You are on page 1of 1

ALAMAT NG BAGUMBONG

Sa isang malayong bayan, ay may isang mag asawang di magkaanak-anak kung kaya naman ay
araw-araw silang luluhod kay bathala at nanalangin na bigyan sila ng anak at ibibigay nila ang lahat ng
hiling nito at bubusugin sa kanyang mga pangangailangan. Di nagtagal ay ibinigay ang kanilang hiling
at biniyayaan sila ng isang anak at pinangalanan nila itong Bong.

Tinupad ng mag-asawa ang ipinangako nila kay bathala kung kaya nama'y todo kung kumayod sa
pagtatrabaho ang mag-asawa maibigay lamang ang lahat ng pangangailanagan at kagustuhan ng
kanilang anak. Kada lalabas ng bahay si Bong ay may suot itong bagong damit o laruan. Hindi
mapigilan ni Bong na ipagamayabang ang lahat ng bagay na ibinibigay sa kanya ng kayang magulang
at minamaliit ang mga taong wala ng bagay na meron siya kung kaya ay nabansagan siyang
"mayabang" ",mapagmataas at masama ang ugali sa kanilang bayan

Hanggang sa kanyang paglaki aty nabibit niya ang kanyang ugali pagiging mayabang. Piliin man
ng kanyang magulang na baguhin ito ay tila parte na ito ng buhay ni Bong.

Isang araw habang naglalakad si Bong sa kanilang bayan ay nakilala niya ang babaeng nagpatibok
ng kanyang puso. Dahil kilala si Bong sa kanyang pagiging mayabang ay tinangihan siya ng babaeng
iniirog. Para kay Bong ang binibing ito ang nararapat sa kanya kung kaa't tinanong niya ito kung ano
ang maaari niyang gawin upang magustuhan siya nito. Sumagot ang babae at sinabing kung ito ay
magbabagong buhay at hindi na siya magiging mayabang at mapagmataas ay maari siyang bigyan ng
tiyansa ng babae.

Sa kagustuhan ni Bong na makamit ang matamis na oo ng binibini ay pinilit niyang magbago. Si


Bong na noon ay mayabang, mapagmataas at masama ang ugali ay isa ng mapagkumbaba at may
mabait na puso. Ang pangyayaring ito ay kumalat sa buong bayan.

"Nagbagong buhay na si Bong?"

"Oo, bagong Bong"

Di kalaunay hindi lamang sa bayan nila Bong kumalat ang balita kundi maging sa kalapit bayan
nito

"Grabe, iba na ang bagong Bong"

"Sinong bagong bong?"

"Anong bagumbong?"

"Doon bagumbong"

You might also like