You are on page 1of 6

January 15, 2019

Fatima's POV

"Iniisip mo yatang nabuo ka dahil sa pagmamahalan no hijo? Pwes nagkakamali ka! Simula palang mali
na ang lahat sayo! Nabuo ka sa pagkakamali. Don't worry, let me tell you the whole story." Sabi ko at
nagbigay ng isang matamis na ngiti para sa kanya.

"Alam kong wala kang ideya sa nangyari sa amin, Fransisco Reyes. Pwes ikukwento ko sayo!"

19 years ago...

Naging magkaklase kami ni Greg noong lumipat ako ng university nang mag fourt year college kami.
Siya ang una kong naging kaibigan. Naging magkaibigan kami. We got closer and closer. Matamlay
kami pag hindi namin nakakasama ang isa't isa sa buong araw. Napagkakamalan pa nga kaming mag
jowa dahil sa closeness namin.

"Uy bagay kayo!"

"Invite niyo kami sa kasal ah!"

"Ninang ako sa anak niyo!"

Yun ang palaging biro sa amin ni Greg. At ang palaging sagot ko lang.

"Naku! Hindi kami talo nito! Magkaibigan lang talaga."

Pagkatapos ay tatawanan nalang naming dalawa. Pero isang pagkakataon, biniro ulit kami ng kaklase
namin sa isang subject.

"Oy invited ako sa kasal ah!"

Biro niya.

"Hala--" pinigilan ako ni Greg sa pagsagot ko.

"Naku! liligawan ko palang to! gagawin ko pang muna na babae para mapakasalan."sabi ni Greg at
tumawa.

Nagulat ako dahil unang beses niya na sinabi iyon!

"Wag ka ngang magbiro ng ganyan!" Sabi ko at tumawa.

Pero sa kaloob looban ko, may konting kilig ako na nadama.

"I'm serious Fatima." sabi niya at iniharap ako sa kanya.

"Oops maiwan ko muna kayo love birds." Tuluyan na nga kaming iniwan ng kaklase namin.

"Ano ba yang pinagsasasabi mo Greg?" Takang tanong ko.

"I love you more than just a friend Fatima! And I will court you till you say yes to me. Will you let me
court you?" He said holding my both hands gently.
Dahil sa sobrang gulat, wala na akong ibang nagawa kundi ang tumango sa kanya. Pagkatapos ay,
niyakap ako ni Greg ng sobrang higpit.

That was the happiest day of my life, even the best day of my life!

Simula noon, mas naging caring and sweet si Greg sa akin. Everyday, may iba't ibang pakulo siya na
laging nagpapasaya sa puso ko.

He bought me flowers, chocolates, teddy bears, ultimo panghaharana ginawa niya makuha lang ang oo
ko. Walang palya rin siya na maghatid sundo sa akin.

After two long months, I said yes. And got my first kiss. Probably the most magical day for us.

"I can't wait to marry you." He said after we kissed and gave me the most beautiful smile.

Natawa ako sa sinabi niya dahil kakasagot ko lang sa kanya.

"Masyado kang advance! But now, I can also see my future in you." I said and gave him my most
beautiful smile.

And we hug each other tight under the million stars.

Nagtagal ang relasyon namin ng dalawang taon. We were a strong couple, kung mag-aaway man,
nalulutasan din namin agad. Our relationship is almost perfect. But, when our relationship is getting
steady, biglang dumating ang bangungot na kahit kailan hindi ko hiniling na mangyari.

17 years ago...

Second year anniversary namin. We just had a romantic dinner date under the million stars. We were
eating quietly nang tumayo si Greg.

“Greg?” tanong ko nang may pagtataka.

Hindi niya ako sinagot, pero biga nalang siyang lumuhod sa harap ko.

“Fatima. I love you. You know that right?” Tanong niya at ngumiti sa akin.

Bigla nalang tumulo ang mga luha ko dahil sa gulat at kaba.

“Yes, I know. And I love you too. I always will and I always do.” Sabi ko, humahagulgol na.

“Then marry me.”

“Utos ba yan?” sabi ko at tumawa kahit na umiiyak parin ako.

“Of course I will!” dugtong ko.

Isinuot niya ang singsing sa palasingsingan ko bago tumayo at hinalikan ako.

“Thank you.” Sabi pa niya at niyakap ako.

In deed. That was the most memorable day of my life!

The other week, hinayaan ko si Greg na lumabas at magparty kasama ang mga friends niya to celebrate
our engagement. Hindi na ako sumama kasi I don’t like parties. I waited for him to call if he already got
home nang mag madaling araw. But he did not. But it was fine for me! Inisip ko nalang na siguro, dahil
sa sobrang kalasingan, hindi na niya nagawang tumawag or mag text man lang.

Kinahapunan ng sumunod na araw, inaya niya akong mag coffee date. Pumayag naman ako agad.

Pagdating ko sa meeting place, I saw him looking tensed. Di ko alam, pero para siyang kinakabahan na
natatakot na ewan.

I kissed him nang makalapit ako sa kanya.

“How’s the party last night?” bungad ko at umupo na.

“Uh... g-good. Actually we got a good time, together with my college friends.” Sagot niya na parang
kinakabahan.

Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Tinignan niya iyon at tumingin ulit sa mukha ko—
again, looking tensed.

“Is there a problem?” takang tanong ko.

“Fatima. May kasalanan ako.” Pagaamin niya.

“Huh? What is it?”

“I-I cheated Fatima. I’m sorry.” Sabi niya at napayuko.

“H-huh? Whe-when?, Where? How?” Sunod sunod kong tanong.

“Last night. I was so drunk. Napagkamalan kong ikaw yung babaeng kasama ng isa sa friend ko. We
kissed. And, and...”

“Something happened between the two of you.” Pagtutuloy ko sa sasabihin niya.

Napatingin siya sa mga mata ko at mukhang nakiki-usap.

“Ginusto mo ba yung ginawa niyo? Ginusto mo ba yung mga nangyari sa inyo ng babaeng ‘yon?”
Tanong ko.

“No Fatima, I swear!” sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

Ngumiti ako sa kanya at tumango tango.

“You didn’t cheat. Nagkamali ka lang, pero hindi ka nag cheat. Please wag mo nang uulitin.” Sabi ko at
niyakap siya.

I was very understanding to him. Sabi nila, napakaswerte ni Greg sakin dahil never ko siyang inaway na
umabot sa pag-eeskandalo. Lagi kong dinadaan sa mabuting usapan ang lahat.

After that, our relationship went well. Hinanda na namin ang mga kailangan sa wedding namin. Next
year pa iyon, but I wanted it to be perfect.

After a month, bigla nalang may lumapit sa aking babae na hindi ko kilala.

“Hi! Are you Fatima Dones?”


“Yes that’s me. May problema ba miss?” tanong ko sa kanya.

“Uh.. meron...” Nag-aalinlangan niyang sagot.

Iginiya niya ako sa isang cafe malapit lang sa pinagtatrabahuhan ko.

“I am Jannica Dela Cruz.” Pagpapakilala niya.

“Uhm miss Jannica nakaaway ba kita? May ginawa ba akong masama sa’yo—“

Naputol ang pagtatanong ko nang may ipatong siyang puting bagay sa lamesa. Pregnancy test.

“Congratulations! You’re pregnant!”

“And that is the problem.” Sabi niya na parang stressed sa nangyayari.

“Ano namang problema dun?” Takang tanong ko.

“Pagkakamali lang ang lahat. Hindi ko ginusto to!” sabi niya at tumulo na ang luha.

“Hindi ka ba pinanindigan ng ama niyan miss?” tanong ko ulit.

“Hindi niya pwedeng panindigan ‘to. Ikakasal na siya. Nandito ako para humingi ng pasensiya sa’yo.
Hindi namin—“

“Yung ama ba niyan... Si Greg ba?” sabi ko. Natutulala at gulantang.

Tumango naman siya at napayuko, lumuluha parin.

“Anong plano mo?” tanong ko sa kanya.

Napaangat siya ng tingin dahil sa gulat.

“Anong, anong plano?” takang tanong niya.

“True hindi ka kayang panindigan ni Greg. Pero yung anak mo... Pwede ka niyang tulungan tungkol
diyan.” Sabi ko.

“Talaga?” nahihimigan ko sa kanya ang pag-asa. Tumango ako sa kanya bilang sagot.

Iyon na ang naging set up namin. Inaayos namin ni Greg ang kasal, habang siya naman ay inaasikaso
ang baby niya. Noong una ay nag-aalangan pa siya, pero nasanay na rin siya.

Sinasamahan palagi ni Greg si Jannica sa OB-Gyne niya. Sumasama rin siya sa akin kapag inaayos ang
kasal.

Pero makalipas ang ilang buwan, nag-iba si Greg. Hindi na niya masyadong naaasikaso ang kasal namin
dahil focus na siya sa baby ni Jannica na anim na buwan nang buntis.

“Fatima, sorry. Ikaw nalang muna ang makipagmeeting sa organizer. Nakalimutan kong may schedule
nga pala si Jannica sa OB ngayon.” Sabi niya at ibinaba na agad ang tawag. Hindi man lang niya
hinintay ang isasagot ko kung okay lang ba o hindi.

Imbis na makipag meeting, I cancelled all my appointments that day. Pumunta ako sa ospital para
harapin sila Greg.
Nang malapit na ako sa room ng OB, nakita ko si Greg at Jannica na kakalabas lang. Nakahawak si
Jannica sa braso ni Greg habang inaalalayan siya nito. Sa likod nila ay ang OB Gyne na mukhang may
ibinibilin pa.

They look like... a married couple. Parehas silang nakangiti habang kausap ang doktor. Nang nilubayan
na sila nito, nagulat nalang ako nang iharap ni Greg si Jannica sa kanya at hinalikan sa loob.

Sakit. Iyon ang naramdaman ko, unti unting nadudurog ang puso ko nang makita kong halikan ulit ni
Greg si Jannica, at sa ilong na ito. Tuluyan nang nadurog ang puso ko nang unti unting naglapat ang labi
ni Greg at Jannica.

Hindi na ako nag-sayang nang oras at lumapit na sa kanila habang umiiyak. Saktong paglapit ko ang
paglayo nila sa isa’t isa.

“How dare you cheated on me!” sigaw ko at hinampas si Greg.

“Fatima! Let’s talk! ‘Wag kang ganito!” sigaw niya sa akin.

Pumayag ako sa gusto nilang mangyari.

Nag-usap kami sa isang coffee shop. Parehas na coffee shop kung saan inamin ni Greg ang pagkakamali
niya, at kung saan din sinabi sa akin ni Jannica na buntis siya.

“Explain.” I said, looking at them blankly.

“Let’s stop the wedding.” Deretsahang sabi ni Greg.

Agad ko siyang sinampal sa sobrang galit at sakit na nararamdaman ko.

“Anong kalokohan ‘to Greg? Ako yung mahal mo diba? Hindi ang babaeng yan!” Nanggigigil kong sabi.

“I didn’t love you enough Fatima. I’m sorry. Let’s stop this.” Sabi niya.

Tinignan ko si Jannica, baka sakaling bawiin niya ang sinabi ni Greg. But I was wrong. I saw her crying.

“I’m sorry Fatima I didn’t mean—“

Isang sampal galing sa akin ang nagpatahimik sa kanila.

“I trusted you! Ibinigay ko ang one hundred percent na tiwala ko sa inyo! Pero ito ang isinukli niyo?
Tangina niyo!” Sigaw ko sa kanila.

“I’m sorry Fa—“

“Let’s stop the wedding. Iyon ang gusto mo diba? Then let’s stop” baling ko kay Greg.

“Fatima... Please I’m sorry. I hope you understand.”

“Anong iintindihin ko Greg?! Yung hiniwalayan mo ko dahil napamahal ka sa ina ng anak mo sa


pagkakamali?! Ayoko Greg. Hindi ko iintindihin ‘yon!” Sigaw ko sa kanya.

Wala na akong pake kung panoorin kami ng mga tao sa paligid namin.

“I’m sorry Fatima. Sana mapatawad mo kami.” Pagmamakaawa ni Jannica.


“No. Hindi ko kayo mapapatawad. Hinding hindi! Babalikan ko kayong dalawa, at sisiguraduhin kong
maghihirap ang mga anak ninyo!” Sabi ko at umalis na sa cafe

Hindi na kami nagkaroon ng communication pagkatapos nang insidenteng iyon. Not until I planned to
establish the AOP Lab. Kinontak ko lahat ng scientist na kakilala ko, and got the chance to have the
number of Greg. Doon ko sinimulan ko ang plano sa paghihiganti ko.

Present...

Hinarap ko si Kiko na umiiyak na ngayon.

“I’m sorry. Sorry sa ginawa ng parents ko. Pero hindi ako naniniwalang may kasalanan ako. Hindi ko
kasalanan na hindi talaga kayo nakatadhana ni dad. Sisihin mo ang tadhana ‘wag ako!” sigaw niya sa
akin.

“I’m sorry din Kiko, pero plantsado na ang plano ko at ang kailangan nalang ay ang paglipat ng mga
kagamitan ng lab sa Cebu. Ang matagal ko nang pinaplano ay matutupad narin sa wakas.”

You might also like