Tsk. Tin, tumayo ka na nga dyan." Tinago ko ang
kamay ko sa
likuran ko.

"Waaaaa. Wag ka maniwala dyan mamang pulis. Lagi na lang nya ako sinasaktan. Ang
sakit na talaga
mamang pulis. Ang sakit na."

"May mga pasa ba kayo ma'am?"

"What are you talking about? I'm not hitting her-"

"Atty. Lee. Mas makakabuti kung sumama kayo sa'kin sa presinto-"

"Huhuhu mamang pulis. Ang sama niya talaga. Nakalimutan na nga nyia yung exhibit ko
kagabi eh"
Napatingin naman ang mamang pulis kay Jeff.

"Look, may emergency meeting ako so-" sabi ni Jeff

Tumayo naman ako kaya napatingin ulit sa'kin yung pulis. "Tapos alam mo ba mamang
pulis, hinintay ko
sya kanina ng tatlong oras! 3 hours yun! Hindi man lang sya nagtext o tumawag-"

"Nalowbat yung phone ko." Tumingin ulit wng pulis kay Jeff. "Tsk. Nagkaroon ulit
kami ng meeting at
hindi ako makaalis-"

Hinawakan ko naman yung arm ni mamang pulis kaya napatingin sya sa'kin. "Birthday
ko po ngayon.
Actually tapos na po pala yung birthday ko, tapos hindi man lang nya ako binati-"

"Birthday mo?" HInawakan naman niya ang arm ni mamang pulis. "Look, hindi ko alam
na birthday pala
nya-"

"TEKA NGA!" Tinanggal naman ni mamang pulis ang mga kamay namin sa arms niya. "Wag
nyo nga
akong idamay dito! Madami pa akong gagawin! Hay, mga kabataan talaga!"

Tapos humarap naman sa'kin si mamang pulis. "May mga pasa ka ba iha? Diba sabi mo
kanina masakit?
Ano bang masakit?"

Napatingin naman ako kay Jeff. Nakatingin din siya sa'kin. "Wag kang matakot sa
kanya iha. Sabihin mo
ang totoo-"

"Yung puso ko po."

"Ha?" Nagulat naman si Mamang pulis. Totoo naman puso ko talaga masakit/

"Yung puso ko po mamang pulis ang sakit."

Nag-iwas naman ng tingin sa'kin si Jeff. "Naku naman. Pag-usapan nyo ngang mag-
asawa yan! Basta
wala nang uupo sa gitna ng kalsada." Sabi ni mamang pulis then hinawakan niya ako
sa balikat.
"Iha, wag ka na kasi masyado magtampo." Tapos humarap naman siya kay Jeff at
malakas na tinapik sa
likod.

"Ikaw naman lalake. Wag mong kakalimutan yung birthday! Tsaka suyuin mo kasi! Wag
mong iwan sa
gitna ng kalsada."

After nun umalis na si mamang pulis habang umiiling-iling yung ulo. Naiwan na naman
kami ni Jeff na
nakatayo dun. Uh-oh, awkward.

Sige na nga, hindi na ako magtatampo. Basta magsorry lang siya okay na kami.

"Ehem." Nagfake cough si Jeff.

Nakatingin lang ako sa floor.

"Nagkaroon ako ng meeting." Sabi niya lang. Tumango naman ako.

"Nalowbat din yung phone ko." Tumango lang ulit ako.

"Yung sa exhibit naman, natabunan yung invitation na pinadala mo sa desk ko." Okay.
Tumango ulit
ako.

Naiintindihan ko naman. Naiintindihan ko naman talaga. "Yung birthday mo....Tsk.


Nagpaliwanag na
ako diba?" Napatingin naman ako sa kanya. Nag-iwas naman siya ng tingin. "Wag ka na
magalit."

Ehh? Yun na yun? Hindi ba siya magsosorry?

"Halika na. Umuwi na tayo-"

"Jeff." Napatingin tuloy siya sa'kin. "Just say sorry. Okay na yun sa'kin."

Tinitigan naman nya ako. Yung matagal. "Tsk. Fine." Nag-iwas naman siya ng tingin.
"Kasalanan ko. Kaya
wag ka na magalit."

Uh, okay. Asan ang sorry dun?

"Just say sorry?"

"Alam ko namang mali ako-"

"Just say sorry?" Waa! Sorry lang Jeff.

"Inaamin ko na ngang kasalanan ko diba!" Hala! Hndi pa rin ba siya magsosorry? 'Yun
lang naman ang
hinihingi ko. Tumalikod na ako. Babalik na lang ako sa concert.

Naks Tin! Ang bongga tinatalikuran mo na si Jeff ngayon ah. Nakakatampo kasi.

"Tin! Sa'n ka pupunta!" Sigaw niya sa'kin. Dire-diretso lang ako. "Sinusuyo na nga
kita diba? Bakit galit
ka pa rin?!"
Hala hala. Ako daw yung galit? Siya kaya yung galit! Mamaya sisigaw na 'yan,
pustahan.

"TIN! BUMALIK KA NGA DITO!" See? Sabi ko na sisigaw siya. Hinabol naman niya ako
tapos hinawakan
sa arm.

"Sorry lang naman yung gusto ko Jeff eh. Yun lang, kahit wag mo na ako suyuin.
Mahirap ba yun?"

"OO MAHIRAP!" Nag-iwas naman siya ng tingin sa'kin. Ehh? "Hindi ako sanay sabihin
yun, okay? Tsk."

Hala hala. Namumula na naman tenga nito. Pero kung iisipin nga, parang hindi ko pa
nga siya naririnig
magsorry. Mahirap ba talaga sabihin? Madali lang naman.

Nagbuntung-hininga sya.

"S..S...So-" Hala, inaattempt niya bang magsorry sa'kin?

"I'm S..S.....S....So...So....Sor-Haist!" Binitawan naman ni Jeff ang arm ko tapos


tumakbo palayo. Whaa.
Si Corona ba sya? Walk-out ng walk-out eh. Chos.

Galit na ba siya?! Ikaw naman kasi Tin eh. Nagsososrry na nga siya in his own way.
Pakipot ka pa.

Pero grabe, sabi nga ni mamang pulis wag niya ako iwan sa kalsada. Magtataxi na
lang ba ako?
Madaling-araw na kasi. Naglakad-lakad na ako. Pano kaya ako uuwi? Wala pala akong
perang dala!

"Jeff?" Hala hala. Bumalik siya! Humihingal na naman siya. "Bakit ka umalis Jeff?
Sa'n ka ba nagpunta?"

"Sa kotse."

"Huh? Bakit ka bumalik sa kotse-"

Bigla naman niyang nilabas mula sa likod niya yung.... flowers! WAAAAAAA! May dala
siyang flowers!
Waaaaaaa! Nakatingin lang ako dun sa flowers. Waaaaaa! Totoo ba 'to?!

"Tsk. Kunin mo na." Inaabot niya sa'kin ang flowers.

"P-Para sa'kin ba 'yan?" Sapilitan naman niyang nilagay sa kamay ko.

"Para kanino pa ba?"

Totoo ba 'to? Binigyan ba talaga ako ni Jeff ng flowers?! Ang bango naman! Wow!

"Wag ka na magalit. S...S....So....Tsk. Haist! Bakit ba di ko masabi?!" Ginulo niya


ang buhok niya.

Nangingiti naman ako dito. Sige na Jeff, kahit di mo na masabi yung sorry, okay na.
Binilihan mo naman
ako ng flowers. Nilapitan ko sya.
"S...S...So...So....Sor-" Napatigil tuloy siya sa pagsasalita niya.

Tumingkayad kasi ako tapos hinalikan ko syia sa cheek. Namumula na naman tenga
niya. "Thanks sa
flowers Bubu!" Kahit nakalimutan niya ang birthday ko, okay lang. Kasi tinutupad
naman niya yung
birthday wish ko.

Ang wish ko lang naman ay ang makasama ko sya forever and ever and ever and ever-

Hinawakan niya bigla ang kamay ko. "Umuwi na tayo." Sabi niya.

Sumakay na kami sa kotse then nagdrive na si Jeff pauwi. Sa daan, yakap yakap ko
lang ang flowers na
binigay niya sa'kin. Hindi ko na naman mapigilan ngumiti!

Pag-uwi namin sa bahay, nilagay ko agad ang flowers sa vase sa kwarto ko. Waaaaa!
Sana wag agad
malanta.

Nag-ayos na ako ng sarili then humiga na ako sa kama. Grabe pagod na pagod ako.
Madaling-araw na
then may pasok pa ulit bukas.

Ipipikit ko na sana ang mata ko nang bigla namang tumunog ang phone ko. Sino naman
kayang
tumatawag?

"Hello?"

"Matutulog ka na?" Bakit niya ako tinatawagan?

"Hindi pa naman Bubu. Bakit ka napatawag?"

"Bawal ba?"

"H-Hindi naman Bubu. Weird lang. Kakakita lang natin kanina eh."

And first time ever nyia akong tinawagan without any reason 'no. at saka naiimagine
ko siya na
nakahiga na rin sa kama nya. Wow parang telebabad lang.

"Yung tungkol sa birthday mo pala...."

"Ehh? Ah ok na yun Bubu, wag mo na isipin."

"Then yung sa exhibit..."

"Yun din, wag mo na isipin yun-"

"Sorry."

"EH?!" Napa-upo naman ako sa kama ko. Teka, nagsorry ba talaga siya? Tama ba ang
narinig ko?!

"Tsk. Mas madali pa lang sabihin sa phone."

Napangiti naman ako. Grabe naiimagine ko namumula ulit ang tenga niya. Wow nagsorry
talaga siya?

"Bubu sorry din ah. Alam mo first time ko lang kasi nagkaboyfriend eh. Ang totoo
nyan hindi ko alam
yung gagawin. Basta sabihin mo lang kung masyado akong hindi understanding or
demanding or
masumpungin or-"

Narinig ko naman ang impit na tawa sa phone.

"Teka bubu. Tumatawa ka ba? Pinagtatawanan mo ba yung speech ko?"

Nagclear throat siya. "Hindi ah." I swear. Feeling ko ngumingiti siya. "Sige na
matulog ka na. Maaga ka
pa bukas."

"Ok. Alam mo bubu parang ang sweet mo sa phone."

"Tsk. Ibaba mo na nga." cute talaga nito.

"Sige bubu! See you mamaya. Ibababa ko na-"

"Tin."

"Hmm?"

"Ako pala ang mauunang magbaba ng phone ngayon."

"O-Ok sige Jeff ikaw na magbaba muna-"

"Tin."

"Hmm?" Ano bang meron? Bakit parang ang weird ni Jeff?

"Gusto ko lang sabihin..." nagclear throat ulit siya.

"Bakit Jeff? Ano bang meron-"

"I love you too." Tapos binaba na niya ang phone.

Sumusuka na ako ng ginto sa kileg. Kyaaaaa!

*******************************************
[28] KISS ME
*******************************************
CHAPTER 27

KISS ME
I love surprises.

Lalo na yung mga bagay na hindi ko talaga ineexpect. Yung for example, akala ko
ihahatid na ako ni Jeff
sa shop. Pero bigla naman niyang ititigil ang kotse sa isang lugar.

"Bubu bakit tayo tumigil?" Tumingin ako sa labas ng bintana. Hmm, saan ba 'to?

Pinatay naman niya ang makina ng kotse.

"Teka lang, late ka na bubu. Ok lang ba na tumigil tayo? Baka hinahanap ka na sa


office nyo--"

"Hindi ako papasok." Napatingin naman ako sa kanya.

"Hala. Bakit hindi ka papasok? T-Teka ok lang ba 'yun?" Diba parang cutting class
lang 'to. Baka pagalitan
siya. Pero sabagay, siya naman ang boss.

"Diba birthday mo kahapon? We'll celebrate today."

"T-TALAGA BUBU?!" Weh. Totoo ba 'to?

Bumaba na siya ng kotse so bumaba na rin ako. Hindi papasok si Jeff dahil gusto
niya icelebrate ang
birthday ko? Edi ako na ang masaya!

Bumili siya ng ticket at pumasok kami sa Ocean Adventure. Hala ang cool pala dito!
May malalaking
aquarium tapos para kaming naglalakad sa ilalim ng dagat.

"Hala bubu! Si Nemo! Si Nemo!" Lumapit ako dun sa glass then tinuro-turo ko ang
isdang color orange.
Lumapit din si Jeff.
"Tsk. Bakit mo binibigyan ng pangalan yung isda?"

"Hindi Jeff. Sya talaga si Nemo. Diba nawawala sya? Nandito lang pala sya eh."

"Nawawala sya?" Napatingin ako kay Jeff. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin
dun sa orange na
isda. Hala!

"Umamin ka bubu. Hindi mo kilala kung sino si Nemo 'no? Hindi mo pa napapanood yung
movie nya?"
Nag-iwas naman siya ng tingin tapos sinuksok yung mga kamay sa bulsa.

"Bakit magkakaroon ng pelikula ang mga sida? Tsk." Tapos naglakad na palayo.

Ito talaga si Jeff! Lagi akong pinapangiti. Naglakad-lakad pa kami habang turo
naman ako ng turo ng
mga isda. Pati nga mga dolphin at shark meron din!

Hanggang sa pumunta kami dun sa part kung saan binabad namin yung mga paa namin sa
tubig na may
mga maliliit na isda. Nakakakiliti. Kinakagat nila ang paa namin.

Nakaupo lang kami dun habang kinukwentuhan ko siya ng Nemo. Hanggang sa may bigla
akong naalala.

"Ah! Sandali lang bubu." Nilabas ko ang phone ko. "Picture tayo!"

"Tsk. Ayoko."

"Sige na! Picture lang eh." Tinabi ko ang mukha ko sa kanya tapos tinapat ko sa
amin ang camera. 1,2,3,
click! Tiningnan ko agad ang photo.

"Bubu naman eh. Bakit hindi ka nakatingin sa camera?" Nakatingin kasi sa sa


kabilang side. Nananadya
ba 'to?

"Ikaw na lang kasi. Wag mo na 'ko isali." Nagcross arms naman siya. Bakit ba ayaw
niya?

"Sige na bubu! Minsan lang naman tayo magpicture together eh." Nakacross arms pa
rin siya. Hindi ako
pinapansin. Ano kayang pwede kong gawin?

Ah alam ko na! Binaba ko na ang cellphone ko. "Sige na nga, wag na." Tumungo pa 'ko
kunwari tapos pa
sad ang boses. "Birthday ko naman kahapon eh. Wala ka ngang gift sa'kin. Tapos
nakalimutan mo pa.
Picture lang naman yung hinihingi ko ngayon tapos-"

"TSK! FINE! Sige na tititngin na 'ko sa camera. Bilisan mo na!" Ang galing ko
talaga. Tinaas ko na ang
phone camera ko.

"Ok bubu! Say cheese ah! 1,2,3, cheese!" Syempre ako lang nagsabi ng cheese. Tapos
nakatingin nga
siya sa camera, pero nakasimangot naman. Pero okay na rin! Ang cute nga niya.

"Bubu pahiram ako ng phone mo."

"Bakit?"

"Syempre dapat may picture din tayo sa phone mo! Dali pahiram na!"

"Ayoko- Tsk! Tin ano ba!" Chinansingan ko siya. Chos. Kinapa-kapa ko lang naman ang
bulsa niya tapos
hinanap ko kung asan ang phone niya. Sapilitang pagkuha na 'to!

"OO NA! OO NA! ITO NA!" Sus. Iaabot din pala. Nagpapachansing pa hata sa'kin.

Then ayun, nagpicture picture pa kami. Tapos ginawa kong screen saver sa phone ni
Jeff ang picture
naming dalawa. Wala na siyang magagawa!

After nun, umalis na kami. Sabi ni Jeff kain daw muna, pero sumigaw ako kaya
pinatigil niya ang kotse.

"Bakit?! Anong nangyari?"

Tinuro ko naman yung sa may bintana. "Bubu punta tayo dun! Arcade! Arcade!" Ang
tagal ko na kasing
hindi nakakapunta sa arcade eh!

"Tsk. Akala ko naman kung ano." Then syempre nagpark muna siya. Pumasok na kami at
hinila ko si Jeff
dun sa may tekken. Seryoso ba siya? Hindi siya marunong?

Tinuruan ko muna siya tapos lagi akong nananalo. Expert hata ako! Nung medyo
naiinis na siya at
hinahampas na ang buttons, hinila ko na siya dun sa may basketball.

"Bubu sure ka bang gusto mo 'kong kalabanin? Baka matalo ka na naman."

"Tsk. Akin na nga yung token."

At naglaro na nga kami ng basketball. Hindi naman ako masyado magaling. As in okay
lang.
Nakakashoot ng konti, then minsan hindi. Nang matapos yung time ko, may 24 points
ako!

Pero grabe! Gulat na gulat ako kay Jeff! Nagkukumpulan na nga 'yung mga tao at
pinapanood siya.
"Wow bubu! Grabe yung score mo!" Nagbubulungan na yung mga tao. Si Jeff naman todo-
todo ang
effort sa pagshoshoot. Seryosong seryoso. Hingal na hingal at pawis sya nang
matapos na ang time
niya. Tiningnan naman niya ang score ko.

"Tsk." Nilapitan ko naman siya.


"Bubu ayoko naman talaga makipagcompete sa'yo eh-"

Bigla naman siyang naglakad palayo. Hala nainis ba sya? Hinabol ko naman siya. "Ok
naman yung 2
points diba! Mataas na nga yun lalo na kapag beginner lang Ako nga dati wala talaga
akong nashoot-"

Hala naman. Ang bilis pa rin niya maglakad. Dapat hata hindi ko na siya dinala
rito. Nainis lang sya.

Eh kasi naman 'no. Hindi ko naman alam na hindi pala talaga siya marunong. Kanina
pa siya shoot ng
shoot wala namang pumapasok. Buti nga nakatsamba pa siya ng 2 points. Kalurkey.

"Ui bubu. Wait lang naman o." Ang bilis niya kasi maglakad. Palabas na sana siya
nang bigla siyang
napatigil. Bakit kaya? Lumapit naman ako ng mabilis.

"Bubu ok ka lang ba- Kev?!"

"O tin ikaw pala." Surprise, surprise! Bakit nandito si Kev? Tumingin naman siya
sa'kin then tumingin
kay Jeff. Tapos ngumiti. "Nagdadate din pala kayong dalawa?"

"Syempre naman Kev 'no!" Kinindatan naman niya 'ko.

"Babe! Bakit ang tagal mo?! Game over na tuloy!" Bigla namang lumapit si Anj kay
Kev.

"Anj? Nandito ka rin?"

"Tin! Papa Jeff! Wow nagdadate din kayo? Level-up na talaga ah!" Kindatan naman ako
ni Anj.
Nginitian ko naman siya.

"Pero teka Anj. Kung nandito ka, ibig sabihin walang tao sa shop?" pagtataka ko.
"Ano ka ba Tin. May assistants naman tayo eh. Sila muna ang bahala. Tsaka hindi
pwedeng ikaw lang
ang laging nakikipagdate 'no!"

"Pare ayos ah. Hindi ka pumasok ng opisina para makipag-date?" Sabi naman ni Kev
habang nakangiti.

Si Jeff naman tahimik lang. Pero teka, parang namumula ang tenga?

"Tin. Saan na kayo pupunta?" Napatanong si Anj.

"Uhm, kakain na ata kami?"

"Wow sakto! Kakain na din kami eh. Ano sabay na tayo?" Napalaki lalo ang ngiti ni
Anj.

"Ummm." Tumingin naman ako kay Jeff. Tahimik pa rin sya. Okay lang kaya?

"Wag na babe. Wag na natin sila istorbohin." Nakangising sabi ni Kev.

"Ehhh! Hindi naman natin sila iistorbohin eh. Diba Tin? Tsaka masaya nga yung
double date eh! Diba
Tin? Diba diba?" Kinukulit na ako ni Anj.

"Double date?" Wow, oo nga 'no. Pag nagkataon, may double date nga kami! Wow first
time ko 'to.

"So ano. Game na, game na? May alam kaming kainan ni Kev na masarap. Diba babe?"

"Yeah. Pero ok lang ba talaga sa kanila na sumama sa'tin babe? Para kasing...."
Tapos tumingin naman si
Kev kay Jeff.
"Ano Tin? Sama kayo?" Sinisiko naman ako ni Anj.

"Sure sige!" Double date? Parang mas masaya nga 'yun!

"Tsk." Sabi naman bigla ni Jeff tapos naglakad na palabas.

"Ano nangyari dun? Pag ganun ba sya Tin, ibig sabihin galit?" bulong ni Anj sa
akin.

"Uhm. Kapag nagwawalk-out si Jeff, ang ibig sabihin nun kinikilig siya eh. Baka
excited na rin siya."
Tama naman ang sinabi ko di ba?

"Pfft." Napatingin naman kami kay Kev. Ngumiti siya sa'min habang umiiling-iling.

"Pinagtatawanan mo ba kami babe?" Ang cute ni Anj ang talim ng tingin kay Kev.

"Hay. Mga babae talaga may pagkamanhid." Tapos kinindatan niya ako. Ehh? "Tara na
baka mainip na
yung isang yun."

Tapos lumabas na si Kev. Sumunod naman kami. Si Anj naman kinukulit pa rin siya
kung anong sinasabi
niya. Si Jeff naman hinihintay ako sa may kotse.

Anyway, kumain naman kami sa isang Chinese restaurant. Wow ang sarap nga. At saka
syempre
masaya.

Ang ingay pa tumawa nila Kev at Anj, kaya pinagtitinginan tuloy ang table namin.
Nakikitawa na rin
tuloy ako.

Napatingin naman ako kay Jeff. Tahimik na naman siya. Okay lang naman sa kanya
magdouble date
diba?
Pero may isa pang bumabagabag sa'kin. Bakit share lang sa isang glass of juice sina
Kev at Anj?
Parehong nandun ang straw nila o. Sabihin niyo nga! Bakit?

"Ah bubu wait lang." Pinigilan ko naman si Jeff bago uminom ng juice niya.

"Bakit?" Kinuha ko naman ang straw niya tapos nilagay ko sa juice ko.

"Bubu share na lang tayo. Dito ka na lang din uminom." Pa-cute eyes.

"Tsk. Ayoko." Tapos ininom na lang din nya yung juice nya kahit walang straw. Why?

Nang mapatangin naman ako kina Anj, nakatingin silang pareho sa'kin. Tapos biglang
nag-iwas ng
tingin. Hmph. Pinagtatawanan ba nila 'ko?

After namin kumain, naglakad-lakad muna kami. Meron kasing magandang park katabi
nung
restaurant.

Pero ito na naman ha. Bakit biglang hinawakan ni Kev ang kamay ni Anj habang
naglalakad? Bakit si Jeff
hindi niya hinahawakan ang kamay ko? Naman eh!!

Binunggo-bunggo ko naman ang kamay niya. Ehem Jeff! Hawakan mo naman yung kamay ko!

Hawakan mo.

"Tsk. May problema ba?" Tumingin sa akin si Jeff.

"H-Huh? Wala ah." Umiiling -iling pa ako.

"Bakit mo ginagalaw-galaw yung kamay mo?"


"Uhm, exercise? He-he." Jeff naman eh. Pansinin mo naman! Holding-hands nga eh!

Mayamaya pa, inakbayan naman ni Kev si Anj habang naglalakad. Hala hala! Kalurkey!

Teka. Akbayan ko na lang kaya ulit si Jeff? Ginawa ko anman 'to sa sinehan dati.
Pero iba pala kapag
nakatayo. Ang tangkad kasi ni Jeff. Ang awkward naman kung akbayan ko siya.

Hmm, alam ko na! Tumabi na lang ako sa kanya ng super lapit. Akbayan mo 'ko Jeff,
akbayan mo 'ko!

"Tsk. Ang laki laki ng daan. Bakit mo ba 'ko sinisiksik?" Kumunot ang kilay ni
Jeff.

"Bubu naman eh!" nagpout na tuloy ako.

"Ano?!" Naiinis na ba siya? Naman o.

Yung totoo. Kami ba talaga mga babae ang manhid? Mga lalake kaya! Example,si Jeff!

Tumigil ako sa paglalakad. Kaya napatigil din siya. Sina Kev at Anj nauuna na
sa'min kaya hindi na kami
masyado napapansin.

"Tsk. Bakit ka tumigil?"

"Totoo ba yun Jeff?"

"Ha?"

"Yung sinabi mo sa'kin sa phone! Totoo ba yun?" Nag-'I love you too' pa nga siya
sa'kin diba? Eh bakit
ngayon kahit holding hands parang ayaw niya?
Nag-iwas naman ng tingin sa'kin. Then namula ang tenga. "W-Wala akong natatandaan
sa sinabi ko."

"HALA BUBU! Hindi mo natatandaan?! Nag-sorry ka pa nga sa'kin diba! Tapos tumili pa
nga ako ng
tumili kagabi nung sinabi mo sa'kin yung I love-"

Bigla naman niyang tinakluban ang bibig ko. "Oo na! Oo na! Sinabi ko na! Wag ka na
nga maingay!
Haist!"

"Tin? Jeff? Okay lang kayo?" Nilapitan naman kami ni Anj. Tinanggal naman agad ni
Jeff ang kamay niya
sa bibig ko.

"O-Okay lang kami Anj."

Naglakad-lakad pa kami. Tapos bumili ng ice cream. Tapos kwentuhan. Hmp Ito
talagang si Jeff, hindi na
ako pinapansin. Hala naman bakit naging ganito? Diba dapat masaya ang date na 'to?

Mayamaya pa, nagpaalam na sina Anj at Kev. Iiwan na daw nila kaming dalawa. Kaya
ayun naglakad na
sila papunta sa kotse ni Kev.

Naiwan na lang tuloy kami. Hala naman! Bakit biglang ang awkward? Hindi kasi kami
nagsasalita pareho
ni Jeff. Naglalakad lang kami.

Magsalita ka Tin! Go go go! Pero tek ano bang dapat sabihin? Nakuuu! Kailangan ko
hata ang advice ni
Anj! Kailangan ko siya tawagan! Pero pa'no?

Bigla namang tumunog ang phone ni Jeff. Life-saver!

"Sandali lang, sasagutin ko lang-"


"GO LANG BUBU. Sige sagutin mo na, importante yan diba?"

Kumunot naman ang kilay niya sa'kin. Tapos lumayo ng konti then sinagot na ang
phone niya. Mukhang
hindi talaga maganda na nag-aabsent siya. Hinahanap siya sa opisina.

Pero teka! Pagtingin ko sa may malayo, nandun pa rin ang sasakyan ni Kev! Pero
bakit hindi pa sila
umaalis?

Hala! Baka gift na 'to sa'kin ni Lord! Hindi ko kasi alam ang gagawin kaya hindi pa
niya pinapaalis si Anj!
Yes!

Tumingin naman ako sandali kay Jeff. Busy pa naman siya. Kaya tumakbo na muna ako
ng mabilis
papunta sa kotse ni Kev. Waaa Anj kailangan ko talaga ng advice!

Nakabukas na ang makina ng kotse pero hindi pa rin sila umaalis. Bakit kaya?
Dinikit ko naman ang
mukha ko sa may bintana ng kotse at sumilip. At napanganga ako sa nakita ko.

Si Anj at Kev naghahalikan! Hala hala! First time ko makakita ng live na ganito!
Kaya syempre nanood
muna ako. Torrid ah! Kaloka!

Bigla ko naman naalala na kailangan ko nga pala ng advice! Kinatok ko ang bintana.
Sorry friends,
paistorbo muna.

Bigla naman silang napatigil sa ginagawa nila at nanlaki ang mga mata nang makita
ako. Si Kev naman
nagsmile then napakamot ng ulo. Si Anj laglag panga tapos dali-daling lumabas ng
kotse.

"TEENY WEENY?! Anong ginagawa mo dito?!" Hyper naman nito ni Anj!


"Wala akong nakita Anj ah! Wala talaga. Promise hindi ako naninilip habang
naghahalikan kayo ni Kev sa
loob-"

Bigla naman niyang hinablot ang arm ko at nilayo ng konti dun sa kotse. "Tin ano ka
ba! Bakit mo kami
sinundan? Asan na si Jeff? Bakit hindi mo kasama?"

"May kausap lang kasi sya sa phone. Tsaka Anj kailangan kasi kita maka-usap eh."

"Ano na naman ba yan Teeny Weeny? Istorbo ka eh." Kinurot naman niya ako. Nginitian
ko naman siya
ng malaki.

"Ikaw Anj ah. Yan pala ang mga ginagawa nyo ni Kev sa free time nyo- Ouch!" Ito na
naman po siya.
Nambabatok.

"Bakit ka ba kasi naninilip ha? Ano bang problema? Sabihin mo na! Bilis! Busy ako."
Oo nga, busy na
busy siya.

"Yan nga yung poblema ko Anj eh. Yang pinagkakabusyhan nyo ni Kev. Yan ang problema
ko."

"WHAT? Bakit mo naman pinoproblema yung.... ginagawa namin ni Kev sa kotse??"


Nagcross arms
naman siya.

"Yun nga Anj. Bakit ginagawa niyo yan ni Kev, eh kami ni Jeff hindi. Kahit nga
pagshare ng juice, holding
hands, o pag-akbay! Di nya nga ako hinahalikan eh!"

Inirapan naman ako ni Anj. "Alam mo Tin ang corny mo. Grabe akala ko naman ang laki
ng problema mo
tapos yan lang pala?!"

"Ano ka ba Anj. Malaking problema 'to 'no!"


"Hay nako naman! Eh ano bang gusto mong gawin ko-"

"ANJ HINDI NYA AKO HINAKALIKAN!! ANONG GAGAWIN KO? ANONG GAGAWIN KO?!" Napapasigaw
na ako.

"Babe? Tin okay ka lang? May problema ba?" Lumabas naman si Kev sa kotse. Si Anj
naman kinurot ako
sa tagiliran.

"Hindi babe. Ok lang 'to, walang problema. Sige pasok ka na ulit. Matatapos na rin
ako dito. Wait lang."
Hinarap naman ni Anj si Kev.

Nagshrug naman si Kev tapos kinindatan ako. Tapos pumasok na ulit siya sa kotse.
Hinawakan naman
ako ni Anj sa may balikat. "Ganito ang gawin mo Tin. Bumalik ka na ulit kay papa
Jeff and... uh, make
yourself kissable! Baka kasi hindi ka niya hinahalikan kasi hindi ka nagpapaganda."

Napasuklay naman ako bigla sa buhok ko. "G-Ganun ba yun Anj?"

"Oo ganun yun Tin. Kaya bilisan mo bumalik ka na dun. Kaya mo yan! Landiin mo lang
siya. Kahit naman
masungit yang asawa mo eh, lalake pa din yan."

"Pero teka lang. pa'no ko naman siya lalandiin, hindi ako marunong-"

"Kaya mo yan!" Tinulak-tulak naman ako ni Anj papunta sa direksyon ni Jeff. "Basta
ipakita mo lang
yung alindog mo. Okay?"

Nag-nod na lang ako tapos bumalik na siya sa kotse. Bumalik na rin ako kay Jeff.
Humanda ka bubu.
Ipapakita ko sa'yo ang alindog ko.
Ilang araw na ang nakakalipas. Pero hindi niya pa rin ako hinahalikan. Naman eh!
Ginawa ko naman ang
lahat. Nagsearch nga ako ulit sa google kung paano magpakita ng alindog! For
example...

Plan #1: One thumb rule

Tuwing nagsasalita si Jeff, lagi lang ako one thumb away from his face.

Halimbawa, pagkauwi pa lang niya galing sa trabaho, lumalapit na ako agad sa mukha
niya ng mga one
thumb away.

"Bubu kamusta yung araw mo? Ok ka lang ba? Hindi ka ba masyadong napagod?"

Kumukunot naman ang kilay niya tapos nilalayo niya ang ulo niya sa'kin. "Ayos lang
ako."

"Talaga?" Nilapit ko pa ulit ang mukha ko. Dali na Jeff halikan mo na 'ko, ang
lapit na nga ng lips ko sa'yo.
"Yung baon mo nakain mo ba?"

"Y-Yeah." Sabi niya habang humaba ang leeg palayo sa'kin. Jeff naman! Lumapit pa
ako ulit. One thumb
rule!

"Jeff masarap yung niluto ko ngayon! Siguro gutom na gutom ka na kaya naghanda
ako-"

"Tsk. Lumayo ka nga! Bakit ba ang lapit mo?" Sabi niya then mabilis na tumakbo
paakyat sa kwarto nya.

Fail!

Plan #2 Red lipstick

Minsan pag uwi ni Jeff, naglagay ako ng bonggang red lipstick. Nabasa ko 'to sa
internet. Ito raw ang
ginagawa ni Anne Curtis para maging kissable ang lips niya. Remember?Idol ko si
Anne sa pagkanta at
ngayon sa red lipstick.

Kaya naman habang kumakain si Jeff, salita ako ng salita para maipakita ang red
lips. "Bubu alam mo,
ang dami kong ginawa kanina sa shoppp." Lagi ko pang ineemphasize ang letter "p"
ko. Sabi kasi ni
google. Kapag daw lagi kong ginagawang parang "pop" ang pronunciation ko ng letter
"p", mas
effective!

Napatingin naman siya sa'kin ng saglit then kumain ulit. Hindi niya ba napapansin
ang red lips ko?

"Masarap ba bubu yung pagkain? Nilagyan ko yan ng madaming hot hot pepppppper."

Binilisan niya pa lalo ang pagkain. Naman o. Hindi niya ba talaga papansinin ang
beauty ko? Teka
kailangan ko na hata gamitin ang secret weapon.

"Jeff!" Yehey napatingin sya sa'kin. Nginitian ko naman siya. "Ang gwapo mo today."
Sabi ko lang and
then kagat labi!

WOOOOH GO TIN! GO GOOGLE! Ang galing mo!

Kaya lang parang di naman effective. Uminom nang mabilis si Jeff ng tubig tapos
tumayo agad at
umalis.

Fail fail fail!

Kaya naman ngayon, gagawin ko na ang pinakamatindi kong technique!

Plan #3 Black dress

Nilabas ko ang black dress ko na napaka-ikli. As in mga 6 inches above the knee.
Humanda ka Jeff. Kung
hindi pa ako kissable sa itsurang 'to, ewan ko na lang.

Inaayos-ayos ko pa ang buhok ko nang biglang narinig kong bumukas ang pinto. Hala
andito na siya!

Nagspray naman ako ng perfume tapos bumaba na ako ng mabilis. Naka-paa lang ako
since nasa bahay
lang naman kami.

"Boss saan ba namin ilalagay dito-" Bigla namang napatigil sa pagsasalita si Rey
nang bumaba ako ng
hagdan.

Teka bakit nandito siya? Si Paul din? May dala-dala silang mga papel pero hindi
naman sila gumagalaw.
Nakatitig lang sila sa'kin.

"Rey? Paul? Si Jeff? Nasan sya?"

Tiningnan naman nila ako mula ulo hanggang paa. Nakanganga pa, take note.

"Langya. Nakaka-inggit si Boss." Nakangising sabi ni Rey.

"Kaya pala laging nagmamadali umuwi eh." Umiiling naman si Paul.

Nasaan ba si Jeff?

"Tsk. Ipatong nyo na lang dyan sa lamesa-" Biglang napatigil sa pagpasok ng bahay
si Jeff. Nanlaki bigla
ang mata nung nakita ako. Tapos napatingin siya kina Rey at Paul.

"Hi bubu! Bakit mo kasama sina Rey at Paul dito sa bahay-"

Nagulat naman ako ng bigla siyang sumigaw. Hala bakit bigla siyang sumigaw?!
Sumigaw din ako. Wala
lang, gaya-gaya lang. Sumigaw kasi siya.

"TUMALIKOD KA! TUMALIKOD KA! TUMALIKOD DIN KAYO!" Sigaw naman niya sa'min.

"Huh? Bakit naman bubu-"

"TUMALIKOD KAYONG LAHAT! BILIS!" Tumalikod naman ako bigla. Narinig kong parang
tumalikod din
sina Rey. Bakit ba kami tumatalikod?

"UMALIS NA NGA KAYO!" Sigaw na naman niya kina Rey at Paul.

"Teka lang boss! Diba ilalagay pa namin itong mga papeles-"

"AKIN NA NGA YAN! AKO NA!" Tapos parang narinig ko na kinuha niya yung mga hawak
nila.

"Hay. Pinagdala-dala mo kami dito tapos hindi mo man lang kami papa-inumin ng
tubig-" Narinig kong
nagsalita si Paul.

"HINDI NA! UMUWI NA NGA KAYO! DUN NA KAYO UMINOM NG TUBIG SA BAHAY NYO!" sigaw ni
Jeff.

"Uhm, bubu? Pwede na ba ako humarap ulit-"

"HINDI PA! TSK!" Sorry naman nagtatanong lang.

"Oo na. Aalis na kami. Bye Boss. Sige Tin, una na kami."

"S-Sige. Bye Paul and Rey. Ingat." Ang weird naman. Kinakausap ko sila habang
nakatalikod ako.
"Bye Tin! Ang sexy natin ngayon ah- Chill lang Boss! Aalis na nga eh." Sabi naman
ni Rey tapos narinig
kong nagsara na ang pinto.

"Uh Jeff, pwede na ba akong lumingon-"

"UMAKYAT KA NA NGA!"

"Huh? Pero diba kakain ka pa-"

"TSK. HINDI NA AKO KAKAIN! UMAKYAT KA NA! BILIS!"

Hala naman. Bakit siya galit? Umakyat na lang tuloy ako. Wala na akong nagawa. Fail
na ba ang plano
ko? Pero ito na lang ang naiisip ko.

Hindi pwede! Hindi ako dapat sumuko! Hindi muna ako nagpalit ng damit.

Naghintay muna ako sa kwarto ko. Ang tagal naman ni Jeff! After isang oras din nang
narinig ko siyang
pumasok sa kwarto niya. Naghintay pa ako ulit ng mga 10 mins. Okay Tin. Inhale,
exhale.

Sugod!

Kumatok ako sa kwarto niya. "Jeff? Jeff?"

Walang sagot. Pumasok naman talaga siya sa kwarto niya diba? "Jeff? Jeff?"
Nilakasan ko pa ang katok
ko.

"WHAT?!" Narinig kong sigaw niya.

"Buksan mo naman sandali yung pinto o. May sasabihin ako sa'yo eh."
"TSK!" Narinig kong sabi niya then naglakad siya papunta sa pinto. Pagbukas nya...
NGANGA AKO.

Kasi naman. Naka-pants na lang siya. Wala siyang suot na t-shirt. Grabehan! Nanlaki
pa ang mga mata
ko. Kinakawayan naman kasi ako ng abs niya! Pandesal beybe! Yum!

"BAKIT HINDI KA PA NAGBIBIHIS?! HAIST!"

"Huh? Umm.." Teka lang Jeff hindi kasi ako masyado makapag-isip. Lalo na kapag
nakatitig ako sa abs
mo.

"TSK! ANO BANG KAILANGAN MO?! MAGBIHIS KA NA NGA!"

"Uhhh, kasi Jeff ano eh...." Nakatulala pa rin ako. Buti na lang naramdaman ko na
parang isasara na niya
ang pinto kaya pinigilan ko agad. "Bubu wait lang! Pumunta ako dito kasi..."

Naglakad naman ako papalapit sa kanya. Nung malapit na ako natapilok ako. Actually,
more like,
tinapilok ko ang sarili ko. As in, sinasadya kong matapilok kunwari.

As expected, sinalo naman niya ako kaya. Kyaaaa! Nahawakan ko ang abs niya. Shaks!,
matigas-tigas.
Ang galing ko talaga!

"Ok ka lang?" Hala Jeff. Okay na okay ako sa ganitong pusisyon. Inamoy-amoy ko pa
siya. OMG naman,
ang bango niya.

Tapos tinaas ko ang mukha ko. Hala mukhang nag-aalala talaga siya sa'kin. Akala
niya ba talaga natapilok
ako? Ah basta, chance ko na 'to!

Nilagay ko naman ang mga kamay ko sa balikat niya. Then tumingkayad ako at nilapit
ko ang mukha ko
sa kanya. Napalunok naman siya bigla.

Nag-pout na ako. Kiss me Jeff, kiss me. Nilapit ko pa ulit ang lips ko sa kanya.
Ito na, malapit na, ito na-

"Tsk. Matulog ka na nga!" Sabi niya sa'kin tapos nilayo niya ako sa kanya.

"P-Pero Jeff-" Sinara naman nya agad ang pinto sa kwarto niya. Waaa. Fail fail fail
fail fail!

Hindi ba talaga ako kissable?

*******************************************
[29] UNEXPECTED KISS
*******************************************
CHAPTER 28

UNEXPECTED KISS

May kahalikan si Jeff na ibang babae.

As in ngayon na. As in nakatitig lang ako sa kanila habang nakanganga. Paano ba 'to
nangyari? Dadalhan
ko lang naman si Jeff ng lunch sa office. Makikipagbati na kasi ako. Feeling ko
kasi nagalit siya. Sabi nya
hintayin ko na lang siya dito sa labas ng building niya. Siya na lang daw ang
bababa. Pero nung nasa
harap ko na siya, bigla namang may babaeng lumapit!

Tapos ayun na! Hinalikan na niya si Jeff! Hala naman! Ako nga kung ano-ano pang
ginawa ko para
landiin siya. Tapos itong babaeng 'to hahalik lang agad? Ito naman si Jeff hindi
gumagalaw!

Well sabagay ako nakatayo lang din. Nakanganga. Nasa state of shock pa rin ako.

Tumigil na din yung babae then ngumiti ng malaki.


"Jeff! Wow! I missed you!" Sabi nung girl. Teka, kilala niya si Jeff?

"Liz?" Bigla namang nagsalita si Jeff kaya napatingin ako sa kanya. Nakatitig lang
siya dun sa girl. Hala!
Kilala niya rin yung babae?

"Yes! I'm back!" Then biglang nagsuot ng shades yung babae. "See you later
honeybunch." Sabi niya
tapos umalis na. Ay wait! Nagflying kiss pa pala!

Teka teka teka. Ano yun manghahalik tapos aalis bigla? Tapos anong sabi nya?

"HONEYBUNCH?"

Si Jeff naman na nakatitig dun sa babae kanina, napatingin bigla sa'kin. Hala ano
'to? Ngayon lang niya
narealize na nandito ako?

Napakamot naman siya ng ulo nya. "Tin-"

"Jeff, ano yung honeybunch? Bakit yun yung tawag nya sa'yo?? Tapos bakit biglang
nagpahalik ka sa
kanya-"

"Tsk. Nabigla lang ako-"

"Hala nabigla daw! Eh kilala mo nga sya eh! Diba sabi mo siya si Liz?" Nag-iwas
naman siya ng tingin
sa'kin. Then huminga ng malalim. "She's my ex-girlfriend."

Hala hala hala. Nanlaki ang mata ko. Anong gagawin ko? Teka kailangan ko si Anj.
Kailangan ko siya
puntahan!
Nagstart na ako maglakad. "Tin sandali lang!" Hinabol naman ako ni Jeff. "Nagulat
lang naman ako kaya
hindi ako nakagalaw eh." Dirediretso pa rin ako sa paglalakad. "Haist! Wag ka na
nga magalit!"

Hinawakan naman niya ang arm ko kaya napatigil ako. "Pero diba bubu ako yung
girlfriend mo? Sabi
mo, ako yung girlfriend mo! Bakit may isa ka pang girlfriend??"

Nagbuntung hininga naman siya. "Tin, tapos na kami ni Liz. Matagal na yun!"
Naglakad na ako ulit.
"OKAY! FINE! SORRY NA!"

Nagsorry sIya? Napatigil naman ako bigla. "Ikaw na nga yung girlfriend ko ngayon
diba?! I'm even
married to you! Ano pa bang gusto mo?"

Humarap naman ako sa kanya tapos nilapitan ko siya. Tapos nilagay ko ang lunchbox
sa kamay niya.

Isang kiss Jeff, isang kiss. Yun 'yung gusto ko. Nag-effort pa nga ako. Tapos
biglang 'yung si Liz na yun
hahalikan ka na lang bigla?!

Yan yung gusto kong sabihin pero nag-walk out na lang ulit ako. This time hindi na
nya ako sinundan.
Pero narinig ko pa rin yung sigaw niya.

"FINE! GALIT KA? PWES GALIT DIN AKO SA'YO! HAIST!"

Nagtaxi naman ako pabalik sa bahay. Tapos tinawagan ko si Anj. Tapos ayun, nagtago
ako sa loob ng
closet ko.

Ano ka ba Tin? Bakit mo ba iniwan si Jeff dun? Nagalit siya tuloy sa'yo. Pati
kosensya ko
nakokonsensya.

Eh kasi naman o. Kapag nakita mo 'yung asawa mong may kahalikang ibang babae,
siguro naman
pwede mag-emote ng konti diba?

Hindi ko alam kung ilang oras na ako sa loob ng cabinet ko. Pero nung binuksan ni
Anj yung pinto ng
cabinet, nakatulala na lang ako.

"Tin ano ka ba?! Ang hirap mong hanapin ah! Bakit ba kasi nandyan ka?"

"Anj. Anj. Anj." Nilabas naman niuya muna ako sa cabinet tapos binaba niya ako
papunta sa sofa.
Pinainom niya ako ng tubig tapos binuksan niya ang tv. Kumuha pa nga siya ng
chichirya sa kitchen.

"O bilis na, kwento na." Tinaas niya pa ang paa niya.

"Anj, may girlfriend pa siyang isa."

Nilipat-lipat pa ni Anj yung channel. "O tapos?"

"Tapos biglang hinalikan pa siya ng girl!"

Kumain pa si Anj ng chichirya. "O tapos?"

"Tapos ayun! Hindi man lang sya gumalaw. Nakatayo lang siya dun-"

"Shet. Ang laki ng boobs nIya."

Napatingin naman ako kay Anj. "Si Jeff malaki yung boobs?" Naguguluhan kong sabi.

"What Tin?" Natawa naman siya. "Hindi si Jeff! Yun o. Yung model sa tv. Grabe, siya
na ang sexy."
"Anj naman eh! Hindi ka ba nakikinig sa'kin-" Napatingin ako sa tv. "Grabe nga Anj,
ang laki ng boobs
niya!"

"Sabi ko sa'yo eh. Hay nako mga model talaga! Sila na, sila na!" Nanlaki naman ang
mata ko.

"Oo nga Anj! Sya na nga! Sya na nga!"

"Sya na nga Tin! Sya na ang sexy, sya na ang model-"

"Hindi Anj!" Tumayo naman ako at lumapit sa tv. "Siya yung si Liz! Sya yung isa
pang girlfriend ni Jeff!"

Napatigil naman siya sa pagkain. "Huh?! May isa pang girlfriend si Jeff?"

"Oo meron! Hindi ka naman kasi nakikinig sa'kin eh!" Tiningnan ko pa ang si Liz sa
tv. Hala model pala
siya!

"Ulitin mo nga yung kwento mo Tin. Ang gulo mo kasi eh. Sinabi ba ni Jeff na
girlfriend niya yung
model?"

"Oo nga Anj!" Umupo na ako ulit sa tabi niya. "Sinabi nga ni Jeff na girlfriend
niya yung si Liz pagkatapos
syang halikan!"

Tinaasan naman niya ako ng kilay. Bakit parang hindi naniniwala sa'kin si Anj?
"Isipin mong mabuti Tin.
Sinabi niya ba na girlfriend nya pa rin ang babae hanggang ngayon? O ex-girlfriend
na niya?"

"Yun nga Anj! Ex-girlfriend nga niya! Diba ibig sabihin nun, may isa pa siyang
girlfriend?"

Inirapan naman niya 'ko. "Oo nga Tin. Nagkaroon pa siya ng isang girlfriend. Pero
tapos na yun eh. Kaya
nga ex na diba?"

"Eh bakit ako Anj? Wala naman akong ibang boyfriend ah! Si Jeff lang naman yung
boyfriend ko eh."

"Eh kasi Tin. Iba ka. Abnormal ka."

"Huh? Hindi kaya-" Tumayo naman bigla si Anj. Tapos kinuha na ang bag niya. "Teka,
aalis ka na?"

"Oo Tin. Makipagbati ka na kasi sa asawa mo. Wag mo na nga ako idamay."

"Pero Anj-"

"Sige ka Tin. Pag lagi mo siya inaaway, maagaw siya nung model na malaki yung
boobs. Gusto mo ba
yun?"

Napatayo rin ako. "Ayoko nga! Hindi ako papayag 'no!" Naglakad na si Anj papunta sa
pinto.

"O edi wag mo na siya awayin! Makipagbati ka na kay papa Jeff. Ikaw yung
pinakasalan kaya ikaw yung
may karapatan 'no." Naks naman ang mga words of wisdom ni master Anj! Nagbeso na
kami tapos
umalis na siya. Oo tama. Dapat hindi ko na siya awayin! Nagsorry na nga sya diba!

Go Tin! Hindi ko hahayaan makuha siya nung model na yun! Akin lang si Jeff 'no!

Naglinis na lang ako ng bahay. Tapos nagpaint ng konti. Then nung medyo gabi na
nagluto ako ng
masarap na masarap na lasagna. Favorite 'to ni Jeff.

Waaaa. Narinig ko na ang kotse ni Jeff! Pumwesto na ako. Nung binuksan niya ang
pinto.... "Jeff sorry
kanina-" Hala! Nilampasan niya lang ako! Oh no! Sinundan ko naman siya.
"Bubu sorry na. Pinagluto kita ng favorite mo-" Umakyat na siya ng hagdan. Hala
naman! Hindi ba siya
kakain? Hindi na niya ako papansinin?

Sinundan ko rin siya. Kaya lang nandito na naman ako sa labas ng pinto niya. Ano
game, kakatok na ba
'ko? Hay naku, ito na naman ako. Nababaliw.

Pumasok muna ako ng kwarto ko. Nag-isip isip muna ako ng gagawin. Ano bang dapat
gawin? Wow Tin,
may isip? Nag-iisip talaga, totoo ba 'to?

Hindi kinakaya ng brain cells ko ang masyadong pag-iisip! Lumabas na ako ng kwarto.
Bahala na talaga!
Kakatok na lang sana ako nang parang narinig ko ang boses ni Jeff.

Nilapit ko ang tenga ko sa pinto niya. Nagsasalita siya! "Tsk. Tigilan mo na nga
ako! Don't call me
anymore!"

Huh? May kausap sa phone si Jeff? Dinikit ko pa lalo ang tenga ko. "Tapos na tayo
Liz. Pwede ba, I'm
married!"

OMGEEE! SUPERGEEE! Chos. Kausap niya si Liz? Sige pa Tin, makinig ka pa. Todo
chismis 'to! "Tsk. Oo
na! Fine! Makikipagkita na ako sa'yo bukas. But after tomorrow, I expect not to
hear from you
anymore."

Tapos parang binaba na nuya ang phone. Tumakbo naman ako pabalik sa kwarto ko tapos
humiga sa
kama. Nagtaklob ako ng kumot. Waaaa! Totoo ba 'to? Makikipagkita si Jeff bukas sa
ex-girlfriend
niyang model na malaki ang boobs?! Hindi 'to pwede!

Nandito ako ngayon sa kotse. Nakashades at nakasumbrero parang secret agent lang.
"Anj lumabas na
sya ng office! Sundan mo na! Sundan mo na!"

Nandito rin si Anj! Hindi naman ako marunong magdrive. And siya lang din naman ang
may kotse.
Nagmaka-awa pa ako dyan para samahan ako.

"Hay nako naman Teeny Weeny! Ang beauty ko 'to, ginagawa mong driver? May utang ka
sa'kin ah."

"Oo promise Anj! Kahit shoppping spree pa yan! Sige na sundan mo na, umandar na
yung kotse ni Jeff
o!"

Sinundan na nga namin si Jeff. Ewan ko nga rin ba kung bakit namin siya sinusundan.
Makikipagkita lang
naman siya kay Liz. Ano namang big deal dun?

BIG DEAL YUN! Dahil mauutot lang ako ng mauutot sa bahay sa sobrang pag-aalala!
Pa'no kung magkita
sila tapos ma-inlove na ulit sa kanya si Jeff? Hindi pwede 'no!

Tumigil si Jeff sa isang coffee shop tapos pumasok. Lumabas din kami ni Anj sa
kotse at sinundan siya.

"Tin tanggalin mo na nga yang shades at sumbrero mo. Mukha kang holdaper eh."

"Ano ka ba Anj! Kailangan 'to para hindi nya tayo makita."

"Mas lalo tayong mabubuko sa ginagawa mo eh."

Nakita ko si Jeff na umupo na dun sa isang table sa coffee shop. Nandun na rin yung
si Liz. Todo smile
pa siya.

"Anj hindi ko marining yung pinag-uusapan nila."


"Malamang Teeny Weeny. Nasa labas tayo eh."

Pumasok din kami ng coffee shop. Naglakad ako nang parang secret agent. Tinitingnan
ako
suspisciously nung waitress pero buti na lang kasama ko si Anj.

Umupo kami sa table na natatanaw ko si Jeff. Tinaas ko naman ang menu sa mukha ko.
Alam niyo na,
para di niya ako makita. "Alam mo Tin mas mukha kang kahina-hinala eh."

"Sssh Anj. Hindi ko marinig yung pinag-uusapan nila. Naririnig mo ba?"

"Hay nako. Eh parang ayaw naman ata talaga nila magparinig eh. Nagbubulungan.
Sandali nga." Tapos
tumayo naman sya bigla.

"Hala Anj wag kang tumayo! Wag kang lumapit sa kanila! Baka makita ka ni Jeff!"

"Excuse me Teeny Weeny. Sinong nagsabi sa'yo na lalapit ako sa kanila? Oorder ako
'no."

"Teka lang Anj!" Pero naglakad na siya papunta dun sa counter. Buti hindi
nakatingin banada sa'min si
Jeff. Hindi niya kami pwede makita! Baka magalit siya!

Pero teka, ano ba kasing pinag-uusapan nila? Hindi ko kasi marinig. Kailangan ko
pang lumapit! Pero
pa'no naman?

Bigla namang tumayo ang tao sa table sa may likod ni Jeff. Pupunta hata sa cr ang
mommy kaya iniwan
muna ang batang lalake sa table. Chance ko na 'to!

Habang hawak pa rin ang menu, dahan-dahan akong gumapang papunta dun sa table nung
bata.
Waaaa ayos ang pwesto dito! Nakatalikod na nga si Jeff, naririnig ko pa ang pinag-
uusapan nila.
"I'm sorry Jeff." Sabi nung si Liz habang mukhang totoo naman siyang malungkot.

"Alam kong you begged me not to go. Pero umalis pa rin ako. Kasalanan ko kung bakit
nagkahiwalay
tayo. Pero honeybunch-" si Liz 'yung nagsalita.

"Tsk. Don't call me that."

"Ok. Sige Jeff. Mali ako na pinili ko ang career ko over you. Pero I'm back! And
I'm here to stay. So
please? Can you give me one more chance? Can you give us another chance?"

Tapos hinawakan nya ang kamay ni Jeff sa table. Hala hala! Bigla namang may
kumalabit sa'kin. Hindi
ko muna pinansin. Kasi naman si Jeff eh! Bakit hindi niya tinatanggal ang kamay ni
Liz?

May kumakalabit sa akin pero hindi ko pinapansin.

Waaaaa. Hindi pa rin niya tinatanggal! So ano, iiwan na ba niya 'ko? Babalik na ba
siya dun kay Liz? Hindi
ko kaya! Hindi ko kaya-

"Hoy! Ate!" Napatingin naman ako bigla dun sa nangangalabit sa'kin. Yung batang
lalake na kanina ay
naglalaro sa iPad niya, nakatingin na sa'kin.

"Ssshhhh. Wag ka maingay." Bulong ko naman sa kanya. Tumingin ako ulit kina Jeff.

"Bakit ka ba nasa floor ate? At saka bakit may shades at sumbrero ka pa? Ang
baduy."

Aba. Echoserong bata 'to. Nginitian ko na lang siya. "Isa akong ninja. Nasa isang
misyon ako. Kaya wag
ka maingay, ha?" Wrong move hata. Dahil biglang nanlaki ang mga mata niya. Tapos
ngumiti ng malaki.
"Talaga ate?! Ninja ka? Parang si Naruto ganun?"

"Sssshhhh. Wag mong lakasan yung boses mo." Tumango naman siya. "Uhm, oo parang si
Naruto! Ang
totoo nyan... kapatid ako ni Naruto! Kaya wag kang maingay ha?"

Nginitian niya naman ako pero hindi pa rin siya tumigil sa pagkausap sa'kin. Naman
o! Di ko tuloy
maintindihan ang pinag-uusapan nila Jeff.

"Mabait ba si Naruto, ate?"

"Sssshhh."

"Naglalaro rin ba siya ng Temple Run?"

Hala naman! Hindi ko na maintindihan sina Jeff. Ang ingay ng batang 'to! "Pero diba
orange yung buhok
ni Naruto? Eh bakit ikaw ate color black-"

"Excuse me. Who are you?" Bigla naman akong napatayo. Hala! Bumalik na pala ang
mommy nung
bata. "Why are you talking to my son?"

"Uhm, ano po kasi-" hindi ako makapag-isip ng sasabihin.

"MOMMY! MOMMY!" Patay na. Sumigaw na ang bata habang lumalapit dun sa mommy niya.
"Kapatid
sya ni Naruto! Ang galing!" Tinuro-turo pa ako nung bata.

Hala naman. Feeling ko nakatingin na sa'kin ang buong coffee shop. Pati nga si Anj
sa counter
napanganga. For sure si Jeff nakatingin na rin sa likod ko.

"What are you saying to my child?!" Sabi naman sa'kin nung mommy. Napatungo na lang
ako. Lagot!

"Ma'am, may problema po ba?" Lumapit naman sa'min ang waitress na tinitingnan ako
kanina ng
masama.

"Tin?" Oh Lord. Please lamunin na ako ng lupa. Kahit hindi ako lumingon, alam kong
boses ni Jeff yun.

Todo sumbong naman ang mommy dun sa waitress. Tapos yung bata pa sigaw ng sigaw na
ako daw
yung kapatid ni Naruto. Nakatingin na sa'min ang lahat ng tao.

Naglakad na palapit sa'kin si Anj at feeling ko rin any moment lalapit na rin
sa'kin si Jeff. At syempre,
kapag nasa ganitong sitwasyon ka, isa lang naman ang pwede mong gawin.

Takbo!

Iniwan ko ang menu then tumakbo na ako papalabas sa coffee shop! Waaaaa! Hindi ko
alam kung saan
ako pupunta. Basta tumatakbo lang ako. Waaaaaa.

"TIN! WAIT!" Narinig kong parang hinahabol ako ni Jeff. Hala! Binilisan ko pa ang
takbo.

Pero ewan ko ba. Nahabol niya pa rin ako at hinawakan ang arm ko. Nandito kami sa
may parking lot.
Buti walang tao.

"Tin sandali nga! Bakit ka nasa coffee shop? Anong ginagawa mo dun?"

Humingal-hingal muna ako ng konti. Wait lang Jeff, time first. "Tsk. Sinusundan mo
ba 'ko?" Napalunok
naman ako.

"Uhm, Jeff kasi-"


"So totoo nga?! Sinusundan mo 'ko?!" Bigla naman niyang binitawan ang arm ko.

"Hindi naman sa sinusundan kita Jeff-"

"Pa'no mo nalaman?! Bakit mo alam na dyan kami magkikita?!"

Tumungo na lang ako. Then kumunot ang kilay niya. "Nakikinig ka rin ba sa mga tawag
ko?! Wow Tin!
Ano, may sumusunod din bang imbestigador sa'kin pag nasa opisina ako?"

Umiling naman ako. "Jeff hindi ah! Hindi naman kita pinapasundan-"

"TAMA NA NGA! STOP LYING!" Sabi niya tapos tumalikod at naglakad palayo.

Teka. Akala niya ba nagsisinunggaling ako? Ngayon ko lang naman talaga siya
sinundan! At saka bakit
niya ba ako sinisigawan?

"Bakit ikaw yung galit? Diba dapat ako yung galit?" Sabi ko ng malakas sa kanya.
Napatigil tuloy siya sa
paglalakad.

"Ikaw Jeff ha! Bakit masy secret meeting pa kayo nung Liz na 'yun? Tapos may
holding hands pa kayong
nalalaman! Ang.. ang.. ang mean mo!"

Sorry naman, 'yan ang una kong naisip na salita. At saka mean naman talaga siya!
Naglakad naman siya
pabalik sa'kin.

"TSK! AKO PA NGAYON ANG MASAMA?! Nakipagkita ako sa kanya para tigilan na nya ako!"

"Holding hands pa nga kayo eh! Ganyan ba yung titigilan?"


"PWEDE BA! HINDI KO HINAWAKAN ANG KAMAY NYA!"

"Hindi daw! Tsaka diba hinalikan ka pa nga niya! Hindi ka man lang nag-react!"

Ito na ba 'yun? Ito na ba ang tinatawag na selos? Grabe pala. First time kong
tinataasan ng boses si Jeff.
Nakakainis kasi. Hindi ko alam kung sa kanya ako naiinis. Basta naiinis lang ako.

"TSK! HINDI KO RIN SINASADYA YUN! AT HINDI KO NAMAN YUN GINUSTO AH!"

"Hindi daw gusto!"

"HINDI NGA TALAGA!"

"Pati nga ako hindi mo gusto diba! Ilang linggo na akong nagpapacute sa'yo tapos
ayaw mo man lang
akong halikan! Bakit ganyan kang boyfriend! Bakit si Kev iba?!"

"TSK! KINUKUMPARA MO BA AKO SA KANYA?! MAS GUSTO MO BA YUNG IBANG LALAKE?! HA?!"

"Oo naman! Mas gusto ko talaga! Mas gwapo pa sa'yo sina Papa P, si John Lloyd, si
Daniel Padilla, si
Dingdong-"

"WHAT?!"

"Pati si Vice Ganda mas gwapo pa sa'yo! Akala mo gwapo ka, hindi ah-"

And he was kissing me. Hard. Yung tipong hindi ka na makahinga? Diba dapat masaya
ako? Ito na 'yu!
Hinahalikan na niya ako! Ito na!

Pero kasi bakit parang iba? Hindi katulad nung sa elevator. Yung kiss kasi dun ni
Jeff, parang dahan-
dahan lang. Bakit dito... parang marahas.

Tinulak ko naman siya palayo. "Jeff tama na-"

Pero hinalikan niya pa rin ako. Mas hinigpitan pa niya ang hawak niya sa'kin. Hala
wait lang. Tinulak-
tulak ko pa ulit siya palayo. Pero hindi pa rin siya tumitigil. Jeff tama na, ayoko
na.

Hindi ko alam kung anong nangyari, pero bigla na lang siya tumigil. Hinawakan naman
niya nang dahan-
dahan ang cheek ko. Pero kasi hindi ako makatingin sa kanya kaya tinutungo ko ang
ulo ko.

"Alam kong kapag nalaman mong how much I want you... matatakot ka lang." Tinanggal
naman niya
ang kamay niya sa cheeks ko. "Sorry." Bulong niya tapos umalis na siya.

Naiwan lang ako dung nakatayo, habang nakatungo pa rin.

*******************************************
[30] NO OTHER WOMAN
*******************************************
CHAPTER 29

NO OTHER WOMAN

Ilang araw nang hindi umuuwi si Jeff sa bahay. Hindi ko talaga siya maintindihan.
Galit ba siya? Naiinis
ba siya sa'kin? Sabi naman ni Anj, kaya daw hindi umuuwi dahil nahihiya raw 'yun
sa'kin pagkatapos
nung ginawa niya.

Huwag na siya mahiya! Basta umuwi na lang siya! Hindi naman ako galit. Siguro,
nagulat. Pero hindi
galit.

Kakagaling ko lang makausap ang isang kliente. Naglalakad na ako pabalik sa shop
nang makita ko siya.
"Eric?" Nakasandal siya sa motor na black. Nakatingin sa'kin. Nung naglakad siya
palapit, napansin ko na
parang iba na siya.

Yung Eric kasi na kilala ko, laging mukhang mabait then nakangiti. Pero 'yung Eric
sa harap ko ngayon,
nakablack na parang anytime pwede makipag-away.

Ewan ko nga ba. Nung nakalapit siya, parang medyo napaatras ako. Ang scary niya.

"Naiintindihan ko kung natatakot ka sa'kin. Pagkatapos ng ginawa ko..." Sabi nya


lang tapos nag-iwas ng
tingin. Tahimik lang ako.

Hindi nga pala siya pinakulong ni Jeff. Marunong daw siyang tumanaw ng utang na
loob. Ah basta,
ewan ko sa mga lalake.

"Gusto ko lang magpaalam. Lalayo na ako, at baka huling beses mo na ako makita."

Napatingin naman ako sa kanya. "S-Saan ka pupunta?" Nagshrug lang sya.

"Bahala na. Hinahanap din ako ng mga Santos. Kailangan ko muna lumayo."

Hala. Aalis na siya? Ang lungkot naman. Kahit naman papaano tinuring kong kaibigan
si Eric. Tsaka
napatawad ko na naman sya. Hindi naman ako ever nagalit sa kanya.

"Magbati na kayo."

"Ehh?" Teka anong ibig niyang sabihin? Nakatingin siya sa'kin tapos nagbuntung-
hininga.

"Mabuting tao siya. Alam kong aalagaan ka niya."


Si Jeff ba ang tinutukoy niya? Hala obvious ba masyado na nag-away kami? Pati siya
alam niya .

"Eric-"

"Richard."

"Huh?"

"Richard ang pangalan ko." Sinuot niya ang mga kamay niya sa bulsa. "Hindi ako
mahilig sa paintings, o
sa pagluluto. Hindi ako chef. Nabubuhay ako sa pagkakarera o sa pagsunod ng mga
inuutos ng iba.
Masama akong tao."

Pagkasabi niya nun tumalikod na siya. Then nagstart na maglakad pabalik sa motor
niya. Teka, yun na
yun?

"Christine." Napatigil naman siya sa paglalakad nang magsalita ako.

"Christine ang pangalan ko. Pero Tin yung tawag nila sa'kin. Hindi ako mahilig sa
mga motor, sa mga
awayan, basta yung mga nakakapagod." Humarap naman siya sa'kin.

"Mahilig ako magpaint at magluto. Pero pinakafavorite kong gawin sa lahat ay ang
landiin si Jeff."
Ngumiti ako sa kanya then nilapitan ko siya.

"Pa'no yan. Masama din akong tao eh." Tapos tinaas ko ang right hand ko, para
makashake hands siya.
"Nice to meet you Richard! Friends?"

Tiningnan naman niya ang kamay ko. Akala ko nga hindi na niya ako kakamayan, pero
buti na lang
tinaas na rin niya ang kamay niya at nagshake hands kami.
Nginitian ko siya then wow, ngitnitian niya rin ako. Yung ngiti ni Eric na kilala
ko. Mamimiss ko talaga
siya!

After nun, umalis na sya tapos bumalik na ako sa shop. Nagpaint na lang ako ng
nagpaint. Kamusta na
kaya si Jeff? Namimiss ko na siya.

"Teeny Weeny hindi ka pa ba uuwi?" Nakita ko si Anj na nagsusuklay na.

Tumingin ako sa bintana. Gabi na pala, ang bilis ng oras. "Dito na lang siguro ako
matutulog sa shop Anj.
Wala naman akong kasama sa bahay."

Hindi na naman kasi uuwi 'yan si Jeff. Edi malulungkot lang ako. Nilapitan naman
ako ni Anj. "Tin hindi
pa ba kayo ayos? Mag-usap na kasi kayo para matapos na."

"Eh paano naman kami mag-uusap? Hindi naman siya umuuwi Anj eh."

"Akin na nga ang phone mo."

"Huh?"

"Nasan ba phone mo? Akin na, pahiram."

"Andun sa bag ko-" Kinuha naman ni Anj ang phone ko sa bag. "Teka Anj. Sinong
tinatawagan mo?"

"Asawa mo. Sino pa ba?" Napatayo naman ako.

"Anj, wag na! Akin na yung phone ko."


"Oh shut up Teeny Weeny. Ayaw mo ba syang makausap? Ayaw mo bang magkabati kayo?"

"G-Gusto."

"Yun naman pala eh. O ito na, nagriring na. Ikaw na kumausap." Binigay naman nya
sa'kin yung phone
ko.

Tinawagan ni Anj si Jeff. "Pero teka Anj, anong sasabihin ko?"

"Duh. Malamang yung gusto mong sabihin. Ano bang gusto mong sabihin?"

Gusto kong sabihin? Ang dami . Gusto ko magsorry. Gusto kong sabihin na hindi ako
galit. Gusto kong
sabihin na miss ko na siya.

Sinagot na yung phone. Hay bahala na! "Uhm, hello Jeff-"

"Hello?"

Napatigil naman ako. Bakit.... bakit babae ang sumagot ng phone niya?

"Hellooooo?" Sabi pa ulit nung girl.

"Anong sabi? Magsalita ka." Bulong naman sa'kin ni Anj. Napalunok naman ako.

"S-Sino 'to? Asan si Jeff? Pwede ko ba syang makausap-"

"No, sorry. Busy sya eh. But you can leave your message to me. I'm Liz, his
girlfriend."

Hindi na ako nakasagot. Napansin siguro ni Anj ang mukha ko kaya lumapit siya.
"Huy. Anong nangyari?
Anong sabi ni Jeff?" Buong niya sa'kin. Nakatulala lang ako habang hawak ko pa rin
ang phone sa tenga.

"Akin na nga! Ako ang kakausap." Hinablot naman ni Anj ang phone sa'kin. "Hello
Jeff! Ano ba namang
ginagawa mo dito kay- Hello? Who are you?!"

Lumaki naman mga mata nito ni Anj. "Excuse me? I want to talk to Jeferson Lee.
Ibigay mo nga sa
kanya yung phone! Sino ka ba?!" Pagtataray ni Anj sa phone. Umupo na lang muna ako
sa sofa.

"You liar, may asawa na si Jeff. Ibigay mo na nga lang yung phone sa kanya! ....
What did you just call
me?! .... Excuse me, sa ganda kong 'to?! Ikaw ang bitch 'no! .... I don't believe
you. Ang mga pangit na
kagaya mo, napakasinunggaling- Hello? HELLO?! How dare you! Binabaan mo 'ko ng
phone?!!"

Nilapitan naman ako ni Anj. "Sino ba yun Tin?! Ang kapal ng mukha! Busy daw sila ni
Jeff together?!
Eww! Kapal nya!"

Hindi na lang ako sumagot. Niyakap ko na lang ang legs ko. "Sino ba siya sa akala
nya?! Wala akong
pakialam kung model siya at malaki ang boobs! Ang landi niya! Ito naman si Jeff
bakit pinagamit sa
babaeng yun ang phone nya?! Hay nakakainis sya nakakainis nakakainis!"

Tahimik pa rin ako. Magkasama ba sila ni Liz ngayon? Kaya ba hindi na siya umuuwi
dahil magkasama
sila lagi? Waaaaa ayoko na mag-isip!

"Tin! Ano ka ba? Uupo ka lang ba dito? Hindi mo ba susugurin yung babaeng yun?!
Malandi sya, mang-
aagaw, bitch-"

"Babe? Bakit ang init na naman ng ulo mo dyan?" Dumating na si Kev. Susunduin na
niya si Anj.

"Hey gorgeous." Lumapit naman sya sa'kin. "O bakit parang emo ka?" Nginitian ko na
lang si Kev.

"Hay nako babe. Nakuuuuu! Pigilan mo 'ko. Makakapatay ako ng tao eh. Nanggigigil na
talaga ako!"
nagwawala na kaunti si Anj.

"Bakit babe? Ano bang nangyari? Chill lang."

"Eh kasi naman! May babaeng echosera na-"

"Anj." Tumayo na ako. "Sige na umuwi na kayo ni Kev. Baka matrafiic pa kayo."

"Pero Tin! Dapat sugurin na natin ngayon yung babaeng yun-"

"I trust him. I trust Jeff." Nagtinginan naman silang dalawa. Kaya ngumiti na lang
ako. "Sige na umalis na
kayo. Okay lang naman ako eh."

Nilapitan naman ako ni Kev. "I don't know what's happening. Pero hindi ka namin
pwede iwan dito.
Ihahatid ka muna namin, okay?"

"Sige na Tin. Umuwi ka muna. Matulog ka na lang muna dun." suggest naman ni Anj.

Nag-nod na lang ako. Tapos ayun hinatid na muna nila ako sa bahay. Sabi pa nga ni
Anj dito na lang siya
matutulog. Para daw sleepover. Pero alam ko namang concerned lang yan sa'kin.

Nung pinauwi ko na sila, nagtry akong matulog. Pero paikot-ikot lang naman ako sa
kama. Kahit ayoko
na mag-isip. Kahit ayoko na isipin. Bakit kung anu-ano pa din ang pumapasok sa utak
ko.

Siguro kasi, I'm hoping na maririnig ko pa din ang kotse ni Jeff. Yung footsteps
niya. Gusto ko maniwala
na uuwi siya. Pero kahit nung madaling araw na, hindi pa rin siya umuwi. Hanggang
sa nakatulog na lang
ako.

May tumawatawag sa akin kay nagising ako. "Hello?" Ugh, nasisilaw na ko sa araw.
Umaga na siguro.
Feeling ko kakatulog ko pa lang.

"Hello Tin? Tulog ka pa? Tanghali na ah." Si Kev pala ang tumawag.

Kinusot ko naman ang mata ko. Tapos naghikab. "Late na kasi ako nakatulog eh. Teka
Kev, bakit ka nga
pala napatawag? May problema ba?"

"Ewan ko nga ba. Hindi ko rin alam."

Umupo naman ako sa kama. Ang gulo naman nito ni Kev. "Si Anj. Bigla kasi siyang
umalis. Ayaw
magpasama. Sabi niya may susugurin lang daw siya."

"HUH?! Teka, saan siya pumunta?" Nagising naman ako bigla. Hindi kaya... hindi
kaya...

"May address siyang hinahanap kanina pa. Pakiramdam ko dun siya pumunta. Teka nga
Tin, may
kaugnayan ba 'to dun sa kinuwento niya kagabi? Yung tungkol dun sa Liz?"

Tumayo naman ako bigla. Then hinatak ko agad ang towel ko. "Kev pwede mo ba akong
sunduin?
Maliligo lang ako. Kailangan natin sundan si Anj."

Naligo na ako ng mabilis tapos nagbihis. Hindi ako natatakot na baka may mangyari
kay Anj. Mas
natatakot ako sa pwede niyang magawa dun sa Liz. Hala naman, may pagka-war freak
itong bestfriend
ko.

At saka college pa lang kami, kaya walang nambubully sa'kin dahil inaaway niya
lahat. Oh no baka may
sabunutan na maganap!
Pagdating ni Kev umalis na kami agad. Waaaa Anj. Nakakaloka ka talaga. Bakit hindi
mo ako sinama?
Joke lang. Peace dapat.

Pagdating namin dun sa apartment nung Liz, bumaba kami agad. Hala naman! May mga
taong
nagkukumpulan. Tumakbo kami papalapit ni Kev pero malayo palang kami naririnig na
namin sila.

"Malandi ka! Mang-aagaw! Kabit!" Sabi ni Anj habang sinasabutan yung si Liz. Hala
nandun na sila sa
floor, pagulong-gulong.

"Pakialamera! Walangya! BITCH!" Sabi naman nung si Liz habang sinasabunutan din si
Anj. Pero sorry
siya. Mas macho si Anj sa kanya kaya siya yung nasa ilalim habang si Anj ang nasa
ibabaw.

"Babe tama na!" Lumapit naman sa kanila si Kev then hinawakan na si Anj.

"Bitawan mo 'ko babe! Kakalbuhin ko pa ang babaeng to!" Ayaw pa rin magpapigil ni
Anj! Buti na lang
malakas si Kev tapos nahila na niya palayo si Anj. Pero nagpupumiglas pa rin. "AAH!
BABE BITAWAN
MO' KO! BITAWAN MO 'KO!"

"Stop it Anj! Stop this!" pag-aawat ni Kev.

"You are nothing but a bitch, a slut, a whore!" Sabi naman ni Liz habang tumatayo
sa floor.

"Ikaw ang whore dito! Dahil nilalandi mo ang may asawa na! Ang kapal ng mukha mo!
Ugh!" Hindi pa
rin nagpapa-awat si Anj balak pang kalbuhin talaga si Liz.

Nilapitan ko naman si Anj. Hala hala. Namumula na siya sa sobrang inis."Tama na


Anj. Tama na. Wag ka
na magalit." Sabi ko
"Tin ano ba! Wag ka nga masyado mabait! Mang-aagaw yang baabeng yan! Malandi!"
Hinawakan ko na
sa braso si Anj.

"Excuse me! Hindi ako mang-aagaw! Ako ang nauna! Kayo lang naman ang bitter dito
kasi ang papangit
nyo!" Susugod naman tong si Liz.

"Aba ang kapal talaga ng mukha ng babaeng 'to!! Ikaw ang panget 'no!!! Ang fake ng
boobs mo!
RETOKADA!" Bakit ba ang lakas ni Anj? Nadadala ako, ako na nga nag-aawat.

"Hindi ako retokada!" Sumugod naman ulit yung si Liz kay Anj then sinabunutan ulit.
Syempre si Anj
sinabunutan din siya. Kami ni Kev todo pigil sa kanila.

"Tama na Anj, Liz." Since hinahawakan na ni Kev si Anj, ako naman ang pumipigil kay
Liz. Hinihiwalay ko
lang naman siya kay Anj, pero biglang natumba ko siya sa floor. Tiningnan niya
tuloy ako ng masama.

"Did you just push me?" maarte niyang sabi habang nasa floor.

"H-Hindi ah. Hindi ko naman sinasadya-"

"Hindi mo sinasadya?! Tinulak mo ako sa floor, tapos sasabihin mo hindi mo


sinasadya?!" umaarte na
siya

Magsosorry na sana ako para hindi na lumaki 'to pero kasi bigla siyang dumating.

"Tin?" Nagkatinginan kami ni Jeff. Waaaaa. Ang tagal ko siyang hindi nakita! Pero
bakit siya nandito?
Pupuntahan niya ba ang apartment ni Liz?

"Jeff! My leg! My leg!" Napatingin naman kami bigla kay Liz. Nasa floor pa rin siya
then hinahawakan
niya ang binti niya. "I can't stand! My leg hurts so much!"

Nilapitan naman suya ni Jeff then lumuhod sa tabi nuya. "Tsk. Ano bang nangyari?
Bakit masakit?"

"She pushed me!" Tinuro naman ako ni Liz. Napatingin tuloy sa'kin si Jeff.
Nakatitig lang din ako sa
kanya. "Honeybunch, wala naman akong ginagawang sa kanya pero bigla na lang nya
akong tinulak-"

"Sinunggaling ka!" Sigaw naman ni Anj. "Hindi ka tinulak ni Tin 'no! Imbento ka,
you whore!"

"Jeff o! Kanina pa ako nila ginaganyan. Wala naman akong ginagawa." Nagpfake cry
naman tong si Liz

"Iiyak ka pa?! Ang fake mo ha! Ano ka, artista?! Feelingera!" Susugurin na sana ni
Anj si Liz pero
pinigilan siya ni Kev.

"Tin-" Tumingin sa akin si Jeff.

Tumalikod na ako tapos naglakad papalayo. Ayokong marinig, Jeff. Paano kung hindi
niya rin ako
pinapaniwalaan? Ayokong marinig. Ayoko.

"Tin sandali lang-"

"Ouch! Ouch! My leg Jeff! Ang sakit! Aray! Hindi ko sya magalaw." Narinig kong
sabi nung Liz

Naglakad lang ako palayo. Ayoko na dun. "Sige kampihan mo pa sya Jeff! Magsama nga
kayong dalawa
dyan! UGH!" Narinig kong sigaw ni Anj.

"Babe tama na yan." Sabi ni Kev tapos parang sinundan na nila ako ni Anj.
Sa kotse ni Kev, tahimik lang ako. Pero si Anj hindi pa rin tumitigil sa panggigil
niya. Salita pa rin siya ng
salita ng pang-aapi dun kay Liz. Pati na si Jeff dinadamay. Pagtingin ko sa may
bintana, madilim din yung
mga ulap. Pati panahon malungkot din.

Sabi ni Anj sa bahay muna nila ako. Pero nagpumilit akong sa bahay na lang ako
ibaba. Ayoko namang
maka-abala sa kanya. Tinigil na ni Kev ang kotse.

"Tin sigurado ka ba? Sa bahay ka na lang kasi muna! Wala ka namang makakasama dito
eh." Sabi ni Anj.

"Okay lang ako Anj. Sige na, umuwi na kayo." Ngumiti ako para mapalagay din siya.

"Hay! Kasalanan 'to ng bitch na yun eh! Dapat mas sinabunutan ko pa sya at minudmod
ko yung mukha
nya sa kalye para kahit kailan hindi na sya makapaglandi ng ibang lalake-"

"TAMA NA NGA YAN! TUMIGIL KA NA NGA!" Sigaw naman ni Kev tapos lumabas ng sasakyan.

Nilakasan pa ang pagsara ng pinto.

"Anong problema nun?! Bakit galit yun?! Mainit din ulo ko ha, wag niya akong
simulan."

Hinawakan ko naman ang buhok ni Anj. Tapos sinuklay-suklay gamit ang kamay ko. Ang
gulo kasi since
nakipagsabunutan siya.

"Nag-aalala lang naman sa'yo si Kev eh. Ikaw naman kasi, nakipag-away ka pa. Hindi
mo naman
kailangan gawin yun eh."

"Ano ka ba Tin! Kailangan ko gawin yun! Ikaw pa, kilala kita. Tatahimik ka lang
naman kapag inaaway ka
eh. Sino pa magtatanggol sa'yo? O tigilan mo'ko. Wag kang iiyak."
Niyakap ko naman siya. "Anj naman kasi eh. Wag ka na kasi makipag-away. Nasasaktan
ka lang niyan
eh."

"Ano ka ba Tin. Okay lang ako. Wag mo 'ko intindihin."

"Sorry Anj ha. Nang dahil sa'kin-"

"Teeny Weeny, isa pa. Isa pa talaga babatukan na kita." Niyakap-yakap ko muna siya.
Then
nagdramahan lang kami ng konti tapos nagthank you na ako. Bumaba na ako ng kotse
tapos nakita ko si
Kev nakatayo dun malapit sa gate ko.

"Kev sorry. Wag ka na magalit o." Humarap naman siya sa'kin.

"Tin hindi naman ako galit eh. Nag-aalala lang naman ako-"

"Kay Anj? Kasalanan ko naman 'yun eh. Sorry talaga. Napaaway pa siya dahil sa'kin."
Hinawakan naman
niya yung ulo ko.

"Hindi mo kasalanan Tin. At saka hindi lang naman ako kay Anj nag-aalala. Nag-
aalala rin ako para sa'yo.
Para na kitang kapatid, ano ba."

Napaiyak naman ako. "Kev. Thank you talaga. Parang kapatid ko na din kayo ni Anj
eh."

"Kaya nga magkamukha tayo diba? Maganda ka, gwapo ako."

Nagngitian na lang kami tapos ginulo niya ang buhok ko. Tapos ayun, bumalik na siya
ng kotse. Nagbati
na rin siguro sila ni Anj then umalis na sila. Ako naman hindi muna pumasok ng
bahay.
Naglakad-lakad muna ako. Nagisip-isip. Ayaw na ba ni Jeff sa'kin? Makikipagdivorce
na ba siya? Hala
divorce? Dapat annulment. Mas masaya ba siya kay Liz?

Ayoko. Ayoko siyang pakawalan. Pero paano kung ayaw na niya? Sino ba naman ako para
pigilin siyang
sumaya diba? Mahal ko siya. Syempre gusto ko masaya siya. Kahit hindi sa'kin, pero
gusto ko masaya
siya.

Napatingin ako sa langit. Umuulan na. Hala naman. Bakit parang naiiyak naman ako
bigla?

Naglakad-lakad pa rin ako. Pero this time, tumutulo na ang mga luha ko. Okay din
palang magdrama
kapag masama ang panahon. Nadadala kasi ng ulan ang mga iyak ko.

I need to let him go. I need to let him go. Kahit masakit. Kahit pakiramdam ko
hindi ko kaya. Dapat
siyang maging masaya. Because I love him.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong naglalakad. Ang lakas pa rin ng ulan.
Napatigil na lang ako sa
paglalakad nang biglang may nagpayong sa'kin.

"SAAN KA BA GALING?! BAKIT BASANG-BASA KA?! BAKIT KA BA KASI NAGPA-ULAN?! TSK!"

Napatingin naman ako sa kanya. "Jeff?"

"HAIST! NAMUMUTLA KA NA!" Bigla naman niya akong binalot nung coat nya. Tumingin
ako sa paligid.
Bumalik na pala ako ng bahay.

"Umuwi ka?"

"TSK! BAKIT KA KASI BIGLANG UMALIS KANINA?! BAKIT HINDI MO- TIN? TIN?! ANONG
NANGYARI?!"
Anong nangyari? Hindi ko din alam. Bigla na lang ako nanghina. Para kasing ang
lamig. Ang lamig lamig.
Yan lang ang huli kong naramdaman, bago ako nawalan ng malay.

Parang may humahawak ng forehead ko.

"Tsk. Bakit ang taas pa rin ng lagnat mo?"

Parang boses yun ni Jeff. Narinig ko siyang tumayo then umalis. Binuksan ko ang mga
mata ko. Kwarto
ko 'to ah. Umuulan pa rin sa labas. Gabi pa rin.

Pero teka. Bakit umalis si Jeff? Saan syia pumunta? Iniwan na naman niya ba ako?

Bigla namang bumukas ulit ang pinto. "Alin ba dito? Tsk. Magkakamukha lang naman
yung mga gamot."
Sabi ni Jeff habang hinahalungkat yung medicine box namin. May kausap din sya sa
phone nya.
"Magkakamukha nga lang Bessie! Alin ba kasi dito- Tin?"

Binaba na niya ang phone and medicine box nung nakita niyang gising ako. Tapos
lumapit siya sa'kin
tapos umupo sa kama ko. "Kamusta pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo? Nilalamig ka
ba?"
Hinawakan naman nya ulit yung forehead ko. "Haist, bakit mainit ka pa din? Sabi ni
Bessie lagyan kita ng
cold compress pero bakit hindi pa din bumababa ang lagnat mo-Tin! Bakit ka
umiiyak?"

Obvious na obvious na natataranta si Jeff. Nag-aalala ba siya para sa'kin? Tumayo


na siya. Kukunin sana
niya ang phone niya, tatawag ulit siguro kay Bessie.

Pero pag talikod niya, hinawakan ko agad ang t-shirt niya. Napatigil tuloy siya
tapos humarap ulit sa'kin.

"Jeff. Hindi ko pala kaya. Hindi ko kaya. Sorry hindi ko kayang ibigay ka sa kanya.
Sorry."
Umupo naman siya ulit dun sa kama.

"Tin ano bang sinasabi mo? Tatawagan ko lang si Bessie. Kailangan mong uminom ng
gamot-"

"Please Jeff, wag mo akong iiwan. Wag mo akong iiwan." Hindi ko kayang wala siya.
Hindi ko siyang
pwede ibigay kay Liz.

"Sssshhh. Wag ka na umiyak." Pinunasan naman niya ang mga luha ko. Then humiga rin
siya sa tabi ko.

Niyakap ya ako. "Hindi kita iiwan Tin. Mas hindi ko kaya pag wala ka." Tapos
hinalikan niya ako sa noo.
Niyakap ko naman siya ng mahigpit.

And then nakatulog na ako. Please please please Lord. Sana paggising ko, nandito pa
rin siya. Sana
hindi lang ito isang panaginip.

Please.

*******************************************
[31] HE CARES *new
*******************************************
CHAPTER 30

HE CARES

Pagkagising ko. Nalungkot agad ako kasi walang Jeff sa tabi ko. Iniwan niya na ba
ako at pumunta na
kay Liz? Huwag naman.

I'm still hoping na pagbaba ko ay makikita ko siya.

Pagkababa ko tumungo akong kusina kasi may naamoy akong hindi maganda. Napanganga
ako ng
makita ang sexy back ni Jeff. Hindi ko na ininda ang pagkahilo ko basta nandyan
lang si Jeff magaling na
ako.

Lumapit ako sa kanya at yinakap siya sa likod. Parang nagulat siya sa ginawa ko.
Tapos 'yung tenga ni
Bubu namumula. Waaa! "Waaaaa. Jeff!! Akala ko umalis ka eh! Akala ko napanaginipan
lang kita!"
hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya. Totoong si Jeff to. Thank you Lord.

Kailangan kong mag-explain sa kanya. "Jeff sorry na. Wag ka na magalit sa'kin o.
Please umuwi ka na
lagi. Ang lungkot kasi pag wala ka dito." Sana okay na to. Sana dahil ditto lagi na
siya rito sa bahay
umuuwi.

Kinalas niya ang yakap niya sa akin. At humarap sa akin. "Hindi ako galit sa'yo.
Dapat hindi ka muna
bumangon" sabi niya. waaa! Nag-aalala sa akin si Jeff.

"Hindi Jeff okay lang ako. Dito na lang ako. Sasamahan kita." Nakatungo lang ako
habang sinasabi ito.

"Umupo ka na lang muna dun para di ka mapagod. Ihahanda ko na yung pagkain." Utos
niya.

Nagluto ng breakfast si Jeff para sa akin. Para sa akin hindi kay Liz. BLEH!
"Talaga Jeff?!"para namang
nagningning ang mata ko. "Nagluto ka ulit para sa akin?" Waaa. Nagluto hata si Jeff
para sa akin.

Nag-iwas naman ng tingin si Jeff. Ang cute talaga ng Bubu ko. "Umupo ka na lang
dun! Bilis na!"

"O-Okay." Galit ba ulit sa akin si Jeff? Huwag naman sana. Please gusto ko dito
lang ang Bubu ko.

Maya maya lang may dalang kung ano si Jeff. Uhhm? Ano kayang niluto ni Bubu sa
akin?

"Wow Jeff! Goto!" Tapos tumingin ako kay Jeff. "Uh, tama naman ako diba?" Nag-
aalangan pa nga
akong ngumiti baka kasi mali ang guess ko malay naman kasi nating goto to, baka
kasi champorado pala
o kay sopas diba? Iba pa naman magluto si Bubu ko.

Naramdaman kong umupo si Bubu sa tabi ko. Kailangan purihin ko ang luto ni Jeff.
"Wow! Favorite ko
ang goto eh!" simula ngayon favourite ko na talaga ang goto kapag si Jeff ang
nagluto. Kakainin ko kahit
anong luto niyang hindi ko madistinguish kung ano ba talaga iyon?

Kinuha ko na nag kutsara. Susubo na sana ako pero pinigilan ako ni Jeff. "Sandali
nga." Napatingin
naman ako kay Bubu. "Akin na yan. Ako muna." Waaa Kinuha ni Bubu ang kutsara ko.

Nakatitig lang ako habang tinitikman niya ang luto niya. Ang gwapo talaga ni Bubu
at super cool.

Parang sumama ang mukha niya nung natikman ang luto niya. "Magpadeliver na lang
tayo-"

"Wag na Jeff!" Kinuha ko yun kutsara. Yes! Indirect kiss. He-he. Nubanaman to? Ang
tadhana takaga
binibigyan ako ng chance sinubo ni Bubu yung kutsara sa bibig niya. it means parang
nahalikan ko na
siya kung gagamitin ko to. Waaaa! "Gusto ko kainin yung niluto mo." Sabi ko.

Pipigilan na sana ako ni Jeff "Wag na sabi-"

"Wow Jeff ang sarap! Favorite ko talaga 'to. Ang galing mo magluto!!" Sabi ko
habang nakathumbs up.
Wala ngang lasa. Pero promise ang sarap naman niya made of love naman siguro. He-he

"Haist. Akin na nga!" Inagaw ni Jeff yung pagkain. Waa. Masarap naman kahit hilaw
siya kahit kulang sa
timpla. Alam niyo ba kung bakit? Kailangan pa bang imemorize 'yan? Bisyo na to.
Kasi made of love.
Lahat ng luto ni Bubu masarap. Yum!

"Hala Jeff! Bakit mo kinuha? Bigay mo na yan sa'kin eh- Teka, susubuan mo ba ako?"
Hinihipan kasi ni
Jeff yung 'goto' niya so nagaasume lang naman ako na susubuan niya ako. At saka
nagpaparinig na rin.

"Bilis na. Isubo mo na." Nginitian ko siya. Yung ang sweet talaga ni Bubu.
Pinapakain niya pa ako ng
mala-goto niya.

Pero napapansin ko at naririnig ko na tumutunog ang phone niya. Hindi hata siya
pumasok dahil sa akin.
Baka importante yun? "Hindi mo ba sasagutin Jeff?" Sabi ko habang nakatingin sa
phone niya.

"Hayaan mo sila. Hindi ako papasok ngayon." Tumungo naman ako sa tabi niya.
Nalungkot agad ako ng
makita kung sino 'yung tumawag.

"Hindi naman galing sa office yung tawag mo eh." Napatingin naman si Jeff sa phone
niya.

"Wala akong sasabihin sa kanya." Sabi ni Jeff at tumunog na naman ang phone niya.
Inend naman ni
Jeff.

"Sige na Jeff sagutin mo na. Okay lang naman eh." Tumayo ako kinuha ang bowl sa
mesa. Okay lang
naman kasing sagutin niya yun. Nakakapagpout naman ng lips kapag nageemo ka. Hehe!

"Iwan mo na yan. Ako na maghuhugas." Napatingin ako kay Jeff. Ayun gwapo pa rin.

"Okay lang. Ako na. Sige na kausapin mo na sya." Tapos pumunta ako ng kitchen. At
nilagay ang bowl sa
lababo. Huhu! Nalulungkot ako si Liz kasi 'yung tumawag. Waa! Baka umalis si Jeff
tapos iwan na niya
ako. Forever na hata akong magkukulong sa closet kapag ganun ang nangyari.

Then lumabas na ako. Nakita ko si Jeff na kinakausap si Liz over the phone. Sana
naman hindi ako iwan
ni Jeff. Nginitian ko lang siya tapos umakyat na akong kwarto.

Pagkapasok ko bigla namang tumulo ang luha ko. "Ano ka bang luha? Bakit tulo ka ng
tulo sabi ko bang
tumulo ka? Ha?" pati luha ko sinisisi ko. Waa! Baliw na? oo baliw na kay Jeff.
Hehe!

"Tama na yan. Wag ka na umiyak." Naramdaman kong umupo si Jeff sa tabi ko. Bigla
kong pinunasan
ang luha ko at hindi ako tumitingin sa kanya kasi baka sabihin niya umiyak ako pero
hindi naman talaga
slight lang.

"Hindi ako umiiyak Jeff 'no." yung hikbi ko naman pahamak. Nahahalata tuloy ng
konti.

Naramdaman ko namang inakbayan ako ni Jeff. Waaa inakbayan niya ako. Weh? Pero
parang naiiyak
pa ako sa ginawa ni Jeff. Mamimiss ko to kapag umalis siya sa akin. Uwaa!

"Tsk. Wag ka na sabing umiyak eh." Sabi ni Jeff. Tapos nakakunot ang noo niya. Waa!

"Sorry. Sorry Jeff. Ayoko naman talaga umiyak eh. Ayoko nga mag-isip ng kung anu-
ano. Pero kapag
naiisip ko na iiwan mo ako, bigla na lang tumutulo yung luha ko eh." May matching
hikbi pa 'yan.

Hinigpitan naman ni Jeff ang akbay niya sa akin. "Sino ba kasing nagsabi sa'yo na
iiwan kita? Tsk."

"Eh kasi naman eh. Biglang dumating yung si Liz tapos model pa sya tapos ang laki
ng boobs nya tapos
nakausap ko pa sya sa phone mo eh dapat ikaw yung sasagot diba-"

Super nanlaki ang mata ko nung hinalikan ako ni Jeff. Waa! Walang red lipstick pero
hinalikan ako ni
Jeff? Confirm kissable naman pala ako.

"Bakit ka ba nagseselos kay Liz? Eh ikaw naman yung mahal ko. Tsk." Tapos
napanganga ako sa sinabi
niya tapos tumitig ako sa kanya. Si Jeff ba talaga to? Sinabi niya na mahal ako.
Pwede ng nasa heaven?
Waaaaaaaaaaaa!

Hindi ko na talaga mapigilan ang feelings ko napapaiyak na talaga ako. Uwaaa! "JEFF
NAMAN!"SUPER
IYAK NA AKO. Si Bubu naman kasi.

"Tsk! Wag ka na nga umiyak! Ano ka ba!"

"UWAA! JEFF! UWAA!" super 'uwaa' na talaga ako sa naririnig ko. Eto namang si Jeff
nakatingin lang sa
akin.

"Tama na. Tigilan mo na yan." Pinunasan naman ni Jeff ang luha ko. Kinuskos ko
naman yung mga mata
ko.

"Kasi naman eh. Hindi mo lang alam. Kung gaano katagal ko hinintay na sabihin mo
yan." Sabi ko
matching hikbi. Pinupunasan ko pa rin ang mata ko. Ayaw ni Jeff na umiiyak ako baka
mabawasan ang
points ko. Points ko sa paningin niya na maganda ako. Chos!
Hinawi naman niya ang buhok ko sa mukha. Tapos super titig siya sa akin. Nalulusaw
na ako. "Tin,
mahal kita. Gago kasi ako kaya hindi ko masabi. Pero kung gusto mo, simula ngayon,
araw-araw kong
sasabihin. Tsk. Basta wag ka lang iiyak."

Tapos naiiyak na naman ako sa sinabi niya. Mahal daw ako ni Jeff? Waaa! Mahal ako
ni Jeff. Mahal daw
niya ako. Pinilit kong ngumiti yung super smile para mahalin ako ng sobra ni Jeff.
Chos "Promise Jeff.
Hindi ako iiyak. Araw-araw ko lang din sasabihin na I super super super love you
tooooo!" super smile
pa ako.

Napaiwas naman si Jeff. Namumula ang tenga ni Bubu. Hihi! "Uyyy! Bubu! Bakit
namumula yung tenga
mo? Nasobrahan ka siguro ng pagkasweet 'no?"

"Tsk. Hindi ako sweet." Iwas ulit siya ng tingin. Sweet kaya ni Bubu. Diba?
Pinagluto niya ako tapos
ngayon sinabi niyang mahal niya ako. Kyaaa!

"Sweet ka talaga bubu!"

"Hindi nga!" sagot naman ni Bubu. Si Bubu talaga pakipot pa. Sige nga kung hindi ka
sweet kiss mo ko?
Joke

"Edi matamis na lang?" sabi ko.

"Tsk. Hindi ako matamis o sweet-" Bigla kong hinalikan siya sa pisngi. Waa!
Chansing nato. Hihi!

"Sweet ka. Sweet ka talaga bubu."

"Tsk! Ang kulit mo! Hindi nga-" Hinalikan ko ulit siya. Tapos ngumiti ako.
"Tigilan mo nga yang ginagawa
mo." Nakakaunot na naman ang noo niya.

Ngumiti ako nang nangaasar. "Alin bubu? Yung pagtawag ko sa'yo ng sweet o yung
pagkiss ko sa'yo?" .

"Pareho-" Hinalikan ko ulit siya. This what you called chansing! Hehehe. "Tsk.
Hindi ka ba titigil?!"

"Hmmm. Sandali lang bubu iisipin ko muna-" napatigil ako kasi hinalikan ako ni Bubu
sa lips. Hindi na
smack. Waaa! Hindi smack. Hindi na. Mamatay na hata ako. Chos.

Fineel ko na lang ang halik ni Jeff. Pinikit ko ang mata ko. Ganito kasi napapanood
ko sa movies para
maramdaman ang kiss ipikit. May sinasabi nga silang may fireworks pa nga raw
makikita ee.

He kissed me with tenderness. Yung halik na parang sinasabi niya na ako lang. YIEE!
Lande ko lang.
I encircle my hands on his neck. Ganto 'yung napapanood ko sa movies. Lip locking
kiss to. Ang sarap
kapag kay Jeff.

Naramdaman kong gumala ang kamay ni Jeff sa likod at napapahiga na rin ako sa kama.
Eto na ba 'yun?
Eto na ba ang moment na to? Waaa!

I love his kiss. I love. Sana lagi niyang ginagawa to sa akin. It was passionate at
hindi ko na talaga
mapigilan.

His other hand caressed my thigh. Umaakyat ang haplos ni Jeff sa akin. Patuloy niya
lang ginagawa
iyon. Hindi ko rin mapigilan ang halikan siya. Ang lambot ng labi niya. Kyaaa!

His touch is so possessive and I really lo-

Ding Dong!

."Tin? Baby? Andyan ka ba anak?"napatigil naman si Jeff.

"Jeff? May problema ba?" napaupo siya at napaupo rin ako. Tapos mayamaya tumayo
siya tapos
tumalikod sa akin.

"Andyan ata ang mom mo sa baba. Bubuksan ko lang yung pinto." WHAT?! Si Mom?

"Jeff! Wait lang-" Pero lumabas na si Bubu ng kwarto ko.

Waaaa! Sayang. Sayang yung moment. Kala ko 'yun na. Sayang. Pero isa lang masasabi
ko.

Mahal ako ni Jeff and he cares. Waa!

*******************************************
[32] THE MOMMY RETURNS
*******************************************
CHAPTER 31

THE MOMMY RETURNS


Sumisigaw ako. Pero hindi malakas. Tinakluban ko kasi ang mukha ko ng unan at saka
ako sumigaw.
Nakakaloka!

Hindi ko napanaginipan yun! Hinalikan talaga ako ni Jeff! Kyaaaaaa! Okay Tin,
itigil ang kalandian. Nasa
baba ang nanay mo. Maghunusdili ka.

Naligo at nag-ayos muna ako. Buti bumaba ako agad. Si Mom kasi, kung makapagsalita
na naman
parang hindi nag-eexist si Jeff. Kawawa naman ang bubu ko, nakatayo lang sa isang
sulok.

"Dito ba nakatira ang baby ko? Ang liit ng bahay! Mas malaki pa ang bahay ng aso
namin dito. And
what's this, walang kasambahay? So lagi na lang ang baby ko ang gumagawa ng mga
gawaing bahay?
Ang kapal naman ng mukha ng ibang dyan! Graduate sa states ang baby ko. Hindi ko
sya pinalaki para
maging alila lang ng kung sino mang lalake-"

"Mom. Tama na po 'yan. Ano po bang sinasabi nyo?"

Bigla namang lumapit sa'kin si mom at niyakap ako. "Kamusta na ang baby ko?
Nagkasakit ka daw, ha?
Totoo ba yun? Naku oo nga, namumula ka pa. May sakit ka pa ata." Hinawakan pa nya
yung mukha ko.
Napatingin naman ako kay Jeff. At feeling ko namula na naman ako ng todo. Naalala
ko na naman kasi
yung kiss namin eh. "Siguro napagod ka dito kasi ikaw lang ang nagtatrabaho dito sa
bahay-"

"Mom, okay lang po ako." Tumingin naman ako ulit kay mom. "Wala na naman po akong
sakit eh.
Tsaka, hindi naman po ako napapagod dito sa bahay. Gusto ko nga po ang mga gingawa
ko eh."

"That's not true baby. Sabihin mo lang kay mom kung pinapahirapan ka ng ibang
lalake dyan, ok?
Nagkakasakit ka kasi hindi ka nya inaalagaan. Masyado ka kasing mabait baby kaya
hinahayaan mo lang
na abusuhin ka ng kung sino-sino dyan."
Tumingin naman ako kay Jeff tapos bumulong na lang ako ng sorry. Tumango na lang
siya. Grabe, si
mom talaga.

"Jeff po ang pangalan nya mom. May pangalan po sya. Wag nyo naman po syang tawagin
na kung sino-
sino lang- Mom? Okay ka lang?" Bigla kasi siyang humawak sa ulo niya.

"Medyo nahihilo hata ako baby."

"What? Okay lang po ba kayo? Bakit po b akayo nahihilo?" Nilapitan ko si Mom tapos
inalalayan.

"Umupo muna kayo." Sabi naman bigla ni Jeff.

"Oo nga po mom. Umupo muna kayo. Baka matumba kayo nyan eh." Pinaupo naman namin si
mom sa
sofa. Nakahawak pa rin siya sa ulo niya.

"Ikukuha ko lang po kayo ng tubig." Umalis na si Jeff at pumasok sa kusina. Bigla


namang tinanggal na ni
mom ang kamay niya sa ulo, nag-straight body at parang balik na ulit sa normal.

"Okay ka na mom? Hindi na po ba masakit ang ulo nyo?"

"Okay lang ako baby. Mabilis naman mawala ang sakit ng ulo ko." Ahh, ganun ba 'yun?

"Ay mom. Si dad nga po pala. Bakit hindi nyo po kasama?"

"Hay naku baby. Inaway na naman ako ng dad mo. I shall divorce that man!"

"What?" Divorce daw?! What? When? Where? Chos!

"Dito na lang ako titira sa bahay mo. Okay lang naman diba?"
"WHAT?" Napatayo na ako.

"Tin ok ka lang? Anong nangyari?" Sabi naman ni Jeff habang may hawak na baso ng
tubig. Lumapit
naman ako sa kanya at ininom ang tubig na hawak niya.

"Okay lang naman baby diba? Tabi na lang tayo sa isang room. Diba dati din naman sa
isang room lang
din tayo natutulog?"

"Pero mom! Grade 1 lang po ako nun. Tsaka hindi po pwede. Hindi po pwede na
magdivorce kayo ni
dad. At mas lalong hindi po pwedeng dito kayo tumira."

Tapos may kumatok. "Tin? Andyan ba ang mom mo? Pakibuksan nga ang pinto." Ooh boses
'yun ni
dad. Dali-dali kong binuksan ang pinto.

"Dad!!!" Niyakap ko siya tapos binulungan. "Dad, iuwi nyo na po si mom. Gusto pa po
tumira dito eh."

"What?" Tapos pumasok na si dad sa bahay. Si mom naman umupo ulit dun sa sofa.
"Hon, umuwi na
tayo. Wag mo na ngang guluhin si Tin dito."

"Hindi ako aalis dito. At pwede ba, makikipagdivorce na ako sa'yo."

"Tama na nga yan. Tuwing nag-aaway tayo lagi mong sinasabi na makikipadivorce ka.
Umuwi ka na
nga." Hala nagagalit na si dad. Tumabi na lang ako sa kinatatayuan ni Jeff.

"Hindi! Hindi ako aalis dito na hindi ko kasama si Tin! Anak ko siya!"

"Anak ko rin naman siya pero may asawa na siya! Kaya hindi pwedeng lagi mo na lang
syang kasama."
Humawak naman si mom sa ulo niya. "Hon please, wag ka namang magalit. Gusto ko lang
naman
makasama si Tin. Kaya hindi, hindi ako aalis dito na hindi siya kasama."

Tiningnan naman ako ni mom. Pati si dad tumingin din sa'kin. Patay.

"Welcome back baby! Namiss mo ang bahay natin ano?" Sabi ni mom habang naglalakad
kami papasok.
Ito ang bahay namin dito sa Pilipinas. Di hamak na mas malaki sa bahay namin ni
Jeff, pero gustong-
gusto ko na umuwi.

"Welcome back young lady." Bati naman nila sa'kin. Wala pa ring nagbabago. Ang dami
pa di naming
kasambahay dito. Lahat na ng gagawin sila ang gumagawa. Si mom talaga.

Napatingin naman ako kay Jeff. Grabe ang bait niya talaga. Pumayag siya na isama
ako ni mom pauwi.
Pero syempre hindi ako pumayag na hindi siya kasama. Sabi ko kay mom isang araw
lang kami dito.
Tapos uuwi na kami.

"Hon, pagpahingahin mo muna sila." Lumapit naman sa'kin si dad. "May aasikasuhin
lang ako Tin. Pero
babalik din ako for lunch."

"Okay sige po dad. Ingat po." Tapos lumapit naman siya kay Jeff at tinapik sa
likod.

"Jefferson. Feel at home. Ikaw muna ang bahala dito." Tumango naman si Jeff then
umalis na si dad.

"Baby ano, gusto mo ba dun sa room mo? Or sa room na lang namin ng dad mo ikaw
magpahinga?"

Tumingin naman ako kay Jeff. "Eh mom si Jeff po. Saan po siya magpapahinga?"
"Well. Pwede naman ang mga bisita sa guest room."

"Sasamahan ko na lang si Jeff mom. Sa guest room na lang din po ako-"

"Tin baby. Minsan ka lang naman nandito eh. Sa kwarto ka na lang namin muna."

"Pero mom-"

"Sige na Tin. Magpahinga ka na." Napatingin naman ako bigla kay Jeff. "Kakagaling
mo lang sa sakit. Sige
na, ayos lang ako."

Hinila naman ako bigla ni mom. "Let's go na baby. Sa kwarto ka muna namin. Pwede
kang magshower
muna kung gusto mo or matulog muna-"

"Mom. Sa kwarto ko na lang po ako." Tapos ayun nga, dinala na ako ni mom sa kwarto
ko dati. Grabe
wala pa ding binago si mom. Yung mga paintings na ginawa ko sa wall andun pa rin.
Yung color ng
bedsheet ko, yung mga posters, pareho pa rin. 'Yung bahay hata namin ni Jeff kasing
laki lang ng
kwartong 'to eh.

"Gusto mo ba baby samahan muna kita?"

"Hindi na po mom. Kaya ko na po. Pwede niyo po bang asikasuhin muna si Jeff? Baka
po naninibago
sya."

"Well, sige na baby, magpahinga ka muna. Gigisingin na lang kita kapag lunch na
oky?" Tapos lumabas
na si mom ng kwarto. Teka, parang hindi naman siya pumayag sa request ko.

Nagshower muna ako tapos humiga sa kama. Pupuntahan ko na lang si Jeff. Baka kung
ano na ang
ginagawa sa kanya ni mom. Oo tama. Pupuntahan ko sya. Pupuntahan ko... pero mamaya
na inaantok
na ako.

Napabukas naman ang mata ko. Tapos napaupo nung narinig may bumagsak na libro.
"Naku ma'am
pasensya na po. Hindi ko po sinasadya." Sabi ni ate habang pinupulot ang libro na
nabagsak niya sa
shelf. "Inaayos ko lang naman po yung mga libro nyo. Hindi ko po talaga sinasadya
na mabagsak yung
isa."

"Okay lang po ate. Wala naman pong problema." Naghikab pa ako ang sarap ng tulog
ko. Teka anong
oras na ba? "Ala-una na?!" Tumayo na ako at tumakbo pababa.

"O Tin. Akala ko tulog ka pa. Nauna na tuloy kami kumain." Sabi ni dad habang
sumusubo.

"Kanina pa nga ako nagugutom! Eh ayaw naman kami pakainin nito ni tita kasi
hihintayin ka daw
gumising. Naawa siguro sa'kin kaya pinakain na din kami."

"ANJ! Bakit nandito ka?" Wow ang saya naman nandito si Anj! Kinindatan naman niya
ako.

"Gusto ka nga sana namin hintayin baby. Ang himbing naman ng tulog mo, kaya ayaw na
kita gisingin.
Halika umupo ka na. Hindi pa naman kami tapos." May nag-asikaso sa'kin para umupo
tapos may
naglagay ng mga pagkain sa harap ko. Pero teka.

"Si Jeff? SI Jeff po asan siya?" Tapos na ba siya kumain? Pero bakit hindi ko siya
naabutan?

"Diba hon sabi mo natutulog sa guest room?" sabi ni dad.

"Ah, oo." Sabi ni mom habang umiinom ng tubig.


Tumayo naman ako. "Sige sandali lang po. Tiitngnan ko kung gising na sya-" Biglang
tumayo din si mom
at hinawakan ang arm ko.

"Tin baby. Wag na. Wag mo muna sya gisingin. Kumain ka na lang muna dito ok?
Mahimbing kasi ang
tulog nya nang nakita ko." Hinawakan ko 'yung kamay ni mom.

"Sandali lang po mom. Check ko lang po siya. Tsaka late na rin po kasi eh. Baka
malipasan po sya ng
gutom. Gusto ko po sana sabay na din kami kumain." Tapos naglakad na ako.

"TEENY WEENY! WAIT LANG!" Napatigil na naman ako ulit. Si Anj din napatayo na. Ano
bang meron?
"Ako na. Ako na ang tatawag sa kanya. Maupo ka na lang dito. Kumain ka na."

"Ako na Anj. Okay lang naman eh. Kumain ka na lang dyan." Hinatak naman niya ako
pabalik sa upuan
ko.

"Hindi pwede Teeny Weeny. Baka ano eh, uh, mapagod ka! Diba kakagaling mo lang sa
sakit? Dito ka
lang. Ako na ang tatawag sa kanya."

"Oo nga naman Tin. Dito ka na lang. Si Anj na ang bahala." Singit naman ni mom.
Tumayo pa din ako.

"Ako na lang ang pupunta. Kaya ko naman eh-"

"Nailipat ko na ho yung piano. Yung cabinet, saan ko po ilalagay?" Napalingon naman


ako sa likod ko.

"JEFF?" Lumapit ako sa kanya. Nagulat din hata siya na makita ako.

"Gising ka na?" Sabi niya pero tinitingnan ko lang siya. Bakit pawis na pawis siya?
Akala ko ba natutulog
din siya? At saka ano daw?
"Nilipat mo ;yung piano?" Ang laki nun ah! At saka bakit niya ililipat? Napatingin
siya sa direksyon ni
mom. Kaya napatingin din ako. Nag-iwas naman ng tingin si mom sa'kin tapos tumingin
kay Anj.
Nginitian naman ako ni Anj.

"Teeny Weeny. Ano ka ba! Nagvolunteer naman si Jeff eh. Kailangan kasi ayusin yung
mga gamit dito
sa bahay nyo. Kaya ayun, tumulong sya. No big deal."

No big deal daw? Big deal kaya! Bakit nila inuutusan si Jeff? "Pero Anj. Wala naman
kailangan ayusin
dito sa bahay eh. Diba mom? Bakit po ililipat ang mga gamit? Hindi naman po
kailangan diba?"

"Oo nga hon. Bakit ililipat? Okay naman ang interior design natin." Singit ni Dad

"Tin baby. Hon. Kailangan na natin ayusin ang mga furniture dito sa bahay. Ilang
years na din yan sa
pwesto nila. Kailangan natin ng..... change!" super ngiti pa si Mom. WHAT?

"Pero mom. Bakit naman po si Jeff ang gagawa nun? Pwede naman po tayo magbayad na
lang ng mga
tao para ilipat ng pwesto yung mga gamit." Hala naman. Patulog-tulog lang ako
kanina. Pero siguro si
Jeff hindi pa siya nakakapagpahinga. Sigurado kung anu-ano inuutos nila sa kanya.

"Chill Tin. Ang OA mo naman magreact!" Isa pa 'to si Anj. Bakit parang binubully
niya rin si Jeff? "Gusto
naman talaga ni Jeff ang ginagawa nya eh. Hindi naman namin siya pinilit. Right
Jeff?"

"Ayos lang ako Tin. Kaya ko naman." Nilapitan ko si Jeff. Ang pawis pawis na niy!
Maniwala akong hindi
daw siya pinilit. Nahiya lang 'to kay mom. Hay ano ba yan!

"Jeff hindi mo naman kailangan gawin 'to eh. Tsaka tingnan mo nga 1pm na, hindi ka
pa kumakain.
Halika na , kumain ka na. Sabay na tayo."
Pinaupo ko na siya dun sa table tapos kumain na kami. Si mom naman biglang tumayo.
Tapos na daw
siya kumain. Ginaya rin siya ni Anj kaya tiningnan ko sila ng masama. Buti na lang
si dad nagstay pa rin.
Grabeeee. Bakit ba nila binubully si Jeff ko?

After kumain, umalis na ulit si dad kasi may gagawin pa siya na business stuff.
Kakausapin ko sana si
Jeff kaya lang bigla naman lumapit ulit sa'kin sina mom at Anj.

"Ui Tin. Ano tara, magpahot-oil tayo sa salon nyo! Diba may salon kayo dito sa
bahay?"

"Oo nga baby. Halika na, minsan lang tayo magbonding na tatlo."

Tumingin naman ako kay Jeff. "Hindi na mom, Anj. Kayo na lang. Minsan lang din kasi
hindi pumasok si
Jeff sa opisina kaya sasamahan ko na lang sya."

"Pero teeny weeny. May gagawin si Jeff eh. Diba tita?"

"Oo nga baby. Medyo may mga butas na kasi yung bubong natin. Siguro naman since
lalake sya, pwede
nyang takpan yung mga leak hindi ba?"

"Mom. Iba na lang. hindi naman po kailangan gawin ni Jeff yan eh. Tsaka, may butas
ba talaga yung
bubong natin? Parang wala naman-"

"Jeff okay lang naman sa'yo na gawin yun diba? Nakakahiya naman kay tita kapag
tumanggi ka."Lumaki
naman ang mata ni Anj nung sinabi niya iyon.

Humarap naman ako kay Jeff. "Bubu hindi mo naman kailangan gawin 'to eh-"

"Ayos lang Tin." Tapos tumingin siya kay mom. "Sige po gagawin ko na." Tapos umalis
na siya.
"Jeff! Wait lang-"

"Halika na baby. Pumunta muna tayo ng salon ok? Wag mo muna intindihin ang lalakeng
yun. Minsan
na nga lang tayo magonding diba?" At hinigit na nga ako nila Anj at mom sa salon sa
bahay.

Minassage massage ang buhok ko. Pero hindi naman ako nag-eenjoy. Iniisip ko pa rin
si Jeff. Hindi
naman 'yun sanay sa mga pinapagawa sa kanya! Hay naku naman kasi.

Nang matapos na kami, aalis na sana ako para hanapin si Jeff. Kaya lang hinila na
naman nila ako para
magpa-body spa. Malaki talaga ang bahay namin kaya lahat na lang nandito. Pero
paano na si Jeff?

"Ui Teeny Weeny! Ano ba namang pagmumukha yan bakit nakasimangot?" Paano naman ako
hindi
sisimangot Anj?

"Oo nga baby hindi ka ba nag-eenjoy?" Mom said.

"Mom, si Jeff po. Tapos na po ba sya?" Nag-iwas naman sa'kin ng tingin si mom.
Hala! "May pinagawa
na naman po ba kayo sa kanya? Mom naman!"

"Hindi ko naman siya pinilit baby. Nasabi lang naman ni Anj na kailangan ayusin ang
attic natin. Ang
lalakeng yun naman ang nagpresinta."

"Mom. Jeff po ang pangalan nya. Wag nyo naman po syang tawagin na lalake lang."

"Chill ka lang Tin. Mag-enjoy ka na nga lang. Kung may ganito lang kami sa bahay
edi araw-araw akong
nagpapa-spa at hindi nastestress." Sabi ni Anj.

Pero ako stressed na stressed na! isa lang naman kasi ang ginagawa nila kay Jeff
eh! Bullying!!
Nang nagpamanicure pedicure na sila, hindi muna ako sumali. Sabi ko pupunta lang
ako ng CR. Pero
syempre joke lang. Excuse ko lang yun para makita ko si Jeff. Hinanap ko siya sa
buong bahaya. Ano
kayang pinapagawa sa kanya ngayon?

Nakita ko siya sa garden. Nagtatabas ng mga damo. Grabe naman, may gardener naman
kami . Bakit
siya pa rin gumagawa niyan? Pero infairness naman kasi ang gwapo niya! Wet look
dahil pawis pawis.
Dumidikit pa ang shirt niya sa katawan niya dahil sa pawis kaya bumabakat ang abs.

Huy Tin! Kaloka ka, kung anu-ano pa ang iniisip mo dyan. Nahihirapan na nga yung
tao eh. Tumakbo
muna ako ulit sa loob para kumuha ng towel at tubig. Tapos lumapit ako sa kanya.

"Bubu tama na yan. Hindi mo naman kailangan gawin yan eh." Napatigil siya nang
nagsalita ako. Tapos
tumingin sa'kin at binaba muna ang hawak niyang pangtabas.

"Tin. Anong ginagawa mo dito?" Inabot ko sa kanya ang tubig na dala ko.

"Ano pa. Edi nirerescue ka. Tingnan mo nga, pawis na pawis ka na."

"Tsk. Ayos lang ako." Wooshoo okay daw. Grabe nga ang pag-inom niya sa tubig na
dala ko. Tapos
hinugasan niya ang kamay niya. "Sige na pumasok ka na sa loob. Baka mapagod ka pa
dito sa labas."

"Bubu naman. Wala naman akong sakit eh. Halika nga dito." Hinawakan ko ang kamay
niya at hinigit
papunta sa upuan sa garden. Tapos pinunasan ko ang mukha niya. Puro pawis na kasi.
"Ganito ba yung
okay lang? Eh pawis na pawis ka nga eh. Baka ikaw pa dyan yung magkasakit."

"Ako na Tin." HInawakan niya ang kamay ko tapos kinuha ang towel. "Ayos lang ako.
Wag ka na mag-
alala." Tapos pinunasan niya ang sarili nya. Tumayo naman ako tapos pumunta sa
likod nya. Then
minassage ko ang shoulders niya. "Tin wag na-"
"Ssshhh. Bubu, relax ka lang dyan. Kanina pa kung anu-ano ginagawa mo eh. Sigurado
pagod na pagod
ka na."

"Tsk. Wag ka na makulit. Ayos lang ako." Ayos lang daw mukhang narerelax nga siya
sa massage ko eh.
Pagod na pagod na talaga siya. Kawawa naman ang bubu ko.

"Jeff hindi mo naman 'to kailangan gawin eh. As in seryoso talaga. Yung mga
pinapagawa sa'yo ni
mom? Marami namang pwedeng gumawa nyan, kaya alam mo yun, hindi mo naman sya
kailangan
sundin-"

"Gusto kong magustuhan ako ng mom mo." Kahit bulong niya lang yun, narinig ko pa
rin. Napatigil tuloy
ako sa pagmassage sa kanya. Kaya ba siya nagpapabully kay mom dahil gusto nya ang
approval ni mom
sa kanya? Jeff naman eh!! Niyakap ko tuloy siya sa may leeg niya.

"I love you bubu! I love you I love you I love you I love you soooooooo much!"

"Tsk. Tama na nga yan. Pumasok ka na nga sa loob." Sabi niya pero nakangiti naman.
Woooo.

"Uyyy. Bubu kinilig ka 'no? Ikaw ha. Patingin nga ng tenga mo?" Bigla naman siyang
sumimangot.

"Tsk. Di ako kinikilig. Bilis na, pumasok ka na."

"Ayoko pa bubu. Gusto ko lang dito, hug kita."

"Bitawan mo na ako. Bumalik na sa loob."

"Huh? Eh bakit mo ba ako pinapaalis?" Naglakad naman ako at pumunta sa harap niya.
"Ayaw mo ba
ako dito? Pwede naman kita samahan eh."

"Tsk. Wag na sabi. Pumasok ka na."

"Ehhh. Sige na bubu, dito na lang ako." Ayan, nagpapacute pa ako niyan. Pinipikit-
pikit ko pa ang mata
ko. Nag-iwas naman siya ng tingin.

"Wag ka nga dito diba. Pumasok ka na dun! Bilis!" Hala. Anong problema nito? Bakit
biglang nainis?

"Sige na. Aalis na ako. Ayaw mo naman ako dito eh. Tumakas pa naman ako kay mom
para puntahan
ka." Tumalikod na ako at nagstart na maglakad. "Sige, ganyan ka bubu. Ayaw mo na
pala ako
makasama-"

Bigla naman niyang hinigit ang kamay ko kaya napakandong ako sa kanya. Although
nakatalikod ako sa
kanya, niyayakap naman niya ako kaya okay na okay. Pinatong niya pa ang chin niya
sa balikat ko. "Tsk.
Sige na. Wag ka na umalis. Ayaw naman talaga kitang umalis."

Wala na. Hindi na ako agad nagtatampo. Nakangiti na nga ako dito eh. Hay nakoooo.
Ang sweet talaga
ni Jeff. Ay bawal pala siyang sabihang sweet, baka magalit.

"Eh bakit kanina pinapaalis mo ako?" Ay sows Tin. Pacute ka talaga! Kaloka.

"Ang bango mo kasi." Sabi niya na parang inaamoy-amoy pa ang leeg ko. Nakikiliti
tuloy ako.

"Pag mabango ako papaalisin mo na ako, ganun?" Medyo weird din kasi diba? Pero okay
din pala ang
pagpapa-spa sa'kin ni mom kanina. Bumango tuloy ako ng hindi inaasahan.

"Tsk. Amoy pawis kasi ako." Okay... Anong konek? Hinarap ko naman ang ulo ko sa
kanya.
"Bubu hindi ka amoy pawis ah. Ang bango bango mo kaya! Tapos super super gwapo pa!"

Nginitian naman niya ako. Grabeeee. Masaya na ako na forever kong makita ang ngiti
ni Jeff.
Hinawakan naman niya ang buhok ko. Then nilapit niya ang mukha ko sa kanya.
Magkadikit na tuloy
yung noo namin.

"I love you Tin. Diba sabi ko, araw-araw ko nang sasabihin?"

Then I melted. Naman eh! Bakit biglang super sweet na ni Jeff? Nakakakilig siya na
ewan. Waaaaaaaaa.
Baka masanay ako niyan Jeff sige ka. Nilapit ko ang lips ko sa kanya...

"Ehem. Ehem."

Lumapit pa ang lips ko. Kaunti na lang..

"TEENY WEENY!" Bigla naman akong napatayo. Napatayo rin bigla si Jeff. Nandun si
mom at si Anj sa
may pinto. "Ehem ehem daw sabi ng mom mo." Namula naman ako ng bongga. Si Jeff
panigurado
namumula rin ang tenga.

"Halika na baby. Pumasok ka na sa loob." Hinawakan naman ni mom ang kamay ko.

"Nakuuu. Mag-CR daw pero nakikipaglandian lang pala." Bulong naman sa'kin ni Anj
habang hawak ang
kabila kong kamay. Lumingon ako at nakita kong nakatingin pa rin sa'kin si Jeff.
Gusto ko na umuwi.

Kaya lang syempre, hindi na ako ulit pinalayo nina mom at Anj. Kung anu-ano na
naman ang ginagawa
nila sa'kin. Lahat na ng pampaganda nakuha ko na. Hindi pa ba matatapos 'to?

Di bale konting tiis na lang. Malapit na maggabi. Ibig sabihin malapit na kami
umuwi ni Jeff! Pero gusto
ko na ulit siya makit.

Nagpapafacial kami nang binulungan ko si Anj. "Huy Anj. Tulungan mo naman ako
tumakas ulit dito kay
mom. Kakamustahin ko lang ulit ng mabilis si Jeff. Promise mabilis lang talaga."

"Pwede ba Teeny Weeny. Unless hindi pa masyado obvious, nagpalit partido na'ko.
Hindi na ako pro-
Jeff. Anti-Jeff na ako ngayon."

"Anj naman. Mabait naman si Jeff eh. Alam mo naman yan." Ito talaga si Anj. Siguro
bitter 'to kay Jeff
dahil parang kinampihan niya si Liz nung nakipagsabunutan siya.

"Ah basta. Wag mo na nga syang isipin. Tita? Tita o. Si Tin gusto daw ulit
tumakas." Ay nako naman si
Anj. Nakakaloka.

"Tin baby. Wag mo na nga muna isipin ang lalakeng yun. I'm pretty sure hindi ikaw
ang iniisip nun
ngayon. Baka ibang girls." Singit ni mom.

"Mom, hindi po totoo yan ah."

"Ay nako tita. Tama po kayo dyan. Alam nyo po bang ilang araw na hindi umuwi si
Jeff sa bahay nila ni
Tin? Nambabae yun panigurado." Anti Jeff na talaga si Anj.

"Hindi totoo yan Anj ah." Kailangan kong pagtanggol si Jeff noh.

"My poor baby. Bakit pa kasi ang lalakeng yan ang pinakasalan mo? From what I heard
kay Anj,
kinakalimutan pa nya pati ang birthday mo. How could he?" sabi ulit ni Mom

"Tama ka dyan tita! Pinaghintay pa si Tin nang napakatagal kahit nagpromise na


pupuntahan sya."
"Nagsorry na naman si Jeff-" napatigil ako.

"Hindi lang naman 'yan Anj eh. Nang nabalitaan ko na nakidnap ang baby ko ng dahil
sa kanya, I just
know hindi sa mapagkakatiwalaan. He's a sorry excuse of a man."

"Mom, hindi po kasalanan ni Jeff yun-"

"Hindi lang yan tita. Lagi pa syang sinisigawan, kinakawawa... hay grabe tita.
Kawawa talaga si Tin sa
lalakeng yun."

Edi sige na. Kayo na mag-usap. Hindi naman ako pinapasingit ng mga 'to. Basta isa
lang ang alam ko. He
loves me. Okay na ako dun. Kahit ano pang sabihin nila tungkol kay Jeff, hindi ko
papakinggan.

Mayamaya pa, dumating na si dad. Yes gabi na! Nakita kong parang nag-ayos na rin si
Jeff. Lumapit
naman ako sa kanya. Yehey uuwi na kami!

"Dad! Mauuna na po kami ni Jeff. Wala po kasing tao sa bahay eh."

"Ganun ba? O sige mag-ingat kayo." Sabi ni Dad.

"Tin baby. Bakit hindi muna kayo dito magdinner? Nagpaluto pa naman ako ng favorite
mo." Teary
eyes naman si mom.

"Oo nga naman Tin. Masyado kasing obvious na gustong-gusto mo ng umuwi."


Nakangising sabi ni Anj.

Pinanlakihan ko naman ng mga mata si Anj. Ito talaga. "Hindi na po mom. Sa bahay na
lang po-"

"Sige po. Dito na lang kami kakain." Bigla namang sabi ni Jeff. Ano ba yan!
Kaya heto, nandito na naman kami sa table, kumakain. Obvious na obvious na hindi
kinakausap nina
mom at Anj si Jeff. Kaya kami na lang ni dad ang nakikipagkwentuhan sa kanya. Grabe
talaga. Tapos
feeling ko pa dinedelay talaga nila ako para hindi ako agad makauwi.

Pero binilisan ko na lang ang pagkain tapos tumayo na ako. "Halika na Jeff. Uwi na
tayo." Lumapit na
ako kay dad at kiniss siya. "Dad una na po kami ha." Nakita kong tumayo na rin si
Jeff.

"Tin, aalis ka na agad? Wala pa ngang dessert-"

"Hindi okay lang Anj. See you na lang sa shop bukas ha."

"Baby baka magkaroon ka ng indigestion kapag lumakad ka agad. Dito ka muna-"

"Bye mom!" I kissed her then hinawakan ko na agad ang kamay ni Jeff. Hindi ako
magpapapigil! "Halika
na Jeff."

"Mauuna na po kami." Sabi lang niya then hinigit ko na siya palabas ng dining room.
Narinig kong
sinundan kami nila Anj.

"Teeny weeny ang OA mo. Bakit ka ba nagmamadali? Pwede ka namang magstay muna
diba?"

Hindi ko na lang siya pinansin. Naglakad pa rin ako.

"Baby please naman. Wag mo muna iwan ang mom. Wala na akong kasama dito."

"Mom nandito naman po si dad. Tsaka diba sabi niyo po isang araw lang?" Malapit na
kami sa pinto!
Yes!
"Hon, hayaan mo na nga sila. Syempre gusto na rin umuwi ng mga bata- Anong
nangyayari?" biglang
nag-iba ang boses ni Dad. Nag-aalala.

"Oh no tita! MASAKIT po ba ang ulo nyo? Naku KAWAWA naman po kayo. Aalis pa po ang
ANAK nyo at
iiwan kayo dito. Grabe ang SAMA namna po nya." Sigaw ni Anj.

Napatigil naman ako sa paglalakad. Tapos lumingon ako. Si mom nakahawak na naman sa
ulo nya.
Masakit nga kaya ang ulo niya?

"Medyo masakit nga ang ulo ko Anj. Lagi na lang ako may migraine. If only may anak
akong nag-aalaga
sa'kin." Sabi pa ni mom. Nakakakonsensya naman!

"Anj, dalhin mo muna ang tita mo sa kwarto. Tatawag muna ako ng doktor-" sabi ni
Dad

"WAG NA!" Sabay pang sabi nila mom at Anj.

"Ah, eh, hon, okay lang ako. Hindi na kailangan ng doktor." Sabi ni mom at nakasapo
pa ang kamay sa
noo.

"Oo nga po tito. Ako na lang po ang bahala kay tita. Since AALIS naman po yung iba
dyan." Diniinan pa
ni Anj yung 'aalis'Waaa! Nangongonsensya talaga.

Nagclear throat naman si Jeff. Napatingin naman kami lahat kay Jeff. "Sige na Tin.
Dito na lang tayo
matulog. Bukas na lang tayo umalis."

"Huh? Pero Jeff-"

"Grabe kawawa naman talaga si tita. Super sakit na ng ulo nya. Right tita?" Nakita
kong nakangisi si Anj.
Waa!
"Oo nga Anj. Ang sakit talaga." Dadag naman ni mom

UGHHHH.

Nakahiga na naman ako dito sa kwarto ko. Hindi nga kami nakaalis. Naman eh! Si Anj
pa dito pinatulog
ni mom sa kama ko. If I know pinapabantayan namna ako nun.

Gusto ko na talaga umuwi! Miss ko na si Jeff. Bigla naman akong napabangon. Ah alam
ko na!
Pupuntahan ko na lang sIya sa kwarto nya.

Dahan-dahan akong bumangon ng kama para hindi magising si Anj. Tapos mahinang
lumabas ng
kwarto. Grabe para akong highschool na tumatakas sa magulang.

Nakapatay na lahat ng ilaw. Siguro natutulog na rin yung mga kasambahay. Pero sana
naman hindi pa
natutulog si Jeff!

Teka saan nga ba ulit ang guest room? Dahan-dahan akong naglakad hanggang sa
nakarating na ako sa
harap ng kwarto niya.

"Jeff?" Bulong ko sa may pinto habang kumakatok ng mahina. "Gising ka pa ba? Si Tin
'to."

Nakalock naman kasi ang pinto niya. Pero parang may nakikita pa akong konting ilaw
mula sa pinto.
Tulog na nga kaya siya? Naku parang tulog na nga. Hindi na sumasagot. Okay game
last na.

"Jeff. Bakit tulog ka na agad? Wag ka muna matulog-"


"Bawal ka dito." Hala! Nagsalita siya! Gising pa siya!

"Jeff papasukin mo naman ako. Sandali lang eh."

"Tsk. Bumalik ka na sa kwarto mo. Bukas na lang tayo mag-usap." Feeling ko nasa
likod siya ng pinto .

"Eh kasi Jeff, uhm, may sasabihin ako sa'yo. Promise mabilis lang. Sige na buksan
mo na 'tong pinto."
Tumingin tingin ako sa paligid. Mukhang wala namang nagising. Sige na Jeff please
please please-

"Bakit ba?" Binuksan niya ng konti ang pinto. Mukhang patulog na siya.
Nakapagshower na kasi sya
then naka-sando at jogging pants lang siya. "Ano yung sasabihin mo?"

"Uhm, yung sasabihin ko? Ano kasi bubu eh... pwedeng dito na lang ako matulog?"

"Tsk. Hindi pwede." Sabi niya then parang isasara na niya ang pinto. Buti na lang
inipit ko ang sarili ko sa
pinto. "Tin bumalik ka na nga sa kwarto mo."

"Sige na Jeff. Dito na lang ako. Ang lakas humilik ni Anj eh."

"Hindi nga pwede. Tsk. Bumalik ka na nga."

"Ouch jeff. Naiipit ako dito sa pinto. Wag mong isara." Seryoso isasara niya na
kasi talaga. Buti na lang
mukhang naawa siya sa'kin kaya binuksan na niya ng konti yung pinto. Pero sakto na
yun para
makapasok ako. Nice one Tin.

"Haist. Diba sinabi kong hindi ka pwede matulog dito?"

"Okay sige Jeff. Hindi na lang ako matutulog. May iba naman talaga akong plano
dito." At sinara ko ang
pinto sa likod ko. Nakita kong parang napalunok siya.
Lagot ka Jefferson Lee! Kakainin kita ng buhay!

*******************************************
[33] CHILDHOOD FRIEND
*******************************************
CHAPTER 32

CHILDHOOD FRIEND

"Umalis ka na."

"Ayoko Jeff. Hindi ako aalis." Bakit ba ayaw niyang tumigil? Hindi nga kasi ako
aalis. Dito lang ako.

"Bumalik ka na sa kwarto mo. Matulog ka na." Binuksan niya ulit ang pinto. Pero
syempre mas lalo
akong pumasok sa loob. Hindi niya ako mapapalabas!!

"Hindi pa naman ako inaantok eh. Tsaka may gagawin pa tayo." Napansin ko na ang
nakabukas na lang
na ilaw sa kwarto niya ay ang dalawang lamps sa bedside. Kaya medyo madilim na.
Sakto! Sinara naman
niya ulit ang pinto.

"Tsk. Alam mo ba kung anong oras na? Ano pa bang gusto mong gawin?"

"Bubu. Alam kong gabi na. Pero halos buong araw na kung anu-ano pinagawa sa'yo ni
mom. At alam
kong pagod na pagod ka. So.... naisip ko lang na baka.... pwedeng...."

"Wag ka ngang umupo sa kama ko!"

"Bakit naman?" Ang sungit naman nito ni Jeff. Nakikiupo lang ee.

"Basta! Tsk. Tumayo ka dyan. Umalis ka na kasi."


"Ikaw bubu ha. Hindi mo naman kama 'to ah. Guest room namin 'to 'no! Kaya pwede ako
umupo dito."

"Fine. Sige umupo ka dyan hanggang gusto mo. Sa sofa na lang ako matutulog." At
umupo nga siya dun
sa sofa sa loob ng kwarto. Ito naman si Jeff, ang init ng ulo. Nilapitan ko na lang
siya.

"Ui bubu sorry na. O sige na hindi na ako uupo sa kama mo-"

"WAG KA NGANG UMUPO DITO! LUMAYO KA SA'KIN!"

"Sssshhhh. Bubu wag ka maingay. Baka magising sila." Hininaan naman niya ang boses
niya.

"Tsk. Sino bang nagsabi sa'yo na pwede ka umupo dito? Wag ka dito." Tumayo na lang
ako. Ano ba yan.
Bawal ako sa kama, bawal din ako sa sofa. Saan na lang ako?

"Bakit ang sungit mo bubu? Super pagod ka ba?"

"Haist. Basta. Lumabas ka na lang kasi. Bukas na lang tayo mag-usap." Tapos kinuha
niya ang briefcase
niya at nilabas ang mga papeles. Hala magtatrabaho siya? Eh gabi na ah. Akala ko pa
naman kanina
matutulog na siya.

"Bubu bukas mo na asikasuhin yan. Pagod ka na eh."

"Tsk. Hindi pa ako pagod."

"Hindi daw. O sige na, aalis na ako agad pagkatapos ko gawin yung pinunta ko dito."
Napatigil naman
siya sa ginagawa niya at napatingin sa'kin.
"Bakit ka ba kasi nandito?"

"Kasi nga Jeff, alam kong pagod ka kaya...." Hinawakan ko naman ang kamay niya at
hinigit siya patayo.
"Halika bubu, dun tayo sa kama-"

"WHAT?" Hinablot niya bigla ang kamay niya mula sa hawak ko. "A-Ano bang iniisip
mo? Tsk." Sabi nya
pa na parang kinakabahan. Ano bang meron?

"Bubu ayaw mo ba talaga akong lumapit sa kama mo?"

"Ayoko!" Mabilis naman niyang sagot. Hay sige na nga. Nilibot ko ang paningin ko
hanggang sa nakita
ko ang swivel chair. Nilapit ko naman kay Jeff ang upuan.

"Sige bubu. Wag na lang sa kama. Dito ka na lang umupo." Tinitigan nya naman ang
upuan tapos
tiningnan ako habang nakakunot ang kilay.

"Tsk. Fine. Ano ba kasing gusto mong gawin?" Sabi nya pero umupo pa din sya.

"Ay bubu, baliktad ka ng upo. Dun ka dapat nakaharap." Tiningnan nya naman ako ng
parang
nagtatanong pero nagbago pa rin sya ng pwesto kaya nakaharap na sya ngayon sa likod
ng upuan.
Sakto! Nakaharap na sa'kin ngayon ang kanyang sexy back. Hehe! Ayos!

"Haist. Ano na naman ba kasing iniisip mo-" I started massaging his shoulders.
Nagulat hata sya sa
ginawa ko. Pero ito naman talaga ang pinunta ko dito. Kawawa naman kasi ang bubu ko
pagod na
pagod.

"Ano bubu, masarap ba? Magaling talaga ako magmassage eh." Natutunan ko 'to sa
states. Meron kasi
akong pinupuntahan dun na magaling magmassage kaya nagpaturo na rin ako sa kanya.
Never thought
magagamit ko rin pala 'to one day.
"Tsk. Ayos lang ako. Tama na yan at bumalik ka na sa kwarto mo." Nakuuu. Pakipot!
Tama na daw eh
mukhang napapapikit na nga siya sa ginagawa ko. Ipinatong pa nga niya ang arms niya
sa likod ng
upuan.

"Sige lang bubu. Relax ka lang. Tensed kasi yung muscles mo eh." Kawawa naman
talaga ang bubu ko.
Grabe talaga ang pambubully ni mom at ni Anj sa kanya. Pagod talaga siya.

Pero syempre hindi pa rin mawawala ang panchachansing ko. Nakasando lang kasi sya
kaya bare ang
kanyang sexy shoulders. Si Jeff na talaga. Si Jeff na ang macho. Sya na talaga.
Woooh chansing!

Nung lumaon, medyo pinapaalis pa rin nya ako. Pero feel na feel ko naman na
narerelax sya kaya hindi
pa rin ako tumitigil. Patuloy lang ako sa pagmassage sa kanya hanggang sa hindi na
nya ako pinapaalis.
Yehey. Nakapikit na nga ang mata niya. Tulog na ba sya?

"Jeff? Naririnig mo pa ako?"

"Mmm." Sabi nya then minulat ang mga mata. Pero obvious naman na inaantok na talaga
sya.

"Sabi ko sa'yo sa kama na lang eh. Sige halika, lumipat ka na lang. Dun ko na lang
itutuloy."

"Wag na." Pero tumayo na rin sya sa pagkakaupo dun sa swivel chair. "Ayos na ako
Tin. Salamat. Sige na
bumalik ka na sa kwarto mo. Kailangan mo na din magpahinga." Pagod na talaga sya.
Pati yung boses
nya pagod na.

"Hindi pa naman ako inaantok Jeff eh. Pwede pa naman kita i-massage-"

"Sige na. Please." Pinikit nya ang mata nya tapos hinawakan nya ang bridge ng ilong
nya. "Tin, umalis ka
na. Baka mamaya... hindi na kita paalisin." Binuksan nya ang mga mata nya tapos
tumitig sa'kin. Bakit
parang kinilabutan ako?

"Edi wag mo na lang ako paalisin. Ayoko naman umalis bubu eh. Dito na lang ako
matutulog."
Humakbang naman ako papalapit sa kanya. Bigla naman syang napaatras.

"Tsk. Hindi ka pwede dito matulog." Abante ako. Atras sya.

"Eh bakit naman? Sige na bubu. Dito na lang ako." Bakit ba sya atras ng atras?

"Hindi pwede. Umalis ka na Tin. Sige na." Ang hina ng boses nya. Parang pagod na
syang paalisin ako.

"Ayoko nga bubu. Tsaka bakit ka ba umaatras sa'kin?" Naglalakad pa rin kasi ako
papunta sa kanya pero
patuloy pa rin sya sa pag-atras.

Teka. Akala nya ba rarape-in ko sya? Pwede din! Joke lang po Lord. Hindi ko naman
i-rarape si Jeff 'no.
Pero yun eh kung ayaw nya talaga. Kung gusto nya naman, eh go go go ako dyan! Chos
lang.

"Tsk. Wag ka kasing lumapit." Eh lumalapit pa rin ako. Ang cute naman kasi nito ni
Jeff. Kinakabahan
talaga sya. Akala nya ba talaga rarape-in ko sya? Mapagtripan nga.

"Aminin mo bubu. Natatakot ka ba sa'kin?" Sabi ko sa kanya habang nakangiti.


Umaatras pa rin sya.
Pero biglang wala na syang maatrasan kaya napaupo sya sa kama.

"Ako? Tsk. Baka ikaw ang matakot sa'kin." Tatayo na sana sya sa pagkakaupo nya
bigla ko syang tinulak
ulit sa kama. At hinulog ko rin ang sarili ko sa kanya. I'm on top of him.

Pero hindi ko mapigilan mangiti. Si Jeff kasi eh, parang bumilis bigla yung
paghinga. Tapos nakatitig lang
sa'kin. Kinakabahan ba sya talaga? Ang cute cute nya super!
"Bubu. Bakit naman ako matatakot sa'yo? Hindi ka naman nakakatakot eh."

"Umalis ka na Tin. Hanggang kaya ko pa-" I kissed him on his cheek.

"Gusto mo ba talaga ako umalis bubu? Sure ka ba?" Then I kissed his other cheek.
Grabe ang
komportable naman sumalampak dito sa broad chest ni Jeff. Sya na talaga.

"Tama na yan. Tumigil ka na." Bulong nya sa'kin. Para kasing pagod na pagod na sya
magsalita.

I kissed the tip of his nose. "Talaga bubu? Ayaw mo ba talaga?" I kissed his chin.
Hmm. Kahit na sinasabi
nyang ayaw nya, hindi naman nya ako nilalayo. Siguro naman okay lang. Ako kasi okay
na okay eh.
Pwede na 'tong umagahan, lunch, at hapunan. Yum!

"Tsk. Dapat kanina pa lang umalis ka na. Dapat nakinig ka sa'kin." Sabi ni Jeff
pero naramdaman kong
pinulupot nya ang arms nya sa likod ko. Napangiti naman ako at kinilig ng bongga!

I continued kissing his face. Sa noo nya. Sa mata nya. Basta kahit saan sa mukha
nya, pero hindi sa lips.
Baka kasi marape ko na sya ng tuluyan pag ginawa ko yun. Sige sya, hindi sya
makakaligtas.

"Diba bubu kanina mo pa ako pinapaalis? Okay na. Sige na aalis na ako. Babalik na
ako sa kwarto ko."
Ititigil ko na ang paglalandi ko sa kanya. Gusto ko pa sana kaya lang, syempre
inaantok na naman din si
Jeff. At saka super pagod na sya then may pasok pa sya bukas.

Pero hinigpitan naman nya ang hawak nya sa'kin. "Sa tingin mo makakaalis ka pa
ngayon?"

"Huh?" Grabe bigla naman akong kinabahan. Ang seryoso kasi ng tingin nya sa'kin
tapos ang higpit pa
ng yakap nya. "Pero Jeff diba sabi mo kailangan mo ng matulog- wah!"
Nagulat naman ako! Bigla nya kasi akong inikot kaya ako na ngayon ang nakahiga sa
kama. He's on top
of me. Waaaaaaa. Bakit parang ako naman ngayon ang bumilis ang paghinga?

"Diba sinabi ko ng umalis ka na kanina?" Sabi ni Jeff in a very low voice. Inhale,
exhale Tin. Huminga ka.
Wag kang maghahahyperventilate. Wag kang kakabahan. Ikaw nagsimula nito diba?

"Uhm, Jeff? Diba matutulog ka na? Kailangan mo na matulog eh." Nakatitig lang sya
sa'kin. Yung
heartbeat ko naging 10 times ang bilis. "M-May pasok ka pa bukas. Tapos pagod ka pa
ngayon. Kaya
kailangan talaga matulog ka na."

Nafifeel ko ang hininga nya sa mukha ko. Ang lapit nya kasi super. Kailangan ko na
makaalis. Baka
marape ko na talaga sya. Sige ka kasalanan mo 'to Jeff. Pag ikaw narape ko, nakuuu!

"Gusto mo na ba umalis?"

"Oo Jeff kailangan ko na bumalik sa kwarto ko. Late na din kasi eh." Nakatitig pa
rin sya sa'kin. Wag
kasing ganyan ang tingin! Mararape ko na talaga 'to! Pigilan nyo 'ko!

"Natatakot ka ba sa'kin?" Bulong nya sa parang malungkot ang boses. Teka. Anong
ibig nyang sabihin?
Bakit naman ako matatakot sa kanya? Siya nga ang dapat matakot sa'kin.

"Bubu. Hindi naman ako natatakot sa'yo eh. Bakit naman ako matatakot? Multo ka ba?
Diba hindi
naman?" Nakatitig pa rin sya sa'kin. Nanlaki ang mga mata ko. "Hala! Multo ka nga
ba bubu? Pero akala
ko talaga tao ka eh. Espiritu ka na lang ba-"

"TSK. Bakit ba ang ganda mo?"

Napatigil naman ako bigla. Ako? Sinabi nya ba na maganda ako? "Imagination ko lang
ba yun bubu o
sinabi mo talagang maganda ako-"
Ang ganda ko nga hata talaga. Kasi kahit wala syang sinabi, hinalikan naman nya ako
ng bongga.
Nakakaloka talaga manghalik 'to si Jeff! Hindi na naman ako makahinga!

Parang with his kiss, sinasabi nya na ako ang pinakamagandang babae sa balat ng
lupa. At saka with his
urgency, parang kanina nya pa ako gusto halikan. Yung totoo, feelingera lang ba
talaga ako?

I felt his hand moving in my leg. Then in my thigh. Hala hala. Gagawin na ba talaga
namin? As in alam
nyo na, yung mga ginagawa ng mga mag-asawa. Wow level-up na talaga ako! Dati
kinukwento lang
sa'kin 'to ni Anj. Ngayon, ito na talaga!

I closed my eyes. Wala akong idea kung anong gagawin pero pinulupot ko ang arms ko
sa leeg ni Jeff.
Ah basta, gusto kong malaman nya na hindi ako natatakot. Na ready na ako. Na kahit
walang coaching
ni Anj o ng google, kaya ko 'to.

Game na Jeff! Game na game na game na ang beauty ko-

"WHAT ARE YOU DOING?!" Bigla namang napatayo si Jeff. Napaupo naman ako sa kama.

"Mom? Anj?" Hala naman. Paano ba nila nalaman na andito ako?

"Oooh. In fairness Teeny Weeny level-up ka na talaga." Sabi ni Anj.

"My poor baby." Tinayo naman ako ni mom sa kama at inayos-ayos ang buhok ko. Tapos
tiningnan ng
masama si Jeff. "I CAN'T BELIEVE THIS! Ikaw na lalake ka! Sa sarili ko pa talagang
pamamahay?!"

Hindi makatingin sa'min si Jeff. Tapos namumula na naman ang tenga. Hala hala.
"Mom, wag nyo na po
pagalitan si Jeff. Hindi naman po nya kasalanan eh."
"ANONG HINDI NYA KASALANAN? Yang lalakeng yan! Under my own roof... ginagapang ka
nya?!"

"Pffft. Nice one tita." Tiningnan naman ni mom ng nakakatakot na tingin si Anj.
Kaya pinigilan nya yung
pagngiti. Ito talaga si Anj, parang natutuwa pa sya sa mga nangyayari.

"Mom ano po bang sinasabi nyo. Wala naman pong masamang ginagawa si Jeff-"

"Anong walang ginagawang masama?! I saw it Tin! That guy is molesting you!"

"HUH? Mom ano ka ba. Hindi po ah. Ang totoo nga po nyan ako ang dapat manrarape sa
kanya. Ako
nga po ang pumunta sa kwarto nya at ginapang sya eh. Ako po talaga."

Napabungisngis naman tong si Anj. "GINAPANG MO? Nice one Tin- Ay sorry po tita."
Nakangising sabi
ni Anj.

Hinablot naman ni mom ang arm ko. "Let's go baby. Sa kwarto na lang namin ng dad mo
ikaw matulog."
Pinilit kong makawala sa hawak nya.

"Pero mom. Ayoko po dun. Sa kwarto ko na lang po ako-"

"Dun ka na matulog Tin. Miss na miss ka na nga ni tita eh." Sabi naman ni Anj
habang hinablot yung isa
kong arm at hinigit ako palabas ng kwarto ni Jeff.

"Sandali lang Anj. Jeff-" Lumingon ako ulit sa kanya pero sinara na ni mom ang
pinto. Ay ano ba yan,
grabe talaga ang dalawang bullies na 'to. Panira ng moment.

At katulad nga ng sinabi ni mom, dun na lang ako natulog sa kwarto nya kaya hindi
ako nakatakas. Pero
hindi naman ako nakatulog. Waaaaa. Gusto ko na mag-umaga. Uuwi na talaga kami ni
Jeff! Dapat
umuwi na talaga kami!!

Kinabukasan, wala na talagang nagawa si mom para mapa-stay kami. Pero hindi ko pa
rin masyado
naka-usap si Jeff. Pagkatappos nya kasi akong ihatid sa shop, pumunta na agad sya
sa opisina. Since
hindi sya nakapasok kahapon, ang dami tuloy nyang gagawin ngayon.

"Oi Teeny Weeny. Ito yung files ng mga bagong kliente mo." Nilapag naman ni Anj ang
mga folders sa
table ko. Pero hindi ko sya tiningnan. Nagtatrabaho ako kunwari sa computer.

"Gusto makipagmeet sa'yo ni Mr. Fernandez bukas. Gusto nyang ikaw ang gumawa ng
family portrait
nila." Hindi ko pa rin sya tinitingnan. Akala mo Anj ha. Hindi kita papansinin.
Pagkatapos ng pambubully
mo kay Jeff? Hmmph!

May nilapag ulit sya table ko. "Itong mga nasa envelope naman, yan yung papeles ng
mga paintings na
ready for delivery na. Pipirmahan mo na lang."

Ano ba 'to si Anj. Hindi ba nya feel na galit ako? Para kasing wala lang. May
nilapag ulit sya na mga
maliliit na envelopes sa table ko.

"Ito naman, mga invitations sa mga art exhibits. Kung may gusto kang attendan,
padalhan mo lang sila
ng letter. Welcome naman lagi ang shop natin sa mga ganyang-"

"ANJ." Tumayo ako at tiningnan sya. Nginitian nya naman ako.

"Yes teeny Weeny?"

"Alam mo ba, kanina pa kita hindi pinapansin. Hindi mo ba nararamdaman na hindi


kita pinapansin?"
Ngumiti pa sya ulit. "Alam ko. Naiinis ka sa'kin?"

"Ay nako Anj. Naiinis talaga ako sa'yo. Ikaw ha, bakit mo binubully si Jeff?
Kinakampihan mo pa si
mom? Hmmmph. Bestfriend daw." Nagcross arms pa ako at nagpout. Bigla naman syang
tumawa.

"Para ka talagang bata! Ano ka ba Tin. Pang elem lang yung pag galit, hindi
nagpapansinan." Ganun ba
yun? Eh pa'no na ba magalit ngayon? Ah teka, nakikipagsabunutan diba. Ganun ginawa
ni Anj kay Liz
eh.

"Kung ganun Anj. Gusto mong sabunutan kita? As in sabunutan talaga?"

"Oooh. Sasabunutan mo 'ko Tin?" Sabi nya habang nakangiti. Ano ba 'to si Anj,
seryosong usapan kasi.

"Ayoko nga Anj! Akala mo maloloko mo 'ko? Wala namang kasalanan ang buhok mo ah!
Bakit ko sya
sasaktan?" Nagpahot-oil pa nga kami sa bahay. Tapos sasabunutan ko lang? Grabe
naman!

Tumawa naman tong si Anj. "Sabi ko na eh. O ano ng balak mo. Hindi naman pwedeng
hindi mo ako
laging kausapin. Ako pa, hindi mo naman ako matitiis na hindi kibuin." Infairness,
may point naman sya
dun.

Lumapit na lang ako sa kanya. "Sige na Anj. Bati na tayo. Hindi na kao galit. Basta
tulungan mo na lang
ulit ako ay Jeff." Bumulong pa ako sa may tenga nya. "Ang totoo nga nyan, mamayang
gabi kailangan
ko ng plano para-"

"Hep hep! Teeny Weeny sandali lang ha. May sinabi ba akong tutlungan kita dyan?
FYI. Anti-Jeff pa rin
ako 'no." Then pumunta sya may desk nya at binuksan ang mga folders.

Sinundan ko sya. "Sige na naman Anj. Wag ka na magalit kay Jeff. Mabait naman sya
eh, tapos super
sweet-"

"Alam mo Tin, ikaw lang ang nagsasabi na sweet at mabait yun. Nung nakita kong
kinampihan nya yung
Liz na yun, nauntog na ako sa katotohanan kaya dapat ikaw din iuntog ko."

Napahawak ako sa ulo ko. Iuuntog nya nga kaya ako? Hindi naman siguro. "Kalimutan
mo na kasi Anj
yung nangyari kay Liz. Hindi naman sya kinampihan ni Jeff eh. Tinulungan lang sya
ni Jeff kasi-"

"Lawyer ka na rin ba ngayon? Kung makapagdepensa naman 'to sa asawa nya!" Ang hirap
naman
kausapin nito ni Anj.

Umupo ako sa tapat ng desk nya. "Pero Anj, hindi mo naman kailangan i-bully si Jeff
eh. Wala naman
syang ginawang masama sa'yo diba? Diba?" Napatingin naman sya sa'kin.

"Oo nga Tin. Wala nga syang ginawang masama sa'kin. Pero ayoko yang mga ginagawa
nya sa'yo ha.
Kaya ayoko na din sa kanya-"

"Yun nga Anj. Ibig sabihin. Hindi ka naman talaga anti-Jeff eh."

"Ang gulo mo ah. Anti-Jeff na nga ako-"

"Hindi ka anti-Jeff. At hindi ka rin pro-Jeff." Napatigil naman sya, naguguluhan.


Kaya hinawakan ko ang
kamay nya sa desk. Tapos ngumiti ako.

"Anj, alam mo kung ano ka? Pro-Tin ka kaya. Tinutulungan mo ako kay Jeff kasi alam
mong masaya ako
pag kasama sya. Kaya naiinis ka din sa kanya kapag alam mong nalulungkot ako."

"Psh. Ang haba ng hair mo ha. Feeling mo talaga ka-partido mo 'ko?"


Tumayo ako at niyakap ko sya habang nakaupo. "Naman Anj! Alam ko namang ikaw talaga
ang hindi
makakatiis sa'kin eh. Diba? Diba?" Pinisil pisil ko sya.

"Kapal nito! Feelingera talaga huh." Sabi nya pero nakangiti naman. Wooshoo. Ito
talaga si Anj.

"Wag ka na kasi magalit kay Jeff. Okay? Okay?"

"Hmmm. Iisipin ko muna-" Hinigpitan ko ang yakap sa kanya. Tapos inalog-alog sya.

"Ito naman, wag ka na mag-isip!! Sige na Anj pleaseeeee."

"Aray ko Teeny Weeny ha. Baka malagutan ako ng hininga dyan sa ginagawa mo."
Niluwagan ko ang
hawak ko sa kanya kaya biglang nakatayo si Anj. Tapos naglakad papunta sa pinto.

"Teka Anj. Aalis ka na? Walk-out ganun? Eh akala ko ba-"

"Hello Tin. Hindi mo ba nakita na may customer na pumasok? Kailangan kaya natin
magtrabaho."

Lumapit ako sa kanya nang naka-pout. "O sige na. Magtatrabaho na."

Binatukan naman nya ako. "Wag ka sumimangot dyan. Magtrabaho muna tayo ngayon."
Naglakad na
sya palabas pero narinig ko pa rin ang sinabi nya. "Mamaya na lang kita tutulungan
dyan sa plano mo
kay Jeff-"

"WAAA! ANJ!!" hinabol ko sya at niyakap sa harap nung customers. Tutulungan na nya
na ako ulit!
Hindi na nya ibubully si Jeff!! Yessssss!

Kinagabihan, ready na ako. Lagot ka na talaga Jeff. Wala ng iistorbo sa'tin ngayon
dito sa bahay.
Gagawin na talaga natin ang kailangan gawin!

Nagpa-wax pa ako ng legs. Shinopping pa ako ni Anj ng magandang underwear. Waahh.


Excited na ako
talaga. Bumili pa ako ng red wine. Lalasingin ko muna sya bago ko sya lasingin sa
ligaya. Chos lang. Pero
bakit ang tagal nya! Dapat nandito na sya.

Naghintay-hintay muna ako. Nagsuklay. Nanoood ng tv. Nagfacebook. Hmm, gawan ko


kaya si Jeff ng
facebook account. Pero baka hindi naman nya buksan, ano pang point?

Mountain_dew sent you a message.

Huh? May nagchat sa'kin? Clinick ko.

Mountain.dew: Tin? Online ka?

Teka. Sino ba 'to si mountaindew? Baka kaklase ko na naman dati. Di ko na kasi sila
maalala.

Tinlovesbubu_22: YUP! HU U?

Mountain.dew: I'm Drew! Childhood friend since preschool? Remember me? :-)

Nope. Di ko sya maalala. Ang dami ko namang naging kaklase dati. Then kahit mga
childhood friends.
Siguro anak 'to ng isa sa mga kaibigan nila dad sa business.

Tinlovesbubu_22: OK. HI DREW.

Kinuha ko ang phone ko. Tawagan ko na kaya si Jeff. Dapat nasa bahay na sya ng mga
ganitong oras.
Mountain.dew: Haha. I guess hindi mo na ako naaalala. Kamusta sina tita at tito? I
hope they're doing
great!

Oo tama tatawagan ko na lang sya. Ayoko kasing kumain ng wala si Jeff.

Tinlovesbubu_22: YUP.

Wahhhh. Bakit hindi na naman siya sumasagot? Sagutin mo na Jeff ang tawag ko.

Mountain.dew: I'm returning to the Philippines. So... i'm thinking if... can I see
you when I get there?
Well you know, gusto ko rin kasi kamustahin sina tito and tita.

Kung si Bessie na lang kaya ang tawagan ko? Oo tama, sasagot sya sigurado-

Biglang tumunog ang phone ko. Nakakalurkey naman ito!

"Hello?"

"Tin. Nasa bahay ka na?"

"Bubu!! Yup andito na ako. Nakapagluto na nga ako ng dinner eh. Hindi ka pa ba
uuwi? Gabi na ah."

"Madami pa kasing kailangan gawin. Ayos lang bang kumain ka na lang mag-isa?"

"Huh?" Eh gusto ko sabay kami. May plano pa nga ako diba? "P-Pero-"

"Gusto mo bang tawagan ko si Anj para may kasama ka? Baka kasi gabihin ako ng uwi."
Tapos parang
narinig ko sa background na tinatawag sya ni Rey.

"Boss naman! Ang daya mo. Bakit ikaw pwede makipagtelebabad, eh kami hindi?"
"Tsk. Wag ka ngang magulo. Sandali lang 'to." Tapos kinausap ulit ako ni Jeff.
"Hello Tin? Andyan ka
pa?"

"Ah, oo bubu. Sige wag mo na tawagan si Anj. Okay lang naman ako dito eh. Ikaw,
gusto mo bang
padalhan kita ng pagkain?"

"Wag na. Pagkatapos mo kumain, magpahinga ka na. Wag mo na akong hintayin."

"Huh? Hindi pa naman ako inaantok bubu eh. Pwede pa naman kita hintayin-"

"Tsk. Tin, wag nang makulit. Matulog ka na ng maaga. Wag ka din matulog sa sofa
dahil baka magkasakit
ka."

"Ok bubu." Narinig ko na naman sa background ang boses ni Rey.

"Boss naman! Bilisan mo na dyan para matapos na yung meeting. Maiintindihan naman
ni Tin yan eh."

"Tsk. Oo na! Sandali na lang! Haist."

"Hello bubu? Sige na ibaba mo na. Para rin maaga ka makauwi. Basta mag-ingat ka sa
pagdadrive ha."

"Mmm. I-lock mo yung gate at mga pinto. Pati yung mga bintana."

"Ok! Basta wag kang magpapalipas ng gutom dyan ah. Tsaka wag masyado magpakapagod."

"Mmm. Basta kung may kailangan ka, tawagan mo lang agad yung phone ko-"

"Boss naman! Alam na ni Tin yan! Ang tagal mo na dyan eh." Sabi ni Rey.
"Mag-I love you ka na boss para matapos na." Narinig ko pa si Paul.

"Tsk. Dun nga kayo! Wag nga kayong makinig dito."

Nangingiti naman ako dito kay Jeff. "Sige na bubu. Ibababa ko na. Madami ka pang
gagawin dyan diba?
Ok lang ako. Wag mo na ako alalahanin."

"Sige. Basta tawagan mo lang ako agad kapag may problema."

"Ok sige bubu! I love you! Ingat ka dyan ah."

"Oi boss! I love you daw! I love you too ka naman dyan!" sabi ni Rey

"TSK! LUMAYO KA NGA! WAG KA NGANG MAKINIG DITO!"

"Tin o! Ang sungit ni Boss. Hulk-mode na naman." Ang kulit talaga nitong si Rey

"Gusto na kasi nyan umuwi kanina pa. Eh hindi makaalis kaya nabubugnot." Pati si
Paul

"TUMIGIL NA NGA KAYO! HAIST!" parang ang saya naman sa opisina nila.

"Sige na Jeff. Baka magalit pa sina Rey at Paul eh. Sige na ibababa ko na."

"Tsk. Sandali lang Tin."

"Hmm?"

"Madami kasing asungot na nakikinig dito.... kaya bukas ko na lang sasabihin.."


"Huh?" Anong sasabihin?

"Yung 'I love you too' daw Tin! Bukas na lang daw sasabihin ni Boss- Chill lang
boss! Ito naman hindi
mabiro." Narinig kong parang may bumagsak na bagay. Tapos natamaan hata si Rey.
Hala!

"Kawawa naman ang asawa mo boss. Masyado ka kasing shy type-" May bumagsak ulit. Si
Paul naman
ang napatigil.

"HOY! BUMALIK KAYO DITO! TSK. Mga duwag."

"Sige na Jeff. Ibababa ko na ha? Bye bubu! See you bukas!"

At binaba ko na nga. Ang lungkot naman. Kakain ako mag-isa then pagkagising ko pa
ulit makikita si
Jeff. Pero okay lang yan! Dapat understanding ako para hindi sya mahirapan. Papunta
na akong dining
room nang mapansin ko yung laptop ko. Hala oo nga pala nagfafacebook ako kanina.

Mountain.dew: Tin? You still there?

Naku po. Kanina pa pala nya ako chinachat. Oh well. Kailangan ko na kumain.

Tinlovesbubu_22: YUP! BYE DREW!

Nakita kong parang nagtatype daw sya ng reply pero naglog-out na ako. Ano ba yan,
miss ko na agad si
Jeff . Kumain na lang ako then nagshower at natulog. I'll just dream of him
tonight. Chos

Kinabukasan, hindi ko naabutang umalis si Jeff. Waaaaa! Bakit ba kasi ang late ko
magising? Kainis
naman. Hindi ko tuloy sya nakita umuwi at umalis. Nag-iwan lang sya ng note. Then
tinawagan nya na
lang ako ulit.

Buong araw akong walang ganang magtrabaho. Pati nga sa paintings, wala akong
masyadong
inspiration. Energizer ko kasi si Jeff. Kapag nakikita ko sya naiinspire ako!

Nabalitaan ko nga kay Bessie na mas lalo pang naging busy si Jeff dahil dun sa kaso
ng mga Santoses.
Medyo nasagap na raw kasi ng media kaya nasensationalize. Pero infairness, binalita
sa'kin ni Bessie na
iinterviewhin daw si Jeff sa news ngayong gabi!

"Hoy Tin! Aba aba. Ano 'to sinehan? Shop kaya 'to teh."

"Ito naman Anj. Pasara na naman tayo eh." Lumapit naman sya dun sa table ko.
Nanonoood kasi ako
ng live streaming sa laptop.

"Ano ba kasi yang pinapanood mo? Hindi ka pa ba uuwi?"

"Hindi muna. Iinterviewhin kasi si Jeff sa TV Patrol. Wait ayan start na yung
palabas!"

Kumuha naman sya ng upuan at tumabi sa'kin.

"Bakit ba sya iinterviewhin? May Mr. Adonis ulit?"

"Ano ka ba Anj. Hindi 'no. Kasi diba yung kaso laban dun sa mga Santos."

"Ohhh! Yung kumidnap sa'yo?"

"Yung kumidnap sa'kin nakakulong na. Yung ibang mga kamag-anak na lang, may illegal
something din
na ginagawa hata eh."
"Ahh. O teka. Si Jeff na yan diba?"

"Huh? Asan, WAAAA! ANJ!!" Tumayo pa ako at tumalon-talon. "SIYA NGA! SIYA NGA!"

"Tin ano ka ba. Wag ka nga sumigaw."

"ASAWA KO YAN! WOOOOH! GWAPO 'NO?! ANG GWAPO MO BUBU!!!"

"Hala. Napraning na."

"ANJ! SI JEFF SI JEFF! NASA TV! ARTISTA NA SYA!"

"Ang ingay nito. Ayan tuloy tapos na. Hindi tuloy natin naintindihan yung sinabi.
Ang baliw kasi nito eh."

After nun eh sinabay na ako ni Kev pauwi. Syempre sinundo nya kasi si Anj.
Pagdating na pagdating ko
sa bahay, tinawagan ko agad si Jeff.

"Tin?"

"WAAAAA! JEFF!!!"

"Bakit? May nangyari ba?! Bakit ka sumisigaw-"

"ANG GWAPO MO BUBU!"

"What?"

"NAPANOOD KITA SA TV! Ininterview ka diba? Waaaaa! Ang gwapo mo sa tv bubu!


Telegenic ka
talaga!"

"Tsk. Ano bang sinasabi mo?" Wow. Feeling ko nakangiti si Jeff.

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin na may interview ka pala? Kay Bessie ko pa tuloy
nalaman."

"Hindi naman kasi masyado importante yun."

"Anong hindi. Importante kaya yun! Gusto mo ba kunin ko yung video record nun sa
ABS-CBN? Para
idisplay natin sa bahay o ipanood natin sa mga bisita-"

"Tsk. Tin, tama na nga yan. Ayos na sa'kin na napanood mo."

"Eh bubu. Gagabihin ka na naman ba ngayon? Hindi na kita nakikita eh."

"Ang dami pa kasing ginagawa dito. Baka nga hindi na ako makauwi."

"Huh? Dyan ka na matutulog?"

"Tsk. Basta susubukan kong umuwi. Ilock mo na lang ulit yung mga pinto."

"Okay. Sige bubu ingat ka." Ang sad naman. Miss ko na kasi sya talaga. Pati naman
ang mga plano ko na
panlalandi sa kanya, hindi pa rin natutupad. Masyado naman kasi syang busy.

Hindi ako agad nakatulog. Paikot-ikot lang ako sa kama. Super late na ako nakatulog
kaya siguro super
late na rin ako nagising. Wah! Tanghali na! Lagot na naman ako nito kay Anj.

Binilisan ko ang pagligo at pagkain. Hindi nga hata nakauwi si Jeff. Kawawa naman
ang bubu ko. Super
busy. Nagtaxi ako papunta sa shop. Nung nandun na ako, napansin ko na naka-park sa
tapat ang car ni
mom. Huh? Bakit nandito si mom?

Well anyway. Sobrang nagmamadali ako pumasok kaya nabunggo ko ang isang palabas na
tao.

"Naku sorry. Sorry talaga." Todo tungo pa ako.

"Okay lang. No problem." Tumingala ako at nakakita ng isang gwapong lalake. Wow
para syang artista
ah. Ay erase erase, may asawa na pala ako. Mas mukhang artista si Jeff dito 'no!

"Sige ha. Nagmamadali kasi ako eh." Papasok na sana ako sa shop nang bigla naman
syang nagsalita.

"Tin?" Napalingon tuloy ako. Bakit nya ako kilala?

"Uh, ako nga. Ah wait, customer ka ba sa shop?" Kaya siguro kilala nya ako. Naku
lagot ako nito kay Anj.
Sa lahat ng mabubunggo ko, customer pa?

Ngumiti naman sya. Wow infairness ang cute nya pag ngumiti. Ehem Tin. Mas gwapo pa
din si Jeff!

"Hindi mo na talaga ako naaalala?" Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. Kung may
kaibigan ako na
ganito kagwapo, maaalala ko naman siguro diba? EH hindi ko kasi talaga sya kilala.

"Uhm, sorry. Medyo makakalimutin kasi ako eh. He-he?"

Nginitian nya naman ako. "Yeah, I understand. I've changed after all."

Tumango na lang ako. "Sige ha, papasok na ako sa loob. Baka kasi hinahanap na ako
ni Anj." Tumalikod
na ako.
"I'm that fat guy." Napatigil naman ako bigla. "The fat guy that everyone bullied
before. Yung iyakin at
walang lakas ng loob. But then someone still befriended and helped me. Remember?"

Humarap ako ulit sa kanya. "O tapos. Anong nangyari?" Naawa naman kasi ako dun sa
fat guy sa
kwento nya. Bakit binubully? Natawa naman sya bigla.

"Ako yun Tin. The fat guy. We were kids back then, and lagi na lang ako tinutukso
ng lahat sa school."

Tiningnan ko ulit sya mula ulo hanggang paa. "Pero, hindi ka na naman mataba ah."

"Well, thanks to you. Ikaw naman kasi ang naging inspiration ko to change." Tinaas
naman nya ang
kamay nya sa'kin for a handshake. "Remember me Tin? I'm Drew. Your fat friend from
before."

Parang may bigla na lang ako naalala na matabang bata na nakasalamin. Tapos
napakaiyakin kasi laging
tinutukso. Alam ko lagi kong sinasamahan ang batang yun kasi wala namang gustong
makipagkaibigan
sa kanya sa school. At saka lagi kong pinipisil ang cheeks nya. Para kasi syang
puto.

Andrew. Nanlaki ang mga mata ko.

"Drew? Ikaw si Andrew?" Tiningnan ko ulit sya. Bakit ang payat na nya? "WEHHHHH?"

"Haha ako nga! After highschool, I've transferred schools so hindi na tayo
nagkita-"

"WAAAAAAA! ANDREW! IKAW NGA!" Niyakap ko sya. Si Andrew ang pinakabestfriend ko


bago ko
makilala si Anj.

"Yeah. Nice to see you too." Sabi naman nya habang pinapat yung likod ko. Hugging
me back.
Tapos may narinig akong mga flash ng camera.

"Huh?" Tinanggal ko ang yakap ko kay Drew at napaharap ako dun sa madaming ilaw na
nagfaflash.
Bakit ako pinipicturan?

"Shit." Sabi bigla ni Andrew then inakbayan ako at tinago dun sa gilid nya. Tapos
naglakad kami papasok
sa shop. Pero hinaharangan kami nung mga taong nagpipicture.

"Andrew. Bakit nila ako pinipicturan?" Kahit nagkakagulo parang nakita kong ngumiti
sya.

"Maybe because you're pretty?"

Wow. Ang ganda ko daw? Pati si Jeff sinasabi na maganda ako. Sige kayo, baka feel
na feel ko na
talaga! Buti na lang nakapasok na kami agad sa shop. Niyakap naman ako agad ni mom.
Sinara naman
muna agad ni Anj ang shop.

"Hay grabe! Ang daming paparazzi sa labas!" nakapameywang pa tong si Anj.

"Maganda kasi ako Anj. Kaya nila ako pinagkakaguluhan."

"Imagination mo talaga Teeny Weeny. Bakit ka naman nila pagkakaguluhan? Si Drew


yung
pinagkakaguluhan 'no." sabi ni Anj

"Huh?" Napatingin naman ako kay Andrew tapos ngumiti sya sa'kin.

"Baby, artista na kasi ngayon si Andrew." Sabi ni mom habang inaayos-ayos yung
buhok ko.
"Remember him? Diba before he's quite fat, pero look at him now. Bagay na bagay nga
kayo eh."
Nilapit naman ako ni mom sa tabi ni Andrew. "You look good together baby. Anak pa
sya ni tita Mariel
mo. He comes from a good family, doesn't he?"

"Pinapakamusta nga po pala kayo ni mommy, tita. Pasensya na rin po kayo kung
nasundan tayo ng
paparazzi dito." Sabi ni Drew

"Ok lang yun iho. No problem with us." Nakangiting sabi ni mom.

Nagkwentuhan pa ng konti sina mom at Andrew. Pero hindi naman ako nakikinig sa
kanila. Nakatingin
na kasi ako kay Anj na nakanganga habang nakatingin sa laptop. Tapos nung tumingin
sya sa'kin, parang
medyo kinabahan ako.

"Tin, you need to see this." Lumapit naman ako sa kanya at iniwan muna sila mom na
nagkukwentuhan.

"Bakit Anj? Wag ka namang ganyan, kinakabahan ako sa itsura mo eh."

"Seryoso kasi 'to teh. Pagka-open ko ng internet, ito agad nakita ko."

"Huh? Bakit ba?" Tumabi ako sa kanya at napanganga rin ako sa nakita ko sa screen.

May picture kasi namin ni Andrew. Nagyayakapan kami sa labas ng shop. Kitang-kita
ang mukha ko!
Tapos may headline pa: SUPERSTAR ANDREW'S NEW GIRLFRIEND?

Hala. Ako daw? Girlfriend ni Andrew? Bigla namang tumunog ang phone ko.

Jeff calling.

Oh my butong pakwan. Ano na naman ba 'tong napasukan ko?


*******************************************
[34] TRUST ME
*******************************************
CHAPTER 33

TRUST ME

"Tin, hindi mo ba sasagutin yang tawag ni Jeff?"

Nauutot na ako. Nauutot na talaga.

"E-Ewan ko Anj. Sasagutin ko ba dapat? Eh baka kasi galit sya-"

Hinablot sa'kin ni Anj yung phone ko. "Hello?"

"Anj, anong ginagawa mo? Akin na yan!" Tinitigan nya naman ako ng wag-kang-magulo
stare. Hindi ko
na lang tuloy inagaw. Sila mom at Drew nagkukwentuhan pa rin dun. Yung mga
paparazzi nasa labas pa
rin. My goodness anong nangyari sa buhay ko?!

"Hello Jeff-" Nilayo nya bigla sa tenga nya ang phone.

"Bakit Anj? Anong nangyari?" Tumabi ako sa kanya at nilapit yung tenga ko. Hala si
Jeff sumisigaw.
Patay talaga ako nito.

"HOY LALAKE! Wag mo nga akong sigawan! CLOSE BA TAYO?! HINDI NAMAN AH!" Hala naman
si Anj.
Bakit nya sinisigawan si Jeff? Napatingin sa'min tuloy sina mom. Nginitian ko na
lang sila para
magpatuloy ulit sa pagkukwentuhan. Kinurot ko naman si Anj.

"Akin na yung phone Anj. Ako na lang kakausap-"

"Wala dito si Tin! ... Bakit mo sya hinahanap?! Para sya naman yung sigawan
mo?! ... Hoy Jeff ha, wag
ka ngang manigaw ng babae!"

"Anj ako na lang. Ako na lang kakausap." Mas lalong magagalit nito si Jeff.

"Nagagalit ka na agad?! ... EH HINDI MO PA NGA ALAM ANG NAGYARI EH! ... Ewan ko
sayo Jeff ang
sakit mo sa bangs!" At biglang inend-call ni Anj.

"Hala!!! Bakit mo sya binabaan ng telepono Anj?? Mas lalong magagalit yun eh!!"

"Ano ka ba teeny weeny! Hayaan mo nga sya magalit! Wala ka namang ginagawang masama
ah!"

"Pero kasi Anj!! Ay basta, tatawagan ko na lang sya ulit."

"Hindi pwede Tin." Tapos nilayo nya sa'kin ang phone ko. Pinilit ko namang
hablutin. "TITA O! SI TIN
PO! Inaaway na naman nung asawa nya."

Lumapit naman sa'kin si mom. Nasa likod naman nya si Andrew. At si Anj, edi ayun
pinagkukurot ko.

"Baby? Anong nangyari? Inaway ka na naman ba ng lalakeng yun? I knew it. He's
really not suitable for
you. I even heard na masyado syang busy na hindi ka na nya naaasikaso. How could
he!"

"Mom. Ayan na naman po kayo. Tama na po yan." Anong gagawin ko? Kailangan ko
makausap si Jeff.
Pero pa'no? Puppet ako. Chos. Na kay Anj kasi ang phone ko! Di ko sya matatawagan.

"Ok baby forget him. I'm hosting a party tonight sa isang hotel natin. Just a small
party with our close
business partners and friends. Attend kayo ni Andrew ha. Escort mo sya."

Hindi na ako nakikinig sa mga sinasabi ni mom. Nag-iisip lang ako ng paraan para
hindi na magalit si Jeff.
Hmm. Siguro nga kailangan ko na sya puntahan. Dapat makapag-usap agad kami para
hindi na lumaki
ang gulo.

Kaya lang ang dami nga palang paparazzi sa labas. Ang hirap naman.

"I don't think she really wants to come with me tita. And besides, I think mas
gusto nyang maging
partner ang asawa nya." Nakangiting sabi ni Andrew.

"That's not true Andrew. Busy naman ang lalakeng yun eh. Besides, you two should
catch up. Matagal
din kayong hindi nagkita diba? I also invited your parents so dapat umattend ka
talaga." Nakangiting
sabi ni Mom

"Well, if you insist tita. And, I really want to come with Tin so, wala na akong
objections." Sabi ni Drew

Hay bahala na. Wapakels ako sa mga paparazzi na yan. Kailangan ko makita si Jeff!
Naglakad na ako
papunta sa door pero hinigit naman ako ni Anj pabalik.

"Hep hep. I know what you're thinking teeny weeny. At wag mo na ituloy." Bulong
naman sa'kin ni Anj.

Buti nagkukwentuhan na ulit sina mom at Andrew. "Anj kailangan ko talaga sya
makausap. Tulungan
mo naman ako o." Bulong ko rin sa kanya.

"Diba kakasabi mo lang na pro-Tin ako? Kaya hindi kita hahayaang lumabas ng shop na
'to. Lalapain ka
ng buhay ng mga paparazzi na yan."

"Eh pano na Anj? Anong gagawin ko?"

"Okay sige. Tutulungan kita makalabas mamaya. Pero kailangan mo muna maghintay.
Pauntiin muna
natin yung mga paparazzi sa labas."

At wala na nga akong nagawa. Naghintay na lang ako dun gaya ng sabi ni Anj. Alam mo
yung feeling na
nakatitig ka lang sa phone mo? Yung hinihiling mo na magtext o tumawag sya sa'yo?

Pero hindi na ulit nagring ang phone ko kaya sinubukan kong tawagan na lang si
Jeff. Pero hindi na sya
sumasagot. Oh noes, galit na yun sigurado.

Pinakita rin sa'kin ni Anj yung mga pictures ko sa internet. My goodness! Sikat na
ako talaga. Pero
ayoko na pala maging sikat. Bigla kasing ang dami ko ng natanggap na hateful
comments at messages
online mula sa mga fan girls. Halaaaa. Wala naman akong ginawa.

Ngayon ko lang din nalaman na kilalang actor pala talaga ito si Drew. Eh sorry
naman hindi ako
masyadong nanonood ng tv kaya hindi ko sya kilala. Pero sa dami ng fans nya, kung
susugurin ako
tegok talaga ako.

Hapon na pero nandun pa rin ang mga paparazzi sa labas. Grabe naman, hindi ba
talaga sila sumusuko?
Hindi ako makaalis.

"Baby? I think kailangan ko na umalis. I still need to prepare for the party."

"Ah, sige po mom. Ingat po kayo."

"Tita?" Singit naman nito ni Anj. "Hatid na po kayo ni Drew."

Nagulat kaming lahat sa suggestion ni Anj. Kinindatan nya naman ako. Anong meron?

"No it's okay Anj. I can go home naman-"

"Naku tita. Alam nyo naman pong worried ako lagi sa safety nyo." Hinawakan pa ni
Anj ang mga kamay
ni mom. "Madami pa pong media sa labas. I'm sure mas safe kayo pag hinatid po kayo
ni Drew."

"Sure tita. Hatid ko na po kayo." Nag-aalangang sagot naman nito ni Andrew.

"Well, ang sweet mo talaga Anj. Okay sige let's go Andrew iho. Bye Baby see you
tonight ha." Kiniss
naman ako ni mom then lumabas na sila ng pinto. As expected, pinagkaguluhan sila ng
mga paparazzi.
Bigla naman akong tinulak-tulak ni Anj papunta sa fire exit ng shop.

"Go na Tin. Habang nagkakagulo yung media kay Drew, eh lumabas ka na dito. For sure
hindi ka nila
mapapansin." Wow, oo nga. Ginawang diversion ni Anj si Andrew para hindi ako yung
pag-initan.

"Alam mo Anj ang talino mo talaga."

"Alam mo Tin hindi mo lang kasi ginagamit ang utak mo. Di masyado pinag-iisipan ang
gagawin. O wag
ka na magreact. Sige na lumabas ka na bilisan mo." Syempre pinagtulakan niya ako
palabas dun sa fire
exit.

Pinagkakaguluhan nga sina Andrew habang hinahatid nya si mom sa kotse. Kalurkey,
mahirap din pala
maging artista. Pumitas ako ng isang sanga na may mga dahon. Tapos tinakip ko sa
mukha ko habang
naglalakad. Medyo pinagtitinginan ako ng mga tao pero mas ok naman 'to kaysa
makilala ako diba?

Sa wakas, nakarating din ako sa office ni Jeff. Pero kahit hapon na hindi pa rin
umuuwi ang mga
empleyado. Ang busy pa rin nila. Nakita ko si Bessie sa desk nya kaya nilapitan ko
sya.

"Bessie? Sorry excuse lang ha-"

"TIN?!" Napatayo naman sya nung nakita ako. Tumingin din sa'kin lahat ng empleyado.
Bigla tuloy
tumahimik sa loob ng opisina.

"Uh, hi." Hala. Kaya ba ganyan sila kasi nakita na nila yung picture namin ni
Andrew sa internet? Nakuu!

"Uy Tin! Ikaw pala!" Lumapit naman sa'kin si Rey na parang kinakabahan.

"Hi Rey. O hi Paul. Hindi pa rin kayo pwedeng umuwi?"

Nagshrug lang si Paul. "Madami pang kailangan gawin."

"Ganun ba? Sige sandali lang ha. Dadalawin ko lang si Jeff-"

"HINDI PWEDE!" Sabay pa nilang sigaw na tatlo.

"Huh? Bakit naman?" Naglakad pa rin ako papunta sa private office ni Jeff.

Pasimpleng hinarangan naman ni Bessie adsdng dadaanan ko. "Wag ka muna pumasok Tin.
Ano kasi
eh... Medyo hulk-mode si Boss! Tama! Hulk-mode! Kaya bumalik ka na lang mamaya."

"Okay lang Bessie. Kaya ko naman eh." At saka dapat harapin ko na ngayon ang hulk-
mode ni Jeff.
Sigurado galit yun dahil dun sa picture namin ni Andrew.

"Busy si boss ngayon Tin. Bawal syang maistorbo." Singit naman nito ni Paul.

"Mabilis lang naman ako Paul eh. Promise mabilis lang talaga." Kakausapin ko lang
naman sya.

Pasimpleng hinarangan din ako ni Rey. "Nag-eeLBM si boss ngayon Tin. Kaya puro utot
yun. Sige ka,
gusto mo ba maututan? Kaya wag ka muna pumasok."
"Huh? Masama ang pakiramdam nya?" Mas lalo ko pang binilisan maglakad.

Sinubukan pa rin nila ako pigilan pero nagpumilit ako makapasok. Nung binuksan ko
na ang pinto, saka
ko lang nagets kung bakit ayaw nga nila akong papasukin. At sana nga hindi na lang
ako nagpumilit.

Si Jeff at Liz. Magkaharap. Magkalapat ang mga labi.

BIgla naman syang tinulak ni Jeff palayo. "TSK. WHY DID YOU KISS ME?! TIGILIAN MO
NA 'KO LIZ!"

Mukha namang maiiyak na si Liz. Kinakabahan. Nalilito. Kung saan-saan sya


tumitingin hanggang sa
napatingin sya sa may pinto. Nang nakita nya akong nakatayo na parang estatwa,
bigla syang ngumiti.

"Oooh. Yes we're having an affair." Biglang napatingin naman sa'kin si Jeff.
Obvious na super gulat sya
nang makita ako.

"Tin-" Naputol ang sasabihin ni Jeff. Kasi naman 'tong Liz na 'to, biglang
pinulupot ang sarili nya sa arm
ni Jeff.

"Honeybunch, nakita nya na naman tayo. Aminin na lang natin na we're back
together-"

"SHUT UP LIZ! SHUT UP!" Sabi ni Jeff habang tinatanggal ang kamay ni Liz sa kanya.

Ewan ko ba kung anong nangyari sa'kin. Pero feeling ko pwede na 'tong isali sa
Shock of the Century.
Naglakad ako papalapit sa kanilang dalawa.

"Tin, listen first. Tsk, unintentional yun. Bigla na lang ako hinalikan ni Liz-"
"What are you talking about honeybunch?" Nginitian naman ako ni Liz. "Just accept
we are having an
affair Tin. Matagal na kaming naghahalikan sa likod mo. Ididivorce ka na nya-"

Hindi na natapos ni Liz kung ano pang sasabihin nya. Bigla ko kasing hinigit yung
necktie ni Jeff at
hinalikan sya. Alam kong nagulat si Jeff sa ginawa ko. If I know, nanlalaki na rin
ang mga mata ni Liz
habang nakanganga.

I kissed him hanggang sa naramdaman kong he's kissing me back. After nun, tinapos
ko na ang halik.
Humarap ako kay Liz at ewan ko ba, feeling ko ang tapang ko.

"What was that for?!"

Ngayon, ako naman ang lumapit sa kanya at ngumiti. "Ganyan humalik si Jeff, Liz.
Hindi yung katulad ng
sa inyo na napipilitan lang sya."

Tinitigan nya naman ako na parang gusto nya akong tirisin. Pero since hindi sya
kinampihan ni Jeff,
nagwalk-out na lang sya na inis na inis. Wow magiging proud sa'kin nito si Anj.

"Tin." Bigla kong naalala na nandito nga pala si Jeff. Hinarap ko sya at nakatitig
lang sya sa'kin. Ugh,
nagpahalik na naman sya sa Liz na yun? Nakakarami ka na Jeff.

Tentenen. Ladies and gentlemen, nagwalk-out din ako.

"Tsk. Tin, sandali nga." Hinawakan nya naman yung arm ko. "Akala ko ba
naiintindihan mo? Bigla na lang
syang pumasok dito. Hindi ko yun ginusto! Haist."

Hala. Ano 'to. Sya pa yung galit? Tinanggal ko ang hawak nya sa'kin. "Ikaw Jeff ha.
Nakita kong may
kahalikan kang babae dito sa office mo. Tapos ikaw pa yung magagalit?"

Lumabas na ako ng private office nya at sinalubong ako nina Rey. For sure nakikinig
'to kanina sa may
pinto. Hinabol at pinigilan ako ulit ni Jeff.

"Tsk. Hindi ako galit! At pwede ba Tin, alam mo naman ang totoong nangyari pero
bakit ako pa din ang
sinisisi mo?!"

"Jeff hindi naman kita sinisisi eh. Pero siguro naman may karapatan akong magtampo
diba? Kahit
konting pagtatampo lang."

"Tsk. Yan na nga bang sinasabi ko sa'yo boss eh. Wag ka kasing masyadong maraming
babae." Singit
naman nito ni Rey.

"Wow ha. Nagsalita ang hindi playboy."sabi ni Bessie

"May popcorn ba tayo dyan?" Sabi naman ni Paul habang nakatingin sa'min. Ano kami
sine? Kailangan
ng popcorn? Kaibigan ko ba talaga ang mga 'to? Pero sabagay, buong office
nakatingin sa'min.

"TSK! HALIKA NGA!" Hinigit naman ako ni Jeff palabas. Nang natanggal ko na ang
kamay ko sa kanya,
nagsimula na akong pumara ng taxi.

"MAG-USAP NGA MUNA TAYO TIN!"

"Mamaya na lang Jeff. Galit ka na naman eh."

"HINDI NGA AKO GALIT!" Pumara muna ako ng taxi. Hay ewan ko ba. Nakakatampo si
Jeff. Di ko na
lang sya pinansin. Buti tinigilan ako ng isang taxi. Binuksan ko na ang pinto pero
sinara naman ni Jeff

"Jeff naman-"
"Akala mo ba hindi ko alam?! Nakita ko yung picture mo na may kayakap na ibang
lalake! AKO DAPAT
ANG MAGALIT DITO DIBA?!"

"Yakap lang naman yun Jeff eh. Ikaw nga dyan may kahalikan ka pa."

"TSK. Hindi ko ginusto kung anong nangyari! Pero ikaw, halata sa picture na ikaw
ang yumakap!"

"Jeff, si Andrew lang yun. Kaibigan ko sya dati pa-"

"INAAMIN MO NGA?!NIYAKAP MO SYA?! HAIST!"

Patola kamatis tutubi. Kaya ayokong makipag-usap ngayon kay Jeff. Parang naiinis
ako. Tapos sya
naman hindi ako pinapakinggan. Binuksan ko na lang ulit ang pinto ng taxi at
sumakay. Kinatok naman
ako ni Jeff.

"SANDALI NGA TIN! MAG-USAP MUNA TAYO-" Pero sinabi ko kay manong na umandar na.
Nagpahatid
muna ako sa bahay nila Anj kasi ayoko pa syang makausap.

Naiintindihan ko naman sya. Naiintindihan ko talaga. Pero hindi naman ako si


wonderwoman.
Nasasaktan din naman ako 'no. Ayoko din na may kahalikan syang iba.

Nag-away na naman kami. Hindi na ba matatapos 'to?

Binuksan ni Anj ang pinto ng cabinet nya.

"My goodness Teeny Weeny. Lumabas ka na nga dyan! Alam mo ba kung anong oras na?"

"Anj. Dito muna ako. Ayoko pa umuwi eh."


"Kanina pa ring ng ring yung phone mo. Nalowbat na nga lang kasi walang tigil eh.
Ano na, hindi mo pa
din ba sya kakausapin?"

"Ewan ko. Di pa ata ko ready."

"Ay wow. Ang arte nito! Ano ka, bagets? PBB Teens?! Hoy 22 ka na! Di na uso yang
'hindi pa ako ready'
chorva mo! Charot ka talaga Tin."

"Ehhh. Sige na Anj dito muna ako. Uuwi naman talaga ako mamaya eh."

"As much as gusto kita pagbigyan, eh hindi pwede. Kapag hindi kita nadala sa party
ng nanay mo, eh
pupugutan ako nun ng ulo for sure."

Party? Napansin ko nga yung suot ni Anj. Naka-cocktail dress sya.

"May party si mom?"

"I knew it. Hindi ka nakikinig kanina 'no?" Hinigit naman nya ako palabas ng
cabinet. "Bilisan mo na
Teeny Weeny. May pinadalang dress ang nanay mo. Magbihis ka na."

"Hindi ba pwedeng hindi na lang ako umattend Anj? Late na naman tayo eh. Sigurado
hindi na tayo
mapapansin kapag hindi tayo sumulpot."

Umiling-iling naman sya. "No no no way Teeny Weeny. Hindi pwedeng hindi ka mapansin
dahil kanina
ka pa hinihintay ni Drew my loves. Escort mo sya remember? Kaya bilis na magbihis
ka na!"

Bakit ba ako nag-inarte pa kanina? Dapat hata umuwi na lang ako. Pero ayoko pa
kasing makausap si
Jeff. Ano ba yan! Nagbihis na lang ako. Bahala na.
Sinundo kami ni Kev a.k.a ang gwapong partner ni Anj. Nang makarating kami sa
party, medyo madami
ng tao. Sumasama lang ako lagi kay Anj hanggang sa nakita ako nina mom and dad.
Kamustahan then
lumapit din sa'min si Andrew. Oo nga pala sya ang escort ko.

"Wow. You look wonderful tonight Tin."

Nagforced smile na lang ako. "Thanks Andrew. Ikaw din, you look good."

Pinakilala ko sya kay Kev then iniwan muna kami nila mom. Nagkwentuhan lang kaming
apat then
minsan may lumalapit na mga kaibigan namin. Pero parang gusto ko na hata umuwi.
Iniisip ko kasi kung
nasa bahay na ba si Jeff o kung kumakain na sya ng dinner.

Ngayong nakapagpahinga at nakapag-isip isip na ako, gusto ko na syang makausap.


Miss ko na rin kasi
sya then ayoko na ng away. Bigla naman akong hinigit nito ni Anj.

"OMG Teeny Weeny, si Jeff ba yun?" Bulong nya naman sa'kin.

"Saan?" Tiningnan ko kung saan sya nakatingin, at kahit nakatalikod sya, alam kong
si Jeff nga yun!
Hala! Pinapalibutan sya ng mga lalake so siguro nag-uusap na naman sila tungkol sa
business stuff.

"Sinabi mo bang pupunta ka sa party na 'to?"

"Hindi Anj ah. Tsaka diba dapat hindi naman ako aattend. Pero teka, ininvite sya ni
mom?"

"Malamang si tito nag-invite dyan. Hindi kaya, pumunta sya dito kasi gusto ka nyang
makausap?
Napraning sya dahil hindi mo sinasagot yung mga tawag nya kanina?"

"Tingin mo Anj ganun ba yun? Sige wait lalapitan ko sya. Magsosorry na rin ako-"
"Hep hep!" Hinawakan nya ako sa arm. "Ano ka ba Teeny Weeny wala ka bang pride?
Hayaan mo
syang lumapit 'no! Siya ang lalake eh."

"Pero paano kung hindi sya lumapit? Ayoko na mag-away kami eh."

"Ano ka ba. Siguradong lalapit yan." Tapos biglang nginitian nya naman ako. "Alam
ko na. Parusahan mo
din sya ng konti."

"Huh?" Hala ayan na naman ang evil smile ni Anj. Ano na naman bang iniisip nya?

"So it's really weird kung paano ako napasok sa industry. Mamanahin ko na sana ang
company ni dad
pero biglang may nag-offer sa'kin na maybe I could try acting. And I guess I just
fell in love with the job.
Masaya maging actor pero minsan yung privacy-"

"HA-HA-HA-HA-HA. Masaya nga! Ha-Ha-Ha." Tiningnan ako ng ibang mga tao pero si Jeff
hindi naman
hata naririnig. Nilalakasan ko na nga ang boses ko.

Ewan ko ba dito sa plano ni Anj. Iniwan nya ako na kasama si Andrew tapos tumawa
lang daw ako sa
lahat ng sasabihin nya. Eh kanina pa ako tawa ng tawa sa mga sinasabi ni Andrew
kahit hindi naman ako
nakikinig . Tapos parang wala namang balak si Jeff na lapitan ako.

"You ok Tin?" Nakangiting sabi sa'kin ni Andrew.

"Huh? Ah oo ok lang. HA-HA-HA. Ok na ok ako. HA-HA-HA" Hindi pa rin ako tinitingnan


ni Jeff. Ako na
lang kaya ang maunang lumapit? Mas madali naman yun.
"Let's dance." Kinuha naman nya yung kamay ko at dinala ako dun sa may gitna kung
saan nagsasayaw
yung mga tao..

"Uhm.." Ok lang ba makipagsayaw ako sa kanya? Tiningnan ko si Anj at nagthumbs-up


sya sa'kin.
Nakipagsayaw na lang tuloy ako dito kay Andrew. Waaaa. Bakit nakikipagkwentuhan pa
rin dun si Jeff?
Hindi nya ba talaga ako nakikita?

"Ayaw mo talaga maging escort ako tonight ha." Sabi sa'kin ni Andrew habang
nakangiti. Hala naman.
Naguilty ako bigla. Kanina pa sya salita ng salita pero hindi ko sya pinapakinggan.

"Sorry Andrew ha. Hindi naman sa ayaw ko sa'yo. Pero... may hinihintay lang kasi
ako eh." Hindi pa rin
ako nilalapitan ni Jeff. Waaaaa.

"It's okay. I understand. You're waiting for your husband right?" Tumango naman
ako. "Well sana
magkita kami one time. Gusto ko rin sana sya makilala."

"Uhm, ok." Ahh, hindi nya pala gets na nandito na si Jeff sa party. As in ayun
lang.

"So you really like him? Your husband?" Napatingin naman ako sa kanya. And for the
first time this
night, binigyan ko sya ng genuine smile.

"Hindi lang like 'no. Like na like! Love pa nga eh."

Ngumiti rin sya. "Ang dami ko ngang naririnig sa kanya galing kay tita eh."

"Hay nako Andrew. Wag ka makinig dyan kay mom. Biased yan sa pagaka anti-Jeff eh."

"Yeah, I figured. Pero minsan iniisip ko. Sana pala umuwi ako ng maaga sa
Pilipinas. Para naabutan
kita."
"Huh?"

"Nothing." Nagsmile siya "So kwentuhan mo ako about him. Gusto ko namang marinig
ang side mo."

At syempre kinuwentuhan ko sya tungkol kay Jeff ko. Grabe talaga si mom, kung anu-
anong sinasabi
dito kay Andrew tungkol kay Jeff! Pero syempre kinorrect ko lahat yun.

Infairness din. Kung kanina pinipilit ko lang ngumiti at tumawa sa mga sinasabi
nya, ngayon natural na
lang. Basta si Jeff ang pinag-uusapan napapangiti ako ng hindi sinasadya.

"Wow. The way you said it, parang ang saya naman ng married life."

"Masaya talaga! Ikaw Andrew, hindi ka pa ba magpapakasal? Magpakasal ka na din kasi


para
maranasan mo na."

"I don't know. Gusto ko na nga sana magpakasal... pero I guess I'm too late."

"Anong too late ka dyan! Mas matanda ka lang naman sa'kin ng konti diba? It's not
too late! For sure
madami namang nagkakagusto sa'yo eh."

"Well, para saan pa yun. Kung hindi naman ako gusto ng taong mahal ko."

"Naks ang lalim naman nun Andrew! Siguradong magugustuhan ka rin nya, don't worry.
Ang payat mo
na kaya tapos gwapings pa. Bakit ka naman nya hindi magugustuhan diba?"

"Yeah.. Pero parang mas gusto nya ako nung mataba pa ako eh. Siguro kasi... mas
cute ako dati?"

Natawa naman ako sa sinabi nya. "Siguro kasi Andrew, mukha ka pang siopao dati."
Hinawakan ko ang
cheeks nya at pinisil. Lagi ko rin kasi syang pinipisil dati. "Baka nakukyutan sya
sa mga siopao?"

"Haha baka nga." Nagulat naman ako nang bigla nyang hawakan ang mga kamay ko sa
cheeks nya.
"Sana pala siopao na lang ako."

Ehh? Ang weird naman nito ni Andrew- Biglang may humigit ng arm ko. Nabitawan tuloy
ako ni
Andrew.

"Jeff?" Wow! Nilapitan nya na ako!

"He's your husband?" Tanong naman nito ni Andrew kaya lang hindi na ako nakasagot.
HInigit na kasi
ako palabas ng hotel ni Jeff. Sinubukan syang piilan ni mom pero sinakay nya ako
agad sa kotse.

"Uhm, teka Jeff magpapaalam lang ako sa kanila- WAAAAAAAA!"

Napahawak ako sa handle ng sasakyan. Hala ito na naman sya. Super bilis na naman
nyang
magpatakbo!

"WAAAAAAA! JEFFFFFFF! BAGALAN MO LANG!!! WAAAAAAAAAAAAA!"

Para kasing wala na syang naririnig. Ang tulin tulin tulin pa rin namin. Waaa Lord
ayoko pa mamatay.
Mayamaya tumigil na ang kotse. Hay grabe, salamat naman at nasa bahay na kami.
Hinihingal-hingal pa
ako.

"BUMABA KA!" Sabi nya then binalibag ang pinto. Hala naman bakit super galit sya.

Huminga-hinga muna ako ng konti then pumasok na ako. Kaya lang pagkapasok ko pa
lang, sinalubong
na nya ako agad ng sigaw.
"SINO YUN?! SYA YUNG KAYAKAP MO SA PICTURE DIBA?! TSK! BAKIT KASAYAW MO PA SYA
KANINA?!"

"Jeff si Andrew yun. Napilitan lang naman ako maging escort sya sa party eh. Tsaka
yung sa picture
naman, kababata ko sya kaya niyakap ko sya. Friendly hug lang naman yun-"

"Friendly hug?! FRIENDLY HUG?! PUNYETA NAMAN TIN! Ang sweet nyo kanina tapos
sasabihin mo
magkaibigan lang kayo?!"

"Jeff kaibigan ko lang naman talaga sya eh-"

"Alam mo bang kanina pa kita tinatawagan?! Pinagsiksikan ko pa ang sarili ko para


makapunta sa party
na yan! Tinatanggap ko na lang lahat ng sinasabi ng nanay mo, pero anong makikita
ko?!"

BInalibag nya rin yung mga picture frame na nakadisplay sa living room. Grabe,
ngayon ko lang nakita
na ganito kagalit si Jeff. Lumapit ako sa kanya. Ewan ko ba, alam ko na kahit gaano
sya kagalit, hindi nya
ako magagawang saktan. Kaya nga ang lakas ng loob ko lumapit.

"Jeff please. Huminahon ka lang. Pwede naman natin 'tong pag-usapan ng maayos-"

"Kitang-kita ko Tin! NAKIKIPAGLANDIAN KA SA LALAKE MO! HAIST!" Napatigil ako bigla


sa sinabi nya.

"Nakikipaglandian? Lalake ko?"

"Kailan pa Tin? Tsk. Kailan mo pa akong sinimulang lokohin?! GAANO KATAGAL MO NA


AKONG
GINAGAGO!"

Bakit parang biglang nahirapan akong huminga? Parang may pumipisil sa puso ko. Ang
sakit. "Iniisip mo
ba talaga Jeff na may relasyon kami ni Andrew?"

"NAKITA KO KUNG PAANO MO SYA NGITIAN KANINA! TIN, HINDI AKO TANGA!"

"Nakita ko rin na kahalikan mo kanina si Liz! Pero Jeff kahit kailan naman hindi ko
inisip na may relasyon
kayo eh! Kasi I trust you! Pero ako, hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan?"

"TSK! WAG MONG IBAHIN ANG USAPAN-"

"Bakit hindi ka makasagot? Sa tingin mo ba magagawa ko talaga yun?"

Tinitigan nya ako. Hala ayan na. Nagsimula na bumagsak ang mga luha ko. Parang
bigla namang
nagbago ang mukha ni Jeff.

"Tin-" Pero nilagpasan ko sya at tumakbo ako papunta sa kwarto ko. Nagtaklob agad
ako ng kumot at
umiyak.

Bakit ganyan ka Jeff? Bakit hindi mo ako pinagkakatiwalaan? Bata pa lang naman ako
loyal na ako sa'yo.
Hindi nga ako nagkaroon ng boyfriend kahit nung high school o college. Wala naman
talaga akong
ginagawang masama.

Umiyak ako ng umiyak hanggang sa feeling ko wala ng luha ang lalabas sa mga mata
ko. Totoo pala na
kapag umibig ka, hindi lang puro saya ang mararamdaman mo. Dapat handa ka rin na
makaramdam ng
sakit.

Nagsuot na ako ng pajamas. Pero hindi pa rin tumitigil ang mga luha ko. Humiga lang
ako sa kama
habang umiiiyak. Kaya hindi ko na namalayan kung anong oras na ako nakatulog.

Tumatakbo ako. Ang dami kong tao na nabubunggo pero tumatakbo pa rin ako. Pagod na
pagod na ako
pero hindi ako tumitigil.

"Jeff! Sandali lang!" Ang bilis nya. Konti na lang mawawala na sya sa paningin ko.
Likod na nga lang nya
ang nakikita ko. Hindi ko na sya mahabol. "Sandali lang!" Tumakbo pa rin ako.
Pakiramdam ko kasi, hindi
ko na sya kailanman makikita pa pag hindi ko sya naabutan.

Nabunggo ako ng isang tao. Nadapa ako pero hindi nya ako pinansin. Pagtayo ko wala
na si Jeff. Inikot
ko yung paningin ko pero hindi ko na sya makita. Wala na sya. Iniwan na nya ako.

Hindi pwede. Ayoko. "Jeff! Jeff! JEFF!!" TInatawag ko sya. Sinisigaw ko ang
pangalan nya. Pero kahit
kailan, hindi ko na sya nakita ulit.

Bumukas bigla ang mga mata ko. Napaupo ako sa kama at hiningal. Panaginip.
Panaginip lang yun. Pero
bakit parang totoo? Nakakatakot. Niyakap ko yung sarili ko.

Napatingin ako bigla sa may pinto ko. Ano yun? Bakit parang may naririnig akong
footsteps? Anong
oras na ba?

Tumayo ako at dumungaw sa may bintana. Madilim pa rin ang paligid. Tapos umuulan na
naman ng
malakas. Tag-ulan na nga siguro. Tiningnan ko rin ang alarm clock ko.

4am pa lang. Hindi din pala ako masyado nakatulog.

May footsteps talaga akong naririnig sa labas ng pinto ko. Lumapit ako ng dahan-
dahan at dinikit ang
tenga ko sa pinto. May boses rin akong naririnig. Kay Jeff ba yun? Gising pa sya?
Pero bakit naman nya
kakausapin ang sarili nya.

Binuksan ko yung pinto. Bigla namang napatigil si Jeff sa paglalakad at


pagsasalita. Kaya pala may
footsteps akong naririnig kasi paikot-ikot lang sya sa labas ng pinto ko. Tapos
parang may pinapractice
syang sasabihin.

"Tin-"

Sinara ko ang pinto. Tapos kumuha ako ng towel. Basang-basa kasi sya. May hawak pa
syang bouquet.
Kaya ba sya nabasa ng ulan kasi binili nya yun? At saka saan sya nakabili? Eh
sarado pa.

Nung binuksan ko ulit ang pinto, nakatalikod na sya. Paalis na ba sya?

"Jeff." Nagulat sya at biglang humarap sa'kin. Basang-basa talaga sya. Pati yung
flowers basa din.
Inabot ko naman ang towel sa kanya. "Magpatuyo ka na. Baka magkasakit ka."

Naka-upo lang kami sa sofa. Nasa pagitan namin ang flowers na binili nya.
Nakapagpalit na rin sya sa
tuyong damit. Madilim pa rin sa labas kaya ang tahimik. Wala ding nagsasalita sa
amin.

Awkward. Awkward-

"Tin." Tumingin ako sa kanya pero nakatungo lang sya. "Para sa'yo yung mga
bulaklak."

"T-Thanks." Tumungo na lang din ako.

Silence ulit. Silence-

"I don't trust people easily. Lumaki ako na hindi pinagkakatiwalaan ang mundo."
Napatingin naman ako
sa kanya. Nakatungo pa rin sya tapos ang hina ng boses.

Hindi na lang ako nagsalita. Kasi ano bang sasabihin ko? Ang tahimik ulit.
"Yung mga nasabi ko kanina...Hindi ko gustong sigawan ka. Tsk. Nagalit lang kasi
ako..."

Tumungo na ulit ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman ngayon. Pero isa
lang ang alam
ko, ayokong maging totoo ang panaginip ko.

"Tin." Napatingin ako sa kanya. This time, nakatingin din sya sa'kin. "Pwedeng
humingi ng pabor?"

"Huh?"

"Samapalin mo ako."

"HUH?"

Ngumiti naman sya sa'kin ng malungkot na ngiti. "Pinaiyak na naman kita. Tuwing
ginagawa ko yun,
pakiramdam ko ako ang pinakamasamang tao sa mundo. Minsan iniisip ko, siguro dapat
ibigay na lang
kita sa iba. Wala naman kasi akong ginawa sa'yo kundi ang paiyakin ka."

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya."Jeff ano bang sinasabi mo?" Ibibigay nya ako sa
iba? "Sa tingin ko
kailangan mo ng coffee. Sandali ipagtitimpla kita."

Tumayo ako agad at pumunta sa kitchen. Feeling ko kasi maiiyak ako pag nagstay pa
ako dun. Bakit nya
ako ibibigay? Magkakatotoo na ba yung panaginip ko? Ayoko. Ayoko.

Binubuksan ko ang coffee jar nang bigla nyang hawakan yung arm ko. Tapos hinarap
nya ako sa kanya.
"Tsk. Umiiyak ka na naman." Di ko alam na tumutulo na naman ang luha ko kung hindi
nya pinunasan.

"Jeff naman kasi eh. Bakit mo ako pamimigay? Ayaw mo na ba sa'kin?"


"Ssshhh. Ano ka ba. Hindi ganun. Tsk. Iniisip ko lang, kung siguro yung kababata mo
yung pinakasalan
mo, mas maalagaan ka nya."

"Gusto mo ako ibigay kay Andrew? Jeff naman eh. Hindi ko anaman sya gusto eh. Ikaw
naman yung
mahal ko kaya bakit mo ako ipapakasal sa kanya?"

Umaagos na naman ang luha ko. Si Jeff kasi eh! Nagpapaiyak naman.

Niyakap nya naman ako. "Sorry na. Sorry na. Hindi ko dapat sinabi yun. Tsk. Kahit
naman gusto mo
sumama sa kanya, sa tingin mo ibibigay pa kita? Sige na, wag ka na umiyak."

"Bakit naman ako sasama sa kanya? Sa'yo ko lang naman gusto sumama eh."

"I know." Sabi nya habang niyayakap pa rin ako. "Sorry kung hindi kita
pinagkatiwalaan. Tsk. Walang
kwenta talaga akong asawa."

Tiningnan ko naman sya agad. "Jeff hindi totoo yan ha. The best ka kaya."

Nginitian nya naman ako then hinawakan sa pisngi. "Mas the best ka." Sabi nya then
hinalikan ako sa
noo.

"Hindi Jeff. Ikaw talaga. Tingnan mo, binilhan mo pa nga ako ng flowers kahit
umuulan eh- Ay wait.
Yung flowers ko." Babalik sana ako ulit sa sala para kunin yung bouquet. Baka kasi
malanta. Ilalagay ko
sa vase. Kaya lang hinawakan ni Jeff ang dalawang kamay ko kaya hindi ako nakaalis.

"Tsk. Bakit ba niya hinawakan ang kamay mo? Ako lang dapat hahawak nito." Tapos
hinalikan nya ang
dalawa kong kamay. Hala, si Andrew ba yung tinutukoy nya?

"Kasalanan ko naman yun Jeff eh. Bigla ko kasing pinisil yung pisngi nya-"
Pinulupot naman nya ang arms nya sa bewang ko. "Tsk. Dapat ako lang din ang
magsasayaw sa'yo. Sino
ba yung kumag na yun at ang tagal nakahawak sa bewang mo kanina? Tsk."

Wala na. Nakalimutan ko na na dapat ilalagay ko sa vase yung flowers. Si Jeff kasi
eh. Nilagay ko din ang
arms ko sa leeg nya at niyakap sya.

"Ikaw naman talaga yung gusto kong kasayaw eh." Nagyakapan lang kami dun kaya
nagulat na lang ako
ng simulan na nyang halikan ang balikat ko.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Para kasing may butterflies ako sa tyan.

"Wag ka ding masyadong mabango."

"H-Huh?" Ano bang sinasabi ni Jeff?

"Wag ka rin masyado magsuot ng dress. Tsk. Wag na wag ka drn masydo ngingiti sa
ibang lalake." HUH?
Hindi na ako masyado makapag-isip. Tumataas kasi ang halik nya eh. Kanina sa
balikat lang. Ngayon sa
leeg na.

"Grabe naman bubu-"

"At wag na wag ka na rin magpapahawak sa kumag na yun. Tsk. Kahit anong gawin nya,
hindi na kita
ibibigay." Wahhh. Parang yung nadama kong lungkot kanina, biglang napalitan ng
saya. Sobra sobrang
saya na hindi ko na maalala kung bakit nga ba ako umiiyak kanina.

Mayamaya pa, he started to softly kiss my lips. I kissed him back. Wala na, wala na
talaga. Para akong
tumalon sa isang dagat na may pangalang Jeff, at alam kong kahit kailan hindi na
ako makaka-ahon pa.
Lunod na ako. Lunod na lunod.
Bigla namang naging mabilis ang halik nya sa'kin. Parang.. he can't get enough of
me. Kaya nagulat na
lang ako nang biglang buhatin nya ako. Bridal style.

"Jeff? Saan tayo-" He kissed me again. Saan kami pupunta? Ewan ko rin. Basta habang
umaakyat kami
ng hagdan, hinahalikan nya lang ako. Kaya di ako makapag-isip.Nang hiniga nya lang
ako sa kama, saka
ko lang narealize na nasa kwarto na pala nya kami.

"Jeff?" He's on top of me. Hinawakan nya ang mukha ko then he kissed my forehead.
Tapos tiningnan
nya ako sa mga mata.

"Natatakot ka ba?" Umiling ako. Siguro kinakabahan. Pero hindi ako natatakot.

"Ikaw naman yan bubu eh. Bakit ako matatakot?"

Ngumiti sya. "Mahal kita Tin." Bulong nya sa'kin bago nya ako hinalikan ulit.

Ngumiti din ako. That time, habang isa-isa nyang binubuksan ang butones ko, isa
lang rin naman ang
tumatakbo sa isip ko. Mahal kita Jeff. Mahal na mahal.

He made love to me. Like a man should love his wife. At bago sumikat ang araw, alam
kong tunay na
akong Mrs. Lee.

And I trust him.

*******************************************
[35] ISANG MALANDING ARAW
*******************************************
CHAPTER 34

ISANG MALANDING ARAW

Nagising akong nakayakap sa chest ni Jeff. Huh? Bakit nasa kwarto niya ako? Nakita
ko naman na
kumot lang ang nakabalot sa'kin. Waaaaaa. Oo nga pala. Ginawa na namin 'yun kagabi.
Ay kaninang
madaling araw lang pala. Feeling ko ibang tao na ako!

Sinilip ko naman ang mukha ni Jeff. Tulog pa rin siya. Pero parang nakangiti siya
ng konti.Kung ganito
naman ang araw-araw na bumubungad sa'kin, eh oks na oks ako dyan! Trinace ko ang
mukha niya
gamit ang daliri ko. Ipipinta ko 'to. Ipipinta ko talaga.

Naku sandali. Anong oras na ba? Nakasara kasi ang kurtina kaya hindi ko makita ang
labas. Tumingin
ako dun sa alarm clock sa bedside table ni Jeff. Ah, 11:50 na pala. TEKA. 11:50?!
Tanghalian na! Kaya
pala nagugutom na ako.

Kailangan ko na magluto. Para paggising ni Jeff, maglulunch kami together! Binalot


ko sa'kin ang kumot
then umupo na ako sa kama. Kaya lang napahiga ulit ako. Yung arm kasi ni Jeff
niyakap ako ulit pababa.

"Wag ka muna umalis." Sabi niya habang kinikiss ang tenga ko. Naman eh

"Bubu? Gising ka na? Akala ko tulog ka pa kanina eh."

"Tsk. Hindi mo naman ako pinapatulog." Hala naman. Ito na naman si Jeff. Hindi na
ako makakabangon
nyan sige ka! Ay wait hindi pala pwede. Kailangan ko magluto. At pumunta pala sa
shop! Lagot ako nito
kay Anj.

"Bubu kailangan na natin bumangon. Ikaw, diba may pasok ka pa?" Hinahalikan naman
niya kasi ngayon
ang leeg ko. Wag kang ganyan Jeff! Hindi talaga tayo makakatayo dito sa ginagawa
mo.

"Hindi ako papasok. Tsk. Dito na lang tayo buong araw."

"Hala bubu hindi pwede-" He's on top of me again. Then smack a kiss.
"Gusto mo ba talagang umalis?" Sabi niya habang nakangiti. Namaaaaan. Ang mean mo
Jeff!

"Syempre hindi. Pero bubu kasi kailangan talaga diba-" Nagsmack siya ulit sa'kin.

"Wag ka na umalis."

"Pero bubu-" Hinalikan niya ako "Si Anj-" he kissed me again. "Yung shop-" Kissed
again. "Magluluto
pa-" Kissed again. "OKAY SIGE NA BUBU HINDI NA AKO AALIS." Mabilis naman talaga
akong
mapersuade!

"Pffft." Grabe natawa pa sya! Humiga na lang sya ulit sa tabi ko. Pero nakayakap pa
rin sa'kin. "Niloloko
lang kita. Tsk. Sige na, tumayo ka na."

"Eh paano ako tatayo? Ang higpit ng yakap mo."

Binitawan naman nya ako. "O ayan na. Sige na. Tsk." Tatayo na sana ako nang bigla
na naman nya ako
ulit pigilan.

"Bubu naman eh. Akala ko okay na-"

"Bakit mo dadalhin ang kumot ko?" Pinulupot ko nga pala kanina ang kumot sa katawan
ko.

"Babalik pa kasi ako ng kwarto ko eh."

"So? Kumot mo ba yan? Bakit mo dadalhin sa kwarto mo? Tsk." Ito naman si Jeff!
Hindi nya ba gets?
Nakakahiya kaya!

"Ito naman. Pahiram lang bubu eh. Ibabalik ko din naman mamaya."
"Hindi pwede. Kumot ko yan. Bawal yan ilabas."

"Huh?" Nahiga na lang ako ulit. Nagpout. Ang damot naman nito ni Jeff. Kumot lang.
Dalawa naman
ang kumot dito. Nasa kanya yung isa, kaya pwede ko naman siguro hiramin 'tong isa.
"Bubu sige na.
Pahiramin mo na kasi ako. Hindi ako makakaalis nyan eh."

"Edi mabuti." Bulong nya pero narinig ko naman. Ehh? Tumingin ako sa kanya at
nakita kong parang
nagpipigil sya ng ngiti. Hinagisan ko naman sya ng unan.

"Bubu naman eh!! Niloloko mo naman ako eh."

"Anong niloloko? Wala akong ginagawa."

"Wala daw."

"Tsk. Basta iwan mo yung kumot dito o wag ka na lang umalis."

Nagpout ako. "Sige na, sige na. Iiwan ko na dito yung kumot. Basta... bubu pumikit
ka na lang."

"Ayoko."

"Sige na bubu please??" pacute pa ako.

"Tsk. Bakit ba?"

"Eh kasi nga tatayo ako eh. Babalik na ako sa kwarto ko."

"Bakit kailangan ko pa pumikit?"


"Ehhhh. Nahihiya ako eh." Jeff naman!

"Bakit ka mahihiya? Tsk. Nakita ko na naman yan-" Tinakpan ko ang bibig nya.

"Bubu naman!! Wag ka ngang ganyan. Nahihiya na nga ako eh." Hinalikan naman nya ang
kamay ko
kaya tinanggal ko rin. Tapos.. ngumiti na naman sya. Nakakatuwa naman, mas lagi na
syang ngumingiti
ngayon. Pero hindi ako pwedeng matuwa. Baka di na ako makaalis dito forever.

"Sige na, sige na. Pipikit na."

"Talaga?"

"Tsk. Oo nga." Tapos pinikit nya ang mga mata nya. Kinawayan ko naman sya sa mukha
nya para
malaman kung nakapikit nga sya. Hmm, mukhang nakapikit naman.

Habang hawak pa rin yung kumot sa katawan ko, umupo na ako sa kama. "Wag kang
mumulat."

"Mmm."

"Wag kang sisilip!"Tumayo na ako.

"Mmm." Kaya lang feeling ko tinitingnan nya ako. Kaya lumingon ako ulit. Nakapikit
naman sya.

"Hindi mo ba talaga binuksan yung mata mo?"

"Tsk. Hindi nga."

Medyo niluwagan ko na yung kumot sa'kin. Pero hindi ko pa rin binibitawan. Para
kasing
nararamdaman kong nakatingin pa rin sya. Lumingon ako ng biglaan. Pero nakapikit
naman sya.

"Bubu nakapikit ka ba talaga?"

"Oo nga. Tsk. Matagal pa ba yan?" Kunwari masungit pero parang nangingiti na naman
sya. Niloloko na
naman ba ako nito? Hmm, sandali nga.

"Bubu, alis na ako ha. Iniwan ko na lang yung kumot mo dyan sa floor- Aha! Bakit mo
binuksan yung
mata mo?"

Nagulat hata sya. Hindi ko naman kasi talaga tinanggal ang kumot eh. Ito talaga si
Jeff naninilip!

"O bakit nasa'yo pa rin yang kumot ko? Akala ko ba iniwan mo na?"

"Ikaw bubu ha! Dahil minulat mo yung mata mo, dadalhin ko muna 'tong kumot mo."
Tapos tumakbo
na ako papunta sa kwarto ko. Naririnig kong parang pinipigilan nya ako. Yung kumot
daw nya?!

Sorry na lang sya. Nandito na ako sa kwarto ko.

Pagkatapos ko maligo, nagluto na ako. Dapat nga dito sa bahay kami kakain ni Jeff
kaya lang kanina pa
sya tinatawagan ng mga katrabaho nya. Si Anj nga din nagtext sa'kin. May emergency
daw sa shop.
Hala ano kayang meron?

Pinagbaunan ko na lang si Jeff. Tapos nagbaon na lang din ako. Mamaya na lang
siguro kami kakain
together.

Hinatid na nya ako sa shop. Kaya lang hindi agad sya nakaalis. Paano ba naman,
nakapark na naman sa
labas ng shop yung kotse ni Andrew. Ano na namang ginagawa nya dito?

Pumasok ako sa shop. Sumunod din sa'kin si Jeff. Naabutan kong nagkukwentuhan si
tita Mariel ('yung
mommy ni Andrew), si mom, si Andrew at si Anj. TInaasan ako agad ng kilay ni Anj.
Emergency nga ito.

"Tin baby! Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa namin hinihintay ni tita Mariel mo-
Bakit mo kasama ang
lalakeng yan?" Hay nako. Ito na naman si mom.

"Mom, Jeff po ang pangalan nya. At hinatid nya po ako."

Pinakilala ko naman si Jeff kay tita Mariel. Mabait 'to si tita eh, kaya todo yakap
'to sa'kin at beso kay
Jeff. Kaya lang nung si Andrew na yung pinakilala ko, hindi man lang kinamayan ni
Jeff. Inakbayan lang
ako bigla. Hala galit na ba 'to?

Nagkwentuhan muna ang mga tao. Pero si Jeff tahimik lang. Hala galit na naman hata.

"Tin iha. You have a wonderful shop! Gusto ko nga sana magrequest sa'yo ng painting
eh."

"Ah sure po tita. Mamili lang po kayo sa gallery namin. Free na po para sa inyo."

"Oh iha. I insist to pay. Business naman kasi 'to diba? And besides, wala kasi dito
yung gusto kong
painting eh."

Nagtinginan naman kami ni Anj. Di ko gets si tita Mariel. Si Anj naman parang
naiinis na.

"Ano po bang painting ang gusto nyo tita?" sabi ni Anj

"Oh don't get angry guys. I'm just saying, papayag ba kayong gumaya ng family
portrait? Gusto ko kasi
ng painting ng family namin. What do you think girls, gusto nyo ba kaming
idrawing?"

"Ahh. Yun naman po pala tita eh. Sure wala naman pong problema. Tumatanggap naman
po talaga
kami ng family portraits eh. Diba Tin?" Anj said.

Mas gusto ko nga ang mga portraits. Gusto ko kasi magdrawing ng mga tao. Example si
Jeff. "Sige po
tita. Kami na po ang bahala."

"That's great iha! Pag-usapan na lang natin later yung schedule ha? Check ko pa
kung kailngan free ang
husband ko." Sabi ni Tita Mariel

"Sure po tita."

Nagkwentuhan naman ulit sina mom at tita Mariel. Tumunog ang phone ni Jeff. Pero di
nya sinagot.
Naku po, kanina pa nga tumutunog ang phone nya. Hinahanap na talaga sya office.

"Bubu hindi ka pa aalis? Alam ko namang hinahanap ka na sa office mo eh."

"Tsk. Mamaya na lang." Sabi nya habang nakaakbay pa rin sa'kin. Tapos, parang
nakatingin dun kay
Andrew? Ito pang si Andrew naglakad pa palapit sa'min. Ano ba yan.

"Hey Tin. Buti pumayag ka sa request ni mom. Akala ko hindi ka papayag eh." Sabi
naman bigla nito ni
Andrew. Bigla namang humigpit ang akbay sa'kin ni Jeff.

"Ah. Okay lang. Malakas naman sa'kin si tita Mariel eh."

"Wow talaga? Edi ibig sabihin malakas din ako sa'yo? Anak naman nya ako eh."
Ngumiti pa si Andrew. Si
Jeff lang ang malakas sa'kin 'no. Kaya lang syempre, to be polite, ngumiti na lang
din ako.
"Since ipapaint mo kami, edi lagi kang pupunta sa bahay. Sakto! Tingnan ulit natin
yung mga pictures
natin dati. Baka kasi gusto mo ulit makita yung matabang-"

"EHEM." Napatingin naman kami bigla kay Jeff. Nakatitig pa rin sya kay Andrew. Kaya
lang bigla na
namang tumunog yung phone nya. Pero inend call nya ulit.

"Hindi mo pa ba sasagutin yan bro? Kanina pa tumutunog yang phone mo eh. Pwede ka
na umalis kung
busy ka." Hala kinausap ni Andrew si Jeff.

"Hindi ako busy." Sabi niya in serious tone. Kaya lang biglang tumunog ang phone
nya. "TSK." Sabi nya
lang then inend call nya ulit.

Kinausap pa rin kami ni Andrew kaya lang alam na naman naming lahat na ang awkward.
Buti nga si Anj
sumama sa grupo namin at nakipagwektuhan din. Medyo nabawasan tuloy ang
awkwardness. Bigla
namang tumunog ang phone ko.

"Hello?"

"TIN! Kasama mo ba si Boss?"

"Bessie?" Nagkatinginan kami ni Jeff. Hala naman. May emergency daw sa office nila.
Ito talaga work-
related emergency na. Kaya pinagpaalam ko na agad si Jeff kahit na ayaw pa nya
umalis. Sinamahan ko
na sya sa labas ng shop.

"Tsk. Ayoko pa umalis."

"Bubu, kailangan mo na pumunta sa office. Natataranta na sila dun."

"Kaya na nila yan." Alam ko naman ang totoong dahilan kung bakit ayaw nya umalis.
"Galit ka na naman ba? Sorry na. Hindi ko naman alam na pupunta pala dito si tita
tsaka si Andrew-"

"Tsk. Wag ka ngang magsorry. Hindi ako galit."

O, kung hindi naman sya galit, bakit ayaw nya pang umalis? "Jeff, pwede mo naman
akong iwan dito
eh. May tiwala ka naman sa'kin diba?"

"May tiwala ako sa'yo."

"Eh yun naman pala eh. Sige na pumunta ka na sa office mo-"

"Pero wala akong tiwala sa lalakeng yun."

Bigla na namang tumunog ulit ang phone nya.

"Jeff, sige na. Pumunta ka na ng office mo. Kailangan ka ng mga empleyado mo. Ayaw
mo naman
silang biguin diba?"

"Tsk." Ayan malapit na. Papayag na sya.

"Bubu, magiging okay lang ako. Promise talaga."

Tinitigan nya naman muna ako. Tapos nagbuntung-hininga. "Fine. Basta susunduin kita
mamaya."
Nagnod naman ako. "Wag mo masyado kausapin ang hinayupak na yun. Baka kainin ka."

"Hala bubu. Ano bang sinasabi mo?"

"Tsk. Basta mag-ingat ka."


"Opo, mag-iingat po." Naglakad na sya papunta sa kotse nya. Kaya lang lumingon ulit
sa'kin.

"Diba sinabi ko na sa'yong wag ka na magsusuot ng mga bistida?" Napatingin naman


ako sa sarili ko. Eh
favorite ko kasi talaga yung mga soft dresses eh. Nagpout ako.

"Hindi ba talaga bagay?"

"Tsk. Sinabi ko bang hindi bagay? Sa bahay ka lang dapat nagsusuot nyan." Sabi nya
naman tapos
sumakay na ng kotse. Ang kyut talaga ni Jeff!

Bumalik naman ako sa loob para makipagkwentuhan ulit sa kanila. Sana uwian na.

"Hoy teeny weeny. Hindi ka pa ba uuwi? Aba iiwan na kita dito."

"Sige Anj mauna ka na. Hihintayin ko pa si Jeff eh. Susunduin nya daw ako."

"Anong susunduin. Eh kanina ka pa dapat sinundo nun diba? Anyare dun?"

"May ginagawa pa hata sa opisina. Hihintayin ko na lang sya."

"Ui ano ka, gabi na 'no. Di kita iiwan dito. Sumabay ka na lang sa'min ni Kev.
Hatid ka na lang namin sa
office ng asawa mo."

At sumabay na nga lang ako sa kanila. Pagdating ko sa office ni Jeff, busy pa rin
ang mga tao. Nakita ko
na naman sila Bessie, Paul at Rey sa tapat ng pinto ng private office ni Jeff.
Nagtatalo na naman kung
sinong papasok. Nilapitan ko sila.
"Hulk-mode na naman ba?"

"Tin! Hay nako, sinabi mo pa. Hulk-mode na naman." Sabi ni Bessie

"Ano bang nangyari?"

"Aba ewan! Ang gulo nyan ni boss, nagalit na tawag daw kami ng tawag kanina. Kanina
pa nga
nakabusangot ang mukha." Sabi naman ni Rey

"Kanina pa rin gusto umuwi." Paul said.

"Bakit ba sya nagmamadali? Dati naman gustong-gusto ni boss magtrabaho eh. May
pupuntahan ba
kayo Tin kaya sya ganyan?" sabi ni Bessie

Pupuntahan? "Wala naman Bessie. Hindi naman nya kailangan magmadali eh."

"O yun naman pala eh. Bakit hulk-mode na naman si boss?"

"Tsk Mga babae talaga." Sabi pa nila Rey at Paul habang umiiling-iling. Tiningnan
naman namin sila ni
Bessie ng nagtatakang tingin.

"Oi Tin." Nilagay na naman sa'kin ni Rey ang mga papeles na papapirmahan. "Dating
gawi ah."

"Bakit ako na naman?" Tiningnan ko ang mga papeles. Ang dami.

"Sige na Tin. Ikaw lang naman ang hindi pinapaalis ni boss sa opisina nya eh."
Nakangiting sabi ni Bessie
"May favoritism kasi yan si Boss." Super smile naman tong si Paul

"Tsaka para makauwi na rin kami. Uwing-uwi na 'ko, langya yan." Umiiling iling na
sabi ni Rey

"Uh, ok. Sige." Papasok na sana ako sa pinto pero bigla naman itong bumukas.
Nagkatinginan kami ni
Jeff na parang hinihingal-hingal pa. Sinusuot nya pa nga ang coat nya. Pauwi na
sya!

"Tin? Anong ginagawa mo dito?! Diba susunduin kita?"

"Uhm, sinabay na kasi ako dito nila Kev eh. Sarado na kasi yung shop."

"Tsk." Sabi nya lang habang sinusuot ang coat nya.

"Ehem. Papirma. Ehem." Inuubong sabi ni Rey. Ay oo nga pala ang mga papeles.

"Jeff. Ito nga palang mga papeles, papirma naman-"

"BAKIT IKAW NA NAMAN MAY HAWAK NYAN?" Hala lumakas na naman boses nya.

"Kasi ano eh-"

"SINONG NAGBIGAY NITO SA KANYA?!" Sigaw nya dun sa buong opisina. Natahimik tuloy
lahat ng mga
tao tapos tumingin kay Rey.

Nagpeace sign naman ito si Rey. "Chill lang boss! Masyadong highblood eh." Kinuha
naman bigla sa'kin
ni Jeff yung mga papeles tapos sapillitang binigay kay Rey.

"Tsk. Sa susunod, wag mo na syang uutusan! Alam mo ba kung sino 'to?!" Sabi naman
ni Jeff tapos
biglang turo sa'kin. Napatingin din tuloy sa'kin ang madlang people.
"Si Tin, boss?" nag-aalangang sabi ni Rey

"Oo si Tin yan! AT MAHAL KO YAN! Kaya wag nyo lang basta-bastang uutusan!" Hala!
Sinabi ba talaga ni
Jeff yun? Natahimik kasi ang buong opisina . Pati nga ako napatingin sa kanya ng
nakanganga. Pati nga
hata sya nagulat sa nasabi nya.

Natigil lang ang katahimikan nang biglang sumigaw si Rey. "LUPET MO BOY PICK-UP!
BOOM!"
Naghiyawan tuloy yung mga tao.

"WOOOOOH! NICE ONE BOSS!"

"HAHAHAHAHA TINIK MO BOSS!"

"IBA ANG STYLE MO BOSS! IBANG KLASE!"

Naghihiyawan pa rin ang mga tao kaya nakita kong namula ang tenga ni Jeff. Hinigit
na lang nya bigla
yung kamay ko palabas ng office.

"Teka lang Jeff. Yung mga papeles hindi mo ba pipirmahan?"

"Tsk. Pwede pa yun bukas." Sabi nya habang hila pa rin ako.

"Pero sila, pwede na naman sila umuwi diba?" Napatigil naman si Jeff at tumingin
sa'kin. Nginitian ko
sya kaya humarap ulit sa buong opisina. Ang seryoso kasi ng mukha nya kaya
napatahimik na naman
ang lahat.

"Tsk. Fine. Wag na kayo mag-overtime. PWEDE NA KAYO UMUWI." Hinila na nya ako ulit
sa elevator at
papalabas ng building. Pero naririnig ko pa rin yung hiyawan ng mga empleyado nya.
Saya nila.
Sa kotse, hindi ko mapigilang ngumiti. Si Jeff ba talaga 'to? Yung isisigaw sa
buong opisina nya na mahal
nya ako? Para kasing ibang tao na sya. Mas lalong nakakakilig. Mas lalong....
minamahal ko.

"Anong iniisip mo?"

"Huh? Wala ah."

"Tsk. Kanina ka pa ngiti ng ngiti dyan tapos sasabihin mo wala kang iniisip?"

"Wala lang talaga bubu. Di ko lang mapigilan mangiti kasi.. masayang masaya ako."

"Bakit ka naman masaya?"

"Syempre kasiii..." Kasama kita. Kasi mahal mo 'ko. Kasi dati pangarap lang kita,
pero ngayon totoo ka
na. "...secret bubu!" Nakakahiya naman kasi eh. Ang cheesy ko.

"Tsk." Sabi nya lang habang nagdadrive.

"Eh ikaw bubu. Masaya ka ba?"

"Bakit mo 'ko tinatanong? Hindi naman ako ngumingiti."

Nagpout ako. "Edi ibig sabihin hindi ka nga masaya?"

"May sinabi ba akong ganun?!"

"Edi masaya ka nga?" So ano nga, masaya ba sya? Medyo di ko maintindihan eh.
"Tsk." Huh? Yes or no ba yung 'tsk'?

"Ano ba yun-"

"Oo na. Masaya ako. TSK. Ang dami pang tanong." Nangiti naman ako.

"Eh bakit ka masaya?" Dahil ba sa'kin?

"Secret."

"HUH? Eh bakit secret?"

"Bakit, secret din naman yung sa'yo ah. Tsk."

"Sabihin mo na yung sa'yo bubu!"

"Hindi pwede. Mauna ka muna."

"Eh bakit ako mauuna? Ikaw na lang."

"Ako nauna nagtanong. Kaya ikaw mauna sumagot."

"Pero bubu. Nakakhiya kasi sabihin eh. Kaya secret na lang."

"Tsk. Hindi ko na lang din sasabihin."

Ano ba ayn si Jeff!! Gusto ko malaman kung bakit sya masay! Feeling ko kasi
kikiligin ako sa sagot nya.
Or baka ako lang yun. Baka feelingera lang talaga akong tunay.
"Ganito na lang bubu! Sabay na lang natin sabihin."

"Alin?"

"Yung dahilan kung bakit tayo masaya! Sabay na lang natin sabihin. Ok?"

"Tsk. Pambata."

"Sige na bubu! Basta bumilang tayo ng tatlo, tapos sabay natin sasabihin yung
dahilan. Ha?"

"May magagawa pa ba ako?"

"Okay sige game. Ako start ha. 'Masaya ako ngayon dahil....?'" Tumingin ako kay
Jeff. Nagdadrive pa
din sya. "Game na Jeff. Magbilang ka na ng ONE."

"Tsk. ONE"

"TWO!"

"THREE-"

"DAHIL SA'YO!" Masaya naman talaga ako dahil sa kanya. Kaya lang teka. "Bakit hindi
ka nagsalita?
Akala ko ba after three? Jeff naman eh! Ang daya mo."

Kahit sa road sya nakatingin, nakita ko pa rin yung ngiti nya. "Masaya ka dahil
sa'kin?"

"Ang daya mo talaga. Diba dapat sabay tayo magsasalita. Dapat sabihin mo din yung
sa'yo!"
"Tsk. Ayoko. Secret pa rin."

"Ang daya mo Jeff!!" Nagcross arms naman ako tapos tumingin sa bintana. Bakit
secret pa rin yung sa
kanya? Sinabi ko na nga yung akin para malaman ko yung dahilan nya.

"Tsk. Galit ka na agad?"

Hindi ko sya pinansin. Ginagawa ko 'to kay Anj pag naiinis ako sa kanya. Pero sabi
nya pambata daw.
Pero ito lang ang alam kong gawin kapag nagpapacute. Este nagtatampo pala.

"Dahil lang dun kaya hindi mo na 'ko papansinin?" Hindi pa rin ako kumikibo.
Nararamdaman kong
tumitingin sa'kin si Jeff. Hala kaloka, hindi ba kami mababangga nito?

"Jeff sa harap ka na lang tumingin. Baka may mabunggo ka nyan eh." Sabi ko pa din
habang nakatingin
sa bintana.

"Tsk. Galit ka pa?" Hala talaga. Pag kami talaga nabunggo, kasalanan ko.

"Hindi naman ako galit. Kaya sige na Jeff, magconcentrate ka na lang sa


pagdadrive."

"Kung hindi ka galit, bakit hindi mo ako tinitingnan? Tsk. Tsaka bakit Jeff ang
tawag mo sa'kin?! Diba
dapat bubu?!" Wow, nagustuhan nya na rin pala ang nickname ko sa kanya? Pero sa may
bintana pa rin
ako nakatingin. Naiinis pa rin ako.

"Sa harap ka na lang magconcentrate Jeff-" Bigla naman nyang tinigil ang kotse.
Hala! "Bakit ka tumigil?
Nasa gitna tayo ng kalsada!" May mga bumubusina nga sa likod namin eh. Napatingin
na ako sa kanya.
Nakatitig naman sya sa'kin.

"Tsk. Wag ka na kasi magalit."


"Jeff hindi naman talaga ako galit eh. Sige na umandar ka na. Nasa gitna talaga
tayo eh." Hala talaga.
Binubusinahan na kami ng mga kotse.

"Masaya ako dahil kasama kita. Dahil mahal mo 'ko. Dahil simula ngayon ikaw na ang
pangarap ko."
Napatigil naman ako bigla. Sinabi ba talaga ni Jeff yun? Eh kanina lang yun ang
iniisip ko. "Tsk. Ang
bading masyado." Bulong nya sa sarili nya.

Sinabi ba talaga ni Jeff yun? Halaaaa. Kaya lang biglang may panira ng moment.
Nakatulala lang kasi ako
nang biglang may kumatok sa bintana namin. May pulis! Naku!

Bubuksan ko na sana ang bintana nang biglang tanggalin ni Jeff ang seatbelt ko.
Tapos medyo pinahiga
nya ang upuan ko.

"Jeff? May pulis na kumakatok-"

"Kanina ko pa kasi gustong gawin 'to."

At hala. Nakalimutan ko na rin yung pulis. Kahit na sobra sobra na ang pagkatok
nya. Kahit may
wangwang na sa labas. Kahit binubusinahan na kami ng iba'-ibang sasakyan at
minumura ng mga driver
dahil nakatigil sa gitna ng kalsada itong kotse ni Jeff, hindi ko na napansin.

Nawala na naman kasi ako sa mga halik ng mahal ko.

*******************************************
[36] LEAVING
*******************************************
CHAPTER 35

LEAVING

"Hoy Teeny Weeny! Hindi mo pa ba titigilan yan? Lagi ka na lang nagtetelebabad dito
sa shop ah! Oras
kaya ng trabaho!"

Ito naman si Anj. Hmmph. Galit agad? Bakit kaya ang init ng ulo nito lagi? "Wait
lang naman Anj. Di pa
nga sumasagot eh. Tsaka hindi naman ako nagtetelebabad 'no!"

"Anong hindi?! Hoy babae! Araw-araw naman kayong magkasama ng asawa mo sa bahay.
Hatid sundo
ka pa nga. Pati ba naman sa oras ng trabaho dapat magkausap pa rin sa phone?! PBB
TEENS?!"

"Hala ang OA nito. Hindi ah! Tsaka hindi naman si Jeff yung tinatawagan ko ah."

"Wooshooo! Hindi daw. Pwet mo." Sabi ni Anj tapos pumasok ulit sa CR. May nakain
hata sya na
masama kaya nagsusuka.

Oh well. Hindi naman talaga si Jeff ang tinatawagan ko. Alam ko na may meeting sya
ngayon kaya for
sure busy sya. Hindi nga ako masyado tumatawag sa office nya kasi baka maistorbo ko
sya. Pero okay
lang. Nitong mga nakaraang linggo naman kasi lagi kaming magkasama.

Grabe. Ang bilis pala talaga ng oras kapag masaya ka. Parang kahapon lang, muntik
na kaming maaresto
dahil naghahalikan kami sa loob ng kotse sa gitna ng kalye. Si Jeff kasi. Ang saya-
saya ko talaga kasi
kahit sa bahay, sa isang kwarto na lang kami natutulog. Level-up na talaga ang
beauty ko!

"Hello?"

"Bessie!" Hay sa wakas sinagot din nya. "Si Tin 'to."

"O Tin ikaw pala. Gusto mo bang makausap si boss? Sandali, ibibigay ko yung phone
sa kanya."

"Naku Bessie wag na! Alam ko namang nasa meeting sya eh. Ayoko namang maka-istorbo.
Tsaka ikaw
naman talaga yung tinawagan ko."

"Huh? Bakit? May problema ba?"

"Hindi wala naman Bessie. Nakakahiya man pero, nagpadala kasi ako dyan ng lunch eh.
Pakibigay na
lang kay Jeff ha. Pakisabi kumain sya at wag magpapalipas ng gutom."

"Ay sus. Yan lang pala Tin eh. Akala ko naman kung ano. O sya sya, ako na ang
bahala. For sure
makakarating ang lunchbox mo."

"Hihi salamat Bessie! Sorry din pala sa istorbo ha."

"Sus walang problema. Kaya lang pa'ano ba yan. Baka mamiss 'to ni Boss kapag nasa
London na kami."
Natawa pa sya then parang binulong sa sarili na siguradong maghuhulk-mode daw ulit
si Jeff.

"T-Teka. London? Pupunta kayo ng London? Kasama si Jeff?" HUH? Anong meron?

Nagulat naman sya sa tanong ko. "Hindi pa ba nasasabi sa'yo ni Boss? May lawyers'
conference sa
London, Tin. Meron din kaming mga aasikasuhin dun para sa mga kaso na hawak ng law
firm na 'to.
Inaabangan na din kami ng mga business partners ni boss na makikipagsosyo blah
blah..."

Wala na akong naintindihan sa sinabi ni Bessie. Hindi na rin kasi ako nakikinig.
Pupunta si Jeff sa
London?! Bakit hindi nya sinasabi sa'kin? Teka lang, Tin. Chill. Baka naman kasi
sasabihin pa lang.

"Uh, Bessie. Hindi pa kasi nasasabi sa'kin yan ni Jeff eh. Matagal pa naman yan
diba?" Siguro next
month? Next year? Sana next ten years pa. "Basta Bessie yung lunchbox ha-"

"Pero Tin, this Monday na ang alis namin."


Napatigil naman ako sa sinabi nya. This Monday?! Eh Sabado na ngayon. "This Monday
na ba talaga
Bessie? Pero wala naman syang nasabi sa'kin eh."

Ang gulo naman agad ng isip ko. Aalis si Jeff? Aalis sya? Ang layo pa naman ng
London! Hindi ba ako
pwede sumama? Pero hindi naman ako lawyer eh.

"Naku hindi pa ba nya sinasabi? Ang gulo naman nun ni Boss. Naku lagot. Basta Tin
pagtinanog ka, wag
mong sasabihing ako nagsabi ha?"

"O-ok." Naguguluhan pa rin ako. Kung sa Lunes na ang alis ni Jeff, bakit wala man
lang syang sinasabi
sa'kin? Teka. Baka naman kasi overnight lang sila dun? Oo tama conference lang
naman. Iisipin ko na
lang na nag-overnight lang din si Jeff sa office nya.

"Sige Tin ibababa ko na ha. Since Linggo naman bukas, magkita na lang tayo sa
airport sa Monday?
Ihahatid mo naman si Boss diba? Tsaka gusto din kasi kitang makita. Alam mo na, 2
months din tayong
hindi magkikita-"

"TWO MONTHS?!" Halos malaglag ko na ang phone. Dalawang buwan si Jeff sa London?!
"Teka, akala
ko ba conference lang?"

"Oo Tin, conference. Pero matagal yun eh. Madami pa rin kasi kaming aasikusahin
blah blah."

Wala na talaga akong naintindihan. Binaba ko ang phone na may mabigat na puso.
Seryoso ba si
Bessie?! Two months mawawala si Jeff tapos... hindi pa nga niya sinasabi sa'kin eh!
Hala naman.

"Anyare sa'yo? Kanina ang saysa-saya tapos ngayon parang pinagsakluban ng langit at
lupa." Nilapitan
ako ni Anj. Magdadrama na sana ako sa harap nya kaya lang napansin ko na parang
namumutla sya.
"Okay ka lang Anj? Maputi na yang lips mo o!" Naku kanina pa sya nagsusuka.
Nakakainis naman ako!
Baka nadedehydrate na sya kanina pa tapos ako telebabad lang.

"Psh. Ano ka ba Teeny Weeny. Ok lang ako, wag ka ngang OA."

"Hala Anj. Hindi ako OA ah. Namumutla ka talaga. Halika nga." Hinigit ko sya at
pinaupo dun sa may
sofa. Magrereklamo pa sana sya kaya lang syempre medyo matamlay sya kaya sumunod na
lang sya
sa'kin. "Ano ba kasi yung nakain mo? Bakit ka nagsusuka?"

"Okay lang ako Tin. Masama lang talaga ang tyan ko."

"Isara na lang natin yung shop. Half-day na lang tayo ngayon, Sabado naman eh.
Gusto mo bang
samahan kita sa ospital?"

"No way. Hindi ako pupunta ng ospital. Wala lang 'to, ano ka ba Tin. Pwede ba."

"Pero kasi Anj... teka alam ko na. Sandali lang. Tatawagan ko na lang si Kev para
masundo ka dito para
makapagpahinga ka na sa bahay-"

"WAG TIN! Wag mong tatawagan ang lalakeng yun! Wag na wag." Huh? Paalis na sana ako
para
tumawag kaya lang hinigit nya ako pabalik. May LQ na naman ba 'tong dalawang 'to?

"Pero Anj. Namumutla ka na eh. Sigurado kahit na anong away nyo ni Kev, eh pupunta
pa din yun dito
para sunduin ka kapag sinabi ko sa kanya yung itsura mo ngayon."

"Pwede ba Tin? Maganda ako lagi ah. Tsaka ayokong makita ang lalakeng yun! Sige
subukan mo syang
tawagan mas lalo akong maghihingalo dito dahil sa konsumisyon na binibigay sa'kin
ng hinayupak na-"
"Okay. Okay. Chill Anj. Breathe. Wag ka mastress ha. Baka mahimatay ka pa dyan eh.
Sige hindi ko na
sya tatawagan. Ummm, ganito na lang. Relax ka lang dyan then bibili lang ako ng
gatorade para hindi ka
madehydrate. Wag ka na magpapapasok ng customer ha. Sarado na tayo."

"Fine fine. SIge basta bilisan mo bumalik ha. Nako Teeny Weeny pag nabalitaan kong
dumaan ka pa sa
office ni Jeff bago ka bumili ng gatorade eh ewan ko na lang."

"Ui hindi ako pupunta dun 'no. Dyan lang naman sa kanto may mini mart na eh. SIge
basta hintayin mo
lang ako dito." At lumabas na nga ako at bumili ng gatorade. Bumili pa ako ng mga
gamot-gamot at
konting makakain ni Anj. Grabe kahit namumutla na eh ang ingay pa din nya.

Pagbalik ko sa shop, pinainom ko na si Anj at pinilit pakainin nung mga dala ko.
Nagkwentuhan pa muna
kami then kinumbinsi ko sya na magpasundo na kay Kev. Pero ayaw pa rin nya kaya
nagtaxi na lang
kami pauwi sa bahay nya.

"Oi Tin. Dito ka muna sa bahay. Wag ka muna umuwi. Makikipaglandian ka na naman
kasi kay Jeff eh."

"Ui hindi ako makikipaglandian ah. Sige dito muna ako. Hapon pa lang naman eh.
Mamayang gabi na
lang ako uuwi." At saka kahit naman hindi sabihin ni Anj, alam ko namang gusto nya
ng kasama. Nasa
states kasi parents nya and super independent 'yan si Anj. Pero syempre kailangan
pa rin nya ako.

Inalalayan ko naman sya sa kwarto nya. Then humiga din ako katabi nya. Nagkwentuhan
lang kami ng
kung anu-ano. Pati nga ang nakakatawang prof namin nung college, naalala namin.
Tawa tuloy kami ng
tawa. Hindi ko tuloy namalayan na nakatulog na pala kami. Nagising lang ako nang
may tumapik sa'kin.

"Tin. Gising na. Ginabi ka na dito."

Bumangon naman ako at kinusot ang mata. "Kev? Bakit ka nandito?" Ay oo nga pala.
May susi sya dito
sa bahay ni Anj.

"Kanina ko pa kayo tinatawagan. Hindi naman kayo sumasagot. Diba dapat susunduin ko
si Anj? Bakit
ba maaga kayo nagsara ng shop?"

"Ah, medyo masama kasi kanina yung pakiramdam ni Anj eh. Kaya inuwi ko na lang
sya."

"HUH?! Anong nangyari? Bakit hindi nyo 'ko tinawagan?" Sabi ni Kev habang umuupo sa
gilid ng kama.
Hinawakan naman nya ang noo ni Anj. Napangiti naman ako.

"Kev wala naman syang lagnat eh. May LQ pa nga ata kayo kaya ayaw ka nyang tawagan
kanina." Sabi
ko naman habang tumatayo galing sa kama. Hala oo nga gabi na. Ang tagal ko ding
nakatulog.

"Ayaw na naman nya sigurong sabihin sa'kin na may sakit sya. Ganyan naman sya lagi
kapag masama
ang pakiramdam. Ayaw akong pag-alalahanin." Hinaplos-haplos pa ni Kev ang buhok ni
Anj. Awww.
Kahit happy-go-lucky 'to si Kev, pagdating kay Anj nagiging seryoso.

"Sige na Kev. Mauuna na 'ko. Gabi na din kasi eh." At baka langgamin na kayo dito.
Madamay pa 'ko.
Tumingin naman sya bigla sa'kin.

"Oo nga pala Tin-"

"Ok lang kev. Wag mo na 'ko ihatid. Wala rin kasing kasama dito si Anj eh. Kaya ko
namang umuwi mag-
isa." Alam ko kasing mag-ooffer sya na ihatid ako pauwi eh. Kinuha ko na yung bag
ko. Nginitian naman
ako nito ni Kev.

"Wag kang mag-alala Tin. Hindi kita ihahatid. Dyosa ka naman diba?"

"Huh?" Ano bang sinasabi nito.


Ding dong. Sunod sunod ang 'ding dong'

Grabe namang makapindot yun ng doorbell! Parang walang bukas!

"Ayan na pala ang sundo mo eh." Nakangiti pa rin sya sa'kin. Nanlaki naman ang mga
mata ko.

"Si Jeff?" Naku oo nga pala hindi ko sya natext. "Pero... pa'no nya nalaman na
andito ako?"

"Kanina ka pa rin kasi hinahanap nyan. Tinawagan na nga ako at baka daw kasama
kita. Pinagdudahan
pa 'ko ng loko." Umiling-iling pa si Kev at parang natatawa pa. "Nang makita ko
kayo dito ni Anj, ayun
sinabihan ko rin sya."

"TIN?! TIN?! ANDYAN KA BA SA LOOB?!" Sigaw ni Jeff habang kumakatok. Hala. Tumakbo
naman ako
palabas ng kwarto ni Anj at binuksan ng pinto si Jeff.

"Bubu." Nakahinga naman sya ng maluwag nang makita ako. Lagot ako nito. Kanina nya
pa siguro ako
hinahanap.

"TSK! BAKIT HINDI KA SUMASAGOT?! KANINA PA KITA TINATAWAGAN!"

"Sorry Jeff. Nakatulog kasi ako pagkahatid ko dito kay Anj eh."

"DAPAT NAGSABI KA MAN LANG KUNG SAAN KA PUPUNTA! TSK! ALAM MO BANG KANINA PA KITA
HINAHANAP?!" Patay talaga ako nito.

"Wag masyadong mainit ang ulo pare. Sige ka, baka di na yan sumama sa'yo pauwi."
Nasa likod ko na
pala si Kev. Nakangiti naman sya kay Jeff. Nagtitigan silang dalawa.
"TSK." Naunang nag-iwas ng tingin si Jeff. Mas lalo namang lumaki ang ngiti nito ni
Kev.

"Sige na Tin. Umuwi na kayo. Baka magising pa ang babe ko sa boses ng asawa mo."
Aba, nang-asar pa.

"Kaya mo na ba? Basta meron akong mga biniling gamot dyan ha. Nandun sa may table."

"Dyosa ka talaga. Salamat Tin." Nagfriendly hug naman kami ni kev.

"TSK!!" Napatingin naman kami kay Jeff. Ang sungit na naman ng mukha nito.

"Chill lang pare. Ako pa nga ang nagsabi sa'yo na nandito si Tin diba?" Ito talaga
si Kev. Ang laki pa din ng
ngiti. Feeling ko nang-aasar lang 'to.

"Fine. Tsk... Thanks." Bulong naman ni jeff bago tumalikod at pumasok sa driver's
seat ng kotse.

"Wow. Marunong na pala magpasalamat ang asawa mo? Ang galing mo Tin ah." Tinapik
tapik naman ni
Kev ang ulo ko. Bigla namang bumusina si Jeff. "oops. Bawal talaga ata hawakan ang
dyosa." Kumindat
naman tong si Kev.

"Nyek. Sige Kev una na ako. Basta... sabihin mo kay Anj hindi kita tinawagan ha.
Hindi naman talaga kita
tinawagan na pumunta diba?" Tumawa naman sya then tumango.

Pumasok na ako sa passenger seat. Sa buong byahe hindi nya pa rin ako pinapansin.
Nagsorry naman
ako diba? Hindi ko naman talaga sinasadya. Nilabas ko ang phone ko sa bag. Hala.
Halos 200 missed calls
na! Yung iba galing kay Kev pero syempre halos lahat galing kay Jeff. Kaya pala
galit eh.

"Kumain ka na?"
"Huh?" Nagulat naman ako nang bigla nya akong kausapin. "H-Hindi pa. Ikaw kumain ka
na ba Jeff?
Pwede naman ako magluto sa bahay."

"Tsk. Wag na. Gabi na." Tapos tumigil sya sa Mcdo. 24 hours naman ang Mcdo kaya
nakakain kami.
Sinusubukan ko na ulit sya kausapin pero hindi pa rin ako pinapansin. Hanggang nasa
kotse na ulit kami
pauwi sa bahay.

"Ui bubu. Wag ka na magalit o. Hindi ko naman talaga sinasadya eh."

"Ayaw mo na akong magalit?" Hindi sya nakatingin sa'kin pero at least nagsasalita
na sya!

"Syempre naman bubu. Bati na tayo please?"

"Bakit, ano bang gagawin mo para mapatawad na kita?"

"Ehh?" Anong gagawin ko? "Syempre magsosorry. Kahit ilang sorry pa bubu!"

"Tsk. Sorry lang?"

"Eh bakit? Anong gusto mong gawin ko?"

"Wala. Tsk. Bahala ka na nga!" Hala. Bakit biglang nainis 'to?

Teka nga. Speaking of inis, bigla ko namang naalala yung sinabi sa'kin ni Bessie
kanina. Aalis na nga pala
si Jeff papuntang London sa Monday tapos hindi man lang sasabihin sa'kin! Diba
dapat ako ang magalit
dito?! Hmpph! Mayamaya pa dumating na kami sa bahay. Pagpasok pa lang, nagsalita na
agad si Jeff.

"Fine. Hindi na ako magagalit sa'yo kung yayakapin mo 'ko." Napatingin naman ako sa
kanya. Seryoso
ba sya? "Yung mahigpit ah. Tsk. Dapat yung mahigpit na mahigpit."

Oh my golly apple sauce. Tama nga si Anj. PBB Teens nga kami. Nilampasan ko naman
sya at tumakbo
na ako papunta sa kwarto ko. Tapos nilock ko agad.

Grabe ka Jeff. Nagpapayakap ka pa sa'kin ngayon pero aalis ka naman. Take note ha,
walang paalam.

Kumakatok si Jeff ng pinto. "Tsk. Tin buksan mo nga 'to! Hindi na nga ako galit
sa'yo diba!"

"Ayoko Jeff. Hindi ko bubuksan! Dun ka na ulit sa kwarto mo!"

"WHAT?! Tsk. Hindi pwede. Dito na rin ang kwarto ko diba?! Buksan mo na nga 'to!"
Sabi nya pa rin
habang kumakatok. Hinarang ko naman ang isang upuan sa tapat ng pinto. Para di sya
makapasok.

"Ayoko! Simula ngayon, may rule na. Bawal ka na pumasok sa kwarto ko. Rule na yan!"

"Bakit ikaw lang ang gumagawa ng rule?! Tsk. Hindi ko yan susundin!"

"Dapat sundin mo Jeff! Sige ka... uhm, dito ko na lang papatirahin si mom! Para
hindi ka na talaga
makapasok sa kwarto ko!"

"WHAT?! TSK. FINE. HINDI NA AKO PAPASOK DITO!" Tumigil naman sya sa pagkatok. Hala
tumigil sya
agad. Ay erase erase. Gusto ko nga pala sya tumigil.

"Sige wag ka na talaga pumasok! Aalis ka naman diba! Pupunta ka sa London! Iiwan mo
naman ako
eh!" Bigla ata syang napatahimik. Wala na kasing nagsalita eh. Akala ko umalis na
sya pero narinig ko ulit
sya.
"Pa'no mo nalaman?" Sabi nya sa mahinang boses. "Tsk. Hindi mo pa dapat malaman."

Ganun?! "Kailan mo pa sasabihin sa'kin? Pag-aalis ka na? Dalawang buwan ka mawawala


tapos hindi
mo man lang sasabihin? Bakit ganyan ka Jeff. Ang mean mo." Tapos lumayo na ako sa
pinto at humiga
na lang sa kama.

Mukhang umalis na rin hata sya kasi wala na akong ingay na narinig. Parang kahapon
lang nakahiga
kaming dalawa dito sa kamang 'to. Naman Jeff eh. Minsan hindi talaga kita
maintindihan.

Kinabukasan, paggising ko pa lang sinalubong na ako agad ng ulan. Ang dilim sa


labas kasi umuulan pa
rin. Ewan ko ba, tuwing malungkot ako nakikisama sa'kin ang panahon. Walang araw na
sumisikat.

Lumabas ako ng kwarto. Hmm. Mukhang tulog pa si Jeff. Sa kwarto nya sya ulit
natulog. Nagluto na
lang ako ng breakfast then kumain mag-isa. Baka kasi ang awkward pagsinabayan ko pa
sya. Wahhh. Di
ko alam ang sasabihin kay Jeff pag nakita ko sya. Ang gulo na naman ng utak ko.

At kapag magulo ang utak, isa lang naman ang ginagawa ko. Naligo muna ako tapos
hinigit ang isang
payong. Nagpara ng taxi at sumugod sa bahay ni Anj. Pagkadoorbell ko pa lang,
pinagbuksan na agad
ako ni Kev na kumakain ng tinapay.

"Tin? Anong ginagawa mo dito?"

"Kev, gising na ba si Anj?"

"Oo ayun. Ayaw nga kumain eh. Sige halika pasok." Nakita ko si Anj na nakaupo sa
dining table pero
hindi naman kumakain. Nakatitig lang sya dun sa mga pagkain.
"Diet ka ba Anj? Hindi pa hata ok ang pakiramdam mo eh." Nagulat naman sya nang
nagsalita ako.

"Whoa Teeny Weeny. Ang aga natin ah. Sus ano ka ba, ok na 'ko. Kung anu-ano
pinapainom sa'kin ng
iba dyan eh."

"Alalang-alala kaya sa'yo yan si Kev kagabi. Ang sweet nga eh!" Umupo ako at kumuha
rin ng tinapay.
Feel at home talaga ako dito sa bahay nya. Umupo rin si Kev at kumain.

"Sweet talaga 'ko. Gwapo pa. Perfect package." Nakangiting sabi ni Kev

"Perfect daw. Baka package lang. Mukhang package. Psh. O sandali nga Tin. Anong
meron kay Jeff?"
Wow ang galing naman ni Anj. Alam nya agad na dahil kay Jeff kaya ako nandito.

"Bakit tin? Akala ko magiging okay na kayo kagabi?" sabi ni Kev

"Nandito si Jeff kagabi? Hay grabe, ang dami ko atang namiss ah." Umiiling pa tong
si Anj

"Don't worry babe. Hindi mo naman namiss ang kagwapuhan ko."

"Ugh. Parang nasusuka ulit ako."

Naglandian pa sila sa harap ko. Oo ganyan talaga sila maglandian. Kumain na ako sa
bahay pero
kumagat ulit ako ng bread nila. "Ang sama nyong dalawa. Namomroblema na nga ako,
ang saya nyo
pa."

"Hello Tin?! Paano ka magiging masaya kung ganito kahangi ang makikita mo sa
umaga." Tinuro-turo ni
Anj si Kev.

"Come on babe. Aminin mo na. Ang sarap magising kapag ganito kagwapo ang makikita
mo diba?"

"Ugh. Wag mo nga akong kausapin! Sige na Tin. Ano bang problema mo?"

"Yun nga Anj eh. Si Jeff kasi-"

May tumunog na phone.

"Excuse me ladies. May nangangailangan ng kagwapuhan ko." Kumindat muna bago tumayo
si Kev.
Sasagutin nya kasi ang phone nya. Nagroll-eyes naman si Anj.

"Wag mo ngang pansinin yun. Ang yabang. O sige ano na. Anong ginawa na naman ng
lalakeng yun?"

At kinuwento ko na nga kay Anj. Kaya lang halos hindi ko pa nauubos ang kinakain
kong tinapay, eh
hinihigit na ako patayo at pinagtutulakan palabas.

"Sandali lang naman Anj. Pinapaalis mo na ba ako agad?"

"Hay naku Teeny Weeny. Tigilan mo nga ako sa kaartehan mo. Umuwi ka na." Tinutulak-
tulak na nya
talaga ako papunta sa pinto.

"So ano Anj. Hindi mo man lang ako bibigyan ng advice? Umuulan pa naman tapos
pumunta ako dito
maagang-maaga eh."

"Alam mo Tin. Ang advice ko lang naman sa'yo, eh ang umuwi na. Hello?! Linggo na
kaya ngayon.
Monday na bukas. Makipagbati ka na kay Jeff. Aalis na nga yung tao eh aawayin mo
pa? Sige ka, gusto
mo bang dalawang buwan kayo hindi magkita tapos magkagalit pa?"

Napatigil naman ako. Hala. Ayoko nga. Ayokong umalis sya na magkagalit kami.
"Grabe Anj. Genius ka talaga. Tuwing kinakausap kita naliliwanagan ako eh."

"Tungeks. Ang liit naman kasi ng problema mo, pinoproblema mo pa. Sa'n ba gawa yang
utak mo?" Ito
naman si Anj. May pahabol pang insulto.

"Teka Tin. Aalis ka na? Sa'n ka pupunta?" Hinold muna ni Kev yung tumawag sa kanya.

"Uuwi na ako Kev. Sorry sa abala ha."

"Wala yun. Pero sure kang uuwi ka na? Wala ka nang ibang pupuntahan?"

"Uhm, wala naman. Bakit?"

"Wala. Hatid na kita?"

"Hindi Kev wag na. Okay lang ako."

"Ikaw bahala. Sige Tin ingat." Sabi ni Kev at kinidatan pa ako. Tapos kinausap na
ulit nya ang kausap nya
sa phone. "O ayan na. Pauwi na ang dyosa. Wag mo kasing sigawan pare. Kaya umaalis
eh.... Hoy wag
mo nga akong sigawan. Ayaw magpahatid anong magagawa ko? Tsaka walang kasama ang
babe ko dito
'no!"

Teka. Sinong kausap ni Kev. Hindi ko na natanong kasi tinulak naman ako bigla ni
Anj palabas ng pinto.
"Sige na. Go umalis ka na. Sinasayang mo ang oras eh. Pag umalis na sya, sige ka
pagsisisihan mo yan."

"Wag ka namang ganyan Anj. Pinagtatabuyan mo talaga 'ko?"

"Ay sows hindi uubra ang pagpapacute mo sa'kin. Teka may payong ka bang dala?"
Tumango naman
ako. "O sige mag-ingat ka. Magsorry ka na kasi agad para di na lumaki."

"Eh pa'no kung ayaw na nya ng sorry?"

"Sus! Edi hug mo! PBB Teens naman kayo eh." Bigla ko namang naalala na nagpapahug
nga pala sya
kagabi.

"Ang galing mo talaga Anj! Ang talino mo!"

"Ewan ko sa'yo. O sige na go. Chupi chupi."

At nagchupi na nga ako. Pumara ulit ako ng taxi then umuwi na. Umuulan pa rin pero
hindi na masyado
malakas. Pagdating ko sa bahay, nagulat ako kasi nakaupo si Jeff sa sofa. Nakalatag
yung laptop nya,
mga libro, etc. Grabe nagtatrabaho na sya agad?

Hindi man lang nya inangat ang ulo nya sa binabasa nya nang pumasok ako. Galit pa
rin kaya sya sa'kin
dahil sa mga sinabi ko kagabi?

"Kumain ka na ba Jeff? May iniwan akong food dyan eh."

"Mmm." Tapos nagflip sya ng page ng libro. Hindi pa rin nya ako tinitingnan pero at
least sumasagot sya
diba? Good sign naman 'to eh. Umupo din ako sa sofa.

"Galing ako kina Anj."

"Alam ko."

"Ah... huh?" Teka pa'no nya nalaman? Eh magsosorry nga dapat ako kasi wala akong
iniwan na note.
Nagclear throat siya. "Wala ka namang ibang pupuntahan. Kaya naisip ko na kay Anj
ka lang pupunta."

Ahh. Ganun pala. Ang talino naman ni Jeff. Parang si Anj din. Pero teka. "Sunday
ngayon ah.
Nagtatrabaho ka pa rin?" Hindi nya ba pwedeng ipagpaliban muna yan?

"Kailangan ko na gawin 'to para sa conference bukas." Sabi nya habang nagbabasa pa
rin. Ano ba yan,
pinaalala nya pa na aalis na sya bukas. Nakakalungkot naman.

Umusod naman ako papalapit sa kanya. Umurong ako ng umurong hanggang sa super
katabi na nya
ako sa upuan. Magkadikit na nga ang arms namin.

"Tsk. Bakit mo ba 'ko sinisiksik? Ang laki-laki ng sofa."

"Hala Jeff. Hindi kita sinisiksik ha. Gusto ko lang talaga dito umupo."

"Tsk." Sabi nya lang pero hindi naman sya umusod palayo. Pero nagbabasa pa rin sya.

"Haaaay. Gusto ko manyakap eh. Yung mahigpit na mahigpit na huuug. Sino kayang
pwedeng
yakapin?" Aba si Jeff. Hindi pa rin namamansin. Hindi nya ba nafifeel na
nagpapapansin ako? Teka alam
ko na.

Kiniss ko siya sa cheek. Yehey! Napatigil sya sa pagbababasa at napatingin sa'kin.


"Bakit mo ba 'ko
ginugulo?"

"Hindi kita ginugulo Jeff ah." Hala. Hindi ko naman talaga sya ginugulo.

Hindi na lang sya sumagot. Babalik na sana ulit sya sa pagbabasa pero pinatong ko
ang ulo ko sa lap nya
at humiga sa sofa. Ito talaga nanggugulo na ako. Papansin pa.
"Tsk. Akala ko ba hindi ka nanggugulo?"

"Hindi nga. Napagod lang kasi ako kaya kailangan ko humiga."

"Pumunta ka na lang sa kwarto mo. Dun ka na lang humiga."

"Ehh. Gusto ko dito eh. Tsaka baka may makuha akong free kiss dito. Sino kayang
pwede magbigay ng
free kiss?"

Nilapit naman nya sa mukha nya yung librong binabasa kanina. "Tsk. Busy ako. Umalis
ka na." Ano ba
yan si Jeff. Ang manhid naman.

Bigla namang tumunog ang phone ko. Huh? Sino naman 'to? Habang hindi pa rin
tumatayo, sinagot ko
naman. "Hello?"

"Hey Tin. This is Andrew."

"O Andrew ikaw pala." Parang naramdaman kong biglang tumigil sa paghinga si Jeff.
Well hindi ko
naman kasi makita yung mukha nya eh. Natatakpan kasi ng libro. "May problema ba?"

"Well wala naman. Mom actually wants to talk to you. I'll just give her the phone
ha. But ofcourse if
you still want to hear my beautiful voice..." Nangiti naman ako dun.

"Beautiful voice talaga?"

"Naman! If you want I can give you a sample. Gusto mo kantahan kita?"

"Weh. Seryoso kakanta ka?"

"EHEM." Sabi naman bigla nito ni Jeff. "Alam kong si Anj lang ang kausap mo. Tsk.
Itigil nyo na nga yan."

Napaupo naman ako sa sinabi nya. Hala ang weird naman nito ni Jeff. Bakit si Anj
daw ang kausap ko?
Nabalik naman agad yung attention ko sa phone. Kumanta kasi si Andrew.

"Mahal kita pero di mo lang alam. Mahal kita pero di mo lang ramdam. Mahal kita
kahit di mo naman
ako tinitingnan. Mahal kita kahi lagi mo lang akong dinedeadma.."

"Naks! Ang galing mo Andrew kumanta ah! Ikaw na ang may beautiful voice." Binaba
naman bigla ni
Jeff ang binabasa nyang libro tapos tumingin sa'kin na parang naiinis.

"Tsk. Wag ka na ngang magkunwari. Alam kong si Anj lang yan." Hala naman 'to si
Jeff. Bakit ba feeling
nya si Anj ang kausap ko? Kakausapin ko na sana sya kaya lang biglang...

"Hello Tin?"

"Oh hello po tita Mariel." Binigay na pala ni Andrew yung phone sa mommy nya.

"Sorry to disturb you iha. Pero are you free today? I'm thinking that maybe you can
do our portrait?"
Ay oo nga pala. Nakapangako nga ako dito kay tita na ipapaint ko silang buong
pamilya.

Tumingin naman ako kay Jeff na nakatingin pa din sa'kin. "Uhm, tita? Ngayon na po
ba talaga? Sunday
po kasi ngayon eh."

"I know. Pero ngayon lang din free ang tito Ariel mo. I'm sorry about this Tin.
Pero I'd really appreciate
it if you can come today."

"Ganun po ba tita? Ummm..." Ano. Pupunta ba 'ko? Syempre ayoko pumunta. Last day na
nga dito ni
Jeff eh. Pero kasi nakikiusap na si tita. Tapos hindi naman ako pinapansin ni Jeff
kaya ano pang point
kung mananatili lang ako dito. Hay. Sige na nga. "S-Sige po tita-"

Bigla namang hinablot ni Jeff yung phone ko. Hala! Bakit nya sinasagot? "Tsk, Anj.
Itigil nyo na nga 'to-"
Napatigil sya sa pagsasalita at napatingin sa'kin. Si tita yung kausap ko! Bakit
nya tinawag na Anj??

"Akin na Jeff yung phone ko." Bulong ko naman sa kanya. Pero hindi pa din nya
binabalik.

"Pasensya na po. Pero hindi po makakapunta si Tin ngayon.." Hala! Anong sinasabi
nya kay tita?
"Pasensya na po talaga." And then he ended the call. Nganga ako.

"Seryoso Jeff? Pinagbabaan mo ng phone si tita??"

"Tsk. Bakit hindi mo sinabi na sya pala talaga ang kausap mo."

Ehhh? Bigla namang tumunog ulit ang phone ko. Panigurado si Andrew ulit yan. Pero
hindi ko pa nga
nakikita, inend call na agad ni Jeff. Tapos pinatay ang phone ko.

"Hala ka Jeff. Bakit hindi mo sinagot? Baka magalit-" Hiniga naman nya ako ulit sa
lap nya at hinalikan.
Nawala na naman tuloy sa isip ko yung sasabihin ko.

"Tsk. Bakit nagpapakanta ka pa sa mokong na yun?"

"Huh?" Teka lang kasi. Hindi ako makapag-isip. Ang lapit naman kasi ng mukha nya
eh. Si Andrew ba
ang tinutukoy nya- Hinalikan na naman nya 'ko. Wala na talaga. Hindi ko na yan
maiisip mamaya.

Bigla ko namang naalala na baka nagugulo ko na nga si Jeff. May mga kailangan pa
naman sya gawin
para bukas. Umupo na lang ako ulit sa tabi nya. "Naku sorry bubu. Gingulo pa kita
eh busy ka."
"Wala naman akong kailangan gawin."

"Ehh? Pero bakit ang dami mong ginagawa? Ang dami mo pa ngang libro dyan na
binabasa."

"Bored lang ako kanina. Tsk."

"Grabe! Pag-bored ka nagtatrabaho ka? Ibang klaseng hobby yan bubu ah."

Nagshrug lang sya. "Tapos na akong mag-impake so wala na akong gagawin." At bigla
ko na namang
naalala. Aalis na nga pala sya. Naka-impake na nga sya.

Pinitik naman nya ako sa noo. "Gusto mo lumabas? Date tayo?" WOW. Si Jeff
nagyayaya na magdate
kami? Gusto ko yan! Ay wait. Umuulan pa rin kasi sa labas. At saka kung lumabas
kami saan naman
kami pupunta?

"Wag na bubu. Dito na lang tayo sa bahay."

Nagulat hata sya sa sinagot ko. "Anong gusto mong gawin dito?"

Nginitian ko naman sya. "Ano pa bang ginagawa sa bahay?"

"Hindi ka ba mapapagod nito bubu?"

"Tsk. Bakit naman ako mapapagod?"

"Sure ka?"

"Oo nga! Bilis na!"


"Ok sige ha. 1, 2, 3... start na!"

At nagkarera na nga kaming dalawa. Yung pabilisan ng kotse sa playstation.


Nakasalampak kami dito sa
floor at aba, seryosong-seryoso si Jeff.

"Tsk."

"Waaaaahh. Nauunahan ko na yung kotse mo bubu!"

"Tsamba lang yan." Aba, pikon pa.

Pero since hindi naman sya naglalaro ng playstation, eh ako ang nauna sa finish
line.

"Oh well. Oh well." Naghair-flip pa 'ko. Hihi ang cute talaga nito asarin.

"Tsk. Rematch."

"Eh ano munang prize ko?"

"Wala. Bilis na. Simula na ulit."

At naglaro kami nang naglaro. Infairness naman sa bubu ko! After sometime eh natalo
na nya 'ko. Di ko
sya pinagbigyan nyan huh.

"Naks ang galing ni bubu!"

"Mmm." Sabi nya habang nagpipigil ng ngiti. Aba aba. Mukhang masaya talaga sya ah.
"Tsk. Yung prize
ko?"
"Huh? Eh diba wala namang prize pag nanalo-"

Ninakawan na naman nya 'ko ng halik. Nako, lagi na lang ako magpapatalo pag ganyan.
Naglaro-laro pa
kami then nung medyo nagugutom na kami hinigit ko si Jeff sa kusina.

"Bakit ba 'ko kasama?"

"Syempre Bubu! Sabay tayo magluluto eh."

"Tsk. Hindi ako marunong." Namumula pa ang tenga nya. Ang cuuute!

"Ok lang yun. Kaya nga kita tuturuan eh. Umm, since maulan naman ngayon,
magsinigang na lang tayo!
Para may sabaw. Ok lang ba yun sa'yo bubu?"

"Mmm."

Sinuotan ko na din sya ng apron. Waahhhh. Ang cute! Tapos hindi ko naman sya
pinapalapit sa kalan.
Pinapatulong ko lang sya paggagayat. Seryosong-seryoso sya ulit. Kaya lang mukhang
naiinis na dun sa
sibuyas. Hindi nya kasi magaya yung ginagawa ko..

Tinuruan ko rin sya magsaing. Para diba, pag nasa London na sya, kahit kanin
marunong sya. Hay naalala
ko na naman. Wala ngang nagbabanggit sa'min ng kahit anong bagay na connected sa
pag-alis nya eh.
Parang ayaw naming maalalang dalawa. We're acting na parang normal Sunday lang 'to.

"Bubu tikman mo." Hinipan ko yung sandok tapos pinatikim ko sa kanya.

"Masarap na." Sabi nya pa habang tumatango-tango.


"Syempre naman! Galing mo magluto eh."

"Tsk. Aayusin ko na lang yung lamesa." Tapos lumabas na sya sa kusina. Ang cute
talaga nun!

Kumain na kami at usap lang kami ng usap ng kung anu-anong mga bagay. Basta kahit
ano. Wag lang
yung pag-alis nya. Pagkatapos namin, nagligpit din kami ng sabay at nagtapunan pa
kami ng tubig sa
isa't-isa. Nabasa tuloy kami kaya nagshower muna ulit ako.

Pagbaba ko, nakita ko si Jeff na may inaayos sa tv. Basa rin yung buhok nya kaya
nagshower din siguro
sya. "Anong gusto mong panoorin?"

"Huh?" Ay wow. Magmomovie kami? "Sige bubu kahit ano na lang. Ikaw na lang bahala."
Pumunta
muna ako sa may ref at kumuha ng cookies na binake ko kahapon. Wala kasing popcorn.

Nakaupo na si Jeff sa sofa pagbalik ko, kaya tinabihan ko na lang sya. Automatic
naman nya akong
inakbayan at nanood kami habang kumakain ng cookies.

Pero bakit ganun? Comedy yung pinapanood namin pero naiiyak ako. Halos wala na nga
akong
maintindihan. Si Jeff naman kasi. Maya't-maya eh hinahalikan ang ulo ko. Tapos
kanina pa nya
hinahawakan at nilalaro-laro ang buhok ko. Nakasandal na nga lang yung ulo ko sa
balikat nya.

Tahimik lang kami. Pero feeling ko wala naman talagang nanonood sa aming dalawa.
Waaahhh ayoko
syang umalis . Iniisip ko pa nga lang na hindi ko sya makikita ng 2 months,
sumisikip na yung dibdib ko.

Nanood lang kami buong maghapon tapos nagluto ulit kami ng dinner. Pinatay din nya
ang cellphone
nya kaya wala tuloy umiistorbo sa'min. Pati nga pag may tumatawag sa landline,
walang sumasagot.
Para kasing ayaw naming magpa-istorbo.
Nagkwentuhan lang kami ulit sa dinner. Nagbiruan. Then nagligpit at sabay na kaming
umakyat sa taas.
Kaya lang nagulat naman ako sa sinabi nya.

"Sige na magpahinga ka na. Matulog ka ng maaga."

Teka. Hindi ba kami tabi matutulog? "Dyan ka matutulog sa kwarto mo Jeff?"

Tumango naman sya. "Diba may rule? Bawal na akong pumasok sa kwarto mo."

Anong rule? May sinabi ba akong rule? Wala kaya! "G-Ganun?"

"Mmm. Sige na, pumasok ka na sa kwarto mo."

At pumasok na nga ako sa kwarto ko. Waaaahhhh. Bakit ang bobo ko? Bakit ba ako
nagiimbento ng
ganung rule? Joke lang naman yun Jeff eh! Naman!! Hay nako. Dapat hindi ako pumayag
na pumasok
sya sa kwarto nya. Dapat hinigit ko na lang sya dito! Oo tama!

Lumabas ako ng pinto para higitin sana si Jeff dito. Kaya lang wala na sya. Pumasok
na sya ng kwarto
nya. Naman eh. Bumalik na lang tuloy ako then naghilamos at nagprepare na matulog.
Pero as I
expected, paikot-ikot lang ako sa kama. Hindi makatulog. Ang lakas pa rin ng ulan.

Dalawang buwan mawawala si Jeff? Kaya ko ba yun? Eh isang araw nga lang syang hindi
umuwi
nanghihina na ako eh. Pa'no pa pag matagal? Ayoko na!! Ayoko na mag-isip!! Gusto ko
na matulog!

Waaahhhhh. Naka-ilang tupa na ako na nabibilang. Hindi pa rin talaga ako


makatulog!! Ilang oras na rin
akong paikot-ikot. Ewan ko ba. Pero bigla na lang akong... umiyak. Tinakpan ko ang
mukha ko ng unan.

Hindi ko rin alam kung bakit ako umiiyak. Siguro kasi naiinis ako. Naiinis ako kasi
umuulan pa rin. Naiinis
ako kasi hindi ako makatulog. Naiinis ako kasi wala si Jeff dito. Naiinis talaga
ako!! UWAAAAA.

Lumabas ako ng kwarto ko na umiiyak pa rin. Pumasok ako sa kwarto ni Jeff. Tulog na
sya kaya humiga
na lang ako sa tabi nya. Tapos siniksik ko ang sarili ko sa gitna ng arms nya then
sinubsob ko ang mukha
ko sa chest nya. Huhuhuhu Jeff, wag ka na lang umalis.

"Tin?" Naku lagot. Nagising hata sya. Pero hindi ako sumasagot. Kinakagat ko kasi
ang labi ko para
pigilan ang sarili ko umiyak ng malakas. "Tin." Sabi lang nya tapos niyakap ako ng
mahigpit. Uwaaaaa.
Pa'no na lang ako mabubuhay ng dalawang buwan na wala si Jeff? Hindi ko kaya!!

"Tsk. Umiiyak ka ba?"

"H-hindi ah." Pero tumutulo na naman ang mga luha ko. Nababasa ko na yung damit ni
Jeff. Naman eh.

"Wag ka na umiyak. Tsk. Kaya ayokong sabihin sa'yo na aalis ako."

"Bubu naman eh. Bakit kasi dalwang buwan? Ang tagal nun eh." Nakakaiyak talaga.

"Mabilis lang yun. Hindi mo mamamalayan, nandito na ako agad. Tsk. Kaya wag ka na
umiyak."

"Eh mamimiss kasi kita eh!! Pa'no na yun. Pag-uwi ko dito sa bahay, walang tao.
Wala akong kasabay
kumain o makakausap. Tapos hindi na kita mahuhug. Pa'no na?"

Tinaas naman nya 'ko kaya magkapantay na ang mga mukha namin. Pinunasan nya naman
ang mga
luha ko. "Tsk. Lagi naman kitang tatawagan. At lagi rin kitang iisipin."

"Talaga? Baka mamaya yung mga girls na sa London ang iniisip mo ah."

Ngumiti naman sya. "Pwede ba yun? Eh wala namang mas maganda sa'yo eh- Tsk. Wag ka
na umiyak."
Kiniss nya naman ako sa noo then niyakap ulit ng mahigpit. "Basta ikaw din. Wag ka
masyado
makikipag-usap sa mokong na Andrew na yun. Pati na rin sa ibang lalake."

"Syempre naman bubu."

"Tsk. Ako lang din ang lagi mong iisipin."

"Ikaw lang naman talaga eh."

"Mmm. Basta mag-ingat ka lagi. Tsk. Pinagbilin na kita pero mag-ingat ka pa rin."

"Huh? Kanino mo 'ko pinagbilin bubu?"

"Tsk. Basta."

Medyo tumigil na 'ko sa pag-iyak. Kung anu-ano kasi ang sinasabi ni Jeff. Style nya
rin ata 'to para di na
ako masyado malungkot. Pero hala! Madaling-araw na.

"Bubu? Hindi mo ba kailangan matulog?"

"Sa airplane na lang ako matutulog."

"Huh? Naku sorry. Ginising kasi kita, eh natutulog ka na kanina."

"Kakatulog ko lang din nang dumating ka. Tsk. Gusto kasi kitang puntahan sa kwarto
mo, pero may
rule."

"Wala na yun bubu! Pinapawalang-bisa ko na ang rule hindi na yun effective."


Naramdaman kong parang ngumingiti sya. "Pa'no yan. Ginising mo 'ko. Hindi na 'ko
makatulog."

"Hala sorry bubu. Uhmm, gusto mo ba bumalik na 'ko sa kwarto ko para makatulog ka
na-"

Kiniss na naman nya ako. "Tsk. May sinabi ba akong ganun? Ang sabi ko, dahil
ginising mo na din ako,
you should take responsibiity."

"Take responsibility? Eh anong gusto mong gawin ko-"

Hinalikan na naman nya ako. At hinalikan at hinalikan at hinalikan. Sus, ang dali
lang pala magtake
responsibility. Chos. At hindi na nga kami natulog. Alam na.

Kinabukasan sa airport.... "Uyyy. Ang laki ng eyebags mo Tin ah. Hindi ka ba


pinatulog ni Boss?"

Namula naman ako bigla. "Ano ka ba Bessie."

Inaasikaso kasi ni Jeff ang lahat ng empleyado. Kaya ayun busy busy sya. Ako iniwan
nya muna dito kay
Bessie. Hinatid sya ng family nya pero umalis na sila. Lumapit naman sa'min si Rey.

"Grabe. Lahat ng girlfriends ko gusto akong ihatid sa airport. Pero sabi ko na


lang, sorry ladies. Baka
mag-away away pa kayo. Wala na lang maghahatid sa'kin."

"Woooh! Palusot mo Rey. Wala lang talagang maghahatid sa'yo kaya nag-iimbento ka ng
kwento."

"Akala mo lang yun Bessie. Masyado kaya pinagkakaguluhan ang kagwapuhan ko."

Natatawa naman ako sa kanila. Mayamaya lumapit na din sa'min si Paul. Kasama nya si
Lucy, yung
girlfriend nya. Nagkamustahan. Nagkwentuhan.

"Panigurado hulk-mode na naman yan mamaya si Boss." Sabi ni Paul.

"Oo nga Tin. Isama ka na lang kaya namin. Ikaw lang naman nagpapakalma dun eh."
Nakangiting sabi ni
Bessie

"Ano Tin, isuksok na lang kita sa maleta ko?"si Rey naman nakakatuwa.

Nginitian ko na lang sila. "Kaya nyo yan. Kayo pa! Hindi naman talaga masungit si
Jeff eh."

"Ikaw lang naman nagsasabi nyan." Nagtawanan kami lahat sa sinabi ni Rey.

Pero mayamaya pa, narinig ko na ang kinatatakutan ko. Pinapapasok na ang mga
pasahero sa ariplane.
Kinuha na nila ang mga bags nila. Go Tin. Kaya mo yan. Diba sabi mo hindi ka iiyak
ngayon? Dapat
nakangiti kang magpapaalam kay Jeff para hindi sya mag-alala.

"Tin, mag-ingat ka ha. Mauuna na kami." Hinug naman ako ni Bessie. Si Paul
nagpaalam na rin then
lumayo muna sila ng konti ng girlfriend nya.

"Oi Tin! Anong gusto mong pasalubong? Sabihin mo lang! ...Papabili ko kay Boss."

Nginitian ko na lang sya. "Salamat Rey. Gusto ko sana... yung bridge that is
falling down sa London."

"Nakoooo! Ganyan ba ang nangyayari kapag asawa si boy pick-up?!"

Nagpaalam din sa'kin yung ibang mga katrabaho ni Jeff. Mayamaya rin, dumating na si
Jeff. Hindi pa
nga sila umaalis busy na sya. Binigay ko na sa kanya yung briefcase nya tsaka yung
mga bags nya. Tapos
ngumiti ako ng malaking-malaki.

"Bubu ingat ka ha! Tawagan mo ako agad kapag nasa London ka na."

"Mmm." Sabi nya lang habang nakatitig sa'kin.

"Wag ka masyado magpapakapagod. Tsaka kumain ka lagi sa oras. Ok?"

"Mmm."

All passengers boarding the flight to London blah blah. Pinapapasok na talaga sila.
Ngiti ka lang Tin. Ngiti
ka lang. Wag kang iiyak.

"Halikan mo na kasi boss!" Sigaw naman ni Rey.

"Maiiwan ka nyan ng eroplano sa bagal mo boss." Sabi ni Paul

"Boss hindi naman kami nakatingin eh. Promise!" nakangiti naman tong si Bessie

"Tsk." Hala. Namumula ang tenga ni Jeff. Napatingin ako sa paligid. Halos lahat ng
kaopisina ni Jeff
sa'min nakatingin. Ano bang meron? Bakit hindi pa rin sila pumapasok sa loob? Teka.
Don't tell me
hinihintay nila ang kissing scene namin ni Jeff?

Hinawakan ko na lang ang kamay ni Jeff at pinisil. "Okay lang bubu." Alam ko namang
shy sya eh. "Sige
na pumasok ka na sa loob. Baka maiwan ka nga ng airplane, sige ka."

Pinisil din naman niya ang kamay ko. "Tsk. Wag ka masyado umiyak."

Hala nakangiti nga ako eh! "Syempre hindi 'no. Sige na Jeff. Hinihintay ka na din
nila eh."
"Ang weak mo boy pick-up! Ang weak mo!" Parinig ni Rey.

"Haist! Ihuhulog ko sa eroplano ang lokong yun." Sabi ni Jeff habang hawak pa rin
ang kamay ko.
Nakatingin pa rin sa'min ang mga tao. Naiiyak na ako. Kailangan pigilin!!

"Sige na Jeff, go na." Tinalikod ko na sya at tinulak para gumalaw. "Mag-ingat ka


bubu!" Naglakad na
sya pero lumingon-lingon pa ulit sa'kin. Nagwave naman ako at nagsmile. Wag kang
iiyak Tin. Wag kang
iiyak

Yung mga ka-opisina nyang nakatingin sa'min kanina, nagsimula na rin pumasok sa
loob. Sila Rey naman
nilapitan si Jeff at inakbayan. Mukhang niloloko-loko hata. Lumingon naman ulit
sa'kin si Jeff. Nginitian
ko ulit sya ng malaki. Pero kinakagat ko na ang dila ko para hindi ako umiyak.

Nung ibibigay na ni Jeff ang passport nya dun sa babaeng nagchecheck, tumalikod na
ako. Nagsimula
na kasing tumulo ang mga luha ko. Okay Tin, good job. At least naihatid mo sya nang
nakangiti. At least
naihatid mo sya na hindi ka nyang nakikitang umiyak-

Biglang may humigit ng arm ko kaya napaikot ako. Nakaharap na naman ako sa chest ni
Jeff. Niyayakap
nya kasi ako eh. "Tsk. Diba sinabi ko nang wag kang masyadong iiyak?"

Bakit ba kasi bumalik pa sya? Mas lalo lang akong naiyak. "Nakasmile na nga ako
kanina bubu eh. Dapat
hindi ka na bumalik."

"Eh anong magagawa ko. Tsk, miss na kita agad."

"Nagbabalik! Nagbabalik na si boy pick-up!!" Sigaw na naman ni Rey. Nag-wooooh


naman ang ibang
mga tao.

"Lagot sa'kin talaga ang hinayupak na yun." Bulong ni Jeff tapos hinawakan nya ang
mukha ko. Tapos
hinalikan kahit na feeling ko madami pa ring nakatingin sa'min. "Hintayin mo lang
ako."

Nag-nod naman ako then tumalikod na ulit sya and this time, binigay na nya ang
passport nya at
pumasok sa loob. Grabe. Ngayon pa lang din, miss ko na si Jeff!

*******************************************
[37] BABY BABY OH? *new
*******************************************
CHAPTER 36

BABY BABY OH?

Ang saya talagang maglinis lalo't wala si Jeff pero gusto ko pa rin nandito si
Jeff. Pero kasi ngayon wala
si Jeff. Ayoko namang magmukmok na lang o kaya umiyak kaya ngayon kuskos lang ako
ng kuskos
nitong tiles. Anggra nga kasi yung black na tiles nagisng puti na. wow! Ang galing
ko talaga.

Tapos pinupunasan ko rin ang ilang gamit dito sa shop pati yung mga paintings, ang
kikintab na nga.
Atleast kahit mga minuto hindi ko naalala na umalis si Jeff PERO KASI NAMIMISS KO
NA SIYA.

"Hoy Teeny Weeny! Ano na namang kalokohan yan!"

"Ui Anj. Ikaw pala." Kanina ko pa napapansing pabalik balik si Master sa c.r. tapos
parang ang init ng ulo.

"Alam mo Tin. Okay lang naman maglinis eh. Pero ano yan, pati ba naman yang pencil
kinukuskos
mo?!" Pati mga drawing materials pala nililinis ko na. Ang saya kaya.

"Alam mo Anj, madami kasing bacteria ang pencils eh. Kaya dapat linisin ko." Sabi
ko habang todo
kuskos pa rin. Napansin kong uupo na sana si Anj pero hindi rin natuloy. Bakit
kaya?

"Hay, kailan ba kasi dadating si Jeff para matigil na yang kabaliwan mo?"

"Malapit na Anj." Tumingin ako sa relo ko. "Uhm. 1 month and 1 week and 3 days and
6 hours and 34
minutes and 18 seconds na lang bago sya bumalik." Ngumiti ulit ako. Kinalkula ko
talaga yun. Hindi
naman halatang miss ko na siya diba?

Napanganga naman si Anj. "Akala ko dati manhid at engot ka lang, yun pala baliw ka
na talaga."

"Ui hindi ah! Ikaw Anj, anong sinasabi mo dyan- Hala Anj okay ka lang?" Tumakbo
kasi ulit siyang CR
tapos nagsuka na naman. Hinimas ko naman iyong likod niya. okay lang kaya siya?

"Lumabas ka nga! Sukahan kita dyan eh." Hala! Ang sungit naman nito.

"Okay lang Anj. Sige lang, isuka mo lang yan. Dadamayan kita." Nandito lang ako
sa'yo forever.

Mayamaya lumabas na rin siya ng CR. Inalalayan ko siya tapos pinaupo sa sofa.
Parang nanghihina si
Anj.

"Ito Anj, tubig. Inom ka muna. Ikaw naman kasi eh. Ano na naman ba yang nakain mo?
Kapag panis,
wag mo na kainin. Panis na nga diba?"

Para namang nagpipigil si Anj ng galit? Para ngang sasakalin ako ee. "Pasalamat ka
nanghihina ako. Kung
hindi, nakuuu kanina pa kita tiniris na parang kuto. Sino ba kasing nagsabi sa'yo
na may nakain akong
masama? Tsaka pwede ba, bakit naman ako kakain ng panis?"

"Eh kasi minsan nakakain ako ng panis kaya sumakit yung tyan ko eh. Akala ko tuloy
pareho tayo. Teka,
kung hindi yun yung dahilan... ibig sabihin....kaya ka nagsusuka...kasi..." hala!
Parang alam ko na kung
bakit siya nagsusuka. Hala!

Nanlaki ang mga mata mata ko. Nagbuntung-hininga naman tong si Anj. So tama nga ang
hinala ko.
hala! "Oo yun nga."

"TALAGA ANJ?! Ga'no na katagal?!"

"Ewan. Siguro mga almost 3 weeks na 'to. Ah basta! Ganun na akong katagal
nagsusuka." Umupo
naman ako sa tabi niya. Gulat na gulat ako.

"3 weeks na?? Anj, kailangan mo na magpacheck-up!"

"Oo nga! Magpapacheck-up na!"

"Teka nga Anj. Umamin ka. Gusto mo ba talagang ipatanggal yan-"

"HOY TIN! Ikaw ah! Umayos ka. Anong ipapatanggal ka dyan? Kahit tsonggo tatay nito,
hindi ko
ipapaplaglag 'to 'no! Anak ko 'to eh!" Iniisip ba nya talagang magagawa ko yun??

"Ha?! Anong tatay? Anong anak?" ang gulo naman ni Anj, diba tungkol sa buto ng
santol yun?

"Hello?! Diba pinag-uusapan natin dito yung pagbubuntis ko?! Ano ka ba!"

"BUNTIS KA?!" OH MY GOD. KALA KO BUTO NG SANTOL. Buntis si Anj. Hala! "...Pero
akala ko
nakalunok ka ng buto ng santol kaya ka nagsusuka- Ouch." Bakit naman nangbabatok
tong si Anj. May
mali ba?
"Buto ng santol ka dyan? Psh, kaya pala may sinabi ka pang ipapatanggal."

"WAAAH. Buntis ka Anj?! WAAAAH!" At niyakap ko siya. Ang saya naman magkakababy na
sila.
Waaaaaaa!

"Hindi mo ba 'ko sesermunan? Hindi mo ba sasabihin na ang tanga ko, nagpabuntis


ako-"

"Ano ka ba Anj! May baby ka na!! Diba dapat masaya tayo! Wala namang dahilan para
malungkot ah!"

"Syempre naman Tin. Masaya naman ako sa baby ko. Pero hindi mo ba nakikita?
Disgrasyada ako. Pag
nagkataon, walang ama na kikilalanin 'tong anak ko. Walang apelyido na ibibigay sa
kanya." Tumigil ako
sa pagyakap tapos tinignan. Eto talagang si Anj. Ang saya kayaaaaaaaa.

"Ha? Eh bakit naman? Papakasalan ka naman ni Kev ah." Sinabi ko yun habang
nakatingin sa mga mata
niya. para namang may duda sa mukha ni Anj? Ehh? Sure akong papakasalan siya ni
Kev.

"Hoy babae. Asa namang pakasalan ako nun. Eh playboy yun eh. Kilala mo naman yun,
hindi yun yung
tipong gusto ng responsibilidad. Hindi yun yung tipong magpapakasal." Alam ko yun
dahil sinabi nya
mismo sa'kin yun. Ayaw daw nyang magpakasal. Edi mas lalong ayaw nya ng anak diba?

"Kilala ko talaga si Kev! At alam kong papakasalan ka nya. Idol couple ko nga
kayo diba?"

"Ay ewan ko sa'yo."

"Pero teka Anj. Kailan ka magpapacheck-up? Pwede ba 'ko sumama?" excited na talaga
ako sa baby.
gusto ko makita agad. Hihi! Sana lumaki na tyan niya tapos ngayon excited ako sa
pagpapacheck-up.

"Ba't mo naman gusto sumama?" sabi ni Anj.

"Syempre! Gusto ko malaman kung babae o lalake yung inaanak ko- Aray Anj! Akala ko
ba nanghihina
ka eh ang lakas mo pa din mambatok."

"Ang baliw mo kasi eh! Anong babae o lalake ka dyan? Pwede ba, itlog pa lang 'to!
Hindi pa yun pwede
malaman!"

"Ay oo nga pala. Pero sasama ako ha? Ha? Ha?" Niyayakap-yakap ko ulit siya. Waaaaa!
Excited talaga
ako.

"Oo na. Oo na. Wag ka na magulo. Isasama na kita." YEHEY! Sasama ako sa check-up.
Yehey!

"Yes! WAAAAH. Grabe Anj excited na 'ko!! Sana lumaki na yung tyan mo!! Simula
ngayon, tatawagin na
kitang... uhmmm.... Super Buntis!" kyot ko talagang mag-isip. Super buntis si Anj.
Super super buntis.

"Super Buntis ka dyan!" pinanlisikan naman ako ni Anj.

"Super Buntis, ang cute mo today! Hindi kaya... dahil cute ang ninang ng baby mo?"

"Ano na namang trip yan?! Ewan ko sa'yo Teeny Weeny!" kinikilig talaga ako,
nakakautot nga pero
pinigilan ko kasi baka maamoy ng baby. hehe. Tinusok tusok ko pa ang tagiliran ni
Anj.

"Uyyy. Super buntis, Super buntis. Mamansin ka naman. Pssst. Super buntis, Super
buntis-"

"Sinong buntis?"

Napatayo naman kami ni Anj. Tinignan ko si Anj super laki ng mata niya tapos
kinakabahan.

"O, ba't parang nakakita kayo ng multo? Ang gwapo ko naman ata para maging multo
diba?"

"Kev! Kev!" nagtatalon talon pa ako habang patungo kay Kev. Excited talaga akooo.
Hehehe. Feeling ko
nga may mga stars ang mata ko kasi parang kumiskislap.

"Ang hyper ng dyosa ngayon ah. Maganda ang maibabalita ko sa London nyan."

"Huh? Anong ibabalita sa London?" WAA! Kapag sinabing London si Jeff naiisip ko.
uwaa! Miss ko na
miss ko na miss si Jeff.

"Wala." Kumindat naman tong si Kev. "Teka, ano ba yung narinig ko kanina na Super
buntis, Super
buntis? Hah, pag nagkataon, hindi na tatapusin ng lokong yun ang conference."

"Super buntis! Super buntis!" nagtatatalon pa rin ako. Sobrang saya ko parin.
"...Kev! Simula ngayon,
Super buntis na ang tawag."

"Ha? Ang gulo mo Tin." Hindi ba gets ni Kev ang super buntis?

"Buntis nga kasi Kev! Confirmed na. Buntis talaga. Buntis si-"

"TIN." WHAT?! Buntis ako paano? Buntis ako. ee? Bakit sinabing buntis ako ee si Anj
ang buntis?
"Buntis si Tin." Sabi ni Anj.

Nung nakaalis si Kev.

"Anj! Bakit buntis ako? Hindi naman ako buntis ah! Ikaw kaya yung buntis- "
tinakpan ni Anj ang bibig
ko. Nakaalis na rin si Kev hala? Bakit kaya ayaw sabihin ni Anj.

"Wag ka masyado maingay! Secret nga 'to diba!"

"Eh bakit kasi secret pa? Excited na nga ako sabihin kay Kev eh." Waaaa! May
ganung factor kailangan
secret.

"Basta. Bawal mo sabihin sa kanya. Ako ang magsasabi, ok? Naghihintay lang ako ng
tyempo."

"Wag ka na maghintay. Sabihin mo na. Natuwa nga sya kanina nang nalaman nyang
buntis ako diba?
Pero hindi naman kasi talaga ako buntis. Pero kahit na, natuwa pa din sya nung
nalaman nya na buntis
ako pero hindi naman talaga ako buntis pero naging buntis na kasi sinabi mo na
buntis ako-"

"Hep hep! Tigilan mo nga yang magulo mong utak. Ah basta, sa ngayon, ikaw muna ang
buntis. Wag mo
muna sasabihin sa kanya hanggang hindi ko sinasabi ok?"

"Aray. Aray. Sumasakit na ang tyan ko. Manganganak na hata ako." umarte ako. Feel
ko lang maging
buntis. Tinignan ko naman si Anj nakatulala tapos parang gustong manakal. Eh?

Lumipas ang araw at ganun pa rin ang ginagawa ko. Gising tapos maglinis tapos
tungong shop, trabaho
tapos linis. Haay! Ngayon nasa hospital kami. Tapos parang ang lungkot ni Anj.

"Ui Anj. Ok ka lang ba?"

Nakaupo na kami sa ospital at hinihintay na tawagin ng doktor. Yung mga ibang


buntis kasama lahat
yung asawa nila. GAAAH.

"Oo naman. Bakit naman hindi ako magiging ok?"sagot ni Anj.

Tumingin-tingin pa ako ulit sa paligid tapos tinignan si Anj. Hinawakan ko naman


ang kamay niya. "Ok
lang yan Anj. Hindi naman masakit yun eh. Sabihin mo lang kay doc na dahan-dahan
lang kapag
tinusukan ka ng karayom. Marunong naman sila eh. Hindi yan masakit."

"Haay. Minsan ok din magiging bobo 'no?"

"Ha?"nag-aalala naman ako sa kanya.

"Wala." Tapos tiningnan naman ako ng maigi ni Anj. "Hoy Teeny Weeny. Ano bang
ginagawa mo
pagkagaling sa shop? Wag mo ngang masyadong kuskusin yung bahay nyo!"

"Hindi ko nga masyado nalilinis yung bahay eh. Pinapaint ko rin kasi yung portrait
nila Andrew."

"Pumupunta ka pa din sa bahay nila tuwing weekends?"

"Yup.Tuwing weekends lang din kasi free si tito eh. Wala rin naman akong gagawin."
"Buti di na kayo naiissue! Artista pa rin naman yun 'no. Tapos labas-pasok ka pa sa
bahay nila!"

"Ako nga ata yung artista eh. Para kasing may nagpipicture sa'kin pag lumalabas ako
sa bahay nila." Lagi
na lang kasing may flash kapag lumalabas ako.

"O! EH YUN NAMAN PALA EH! Bakit ka nagpapakuha ng litrato?!" gulat much Anj?

"Kasi hindi ko naman sila makita eh. Parang may maririnig lang akong flash ng
camera. Pero paglilingon
naman ako, wala namang tao."

"Ano ka ba! Kaya nga paparazzi eh. Magaling talaga magtago yun."

"Hindi naman siguro. Wala naman akong nakikitang pictures ko sa dyaryo o internet
tulad nung dati eh.
Baka imagination ko lang."

"Ay ewan ko sa'yo. Pero teka nga. Eh hindi ka naman pala masyado busy eh. Ba't ang
payat mo?! Ano
yan, diet? Aba kailan ka pa natuto magdiet? Aber?"

"Hindi ako nagdidiet Anj ah. Ang lakas ko nga kumain eh."

"Eh bakit nga ang payat mo?"

"Ewan. Para kasing, nahihirapan ako makatulog eh. Siguro yun yung dahilan."

"Ahsus! Labnat lang yan! Yakapsul lang ang katapat nyan!"

"Hihi. Tingin mo Anj? Ano, sundan ko na lang ba sya sa London? Bumili na nga ako ng
ticket-"

"HOY TEENY WEENY! Anong susundan mo sya?! Hindi pwede oi. May shop tayo dito. Busy
yung asawa
mo dun. Wag mo nga guluhin." Nagbibiro lang naman pero pwede ring totohanin.

"Sandali lang naman ako eh. Hindi ba pwedeng-"

Hindi na natapos yung sasabihin ko. Tinawag na kasi kami nung nurse. Kinausap at
tinanong-tanong si
Anj dun sa pregnancy test. Nakita kong kinuhanan lang ng dugo nung doctor si Anj.
Tapos ayun,
positive. Waaaa! Buntis nga. Kinongratulate pa nga nung doctor si Anj.

Excited na excited talaga ako sa baby nila ni Kev. Eto naman si Anj may secret
secret pang nalalaman.
Sus! Todo yakap nga ako ngayon kay Anj tapos nung kanina nga habang chinecheck siya
nung doctor
hinihimas ko yung tyan niya.

Tapos ngayon super happy ako with matching talon pa.


Kinabukasan, punta pa rin ulit sa shop. May dala nga akong mga fruits tapos milk
for Anj and kay baby.
tapos binilha ko rin siya ng parenting magazine. Tapos ngayon nagpapatugtog ako ng
classical music.
Mabuti raw iyon sa baby malay mo magmana sakin sa pagkahusay sa pagkanta. Hehe.

Tapos ayun. Nagtrabaho, nagpinta, naglinis na naman ng ako ng todo. Nung sinara na
namin ang shop,
tumingin muna ako sa salamin bago umuwi. Nakita ko si Kev.

"Hi Babe! O Tin, kamusta ang pagbubuntis?"

"Keeeeev! Masaya! Masaya! Diba gusto mo naman ng mga buntis? Kaya masaya!" wooo!
Masaya
masaya talaga para sa kanila.

"Hoy! Sarado na kami! Bawal ka dito!" lumapit naman tong si Anj samin ni Kev.

"Babe, susunduin nga kita. Tara isabay na natin si Tin."

"Yay! Thanks Kev-"

"Hindi kami sasabay. Magtataxi kami." Bakit naman? Ayaw ba niya?

"Ba't pa kayo magtataxi? Eh ako naman ang pinakagwapong driver sa balat ng lupa!"
kumindat pa tong
si Anj.

"Kapal! Balat ng lupa ka dyan! Baka balat sa pwet!" tira naman nitong si Anj. Ang
kyot talaga nila.

"Alam mo babe, hindi mo talaga maitatanggi ang kagwapuhan ko. Patay na patay ka nga
sa'kin diba?"

Tinignan ko naman si Anj. Her nose flared."PATAY NA PATAY?! Excuse me ha! Baka
PAPATAYIN is the
more accurate term." HALA!

"Uhm...." Napatingin naman sila sa akin. Nagbeautiful eyes pa ako. "Magtataxi na


lang ako Kev. Umuwi
na lang kayo ni Anj."

"Tin, hindi ka pwede umuwi mag-isa. Buntis ka diba? Sige na, ihahatid ko na kayo."
Nagulat naman ako
sa sinabi ni Kev. Concerned siya kay baby? YEHEY! Sabi ko na nga ba, magiging good
father si Kev.

At wala na nga nagawa si Anj. Ang kyot pa ng tugtog sa radio 'Always be my baby'
tapos eto naman si
Anj nilapat. Hihihi 'baby' ni Justin Bieber ang tugtog. Ay! Pagkakataon talagaa!

"O babe wag mo ilipat. Kinanta ko nga sa'yo yan dati diba?" napatingin naman ako
kay Kev. Waa! Baka
alam na!
"EWW. Boses palaka! Ayoko na maalala!" Pinatay naman ni Anj ang radio. Hay!

"BABY BABY BABY OHH! LIKE BABY BABY BABY NOOOOO!" kumanta naman si Kev. Okay, ang
cute
talaga nila. Ito si Anj kasi parang nabwibwisit. Tawa lang tuloy ako ng tawa.

Maya maya pa nasa bahay na ako.

"Sige Kev salamat sa paghatid ah. Anj, see you na lang bukas." Nginitian naman ako
ni Anj and Kev.

"O Tin, basta pag may problema tawagan mo kami agad."

"Opo master Kev." Bait talaga ni Kev perfect kay Anj.

"Yung Andrew, wala bang ginagawa sa'yo?"

"Huh? Bakit, ano bang gagawin nya dapat?"

"Wala, wala. O sige ingat ka dyan. Bye na din kay baby."

Nagwave na ako sa kanya tapos flying kiss. Pumasok na akong bahay. Hay! Back to
lonely mode.
GAAAH! Jeff!

"WAAAAH. Ang cute nito Anj!! Napakaliit o!" nandito kami ngayon ni Anj sa
department. Inaya ko na,
diba nga excited talaga ako kaya hinila ko na tong si Anj.

"Malamang Tin, pangbaby eh. Pag yan malaki, edi wala na yan dapat dito."

"Ito pa Anj!!! WAAAH. Ang cute. For sure magugustuhan 'to ng baby ko pag nilagay sa
kamay nya."

"Baby mo? Aba feel na feel ah."

"Syempre! Ako nga yung buntis dito diba? Kaya ako ang mamimili ng mga damit ng baby
ko."

Nakarinig ako ng parang flash ng camera pero wapakels pa rin ang cute kaya nito.
"Hoy Teeny Weeny.
Wala ka bang narinig?"

"Huh? Wala naman. Tingnan mo 'to Anj!!! Super cute! Order tayo ng 2pairs para may
pangboy and girl."

Maya maya lang may nagring phone ko.

"Hello? O Andrew." Ba't naman ako tinawagan ni Andrew? Baka sa painting.

"Hawakan mo muna 'tong cart Teeny Weeny. Punta lang akong CR." Sabi ni Anj.

"Ha? Teka, ok ka lang Anj?"

"Oo naman. Sandali lang 'to. Dyan ka lang wag kang aalis." Tumango naman ako then
kinausap ko na
ulit si Andrew sa phone.

Nung umalis si Anj may lumapit sa akin nakashades and jacket? Eh? Andrew? Kinausap
niya lang ako.
tapos mayamaya pinalibutan na ako ng mga camera. Hala? Artista na talaga ako nito.

Pagkatapos ng pamimili naming may picture na naman ako sa internet with Andrew.
Eh? Baka makita
to ni Jeff? Hala! Magagalit yun sa akin. Hala, magagalit si bubu ko.

Tapos ngayon yung headline pa. UWAAA!

SUPERSTAR'S GIRLFRIEND IS PREGNANT

LAGOT KAY JEFF.

"Sorry Tin. Pasensya ka na talaga."

"Okay lang yun Andrew. Hindi mo naman kasalanan eh."

Nandito na naman kami sa shop. Hay ewan ko ba. Ito na ata ang headquarters pag may
mga
nangyayari.

"Pero... buntis ka ba talaga?" Tiningnan ko naman si Anj.

"Buntis sya pare. At may asawa na sya." Singit naman nito ni Kev.

"Alam ko naman yun." Mahinang sabi ni Andrew.

"Oh my baby! Ano 'tong nakita ko sa news?" Lechugas naman. Bakit nandito si Mom?
Baka kung anong
sabihin ni Mom kay Jeff

"Mom. Huminahon lang po kayo." Sabi ko

"Paano ako hihinahon? When my baby is pregnant??"

"Ano bang balita 'to Tin?! Kasal ka na pero nachichismis ka pa sa ibang lalake?!"
WAAA! Galit na si
Daddy.

"Pero dad kasi, po..." mahina kong sabi.

"Wala naman po syang kasalanan dito. Kasalanan ko po lahat." Napatingin naman ako
kay Andrew.
Naghalf smile siya sa akin.

"Kasalanan mo talaga." Parang inis na sabi ni Kev


"Hon, bakit ka ba galit? Bakit ba kayo nagagalit? Pumunta lang naman ako dito to
congratulate my
baby! Magkaka-apo na ako! And to no less than my favorite Andrew-"

"MOM! ANO PO BANG SINASABI NYO?" Natahimik ang lahat. First time kong masigawan si
Mom ng
ganun. Sorry mom.

"Tin baby, hindi ko naman talaga sinasadya-" maluha luhang sabi ni mom.

"Mali kasi talaga ang sinabi mo Hon." Tinignan ko naman si Dad.

"Anong mali? I'm just saying na if it's Andrew's child-" sabi ni mom.

"Hindi po si Andrew ang ama." Singit ni Kev

"Hindi nga po ako ang ama, tita."singit naman ni Andrew

Nagaway-away pa sila dun. Pero ako nakatungo na lang.

"HINDI BUNTIS SI TIN." Nagulat ako ng biglang nagsalita si Anj.

"Babe, ano bang sinasabi mo?" Tinitigan ko si Anj. Nakatitig lang siya kay Kev.

"Ako yung buntis. Hindi si Tin."

Katahimikan. Tumakbo palabas si Anj. Hindi ko na siya naawat. Tinignan ko naman si


Kev. Ngumiti siya
sa akin at tumakbo na rin at sinundan si Anj.

Alam ko naman maayos nila 'yan. Sila pa! kaya nila 'yan!

*******************************************
[38] JETLAG
*******************************************
CHAPTER 37

JET LAG

Diba nasabi ko na dati na kapag masaya ka, ang bilis umandar ng oras. Pero kapag
malungkot ka pala,
ang bagal-bagal.

"Tin iha? Okay ka lang ba?" Naalis naman sa bintana ang tingin ko. At nabaling sa
pamilya na nasa harap
ko ngayon. "Ready na kami iha."

"Okay lang po ako tita. Sige po. Wag na lang po kayo masyado gumalaw." At sinimulan
ko na sila ipinta.
Huling weekend ko na 'to sa bahay nila Andrew. Matatapos ko na kasi ang family
portrait nila. Yung iba
pang mga detalye ay pwede ko na gawin sa bahay, kahit hindi ko na sila kaharap.

As usual, tuwing nagpipinta ako, nakakalimutan ko na naman ang lahat. Minsan nga
gusto ko na lang
tumalon sa mga paintings. Para ma-stuck ako sa isang moment na puro saya lang. Naks
ang deep nun
ah. Magiging proud sa'kin si Anj.

Di ko na namalayan ang oras at natapos na ako magpinta. Pero syempre pinagmeryenda


muna ako nila
tita. At ito rin si Andrew, kung saan-saan ako hinihila. Last time dinala niya ako
sa music room nya.
Ngayon naman andito kami sa... garden!

"Wow Andrew! Ang dami namang flowers sa garden nyo!" Ang ganda talaga! Ang laki pa!
Yung tipong
may fountain pa silang nalalaman? Gusto ko rin nito.

"I knew you'd like it. Nakakarelax kasi talaga dito. Here." Pumitas naman sya ng
tulips tapos binigay
sa'kin. Wow ang ganda naman!

"Salamat Andrew! Pero wait, okay lang bang pitasin? Baka magalit si tita."

"No worries. Kahit pitasin mo pa ang lahat ng flowers dito, nobody will get angry."

Yun naman pala eh! Kaya pinitas ko na ang lahat ng flowers. Joke lang! Nahiya naman
ako kay Andrew.
Naglakad-lakad kami at pumipitas lang ako ng mga gusto ko then pinagsasama-sama ko
kaya mukha na
syang bouquet. Naalala ko naman bigla si Jeff. Miss ko na ang flowers na binibigay
nya sa'kin.

"Malungkot ka na naman."

"Huh?" Bigla naman syang may nilagay sa tenga ko. Ano 'to? Sunflower?
"There. Bagay sa'yo." Sabi nya habang nakangiti. Niloloko nya ba 'ko? "Hey wag mong
tanggalin."

"Ayoko nyan. Makati sa tenga eh."

"Isuot mo lang sandali. I'll take a picture." Tapos nilabas nya ang phone nya at
tinapat sa'kin yung
camera.

"Ui Andrew! Bakit mo 'ko kinukunan-" Biglang may flash"Teka lang! Bawal yan-" Flash
ulit. "Akin na nga
yang phone mo! Ang daya mo ah." Flash ulit. Pinilit kong kuhanin sa kanya pero
pinipicturan nya lang
naman ako. Tawa pa sya ng tawa.

"Come on. Pose ka lang. Last na naman 'to."

"Ayoko nga! Ang daya mo talaga Andrew! Ibigay mo na yan!" Inaabot ko ang phone nya
pero ang
tangkad nya. Hindi nya ba talaga buburahin yung pics?

"Akin na lang 'to. Remembrance?"

"Ang dami naman nating pictures sa internet ah! Yun na lang." Todo explain nga ako
kay Jeff tungkol sa
internet pictures na yan. Nag-explain ako na hindi naman ako ang buntis kundi si
Anj. Tahimik lang sya
habang nagsasalita ako. Sabi nya hindi naman daw sya galit.

"But that's different. Sige na Tin, akin na lang 'to. Well, sandali. Dito ka lang.
May kukunin lang ako."

"Huh? Teka Andrew!" Pero pumasok na sya ulit sa loob ng bahay nila. Ang weird naman
nya. Naglibot-
libot naman ako ulit dito sa garden nila. Ang ganda talaga. Pero sana kasama ko si
Jeff. Sigurado mas
masaya kung dalawa kaming naglalakad-lakad dito!

"Tin, come here." Lumingon naman ako para makitang naglalatag si Andrew ng kumot sa
grass. Tapos
umupo sya dun at binuksan ang isang basket. "Halika, upo ka dito."

Lumapit naman ako at umupo sa tapat nya. Nilapag ko ang flowers na nakolekta ko sa
tabi ko.
"Buburahin mo na ba yung pictures?"

"Nope. Picnic muna tayo." Ngumiti sya tapos inabutan ako ng sandwich. Kinuha ko
naman at kinain.
Gutom na rin ako. Nagkwento-kwento lang sya. Style nya hata yun para makalimutan ko
na ipabura sa
kanya yung pictures.

Tumunog naman ang phone ko.

"Hello? Kev?" Lagi nga ako tinatawagan ni Kev nitong mga nakaraan. Minsan
nangangamusta lang. Ang
sweet nya talaga! Bagay na bagay sila ni Anj.

"O Tin! Nakauwi ka na ba?"

"Hindi pa eh. Andito pa ako sa bahay nila-"

"Andrew? Sige sunduin ka na namin ni babe dyan. Kailangan mo na umuwi. Gabi na."

Tumingin ako sa paligid. Palubog pa lang naman ang araw. "Gabi na ba? Hapon pa lang
eh."

"Hapon pa lang dyan? Gabi na kasi dito. Sunduin ka na namin, alam mo namang bawal
gabihin ang mga
dyosa. Hintayin mo na kami, okay?"

"O-Okay. Sige Kev aayusin ko na yung mga gamit ko. See you mamaya!" Ang swerte ko
naman. Ang
bait ng mga kaibigan ko.

"Si Kevin ba yun? Pinapauwi ka na?"


"Oo eh. Sige Andrew aayusin ko na yung mga gamit ko." Tumayo na ako dun sa blanket.
Mabilis pa
naman si Kev. Dati nga nag-cr lang ako, tapos biglang paglabas ko, nandyan na sya
para sunduin ako.

"Hindi ba pwedeng wag ka muna umalis? Hindi ka na babalik next week diba?"

"Matatapos ko na rin kasi yung painting Andrew eh. Hindi ko na kailangan bumalik.
Tsaka next week,
babalik na din si Jeff! Ayoko naman maging busy pag nandito na sya diba?" At
magiging Super Glue ako
ulit pagbalik nya! Didikit ako ng didikit sa kanya para di na sya umalis ever.

"Ah. I guess kailangan ko na maging invisible ulit."

"Huh?"

"Wala. Sige tara pasok na tayo. Tulungan na kita mag-ayos ng gamit mo."

Tinulungan nya nga ako iayos yung mga painting stuff ko. Pati yung canvas ko
binuhat nya. Mayamaya
pa, may nagdoor bell na. For sure sina Kev na yun.

"Tin. Sandali lang."

"Bakit Andrew? May problema ba?"

"Yung flowers sa garden.." Inabot naman nya sa'kin yung mga pinitas ko kanina.

"Ah, akin na 'to? Wow salamat Andrew! Sorry ha, medyo madami akong pinitas eh."

"Actually, ang konti pa nga eh. Madami pa kasi natirang flowers dun. Well, pwede
bang sa'yo na lang
yun? Malalanta lang kasi yun."
"Akin na lang? Talaga?" Hindi naman ako tumatanggi sa free flowers 'no!

"Yeah. Ipapadala ko na lang sa bahay nyo."

"Yay! Super thank you Andrew!" Ang bait nya talaga! Yayakapin ko sana sya kaya lang
biglang may
umakbay sa'kin. "Kev?"

"Tara na dyosa. Hinihintay ka na ni Anj sa kotse." Tapos sumaludo naman sya kay
Andrew. Nagwave na
lang din ako tapos nagpaalam kina tita. Tapos ayun sumakay na sa kotse ni Kev.

"ANJ! Kamusta na si baby? Malaki na ba sya?"

"Teeny Weeny, magdadalawang buwan pa lang sya. Wag ka nga excited." Excited na ako
talaga eh!
Ang cute cute kasi ng mga bata! Gustong-gusto ko sila. "Pati naman si Kev excited
eh! Diba Kev?"

"Syempre. Kasing gwapo ko hata yan."

"Hoy kapal mo! Sinong nagsabing kamukha mo?! Kawawa naman ang anak ko pag naging
kamukha
mo!"

"Babe, sa gwapo kong 'to, dapat kamukha ko talaga si Kevin Jr." Napanganga si Anj.

"Okay yun Kev! Ang galing mo talaga mag-isip! Kevin Jr. na lang ang pangalan ni
baby!" Ang cute diba!

"Tumigil nga kayong dalawa! Mamamatay muna ako bago pangalanan 'tong Kevin Jr.
Tsaka sino bang
nagsabi na lalake sya? Babae kaya sya!"
Nagdebate pa muna sa kotse. Gusto ko rin kasi lalake yung baby nila. Para Kevin Jr.
yung pangalan!
Kampi na naman kami ni Kev at naiinis na naman si Anj sa'min.

"Ikaw Teeny Weeny taksil kang kaibigan. O kamusta pala yung asawa mo. Uuwi na yun
next week
diba?"

"YUP! YUP! Excited na nga ako eh!"

"Mabuti naman uuwi na yun. Malaki pa naman ang sisingilin ko sa kanya."

"Huh? Bakit naman Kev? May utang ba sa'yo si Jeff?" Tiningnan naman nya ako sa
rearview mirror.
Tapos kinindatan.

"Ginto. Ginto ang utang nya."

"HUH?!" Ginto? Kailan naman umutang sa kanya si Jeff ng ginto?

"Hay nako Tin. Wag ka nga magpapaniwala sa mga sinasabi ng lalakeng yan. O nandito
na bahay mo.
Kumain ka nga nang maayos! Ang payat mo na eh."

"Opo master Anj. See you sa shop bukas! Sige Kev, baba na 'ko. Thank you ah."

"Sige Tin ingat. Basta tawagan mo lang kami agad pag may problema. Para naman hindi
lugi yung
ibabayad sa'king ginto."

"Huh?" Ang weird. Ano bang sinasabi ni Kev?

"Babe, bobo yan. O sige na Tin matulog ka na ng maaga para hindi ka masyado
mapuyat."
"Ikaw Anj ah. Anong bobo ako? Hindi ah!"

"Oo na. Oo na. Sige na bye na. Ingat ka."

"Bye baby! Alis na si ninang!" Tapos ayun, pumasok na ako sa bahay. Ayoko pa naman
ng ganito. Ang
tahimik. Kung dati excited akong umuwi kasi alam kong makikita ko na si Jeff. Pero
ngayon, ako na
naman mag-isa ang kakain.

Nagluto ako tapos nagligpit. Nanoood ng konti ng tv. Nilinis ko rin ulit ang bahay.
Kahapon pa kasi ako
huling naglinis. Basta kung anu-ano lang ginawa ko. Nung nakita kong malapit na mag
alas-dose,
umakyat na ako at nagshower. Binuksan ko na yung laptop ko at umupo na ako sa kama.

Hay, 15 minutes pa. Ang tagal pa. Tinuyo ko muna qng buhok ko. Sinuklay-suklay.
Tapos naglotion-
lotion. At tumingin na ako sa relo. 1 minute pa lang ang nakakalipas. Nagpagulong-
gulong lang ako
tapos nagjumping jacks para hindi ako antukin. Dati kasi nakatulog ako, ayoko na
maulit yun.

After 10 million years, alas-dose na! Humarap na ako sa laptop ko. Mayamaya nag-
online na sya.
YAAAAAAAY! Nag-buzz ako agad sa kanya. Tapos inayos ko na ang webcam ko.

"BUBU! Naririnig mo ba 'ko? Nakikita mo na ba 'ko?" Nilapit ko ang mukha ko sa


webcam.

"Mmm." Sabi nya lang tapos ngumiti. WAAAAH. Ang gwapo ng bubu ko! Obvious namang
kakagising
nya lang. Madaling-araw pa lang kasi sa London ngayon. Medyo magulo pa ang buhok
nya pero kasi
nakangiti sya, kaya ang cute cute nya talaga!

"Bubu good morning!! Kamusta yung tulog mo? Okay ba?"

"Ayos lang. Ikaw, hindi ka pa ba inaantok? Lagi ka na lang madaling-araw natutulog.


Tsk. Tama nga sila,
namamayat ka na."
"Okay lang ako bubu! Mas hindi naman ako makakatulog kapag hindi kita nakakausap
eh. Ikaw nga
dyan parang namamayat ka din eh." Dahil kaya maaga sya nagigising kaya sya
namamayat?

"Tsk. Hindi kasi masarap ang pagkain dito."

"Huh? Pero sabi mo okay naman yang hotel mo diba? Uhmmm, alam ko na. Magpadeliver
ka na lang ng
pagkain bubu pag hindi mo gusto yung pagkain dyan sa hotel."

"Mahal magpadeliver pag galing pa sa Pilipinas. Tsaka malamig na yung niluto mo


pagdating dito."

Teka. Gusto nya bang ipadeliver eh yung niluto ko? WAAAAH. Miss ko na rin sya
ipagluto!!! "Wag kang
mag-alala bubu. Pag dating mo, papakainin kita ng madaming-madami para hindi ka na
mamayat."

Nag-usap usap lang kami ng kung anu-anong bagay. Tinanong ko yung conference nya,
okay naman
daw. Pero obvious naman sa kanya na mukhang pagod na sya. Tapos hindi pa raw sya
masyado
kumakain dun. Kawawa naman ang bubu ko!

"Kamusta yung portrait na ginagawa mo?"

"Ehh? Yung kina Andrew? Ok naman bubu."

"Pumunta ka ulit sa kanila kanina?"

"Yup! Malapit ko na nga matapos yung painting eh. Sana matuwa sina tita."

"Ah." Sabi nya lang tapos biglang tumahimik. Lagi na lang syang ganito kapag si
Andrew yung pinag-
uusapan. Kahit nga nung inexplain ko sa kanya yung pictures sa internet, tahimik
lang syang
pinapakinggan ako.

"Bubu. Galit ka ba sa'kin?" Baka kasi galit sya dahil dun sa mga pictures.

"Tsk. Hindi na ako basta-basta nagagalit. Hindi na din ako basta-basta nagseselos.
At hindi na din ako
basta-basta naninigaw." Sinabi nya yun nang mabilis at tuloy-tuloy. Tapos biglang
nag-iwas ng tingin
sa'kin at namumula na naman ang tenga. Huh?

"Ok ka lang ba bubu-"

"Anong ginawa nyo sa bahay nya?"

"Huh? Kaninong bahay?"

"TSK!" Sabi nya lang tapos ginulo ang buhok nya tapos nagcross-arms. Hala si Jeff!
Parang batang may
tantrums lang. Teka, kaninong bahay ba yung tinutukoy nya?

"Bahay ba nila Andrew yung tinutukoy mo bubu-"

"WAG NA NGA! WAG MO NA SAGUTIN! Tsk. " Hala! Akala ko ba hindi na sya basta-basta
maninigaw at
magagalit at... magseselos?

"Ui bubu. Wala naman kaming ginawa eh. Nagpaint lang ako. Tapos ayun, dinala nya
ako dun sa garden
nila."

"ANO?! Tsk. Anong garden?!" Sabi nya na parang pinipigilan nya ang sarili nyang
sigawan ako. Kailangan
ko na talaga bumawi kay Jeff. Siguro naiinis na sya sa'kin lalo na dun sa baby
issue. Oo tama! Kailangan
ko na talaga bumawi!
"Uhhh, basta bubu hindi naman maganda yung garden nila eh! Pati yung mga flowers!
Hmpph konti
lang yung pinitas ko kasi hindi naman maganda talaga! Tapos yung nilagay nyang
sunflower sa tenga
ko? Naku ang kati nga eh! Hindi ko yun gusto! Pinadelete ko pa nga sa kanya yung
pictures na kinuha
nya sa'kin eh!"

Nakatitig lang sa'kin si Jeff. Nakakunot ang kilay. Pero at least hindi na sya
sumisigaw! Okay good job
Tin. Ang galing talaga ng strategy mo. Dapat hindi na sya magselos!

"Tapos alam mo bubu! Yung binigay nyang sandiwch, hindi naman masarap eh! Kinain ko
lang kasi
nagugutom na ako. Pinaupo nya pa ako dun sa may parang blanket, pero ang kati naman
dun! Napilitan
lang akong umupo. Yung pinauwi nya pa sa'kin na bulaklak? Ayoko naman talaga iuwi
yun eh! Ayoko
talaga, napilitan lang ako."

Tapos ngumiti ako nang napakalaki! Please bubu wag ka na magalit. "Ah, nagpicnic pa
pala kayo."
Mukhang kalmado naman sya. Hay salamat naman.

"Yup! Pero napilitan lang talaga ako-"

"Sandali lang. May gagawin lang ako."

"O-Okay." Tapos tumayo na sya at hindi ko na sya nakita sa webcam. Baka naman
pupunta sya ng CR-
HALA! Bakit parang may narinig akong binato. At nabasag. At sinusuntok. Hala!
Parang may nagwawala!

"Jeff? Jeff? Anong nangyayari? Bakit may ganyang ingay?" Binubugbog kaya sya? Oh no
baka may
nakapasok na magnanakaw sa hotel room nya! Pero pagbalik naman nya sa webcam,
parang kanina
lang din. Wala naman syang pinagbago. "Bubu okay ka lang?"

"Mmm. Sige na matulog ka na. Bukas na lang ulit."


"Huh? Pero maaga pa naman diba-" Sinara na nya ang webcam at inend na nya ang call.

Hala naman. Galit ba sya?

Isa na akong zombie. Zombie. Zombie.

Naman eh! Alam kong pag nagagalit sa'kin si Jeff, hindi ako nakakatulog lalo. Ano
bang mali kong
nasabi? Akala ko pa naman okay na yung mga sinabi ko. Pumasok ako sa shop nang may
malaking
eyebags.

"Anj...Alam mo bang- ANJ?" oops wag kayo magpanic. Walang nagyari sa kanya. Ang
laki lang din kasi
ng mga eyebags nya.

"Wag ka na magulat Teeny Weeny. Wag ka na magulat."

"Huh? Bakit, hindi ka din ba nakatulog?"

"Kasalanan mo 'to alam mo yun! Pag nag-aaway kayo, pati si Kev nadadamay. Pati
tuloy ako hindi
makatulog. Pati si baby naiistress sa'yo!"

"Hala Anj! Wala naman akong ginagawa eh. Promise wala talaga! Tsaka ayoko naman
mastress si baby
'no." Diba? Diba? Wala naman akong ginagawang stressful para sa kanila diba?

"Haaaay. Lagot sa'kin yang asawa mo pag-uwi. Nambubulabog ng hatinggabi!


Pinapagalitan pa ang
babe ko! Nakuuu. Pati sa'kin may utang na din yang ginto!"

"HUH? Bakit pati ikaw babayaran na rin ni jeff ng ginto? Uy hindi naman sya umutang
sa'yo ah!"
"Ay ewan ko sa'yo Teeny Weeny. Sana talaga hindi magmana ng IQ ang anak ko sa'yo."
Hala! Hala!
Bakit naman!

Sinundan-sundan ko si Anj. Tapos niyakap-yakap. Anj, pati ba naman ikaw. Wag ka na


ma-BV sa'kin o!
Sinabi ko pa na super sexy nya pa rin kahit buntis na sya. Buti na lang ayun
ngumingiti na sya. Salamat
naman at hindi na sya naiinis sa'kin.

Tapos ayun, nag-umpisa na kaming magwork. Tinapos ko na rin ang mga paintings na
ginagawa ko.
Yung kina Andrew mga bukas pa matatapos. Kailangan pa ng final touches. Pero buong
araw iniisip ko
kung paano magsosorry kay Jeff mamaya. Go Tin! Go!

"Babe?" Dumungaw ako. Nandito na pala si Kev. Di ko namalayan na uwian na pala.

"Hi Kev!" Naku patay, pati si Kev ang laki ng eyebags.

"O Tin. Makinig ka sa'kin. Wag ka na ulit makikipag picnic sa mga mokong. Okay?"

Picnic? "Teka kev. Bakit alam mong nagpicnic ako-" Ginulo naman nya ang buhok ko.

"Pasalamat ka, malakas ka sa'kin." Sabi nya tapos kumindat. "Tara na? Asan na si
babe?"

Nung lumabas na si Anj, hinatid na naman ako ulit nila sa bahay. Hay, ganito na
lang lagi ang routine ko.
Basta mag-iisip na lang ako ng plano kung paano magsorry kay Jeff. Nung nakauwi na
ako, may nakita
naman akong flowers sa tapat ng pinto ko.

Pinulot ko yun at binasa ang note. Hope you can visit the garden again. The flowers
miss you. Andrew.

Tototohanin ba nya ang sinabi nya sa'kin na ibibigay nya daw sa'kin ang mga flowers
sa garden nila?
Parang ang dami nga nyang pinitas. Nakakahiya naman kay tita. Naku Jeff,
napipilitan lang talaga ako.
Hindi ko naman talaga 'to gusto. Pero kawawa naman ang flowers. Kaya nilagay ko pa
rin sa vase.

As usual, kumain ako. Naglinis at kung ano ano pa. Ang aga ko nga umakyat.
Kinakabahan kasi ako.
Sana hindi na sya galit sa'kin. Hinanda ko na agad ang laptop ko. Then ayun
nagshower. Tinutuyo ko pa
nga yung buhok ko nang nakita kong may nagbuzz sa'kin.

Online na agad si Jeff? Eh 11 pa lang ah! Bakit kaya ang aga nya? Syempre binuksan
ko agad ang
webcam ko. Tapos tinawagan ko agad sya sa skype.

"Bubu? Bakit ang aga mo- Rey?" Bakit si Rey yung nasa webcam? Nakapalumbaba na
nakapikit. Pero
nung biglang nagsalita ako, nagising at ngumiti.

"Tin kamusta! Nakikita mo ba 'ko?" Inayos-ayos nya ang buhok nya tapos lumapit sa
webcam.

"Oo naman Rey. Teka, nasan si Jeff?" At parang hindi ata hotel room nya yung
background.

"OI BOSS! ANDITO NA SI TIN!" Sigaw naman nya pero si Bessie yung lumapit sa webcam
na obvious na
bagong gising pa lang.

"Hi Tin! Long time no see ah!"

"Bessie. Ikaw din? Bakit kayo andyan?"

"Si Boss kasi eh. Mga pakana nya."

"Huh? Bakit? Anong meron?" Iniba naman nya ang tutok nung webcam at tinutok kay
Paul na
natutulog sa upuan.
"Lagot 'to kay boss. Huling-huli mo Tin ah! Tulog."

Mayamaya pa, parang dumating na si Jeff. Si Rey naman ginising si Paul. Tinutok
nila ang webcam dun
sa parang... stage? Tapos parang si Paul umupo dun sa may drums habang humihikab.
Si Rey nagsabit
ng gitara at si Bessie dun sa may piano. Hala kakanta ba sila?

Si Jeff. Hinawakan ang mic na may stand at tumayo dun sa gitna. Hala!

"Bubu? Kakanta ka?"

"Mmm." Tapos silence. Namumula na naman tenga o.

"Game na boss! Galingan mo boy pick-up!" sabi ni Rey

"Kahit doble ang isusweldo mo sa'min, inaantok pa rin naman kami." Sabi naman ni
Paul

"Ui wag nga kayong ganyan. Kinakabahan na nga si Boss eh." Singit ni Bessie

"Sabihin mo na kasi boss!" atat na sabi ni Rey. Hala, natutuwa na ako.

"TSK. Oo na!" nag clear throat siya "Tin. Tsk. Wag ka na magalit dun sa ginawa ko
kanina."

"Ang bulok ni boy pick-up." Bulong ni rey.

"Kanina ba? Kagabi nangyari sa kanila yun boss." Nakangising sabi ni Paul

"Oi hindi yun kagabi! Ang bobo nyo sa math. Madaling araw na din yun kina Tin eh.
Diba Tin?" si Rey na
naman.
"Wow grabe. Matalino ka sa math? WEH. Maniwala." Natatawang sabi ni Bessie. Ang
kyot talaga nila ni
Rey.

"Hoy! Best in Math ako dati, kala mo." Tinaas pa ni Rey ang kamay niya.

Hihirit pa sana si Bessie pero tiningnan na sila ng masama ni Jeff. Magsosorry ba


sya sa'kin? Eh ako nga
yung dapat magsorry diba?

"Tsk. Basta, yung ginawa ko nung nakaraan. Hindi ako dapat nainis sa'yo."
Magsosorry na rin sana ako
nang bigla namang magsimula magdrums si Paul. Wow ang galing pala nya. Tapos si Rey
din tumugtog
na. Teka parang alam ko 'to. Jet Lag ng Simpleplan?

What time is it where you are?

WOOOH! Ang galing ng bubu ko!

I miss you more than anything

Back at home you feel so far

Waitin' for the phone to ring

Sinasabayan ko sya kumanta kahit nandito lang ako sa kwarto.

It's gettin' lonely livin' upside down

I don't even wanna be in this town

Tryin' to figure out the time zones makin' me crazy


You say good morning

When it's midnight

Going out of my head

Alone in this bed

I wake up to your sunset

And it's driving me mad

I miss you so bad

Miss na din kita bubu!

And my heart, heart, heart is so jetlagged

Heart, heart, heart is so jetlagged

Heart, heart, heart is so jetlagged

HUHU! Jet lagged na rin ang puso ko! Kaya sinasabayan ko na sya kumanta.

What time is it where you are?

Five more days and I'll be home

I keep your picture in my car


I hate the thought of you alone

Tapos tumitig sya sa'kin ng super super titig!

I've been keepin' busy all the time

Just to try to keep you off my mind

Tryin' to figure out the time zones makin' me crazy

You say good morning

When it's midnight

Going out of my head

Alone in this bed

I wake up to your sunset

And it's drivin' me mad

I miss you so bad

And my heart, heart, heart is so jetlagged

Heart, heart, heart is so jetlagged

Heart, heart, heart is so jetlagged


Is so jet lagged

I miss you so bad

I miss you so bad

I miss you so bad

I miss you so bad

I miss you so bad

MISS NA MISS NA MISS NA MISS NA MISS NA TALAGA KITA JEFF!

I wanna share your horizon

I miss you so bad

And see the same sunrising

I miss you so bad

Turn the hour hand back to when you were holding me.

Gusto kong ibalik! Nung nandito pa sya! HUHU NAIIYAK NA 'KO

You say good morning

When it's midnight

Going out of my head


Alone in this bed

I wake up to your sunset

And it's drivin' me mad

I miss when you say good morning

But it's midnight

Going out of my head

Alone in this bed

I wake up to your sunset

And it's drivin' me mad

I miss you so bad

And my heart, heart, heart is so jetlagged

Heart, heart, heart is so jetlagged

Heart, heart, heart is so jetlagged

Is so jetlagged
Is so jetlagged

Tapos bigla syang ngumiti. Yung malungkot na ngiti. Naman eh, tumulo na naman ang
mga luha ko. Jeff
umuwi ka na. Yung puso ko kasi, jet lagged na rin.

*******************************************
[39] ARAW
*******************************************
CHAPTER 38

ARAW

Nandito na ako sa airport ngayon. GAAHH. Dadating na si Bubu! Naiihi ako!

"Tin? Okay ka lang?"

"O-Okay lang ako Lucy. Salamat." Nandito na rin kasi ang girlfriend ni Paul. Pati
na rin yung iba pang mga
pamilya at asawa ng mga officemates ni Jeff. Pero ako pa rin ang pinakaunang
dumating sa airport!
Two hours before the flight pa ako nandito. Baka kasi maaga silang dumating diba.
Just in case!

"Pwede ko namang ireserve yung seat mo eh. Punta ka muna ng restroom." Ano ba yan,
halata ba
talagang naiihi ako?

"Hindi Lucy, okay lang talaga ako." Medyo nakahawak na kasi ako sa tyan ko. NAIIHI
NA KASI TALAGA
AKO. Seryosong naiihi. Pero kasiiii, baka mamaya dumating na si Jeff tapos hindi ko
sya masalubong.

Medyo naghintay pa kami dun hanggang sa inannounce na dumating na daw ang eroplano
galing
London. WAAAAAHHH. Mas lalo akong naiihi! Pero syempre pinigilam ko pa rin! Hindi
ako magpapatalo
sa ihi na ito!

Bakit ang tagal naman nila lumabas? AAAGGGHHH. Hindi ko na kaya!


"Sige na Tin, magCR ka muna habang wala pa sila." Ang galing naman ni Lucy.
Mindreader ba sya?

"Sige Lucy. Bibilisan ko lang. Sandali lang ha." Gusto ko sanang tumakbo papuntang
CR kaya lang mas
nakakaihi pala pag ganun. Kaya naglakad na lang ako ng namimilipit ang tyan. Huhu
dapat kasi kanina pa
ako pumunta.

Ay palaka. Saan nga ba ang comfort room dito? Nagtanong ako kay kuya guard at
tinuro nya pa ako sa
kabilang dulo ng building. Ang layo naman. Pero syempre binilisan ko maglakad.
Ayoko ngang dumating
si Jeff na walang sasalubong sa kanya!

Kaya lang bakit ganun. Pagdating ko pa sa CR, super haba ng pila! Lord. Mabait
naman po ako eh. Bakit
nyo pinaparusahan ang pantog ko? Pero syempre pumila pa rin ako. Naiihi na kasi
talaga ako.
Napakabagal pa umusad ng pila.

May plano na nga akong pumunta sa Men's CR at bahala na si batman, pero buti naman
at nakapasok
na ako sa cubicle dito! Whew! Grabeee. Ang sarap ng feeling nang nakaihi. Naghugas
na ako ng kamay
tapos tumakbo na ako pabalik dun sa pwesto ko. Unahan ng upuan sa waiting area yung
upuan ko.

Sana nandun pa yung upuan ko at nireserve ako ni Lucy! At pagdating ko nga, nandun
pa rin yung
upuan ko. Kaya lang para saan pa? Eh nakatayo na lahat ng tao at kausap na ang mga
hinihintay nila.
NAMAAAAAAN! Dumating na sila?! Bakit pa kasi ako umihi?

Asan si Jeff? Asan si Jeff? Nakisingit ako sa mga nagyayakapang pamilya. Ano ba
yan. Mas maaga pa
ako dumating sa kanila pero bakit ako yung late na sasalubong? Nakita kong
magkasama na si Lucy at
Paul. Mas maaga rin ako kay Lucy dumating ah! Ang unfair!!!

Naghanap-hanap pa ako ulit sa paligid. Asan ba si Jeff? Hindi kaya naiwan sya ng
eroplano sa London? O
nahulog sya ng eroplano while on the way? HINDI PWEDE!! HINDI AKO PAPAYAG-
Hanggang sa nakita ko na sya.

Nakatayo lang sya dun sa may walang masyadong tao. Hawak ang maleta nya habang
nililibot yung
paningin sa paligid. Tapos titingin dun sa cellphone nya. Tapos titingin ulit sa
paligid. WAAAAAH.
Nandito na ang Jeff ko!

At parang sa sine lang, nagslow motion ang lahat nang mapatingin sya sa'kin.
Tumigil na sya sa
paghahanap sa paligid, na para bang ako lang naman talaga ang hinahanap nya kanina
pa. Kinagat ko
ang dila ko. Wag kang iiyak Tin! Diba nga hindi ka iiyak!

Pero kasi naman si Jeff! Ngumiti sya bigla sa'kin! Eh minsan na nga lang yan
ngumiti tapos hindi ko pa
sya nakita nang matagal! Pinilit kong ngumiti rin sa kanya tapos nagsimula na ako
maglakad papalapit.
Hakbang nung una pero tumakbo na ako.

Nung malapit na ako sa kanya, tumalon ako para yakapin sya. Ewan ko ba, malakas
kasi ang tiwala ko na
sasaluhin naman nya ako. At tama naman talaga ang hinala ko. Niyakap nya rin ako.

"WAAAAH! Andito ka na Bubu! Andito ka na!"

"Tsk. Hindi ka dapat tumatalon. Pa'no kung di kita nasalo?"

"Eh alam ko namang sasaluhin mo ako eh! Tsaka miss na miss na miss na miss na
kitaaaa." Ngayon ko
lang ulit narinig ang boses nya na hindi galing sa skype! Niyakap ko sya ng
mahigpit na mahigpit na
mahigpit.

"Tsk. Dapat kasi nag-iingat." Sabi nya lang pero niyakap nya rin ako ng mahigpit.
Hehe. Namiss ko si
Jeff! Kaya lang bigla kong naalala.
"Bubu sorry nga pala ha. Kanina pa naman talaga ako nandito eh. Ang aga-aga ko nga.
Pero kasi naiihi
ako kaya ayun nagCR muna ako. Pinigilan ko naman talaga eh, kaya lang hindi ko na
talaga kaya."

"Mmm. Alam ko namang kahit anong mangyari, pupunta ka pa rin."

"Pupunta talaga ako Bubu! Nandun pa nga ako kanina sa unahan eh!" Ang daya talaga.
Dapat ako ang
unang sasalubong sa kanya. Hmph.

"Tsk. Bakit parang ang gaan mo." Nakayakap pa rin kasi ako sa kanya at buhat nya pa
rin ako.
Mayamaya binaba naman nya ako at tiningnan sa mukha. Tapos hinawakan ang mga pisngi
ko. Akala ko
naman kung anong gagawin nya pero pinisil at hinigit nya lang kasi.

"Ouch bubu. Yung pisngi ko." Bakit nya ba hinihigit-higit?

"Pumayat ka. Tsk."

"Hindi naman eh." Mabuti naman at tinigilan na nya ang pagpisil sa cheeks ko. Medyo
masakit din kasi .
"Ikaw nga dyan bubu, mukha kang pagod." Para kasing wala pa syang tulog.

"Ayos lang ako." Ayos lang daw eh obvious naman na pagod.

"Ah, alam ko na! Bibigyan na lang kita ng energizer Bubu."

"Tsk. Anong energizer-" Hinawakan ko sya sa mga balikat at tumingkayad ako. Tapos
pinaulanan ko ng
kisses ang kanang pisngi nya. Namula na naman ang tenga. Sigurado nahihiya na naman
sya pero hindi
naman nya ako pinipigilan. Hihi ang cute ni Bubu!

"Nakuw! Kaya naman pala gustung-gusto umuwi ni Boss e!" Napatingin naman ako sa
likod ko at nakita
si Rey na nakangisi. Katabi nya rin si Bessie na nakangiti.
"Tin!" Niyakap naman ako ni Bessie kaya niyakap ko rin sya. "Parang pumayat ka!"

"Ha? Hindi naman ah. Ikaw nga Bessie parang gumanda ka." Para kasing blooming sya
ngayon.

"Talaga? Salamat Tin! Kaya tayo nagkakasundo eh!"

"Bulag ka na Tin. Paano naging maganda yan eh ang taba-taba." Pang-aasar naman nito
ni Rey.

"Excuse me ha! Sexy kaya ako!"

"Oo nga. Sexy naman talaga si Bessie eh." Singit ko naman. Nginitian ako ng malaki
ni Bessie pero si Rey
naman pabiro akong tinignan ng masama. Tapos tumawa kami. Ang cute nilang dalawa!

"Kamusta Tin, ako gumwapo rin ba?"

"Oo naman Rey! Hiyang ka talaga sa London ah." Yayakapin ko sana sya pero kamay
lang nya yung
binigay sa'kin.

"Shake hands na lang. Katakot si Boss eh." Kinamayan ko naman sya habang nakatingin
sya kay Jeff.
Haha ang funny talaga ni Rey.

"Nakwento nyo na ba nung nagwala si Boss dahil nakipagpicnic sa Tin?" Bigla namang
dumating si Paul
na nakangiti habang nakaakbay kay Lucy. Nginitian ko naman silang dalawa.
Nakakamiss naman!

"Ay oo nga Tin! Akala nga namin kung ano na nangyari sa'yo. Nakipagpicnic ka lang
pala eh."
Nakangiting sabi ni Bessie
"Langya naman kasi 'to si Boss! Ang OA! Akala naman namin kung ano na- O chill lang
Boss! Ikaw naman
hindi mabiro." Umiwas naman si Rey sa maleta ni Bubu.

Napatingin naman ako kay Jeff. Nagwala ba sya nung nalaman nyang nakipagpicninc ako
kay Andrew?
Eh hindi ko naman sinasadya yun. At saka hindi naman picnic yun! Kumain lang ako ng
sandwich.

"Pati nung nagwala si Boss dahil nakatulog ka Tin, at hindi ka nya tuloy nakausap
sa Skype." Sabi ni Paul

"Hulk-mode nga si Boss buong araw nun eh!" Umiiling na sabi ni Bessie

"Di lang yan! Ayaw pa kumain at nakasimangot lang buong araw-" nakangisi naman si
Rey.

"TSK. Hindi ba kayo titigil?" Nagtawanan naman sila. Ako naman nagtataka.

Nakatulog kasi ako isang beses kaya hindi kami nakapag-usap ni Jeff sa Skype.
Nagsorry naman ako
pero sabi nya okay lang naman daw. Normal lang naman sya, at hindi naman mukhang
hulk-mode nung
nakausap ko. Pero bakit sabi nila Paul...

"Umuwi na tayo." Sabi naman sa'kin ni Jeff kaya tumango na lang ako.

"Oi Boss sama kami! Dun na kami maghapunan sa inyo. Miss na namin luto ni Tin
eh!"sabi ni Rey

"Tsk. Hindi pwede."

"Minsan lang naman Boss!" Lumapit si Bessie kay Jeff.

"Tsk. Dalawang buwan na tayo magkakasama. Hindi pwede."


"Okay lang naman Tin diba? Sa inyo na lang kami kakain?"lumapit naman si Paul sa
akin.

"Huh? Oo naman Paul."

"TSK." Tiningnan naman ako ng masama ni Jeff. Hala. Okay lang naman sa'kin talaga.
Pwede naman ako
magluto para sa madami.

"Pa'no ba yan Boss, pwede raw. Edi sama na kami nyan." Tumawa naman si Lucy sa
sinabi ni Paul. Ano
namang nakakatawa dun?

"Pwede ba akong sumama Tin?"

"Syempre naman Lucy." Mabait naman sya.

"HAIST!" Tapos naglakad na si Jeff. Hala galit ba sya? Sumunod na lang kami sa
kanya habang kinukulit
ako nila Bessie at Rey. Hmm, parang may something sa dalawang 'to. Maitanong nga
kay Anj.

Parang galit nga hata si Jeff. Kahit sa kotse hindi ako masyado kinakausap. Siguro
kasi kinakausap ako
ng todo nila Paul. Kaya syempre, hindi na sya makasingit para kausapin ako.
Pagdating sa bahay,
umakyat agad sya sa kwarto nya. Ako naman nagluto na. Gabi na rin kasi.

Tinulungan ako ni Bessie at Lucy. Sina Rey at Paul naman binuksan yung TV at nanood
hata ng
basketball. Nung nakapaghain na kami, tinawag ko na si Jeff para bumaba. Hmm,
parang hindi nya pa
rin ako pinapansin. Kahit ang ingay sa table tahimik lang sya. Kaya syempre dapat
bumawi ako.

"Ito Bubu, kumain ka nito ng madami ah. Rich in vitamins ang mga gulay." Nilagyan
ko sya ng madaming
chopsuey sa plate nya.
"Tsk. Hindi ko mauubos yan."

"Kaya mo yan Bubu. Dapat madami kang kainin kasi lagi ka nang pagod sa trabaho eh."

"Ikaw ang dapat kumain. Ang payat mo." Tapos nilagay nya sa plate ko ang ibang
nilagay ko sa plate
nya. Actually parang ang dami nga ng nilagay nya.

"Eh bubu, baka ako naman yung hindi makaubos nyan."

"Tsk. Ubusin mo yan. Hindi ka dapat magkasakit."

"Pero hindi naman ako magkakasakit eh."

"Hindi talaga. Hindi ko hahayaan."

Silence. Natouch kasi ako sa sinabi ni Jeff. Ang sweet nya! Kaya lang bakit
napatahimik din ang lahat?
Tiningnan ko ang mga tao sa lamesa at lahat sila nag-iwas ng tingin sa'kin. Pero
lahat din sila nakangiti.

"Gumaganun na ngayon si boy pick-up!" Hinampas naman ni Bessie ang braso ni Rey.

"Wag ka nga maingay. Panira ka ng moment."

"O ito Lucypie, kain ka ng madami ha. Ayoko magkasakit ka." Sabi naman ni Paul
habang nilalagyan din
ng chopsuey yung plato ni Lucy. Tawa lang naman ng tawa si Lucy.

"TSK. UMALIS NA NGA KAYO!" Hala si Jeff! Todo namumula ang tenga.

"Di pa nga kami tapos kumain Boss!" sabi ni Bessie


"Masyado kasing hayok si boy pick-up na masolo si Neneng B!"Tumatawa naman tong si
Rey ng wagas.

Wagas din tumawa si Paul. "Benta yun pare!" Nag-apir pa sila ni Paul.

"BILISAN NYO NA NGA KUMAIN! TAPOS UMALIS NA KAYO! HAIST!" Hala si Jeff. Naninigaw
na. Pero
hindi pa rin maawat ang pagtatawanan ng madlang people.

Nung medyo tapos na kami kumain, bigla ko naman naalala na nagbake nga pala ako ng
cake kaninang
umaga. Alam ko kasing dadating na si Jeff kaya nagprepare talaga ako!

"Gusto nyo ba ng cake? Meron akong ginawa dyan."

"Yun o! Ayos yan Tin! Gustung-gusto ko yan!" Sabi naman ni Rey. Tapos nag-agree din
yung iba.

"Ah okay. Sige wait lang, kunin ko sa ref-" Tatayo na sana ako pero hinigit ni Jeff
yung arm ko kaya
napaupo na lang ulit ako.

"Tsk. Uuwi na sila."

"Kakain pa kami ng cake, boss. Diba Tin?" Sabi ni Paul habang nakangiti.

"Huh? Ah oo naman. Kukunin ko na nga sana sa ref eh." Sabi ko habang nakatingin kay
Jeff. Pwedeng
pakitanggal yung hawak nya sa'kin? Kukunin ko yung cake. Ayaw nya pa rin kasi ako
paalisin.

"Bibilhan ko na lang kayo ng cake bukas. Tsk. Lumayas na kayo."

"Gusto namin kumain na ngayon ng cake, boss." Nakangisi pa si Rey.


"TSK. Hindi nga pwede. Aalis na kayo."

"Hmm. Dito na lang kaya ako matulog. Parang ang porma kasi ng bahay mo boss. Okay
lang naman Tin
diba?" nakangisi naman tong si Paul

"Huh? S-Sige. Okay lang naman." May extra room naman kami dyan. Kaya lang si Jeff.
Parang nagiging
hulk na talaga! Ang sama na ng tingin kay Paul.

"Ui tama na nga yan! Wag nyo na asarin si Boss." Sabi ni Bessie tapos tumayo na.
"Halika Tin, tulungan
na kita magligpit. Tapos alis na kami pagkatapos."

"Alis na agad? Dito muna tayo!" sabi ni Rey

"Ayoko nga. Lumalabas na pangil ni boss o. Baka mangagat na yan mamaya."

Tinulungan din kami ni Lucy sa pagliligpit. Yung mga lalake naman naiwan sa sala.
Para ngang may
naririnig akong ingay sa living room, pero sabi nila Bessie wag ko na lang daw
pansinin. Hindi naman
siguro sila magkakasakitan diba?

Nang matapos, hinatid na namin sila sa pinto. Ayaw pa nga rin umuwi nina Rey at
Paul.

"Dito na lang din kaya ako matulog. Ayos lang naman Tin diba?"

"Okay lang din naman Rey. Tabi na lang kayo ni Paul sa kwarto."

"Yun naman pala eh! Tara Rey pare, dito muna tayo-"

"TSK. UMALIS NA KAYO! ALIS!" Tinulak-tulak sila ni Jeff palabas ng pinto. Sina
Bessie kasi kanina pa
nasa labas. Nagbabye ako sa kanila then at last, napalabas din sila ni Jeff.
Narinig ko pa nga silang
nagtawanan. Nagbuntung-hininga naman si Jeff nung nakalabas na sila.

"Jeff? Okay ka lang?" Tumingin naman sya sa'kin nang parang naiinis.

"Tsk. Bakit ba ganyan ka?"

"Huh?"

"Haist!" Sabi nya lang tapos tumalikod na at umupo dun sa sofa. Binuksan nya ang TV
at naglipat-lipat
ng channel. Sinundan ko naman sya at umupo sa tabi nya. Bakit ba sya naiinis?

"Uy bubu. Sorry na. Wag ka na magalit." Hmm. Bakit ba sya nagagalit?

"Tsk." Naglipat-lipat lang sya ng channel. Hindi ako pinapansin.

"Sorry na o. Wag ka na mainis." Pero ano ba kasing ginawa ko? Kinukulit ko sya pero
hindi naman nya
ako kinakausap. Hala naman si Jeff. Kakauwi pa lang nya, magkaaway na agad kami?
Inagaw ko ang
remote at pinatay ko yung TV. Bakit kasi mas gusto nya pang tingnan yung TV?

"Tsk! Bakit mo pinatay?" Ayan! Nakatingin na sya sa'kin! Yes!

"Eh bakit hindi mo kasi ako kinakausap?"

"Akin na nga yang remote!"

"Ayoko nga. Sabihin mo muna kung bakit ka galit."

"HINDI AKO GALIT! TSK!"


"Eh bakit ka nakasigaw kung hindi ka galit?"

"HINDI AKO NAKASIGAW! HAIST!"

"Hindi daw."

"WAG MO NA NGA AKO KAUSAPIN! AYAW MO NAMAN AKONG MAKASAMA DIBA?! TSK!" Tapos nag-
iwas sya ng tingin at nagcross arms. Tampururot!

"Sino ba kasing nagsabi na ayaw kitang makasama?"

"TSK!" Hindi pa rin sya nakatingin sa'kin. Hmm. Kahit anong isip ko, wala naman
akong sinabi na hindi ko
sya gusto makasama diba? Ito talaga si Jeff. Pinoke ko naman sya sa arm.

"Sorry na Bubu. Wag ka na magtampo." Sinundot sundot ko lang siya.

"Wag ka nga magulo!"

"Sorry na kasi. Wag ka na magalit. Gusto naman talaga kita makasama eh." Poke lang
ako ng poke..

"Tsk. Wag mo nga ako tusukin."

"O sige hindi na. Basta wag ka na din magalit. Ha? Ha? Bubu, wag ka na
magtampoooo." Kinulit-kulit ko
pa sya at parang mukhang hindi na sya masyadong naiinis. Tumitingin na rin sya
sa'kin. "Hindi ka na galit
diba? Diba bubu? Diba?"

"Pag-iisipan ko muna."

"Wag mo na pag-isipan Bubu! Bati na tayo. Bati na tayo, okay? Yieee. Ngingiti na
yan. Ngingiti na."
"Tumigil ka nga." Pero parang pangiti na sya o!

"Ang gwapo talaga ng bubu ko! Lalo na pag nakangiti. Dali, smile na! Yieee, smile
na! Ngingiti na yan!
Yun o! Ngumiti na! Yieee."

"Tsk. Hindi ako ngumiti."

"Woooh. Hindi raw. Nakita ko yung ngipin mo eh! Ibig sabihin nagsmile ka."

"Hindi nga!" Ito talaga si jeff. Masyado defensive.

"O sige na, hindi na po. Pero bati na tayo diba?"

"Hindi rin."

"Hala! Ngumiti ka na naman Bubu eh. Ibig sabihin hindi ka na galit. Tsaka nagsorry
na naman ako diba?"

"Kulang pa."

"Kulang pa yung sorry ko?" Ilan ba gusto nya?

"Energizer. Kulang pa ng energizer."

"Ehh?" Energizer? Tumingin naman sya sa'kin. Tapos nag-iwas ng tingin.

"TSK! Wag na nga!"

"Huh? Teka bakit ano ba yun bubu- Ah! Energizer! Gusto mo ng energizer??" Nako.
Energizer lang pala
eh! Kaya pala namumula ang tenga. Pabor yan sa'kin! Madami akong baon na halik
dito!

"Wag na. Ayoko na pala."

"Ah, okay." Pabago-bago naman sya ng isip. Tiningnan naman nya 'ko ng masama.

"Tsk. Naniwala ka agad na ayoko nga?!"

"Ummm, bakit gusto mo ba?" Sabi nya ayaw nya pero gusto nya naman pala. Ano ba yan
ang gulo.

"WAG NA NGA! HAIST-" Kiniss ko sya sa cheek. Patayo na sya kasi kanina sa upuan.
Pero ngayon
mukhang wala naman syang balak tumayo.

"Ayaw mo ba talaga bubu?" Nakangiti kong sabi sa kanya. Ang cute kasi nya. Namumula
yung tenga.
"Pa'no ba yan, silence means yes eh. Kaya bibigyan na lang kita ng madaming-
madaming energizer!"

Naglean ako sa kanya dahil hahalikan ko na sya sa cheek. Pero ang bilis ng mga
pangyayari. Bigla naman
kasi syang humarap sa'kin kaya sa lips ko sya nahalikan. Pero biglang nag-iwas
naman sya agad ng
tingin.

"Sinasadya mo ba yun?"

Hala! "Ui bubu hindi ko sinasadya yun ah! Ikaw kasi bigla kang lumingon eh." Sa
lips ko tuloy sya
nahalikan. Hindi naman sa nagrereklamo ako. Pero kasi baka isipin nya na taking
advantage ako! Pero
sabagay, taking advantage talaga ako.

"Fine. Ulitin mo na lang." Hahalikan ko na sana sya ulit sa pisngi, pero bigla ulit
syang lumingon.
Nagtama na naman tuloy ang mga labi namin.
"Tsk. Sinasadya mo talaga."

"Ikaw naman yung lumilingon Bubu eh! Hindi ko yun kasalanan!"

"Hindi ako lumilingon." Hindi raw! Kiniss ko ulit sya pisngi pero tingnan nyo!
Lumingon sya ulit! Kaya
nahalikan ko ulit sya lips nya. Hindi ko naman talaga yun sinasadya!

"O tingnan mo Bubu! Ikaw talaga yung nananadya...." Hay nako. Kung ganito lang din
naman ang gusto
nyang mangyari, edi sana kanina pa nya sinabi. Namiss ko ang kiss ng Bubu ko!
Napapikit naman ako sa
ginawa nya. Hinahalikan na kasi nya ako sa mga labi.

Kaya lang grabe. Nagsisimula pa lang kami, hindi na ako agad makahinga. Kung
makahalik naman kasi si
Jeff parang wala ng bukas! Hindi naman sa nagrereklamo ako ulit ha. Pero pwedeng
time first lang?
Hindi kasi ako makahinga.

"Jeff sandal " Dahan-dahan ko naman syang tinulak ng konti kaya napatigil sya.
Tumingin naman sya sa
mga mata ko.

"Bakit?"

"Umm... kasi... ano eh..." Paano ko naman sasabihin na hindi ako makahinga sa halik
nya kaya dapat
dahan-dahan lang? Eh ang lapit pa nga ng mukha nya sa'kin. Paano ko na lang yun
sasabihin?? Kumunot
naman yung mga kilay nya.

"Ayaw mo bang halikan kita?"

"Huh? Hindi ah! Gustung gusto ko nga eh- wahh!" Bigla naman akong hiniga ni Jeff
dun sa sofa. Ito na
naman po ang puso ko, todo tibok na naman. Ang lapit naman kasi ni Jeff.
"Tsk. Kung ganun, halikan mo na lang din ako." Ilalapit na naman sana nya sa'kin
ang mga labi nya pero
pinigilan ko ulit s'ya.

"Uhm, ano kasi Jeff eh. Wait lang."

"Bakit na naman ba? Tsk." Naku naman. Naiinis na ba sya.

"Kasi bubu... ano kasi eh." Ano ba yan. Nahihiya naman ako sa kanya. Nakatingin
lang kasi sya sa'kin eh.
Paano ko ba 'to sasabihin?

"Ano nga?!" Patay. Naiinis na nga. Pinikit ko ang mga mata ko.

"Kasi Jeff, pwedeng dahan-dahan lang? Nauubusan kasi ako ng hininga eh." Nakapikit
pa rin ako.
Nahihiya kasi ako sa kanya. Ano ba yan.

"Pfft." Teka nga. Pinagtatawanan ba nya ako? Minulat ko naman ang mga mata ko.
Nagpipigil nga sya
ng ngiti. Hmmpphhh. Ang hirap kaya sabihin nun!

"Ikaw Bubu ha! Bakit ka tumatawa?" Mukha namang pinipigilan nya ang sarili nyang
ngumiti.

"Hindi ako tumatawa."

"Anong hindi. Pinagtatawanan mo ata ako eh!" Ito talaga si Jeff! Eh hindi naman
talaga ako makahinga
kanina!

"Sorry. Namiss kasi kita." Hinalikan naman nya ako sa noo. Sa ilong. At nang sa mga
labi na, hindi ko na
sya pinigilan. Misan lang magsorry si Jeff! Minsan lang din magbitiw ng mga
matatamis na salita.
Makakatanggi pa ako nyan?
Pero infairness naman, dahan-dahan na ang paghalik nya sa'kin ngayon. Kaya mas feel
na feel ko
naman. Pinikit ko na ang mga mata ko and I started responding to his kisses. Miss
na miss ko talaga si
Jeff. Please please please. Wag na syang umalis ever. Hindi ko kaya na wala sya-

Bigla namang tumunog ang door bell.

Ehh? Napabukas naman ang mga mata ko. Gabi na ah. Sino pa kaya ang dadalaw sa amin?

Grabe naman ang pagdodoorbell! Pero si Jeff parang wala pa ring naririnig.
Hinahalikan pa rin nya kasi
ako. Pero patuloy pa rin yung pagtunog ng doorbell. Mayamaya pa, hinahalikan na nya
ako sa leeg. Hala
naman! Pero kasi may bisita kami eh!

"Bubu..."

"Hmm?" Patuloy pa rin sya sa paghalik sa leeg ako. Naman.

"Uhm, w-wala ka bang naririnig?" Todo doorbell na kasi yung tao sa labas.

"Wag mo na yun pansinin." Tapos hinalikan nya ako ulit sa mga labi. Wag kang ganyan
Jeff! Hindi ko na
talaga yan papansinin pag nagkataon! Napapikit na ulit ang mga mata ko kaya lang
biglang tumunog ang
phone.

"Jeff sandali lang."

"Tsk. Ano na naman?"

"Y-Yung phone kasi eh. T-Tapos may nagdodoorbell pa. Baka importante." Please Jeff.
Wag mo na ako
halikan ulit. Makakalimutan ko na naman ang mga kailangang gawin. Buti na lang
tumayo na sya at
nagpunas ng mukha. Umupo naman ako ulit sa sofa.
"Haist! Bakit ba ang daming asungot?!" Pero pumunta pa rin sya dun sa telepono at
sinagot nya.
Medyo lumulutang pa rin ako kaya inayos-ayos ko muna ang buhok ko habang naglalakad
papunta sa
pinto. Panigurado namumula pa rin ako nito eh!

"Hay. Ang tagal Teeny Weeny ha."

"Anj? Kev? Bakit andito kayo?"

"Manininggil." Sabi ni Kev sa phone nya tapos binaba nya ito at kinindatan ako.

"Sakto talaga tayo babe ng dating. Namumula pa si tin o."

"Pasensya ka na Tin. Hindi naman talaga kami sa'yo gumaganti." Kumindat pa siya.

"Huh?" Ano bang sinasabi ng dalawang 'to?

"Tsk. Sinasabi ko na nga ba." Nasa likod ko na pala si Jeff. Pinapasok na namin
sila at pinakain ko sila
nung cake ko. Si Jeff mukhang badtrip pa rin. Sorry bubu! Mayamaya, hinila naman
ako sa kusina ni Anj
at naiwan naman sina Jeff at Kev. Sabi kasi ni Anj, iwan daw muna sila.

"Psst Teeny Weeny. Anong kalandian ang ginagawa nyo kanina ni jeff? Ikeee!"

"Ui Anj! Wala kaming ginagawa ah! Ikaw kung anu-ano iniisip mo."

"Ahsus! Humahaba na ilong mo o!"

Hinawakan ko naman bigla ang ilong ko. "Hindi naman humahaba ah- Aray!" Ano ba yan
si Anj,
nambabatok na naman!
"Hay nako Tin! Ang gulo mo talaga kausap!"

"Hindi naman. Ui ano Anj, kamusta na si Kevin Jr? Lumalaki na yung tyan mo!!!"
Hinawak-hawakan ko
naman yung tyan nya. May umbok na!!!!

"Hoy ah! Hindi Kevin Jr pangalan nyan. Over my sexy body."

"Naks! Ikaw na Anj ang sexy. Ikaw na talaga!"

Mayamaya, lumabas na rin kami dun sa dalawang lalake. Si Jeff badtrip pa rin yung
itsura. Si Kev naman
nakangisi. Ang saya masyado ah.

"Bakit ang laki ng ngiti mo Kev?"

"Syempre! Nakasingil na 'ko eh. Ang hirap din bantayan ng mga dyosa." Kumindat pa
siya.

"Tsk."

"Oi yung akin? Asan na?" Huh? Pati si Anj din? May nilabas naman na malaking paper
bag si Jeff. Tapos
binigay kay Anj. "Ayan. Magkakasundo tayo pag ganyan ka lagi Jeff." At ang saya
nila ulit dalawa ni Kev.
Ano bang meron?

Ayun, kwento-kwentuhan. Tapos umalis na rin silang dalawa mayamaya. Pero nag-iisip
pa rin kasi ako.
Bakit si Anj at Kev may pasalubong galing kay Jeff? Eh ako wala. Ang daya naman!

"Bakit ang tahimik mo?"

"Huh? Hindi wala naman bubu." Pumunta sya sa ref para kumuha ng tubig. Ako naman
umupo sa
dining room. HMMM. Hindi kaya nakalimutan nya lang ako bigyan ng pasalubong? Baka
may binili
naman talaga sya, pero nakalimutan nya lang ibigay!

"Pagod ka na? Gusto mo na magpahinga?" Tanong nya sa'kin habang umiinom ng tubig.

"Huh? Okay lang ako Jeff." Ano, itatanong ko na ba? Goraaaa. "Uhm, bubu? Meron ka
bang
nakalimutan?"

"Hmm?"

"Alam mo na. Since nagpunta ka sa London. Wala ka bang nakalimutan?"

Nakakunot naman ang noo nya habang nakatingin sa'kin. Halaaaaa! Wala ba talaga
syang pasalubong
para sa'kin? Eh bakit sina Kev at Anj meron. Tapos ako wala. Ganyan ka Jeff! Tumayo
ako at
magdadrama na lang sa kwarto. Ang unfair, bakit wala akong pasalubong.

Binaba naman nya ang baso nya tapos hinawakan ako sa arm para pigilan ako umalis.
"May nagawa ba
ako?" Hindi nya ba talaga alam? Nagpout ako.

"Ganyan ka Jeff. Ang unfair mo talaga!"

"Tsk. Bakit ba? Anong ginawa ko?"

"Hindi mo talaga alam? Nakakainis ka naman bubu eh!" Tinanggal ko ang kamay nya sa
arm ko. Pero
hinawakan nya ulit.

"Bakit ka ba galit?"

"Wala kasi akong pasalubong eh! Wala ka man lang binili para sa'kin. Tapos sina Anj
at Kev, meron. Ang
daya mo naman Bubu!" Nagpout ako ulit. Naman eh!
"Sino bang nagsabi na wala akong pasalubong sa'yo?!"

Nanlaki naman yung mga mata ko. Tapos ngumiti ng napakalaki! "Talaga? Ibig sabihin
may pasalubong
ka din sa'kin Bubu?? WAAAHHHH. Akin na, akin na!"

"Tsk. Mamaya na lang."

"Ngayon na lang!! Yung kina Anj nga binigay muna eh."

"Bag at sapatos lang naman kasi ang pinabili ni Anj."

"Eh yung kay Kev?"

"Ginto."

"Huh? Binigyan mo sya ng ginto??" Ang yaman naman ni Jeff.

"Tsk. Ninakaw daw kasi ng holdaper."

"Ehh?"

"Wala. Tsk. Basta mamaya ko na lang ibibigay yung sa'yo."

"Ano ba yan, pabitin ka naman bubu eh! Ayaw mo ba talaga ibigay ngayon?" Pinikit-
pikit ko naman ang
mga mata ko. Ayan Jeff ha, nagpapacute na ako. Pleaseeee.

"Hindi mo ako madadaan sa ganyan."

"Pleaseeeeeee." Nagpout pa ako.


"Tsk. Hindi ako naapektuhan." Hindi raw. Eh bakit namumula yung tenga nya? Lumapit
naman ako sa
kanya at pinatong ko ang mga kamay ko sa dibdib nya. Nakita kong ginawa 'to ni Anj
dati kay Kev.
Effective kaya? Parang hindi na kasi sya humihinga.

"Ibigay mo na Jeff. Sige na naman o." Sabi ko sa malambing na boses. Pinulupot ko


rin yung mga kamay
ko sa leeg nya. Iniwas naman nya ang ulo nya sa'kin. Hindi ba talaga effective?

"Lumayo ka nga." Ayoko nga. At saka hindi naman nya ako nilalayo sa kanya.

Nilapit ko ang bibig ko sa tenga nya. Tapos bumulong. "Sige na bubu. Ibigay mo na
sa'kin yung
pasalubong ko. Please?"

"TSK! Gumagaling ka na."

"Huh?" Anong gumagaling? Sa pagapacute ba? Gumagaling na ba ako sa pagpapacute?


Mukhang oo.
Hinawakan nya rin kasi ako sa bewang tapos nilapit sa kanya ng sobrang lapit.

"Ikaw nagsimula nito. Kaya wag mong sasabihing dahan-dahan lang."

"Ehh? Ano bang-" Hinalikan na naman nya ako. Ano ba yaaaaan. Everytime ginagawa nya
yan,
lumalambot ang mga tuhod ko at nawawala sa wisyo. Hindi pwede. Kailangan ko pa
makuha ang
pasalubong ko! Nilayo ko naman ang ulo ko.

"Ops bubu!"

"Tsk. Ano na naman?!" Galit agad?

"Ibigay mo kasi muna sa'kin yung pasalubong ko. Sige na, sige na." Excited na
talaga kasi ako eh! Ano
kayang ibibigay nya sa'kin? Bag? Damit? Chocolate? Waaa. Kahit nga keychain lang
yan, excited pa rin
ako! Galing kay Jeff eh.

"Haist! Alam mo bang kailangan ng mga lalake ng tyempo?! Tsk. Halika na nga!
Kukunin ko!" At hinigit
naman nya ako paakyat. Wow! Ibibigay na nga nya! Pinapasok naman muna nya ako sa
kwarto ko, kasi
kukunin lang daw nya sa mga gamit nya yung pasalubong ko. Waaa. Ako na ang excited!

Habang hinihintay ko sya, nagshower muna ako at nag-ayos ng sarili. Alam nyo naman!
Panigurado
dapat i-kiss ko yun kapag binigay nya na sa'kin yung pasalubong ko. Yehey!
Binilisan ko lang naman
magshower tapos nagpalit ng pantulog. Nagtoothbrush na rin.

Paglabas ko nga lang ng CR, nakita kong nakaupo na si Jeff sa kama ko. Kaya lang
mukhang
nakasimangot sya habang nakatulala. Hala may nangyari ba sa pasalubong ko? Hindi
naman nya naiwan
diba? Hindi pwede.

Lumapit naman ako sa kanya. "Bubu? Nasa'yo pa rin naman yung pasalubong ko diba?
Hindi mo naman
nawala diba?" Pero bakit kasi wala syang hawak na paper bag? Nawala nga hata nya.

"Hindi ko nawala." Salamat naman! Kaya lang bakit parang malungkot pa rin sya?
Tapos nakatulala pa
rin. Tiningnan ko naman kung saan sya nakatitig and BOOM! IT BECAME KOKO CRUNCH!
Joke lang!
pero seryoso nagpanic ako.

Kasi naman eh. Nakatingin sya dun sa vase sa bedside table ko. Eh nakalagay dun sa
vase ang flowers
na pinadala sa'kin ni Andrew mula sa garden nila. Hala naman! Bakit ba hindi ko yan
tinanggal bago
dumating si Jeff! Nakita pa tuloy nya!

"Uhm, Jeff. Hindi ko naman dapat ilalagay sa vase yan eh. Pero kasi diba, wala
namang kasalanan yung
flowers. Naawa naman ako sa kanila. Hindi ko naman sila gusto kunin, pero kasi
ayoko namang iwan sila
sa tapat lang ng pinto-"
"Yung phone mo."

"Ehh?" Tumingin naman sya sa'kin.

"Tumutunog yung phone mo."Ay oo nga. Tumutunog nga. Todo explain kasi ako.

"S-Sige wait lang." Kinuha ko naman ang phone ko sa bag.

Calling: Tita Mariel.

Bakit naman ako tinatawagan ng mommy ni Andrew? Tumingin muna ako kay Jeff na
nakatitig pa din
dun sa vase. Dapat magsorry ako sa kanya mamaya. Sinagot ko muna ang cellphone ko.

"Hello po tita?"

"Tin iha. How are you? Namimiss ka na namin dito sa bahay."

"Ah, salamat po tita. Okay naman po ako." Pumunta muna ako dun sa may bintana at
dumungaw
palabas. Tahimik na ang street namin. Panigurado natutulog na ang mga kapitbahay.
"Bakit nga po pala
kaya napatawag?"

"Nothing much iha. I just want to ask about the painting? Natapos mo na ba?"

"Ah, opo tapos na po. Ipapadala ko na lang po sa inyo."

"Okay Tin. Ipadala mo na lang dito. Ah wait, Andrew will pick it up na lang daw.
Pupuntahan ka na lang
daw nya tomorrow?"

"Eh?" Bakit naman kukunin pa nya? Pwede ko namang ipadala na lang.


"Hello Tin?"

"Andrew?" Hala. Bakit binigay ni tita Mariel yung phone sa kanya?

"I'll pick the painting na lang from your shop tomorrow. Okay lang ba?"

Actually ayoko. Baka kasi magalit pa si Jeff. "Pwede ko namang ipadala na lang
Andrew eh. Hindi mo na
kailangan kunin pa ng personal."

"No, it's okay. Gusto ko rin sana sa'yo ibigay yung flowers eh. Ang dami na kasi
ulit flowers na tumubo
dito sa garden."

Ayoko rin nung mga flowers nya. Magagalit din si Jeff. "Wag na Andrew, okay lang
naman eh."

"Sige na. I insist. I will treat you for lunch if pumayag ka. Pwede kong kunin yung
painting tapos
maglunch muna tayo bago ako umalis. What do you think? .... Tin? Hello? ....
Nandyan ka pa?"

Nandito pa ako. Pero hindi nga lang makapagsalita. Kasi naman. May kinabit na
necklace sa akin si Jeff.
Tapos niyakap nya pa ako mula sa likod at pinatong ang baba nya sa balikat ko.
Binaba ko na lang tuloy
ang phone. Sorry Andrew. Hinawakan ko naman ang kwintas ko. May pendant syang hugis
araw.

"Nagustuhan mo ba?" Nagustuhan? Nagustuhan?! Eh hindi na nga ako makapagsalita dito


dahil sa
sobrang touched eh. Ang sweet talaga ni Jeff. Ang ganda ng pasalubong nya sa'kin.

"Syempre naman. Ang ganda." Hinahawakan ko pa rin yung pendant. Ito ang unang
regalo sa'kin ni
Jeff. Napakaprecious nito para sa'kin. Naramdaman ko namang humigpit ang yakap nya.
"Alam mo ba kung bakit araw?"

"Hmm?" Yung pendant ba? Oo nga 'no, bakit nga ba may pendant na hugis araw yung
binigay nya
sa'kin. Siguro kasi amoy araw ako? Hindi naman siguro! Mabango naman ako ah.

"Nung nasa London ako, naalala ko ulit kung paano ako namuhay nung hindi ka pa
dumadating. Naalala
ko ulit kung gaano kalungkot, kung gaano kadilim ang buhay ko. Buti na lang
dumating ka. Para kang
araw na nagbigay ng liwanag sa akin."

AWWWW. Yun ang pinakasweet na sinabi sa akin ni Jeff sa tanang buhay ko!. Ang sweet
nya naman!
Alam kong mahirap sabihin para sa kanya yun. Yan pa, eh nahihirapan yan lagi
sabihin kung anong
nararamdaman nya. Magsorry nga lang nahihiya na yan.

Pero hindi ako makapaniwala. Yung taong dati pinapangarap ko lang. Yung taong dati
tinitingnan ko
lang sa malayo. Pero ngayon, sinasabi sa'kin na masaya sya at dumating ako sa buhay
nya? Hinawakan
ko rin ang arms nyang nakapulupot sa bewang ko.

"Thank you bubu. Basta kung ako ang araw, ikaw naman ang...." Hmm, ano nga ba?

"Ang ano?"

"Umm, ikaw pa din si Jeff." Yung masungit, seloso, pero napakasweet kong si Bubu.
Dapat hindi sya
magbago.

"Tsk. Bakit naman?"

"Dapat ikaw pa rin si Jeff. Para may dahilan sumikat ang araw everyday. Kasi kung
wala ka, edi magiging
matamlay yung araw."

Naramdaman kong parang ngumiti sya. Tapos humigpit pa lalo yung yakap nya sa'kin.
Grabe.
Pakiramdam ko, kahit ano pang mangyari sa amin in the future, hinding-hindi ko
makakalimutan ang
sandaling ito. Kung pwede patigilin ang oras, dito ko ititigil. At kung
makakaimbento naman ng time
machine in the future, sa sandaling ito gusto ko bumalik.

Nagyakapan lang kami habang nakatingin sa bintana. Pero mayamaya, naramdaman kong
hinahalikan
na ni Jeff yung balikat ko. Yung leeg ko. Hanggang sa hinarap na nya ako sa kanya
para halikan sa mga
labi. Feel na feel kong namiss nya talaga ako. At sana, maramdaman din nya sa mga
halik ko na miss na
miss na miss ko rin sya.

Binuhat na nya pala ako at hinalikan sa kama. At nangyari ang pag-iisa namin ni
Jeff. Masaya ako dahil
siya pa rin ang bubu ko. Masaya ako dahil nandyan siya. Masayang masaya ako at
kuntento na ako
kung anong meron ako-kami.

Kinabukasan, nagising pa ako ng nakangiti. Pinakauna ko kasing nakita ang vase sa


bedside table ko.
Pero ngayon, hindi na mga flowers galing kay Andrew yung nakalagay, kundi mga
pulang rosas na.

Ang saya dahil dito alam kong magiging maayos kami kahit anong pagsubok ang
dumating sa amin.
Alam kong kakayanin naming tong dalawa ni Jeff.

*******************************************
[40] FIVE ROSES
*******************************************
CHAPTER 39

FIVE ROSES

Malapit na ang birthday ni Jeff. Hindi ko pa rin alam kung anong ireregalo ko. O
gagawin ko para
magcelebrate. Kasi naman, 'yung isang beses na nagbirthday siya, hindi pa niya ako
pinapansin nun.
Pero ngayon, dapat bongga na ang paghahanda. Syempre gusto ko special. Pero wala
naman akong
idea kung anong gagawin.
Tumingin ako kay Anj na kanina pa tinititigan ang sarili niya sa malaking salamin.
Nandito nga pala ako sa
bahay niya, nagsesearch ng ideas sa google habang nakadapa sa kama niya. Dito na
lang daw muna ako
habang may inaasikaso pa si Jeff sa opisina. Susunduin na lang daw niya ako mamaya.

"Ui Anj. May tatanong sana ako sa'yo eh."

"Halika dito Teeny Weeny."

"Ehh?"

"Halika dito, bilis!" Naglakad naman ako papunta sa kanya. Ano bang meron? Hinigit
niya ako sa gilid
niya kaya pareho na kaming nakaharap ngayon sa salamin.

"Ano ba talagang meron Anj? Bakit tayo nakaharap sa salamin?"

"Alam mo Tin, ang payat mo. Hindi ako yung mataba. Ikaw lang talaga yung payat."

"Huh?" Ano bang sinasabi nito? Humarap naman sya sa'kin.

"Ang sabi ko, payat ka lang ba talaga? O mataba na talaga ako?" Tapos tumingin ulit
sya sa salamin at
tiningnan ang sarili nya. Humawak-hawak pa sya sa tyan nya. "Hoy ano na Tin! Mataba
ba ako or
what?"

Pinagmasdan ko tuloy sya. Ang bilis talaga ng panahon. Malaki na ang tyan ni Anj. 7
months na hata.
Kaya nga minsan hindi na sya pinapapasok ni Kev sa shop eh. Hmmm. "Mataba ka na
talaga Anj." Pero
normal lang naman Hata sa buntis yun? Syempre tataba ka talaga kasi magkakaanak na.

Tiningnan naman nya ako ng masama. "Ewan ko ba Tin kung dapat akong matuwa sa
honesty mo.
Hmmpph." Tapos nagmartsa sya palabas ng kwarto. Naku po! Ang matampuhin na talaga
ni Anj.
Sinundan ko naman sya sa kusina.

"Ui Anj. Okay lang naman maging mataba eh. Buntis ka naman kaya normal lang yan."

Nakasimangot pa rin sya sa'kin. "Ganyan ka na magpagaan ng loob? Che, ewan ko sa'yo
Tin." Tapos
humarap sya sa refrigerator at nilabas ang mga prutas na dinala ko. "O ito na sa'yo
na yan. Wag ka na
magdadala nyan! Nakakataba lang yan leche."

Hala naman si Anj! Ganito ba talaga ang mga buntis? Ang bilis magtampo. Niyakap
-yakap ko tuloy sya.
"Sorry na Anj wag ka na magtampo. Sige ka malulungkot nyan si Kevin Jr." Hinimas-
himas ko naman
yung tyan nya.

"Tigilan mo 'ko Teeny Weeny. Idadamay pa ang anak ko? AT pwede, hindi Kevin Jr
pangalan nyan!
Babae yan 'no!"

"Opo sige na. Babae yan." Niyakap-yakap ko pa rin sya. "Alam mo Anj, wag ka na
mainsecure. Ikaw
kaya ang pinakamagandang buntis sa balat ng lupa! Tsaka hindi ka pala mataba. Sexy
ka kaya!"

Nagroll eyes naman sya. Pero ngumiti na rin. "Utot mo. Kanina lang sinasabi mong
mataba ako tas
ngayon sexy agad? Makapagsinunggaling naman 'to!"

"Hindi ako nagsisinunggaling ah! Sexy ka talaga. Pinakasexy sa lahat ng buntis."


Binelatan naman nya
ako. Pero binalik naman nya yung mga prutas na bigay ko sa ref. Sinundan ko naman
sya papuntang
sala. Tapos umupo kami at binuksan ang TV.

"O ano na yung itatanong mo dapat kanina?"

"Ah, yun nga Anj. Malapit na kasi ang birthday ni Jeff. Ano kayang magandang
surprise?"
Tinaasan naman nya ako ng kilay. "Asus! Tinatanong mo pa ako eh expert ka na sa
landian."

"Ui hindi ah. Tsaka ikaw pa rin naman talaga ang Master Anj. Sige na tulungan mo na
ako mag-isip ng
surprise."

"Alam mo Teeny Weeny, wala ka naman kailangan gawin na surprise. Magluto ka lang
tas batiin mo ng
happy birthday. Madali mo lang naman napapangiti yung asawa mong pinaglihi sa
ampalaya."

"Hindi naman pinaglihi sa ampalaya si Jeff!" Binatukan naman nya ako. Ano ba yan,
bakit nambabatok
na naman si Anj.

"Shunge ka talaga. Hindi kasi yun yung point. Ang point dito Tin, hindi mo
kailangan mastress para sa
birthday ni Jeff. Kahit magbake ka lang ng cake, masaya na ang lalakeng yun."

Nagningning naman bigla ang mga mata ko. "Talaga Anj? Magbake lang ako ng cake,
okay na?"

"Naman Tin! Basta pengeng cake ah." Napatingin naman kami kay Kev na kakadating
lang. Kinindatan
naman nya ako bago lumapit kay Anj at hinalikan sa noo. Tapos umupo sa tabi nya at
inakbayan ito.

"Hoy lalake. Ba't ba lagi kang nandito sa bahay ko? Tas di man lang kumakatok?
Bigla-bigla na lang
pumapasok?"

"Babe naman. Dito mo na lang kasi ako hayaang tumira. Para hindi na ako bigla-
biglang pumapasok.
Diba Tin?" Nginitian ko naman sya.

"Oo nga Anj. Dito mo na lang patirahin si Kev. Para kasama na din sya ni Kevin Jr."
Nginitian namin
pareho si Anj pero inirapan nya lang kami.
"Sige lang. Magkampihan pa kayong dalawa. Ipapabago ko na talaga ang lock dyan sa
pinto."

"Hindi mo yan mapapalitan Babe. Alam ko namang excited ka laging makita ang
kagwapuhan ko."

"Hoy! Kapal mo! Over my dead sexy body."

"O chill ka lang babe. Baka sumungit din si Kevin Jr." Hinimas-himas naman nya ang
tyan ni Anj.
"Magiging gwapo 'tong anak ko. Kamukha ko eh."

"Babae nga yan! Babae! Tsaka pwede kamukha ko yan? Ang malas pag kamukha mo!! Hmp!"

"Ito naman babe, wag ka naman magtampo agad."

Nyeeeek. Naglalambingan pa silang dalawa. Ang cute nila tingnan, pero syempre
naiingit ako. Di bale,
sigurado namang patapos na si Jeff sa trabaho nya kaya susunduin na ako nun.
Excited na akong makita
sya!

"Oo nga pala Tin, bakit ka magbabake ng cake? Anong pinag-uusapan nyo ni Babe
kanina?"

"Ah, Kev. Magbibirthday na kasi si Jeff sa susunod na araw eh. Yun ang gagawin kong
surprise para sa
kanya."

Kumunot naman bigla ang mga kilay nya. "Pero diba lagi ka namang gumagawa ng cake?
Baka di na sya
masorpresa."

"Pero kasi sabi ni Anj..." Hmm, akala ko ba okay magbake ng cake?


"Hoy babe. Ang point ko kasi, hindi na sya dapat mastress sa birthday ni Jeff. Alam
mo naman yung
lalakeng yun, panigurado cake lang na ginawa ni Tin masaya na yun. Tsaka kilala mo
naman 'tong
babaeng 'to. Over over yan kung mag-isip."

"Sabagay." Kumindat naman si Kev. Teka nga, pinag-uusapan ba nila ako ng masama?
"Pero alam mo
babe, panigurado mas matutuwa ang loko pag ibang cake ang ibibigay sa kanya."

"Ano namang klaseng cake yan- Leche babe. Iniisip ko ba ang sa tingin kong iniisip
mo?"

Lumaki naman ang ngiti ni Kev. Tapos tumawa si Anj. Teka, ano bang pinag-uusapan ng
dalawang 'to?
"Bakit? Kaibigan na naman natin si Jeff kaya hindi naman masama kung tutulong tayo
sa pagbibigay sa
kanya ng masayang birthday."

"Pero babe, si Tin ang pinag-uusapan natin dito. hahaha! Di ko maimagine." Nakitawa
rin si Kev. Aba
pinagtatawanan ba nila ako. Hello, nandito lang ako.

"Ui bakit kayo tumatawa? Kayo ha, bakit nyo ako pinagtatawanan?"

Medyo pinigilan naman nila ang kanilang mga sarili sa pagtawa. Pero obvious namng
natatawa pa din
sila. Ano ba kasing meron?

"Wag ka mag-alala Teeny Weeny. Nakaisip na kami ng sorpresa mo para sa birthday ni


Jeff."

"Talaga? Anong gagawin ko? Magbabake pa rin ba ako ng cake?"

"Hindi na Tin. Kami na ang magbibigay ng cake. Kailangan mo lang... matutong


sumayaw."

"Huh? Marunong naman ako sumayaw ah."


"Weh?." Ito talaga si Anj! Bestfriend ko ba talaga 'to? Wagas tumawa. Pero sabagay,
hindi naman ako
marunong sumayaw talaga. Pero bakit ba kasi kailangan?

"Babe, kailangan ata may magturo sa kanya para sumaya ang birthday boy."

"Oo na. oo na. Ako na ang bahala dyan."

"Teka nga. Ano ba kasing meron? Tsaka bakit sasayaw?" Di ko talaga gets.

"Hmm, nakakita ka na ba ng bridal shower Tin? Yung may lumalabas na tao sa cake?"
Nakangiting sabi
naman ni kev.

"Oo nakakita na. Dun sa kaklase naman ni Anj dati nung college."

"Exactly. Ganun ang gagawin mo Teeny Weeny. Ang kaibahan lang, hindi ito bridal
shower, kundi
birthday party."

"Huh? P-Pero ano eh, hindi na pala ako marunong sumayaw. Hindi na pala." Akala ko
naman kasi
parang yung waltz na sayaw namin ni Jeff. Pero sa pagkaka-alala ko, gumigiling yung
yung taong
lumalabas sa cake eh. Hala naman.

"Kaya nga akong bahala sa'yo Tin eh. Tsaka diba sabi mo gusto mong masurprise at
matuwa si Jeff sa
birthday nya? O ito na ang opportunity mo! Aarte ka pa?" katakot naman 'to si Anj.

"Sige na nga. Pero matutuwa ba talaga si Jeff dyan?"

Tumawa naman si Kev. "Believe me, magiging best birthday nya 'to. Kaya wag ka na
mag-alala Tin. Ako
na ang bahala sa cake. Magpractice ka lang sumayaw."
"And don't forget! Sa araw ng birthday nya, wag mo syang babatiin. Para akalain
nyang nakalimutan
mo."

"Huh? Pero bakit naman?" Ang daya naman. Bakit bawal batiin?

"Mas masusurprise kasi sya pag ganun! Yung akala nya nakalimutan mo pero sa gabi
pala may pasabago
ka. Kaya wag mong babatiin ok?"

Tumango na lang ako. Ang weird naman ng mga sinasabi nitong dalawang 'to. Pero
teka,lalabas lang
naman ako ng cake at sasayaw diba? Madali lang naman ata yun. Lalo na at magiging
masaya si Jeff. Go
Tin! Dapat magpractice ako ng bongga.

Nagkwentuhan pa kami pero maya-maya pa may nagdoorbell na. Binuksan naman ni Kev
yung pinto at
tama nga, si Jeff na! Sinusundo na nya ako! Tumayo na din ako at nagpaalam kina
Anj.

"O sige pare. Ingat kayo sa pag-uwi."

"Mmm. Salamat sa pagbabantay."

"Lul, may kapalit yan. O sige Tin, ingat ka." Umiling naman si Jeff na parang
nangingiti. Aba close na
talaga sila ni Kev.

"Yup! Thanks Kev!"

"Hoy Jeff. Ingatan mo yan. Alam mo namang eengot-engot yan." Tumango naman si Jeff
kay Anj.
Mukhang nagiging okay na rin sila. After nun, sumakay na kami sa kotse at nagdrive
na sya.

"Kamusta bubu sa opisina? Mukhang busy ka ah."


"Ayos lang. Sorry ngayon lang kita nasundo. May biglaang meeting kasi kami kanina."

"Okay lang yun bubu. Ok lang naman ako kina Anj."

Kinuwento-kwento ko pa sya. Tinanong nya rin ako kung ano ang mga ginawa ko buong
araw.
Nakakatuwa naman na nag-oopen up na talaga sa'kin si Jeff. Nagulat na nga lang ako
nang tumigil kami
sa isang lugar. Tapos tinanggal nya ang seatbelt nya.

"Teka bubu. Saan ba 'to? Hindi pa ba tayo uuwi?" Madilim na rin kasi sa labas kaya
hindi ko masyado
makita yung lugar. Bigla naman syang may kinuha sa backseat.

"O ito." Huh? Limang piraso ng nakataling mga rosas ang inabot nya sa'kin. Medyo
lanta na sya at
nakatungo na ang mga bulaklak. "Tsk. Ginabi na hata ako masyado. Naubos na yung mga
paninda nila.
Yan na lang daw ang natira."

Napatingin naman ako kay Jeff na hindi nakatingin sa'kin. Namumula ang tenga na
naman at
kinakabahan. Possible bang kiligin pa rin kahit ilang beses na nyang ginagawa 'to?
Kasi kahit hata 80
years old na ako, pakiramdam ko pa rin parang first time lang.

"Hay, limang rosas lang?" Sabay tingin sa labas ng bintana. Naramdaman ko namang
napatingin sya
sa'kin. "Lanta na nga tapos lima lang."

"Tsk. Akin na nga." Bigla naman nyang inagaw ang mga rosas tapos lumabas ng kotse.
Hala! Joke lang
eh. Ito naman si Jeff. Dali-dali naman akong lumabas at hinabol sya.

"Ui Jeff! Joke lang naman eh. Nagustuhan ko naman talaga- hala bakit mo tinapon?"
Pinulot ko naman
ang flowers na hinagis nya.
"Wag mo na nga kunin yan! Lanta na yan at tira-tira na lang. Tsk."

Lumapit naman ako sa kanya. Ano ba yan, next time hindi na ako magjojoke. "Bubu
sorry wag ka na
magalit. Kahit naman lanta 'to tapos konti lang, kahit nag tira-tira na lang 'to-
ui bubu wait lang!"

Naglakad naman sya palayo habang nakapamulsa. Tin naman kasi. Pagod na nga sya sa
trabaho pero
dumaan pa sya sa flowershop. Tapos magjojoke pa ako ng ganun. Nakakainis naman ako!
Oh no teka,
palayo na sya.

Tumakbo naman ako papalapit at... tumalon para makasakay sa likod nya. Nagulat sya
pero buti naman
at hindi ako nahulog. Kaya nakapiggyback na ako ngayon sa kanya ngayon! Yes!

"Tsk! Bakit ka ba tumatalon?! Paano kung nahulog ka?" Hindi naman ako mahuhulog.
Ang higpit pa nga
ng hawak nya sa binti ko.

"Eh bubu. Sorry na kasi. Wag ka na magalit." At pinaulanan ko naman sya ng


energizer! "Wag ka na
magalit ah. Sorry na. Nagustuhan ko naman talaga itong mga flowers eh. Thank you
bubu!" At binigyan
ko pa sya ulit ng madaming kiss sa pisngi.

"Tama na nga yan." Sabi nya sa mahinang boses. Salamat naman, mukhang hindi na sya
galit.

"Alam mo bubu. Gets ko na kung bakit five roses. Siguro kasi ang ibig sabihin
nun..." Binulungan ko
naman sya sa tenga nya. "I love you Tin?"

Nakita ko naman syang ngumiti. "4 words lang yun."

"Huh? Ah oo nga 'no. Uhm, siguro gusto mo sabihin ay... I love you Tin very much?
Ay teka, six words
na yun eh. Hmm, ano bang five?"
"Bakit mo ba kasi sinasama yung pangalan mo? Pwede namang 'I love you very much' na
lang." oo nga
'no. Saktong five words lang yun.

"Pero kasi. Gusto ko kasama yung pangalan ko. Para alam kong sa'kin mo talaga
sinasabi. Diba bubu?
Diba diba?"

"Tsk. Sa'yo ko lang naman talaga sinasabi yun." Bulong naman nya.

"Yieeeeee. Ikaw bubu ah. Ang sweet mo talaga. Ay teka, ok lang bang iwan natin yung
kotse dun?"

"Mmm. Dun ko talaga sya pinark."

"Huh? Pero wala pa tayo sa bahay eh."

Sakto namang tumigil sa paglalakad si Jeff at ibinaba ako sa likod nya. Napansin ko
tuloy kung saan kami
tumigil. Hala namaaaaan.

"Bubu naman. Bakit tayo nasa bahay?" As in yung sa bahay namin dati. As in yung
bahay kung nasaan si
mom at dad.

"Dito tayo magdinner. Ang tagal ka nang hindi nakikita ng mom mo."

"Pero bubu naman ehhhh." Hindi naman sa hindi ko gustong makita si mom. Pero alam
ko namang galit
kay Jeff yun tapos baka awayin lang nya si Jeff. Pero pinatunog na nya agad yung
doorbell eh. Naman!

"Sandali lang naman tayo. Kakain lang."

"Pero kasi Jeff. Ok lang ba sa'yo? Alam mo naman si mom..."


Nakita ko na si kuya guard. Bubuksan na nya yung gate. Ngumiti naman sa'kin si
Jeff. "Naisip ko na ang
five words na ibig sabihin ng limang rosas."

"Huh?"

"Mahal na mahal kita Tin."

Binilang ko muna sa isip ko kung five words nga. Wow oo nga 'no! Ngumiti naman ako
kay Jeff habang
binubuksan ni kuya guard ang gate namin. Kaya ba nya ginagawa 'to kasi mahal nya
ako at gusto nyang
magustuhan sya ni mom? Jeff naman.

"Young lady magandang gabi po. Nagulat po si madam sa pagdating nyo, pero
hinihintay na nya kayo sa
loob---oh."

Kung maka-'oh' naman 'to si kuya guard! Pero wapakels. Sinunggaban ko kasi ng halik
si Jeff sa mga
labi. Alam ko namang PDA 'to sa labas pa mismo ng bahay ng mga magulang ko. Pero
kasi naman ehhh.
I love you too Jeff!

Lumipas ang mga araw hanggang sa nagising na lang ako at birthday na ni Jeff.
GAAAH. Kinakabahan
ako. Pero hindi pwede, pinaghandaan ko talaga 'to. Nagpractice ako ng todo at
sinunod ko lahat ng
sinabi ni Anj. Lalo pa at naaalala ko kung paano na naman paringgan ni mom si Jeff
nung nagdinner
kami dun. Dapat matuwa sya ngayong birthday nya!

Pinagluto ko sya ng super breakfast meal! Syempre 'no, birthday nya kaya. Pero oo
nga pala, bawal ko
sya batiin sabi ni Anj at Kev. Para masurprise sya mamayang gabi.

"Good morning bubu! Halika na, upo ka na. Kain ka ng madami ah."
"Bakit ang dami mong niluto?"

"Syempre! Para sa birth- para sa'yo talaga yan." WAAAH. Gusto ko sana syang batiin
ng happy birthday
eh!! Oop bawal Tin. Pigilan mo, pigilan mo.

Ngumiti naman sya at parang medyo umiling. "Parang alam ko na."

"Hmm? Anong alam mo na? Wala naman akong tinatago ah. Wala talaga." Mas lalo naman
hatang
lumaki ang ngiti nya pero buti naman kumain na sya.

After nun, hinatid na rin nya ako sa shop. Ang hindi nya lang alam, hindi kami
magtatrabaho ni Anj
today. Magpapractice kasi ako at sabi nya papagandahin nya raw ako. Ewan ko nga ba
kay Anj.

"Bubu baba na ako ah. Salamat sa paghatid!" Tinanggal ko na ang seatbelt ko.
Binuksan ko na yung
pinto nang magsalita sya ulit.

"Wala ka bang nakalimutang sabihin?"

Uh-oh. Alam na kaya nya? "W-Wala akong nakalimutang sabihin bubu ah. Meron ba
dapat? Wala
naman diba. Birthday mo ba ngayon? Hindi naman diba. Kaya bakit kita babatiin?"

Ngumiti na naman sya. Nahalata nya kaya? Hindi naman siguro. "Mmm, mukhang aabangan
ko na lang
kung anong hinanda mo."

"H-Huh? Anong hinanda? Bakit ako maghahanda? Hindi mo naman birthday ah!"

Ngumiti sya ulit. Aba lagi naman atang ngumingiti si Jeff ngayon. Porket birthday
ngiti ng ngiti? "Tsk sige
na. Pumasok ka na. Aabangan ko na lang."
"Wala kang aabangan! Ikaw talaga bubu, kung anu-ano sinasabi mo." O ayan na naman!
Ngumingiti na
naman sya. Lumabas na ako ng kotse at baka kasi masabi ko ang happy birthday.
Sinalubong naman
ako agad ni Anj.

"O ano Teeny Weeny. Di mo naman sinabi na may surprise ka diba?"

"Syempre naman Anj! Sinabi ko sa kanya na wala akong nakalimutang sabihin at wala
syang dapat
abangan. Kasi diba dapat hindi ko alam na birthday nya."

Napahawak naman si Anj sa mukha nya. "I knew it Tin. Masyado ka talagang obvious
ugh! Di bale na.
Kahit alam nyang may surprise ka, hindi pa rin naman nya alam kung anong gagawin
mo. Halika na dali,
magpapractice ka pa."

Hinila naman ako ni Anj at nagpractice talaga ako ng todo. Para kay Jeff talaga
'to! Let's gooooo! After
akong sumayaw-sayaw hinigit ako ni Anj sa mall. Pipilian nya raw ako ng damit at
ang kailangan ko lang
gawin ay magbayad sa cashier.

Pagkatapos bumili, naglunch muna kami ni Anj. Nagulat naman ako ng bigla akong
itext ni Jeff. Wow,
hindi naman nya ako tinetext dati.

From: BUBUchacha

Hindi mo pa rin ako babatiin?

Nyeeeee. Ano ba 'tong tinetext nya? Hindi naman nya alam diba? Diba diba? Nagreply
naman ako.

Ha?Bkit?Hndi mo nman bday dba?I love youuuuu. :*

Kumain na lang ulit ako pero maya-maya nagvibrate ulit yung phone ko.
From: BUBUchacha

Tsk. Ang tagal. Fine, hintayin ko na lang.

Hmmph. Anong hihintayin nya? Yung greeting ko? Eh diba nga hindi nya alam na alam
kong birthday
nya. Pero wait, bakit ganyan yung text nya.

Bubu, san ung I love you too ko? Huhu.

"Hoy Teeny Weeny. Sinong katext mo? Kumain ka na nga! Madami pa tayong gagawin."

"Ha? Ah, ok Anj." Kumain na ulit ako pero syempre pinapakiramdaman ko pa rin kung
magvivibrate ang
phone ko. Kaya lang bakit ganun. Mukhang wala na syang balak magreply. Ano ba
yaaaan. I love you
too lang eh. Hini nya pa rin matext?

After kumain, nagpa-spa kami ni Anj. Dapat daw maganda ako mamayang gabi. Pero sya,
dapat
maganda rin mamayang gabi? Hay hinayaan ko na nga. Nilibre ko na rin. After nun
nagpa-salon kami
tapos manicure pedicure. Nung nagvibrate ang phone ko, tiningnan ko agad.

From: BUBUchacha

Five roses.

Nangiti naman ako. Ito talaga si Jeff, kahit sa text mahiyain pa rin. Ang ibig
sabihin ng five roses ay
Mahal na mahal kita Tin, diba? Edi ako na kinilig. Bigla namang hinablot ni Anj ang
phone ko.

"Hoy ano 'to. Anong five roses na pinagsasabi ng bubuchacha mo?"

"Secret Anj Bawal sabihin."


"Landeeeee! Akin na nga muna 'tong phone mo. Bawal ka muna makipagtext. Mamaya
madulas ka pa
sa sasabihin mo. Mabuking pa yung surprise mo." Tumango na lang ako at ayun nga,
bye bye
cellphone.

Kung saan-saan pa ako hinigit ni Anj. At nung napakanipis na ng kilay ko,


napakahaba na ng pilikmata
ko, at napakakinis na pati ng talampakan ko, salamat naman at natapos na rin si
Anj. Pero sabagay gabi
na rin.

"Let's go na Teeny Weeny. Pupunta na tayo sa bar."

"Teka. Bakit sa bar tayo pupunta? Diba kay Jeff tayo pupunta?"

"Exactly. Nasa bar ngayon ang asawa mo. Pupuntahan natin sya. Ops, bago ka
magreact. Kasama 'to sa
plano ok? Tinawagan ko yung mga ka-opisina nya. Sila yung nagdala kay Jeff sa bar
kung saan ka
magpeperform."

Magpeperform talaga ang term? Mayamaya pa dumating na rin si Kev at sinundo kami.
Hala naman,
kinakabahan ako. Lalo na nung dumating kami sa bar. Syempre sa backstage muna kami
bumaba.
Hinigit naman ako ni Anj sa isang kwarto at binihisan ako. Pero teka.

"Hala naman Anj. Bakit ang ikli naman ata? Tsaka dapat naka-tube talaga." Tube sya
na dress. Pero
super ikli naman hatang dress na ito. Napakataas pa ng heels ng boots!

"Ano ka ba. Keri mo naman eh. O ito isuot mo." Sinuotan naman nya ako ng isang
trench coat. Wow,
parang winter lang ah. "Tatanggalin mo 'to ok? Katulad ng prinactice mo, naaalala
mo ba?"

"Oo. Pero Anj, kaya ko ba talaga 'to? Para kasing-"

"Ayaw mo na? Sige wala namang problema. Hay, kawawa naman si Jeff. Hindi mo na nga
sya binati
buong araw, wala ka pang surprise na ibibigay sa kanya. Iisipin nya siguro na ito
ang pinakapangit nyang
birthday, pero sabagay ok lang naman sa'yo mangyari yun diba?"

"Anj naman eh! Syempre ayoko. Ito na po, gagawin na."

"Good. Sige maghintay ka lang dito. Check ko lang si babe kung pwede ka na
lumabas."

Nung umalis si Anj parang dumoble ata ang kaba ko. Hala namaaaan. Humarap ako sa
salamin dun. Ok
naman ang itsura ko. Nakalugay lang ang buhok ko pero pinahot-oil naman yan ni Anj
kanina. Gora Tin!
Para kay Jeff 'to! Fight fight fight!

Maya-maya pa dumating na si Kev at ginood luck ako. Pinapasok na rin nya ako dun
sa mukhang cake,
pero box lang naman talaga sya. GAAAAH. Kinakabahan talaga ako. Naramdaman kong
ginagalaw na
yung box hanggang sa feeling ko nilagay na ako sa stage.

Kasi naman. Naririnig ko na ang hiyawan ng mga tao. Halaaa. Pati siguro mga ka-
opsina ni Jeff invited.
Naku naman o. Kinakabahan na talaga ako ng bongga. Narinig ko ang boses ni Kev sa
mic, pinapakilala
daw ang surprise nila ni Anj para kay Jeff.

Narinig ko namang nagsimula na yung music. At nang marinig ko na yung part kung
saan dapat
magpakita na ako, tumayo na ako at lumabas dun sa cake. Bigla namang napunta ang
spotlight sa'kin at
naghiyawan ang mga tao. Nakalimutan ko tuloy ang steps ko. WAAAH. Ang dami namang
audience!

Naririnig kong sumisigaw sina Rey ng 'GO TIN!" kaya napatingin ako sa kanila.
Katabi rin nila si Jeff na
parang gulat na gulat. Nakita ko naman si Anj na parang pinanlalakihan ako ng mga
mata. Kaya mo yan
Tin!! Para kay Jeff 'to!! Teka paano nga ba ang steps ko dito?

Mabuti naman at parang medyo naalala ko at nagsimula na rin akong sumayaw. Mas lalo
pa nga silang
sumigaw nang sinimulan ko nang tanggalin yung trecnh coat ko. Tapos hinagis ko sa
audience at sinalo
naman nila. Naghiyawan pa sila lalo.

Tumitig naman ako kay Jeff na ngayon eh nakakunot na ang kilay. Uh-oh, hindi ata
talaga ako magaling
sumayaw. Aaaaggggghh. Dapat magustuhan nya! Kumembot pa ako ng bongga. Ginulo-gulo
ko pa ang
buhok ko habang sumayaw-sayaw. Sabi kasi ni Anj ok da yung parang magulo ang buhok
eh.

Naghiyawan naman lalo yung mga tao. Wow, mukhang ok naman ang ginagawa ko. Tinuloy
ko pa ang
buwis-buhay kong pagsayaw. Basta iniisip ko lang na para kay Jeff 'to, feeling ko
nagkakaroon ako ng
energy eh.

Nang matapos na ang kanta at pinatay na lahat ng ilaw, nagsigawan naman ang mga tao
at meron pa
akong naririnig na 'More! More!'. Pero naramdaman kong inalalayan na ako ni Kev
pabalik sa
backstage. Sinalubong naman ako agad ni Anj nang yakap.

"WAAAAH! Ikaw na Tin! Akalain mong magagawa mo pala yun?! Galing mo teh!!" Inalog-
alog naman
nya ako. Si Kev nga rin ang laki ng ngiti sa'kin tapos pinat pa yung ulo ko.

"Talaga? Ok ba talaga? Eh si Jeff, nagustuhan ba nya?"

Bigla naman silang napatigil. Tapos nagtinginan. Hala, anong nangyari? Hindi ba
nagustuhan ni Jeff? Eh
ginalingan ko naman ah! Naku naman o. Ngumiti naman bigla ito ulit si Anj.

"Ah basta Teeny Weeny, ang galing mo! Wag mo nga yun pansinin."

"Ano ba kasing nangyari? Ayaw ba nya? Hindi ba nya nagustuhan?" Nagpractice pa


naman ako

"Syempre nagustuhan nya Tin. Nasurpresa lang sya." Nginitian naman ako ni Kev.
"Huh? Pero yun naman ang gusto ko eh. Ang masurprise sya!"

"Pero kasi Tin... Hay. Dapat ata, ginawa naming private viewing ni Babe ang
performance mo."

"Ano ka ba babe, may karapatan din naman nating makita ang dance moves ni Tin 'no!
Wag nga syang
possessive."

"Babe, ganun talaga ang mga lalake. Lalo na si Jeff."

"Jeff?" Hala! Nandito nga si Jeff! Pumunta talaga sya sa backstage para sa akin?
Napatingin din sina Kev
at Anj sa kanya. Pero ako lang yung nilapitan ni Jeff at hinigit sa kamay. Hala,
bakit parang nakakatakot
sya?

"Hoy! Saan mo dadalhin si Tin?" Napatigil naman si Jeff at tumingin ng masama kay
Anj. Hala naman.
Akala ko ba ok na sila? Pero mukha namang natakot si Anj kasi napalunok sya. Yung
titig naman kasi ni
Jeff eh! Inakbayan pa ni Kev si Anj.

"Pare." Yun lang ang sinabi ni Kev pero tinitigan din sya ni Jeff ng masama.
Nagtitigan muna sila habang
hawak pa rin ni Jeff yung kamay ko. "Pasensya na. Gusto ka lang sana namin
sorpresahin."

Tinitigan pa rin sya ni Jeff pero tumalikod na rin sya at hinigit akong kasama nya.
Nararamdaman ko.
Kahit hindi nya ako sinisigawan, alam kong galit sya. Birthday pa naman nya tapos
galit sa akin? Kasi
naman eh, bakit ba hindi ako magaling sumayaw? Siguro dahil dun kaya sya nagalit.

Nung nakarating na kami sa may palabas ng bar, tumigil naman sya saglit at sinuot
sa akin yung coat
nya. Oo nga pala, nakacostume pa ako. Tapos hinigit na ako ulit papuntang kotse.

"Jeff-"
"Sakay." Ang seryoso naman kasi ng boses nya. Mas ok kung sinisigawan nya ako.
Pumasok na lang
tuloy ako ng hindi nagsasalita.

Sa kotse, ang tahimik. GAAAAH. Kahit nga ang bilis magpatakbo ni Jeff, hindi ako
makareact.
Nakahawak lang ako ng todo dun sa upuan. Kasi namaaaan. Bakit ba sya galit? Nung
nakarating na kami
ng bahay, nauna pa syang pumasok. Hindi man lang nya ako pinagbuksan ng pinto.

Sinundan ko sya at pumasok na rin habang nakayuko. Lagot talaga ako nito. Kaya lang
pagpasok ko pa
lang ng pinto, sinandal na ako agad ni Jeff sa pader at hinalikan. Hala! Hala!
Nagulat talaga ako kaya
hindi muna ako nakagalaw. Pero nung medyo natauhan na ako, sinimulan ko na syang...
itulak.

Hindi naman sa ayoko sa halik ni Jeff ah. Ako pa, adik ako dyan. Pero kasi. Alam ko
yung halik na ganito.
Yung tipong galit sya kaya ang harsh nya humalik.

"Jeff-tama na-" Tinulak-tulak ko pa rin sya pero ayaw nyang tumigil. Ewan ko ba,
pero parang naiiyak na
ako. Hindi ganito ang Jeff ko. Yung bubu ko, hindi naman nya ako pipilitin. Tsaka
hindi sya ganito
humalik. Hindi ganito. Naramdaman ko namang tumigil na sya bigla.

Hinawakan naman nya ako sa pisngi at pinunasan yung mga luha na hindi ko alam na
tumulo. "Sorry.
Wag ka na umiyak. Sorry Tin."

"Jeff, ano bang problema? Bakit ka ba nagagalit sa akin?" Hindi ko alam kung bakit
ako umiiyak. Alam
kong natataranta na si Jeff pero kasi, di ko mapigilan.

"Hindi ako galit sa'yo. Tsk, sa opisina na lang muna ako matutulog." Papunta na sya
sa pinto pero
hinabol ko sya at hinawakan sa arm.

"Teka lang. Wag ka namang umalis o. Bubu naman, wag ka na magalit. Sorry na-" bigla
naman nya
akong niyakap. Yung tipong feeling ko mababali na yung mga buto ko sa higpit ng
yakap nya. Niyakap
ko rin tuloy sya pabalik. Hindi naman ako galit sa kanya. Nagulat lang ako sa mga
nangyari.

"Wag ka na ngang sasayaw ng ganun. Wag ka na rin magsusuot ng maikli. Lalo nasa
harap ng ibang
lalake."

"Eh kasi naman. Surprise ko yun sa'yo para sa birthday mo eh. Hindi nga kita
binabati buong araw dahil
sa preparation ko dun eh."

"Tsk." Tinanggal naman nya ang yakap nya sa'kin tapos hinawakan sa mga pisngi.
"Basta kasama lang
kita, masaya na ako. Mag gugustuhin ko pa ngang magbake ka na lang ng cake."

Mas lalo akong naiyak. Yun na nga dapat yung gagawin ko. Niyakap naman nya ako
ulit.

"Ssshhh. Sorry na. Wag ak na umiyak. Natatakot ka ba? Gusto mo bang sa opisina na
lang ako
matutulog?"

"Bakit ka naman dun matutulog? Tapos hindi ka uuwi? Ayoko nga!!" Niyakap ko rin sya
ng mahigpit.

Hay, hindi ko pa rin masyado gets kung bakit nagalit sya sa'kin. Pero mukhang ok na
naman kami kaya
nagbake na lang ako ng cake sa bahay. Nagdinner na lang kami ng luto ko. Birthday
pa naman ni Jeff
pero parang normal lang. Hindi nya pa nagustuhan ang surprise ko.

Nung nakahiga na nga kami sa kama at dapat matutulog na, tinanong ko sya kung ang
panget ba talaga
ng gift ko.

"Anong gift?" Nakahiga ang ulo ko sa arm nya habang nakayakap naman sya sa akin.
"Yung dance ko bubu. Pinaghirapan ko yun pero hindi mo naman naappreciate."

"Tsk. Masyado ka magaling sumayaw."

"Talaga? Talaga? So ibig sabihin nagustuhan mo?" Eh bakit sya nagagalit?

"Basta wag ka na ulit sasayaw ng ganun. Kung gusto mo ulitin, dapat dito lang sa
bahay at ako lang ang
makakakita."

"Ok sige bubu. Pero paano yan, hindi mo nagustuhan yung gift ko sa'yo."

"Ayos lang yun. Ang totoo nyan, pwede ka pa naman magbigay ng isang gift sa akin.
Ito talaga ang
gusto ko sanang birthday gift."

Napatingin naman ako sa kanya. "Ano yun Jeff? Sige lang sabihin mo lang! Gagawin ko
na dali. Kung
may ipapabili kang gift, go go go! Kaya ko pa naman lumabas eh. Bilis sabihin mo
na. Ano na."

Tiningnan naman nya ako ng seryoso. Umupo naman sya sa kama kaya napaupo rin ako.
Akala ko
naman kung ano pero kinuha nya yung kamay ko. Tapos tinanggal nya ang wedding ring
ko.
Magrereact na sana ako kung bakit nya tinanggal pero may pinalit naman syang bagong
singsing.

Napatulala naman ako. Hala ang kinang! Bakit nya ako binilhan ng singsing. Tumingin
naman ako sa
kanya na parang nagtatanong. Inipit naman nya yung buhok ko sa tenga ko. Tapos
tumingin ulit sa akin
ng seryoso.

"Gusto kong ulitin ang lahat. Pero ngayon, totoo na." Pinisil naman nya ang kamay
ko. Tapos ngumiti.
"Marry me again Tin."

And for the second time that day, I cried.


*******************************************
[41] BULSA
*******************************************
CHAPTER 40

BULSA

Binuksan ko ng konti at sumilip ako sa pinto ng opisina ni Jeff. Hindi na ako


kumatok.

"Bessie, pakitimpla naman ako ng kape." Sabi ni Jeff habang nakapikit at minamasahe
ang mga mata
niya. Kawawa naman ang bubu ko.

"Pinauwi ko na si Bessie. Kailangan din nun makipagdate para makahanap na sya ng


boyfriend 'no."
Tsaka alas-onse na kahit naman malaki ang sinusweldo nila, syempre gusto pa rin
nila umuwi. Para rin
makapagdate na si Rey at si Bessie 'no.

Nagulat hata siya dahil bigla siyang napatigil at napatayo. "Tin?! Anong ginagawa
mo dito?"

Pumasok naman ako ng tuluyan sa office niya at tinaas ang dala ko. "Coffee,
dinadalhan kita. Diba
gusto mo?"

Bigla namang kumunot ang kilay niya tapos naglakad papalapit sa akin. "Tsk. Gabi
na. Bakit pumunta ka
pa dito. Diba sinabi kong matulog ka na dahil hindi ako makakauwi?"

"Ehhh. Ang lungkot sa bahay eh. Matutulog na nga lang sana ako pero bigla naman
akong napasakay sa
taxi. Bigla kasi kitang namiss eh."

"Tin naman! Alam mo namang gabi na tapos nagcommute ka pa?! Paano kung saan ka
dinala nung
driver ng taxi?! Tsk! Ang bilis mo pa naman magtiwala!"

"Eh dito naman nya ako dinala eh. Tsaka mabait naman si manong. Kinuwento pa nga
kita sa kanya-"

"Yan na nga bang sinasabi ko e! Nakikipag-usap ka agad sa mga hindi mo kakilala!


Sigurado kung sinabi
nyang dadaan lang muna kayo sa bahay nya, maniniwala ka naman!"

"Hindi ah! Hindi nya naman sinabi na pupunta kami sa bahay nya ah."

"Haist! Hindi yun ang point Tin! Ang sinasabi ko lang kasi, may hinahawakan akong
kaso ngayon. Alam
mo namang hindi pa din tayo tinitigilan ng mga Santos. Diba nga kinidnap ka pa nila
dati?! TSK! Sinabi ko
na kasing matulog na bakit umalis pa!"

Napahilamos pa siya ng mukha niya. Ano ba yan. Bakit parang hindi siya masayang
andito ako? Nagpout
tuloy ako. "Sorry na bubu. Naistorbo ba kita? Ayaw mo ba akong makita? Sorry na.
Dapat talaga hindi
na ako pumunta. Sige ito na yung coffee. Uuwi na lang ako."

Inaabot ko sa kanya yung dala ko pero nakatitig lang siya sa akin. Pati ba ang dala
kong kape ayaw niya?
Nilapag ko na lang tuloy dun sa maliit na table yung binili ko tapos tiningnan ko
siya. Nakatingin pa rin
siya sa akin. Galit ba siya kasi naistorbo ko siya?

Naglakad na ako ulit papuntang pinto. Tin naman kasi. Dapat hindi ka na pumunta.
Alam mo namang
nagtatrabaho si Jeff tapos nang-iistorbo ka pa. Bigla naman siyang nagbuntung
hininga tapos nagsalita,
kaya napatigil tuloy ako.

"Tsk. Ano bang gagawin ko sa'yo?"

"Huh?" Bigla naman siyang lumapit sa akin tapos niyakap ako.

"Hay. Ilagay na lang kaya kita sa bulsa ko." Tapos hinigpitan pa niya ang yakap
niya sa akin. Niyakap ko
rin tuloy siya.

"P-Pero bubu. Hindi naman ako kasya sa bulsa mo eh." Naramdaman kong parang tumawa
siya. Teka,
bakit ba sya tumatawa? Kumalas tuloy ako sa yakap niya tapos tiningnan ko ang mukha
niya. Nagpipigil
ng ngiti. "Ikaw bubu ah. Pinagtatawanan mo ba ako?"

"Hindi."

"Anong hindi? Kanina nga tumatawa ka-" Niyakap niya ulit ako.

"Hindi nga ako tumatawa."

"Hindi daw. Hmp. Pinagtatawanan mo na nga ako, tapos gusto mo pa ako pauwiin. Ikaw
bubu ah."

Bigla naman niya akong pinitik sa noo. "Tsk. Sinabi ko bang umalis ka? Hindi naman
kita pinapaalis."

"Huh? Pero sabi mo kanina-"

"Halika nga dito." Hinigit naman nya ako at pinaupo dun sa parang sofa sa office
niya tapos kinuha niya
ang kape na dinala ko at umupo dun sa tabi ko.

"Ok ka lang ba bubu? Ang dami mong ginagawa at inaasikasong kaso. Teka, ok lang
bang break mo
muna? Kasi diba kanina ang dami mong-"

"Tsk. Ayos lang ako. Wag ka mag-alala sa akin." Sabi niya habang umiinom ng kape.
"Basta Tin, wag ka
na masyado magcommute. Wag ka na din kung saan-saan pumupunta na walang kasama.
Alam mo
namang lahat ng kalaban ko, ikaw lang ang pag-iinitan."
"Huh? Eh bakit ako bubu? Wala naman akong ginagawang masama ah." At saka mabait
naman ako
diba? Bakit naman sila magagalit sa akin?

"Wala ka ngang ginagawa. Tsk, pero ikaw pa din ang aasintahin nila. Alam naman nila
kasing..."

"Hmm? Alam nila na ano?" Lumakas na naman tuloy ang tibok ng puso ko. Kasi naman
eh, nag-iwas na
naman ng tingin sa akin si Jeff tapos namula ang tenga ka[ag ganyan siya, alam kong
may sasabihin
siyang nakakakilig. Naexcite tuloy ako.

"Alam naman nila kasing... ikaw ang kahinaan ko."

"O bakit nakasimangot ka?"

"Huh? Hindi wala bubu." Pero nakasimangot pa rin ako kasi naman akala ko ba
nakakakilig ang sasabihin
niya?

"Tsk. Galit ka ba?"

"Hindi. Ano lang kasi bubu eh."

"Bakit? Hindi mo ba nagustuhan yung sinabi ko?"

"Ano eh... ano..."

"Tsk. Ano nga?"

"Eh kasi naman bubu! Bakit ako yung kahinaan? Hindi ba pwedeng ako yung kalakasan?
Ayoko nung
kahinaan." Nagpout ulit ako. Ito na naman si Jeff nakatingin na naman sa akin.
Galit na naman ba 'to?
Pero kasi, sinabi ko lang naman ang gusto kong sabihin.

Bigla naman siyang sumandal dun sa sofa. Tapos pinikit ang mga mata at ngumiti.
Hala! Bakit bigla
siyang ngumingiti? Di ko talaga minsan gets 'to si Jeff. "Dapat ilagay na talaga
kita sa bulsa ko."

Hala! Jeff kasya ba ako diyan? Kung pwede lang lagi akong nasa tabi mo. Kung pwede
lang all the time
kasama kita sana nangyari na diba?
*******************************************
[42] KINIDNAP SI BUBU? *new
*******************************************
CHAPTER 41

KINIDNAP SI BUBU?

Yung hindi talaga ako natiis ng Bubu ko. Akala ko talaga ibubulsa na niya ako.
Hala? Paano kaya 'yun
diba? Magpapersonalized pocket siya para sa akin? Wow! Ang sweet talaga ni Bubu. At
saka isa lang
ang ibig sabihin nun, kinikilig ako kapag naiisip ko iyon. Hehehe! Gusto lang pala
akong makasama ni
Jeff everytime kaya gusto niya akong ibulsa. Tama lang naman yun diba? Hay! Naku
ang tamis lang
talaga ng Bubu ko.

"Anong nginingiti mo dyan?"nabalik naman ako sa reality nung magsalita si Jeff.


Pauwi na kasi kami. At
si Jeff sa bahay matutulog. Ang saya lang tabi kami ni Jeff. Alam na!

"Hala bubu hindi naman ako ngumingiti?"napatingin naman ako sa kanya. Nakatingin pa
rin siya sa daan
at nagmamaneho.

"Hindi ka dyan? Pinagtatawanan mo ba yung ibulsa kita?" HUH? Ibulsa?

"Huh? Bubu hindi aa. Bakit ko naman pagtatawanan yun?"

"Naku Tin, ang corny ba nun?" nakasimangot na si Jeff. Hala? Kailangan ko ng gumawa
ng paraan. Hala?
Paano naman ang gagawin ko? eh?

Nakarating na rin kami ng bahay. Pinabuksan niya ako ng pinto tapos hindi hinarap.
Hala? Galit na ba si
Jeff sa akin? Dirediretso lang si Jeff sa pagpasok sa bahay.

Hala?

Nagmamadali ko naman tinanggal yung seatbelt. At halos tumakbo para maabutan si


Jeff.

"Uy Jeff, galit ka ba?"sinusundot sundot ko na siya pero ayaw pa rin niya ako
pansinin.

"Galit ka ba?" Waaa! Tinignan niya ako pero sandali lang. Naglakad na siyang
patungong kwarto. Hala!

"Bubu naman. Hindi naman kasi talaga ako kasya sa bulsa mo ee. Waaa. Huwag ka na
kasing magalit.
Kung gusto mo papersonalized tayo ng bulsa para lang magkasya ako? diba okay yun?
Please huwag ka
na kasing magalit sa akin."

Napatingin naman sa akin si Jeff habang nakahawak sa door knob. Tapos..nagpipigil


ng ngiti.
Pinagtatawanan ba ako ni Bubu?

"Tapos ngayon tumatawa ka? Natatawa ka ba sa suggestion ko? Waaa Jeff please huwag
ka ng magalit.
Tatawagan ko na yung gagawa ng bulsa. Gusto mo?"

Nakatingin lang siya sa akin. Tapos nagpipigil talaga ng tawa. Lumapit naman si
Jeff sa akin. "Hay naku
Tin, ibubulsa na talaga kita. Tara na nga.." sabi ni Jeff. Hinila na niya ako
papasok ng kwarto.

Pagkapasok ay humiga na kami. Yinakap lang ako ni Bubu tapos hinahalikan ang ulo
ko.

"Sana Bubu ganito na lang noh? Yung walang panganib. Yung tayo lang."
"Hmm"

Napatingin naman ako kay Jeff. "Anong hmm?" ginaya ko pa si Jeff sa pag-hmm niya.

"Wala.. matulog ka na.." sabi niya at binaon naman ang ulo ko sa chest niya. Ang
bango bango talaga ni
Bubu. Halos maubos ko na ang amoy ni Bubu. Hihhihi!

Mapapapikit na sana ako pero biglang tumunog ang phone ni Jeff. Kinalas niya ang
yakap niya sa akin at
tumayo. Tinignan ko naman si Jeff. Nakakunot ang kilay niya habang tinitignan kung
sino yung
tumatawag.

"Teka lang Tin." Sabi ni Jeff tapos lumabas ng kwarto.

Sino kaya yung tumawag kay Jeff? Hmm.

Baka tungkol sa work lang iyon? Baka si Bessie? O kaya si Paul? o si Rey.

Pero nacucurious talaga ako kung sino ang katawagan ni Jeff. Dahan dahan akong
tumayo at naglakad
malapit sa pinto. Tinapat ko ang tenga ko sa pinto. Para na akong ninja. Hehehe

"But dad no! ayoko kahit anong pakiusap mo. HINDI!" HALA? Sino ang kausap ni Jeff?
Si Tito Fernan.

"Fine I'm going!" hala? Saan tutungo si Jeff?

Naramdaman ko namang parang bubukas ang pinto. Hala? Anong gagawin ko? nung pumasok
na si
Jeff. Inistretch stretch ko ang braso ko. Tapos nagsmile nung tumingin siya sa
akin.

"Anong ginagawa mo?" nakakunot noo niyang sabi.

"Uh..exercise..tama exercise..hehe. Hindi naman kaya ako nakikinig. Nag-eexercise


lang ako. ang
boring kasi.." sabi ko habang inistretch ang mga braso ko.

Hindi ko naman diba sinabi na nakikinig ako sa kanya? Diba?

"Tsk. Tara na nga" Hinila na ako ni Jeff sa kama at hinihiga.

"Uy Jeff hindi naman talaga ako nakinig hindi ko naman talaga narinig na aalis ka
bukas. Promise"
Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Tsk. Matulog ka na nga." Sabi ni Jeff tapos binaon na naman ang ulo ko sa chest
niya.

Para naman akong inantok nung maramdaman kong hinahalikan ni Jeff ang ulo ko tapos
bago ko
mapikit ng tuluyan ang mata ko ay narinig kong nagsalita siya. "Sana nga lagi na
lang tayong ganito."

And I fell asleep.


Pinagbuksan ako ni Bubu ng pinto ng shop pero napatigil ako ng magsalita siya.
"Tin.. kahit anong
mangyari..huwag kang tutungo sa ikakapahamak mo"

"Huh?" Naguluhan naman ako sa sinabi niya.

"Basta..sige mag-ingat ka. Tawagan mo lang ako." sabi niya sabay halik sa labi ko.
Nagmamadaling
tumalikod si Jeff tapos sumakay ng kotse. Si Bubu talaga, shy type.

Napahawak naman ako sa labi ko. Kyaaaaaaaa! Kiniss ako ni Jeff. Nagwave na lang ako
sa kanya tapos
umalis na siya.

Pagkapasok ko nalungkot ako bigla, nakaleave kasi si Anj. Isang buwan na lang
manganganak na hata
siya. Lalabas na rin si Kevin Jr. Ito talagang si Anj akala niya babae pero lalaki
naman talaga. Kevin na nga
pangalan ee, sinunod sa pangalan ni Kev. Yiee, nakakaexcite!

Inayos ko na lang ang shop. Kaunti lang ang customer ngayon kaya napagdesisyunan
kong maglinis.
Uwaa! Nakakamiss din si master Anj. Eh?

Lumipas ang isang oras ay napagpasyahan kong tumungong table ko.

Tumungo na ako sa table ko pero para namang kinabahan ako ng makita ko ang isang
note. Matagal
tagal na rin akong hindi napapadalhan pero ngayon..parang kinabahan ako. Naisip ko
pa tuloy ung
sinabi ni Jeff.

Hala!

JEFF IS HERE. WILL YOU COME? MY DEAR CHRISTINE?

Ito ang nakalagay sa note. Waaa! Akala ko tapos na to? Diba sinabi ni Jeff na
nahuli na nila yung Santos?
Jaime Santo ba yun? Waaa!

Tapos ngayon meron na ulit?

Pero lalo akong kinabahan ng makita ang ilang pictures sa table ko. Si tito Fernan
kasama yung.. yung
matabang hindi gaanong maganda ang itsura yung yun..kumidnap sa akin dati.

Si Jaime Santos?

Nakalabas? O nakatakas ba siya ng kulungan? Paano yun?

Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Kinuha ko agad ang phone ko at tinawagan si
Jeff pero..pero..
walang sumasagot. Wala talaga.

Nag-attempt pa ako pero wala. Wala talagang sumagot.

Hindi ko alam pero kinabahan talaga ako. Naisip ko tuloy? Baka si Tito Fernan ang
nagpapadala ng mga
notes sa akin.

Dati pa lang natatakot na ako kay Tito Fernan pero ngayon mas lalo akong kinabahan.
Kinidnap ni Tito
Fernan ang sarili niyang anak?

Hala? Kawawa naman ang Bubu ko. Kailangan kong tulungan si Jeff. Hindi pwedeng siya
lang ang
masasaktan.

Humanda kayo. Nandito na si Super Tin.

*******************************************
[43] OPERATION: SAVING BUBU *new
*******************************************
Chapter 42

OPERATION: SAVING BUBU

Bawang. Check.

Asin. Check.

Lubid. Check.

Walis tingting. Check

Palaspas. Check.

Tubig. Check.

Alcohol. Check.

Picture ni Bubu. Che-


"TIN!" Napatingin naman ako sa tumawag sa akin.

"ERIC. WAAA!" Si Eric pala. Namiss ko rin tong kaibigan ko na to. Hindi na siya
yung super sa black ang
itim ng damit and pants niya. Hindi na rin siya nakamotor. Yiee! At ang gwapo na
kasi nakangiti na siya.

Napayakap ako sa kanya. Namiss ko talaga. "Oops baka makita to ni Mr. Lee. Opss!"
kumalas naman ng
yakap si Eric sa akin.

Eh? Anong nangyari?

"Eric naman. Oo nga pala bakit ka nandito? Yiee namiss mo ko no'?" Siniko siko ko
naman siya.

Ngumiti naman si Eric. "Uhmm. Oo namiss kita. Pero nandyan ba ang asawa mo?.."
tanong ni Eric.

Wala. Wala si Jeff ililigtas ko pa lang.

"Uhmm wala ee." Sabi ko.

Gusto ko ako ang magligtas kay Jeff. Gusto ko si Super Tin ang magligtas. Hihi.

"Ahh..sige. Pakisabi na lang mag-ingat siya kasi gagantihan na siya.."

"nino?"

"Basta pakisabi na lang. Sige bye Tin." Waaa! Bigla namang umalis si Eric. Bakit
ganun kinabahan naman
ako?

Bahala na. Tinignan ko na lang ang mga gamit na inaayos ko kanina. Kailangan ko to
sa pagligtas ko kay
Jeff mamaya. Kailangan iligtas ko si Bubu kay tito Fernan pati na rin sa mga
santoses. Hintayin nila ako,
ako ang makakatapat nila.

Uhmm. Ano pa ba ang kulang? May bawang para pangontra, uhmm asin din, palaspas
uhmm-

"Teeny Weeny. Ano na naman 'yan? Aber!" napatingin naman ako sa may pinto. May
tumawag na lang
sa akin.

"WAAAAA. ANJ.." Tumakbo agad ako kay Anj pero maingat lang kasi baka masaktan si
Kev. Jr. naku po,
ang laki laki na talaga ng tiyan ni Anj. "...Ang laki mo na."

"AKO? MALAKI. SO SINASABI MONG MATABA NA AKO. HA?" Bigla namang umusok si Anj,
hindi naman
slight lang syempre mataba na talaga siya kasi buntis siya. Ee? Ang sinasabi ko
lang naman malaki ay
ang tiyan niya.

"Chill lang babe." Nandito rin si Kev at inalalayan si Anj. Isang buwan na lang
lalabas na si Kev. Jr. hihih.
Excited na si ninang Tin.

"Hi Kev-Uhmm Anj yung tyan mo yung malaki hindi ikaw, promise yiee ang sexy mo
kaya." Hinihimas
ko naman ang tiyan ni Anj. Ang laki laki na talaga.

"Buti nagkakaintindihan tayo." Umirap naman tong si Anj. Hay! Naku ganito talaga
hata kapag buntis.
"...ano ba 'yang pinagkakaabalahan mo?" tanong ni Anj.'

Waa. Hindi nila kailangan malaman na magiging superhero ako para kay Jeff. Dun kasi
sa napapanood
ko sa movies bawal ipagsabi sa ibang tao ang misyon nila at saka baka magalit ang
mga kidnappers.
Waa! Baka saktan nila ang Bubu ko. Hindi pwede yun.

"Uhmm wala collection ko lang. hehe" napakamot naman ako ng ulo. Yihihi. Humanda
kayo mga
kidnappers, nandito na si super Tin.

"COLLECTION. ANG WEIRD MO TALAGA TIN. NALOLOKA AKO SA'YO. Sana hindi magmana ang
anak ko
sa kaweirduhan mo." Umiiling iling pa tong si Anj.

"Babe naman anak natin. Hindi lang ikaw." Singit naman ni Kev. Okay eto na naman
ang kasweetan ng
dalawang ito.

"Hoy lalake, anak ko lang kasi ako ang nagdadala." Hinampas naman ni Anj si Kev.
Diba? Ang sweet
talaga ni Anj. Ang cute pa niya kasi namumula siya.

"Ikaw nagdala tayo gumawa." Ngumisi naman si Kev.

"Hoy tumahimik ka nga, baka iba isipin nung isa diyan. Manahimik ka Kevin."
Namumula na ng todo si
Anj. Hay! Ang sweet sweet talaga nila. Idol couple ko nga itong dalawang ito.
Presidente hata ako ng
fansclub nila.

"Yes. Boss."

Natawa na lang ako sa kanila. Sila na sweet.

Then nagkwentuhan na lang kami ng kung ano-ano. Sabi ni Anj bakit daw may bawang
ano naman daw
gagawin ko dun. Tapos may picture pa ni Jeff, naisip tuloy ni Anj na kukulamin ko
si Jeff. Waaa. Hindi
naman pero kapag kailangan na gagawin ko na.

Mayamaya lang ay umuwi na sila. Kailangan ng magpahinga ni super buntis. Buti nga
hindi nila natanong
si Jeff sa akin. Baka kasi mabuko ako bilang superhero mamaya. Buti na lang talaga.

Maya maya lang din ay mag-aayos na ako at lalagay ko na lahat ng paraphernalia ko


sa pagliligtas ko sa
buhay ni Jeff.
Grabe nga yung kidnappers basta kasama rin hata si Tito Fernan sa kidnappers kasi
kasama siya dun sa
picture na kasama yung isang Santos kasi nilagay nila ang address nila dun sa likod
ng picture ee. Bahala
sila, matatagpuan ko sila.

Kaunting oras na lang tutungo na ako kung nasaan si Jeff. Kailangan maligtas ko ang
Bubu. Kailangan
hindi ako pangunahan ng takot kasi baka hindi ko maligtas si Jeff. Kailangan kong
tapangan. Yung
parang magiging goku ako. Hihiii.

Sa tingin ko naman okay na ang lahat. Wala na akong nakalimutan. Kailangan ko ng


harapin ang mga
kidnappers. Kailangan matikman nila ang kamao ko.

AJA!

Waaaa! Parang ayoko nang pumasok sa bodegang ito. Huhu. Bakit kasi ang dilim?
BUBU!. Nasa labas
palang ako natatakot na ako. Hindi na ako nagcostume kasi baka kasi mahalata
nilang si Super Tin ako,
kailangan Tin lang ang pakilala ko. Pero kasi....

WAAAAA! NATATAKOT NA AKO.

Naglakad lakad pa ako. Nung may narinig akong nag-uusap nagtago agad ako.

"May tao ba dyan?" tanong nung lalaki.

Nakita ba nila ako? Patay!.

"Walang tao..ahooo multooo meroonn ahooo." Sabi ko.


Narinig ko namang parang tumakbo yung tao at pumasok sa loob ng bodega. Galing ko
talaga. Ganun
lang pala ay matatakot sila. Paano pa kaya kung ilabas ko ang mga weapons ko noh?
Wala na double
kill. Triple kill na sila.

Galing talaga ni Super Tin.

Yikes!

Naglakad lakad lang ako. Parang ninja. Kapag may dadaan gumigilid ako. Kumuha pa
nga ako ng damo
pangtakip sa mukha ko. Tapos ilang sanga at kinabit sa katawan ko.

Tignan na lang natin kung makilala niyo ko.

Hindi ako si Tin ako si SUPER TIN.

ANO PAPALAGPA?

Naglakad ulit tapos hinanap ang entrance pero bago pa ako makapasok ay may humila
sa akin at
tinakpan ang bibig ko.

WAAAAAA!

"Huwag kang maingay."


*******************************************
[44] REVELATIONS *new
*******************************************
CHAPTER 43

REVELATIONS

"Huwag kang maingay."

Waaaaa! Hinawakan ko naman yung kamay na nasa bibig ko. Inalis naman niya iyon.
Akala ko talaga
mamatay na ako. Pero pagtingin ko kung sino ang nagtakip sa bibig ko ay nagulat
ako. As in super gulat.

"KUYAAAAAAAAA GLENN? WAAA-"Tinakpan ulit ni Kuya Glenn ang bibig ko. Ang tagal din
naming hindi
nagkita. WAAAA! Namiss ko talaga siya. Siya yung kuya ni Jeff. Hindi nga siya
nakaattend ng kasal
namin ni Jeff ee. Kung titignan mo talaga parang si Jeff si kuya Glenn pero ang
pinagkaiba ni kuya Glenn
kay Jeff ay yung mata tapos yung bibig pati na rin yung hugis ng mukha. Crush ko
nga si kuya Glenn dati
pero ngayon hindi na kasi si Jeff na lang ang lalaki sa buhay ko. Naks Tin!

"Bakit ka nandito? Delikado rito Tin." Bakit ang sexy ng voice ni kuya Glen. Hihi.
Bulungan lang kami
baka kasi marinig kami ng mga kidnappers. Feeling ko superhero na talaga ako at
saka parang ninja rin.

Nilapit ko naman ang mukha ko sa bandang tenga ni kuya Glenn. "Hihi. Kailangan ako
ni Jeff."

Nakita ko naman ang gulat sa mukha ni kuya Glenn. What?! Nalaman na ba niyang si
Super Tin ako?
Patay!

"Kuya Glenn basta secret secret lang." Hindi dapat niya malaman ang identity ko.
Kailangan lahat ay
misteryo. Naks! "..basta kuya Glenn kailangan ako ni Jeff, kinidnap siya.."

Napabukas naman ang bibig ni kuya Glenn pero sinara naman niya iyon. "I know
Christine." Tapos bigla
namang hinawakan ni kuya ang magkabilang balikat ko. "Dito ka lang..huwag ka ng
pumasok.. ako na
lang"

"Pero kuya-"

"Trust me." Sabi ni Kuya at nginitian ako. Eh? Bakit parang kamukha siya ni Bubu.
Erase erase Tin.
Kapatid siya ni Jeff.

Then naglakad na papasok si kuya sa loob.

Eh? Ako anong gagawin ko? hintayin sila rito ng walang ginagawa? Pero kasi sabi ni
kuya Glenn dito raw
lang ako at hintayin sila?

Pero hindi ko naman kaya iyon. Kailangan ilabas na ang mga weapons ko. Kung may
bakal na krus lang
ako katulad ni Juan Dela Cruz naku sure akong matatalo ko ang mga kidnappers. Pero
kasi ngayon
palaspas lang ang nadala ko.

Pero okay lang iyon, kaya na to. AJA!

Kumuha ulit ako ng damo at sanga sa paligid. Papasok na ako sa loob. Nung
naglalakad na ako sa loob
kailangan maingat ako. Kailangan walang sounds na maproduce. Nagmamala ninja nga
ako tip toe lang.
Ano kayo?

Pero kasi ang dilim sa loob ng bodega. Tapos super tahimik at ang nakakainis ay
mabaho. Huhuu. Bakit
ganun? Pero hindi dapat iinda iyon kailangan ako ni Jeff. Kailangan ko siyang
maligtas. Kaya naming
harapin ito.

Sa gilid lang ako. Kapag may naririnig akong yabag ay super gilid ako. May patibong
na nga akong
ginawa ee. Binudburan ko ng asin ang paligid. Pati na rin bawang. Tignan na lang
natin kung makatakas
sila.
May narinig nga akong nagsalita ee. "Pre bakit ka ba nagkakalat ng asin at bawang.
Gago ka ba?" sabi
nila pero nakatago lang ako sa gilid. Kitams? Kumagat sila sa pain ko.

Nice one Super Tin.

Nung lumabas na sila ay naglakad pa ulit ako. Sumilip ako. Nung may nakikita akong
liwanag ay
nagpatuloy lang ako sa paglalakad sa gilid.

Walang tao. Check.

Naglakad pa ulit hanggang sa may narinig akong taong nagsisigawan.

"Nice! Kumpleto ang mga Lee. Reunion ba ito? Pero mamatay din naman kayo. Kayong
lahat.
HAHAHAH" Anyare kay kuya? Tawa ng tawa pero ano iyong narinig ko mamatay? Sumilip
na ako pero
napatakip ako ng mukha ng nakita kong hawak hawak nung mga panget si kuya Glenn.
Ginala ko pa ang
mata ko. Napaatras ako. Si... Jeff ko. Bakit may may sugat sa mukha? Bakit may
dugo? Nakatali siya sa
isang poste.

Tapos? Sino...yung kasama niya?...

Si Tito Fernan?

WAAAA. Nakatali rin si Tito Fernan? Pero diba kasama siya sa mga kidnappers? Eh?
Anong nangyayari?
Bakit? Ano to?

Napapaatras na lang ako hanggang sa natama ako sa malambot. Malambot? Kinakapa


kappa ko pa? ang
lambot talaga? Sinundot sundot ko pa. Eh? Parang tyan? Tinaas ko pa ang pagkapa ko.
bakit ang
lambot. Pero biglang may humawak sa kamay ko kaya napaharap ako.
ANG PANGET.

"Long time no see Mrs. Lee. Good you back here." JAIME SANTOS. YUNG PANGET. YUNG
PANGET na
dati na nakaviolet na coat. Oo, yun yun hanggang ngayon panget pa rin at
sakaaa...bading kasi nakapink
na siya na coat. Tapos white pants. Hala! Pinanindigan talagang bading.

"Hello. Hehe Nice to see you." Kumaway pa ako. Niready ko naman ang sarili ko sa
pagtakbo. 1..2..3..
Takbo Takbo Tin-

"Saan ka tutungo?" Nanlaki naman ang mata ko dahil hinawakan niya ang braso ko at
hinila patungo kila
kay Jeff. WAAAAAA.

"Look what I have here? Bro" BRO? Seriously? Napatingin naman ako sa kinakausap ni
Jaime Santos?
Bakit para naman hindi sila magkamukha? Hindi niya siguro kapatid to kasi may
itsura ee, mga kasing
age lang siguro ni Jeff tong kinakausap nila. Siguro ito yung pinakapinuno.

Marami ring tao rito. All black sila at nakakatakot ang mukha. Lahat sila halos
nakangisi ng nakakatakot.

Lumapit naman sakin yung parang pinakapinuno. Hawak pa rin ni panget slash bading
ang braso ko. Pilit
kong inaalis pero hindi pa rin ako makawala. Hala? Baka may glue na ang kamay niya
aa. Tinignan ko
naman si Jeff, gulat na gulat siya. Pati na rin si tito Fernan at kuya Glenn.

"MGA HAYOP KAYO. HUWAG KANG LALAPIT SA KANYA JIM. PAPATAYIN KITA" Napapikit naman
ako sa
sinigaw ni Jeff. Pilit din niyang kinakawala ang sarili sa pagkakatali niya.

Bigla namang hinablot nung Jim ang mukha nung nakalapit na siya sa akin. Napangiwi
ako sa hablot
niya. "Ikaw pala ang asawa ni Mrs. Lee!" nakangisi siya.

"HUWAG MO SIYANG HAWAKAN JIM. PAPATAYIN KITA KAPAG NAKAWALA AKO RITO. HAYOP K-"

"JEFFF!!" Sinipa nila si Jeff. Sinipa nila. Nasaktan ang bubu ko. May..dugo.
Tumingin ako kay Jim.
"Parang awa mo na. Huwag mo siyang saktan ako na lang..." Nangingilid na rin ang
mga luha ko. Huwag
si Jeff.

Ngumisi naman si Jim at hinawi ang buhok ko. Narinig ko naman ang sigawan ng mga
tao. Nakita ko rin
sa gilid ng mata ko na pilit kinakawala ni kuya Glenn ang hawak ng mga tao ng
Santoses sa kanya. Si Tito
Fernan ganun din. Inaalis niya ang pagkakatali sa kanya pati rin si Jeff.

Pilit ko rin tinatanggal ang hawak nung bading sa akin. Ang higpit ng hawak ni
Jaime Santos sa akin.

"Maganda siya Jefferson. Maganda." Nagulat naman ako sa ginawa ni Jim hinalikan
niya bigla ang
pisngi ko.

"HAYOP KA. HAYOP KA. HUWAG MO SIYANG HAWAKAN." Sigaw ni Jeff.

Hindi ko naman matulak si Jim kasi hawak ni Jaime ang mga kamay ko. Hinahalikan na
rin ni Jaime ang
leeg ko. Hindi ako makailing kasi hawak nung Jim ang ulo ko. Lord.

"MGA HAYOP. MGA HAYOP. MGA HAYO-" Binugbog na nila si Jeff.

Tuluyan ng kumawala ang luha ko. Ayoko na tama na. "Parang awa mo na...tama na..
ano pwede kong
gawin? Pera? Gusto niyo?" ayaw ng papigil ng luha ko.

Tumawa naman yung Jim. "I don't need it. Since wanted na rin naman kami.. " huminto
siya at nilapit
ang mukha niya sa may tenga ko. "...papatayin ko na lang si Jefferson."
Nanigas naman ako sa sinabi niya. Umalis siya tabi ko at naglakad patungo kay Jeff.
Lalo akong nawalan
ng hangin nung nilabas nung Jaime ang baril niya. "Wow, this is great Jefferson.
Makikita nang asawa
mo ang pagkamatay mo pero don't worry susunod ko rin naman siya.." sabi ni Jim
habang papalakad
kay Jeff.

Tinadyakan ko naman patalikod si Jaime sa part ng pagkalalaki niya. Nabitawan niya


ako at napahiga
siya.

Nakita ko namang malapit na si Jim kay Jeff. Nakatutok na ang baril sa ulo niya.

"Parang..awa mo..na huw-" napapigil ako ng biglang may humawak sa paa ko. Hinila ni
Jaime ang paa
kaya nadulas ako at natama ang ulo ko sa sahig. Naniningkit ang mata ko at parang
dumodoble ang
paningin... naramdaman ko rin na parang may malagkit sa may ulo ko. Dugo.

"HAYOP. HAYOP KAYO..TIINNN. TINNN" Rinig kong sigaw ni Jeff bago ako napapikit.
*******************************************
[45] I'LL STAY *new
*******************************************
CHAPTER 44

I'LL STAY

Bakit ang bigat ng pakiramdam ko? Anong meron? Ang hirap idilat ang mata.

"Ikaw Jefferson. Wala ka talagang ginawa sa baby ko kung hindi saktan siya." Si mom
ba yun? Hindi ko
naman madilat ang mata ko.

"Dalawang araw na siyang hindi nagigising ng dahil sa'yo." Parang umiiyak na si


mom.

"Jefferson." Narinig ko naman ang boses ni daddy. "Pagpasensyahan mo na tong asawa


ko." Buti pa si
daddy, naiintindihan ang sitwasyon. Pero kasi hindi ko naman maidilat ang mata ko.

"Sorry sir. Hindi ko naman kasi alam na madadamay siya." Naramdaman ko naman ang
paghawak ng
isang kamay sa kamay ko. Siguro si Jeff to. Wala naman talagang kasalanan si Jeff.
Dapat nga ako
magliligtas sa kanya pero hindi ko naman nagawa.

"Anong hindi mo alam. Ikaw na lang lagi-"


"Hindi makakabuti kay Tin yan. Tara muna nga sa labas." Parang inaya naman ni dad
si mom sa labas.

Minuto ang lumipas ay naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Jeff sa kamay ko.
Gusto ko na ngang
makita kung maayos na si Bubu. Diba may mga sugat siya? Kawawa naman ang bubu ko.

"Tin." Aniya. Gusto ko ng dumilat pero parang ang hirap talaga. Gusto ko na ring
magsalita para
malaman ni Jeff na okay lang ako.

Pero parang kumikirot kaunti ang ulo ko.

"Pasensya ka, nadamay ka na n-naman." Waaa. Umiiyak ba ang bubu ko? nahihirapan ba
siya?
"Pasensya ka na Tin, ang gago ko lang. Nasaktan ka ba ng hayop na Jim na 'yan?
Hayaan mo nakulong
na siya. Nakulong na rin ang hayop na si Jaime Santos." Naramdaman ko naman ang
paghalik ni Jeff sa
kamay ko.

Gusto ko nang imulat ang mata ko. Umiiyak na ang bubu ko. Naiiyak na rin ako.

"Sana gumising ka na. Bubu." Anong sabi ni Jeff? Tinawag niya akong bubu? WAAAAA.
Pipilitin ko
talang imulat ang mata ko. Tinawag ako ni Jeff na Bubu.

Pinilit kong iginilaw ang kamay ko. Huhu. Tinawag akong bubu ni Jeff.

"Tin.. Bubu. Okay ka na?" Para namang nagpanic si Jeff.

Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Kahit parang malabo sa una ay naging maayos
na rin. Nakita ko
rin si Bubu. Nasa hospital hata ako? maputi kasi ang paligid.

"Tin. Tin. Nakikita nakikilala mo ba ako?" WAAA. Baka akala ni Jeff hindi ko siya
kilala kasi hindi ako
makapagsalita. Eh? Bubu ang hirap kasing magsalita.

"Teka Tin..tatawagin ko ang doctor. Teka.." Umalis naman si Jeff sa tabi ko. Huhu.
Jeff ko dito ka lang
okay na ako.

Masaya na nga ako kasi tinawag akong bubu ni Jeff. Diba dapat maghappy dance na ako
sa gilid? Gawin
ko kaya?

Umupo ako sa pagkakahiga ko. Waaa. Bakit kumirot ang ulo ko? kinapa ko naman kahit
parang nahihilo
ako. May bandage? Ano bang nangyari?

Ang naalala ko lang ay..tama..hinawakan ni bading na si Jaime Santos ang paa ko


kaya ako nadapa.
Natama naman ang ulo ko sa sahig tapos na wala ako ng malay.

Tapos ngayon nasa hospital ako.

Mayamaya lang ay dumating si Jeff pati rin yung doctor. Chinecheck ako ng doctor
pero nakatitig lang
ako kay Jeff. May pasa si bubu sa may gilid ng labi tapos parang pumutok pa. Tapos
may ilang sugat sa
braso. Ang daming pasa ni Jeff. Kawawa naman ang bubu ko. Nagamot na kaya siya?
WAAAAA. Siya
hata dapat ikonsulta sa doctor.

"Bubu.." nakapagsalita na ako. huhu. Umalis na rin ang doctor. Sabi ni doctor okay
na raw ako.
Magpahinga lang daw ako. Sabihin daw agad sa kanya kapag sumakit ang ulo ko.

Lumapit naman si Bubu sa akin. "Bakit bubu?" WAAAAA. Iiyak na ako.

"Anong sinabi mo bubu? Ulitin mo nga?" Naiiyak na ako. Pinapangarap ko hatang


magkasundo kami ni
Jeff sa tawagan noh. Marami kasing mag-asawa na may tawagan sila. Katulad na lang
ng honey, beyb,
bebe ko. Kami ni Jeff, unique ang tawagan. Huhu.
"Alin?" Kumunot naman noo ni Jeff. Hinawakan ko naman ang mukha ni Jeff.

"Basta ulitin mo.. yung sinabi mo." Huhu. Kawawa talaga ang bubu ko. Masakit siguro
tong nasa may
gilid ng labi niya. Pero atleast diba gwapo pa rin ang Jeff ko?

"Alin dun? Yung pagtawag ko ng Bubu?"

"WAAA. Bubu. Tinawag mo talaga akong bubu. Nakakaiyak." Napaiyak na ako. Gusto ko
man
maghappy dance ay hindi ko nagawa kasi baka pagalitan lang ako ni Jeff.

"Bakit may problema ba?"

"Wala bubu. Tawagin mo nga ulit ako." Kiniss ko yung nasa gilid ng labi niya.

"Bubu." Nakangiti na si Jeff.

"Bubu..." inulit ko pa. Masaya na ako. "...Bubu masakit ba? Yung nasa may labi mo?"

"Oo. Saka nanghihina ako. Parang gusto ko ng energizer." Para namang nagpipigil ng
ngiti si Jeff. Hihi.
energizer ba ang kailangan ni Jeff?

"Talaga? Bubu?" Hinalikan ko siya ulit. "..Masakit pa?" tanong ko.

Niyakap naman ako bigla ni Jeff. "Hindi na..." Naramdaman ko naman ang paghalik ni
Jeff sa ulo ko. Ang
tamis talaga ng bubu ko. "...Akala ko mawawala ka na sa akin Bubu. Akala ko
mawawalan na ako ng
araw..Akala ko iniwan na ako ng araw ko.. Di ba nga ikaw ang kahinaaan ko? hindi ko
siguro alam kung
anong mangyayari sa akin kapag nawala ka..." sabi ni Jeff.

Bakit parang naiiyak ako sa sinabi ni Jeff?


"Pero nandito ka pa rin naman. And I'll stay with you no matter what. Bubu. Mahal
na mahal kita Tin.
Mamatay ako kapag nawala ka sa akin.." Hinalikan ako ni Jeff pero this time sa labi
na.

Hindi ko na mapigilang hindi umiyak at ngumiti. "Hindi naman nawala ang sinag ng
araw bubu ee.
Nandito pa naman ang araw mo. At saka bubu, huwag na kasi kahinaan. Pwede naman
kasing
kalakasan. At saka bubu, huwag mo na akong ilagay sa bulsa mo. Nalaman ko kasing
hindi nila kayang
gumawa ng mga kasing laki ko-"

Napalaki naman ang mata ko. Si Jeff naman kasi nanghahalik. Eh? Napahawak tuloy ako
sa ulo niya.
Namiss ko lang si Bubu.

"AHEM."

Napaayos naman kami ni Jeff. Landi landi ko kasi. Hehe. Si Mom and Dad. Pati rin si
kuya Glenn...at.Tito
Fernan.

Nakaligtas sila. Tama. Hindi kasama si tito Fernan sa mga kidnappers pero anong
ginagawa niya dun?
Iligtas si Jeff? Eh? Diba nga parang may something kay Jeff at tito Fernan? Eh?
Nakakagulo ng brain
cells. Tawagan ko na kaya si Anj? Hindi ko na kasi kayang mag-isip. Hehe.

Lumapit naman si mom sa akin. "Mabuti naman maayos na ang baby ko." si mom talaga?
Alam ko
namang over protective lang siya sa akin kasi only girl lang ako. Huhu. Love you
mom.

"May masakit ba sa'yo Tin baby?"

Umiiling naman ako. "Wala po mom."

Kinamusta nila ako tapos nagkuwentuhan. Tinawagan nga ako ni Anj. Hindi naman siya
makatungo rito.
Masaya na ako kasi maayos na ang lahat. Thank you Lord.

Lumipas ang araw. Maayos na rin ang kalagayan ko. Hihi. Kinukulit ko nga si Bubu
lagi ee.

"Bubu sabihan mo nga ako ng Bubu." Sinisiksik ko siya sa may sofa. May binabasa
siyang article sa
newspaper. Seryoso kasi masyado, nakakunot ang noo.

"Ayoko." Umiwas naman ng tingin si Bubu. Namumula na naman ang tenga.

"Hala bubu. Ako nga proud pa akong sinasabihan ka ng bubu ee. Ang unique kaya ng
tawagan natin
diba?" Siksik lang ako sa kanya. Hihi.

"Ayoko.. Bakit mo ba ako sinisiksik? Laki ng space dun oh?" Eh? Sabihin muna kasi.
Say the magic word.

"Eh? Hala naman sabihin munaaaa. Dalii. Bubu lang naman-"

"Anong sasabihin ko ulit? Tin?" WAAAAAA. Nilapit ni Jeff ang mukha niya sa akin.
Napapabend naman
ako. Halaaaa.

"Y-yung B-ubu..hehe-hala! Jeff anong gagawin mo. WAAAA." Kinilig lang ako kasi
kiniss ni Bubu yung
ilong ko. Eh?

"Ano ulit Tin?" WAAA. Ang sexy ng boses ni Bubu. Kinorner pa niya ang dalawang
kamay niya sa sofa.
Nakahiga na rin ako.

"Yung yun B-bubu-" Kiss ulit.


Jeff naman ee. Hindi ako ready. Hehe.

"Ano uli-"

"AHEM" Bakit ganito na lang lagi? May pumipigil sa amin. Huhu.

Napatingin naman kami ni Jeff sa may pinto.

"Jefferson." Si Tito Fernan? Pero nakangiti siya. Nandito rin si Kuya Glenn?
Nagpipigil ng tawa? WAAA.
Nakita nila?

"Kanina pa nga kami rito. Hindi niyo hata kami napansin" sabi ni kuya Glenn. Tapos
tinignan ko pa si
kuya Glenn, konti na lang tatawa na siya.

HALA? Nakita nilang nilalandi ko si Jeff.

Lumapit naman sila. Umaayos naman ako ng upo. Tumabi sa akin si tito Fernan. Si
kuya Glenn naman
tumabi kay Jeff at tinapik ang balikat.

Namumula ang tenga ni Bubu.

"Christine.." Napatingin naman ako kay tito Fernan. "..I'm sorry. Sa lahat ng
bagay. Hindi nga dapat
humantong ang lahat kung nakinig lang ako kay Jefferson. I know everything happened
on you both
was my fault. I'm sorry Christine. Gusto ko lang naman na hindi galawin ng Santoses
si Jefferson kaya
pinipilit ko siyang iurong ang kaso at huwag ng inbestigahan pa. Pero.." napatawa
naman si Tito Fernan.
Pero alam ko parang naiiyak na hata siya. "...My son wants justice. He doesn't want
any illegal things.
Haha. I'm very proud of him." Napatingin naman si tito Fernan kay Jeff. Huhu.
Nakakaiyak. Gusto ko na
nga mapa 'AWW' ee pero dramarama kasi mayroon ngayon.
Tears, please don't fall. Hiihi.

Napangiti na lang ako. Hindi naman pala masama si tito Fernan. Gusto lang niya ang
kaligtasan ng anak.
Huhu. Bait bait pala ni tito Fernan. So proud. Pati rin kay bubu ko.

Tapos mayamaya pa biglang lumapit si Jeff kay tito Fernan. Tumayo naman si tito
Fernan tapos niyakap
si Jeff. Huhuh. Hindi ko na talaga napigil ang mga luha ko. huhu. Tissue please
pati sipon ko hata tumulo
na. huhu.

"Dad..i'm sorry. Mali lahat ng hinala ko sa'yo. Akala ko hindi ka naging ama dahil
akala ko masama ka.
But I'm wrong." HUHUHU. Wala na maglulupasay na ako sa nakikita ko. Bakit ang drama
ngayon?
Nakikita ko ring umiiyak na si tito Fernan pati si Bubu.

Lumapit naman si kuya Glenn sa akin. Hinahagod niya ang likod. Aw.

Nag-usap na lang kami at nagkwentuhan. Nasa pangangalaga ng pulis ang mga Santoses.
Hindi na sila
makakagawa pa ng masama. Hindi na rin sila makakagawa ng paraan para maipamahagi pa
ang illegal
drugs sa Pilipinas. Sila Jeff, tito Fernan, at kuya Glenn ang nag-ayos ng lahat.
Taray ng pamilyang Lee.
Hahah.

Oo nga pala. Nasaan si Tom? Nag-aaral na siya at nakakaproud sabihin na kolehiyo na


siya. Hihi. Ang
tamis ni Bubu kasi siya ang nag-ayos ng pag-aaral ni Tom. Huhu. Proud wife here.

Akala mo masama pero hindi pala. Dito mo mapapatunayan na ang mga magulang ay
laging hangad ang
kaligtasan ng anak. Katulad na lang ng mom ko, napakaoverprotective lang niya sa
akin kaya ganun siya.
Pero minsan parang O.A. na pero hindi rin. Hahha. Love your parents, kids.

I'm so happy kasi tapos na. And this will be starts of another chapter of our life.

Seryoso Tin.
*******************************************
[46] PUSH MO LANG ANJ! *new
*******************************************
CHAPTER 45

PUSH MO LANG ANJ!

"Anj laki mo na talaga." Hinihimas ko yung tyan niya. "..Para talagang nakalunok ka
ng pakwan."
Tumingin naman ako kay Anj then super smile ako.

"Alam ko teeny weeny na malaki na ako. Huwag ka.." Tumawa pa tong si Anj.
"..malapit ng lumabas
tong anak ko. Sexy na ulit ako." Nag parang evil smile pa. Hala.

"Ano ka babe. Sinasarili mo na naman yang anak natin" Dumating na rin si Kev
kasabay niya si Jeff.

May dala silang drinks. Nandito kami kila Anj. Hehe. Bumibwisita lang kasi malapit
na talagang lumabas
si baby Kevin. Hhi. Proud soon to be Ninang here. Kailangan ma-check ko kung maayos
si Anj noh.

"Ewan ko sa'yo Kevin. " Tumabi naman si Kevin kay Anj. Halos sakop nga ni Anj yung
sofa ee. Laki niya
talaga. Hihi.

Tumayo na ako. Nasisiksik kasi ako ni Anj. Laki ee.


"Yan tuloy babe ang laki mo na kaya umalis si Ti-"

Sinapak na ni Anj si Kev. HALA?

"ANONG MALAKI KA DIYAN? GUSTO MO BANG LUMABAS NG BAHAY." Si Anj naha-high blood na
si
Anj.

Niyakap naman ni Kev si Anj. Ang sweet talaga nila. "Nukaba babe... sexy mo kaya."
Hinalikan naman ni
Kev si Anj sa lips. Kaya idol ko tong mga ito ee. Sila na! sila na talaga.

"Tumigil ka nga diyan. Mahiya ka naman kay Tin. Nainggit na." Namula naman ang
pisngi ni Anj tapos
biglang tumingin sa akin.

Winagayway ko naman ang kamay ko. "Hindi okay lang. hehe. Kaya rin namang gawin ng
bubu ko yan.
Diba? Bubu?" ginitgit ko naman si Jeff.

Napaubo naman to. Kanina pa siya tahimik.Hindi umiimik. Masama kaya pakiramdam ni
Bubu. "Hala,
bubu masama ba ang pakiramdam mo?" Lumapit naman ako ng sobrang lapit. As in super
super close.
Hehe.

"Kayo niyo?" Napatingin naman kami ni Jeff kay Anj. Nakangiti lang ito ng
napakawide. Hala.

"OO NAMAN. KAMI PA." Hala napalakas na rin ang boses ko. Tumingin naman ako kay
Jeff. Yung tenga
ni Bubu. Yung tenga niya nagrered na naman. "Diba Bubu? Kaya rin nating magkiss.
Diba?" siniksik ko
ulit si Jeff. Kaya naman talaga naming magkiss ee. Try niyo pa. Si bubu pa malakas
kaya ako sa kanya.

"At saka. Tinawag niya rin kaya akong bubu. Kami ni Jeff unique ang tawagan kayo
babe lang ni Kev. Sa
amin kakaiba." Kailangang ipagmalaki ang tawagan namin ni Bubu. "..DIBA BUBU?"
Nilakasan ko pa ang
boses. Hindi kasi umiimik si Jeff ee. Pero okay lang pagtatanggol ko siya. Hihi

"Talaga? Ee kakaiba naman kasi kayo. " Tumaas naman ang kilay ni Anj. Si Kev naman
ngumingiti ngiti na
lang. Hala.

"TALAGA." Super lakas na ng boses ko. "DIBA BUBU?" Tumingin na ako kay Jeff.
Nakakunot lang ang
mga kilay. Eh?

Paglaban ang pagmamahalan. FIGHT TIN!

"WEH?" HALA NAMAN SI ANJ. Alam naman niyang mahiyain si Jeff ee. Ginaganto pa niya.
Naku talaga.

"OO NGA KA-" WAAA. Hinalikan naman ako ni Jeff. Sabi ko sa inyo ee kayang gawin ni
Bubu yun ee.
Yung kiss..naku talagaaa.

Bumitiw naman si Jeff sa kiss tapos namumula yung tenga. Hehe. "Yung gintong
binigay ko sa'yo Kevin.
At sa'yo rin Anj. Natatandaan niyo pa" makahulugang sabi ni Jeff. EH? Anong ginto
ba yun?

Napakamot naman yung dalawang sa ulo. Hala! "Oo naman pre hindi ko makakalimutan
yun. Suot na
nga ni babe ee." Sabi ni Kev.

"Oo naman papa Jeff. Hindi ko makakalimutan yun" natatawang kinakabahan na sabi ni
Anj. Pinakita pa
niya yung kamay niya tapos may kumikinang ngang gintooooo. Tumataas baba naman ang
kilay ni Anj
nung nakatingin sa akin. Halaaaaaa.

Hala? Yun ba yung ginto. Yung singsing na nasa daliri ni Anj? Eh, ginto nga ginto.
Pero paano naging
ginto ang diamond? Hehe. Siguro sa kinang lang yun.
"Buti naman." Napatingin naman ako kay Jeff.

Hala. Bahala na.

Tapos mayamaya lang ay napagpasyahan naming maglakad sa labas. Makalanghap man lang
ng
sariwang hangin tong si Anj. Lagi na lang kasing pagkain ang nilalanghap ee. Joke.

Maglalakad lang kami then kuwentuhan din. Nagsmile na lang kami sa taong na
dadaanan namin. Sila
Kevin and Anj napakasweet talaga. Kami nga ni Jeff behave lang.

Tapos si Bubu. WAAAAA. Holding hands na kami katulad nung ginagawa nila Anj and
Kevin. WAAA.
Pinipigilan kong hindi mautot at maihi sa sobrang kilig ko. Todo higpit nga ang
pagkakahawak ko sa
kamay ni Bubu ngayong naglalakad kami.

Naninigurado lang na dapat sa akin lang ang kamay ni Jeff.

May nakita naman akong pamilyar na tao na pababa ng kotse. May nakuwento kasi si
Anj sa akin na
may lilipat na bago dun sa bakanteng bahay ng subdivision na iyon. Maganda nga yung
bahay.

Naningkit ang mata ko at tinitigan kung sino yung bumababa. Naramdaman ko naman ang
paghigpit ng
hawak ni Jeff sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin din si Jeff sa kung
saan ako nakatingin.

Si Andrew talaga hata yun. Sino yung kasama naman niyang babae? Eh? May girlfriend
na si Andrew?

Nakita ko naman palapit sila sa amin. Nag wave nga si Andrew tapos ngumiti tapos
parang kumunot
naman ang noo nung babaeng kasama niya kaya sumabit siya kay Andrew. Yiee, siguro
girlfriend ni
Andrew yun. Lumalovelife na si Andrew.
Pero nagulat ako ng sumigaw si Anj. "MANGANGANAK NA AKO KEVIN!" sigaw ni Anj.
Nataranta ako
bigla, hala anong gagawin. Sabay sabay kaming nataranta. Nakarating na rin sa
pwesto namin sila
Andrew and yung babae.

Nilapitan ko naman si Anj. "Basta Anj push mo lang dapat aa. Push mo lang Anj.!"
Pero nabatukan pa
ako ni Anj. Waa. May mali ba akong sinabi.

"Anong sinasabi mo Teeny Weeny. ANU BA KEVIN! Sakay mo na ako ng kotse." Nakahawak
lang si Anj
sa tyan niya. Habang si Kevin nakaalalay kay Anj pati na rin si Bubu ko nakaalalay
kay Anj.

"Tara na" aya ni Kevin. Tumungo naman si Kevin dun sa kotse ni Andrew. Binuksan
naman ni Andrew
iyon. "Pahiram muna pre." Tumango naman si Andrew. Pati yung girl na kasama niya.

Pero natataranta na talaga ako. Waaa. Pero hindi pwede kailangang kalma lang kami.
"Huminahon nga
tayo!" sabi ko.

"Wow, Tin sa'yo pa talaga nanggaling yan aa." Sabi ni Anj at inalalayan nila sa
pagsakay ng kotse.

"Sorry naman" sabi ko sabay kamot sa batok.

"Ano ayaw niyo pang umalis?" tanong ni Anj.

"Heto.. na " sabay sabay naming sabi.

Si Jeff ang nagmaneho habang si Kevin at Anj ay nasa back seat. Hindi gaanong
natataranta si Anj, para
ngang mas taranta pa kami ee.

"We're here" sabi ni Jeff. Agad na lumapit ang mga nurses at pinahiga si Anj.
Pero bago makapasok si Anj sa isang kwarto ay may sinabi ako sa kanya. "BASTA ANJ
I-PUSH MO LANG
LALABAS YAN" Pinayuhan ko lang.

Ilang oras na rin kaming naghihintay at palakad lakad lang si Kevin at hindi
mapakali. Maya maya biglang
lumabas na ang doctor. Sabay sabay kaming sumugod sa doctor.

"Anong na nangyari?" sabi ko.

"Doc?"

"Sabihin niyo na doc?"

"Ano na nangyari sa mag-ina ko?"

Huminga muna ng malalim ang doctor. "Uso kalma!" sabi ng doctor.

"Sorry naman doc?" we said in chorus.

"Okay na si baby. Pwede niyo siyang makita." Sabi ng doctor. Dali dali kaming
tumungo at nakita na
namin si Kev jr. Ang cute ni Kevin. Proud ninang here.

Tinignan ko si Jeff at titig na titig siya kay Kev. Jr.

Kailan kaya kami magkakababy ni Jeff?


*******************************************
[47] NA SAAN SI BUBU?
*******************************************
CHAPTER 46

NA SAAN SI BUBU?

Papalapit na ako sa altar. Nakikita ko na nga si Jeff kasama ang minister.


Napakagwapo sa suot niya.
Nag-uumpisa na nga akong maglakad kasama sila mom and dad pero kapag tumingin ako
magkabilang
gilid ko ay wala na sila. Tinignan ko rin ang paligid. Wala ng tao. Ang mga flowers
naging itim.

Dumilim ang paligid.

Tapos biglang kumulog. Napatakip naman ako sa tenga.

Tumingin ako sa harap ng altar. Nandun pa si Jeff pero hindi siya nakangiti. At
para ring nagblurr si Jeff.
Wait! Anong nangyayari?

Akala ko happy ending na?

Sino yung kasama ni Jeff? WAAA. Si Jim Santos? Hala. Jeff. Bakit ganito? Ano bang
nangyayari?
Nararamdaman ko na rin ang ihip ng hangin. Natutumba na rin ang ilang bagay dito sa
simbahan.
Naiiyak na ako. Binilisan ko ang paglakad. Bakit ganito humahaba ang nilalakaran
ko?

Pero si Jeff. Unti unting nawawala. "Bubu, eto na ko, sandali na lang" Binilisan
ko ang paglakad. Pero
bigla akong nadapa. Humaba rin ang nilalakaran ko. Halaaaa.

Tumingin ako ng diretso sa altar pero si Jeff kasama na ni Liz. Nakakapit pa si Liz
sa braso ni Jeff. Hala
Bubu madumi yan. Jeff.

Tumayo na ako at nag-umpisa ng tumakbo. Pero wala na, nagsisimula ng umalis si Jeff
with Liz. Diba
kasal namin to? Diba okay naman ang lahat? Pero ano tong nangyayari?

"JEFF!!"

"JEFF"

"BUBU"

"BUBU. JEFF!"

"BUBUUU!!!"

"Tin, gising Tin!"

Nagising ako sa isang pamilyar na boses. Si Jeff yun, di pa niya ako iniiwan.
Panaginip lang lahat iyon.
Sana hanggang panaginip na lang iyon ayokong mawala siya sa akin. Ayokong iwan na
lang ako ni Jeff.
Marami pa ako-kaming pangarap sa isa't isa. At alam ko namang hindi ako iiwan ni
Bubu.

Agad kong niyakap si Jeff ng mahigpit. "Bubu, di mo naman di ba ako iiwan? Di ba?
Di ba? Bubu." sabi
ko kay Jeff habang nakayakap. I press my head onto his chest. Ang bango ni Jeff.

Niyakap din ako ni Jeff at sinabing " Oo naman Tin " Sabi niya at iniharap niya ako
sa kanya at tinignan
ang mga mata ko. "Paano ko naman iiwan ang isang tulad mo?" sabi ulit ni Jeff sabay
ngiti.

Hanubanaman 'yen Bubu. Kiss kita diyan eh.

Agad naman nawala ang takot at lungkot ko sa sinabi ni Bubu. His words never
failed to put smile on
my face. It's always an assurance that he will always be here. Forever! At saka
super sure naman akong
sa akin lang si Bubu. Wala na kaya si Liz, tsinupi ko na. hehe. Joke.

"Madam, Ayan okay na po ang Wedding Dress, sukat na sukat" sabi nung designer.
Malamang sukat sa
akin, sinukatan niyo. Ang weird naman nito, anong sense kapag hindi nasukatan.
Hehe. Ano ba 'to
parang ang sungit ko hata.

Ngayon namin kukunin ang mga gown para sa kasal namin ni Jeff sa Sunday. Akalain mo
yun kakasal ulit
kami ni Jeff ko. Noong araw na sinabi niya iyong papakasalan niya ulit ako,
napakasaya ko kasi
pinatunayan ni Jeff na mahal na mahal niya ako.

"Look at you, You're beautiful" biglang pagsulpot ng designer. Hala, talaga?

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at Wow, ang ganda nga. Tiyak ikikiss ako ni
Bubu. Ang ganda ng
gown, ang hirap ipaliwanag kung gaano ito kaganda kasabay pa ng ganda ko. Chos. Ang
puti nito at
simple lamang ang disenyo.

"Hoy, Teeny Weeny anong nginingiti mo dyan?Aber." Agad na sumulpot si Anj sa harap
ko. Siguro
naiwan si Baby kevin jr. kay Kev.

"Wala Anj, Wala" sabi ko kay Anj at ngumiti.

"Siguro, pinagtatawanan mo na ako kasi mataba pa rin ako. Humanda yang Kevin na yan
sa akin" Eto
talagang si Anj nage-emote masyado. Eh kasi mataba na nga konti si Anj. Ang dami
kumain. Okay lang
naman yun kasi babalik din naman sa dati yung figure niya kapag nagdiet siya.

"Hala, Anj hindi ah, Sexy Sexy mo nga eh" sabi ko kay Anj. Sexy siya dati? Secret
lang a.

"Sige na, Sige na by the way Tin wala pa bang laman yang tiyan mo" nakanguso naman
tong si Anj tapos
tunuturo yung tyan ko hata. Napahawak naman ako sa tyan ko.

Anong laman kaya ang pinagsasabi ni Anj. Bakit ang daming alam ni Anj?

"Hala , Anj Malamang meron, kakain ko lang kaya" Eto talagang si Anj may laman
laman pang
nalalaman. Kakain ko lang naman saka ganun talaga. Laging may laman tiyan ko.

"Wala pa ba?" sabi ni Anj . Ano? Di ko talaga gets. "Tin , grabee na ang pang-aakit
na ginawa mo, wala
pa rin ba?" sabi ulit ni Anj.

"Anj, naman" Ang hirap talagang intindihin ni Master Anj. Daming alam.

"Hay, Naku Naku Teeny Weeny, Di talaga kita maintindihan, Hay naku nandyan na asawa
mo" sabi ni
Anj at nakanguso na siya sa pinakamamahal kong Bubu. Si Anj lang may alam na
ikakasal ulit kami ni
Jeff. Ewan ko ba kay Jeff. Hay naku, si Bubu talaga
At saka hala, naka-wedding dress ako. Halaa talaga. Baka hindi na matuloy kasal
namin. Dapat wala rito
si Jeff.

Agad akong tumungo kay bubu at tinikpan ang mata niya. Pinantakip ko ang dalawang
kamay ko sa
mata niya. Ang tangkad naman ni Jeff ang hirap abutin.

"Bubu, pikit lang dali, dali"

Alam niyo naman siguro yung kasabihan na dapat hindi nakikita ng groom ang bride.
Natatakot lamang
akong hindi matuloy. I want this to happen. Gusto kong matuloy ang wedding part two
namin ni Jeff.

"Ano, Tin? Bakit?"

"Basta Bubu, alis ka na dali, huwag kang didilat, naku naku" sabi ko.

Nag-aalala lang naman ako ee. Natatakot, nangangamba, natatakot ulit. Ano bayan?
Paulit-ulit ako.

"Hay, naku Jeff praning na yang asawa mo" sabi ni Anj tapos lumapit siya sa akin.
"Naku, Tin kasal nyo
na ba ni Jeff, di ba hindi pa, eto talaga, makaalis na nga dito, Bye Teeny Weeny
kita na lang tayo sa
shop" sabi ni Anj.

Ay, oo na no, dapat pala sa araw ng kasal. Pasensya naman . Nang makaalis na si
Anj, nahiya naman
ako kay Bubu. Kung ano ano kasi iniisip ko. Ano ba yan?

"Kasi Bubu ehh-" naputol yung sasabihin ko ng magsalita si Jeff

"Tin, tandaan mo anuman ang mangyari . matutuloy ang kasal natin." Naman bubu e
kilig na talaga ako
"At saka I love you, Bubu" WAAA. Eto na naman tayo, para akong mahihimatay.
Nikikilig na talaga ako.

"Eh kasi ----" Nikikilig na talaga ako. Super double times, triple times. In a
million times. Grabe naman
kasi si Bubu.

"Huwag ng mag 'eh kasi', Wala man lang I love you too?"

Ayayayay Sir. Gusto ko ng sumaludo. Pakiramdam ko nag-iinit na ang pisngi ko. Hay!
Jeff para kang
drugs nakakaadik? Nakatikim na ng drugs Tin? Hehe.

"I love ---" naputol na naman ang sasabihin ko kasi...

Hinalikan na ako ni Jeff. Anuba? Napapulot tuloy ang arms ko sa batok ni Jeff.
Sinabayan ko ang indak
ng labi niya sa akin. Ang tamis lang talaga niya.

It was a sweet and romantic kiss na mararamdaman mo talagang mahal ako ni Jeff.

Pagkagising ko wala na sa tabi ko si Jeff . Saan kaya nagtungo iyon? Ahhh malamang
sa office nya. Sipag
sipag kasi ng Bubu ko.

Agad akong nagluto ng breakfast at kumain. Naligo ako tapos tungo na ng shop.
Ginawa ko na lahat ng
trabaho ko sa shop para makapunta na kay Jeff. Miss ko na siya. Adik na adik na
kasi ako kay Jeff. Kung
pwede lang talagang ibulsa niya ako. Papayag ako ee.

Maya maya lang tapos na rin ako. Tumungo na kong building nila Jeff. Pagkadating ko
sa office nakita
ko si Bessie.
"Bessie si Jeff?" Tinanong ko agad si Bessie nung nakita ko siya.

"Ah si boss wala pa siya Tin ah" Hala nasan si Jeff?

"Ha? Bessie wala pa , wala na siya sa bahay eh"

"Ay Tin. Di ko alam eh" Na san na ba si Bubu?

Umalis akong office at hinanap siya. Tinawagan ko na siya pero walang sumasagot.

Wala naman siya sa basurahan . Tinignan ko.

Wala sa Bulsa ko. Grabe nga yung paghahanap ko ee. Nasaan na kaya siya? Ano kayang
ginagawa niya?
Hindi man lang niya ako sinabihan. Akala ko pa naman hindi niya akong iiwan. Diba
nagpromise siya sa
akin na lagi lang siya sa tabi ko. E ano to? Nasaan na siya?

Nag-aalala na talaga ako. Bubu nasan ka naba?

Nasaan si Bubu?

*******************************************
[48] SUPRESA
*******************************************
CHAPTER 47

SUPRESA

Saan ba kasi nagtungo si Bubu?

Kalalahating araw na ang nakakalipas ay hindi ko pa rin mahanap si Jeff. Hindi pa


nga ako nakakapag
lunch ee. Hinanap ko na siya sa bahay, pero wala siya. Hanubayan, saan kaya siya
nagtungo diba?
Grabe naman kasing magtago si Bubu. Naalala ko tuloy yung dating naglaro kami,
super tago siya nun.
Huhu.

Chineck ko na nga lahat ng places na tinunguhan namin ee pero walang sign o amoy na
nagtungo dun o
nagawi si Jeff. Para na nga akong detective ee, inaamoy amoy ko na nga ang paligid
pero wala pa rin.
Hindi ko makita si Jeff.

Where art thou? Bubu?

Huhu. Nasaan ka ng Bubu ko?

Saan ko ba hahanapin si Jeff? Alam kong nasa puso ko na siya pero hehe Joke. No
jokes Tin. Saan ka
bubu? Hinahanap kaya kita.

Mayamaya nag ring ang cellphone ko. Halaaa, baka si Bubu kong sinta. Kinuha ko
naman sa bulsa ko.
Nasa may parke ako at nagbabakasakaling nandito si Jeff.

"Hello Tin." Ay si Kev lang pala. Akala ko si Bubu. Huhu

"Ay, Kev Huhu si Bubu nawawala patatawag na ko ng investigator , tulungan niyo ko.
" sabi ko kay Kev.
Nasaan ba kasi si Jeff? Baka mamaya lang magwala na ako rito kapag hindi nila
nilabas si Jeff.

"Ha, Tin? Tin choppy ka choppy ka. Ha? Si Jeff gwapo? HUH?" sabi ni Kev na hindi
hata narinig ang sinabi
ko. Hala bakit naman choppy? Paano na to? Sila na nga lang makakatulong sa akin.
"OO alam kong gwapo si bubu pero nawa-" biglang nag end ang call. At tanging toot
toot toot na lang
ang naririnig ko.

JEEFFFF KO. NASAAN KA NA?

Halaaaa, paano to.? Ano bang meron kaaa Bubu. At hinahanap hanap kita. Choss . Na
san ka na ba? Di
ba nag-promise ka na dito ka lang sa tabi ko? na hindi mo ako iiwan? Hala ka, baka
hindi na sumikat ang
araw mo.

Hinawakan ko tuloy yung kwintas mula sa leeg ko. Jeff, nasaan ka na ba? Hindi ka
naman kasi
nagpaalam man lang naalis para ready ako diba? Huhu.

Di ko na talaga alam ang gagawin ko. Si Jeff nasan? Si Anj, di ko macontact pati si
Kev? Na saan naba
sila. Si Jeff nga problema ko na tapos ngayon wala na rin sila. Anong nang gagawin
ko kapag wala kayo?
Ang hirap kayang mag-isiiiiip.

Ang lungkot tuloy ng buhay ko. Walang Jeff. Walang Anj. Walang Kev. Kaya
nagpagpasiyahan kong
pumasok na lang ng bahay. Napakalungkot naman oh.

Sana bato na lang ulit ako para nakaisantabi lang. Isang bato tapos o kaya multo?
Na san na ba kasiii
kayoooo?

Napagpasiyahan kong umuwi na lang. Magkukulong na lang ako sa cabinet since wala
naman akong
makakausap. Wala naman.

Pagkauwi ko pansin na pansin mo ang lungkot ng paligid dahil patay ang mga ilaw at
halatang walang
tao sa bahay naalala ko tuloy dati yung hinihintay ko siya galing sa office niya.

Hayyy!

Naglakad akong patungong sala. Pero laking gulat ko nang...


Bakit nakalabas yung mga paintings ko?

Painting kong si Jeff lahat iyon? Baka may nakapasok na magnanakaw , WAAAA? Agad
akong nagtago
sa may isang malaking paso sa gilid ng pinto. Nilakihan ko ang mga mata ko para
makita ng maayos ang
paligid. Kumuha ako ng ilang pirasong dahon parang pangtakip sa mukha. lumakad ako
ng dahan dahan
para walang ingay. Habang lumalakad ako napapansin kong nakasabit na ang mga
paintings ko.
Nakasabit siya sa may mga gilid. Bakit naman aayusin ng magnanakaw yung paintings
ko?
WAAAAAAAA, Baka binenta nan g magnanakaw ang bahay naming. WAAA.

Napansin ko rin yung dinadaanan ko. Bakit may mga petals ng roses? Tapos red
carpet? Hala, may
grammy ba o Oscars na magaganap?

Halaaa. Ano bang nangyayari?

Napahawak tuloy ako sa chest ko. Kinakabahan na ako ng todo.

At isa sa mga nagpaluha na sa akin ang pagkakita ko sa isang picture kung saan
sumali si Jeff sa sa Mr.
Adonis. Waaaaaaa.

Pati ba naman yung picture namin ni Bubu. Huhu.

Nagulat na lang ako dahil biglang bumukas ang isang ilaw at nakatutok lang ito sa
isang spot. Lumabas
ang isang tao, at lalaki ito panigurado ko.

Nag-umpisa itong sumayaw. Parang naalala ko to aa. Parang ito yung ginawa ni Jeff
dun sa Mr. Adonis
2012.

At parang si Jeff ang sumasayaw kasi ganun sumayaw si Jeff. Parang kasing matigas
yung pagsasayaw
e. Hehe. Ganun kasi sumayaw si Bubu. Pero love na love ko yun.

Nakatayo lang ako doon dahil sa gulat ako at di ako makagalaw. Naging bato na
siguro ako. Halaaa ,
hindi pwede paano ko iki-kiss ni Jeff noh. Joke lang po yung panalangin kong
maging bato. JOKE LANG.

Nag-umpisa yung lalaki na hubarin pataas pababa yung shirt niya. OMG. SI bubu nga
to. Kasi alam na
lam ko yung abs niya eh. At saka kung paano niya ginawgawa ang pagtaas at pagbaba
niya ng shirt. Eto
ung ginawa niya noong sumali siya sa Mr. Adonis kaya. Wapak kaya si Jeff dun.

OMG

OMG TALAGA.

Si Jeff nga tooooo!

Ang galing naman sumayaw ni Jeff. Gumagwapo siya. Nakakatempt. Masarap sunggaban.
Yum.

Yung abs. Yung abs. Masyado akong naakit.

Hindi ko tuloy namamalayan ang pagtulo ng luha ko. Kaya ba siya nawala para rito?
Jeff naman bakit
kasi ang tamiiissss tamiiiis mo?

Si Bubu ko nga toooo. Siya lang talaga at walang iba. Siya lahat nag set-up nito.
OMG!

*******************************************
[49] SUPRESA PART 2
*******************************************
CHAPTER 48
SUPRESA PART 2

Nagulat talaga ako. Si Bubu ba talaga ang nag-ayos nito? As in siya talaga. WAAAA.
Naiiyak na naman
ako. Bakit kasi ang tamis tamis ni Jeff? Nakaka proud talaga.

"Jeff" Ang tanging salitang masasabi ko. Hindi ko rin kasi malaman kung anong
sasabihin ko. Halo
halong emosyon ang mayroon sa akin. Hala, ang seryoso ko.

Nakatingin pa rin ako kay Bubu. Akala ko iniwan niya na ako. Huhu.

Patuloy pa nga si Bubu sa pagtaas pagbaba ng t-shirt niya. Anuba? Sumisilip ang abs
niya. Humaygawd.
Humaygawd. Pigilan niyo ako baka marape ko si Jeff.

Kalahating araw na hindi ko nakita si Jeff. Kalahating araw din akong hindi umuwi
ng bahay. Tapos eto
ang naabutan ko. WAAAA. Ikaw na talaga. Ikaw na talaga Bubu.

Ang sarap maghappy dance. Hihi.

"Bubu" sabi ko ulit.

Hindi naman nagsalita si Jeff. Nag sexy smile lang siya. Eh? WAA. Natatae na ako sa
kilig. Bubu naman
oh!

Gumigiling pa rin si Bubu. Yung..abs..abs..ano ba! Inaakit ako. OH MY GOD. Ang abs
talaga. Mare-rape
ko talaga ng wala sa oras si Jeff. Naku talaga.

Naglakad na ako palapit kay Bubu. Huhu. Namiss ko talaga siya. Tapos ngayon may
ginagawa pa siya.
Yung mga paintings ko nakasabit talaga. At take note puro si Jeff lang yun, eh di
alam niya palang
pinepaint ko siya? WAAA. Alam niya kayang pinagnanasahan ko siya?
Eh?

Nung makarating ako sa lugar ni Jeff ay agad ko siyang niyakap. Misss talagaaaa
kita Bubu.

"Jeff..akala kong iiwan mo na ko" sabi ko at niyakap ko talaga siya ng super


higpit. Yung abs yung..abs
nararamdaman ko talaga. Hihi. Ang bango pa ni Jeff ngayon.

Naramdaman ko naman ang pagyakap ni Jeff sa akin. At ang paghalik niya sa buhok ko.
"Ano bang sabi
ko? Bubu" Nagwawala na talaga ang puso ko kapag naririnig ko ang boses ni Jeff. At
lalo na kapag
sinasabi niya ang 'Bubu'.

Akala ko talaga iniwan na niya ako. Akala ko talaga nagkatotoo na ang panaginip ko.
Yung panaginip ko
na sumama siya kay Liz. Grabe, hindi ko hata kakayanin kapag nawala si Jeff sa
akin.

"Kala ko kasi iniwan mo na ako." Nakayakap pa rin ako kay Jeff. Ang bango talaga ni
Bubu. Grabee,
naubos ko na hata ang amoy ni Jeff. Siya na ! siya na talaga ang mahal ko.

"Hindi naman hata mangyayari iyon. I will never leave you, bubu." Kumalas siya ng
yakap sa akin.
Hinawakan niya ang pisngi ko. Tinitigan niya ako sa mata.

Natunaw naman ako sa titig ni Jeff. Mygawd. Siya na siya na talaga gwapo.

"Oo na Bubu, san ka kasi nagpunta nag-aalala na talaga ako, tapos ngayon, grabe
Bubu. Surprise to?"
Ngumawa na ako. Pakiramdam ko nga napoproduce ko ang 'uwaaaa' dahil sa ngawa ko.
Grabe si Bubu
talaga gumawa nito? Siya ba talaga ang nag-isip nito?

Napaiyak na talaga ako. Basang basa na yung damit ni Jeff. Hala, sorry Bubu
lalabhan ko na lang. Pero
kasii...si Jeff talaga gumawa nito?

Grabe! Dito ko napatunayan na super tamisss talaga ni Jeff. Woshoo, kuwari pa si


Jeff sabi niya hindi
raw siya sweet. Tignan mo naman ginawa niya? Oh my! Oh my. Siya na talaga matamis.
Matamis sa
lahat ng matamis.

"Di mo ba nagustuhan?" Napaangat naman ako ng ulo. Hindi ko raw nagustuhan? E.

Gustong gusto ko kaya. Ikaw nga lang sapat na tapos eto pa. Masaya na talaga ako.
At saka yung abs
mo pa. At saka ikaw din.

"Syempre gustong gusto, ginawa mo tong lahat e" sabi ko sa kanya at ngumiti.

"E, bakit ka umiiyak?" Hindi ko kasi mapigilan. Sobrang saya ko lang kasi nasaakin
ka ulit. Masaya lang
ako kasi nasa tabi ko na siya. Si Jeff lang talaga masaya na ako.

"Wala, bubu. Masaya lang ako at nandito ka na" Nagpahid na ako ng luha gamit ang
mga kamay ko. Ang
saya ko talaga.

At dahil sa saya ko ngayon ko lang napansin ang suot ni Jeff. Naka putting damit
lamang siya at
pantalon na kulay asul. At nakasapatos. Kahit ganoon si Jeff ay napakasexy niya
talaga. Tapos syempre
gwapo rin no! si Jeff ko kaya to!

Unang rason kung bakit ako napapaiyak e kasi nandyan na nga si Jeff. Pangalawa ,
may inihanda siyang
supresa. Hindi ko talaga maisip na magagawa ni Jeff to. Dito ko rin napatunayan na
mahilig sa thrill si
Jeff. Hehe. Ang bubu ko talaga! Naku talaga!
"Hindi pa dito nagtatapos ang supresa Tin" sabi ko na nga ba? ANO?! Hindi pa tapos
ang supresa. Oh'
common, you kidding me Jeff. Hehe.

Huh? Hindi pa! Pero Bubu para sa kin ikaw lang sapat na. AYE! AYE!

"Meron pa?" Napataas naman ang isang kilay ko. Ginagaya ko lang si Jeff kaya.

Biglang nagliwanag ang paligid. And yea, surprise nga. Lahat ng painting ko talaga
ay nakasabit. Lahat
lahat. Tapos super d�cor pa ang bahay. May mga flowers nga rin sa paligid e. Yung
painting ko talaga.
Grabe!

Pating yung mga memories namin ni Bubu. Agad na namang namuo ang mga luha ko. Iiyak
na naman
ako. Si Jeff naman kasi!

Marami ring tao sa bahay. Lahat ng close friends ko narito. Si mom, dad, Kev, Anj
with baby Kevin jr.
super liit niy talaga, si Tit-dad ni Jeff --- Dad na raw ang itawag ko sa
kanya(super close na kami nito), si
kuya Glenn din, mga katrabaho ni Jeff: Paul with Lucy, Bessie, Rey. Wow naman lahat
sila nandito.

Grabe sila na talaga. Sila na!

Pero nagulat ako ng biglang sumigaw si Rey."Boss gawin mo na tagal tagal pa e!"

Ano bang gagawin ni Jeff? Agad na lumuhod si Jeff. Napayuko naman ako at tinignan
siya. May
something siyang dinudukot sa bulsa niya.

Grabee , isang box. Isang red na box. Kahawig nito yung pinaglagyan ng ginto ni
Anj. WAA. Huwag
mong sabihing kinuha ni Jeff yung ginto nila Anj? WAAAAA. Gipit na ba si Jeff?
Chos!
"Tagal naman ni Boy pick-up bumanat! Ang kupad nubayan!" sigaw ulit ni Rey. Hala!

Biglang tumingin si Jeff sa direksyon ni Rey. Binigyan hata ng death glare si Rey.
Si Bubu naman talaga
oh.

"Jeff?" sabi ko. Natuon naman ang atensyon ni Jeff sa akin.

He cleared his throat. Parang kinakabahan hata si Jeff. Ano bang gagawin niya?

"Tin? Will you ?----" sabi ni Jeff, tapos he cleared his throat again.

"May masama ba sa'yo Jeff" Nag-aalala lang ako. Baka kasi may sakit siya? O kaya
masakit ulo? O kaya
baka gusto niya ng energizer diba? Bibigyan ko naman siya.

"Anubayan? Jeff sabihin mo na, nahihiya ka pa. Nandyan si Tita, bahala ka!" sabi
naman ni Anj.

"Tumayo ka na bubu nahihirapan ka na hata" sabi ko. Napayuko na talaga ako.


Aalalayan ko sana si
Bubu na tumayo pero hindi pa rin siya tumatayo. Ano ba kasing gagawin ni Jeff? Naku
talaga!

He cleared his throat again and took a deep sigh. Hala, bubu!

"Tinwillyoumarryme!" Ang bilis namang magsalita ni Jeff.

"Ano bubu?" Hindi ko kasi masyadong naintindihan e.

"Haist. Alam mo namang hindi ako magaling dito e" napanguso si Jeff. Hala, ke kyot
naman ni Jeff.
"..tapos papaulit mo pa?" Hindi ko kasi naintindihan.
"Sige bubu, huwag mo ng ulitin okay lang. Tayo ka na dali."

Para namang nagulat si Jeff. "So? Ayaw mo akong pakasalan?"

"Hala Jeff, gusto kaya. Yun ba yung dapat na sasabihin mo? Yiee.. bakit namumula na
tenga mo. Yiee
yun yung sasabihin mo no?"

Namula pa lalo ang tenga ni Jeff. WAAA. Kilig na ako. Tapos sumeryoso ang mukha.
"Yes, bubu. I ask
you again. Will you marry me?"

Parang nakakabingi yung mga salitang binitawan ni Jeff. Salitang sinabi niya sa
lahat ng taong
nakapaligid sa amin. I never thought it would be like this. Jeff! You are enough in
my world. Sapat ka na
talaga. And now you asked me to marry you again? Wow! Dito ko napatunayan na hindi
na talaga ako
iiwan ni Jeff. Na mahal na mahal niya talaga ako.

Sa lahat ng pang-aakit na ginawa ko. Napasaakin ka rin Jefferson Lee.

Ang mga namumuong luha sa aking mga mata ay tuluyan ng bumagsak dahil sa kaligayan
ng puso ko.

Dalawang beses nag propose si Jeff sakin. Una noong kaming dalawa lamang at ngayon
ang
pangalawa, sa harap ng mahal namin sa buhay.

Napaluhod na ako. Hindi ko maipaliwanag ang ligayang mayroon ako. I brushed my lips
on him. Hindi ko
alam kung gaano katagal iyon. Basta ang alam ko kay Jeff lang ako. Sa lahat ng
pagsubok na dumating sa
amin. Nalagpasan naman namin iyon.

Nang matapos ay halik ay ngumiti na ako. "Kasi dapat ibulsa mo ko lagi"


"Wish granted, pasok na" sabi ni Bubu at saka kinapa ang bulsa niya.

Ibubulsa talaga ako ni Jeff? Nubayan! Game naman ako sa mga ganya no. Basta si Jeff
lang dapat.

"So? Tin it's a Yes?" tanong ni Bubu.

"Oo naman Jeff, ikaw pa" dalawang beses kang nag propose sa akin. Tapos sa harap pa
ng maraming
tao. At sa mga magulang ko. Kitang kita ko sa mukha ni Mommy na hindi na siya
bitter kay Jeff.

Na okay na siya kay Jeff.

Sinuot na ni Jeff ang isang ginto rin katulad nung kilay Anj. Wow, parehas kami ni
master Anj na may
ginto ngayon. Yes! Parehas na kami. Hehe.

"E, ano pang hinihintay kainan na" sabi ni Rey. Si Rey talaga. Napatayo na kami ni
Jeff.

"Ikaw Rey, mahiya ka naman" awat ni Bessie. At nahampas pa ni Bessie si Rey. Rey
winced at the pain.

Itong dalawang ito. Hmm. May namumuo na sa kanila e. I smell something. Something
'bout love.
Nyek!

At dahil sa pagtuon ng atensyon ko kila Bessie and Rey ay hindi ko napansin na nasa
harapan ko na pala
si mom and dad.

Hinawakan ni Dad ang shoulder ni Jeff. Napatingin naman si Jeff. "I know Jefferson,
hindi kami
nagkamali sa'yo. I know you'll take care of my princess ---Tin." Nakita ko naman
ang pagngiti ni dad.
Pakiramdam ko maiiyak na naman ako.
"Ingatan mo lang talaga ang baby ko kung hindi..." sabi ni Mom

"Mom?" Hay naku si Mommy talaga!

"Aalagaan ko po si Tin" Napatingin naman ako kay Jeff.

"Jeff?" Hindi ko alam kung bakit ganito. Ang saya saya ko. Those words were
promising. Naks! English
Tin!

"Aalagaan ko po siya, hinding hindi na mauulit ang mga bagay na makakasakit kay
Tin, wala ng
mananakit kay Tin. Nandito lang ako sa tabi niya. No one can hurt her. Mahal na
mahal ko po ang anak
niyo." Tuloy tuloy na sabi ni Jeff.

Yung kinikilig talaga ako. Hehe. Promising na promising kasi talaga ang sinasabi ni
Jeff. Grabe, tamis mo
talaga Jeff.

Napaharap naman si Jeff sa akin "I love you, Tin" I feel like I'm fluttering. Oh,
gosh!

Ano pang isasagot ko?

"I love you too, Jeff" Pagkasabi ko ng mga salitang iyon ay agad na nilapat ni Jeff
ang labi niya sa akin.
He crashed his lips to mine. Ganda ko lang.

*******************************************
[50] THE DAY BEFORE THE WEDDING
*******************************************
CHAPTER 49

THE DAY BEFORE THE WEDDING

"Hala, Bubu! Ang likot mo naman" Bakit ba kasi ang likot ni Bubu? Nasa kwarto kami
ngayon.
Nakakahiya nga kay Rey kasi ang alam ko nasa baba lang siya hinihintay si Jeff. Aba
ang bubu ko super
harot today!

Hala, bakit bigla naman naging ganito si Jeff? Inaayusan ko na nga siya't lahat
ang naughty naughty.
Kung ano ano ang ginagawa. Hala, para namang bata si bubu. Hala!

Siya na nga humingi nang pabor na ayusin ko ang necktie niya tapos ganito pa siya.
Super harot niya
talaga. Hay! Naman talaga o.

Naglalambing. Ang bubu ko talaga! Ikaw na talaga Jeff. Ikaw na!

Ganito ba talaga kapag ikakasal na bukas? He trailed small kisses on my face kaya
hindi ko maayos ang
necktie niya. Pero gusto ko rin naman e. Chos.

"Hindi talaga to maayos kapag hindi ka tumigil sa pag kiss Bubu" Super hawak na nga
ako sa necktie
niya. Kung itali ko muna kaya si Jeff? Joke.

Sana effective iyong pacute ko. Nagmamaganda na nga ako ng mata. Pero parang hindi
pa rin ubra ang
paawa effect ko kay Jeff para huminto na siya sa paghalik at maayos ko na ang
necktie niya.

"This" Jeff said then kissed my cheek. Wooo!, parang kinikilig ako.

"This" He kissed my forehead. Naman bubu, naiihi na hata ako kilig tama na pero
parang gusto ko pa
rin. More! More! More! Chos.

"This" He kissed my nose. And he kissed every part of my face. Naman! Bubu kapag
hindi ka tumigil
baka marape ko to talaga. WAAA!I

"This..." He kissed my lips, lastly. "...Is Mine" He said and gave me a smile.
Woo! Hindi ko alam kung
may panty pa ako. Ang bubu ko naman kasi e.

Pwedeng bang himatayin? Kung ang kilig ay nakakamatay, patay ng siguro ako. At kung
ang titig ay
nakakalunod. I'm drowning. Ang daming mong imposibleng maiisip kapag nandito si
Jeff. Hehe.

Bakit ganito si Bubu ko? Woo, tamis niya talaga. Siya na talaga si Jeff, ang mahal
ko. Yiee. My cheeks
burned and turned red. Iniwas ko na ang tingin ko. Hindi ko talaga matatapos ang
pag-aayos ng necktie
niya kapag humarot pa to at male-late. Ang lungkot nga kasi kahit tomorrow na ang
kasal namin ay may
trabaho pa rin siya. Pero okay lang naman sa akin iyon.

"Ma-late ka na pala Bubu" Iniba ko na ang usapan kasi hindi ko na makakayanan kung
babanat na
naman ang Boy Pick-up ng buhay ko.

Eto yun e. Yung may pasok pa si Jeff kahit kasal na namin bukas. Importante daw
kaya kailangan niyang
tumungo ng office. Half-day lang daw.

Napasigaw ako nang bigla akong buhatin ni Jeff. Ibinaba niya ko sa kama. And he's
top of me. Hala,
kinabahan naman ako sa gagawin ni Jeff.

He gave me a naughty smile. Bakit ang pilyo ni Jeff? Hala may sumapi bang naughty
spirit kay Jeff kaya
naging ganito na lang siya?
"Parang ayaw ko nang pumasok. Ikaw na lang kaya akikasuhin ko? Mas importante ka
kasi e" sabi ni
Jeff and he smile na naman. HALA! Bumibilis naman ang tibok ng puso. Hala Jeff!

"Hala, bubu"

"No 'hala'. Mas importante ka sa lahat. " sabi ni Jeff habang niluluwagan ang polo
niya. Hanggang
ngayon hindi ko pa naayos yung necktie niya. Nagugulo tuloy. Hala, harot talaga.

But Jeff started to kiss my neck. Grabe, nakikiliti ako. Nagpipigil na nga lang ako
ng ngiti e. at saka
what's with the 'Hala' and pagpula ng pisgi ko. Anyare sa akin? Every minute I'm
blushing.

But we heard a loud knocked on the door. Uhm, baka si Rey na to. Hala! Si Jeff kasi
e ang harot harot.
Nakakahiya tuloy kay Rey.

"Bubu"

"Hmm" Hinahalikan pa rin ni Jeff ang leeg ko. Nakikiliti na talaga ako. Tapos medyo
mabigat din si Bubu,
medyo lang.

"May kumakatok."

"Hmm" Hala! Bakit ayaw papigil ni Jeff?

"Tss. Istorbo" Agad na tumayo si Jeff. Bakas sa mukha ni Jeff ang pagkalungkot?
Bakit kaya? May
masama bang nangyari? eh? Halaa!

Kumatok ulit. Pero this time ang lakas na talaga ng katok. Para ngang masisira na
yung pinto e.
"AYAN NA! KAILANGAN MALAKAS ANG KATOK. KAILANGAN" pasigaw na sabi ni Jeff. Paulit-
ulit na rin
si Bubu. Ang cutee niya talagaa.

Pinihit ni Jeff ang door knob at agad namang bumungad si Rey. "Boss, papasok ba
tayong office? "

Umayos na rin ako at tumayo. Lumapit ako kay Bubu. "Hi, Reeyy" Maayos na si Rey. Si
bubu naman
nagusot na ang polo. Hay! Naku ang harot kasi.

"Hiii, T---" Hindi ko na narinig yung sasabihin pa ni Rey kasi biglang sinara ni
Jeff ang pinto.

Agad akong napasandal sa pader na malapit sa pinto dahil dinikit ni Jeff ang noo
niya sa noo ko. Amoy
na amoy ko ang mabangong hininga ni Jeff.

"Bakit? Bubu."

"Ayusin mo na yung necktie ko."

"Aahh. Okay, umayos ka ng pwesto. Daliiii" sabi ko sa kanya.

"Ayaw" sabi ni Jeff na parang bata. Hala! Sinapian na hata si Jeff ng kung anong
elemento.

"Hala?"

"Sige na ayusin mo na ng ganito. Ayaw ko kasing ma miss ang mukha mo. Gusto kong
makabisado.
Dapat sa akin lang yan a" sabi niya.
Nang dahil dito. Tin is going to die. Cause of death: Severe blushing over and
over. May severe
blushing ba Tin? Eh?

"Oo na nga Bubu." Iniwas ko na lang ang tingin ko kay Jeff. Kailan pa natutunan ni
Bubu ang
pagpapakilig?

"Tin look" turo ni Anj sa akin sa may restaurant malapit sa boutique na tinunguhan
namin "Si Andrew
yun. Di ba? With a girl"

Ay. Si Andrew nga. Buti walang flash flash. Hindi kasi mapapansin na si Andrew iyon
kasi fully takip na
takip siya. May sombrero tapos nakashade. Tapos naka long sleeves pa. O di ba?
Hindi siya talaga
makikilala.

"Woow, parang ninja si Andrew" sabi ko

Ang galing naman. Ninja. Gusto ko rin ng ganun. "Ako din! Ako din. Gusto ko nun
Anj. Anj. Parang
Ninja si Andrew"

"HALA, TIN ang lakas naman ng boses mo. Pahamak ka."

"Bakit?" May masama ba akong sinabi?

Agad na sumugod ang kumpol kumpol na kababaihan sa resto kung na saan si Andrew.
Hala? Anong
nangyayari.

Maraming babae ang mga sumisigaw. At agad lumabas ang mga camera. Grabe to. Hehehe.
Magiging
artista na si Andrew. Dami kasing nagpa-flash. Pero sabi ni Anj artista na raw si
Andrew.

"Ay, Tin. The who? Yung kasama ni Andrew na babae?" Uhm, parang iyon yung kasama
ni Andrew
nung araw na nanganak si Anj. Oo, iyon hata yun. Ang ganda nga niya e.

"Ahh, ewan. Hehe. Yiee. Lumalablayp na si Andrew. Oh yeah"

"Muntanga lang Tin"

"Ha?"

"Wala, tara na nga." Inaya na ako ni Anj. Hinila na ako palabas ng boutique.Porke't
may ginto na sa daliri
ang gulo gulo nang kausap. Tsk. Hay. Pag-ibig. Pero mayroon din naman ako? YES!

Mga 1:00 na kami nakauwi ni Anj. Nakakapagod. Kinuha kasi namin ang wedding dress
and other damit
in the wedding. Inakikaso rin namin ang lugar, yung giveaways and everything about
the wedding. I'm
so excited. Ikakasal ulit kami ni Bubu.

Unang pumasok ng bahay si Anj kasing uhaw na uhaw na siya. Pinagmasdan ko muna ang
paligid.
Naalala ko tuloy yung mga pangyayaring nangyari sa aming dalawa ni Bubu. Grabe,
hindi ko akalain na
nalagpasan naming ito. At kami pa rin ni Jeff sa huli.

Pumasok na ako sa loob ng bahay. Grabe. Excited ako bukas. Nagkuwentuhan lang kami
sandali ni Anj.
Inantok naman ako kaya natulog muna ako.

Mga ala syete ng gabi na ako nagising. Hala, na saan na pala si Jeff? Bumaba ako
para hanapin siya.

Pero ang nadatnan ko si Mommy. "Mom, si Jeff po?" tanong ko kay Mommy.
Hala, baka nakidnap na naman siya? O kaya umatras? Eh? Hindi naman hata mangyayari
iyon diba?
Alam ko namang mahal ako ni Jeff.

"Nasa condo niya" sagot ni mommy.

"Hala, bakit hindi siya rito. Hindi na ba niya itutuloy yung kasal naming?"

Bakit? Hindi dito. Hindi na ako love ni Jeff. Ang laki naman nito a-I mean malaki
naman ang bahay
namin. Bakit hindi rito matutulog si Jeff?

"Tin malamang, hindi dito matutulog si Jeff. Kasal niyo kaya bukas" sabat ni Anj.

Ha? Hindi ko maintindihan. "Hala, bakit? Hindi rito" tanong ko.

"Haaay, Tin. Kailangan hindi dito si Jeff matulog. Isang tradisyon yun. Di ba
kinasal ka na dati? Haaay,
Tin" Napakamot naman ng ulo si Anj.

Sorry naman. Naalarma lang ako. Pero gusto kong tunguhan si Jeff. Sisiguraduhin ko
lang.

"Hehe, oo na Anj. Sorry" sabi ko Anj at nag peace sign.

Tutunguhan ko si Jeff sa condo. I-check ko lang kung okay siya. Naglakad na ako
patungong pinto.

"Hep, hep saan ka tutungo Tin?" sabi ni Anj. Tumungong naman si Anj sa harap ko.

"Kay Bubu." sagot ko.


"Stay here honey, gabi na. Makikita mo naman si Jeff bukas a" Humarang na rin si
Mommy sa pinto.

Eh, namimiss ko na siya.

"Sisilip lang ako Mom"

"No, stay here, honey"

Halaaaa, gusto ko talagang makita si Jeff. Nemen kese e.

Umakyat akong kwarto at nag-isip ng plano para makatakas sa bahay. Grabe,


nakabantay si Anj sa may
sala. Tapos nandun rin si Kev. Sino nag-aalaga kay baby Kev?

Isip isip Tin. Kailangan makaisip ako ng paraan para makaalis dito. At makita ko si
Jeff. Miss ko na ang
Bubu ko kahit magkikita kami bukas.

Dumaaan kaya ako sa may bubong. Chance ko na tong maging ninja. Gagayahin ko si
Andrew parang
ninja siya nun. Naglagay ako ng takip sa face ko yung mata lang kita. Ninja na ko.
Dahan dahan akong
lumalakad sa may bubong. Tyempong may hagdan. Makakababa ako.

YESSS!

Pagkababa ko nag tip toe ako para di nila marinig ang yabag ko. Inisip ko talagang
na para akong ninja.
Yung si naruto?

Ninja ako.
Kumuha ako ng dahong malaking pantakip sa katawan ko. Tignan na lang natin kung
makita nila ko.
Dreams do come true talaga. Tulog si manong guard. Yes, makakatakas ako.

Makakalabas na ako. Makikita ko na si Jeff. Pagkalabas ko parang may tao. Hala, may
multo? Be strong
Tin. Ninja ka.

"Sino yan?" Hala, may nagsasalita.

Lumabas ang isang lalaki sa isang poste ng ilaw. Halaa, may multo. Grabeee.
Papalapit na siya sa akin.
Get ready Tin. Kaya mo yan.

Nang malapit na siya. Pinikit ko na lang ang mga mata ko. Bigla niyang inalis ang
takip ng mukha ko.
Hindi ko pa rin dinidilat ang mata ko. Napapatras na nga ako.

Natatakot na ko.

"Huwag po kuyaa. Please kakasal pa ko bukas. Please kuya. Please." Nagmamakaawa na


ako. Naku
kuya, please.

"Kanino?" parang pamilyar ang boses.

"Kay Jeff 'Bubu' Lee po, kuya please. Huwag"

"Kiss muna"
Kiss, hindi pwede.

"Hala, kuya hindi pwede. Sabi po kasi ni Bubu sa kanya lang to" sinabi ko habang
nakapikit pa rin ang
mga mata ko.

"Bawal talaga kuya. Kay Jeff na ito"

Hala kuya, please bawal. Sa kanya to e. Pikit na pikit pa rin ako.

"Sige, sige. Bakit ka nasa labas?" Pamilyar talaga yung boses niya.

"Eh, kasi. I-check ko lang si Jeff sa condo niya. Sisilipin ko lang. Hehe" napatawa
ako nang nasabi ko
yun.

"Ahh, kiss na dali"

"Hanubayan, kuya. Kay Jeff lang ang kiss ko talaga. Sa kanya lang at sa kanya. Sabi
niya ang sa kanya ay
sa kanya lamang. Promise kuya. Kahit ano na lang. Kuya please" mahabang paliwanag
ko.

Pumayag ka na kuya. Please.

"Eh, paano kung si Jeff to."

"Eh, di i-kiss ko siya." Napamulat naman ako. Hala, si Jeff pala yung kausap ko.
Nakakahiya yung
pinagsasabi ko. Kung ano ano kasi iniisip mo Tin.

Naka-smile si Jeff sa akin. Shemaaay. Maluwag hata ang undie ko. Mahuhulog na.
"Kiss?" sabi ni Jeff.

"Wait? E, bakit ka nandito. Hinahanap hanap mo rin ako no?" sabi ko.

Agad namula ang tenga ni Jeff. Namiss ko to. "If I say yes? You'll kiss me" tanong
ni Jeff

NEMEN! Go lang ng go.

"Ano nga Bubu, sagot mo" Naka pout na ako. Tinatanong ko lang naman kung bakit
nandito siya e.

"Ewan?" sabi niya tapos ngumiti

"Hala, ano?"

"I love you" Maiihi na ko sa kilig. Ano bang meron ka at kilig na kilig ako? Jeff
ikaw na ikaw na. Ikaw na
talaga ang mahal ko.

I immediately claim his lip onto mine. This would be forever and ever. This love is
for infinity. "I love
you too" Wala na akong mahihiling. Maraming salamat papa God.

*******************************************
[51] WEDDING 2.0
*******************************************
CHAPTER 50

WEDDING 2.0

Time check: 12:00 A.M

Araw ng kasal namin ni Bubu pero heto kami ngayon nasa hardin. At tumitingin sa mga
bituin. Ang
ganda ng mga stars. Pakiramdam ko nga ngumingiti sila sa amin. Iba na talaga ang
imagination ko.

Hindi munang tumungo si Bubu sa condo niya. Ewan ko ba gusto mo na niyang mag star
gazing. Hala!
Ang romantic kaya nun. "Bu, masaya ka bang naging asawa mo ko." Romantic lang no?
Naisip lang
naman to ni Jeff kanina.

"Hmm" Nakapikit lang siya. Hala, akala ko titingin siya sa mga stars. Bakit siya
nakapikit. Tapos si Bubu
nga hinahawakan pa ang kamay ko.

"Hala, bu? Ano nga?" Inaalog alog ko siya. Baka kasi tulog na siya? Tapos
nagsasalita lang pala ako ng
mag-isa.

"Hindi ako masaya" Dumilat na siya. Tumagilid siya at tinignan ako ng walang
kaemosyon emosyon ang
mukha.

Hindi naman pala masaya si Jeff. Napipilitan lang si Jeff sa akin. Bakit kasi ang
kulit kulit ko? Siguro nga
ganun na lang. Waaa.

Tumayo na ako at maglalakad na sana pero biglang nagsalita si Jeff. "Oh? Saan ka
tutungo?" Hindi ko
siya nilingon. Nakakalungkot isipin na hindi pala masaya si Jeff sa piling ko. Oh
why? Bakit po?

But Jeff grabs me and hugs me. Hindi ko namalayang tumayo pala si Jeff at eto
yinayakap ako ngayon.
Pero ang kinagulat ko ay ang paghiga namin. Hala, I fell on his chest. Nuba!
Kinikilig ako. Nararamdaman
ko kasi yung abs. Nuba! Hehe.

"Hey? Bakit?" Hindi pa rin ako tumitingin kay Jeff. Nakakalungkot talaga!

"Sabi mo hindi ka masaya. Bakit pa natin itutuloy?" Napasimangot na ako. Tapos


binaon ko ang ulo ko
sa chest ni Bubu. Kahit mabango ka bubu, nalulungkot pa rin ako kasi hindi ka pala
masaya sa akin.
"Haaay, Ikaw talaga" Inangat naman ni Jeff ang ulo ko at pinisil ang ilong ko. "..
Hindi nga ako masaya."

"Halaaaa, Jeff. Bakit? " Super simangot na ako. Si Jeff naman parang nagpipigil ng
ngiti. Napapikit pa
nga siya tapos dumilat din.

Jeff smiles at me. "Kasi masayang masaya ako. Wala na akong mahihiling. Ikaw lang
sapat na" Napalaki
naman ang mata ko. At pakiramdam ko namumula ang pisngi ko. Si Jeff naman kasi..

Nag-iimagine kasi ako ng hindi maganda e. Kita mong masaya pala si Jeff. Masayang
masaya siya.

"Bubu, hala? Ang galing mong tumula." Pakiramdam ko naging makata na si Jeff.

"Hindi naman tula yun a"

" Tu---"

Jeff kisses me. A deep kissed. He caresses my head using his free hand. And his
other hand to support
me. I feel like I'm fluttering because of his kiss. I feel like..argh can explain.

After the kissed, we stand up uncomfortably. I don't know why maybe we want to
continue it in other
way. Yea, other way. Naks! English Tin.

"Pasok ka na. Malamig na. Bukas na lang. Get ready" sabi ni Jeff at ngumiti. Oh my!

"Hindi ikaw muna. Hintayin ko munang makasakay ka ng taxi." Naglakad na kami


patungong gate. Si
Jeff naman siya na lang kaya mauna

At saka papaalahanan ko lang si kuyang taxi na iuwi si Jeff sa condo. Maka-sure


lang na makakauwi siya.
Saka bakit? Get ready? Eto talagang si Jeff.

" Ikaw na. Haay Bubu. Sige na pasok na." Woo, and then Jeff called me Bubu. Wala
lang kinikilig lang
ako kapag sinasabi iyon ni Jeff.

"Ikaw na kasii bubu. Ikaw na para sure na makaka-attend ka bukas sa kasal natin."

"Haay. Pupunta ako kahit anong mangyari. Matutuloy yun..." Kinuha naman ni Jeff ang
kamay ko. "..
Sure yun! Pumasok ka na dalian mo. " Oh my! Kinikilig na ako.

" Hala, bu. Ang tigas naman ng ulo mo. Ano bang laman niyan? " Bakit kaya ang kulit
ni Jeff. Hmp!

"Ikaw" Napalaki na naman ang mata ko. Ngumiti naman si Jeff. Hala! Bakit ako
kinikilig ng ganito? Si Jeff
naman kasi.

Tumalikod na ako. Grabe si Jeff, anong meron? " Sige ako na papasok. Ba-bye Jeff.
See you tomorrow"

Naiihi na ko sa kilig.

Naglakad na ako papasok. Pero nagsalita na naman si Jeff. "Wala man lang kiss?"
Napatingin naman ako
kay Jeff. Hala, nakasimangot na ang bubu ko.

Ang cute lang ni Jeff kapag ganun.

"Wala, bukas na lang." Kasi naman mawawala na naman ako sa sarili kapag hahalikan
na naman ako ni
Jeff.

"Ay." Sumimangot na talaga si Jeff. Hala, malungkot na ang Bubu ko.


"Smile na bubu. Smile na. Bahala ka mababawasan kagwapuhan mo." Ngumiti na ako ng
malapad.

May huminto na ring taxi sa harap. Nakabukas kasi yung gate.

"Mahal mo naman." Sabi ni Jeff.

"I do." Awtomatiko kong sagot. Hala, anong sinabi ko? Hala.

Agang I do. Before he climbed out in the taxi, he mouthed 'I love you'. I mouthed
also to him 'I love
you too'. Waaaa, pakiramdam ko mababaliw na ako. Bakit ba ang sweet na ni Jeff?
Hala, mali bakit ang
tamis nan g bubu ko?

Parehas hata kami ni Jeff, sapat na siya. Si Jeff at ang mga mahal ko sa buhay. At
siyempre si papa God.

Nagising ako sa isang kalabit. "Honey, wake up." Si mommy pala. Napabangon naman
ako at agad na
sinimulan ang umaga ko sa isang ngiti. Ang saya. Ang hirap ipaliwanag.

Pero si mommy parang malungkot. Hala si mom para namang hindi ako kinasal dati.

"Mom." Tumayo ako at yinakap si mom. Medyo nakaayos na rin si mom. Hala, parang
ngang ready na si
mom. Inunahan pa ako.

"I'm okay, baby" garalgal ang boses ni mom. Naguudyok na rin yung mga luha niya na
pumatak. Hay!
Naku si mom.

"Haaay, mom. Para namang hindi ako kinasal na. Si Jeff lang naman. "

"Okay. It's just that. I'm happy for you Tin. Sabihin mo lang agad samin kung
sinaktan ka ni Jeff. Naku!"
Yinakap naman ako ng mahigpit ni mom.

"Haay, Mom. Jeff will never hurt me. He loves me and I love him. Period. Sige na
Mom. Mag-ayos na
tayo."

Kumalas na ako ng yakap. Umalis na rin si mom ng kwarto ko. Tatawagin niya si Anj.
Si Anj kasi ang mag-
aayos sa akin. Nagpresenta siyang siya raw ang mag-aayos, magme-make-up sa kin.
Naligo muna ako.

Pagkatapos kong maligo ay bumungad si Anj sa akin na namumula ang mata. Hala,
bagong iyak ba siya?
Umupo na rin ako sa harap ng salamin.

" L..ight maakke uup" garalgal na rin ang boses niya.

"Hey? Bakit umiiyak? Hindi kita maintindihan." Narinig ko naman ang pag-iyak na
talaga ni Anj. Hala,
bakit sila umiiyak. Kinasal naman ako a.

Napatayo naman ako. Hinarap ko si Anj. "Si Jeff lang ulit ang papakasalan ko. Anu
ba kayo?" napatawa
naman ako at bumagsak na rin ang luha ko.

"Kahit tatanga tanga ka, mahal kita Teeny weeny." Yinakap na ako ni Anj. Hala!
Pagkatapos ng drama
namin ay pinaupo na ako ni Anj sa silya. At sinimulan na akong ayusan. Inayos niya
ang buhok ko. Wow,
ang galing ni Anj
Anj putted light make-up on me and a pink lipstick. Super simple lang talaga ang
yung make up ko. Ang
galing ni Anj!

"Wow! I look soo..." Napatitig na ako sa salamin. Hindi ko na nga napagpatuloy ang
sasabihin ko. Umalis
muna si Anj kasi may kukunin lang siya sa baba.

May narinig naman akong pagbukas ng pinto. Baka si Anj. "..Gorgeous. You look so
gorgeous, bubu"
Napatingin naman ako sa nagsalita. Halaaaa, bakit nandito si Jeff. Hala.

"Hala, Jeff bakit nandito ka? Halaaaaaa, naman!"

"Hala, bubu. Naman." Bakit hindi nagsasalita si Jeff? Nakatitig lang siya sa akin.

Kailangan ko ng tawagin si Anj. "ANJ!" Narinig ko naman ang yabag na patungo sa


amin. Hala, Jeff bakit
ka ba kasi nandito? Hala.

"Ay susme. Jeff, bakit ka nandito? LUMAYAS KA NGAAA!" Sumigaw na si Anj. Hala.
Tinignan ko naman
si Jeff, nakatulala siyang sa akin. Hala, pangit kaya?

"Hey! Jeff I said leave! Please. Hindi na kaya ng beauty ko to. Parang awa mo na.
Haaay. Iba na naman
nasesense ko kay Tin ee. Sige na, bago magwala ang babaeng yan." Natauhan na rin si
Jeff. Tapos
tumingin siya kay Anj.

"Pero... But.."

"No pero No buts. Just go!" Napalunok naman ako sa taray ni Anj. Parang tiger si
Anj. Nakapameywang
pa nga si Anj at parang nanlilisik ang mata.

"Okay." Napasimangot naman si Jeff. Tumalikod na si bubu tapos nagsimula ng


maglakad papuntang
pinto. Hala.
"Bubu!" Tinawag ko na si Jeff. Napatingin naman si Bubu sa akin. "Aa-attend ka a,
huwag palate a?"

"Oo naman Bubu." Ngumiti si Jeff. La na akong suot. Chos. Waa. Pakiramdam ko
mababaliw ako.
Pakiramdam ko wala na ako sa katinuan.

Pagkatapos nun ay lumabas na siya --- si Jeff.

Hinarap naman ako ni Anj. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Walang
pagwawala Tin. Like
this "Oh, Anj. Patay hindi na matutuloy kasal namin Huhuhuhuh. Anj, help me. Paano
na to" Wala bang
ganyan." She mimicked. Wooo! Si Anj talaga.

"Muntanga lang. Anj. Wala bakit?"

Sinapo naman ni Anj ang noo niya. "Gosh, I'm so proud wala ng ewan na Tin. You're
growing up. Pero
why?" Nakataas naman ang isang kilay ni Anj.

"Kasi may tiwala ako kay Jeff. Sabi pa nga niya" I clear my throat and mimicked
Jeff's voice "Oo naman
Bubu"

"Oh asan ka pa. I'm sure he'll be there. Hindi niya ako sasaktan" sabi ko pa ulit.

"Okay Thanks for the valedictorian speech. Tin." Kinurot ko naman sa pisngi si Anj.

"Si Anj, talaga"

Time check: 10:00 a.m.

Oh My God. Ten o'clock na. Nakita ko sa wrist watch ni daddy. Naghihintay na lang
kasi kami ng cue
kung bababa na kami ng kotse.
Nakasara pa nga ang pintuan ng simbahan. Hay naku! Si Bubu na naman nakaisip nito.
Ang tamis talaga
ni Jeff. Maya maya lang ay kinatok na kami. Unang bumaba si daddy mula passenger
seat kasunod si
mommy tapos ako.

Hindi ko alam pero lumalakas ang tibok ng puso ko kasi naririnig ko talaga ang
pintig nito. Hala.
Napatingin naman ako kay mommy kasi umiiyak na siya.

"I love you baby." Napayakap naman ako kay mom. Ano ba yan? Naiiyak na ako.
Naramdaman ko
naman ang kamay ni dad sa balikat ko.

"Maging masaya ka palagi, anak" Wala na naiyak na talaga ako. Nasisira na siguro
ang make up ni Anj sa
akin. Pero hindi ko talaga mapigilan ang luha ko.

"I Love you. Mom and Dad"

Binuksan na bahagya ang pinto at nag-umpisa ng lumakad ang mga abay. Sayang nga si
baby Kev e,
kung sana nakakalakad na siya, siya yung ring bearer e. Sayang talaga. Pero eto na.

Nung matapos ang mga abay ay tuluyan ng binuksan ang pinto. Nagulat naman ako sa
kagandahan
nito. Ang ganda, ang dami flowers. Woo, si Bubu siguro ang nakaisip nito. Ikaw na
talaga Jeff. Ikaw na!

Napatingin ako sa carpet. Wow! May petals na nakakalat. Pinaghalong white and red
petals of rose.
Wow talaga ang Bubu ko.

Pero ang mas kinagulat ko ay si Jeff. Napatuon tuloy ang atensyon ko sa kanya. May
hawak siyang mic?
Don't tell me kakanta si Jeff? WEH?

Si Jeff kakanta? Talaga lang?


Nagsimula ng tumugtog ang pianist. Oh em gee!

Ooooh Ooooh

Ooooh

Wow! Kakanta nga si Jeff. Hindi ako makalunok. At parang umiinit na ang gilid ng
mga mata ko. Hindi
ako makapaniwala. Hindi talaga.

In the middle of the pouring rain

On a crowded subway train

When I'm just about to go insane

You make it go away

Monday morning in a traffic jam

And I'm going to be late again

The world is getting underneath my skin

I see you smiling

And know that it's going to be okay

Nag umpisa na akong maglakad sa aisle kasama si mom and dad. Naku Jeff, hindi ko
alam ang gagawin
ko. Pero kahit ganyan ang boses niya naku love na love ko si Jeff, wooo! Nahiya pa
si Jeff ikulot ang
boses niya. hehe.

Pero kahit ganoon ay pinakikinggan ko talaga ang boses ng bubu ko. Grabe yung
lyrics ng kanta naalala
ko tuloy yung ginagawa ni Jeff sa akin dati. Yung dating nakasaigaw, naku mahal na
ako ngayon. Hay,
napapangiti na lang ako.

Wherever I go

Whatever I do
Woo! Parang nanginginig na ang boses ni Bubu. Medyo malapit na rin naman ako kay
Jeff. Kaunti na
lang makikiss na ako ni Jeff. Kiss talaga Tin?

Tinitigan ko naman si Jeff. WAA! Bakit naman parang iiyak si Jeff? Nuba yan! Para
namang maiiyak na
ako nito.

Stay by my side

Cuz baby it's always better with you

Umiiyak na talaga ang bubu ko. Naiiyak tuloy ako. Tumulo na ang luha ko. Si Jeff
kasi pinapaiiyak ako.
Ang saya ko lang talaga. Si Jeff ngayon ay kumakanta para sa akin. Oo Jeff ganun
din ako. It's always
better with you.

Kaunti na lang nasa tabi mo na ako Bubu. Konti na lang. Pakiramdam ko kami lang ni
Jeff ang tao rito sa
simbahan kasi siya lamang ang tinititigan ko.

Girl when I'm alone

You're where I belong

Cuz baby it's always better with you

Oohhh Ohhh

Baby it's always better with you

Nakita kong pinunasan ni Jeff ang mga luha niya pero tuloy tuloy pa rin siya sa
pagkanta. Nakakaiyak
talaga si Jeff.

Nakarating na rin naman ako sa tabi ni Jeff. Naamoy ko ang bango ni Jeff. Hehe.
Super close na nga
kami ngayon e.

You make a bad day better than good

You make me feel better than I should


You understand when I'm misunderstood

Like no one else ever could

And girl you show me things I never see

If you were never there to see them with me

And when I get a little too crazy

You are my sanity

And everything will be okay

"Alagaan mo si Tin, Jeff" Napatingin naman ako kay dad. Yinakap ko na siya at
hinalikan. Binigay naman
niya ako kay Jeff. Ganun din ginawa ko kay mom. Hala, ang drama naman namin.

Pero hindi pa rin tumitigil si Jeff sa pagkanta. Ngumingit si Jeff. O siya na!

Wherever I go

Whatever I do

Stay by my side

Cuz baby it's always better with you

Girl when I'm alone

You're where I belong

Cuz baby it's always better with you

Ooooh Ooooh

Baby its always better with you

Girl it doesn't matter where we go

Cuz you always make it feel like it's home

When I'm with youuu

Ooooh Ooooh Ooooh

Wherever I go

Whatever I do
Stay by my side

Cuz baby it's always better with you

Girl When I'm alone

You're where I belong

Cuz baby it's always

Wherever I go

Whatever I do

Stay by my side

Cuz baby it's always better with you

And when I'm alone

You're where I belong

Cuz baby it's always better

It's always better with you.

Hindi na nahiya si Bubu. Kumulot kulot na rin ang boses niya. Tinitigan nga niya
ako habang ginagawa
niya iyon. Hala! Nang aasar pa, kala mo magaling siyang kumanta. Hala, pero para sa
akin naman ang
ganda talaga ng boses ni Jeff. Para ngang mal Kris Allen e. Promise ang galing ni
Jeff!

Puro na lang si Jeff ang nasa isip ko. Hindi ko namalayang tapos na pala ang kanta.

Inoffer naman ni Jeff ang braso niya habang nakangiti. Bubu naman e, ang gwapo mo
talaga. Pero after
naming makatungong altar ay nagkakatitigan lang kami. Nagsimula na ang seremonya
pero
nagkakatitigan lang kami ni Jeff. Maraming sinasabi ang priest pero nakatuon lamang
ang atensyon ko
kay Jeff.

"Tin, sinabi ko na sa'yo dati ito pero let me say it to other people. You know that
ikaw ang araw ko. You
give me light to see happiness. Kahit napakasungit ko, you never give up. You never
give up on me. I
don't know what to do if I lose you. God. Maybe now kung wala ka sa buhay ko ngayon
siguro
naniniwala pa rin ako sa mali. Pero hindi e, you are here.".. ngumit naman si Jeff.
Oh, Bubu.
"And it's always better with you" sabi ulit ni Jeff ng pakanta. Oh, Bubu ko. "I
love you Christine Lee."

Kumawala na talaga ang luha ko. Hindi ko alam kung paano sisimulan yung akin.
Lumunok muna ako
bago magsalita "I don't know what to say, Bubu pero all I know is hindi sisikat ang
araw mo kung wala
ikaw --- kung walang Jefferson Lee sa tabi ko. I love you Jeff at alam mo yan.
Every day I say I love to
you for you to remember na I will always be here for you. I can sacrifice for you
para lang maging
masaya ka. Pero I don't think na kailangan kong magsakrispisyo. I don't need to
sacrifice Jeff. You are
here now. I love you Jefferson Lee." Yung luha ko naman e, ayaw tumigil.

"And it's always better with you" kinanta ko rin ito. WAA! Ginaya ko si Jeff.

Pagkatapos nun ay tumingin kami sa priest. "With the power vested in me, I now
pronounce you man
and wife. You may now kiss the bride."

Tumingin na ako kay Jeff. "Ayoko ng mabilis gusto ko yung matagal, Bubu" sabi ni
Jeff.

Hala? Ngumiti naman si Jeff.

And with my smile, Jeff kisses me. It was a kiss na mararamdaman mo ang
pagmamahalan na mayroon
kami ngayon. Pakiramdam ko lumulutang ako dahil sa halik niya. Nawala lahat ng
pangamba na
mayroon ako. His kiss is sweet.

At isang lang masasabi ko...

It's a fairytale after all.


*******************************************
[52] Nothing follows --> Click external link for Book 2
*******************************************
Nothing follows --> Click external link for Book 2

*******************************************
[53] FRAP'S MESSAGE
*******************************************
Yiee. Done

*******************************************
[54] Pakibasa!
*******************************************
Salamat po sa lahat ng naghintay yun lang po. Salamat. As a promise nag post po ako
ng isang special
update. THANK YOU

*******************************************
[55] Nothing follows --> Click external link for Book 2
*******************************************
http://www.wattpad.com/story/8498554-seducing-my-husband-2

Nothing follows --> Click external link for Book 2

*******************************************
[56] Nothing follows --> Click external link for Book 2
*******************************************
Nothing follows --> Click external link for Book 2

*******************************************
[57] Nothing follows --> Click external link for Book 2
*******************************************
Nothing follows --> Click external link for Book 2

*******************************************
[58] Nothing follows --> Click external link for Book 2
*******************************************
Special Update 4- CHECK-UP

"Hala, Bubu. Sure ka ba?" tanong ko sa kanya. Si Jeff kasi pumayag na amuyin ko
'yung kili-kili niya.
Marami kasing tao pero alam ko rin naman na hindi ako matitiis ng asawa ko.

"Oo naman, ikaw pa mahal kita e" sabi ni Jeff. Bakit ang suwerte ko sa kanya?
Napakasuwerte ko kay
Jeff. Ang suwerte ng anak ko dahil kay Jeff. Napakaunawain na asawa. Akalain mo yun
papaamoy niya
yung kili-kili niya para sa kin.

"Halalalala!" yan lang ang nasabi ko sa kadahilanang kinikilig ako.

Isususob ko na sana ang ulo ko sa leki-leki ni Jeff ng biglang may nagsalita. "PDA
much si Boss." Aniya ni
Rey.

"Hoy Rey hayaan mo na sila.. Hi Tin pwede bang dito kami umupo?" tanong ni Bessie.

Tinignan ko naman si Jeff namumula ang tenga niya. Hala?

"Ba't pa dito? Tignan mong nilalanggam na nga sila dito e. Makagat pa tayo dit-"
napahinto siya dahil
nakita kong tumingin si Jeff nang masama kay Rey.

"He-he. Peace boss?" sabi ni Rey at nag-peace sign. Ang cute lang. Ang cute ni Rey
sarap kurutin ng
pisngi niya. Gusto kong kurutin.

"Rey..? dito ka na lang umupo dito sa tabi ko daliii..please" ang cute ng pisngi ni
Rey, sarap kurutin.

"Ha? Bakit?" tanong niya

"Please dito ka na dalii.." sabi ko.

"sige.. pero-" hindi siya makaupo kasi tinignan siya ni Jeff. Hala? ".. huwag na
kaya Tin.. mahal ko
trabaho ko.. hehehe" sabi niya sabay kamot sa batok.

"Naku Rey pinaglilihian ka ni Tin Dalian mo na" aniya ni Bessie sabay upo at
nilapag ang lunch niya.

"Boss.." Rey whispered at tinignan si Bubu.


Tinignan ko naman si Jeff, nag nod lang siya tapos biglang umiwas ng tingin. Hala?
Umupo na rin si Rey
sa tabi ko, pagkaupo niya agad kong hinawakan ang pisngi niya. "Ang cute cute mo
naman Rey.."
Nanggigigil ako sa pisngi ni Rey.

"salamat Tin.. baka magmana sa akin yang anak mo.. kapag lalaki yan Gwapo yan"
pagmamalaki niya.

Napatawa naman ako sa sinabi ni Rey. "Haha, oo nga ang gwapo mo nga" sabay kurot sa
pisngi niya.

"EHEM EHEM. Tapos na ang break magsibalik na kayo." Biglang pagsasalita ni Jeff.

"Ge, bye Tin." Sabi ni Rey sabay kindat niya sa akin.

"Sige Tin, pakalmahin mo si Boss. Hulk mode na hata." Bulong naman ni Bessie.

Hala? Bakit naman hulk mode si Jeff.

"Oh sige, Thanks Bessie. Thanks Rey ang cute-" naputol ang sasabihin ko kasi
biglang nagsalita si Jeff.

"EHEM EHEM! Kumain ka na." maubong sabi ni Jeff. Hala? Nagkakasakit na si Jeff
kaka-work niya. Hala?

"Okay ka lang Jeff, kanina ka pa inuubo kasi ee" Kailangan niya agad uminom ng
gamot para maging
okay na siya.

"Okay lang ako. Kumain ka na."

"Pero Jeff-"

"Kumain ka na.. kailangan mo yan." Sabi niya tapos hindi siya tumitingin sa akin.

Hala? Galit ba si Jeff sa akin.

Tinitigan ko lang ang pagkain. Bakit siya galit sa akin? May ginawa ba ako? Nang
dahil hindi ako
mapalagay hinarap ko siya kailangan lambingin ko siya. Siya hata ang naglilihi e,
kasi parang nagtatampo
siya.

"Tin-" I stopped him in the mid-sentence because I kissed him.

"I can't find a right word to describe you. Words are not enough, it is something
to feel. Bubu" sabi ko
sabay halik ulit sa kanya. Nakita ko namang namula ang tenga niya.

"Tin, bubu.. it's just.." he said and his forehead is against mine. "..it's just I
can't stand that you can be
like that infront of any man here.. I'm jealous." Sabi niya sabay halik sa gilid ng
labi ko.

"Naku bubu.. tsk tsk.." I toss my head side by side.

"Why, bubu?" Hindi pa rin niya inaalis ang mata niya sa akin. Naiihi na ako sa
kileeeg.

"Bakit ka kasi nagseselos? Alam mo namang sa'yo lang ako di ba? Pinaghirapan kaya
kitang kunin.."
Hinalikan ko naman siya sa pisngi.

Nanatili pa rin kami sa ganoong sitwasyon, ang noo ko sa noo niya. Nakatitig pa rin
kami sa isa't isa.
"..Bubu.." Hinalikan namann iya ako sa labi. "... It just that ... I don't know..
All I know what's mine is
mine alone. And you.. bubu" sabi niya at hinalikan naman ako sa mata. Hala? "..is
mine. Sa akin ka
lang." Hinalikan naman niya ang isa ko pang mata. "Kaya akin ka lang aa?" He claims
my lips.

Napatitig na lang ako sa sinabi niya. "Si Rey lang naman yun.. kasii"

"Kahit na.. I'm too selfish sa'yo Tin. " he said intently on my eyes.

Ngumiti ako sa kanya. "Ahh okay."

"Nakakasakal na ba ako, bubu?" May nagpainom ban g klieg capsule kay Jeff?

"No! Sa'yo lang ako, promise" sabi ko sabay taas ng kanang kamay ko. "..i will be
forever yours bubu"
Ngumiti ako pagkasabi ko nun. Nagulat ako ng lumapat na naman ang labi niya sa
akin. "Thank you"

Nabasag ang katahimikan ng biglang may sumigaw. "ANG LUPIT TALAGA NI BOY-PICK UP.
IKAW NA
IKAW NA TALAGA!" Napaayos naman ako ng pwesto pati rin si Jeff. Nakita ko halos ng
tao sa cafeteria
ay nakatingin sa amin at ngumingiti. Hala? Nakita nila. Bigla tuloy nag-init ang
pisngi ko. Pinagmasdan ko
si Jeff, namumula. Namumula siya yung mukha niya.

"THE BEST KA TALAGA BOY PICK-UP" may sumigaw ulit sabay sipol. Nagsitawanan naman
ang tao dito
sa cafeteria.

"GO BACK TO WORK. RIGHT NOW!" Naaligaga naman ang tao sa cafeteria. Boss na boss
kasi ang dating
ni Jeff. Hehehe.

"Bu.." kinalabit ko naman si Jeff. Tinignan naman niya ako, mapula pa rin siya.

"Sorry!" he whispered at lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Okay lang." sabi ko at nagthumbs up. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na


may tao pa rin na
sumisilip sa amin.

"I SAID GO BACK TO WORK. NOW!" pag-uutos ulit ni Jeff. Nakita kong nangingiti na
rin si Jeff.
Natutuwa ako sa mga tao dito kasi aligang aligaga sila. Hindi nila malaman ang
gagawin. Hahah!

Nagkatinginan lang kami ni Jeff at nagngitian. Ang kukulit nila. Haha!


Sunday, walang work si Jeff. Ngayon kami magpapa-check up sa isang gynecologist.
Kinakabahan ako.
Natetense ako.

"You nervous?" tanong ni Jeff sabay hawak sa kamay ko.

"Slight.. " Naghandgesture ako sa kanya na slight.

"Don't be. Nandito lang ako." Hinalikan naman ni Jeff ang kamay ko.

"Mr and Mrs. Lee, the doctor is ready to see you. This way po" sabi ng isang nurse
dito sa clinic.
Tumayo na kami sa kinauupuan namin at tahimik na pumasok sa kwartong iyon.

"I'm Doctor Lucio Cruz. I'll be your gynecologist." Sabi ng doctor. Nakipagkamay
kami kay Doctor Cruz.
Siya ang magiging doctor ko sa pagbubuntis.

"First thing will do is the ultrasound. Mrs. Lee please lie down in the examination
table." Sinabi iyon ng
doctor habang inaayos ang gamit na gagamitin niya. Kinakabahan akong humiga.

Pagkahiga ko nakita kong nakaupo na si Jeff na nakakunot ang noo. Ang cute ni Bubu.

"We'll be doing a transversal ultrasound. Please take off your underwear.. Mrs.
Lee-" naputol ang
sasabihin ng doctor dahil biglang napatayo si Jeff at nagsalita. "Seriously?
Underwear?" naiirita niyang
sabi. Tinignan ko siya at doble na ang kunot ng noo niya.

"Kailangan yan, Jefferson para makitang mabuti ang baby" Nagulat ako ng biglang may
nagsalita, hindi
naman ang doctor hindi rin si Jeff o yung doctor-si Mommy!.

"Mom?"

"Doc pakiumpisahan na po" sabi ni Mommy. Tinignan ko si Jeff umupo na rin siya at
titig na titig kung
ano ang gagawin ng doctor. Umalis muna ako sa pagkakahiga at tumungong c.r. I took
off my
underwear.

Humiga ulit ako sa examination table. Ipinatong ko ang paa ko sa leg rest, now my
legs are wide open.
Dumoble ang kaba ko, tinignan ko si Jeff wala na siya sa upuan katabi ko na siya.
Hinawakan niya ang
kamay ko.

Pinaliwanag ng doctor kung bakit transvaginal ultrasound. Kailangan daw makitang


mabuti ang sanggol
kasi first trimester palang ng pagbubuntis ko. Hawak hawak ni Doctor Cruz ang
probe.

"Doc? Ano yan?" tanong ni Jeff.


"I'll be inserting this inside Tin." Doc said.

"Seriously? Pwedeng ako na lang?" naubo naman ako sa sinabi ni Jeff. Tinignan ko
ang doctor ayun
napapangingiti sa sobrang protective ni Jeff sa akin. Nakita ko rin si Mommy na
nangingiti na.

"Hayaan mo na Jeff. Remember, ako'y para sa'yo lamang." I said and winked.
Seriously? Jeff.

"But..."

"No buts.." sabi ko. "..Go na po Doc"

"Your husband is too protective to you my dear Tin..." nakangiting sabi ni Doctor.
"..Don't worry Tin.
You won't feel anything." Sabi ng Doctor. He inserted the thing inside me. Humigpit
ang hawak ni Jeff
sa kamay ko at titig na titig sa doctor. The thing felt weird at first but a few
moments I started to relax.
Nakita ko naman sa harap namin ang isang screen.

"That's our baby" masiglang sabi ni Jeff.

"Yea. Mr Lee. That's your baby. Nakikita niyo yung nasa loob ng bilog na iyon."
Sabi ng doctor. Tumango
naman kami ni Jeff. Napapaluha na rin ako. Our baby.

"It's look like a bean" Jeff said at nilapitan ng malapitan ang screen. "..look
Tin" nakangiting sabi ni Jeff.
Nilapitan niya ako at hinalikan ang noo ko.

Nakita ko rin si Mommy na nakatitig sa screen. "My grandchild.."

"Everything is normal. According to the size of the fetus it is 8 weeks and 5 days.
Normal ang heartbeat
ng baby." pagkasabi niya iyon inalis na ng doctor ang yung thing na nasa loob ko.
Nagbihis na rin ako.

Pagkabihis ko nakita ko si Jeff at Mommy na kinakausap ang doctor. Pagkakita sa


akin ni Jeff agad niya
akong nilapitan at niyakap.

"You never know how happy I am right now bubu.." he said and kissed my temple. I
smiled on him.
Naluluha na ako. "I want you to be happy, bubu" sabi ko at yinakap siya. Naramdaman
ko namang
hinigpitan ni Jeff ang yakap niya sa akin. Hindi ko na napigilan pa ang luha ko.Sa
lahat ng pinagdaan
naman nakaraos kami. Thank you Lord.

"Love birds.. You're too sweet. Here's the sonogram of the ultrasound." Sabi ng
doctor. Kumalas ako
ng yakap at tinitigan ang anak ko. Ang liit nga niya. "I expect to see you after a
month Tin. Okay?"

"Yep Doc." Thumbs up pa ako kay doc.

Nagpaalam na kami sa doctor. Nagpaalam na rin kay Mommy. Sumakay na akong kotse,
uuwi na kami
para magpahinga pero iba ang way na dinaanan namin. Huminto kami sa isang sea side.
Bumaba kami
at laking gulat ko papalubog na ang araw.

"Ang ganda.." Amaze na amaze ako sa nakikita ko.

Tinignan ko si Jeff nakatitig siya sa akin namula naman ang pisngi ko. Napayuko
naman ako. He lifts up
my chin. "Mas maganda naman tong tinititigan ko." nakangiti niyang sabi sabay halik
sa gilid ng labi ko.

"Sinong mas gwapo ako o si Rey?" sabi niya nang mahina. Ang bubu ko talaga!

"Huh?"

"Wala.." sabi niya at kinuha ang kamay ko at dinala malapit sa seaside.

Hinarap niya ako sa kanya. Hinawakan niya ang pisngi ko at nagsalita. "Lumubog man
ang araw na to.
Mabago man ang lahat. Hinding hindi magbabago ang pagmamahal ko sa'yo."

Ngumiti ako at nilapat ang labi ko sa kanya.

-----------+

Well hello there. Ako na siguro ang mahilig sa ganito. Haha. Paano naman kasi babye
wattpad na ako.
Last na update ko na to at hindi ko na alam kung kailan ako babalik. Matagal tagal
din bago ako
makabalik.

Thanks anyway in everything. Salamat ng marami.

'Tanongs' with s. Madami e. Tsarots.

Saan po yung Special Update 2?

1. Click external link kung gustong basahin ang special update 2 ng SMH o pumunta
sa profile ko
nandun ang link. Medyo SPG. Medyo lang. Haha. Kaya prinaybeyt ko. Hindi na kasi ako
sanay.

Nasaan po ang POV ni Jeff?

2. Tungo po sa profile ko nakahiwalay po sa SMH iyon. Di bali ang title ay HIS LOVE
(JEFFERSON LEE)
Dibali yun po ang POV ni Jeff sa buong story.

San na po yung kila Anj and Kev pati yung side-story ni Andrew?

3. Di bali mayroon naman po. I-side story ko na lang po yung kila Kev, Anj, and
Andrew. Siguro po
pagbalik ko makapost ako. Medyo nag-iisip pa po ako ron. Sa SMH ko na lang poi yon
i-post. Thank you.
Nasaan na po yung Courting the Superstar?

4. Naiba na po ang story ng anak nila Jeff and Tin. Heart of Hearts po iyon. Tungo
na lang sa profile ko.
Makikita niyo po iyon.

May book 2 po ba ang SMH?

5. Wala po. :)

Like niyo naman ang page ko sa FB. Heheh Search Frappiness

Thank you. :) Mag iingat kayo

************************************************
STORY END
*******************************************
*******************************************

You might also like