You are on page 1of 6

Sangayon ako!

(pangangatwiran)

Bakit nga ba kailangan isulong ang RH Bill or Republic Health Bill sa Pilipinas? Ito ay isa pa
lamang sa mga isyung hindi mabigyan bigyan ng kasagutan ng ating gobyerno. Sa kadahilanang ni-sila ay
hindi ma sagot kung ano nga ba naman ang tama? Ang nasa bibliya o ang pagdami ng populasyon sa
Pilipinas na nauuwi rin sa kamatayan dahil sa maraming dahilan? Kay raming tanong, kay hirap sagutin.
San ka nga ba papanig sa usaping ito?

Sa aking palagay ay ipatupad na ang RH Bill. Hindi dahil hindi ko iginagalang ang bibliya ngunit
sa kadahilanang kelangan nalamang natin solusyonan ang problemang ito. Maraming bata ang
namamatay araw-araw dahil sa gutom. Kitang kita ng ating mga mata ang mga kawawang batang
nagtatrabaho sa murang edad para kumita ng pera. Maliban pa dito ay ang mga batang nakakalat sa
lansangan at gumagamit ng rugby, droga o kung ano pa man. Mas maatim pa nga ba nating Makita ng
ating mga mata unti-unting pinapatay ng mga batang ito ang kanilang sarili ng dahil sa kahirapan? Ako,
hindi ko kaya. Mas gugustuhin ko pang hindi nalang sila inilabas ng kanilang mga magulang kung
hahayaan lang rin. Ito pagpapakita ng isang responsableng magulang.

Oo ngat may nagsasabing bakit ka makikipagtalik kung hindi ka handa sa maaring bunga nito?
Ang pakikipagtalik ay ginagawa ng dalawang magasawa pero hindi naman lahat ng magasawa ay kayang
buhayin ang mga supling nila ng dahil sa kahirapan. Kahrapan ang pangunahing problema sa buong
mundo hindi lamang sa Pilipinas, ngunit ito ay hindi parin nasosolusyunan nga kahit sino. Maaaring
mayaman ang bansa ngunit may mga tao paring naghihirap. Kayat sa aking palagay ay pagtungan
nalamang natin ng pansin ang mga sanhi ng paghihirap katulad nalaman ng paglaki ng populasyon.
Nariyan na nga ang problema, hindi na dapat pang pagtalunan pa dahil wala rin naman itong
patutunguhan at ang kailangan sa problema ay solusyon lamang at wala ng iba.

Isa pa rito ang kadahilanang, pilit na pinagtatalunan n gating gobyerno ang isyu tungkol sa RH
Bill ngunit marami naman ng gumagamit ng mga condom, pills at iba pang ginagamit sa pagtatalik upang
maiwasan ang pagbubuntis. Ngayon pa nga ay nagkalat sa istasyon ng LRT o kung saan-saan pang lugar
ang mga poster ng condom, pati sa telebisyong kahit bata ay nanakakanuod ay ipinapalatastas ang
condom at higit sa lahat ay marami naring maaring pagbilhan ng mga ito sa convenient store particular
sa ditto ang Mini Stop, 7/11, Mercury at marami pang iba. Nasa tao na rin naman iyon kung gugustuhin
nilang gumamit ng mga ito o hindi.

Ako ay sang ayon sa RH Bill, ito na lamang ang nakikita kong solusyon sa problema ngating
bansa. Hindi sa pinipilit ko ang lahat na gumamit ng contraceptives ngunit sa kadahilanang ako ay
pumapanig sa pro RH Bill para sa ikabubuti nating lahat. Ang dapat na pinagiisipan sa isyung ito ay kung
isasama ba ang abortion sa pagpasa ng RH Bill at gawa ng batas tungkol dito.

Ipinaskil ni gie ann adorio sa 9:20 AM


Tamis at Pait (Paglalahad)

Masarap magmahal, masarap umibig. Lalot sa panahong nagdadalaga o nagbibinata pa lamang.


Kilig at tamis ng pagmamahal ang umiiral ngunit hindi lahat ng nagiibigan ay nagtatapos sa kasalan. Ito
ay hindi kahulugan ng isang masayang katapusan.

Hoy Bong! Gumising ka na daw sabi ni mama! pambungad na sigaw ng kuya ni Bong, sabay hila
ng unan sa may ulunan nito. Mamaya na! sagot ni bong habang hinihila pabalik ang unan.

Pumasok ang ina nila Bong sa kwarto at sinabing magsi-gising na kayo at malelate na kayo sa
klase.

Unang bumangon si Bong at dali-daling naligo at nagmamadaling lumabas ng bahay. Hindi ka na


ba kakain? pahabol ng kanyang ina. hindi na po! sagot ni Bong habang palabas ng gate.

Nakasalubong ni Bong ang kanyang mga kabarkada pagpasok ng iskwelahan. Pare, gimik tayo
mamaya sa may MCDO na tayo magkita-kita! Sagot ko. Pagiimbita ng isang kaibigan nya. Sige pare
sunod ako pagtapos ng klase ko. Nagkamayan at nagpaalam na sa isat isa ang magkakaibigan upang
pumasok sa kanya-kanya nilang klase.

Matapos ang klase ay nagmamadaling tumakbo si Bong palabas ng kanyang iskwelahan at hingal
asong dumating sa kanilang tagpuan. Tagal mo pre!, sabi ng kanyang kaibigan. Sorry pre tagal
magpalabas ng prof namin e., sagot ni bong habang hinahabol ang kanyang hininga.

Sabay-sabay ng pumunta sa isang discuhan ang magkakaibigan. Isang Nakakabinging tugtog at


nakakabulag sa liwanag pagtumapat sa mga mata ang mga bolang nakasabit sa kisame sa isang madilim
na lugar ang bumungad sakanila. Hindi magkandarapa ang mga tao kakasayaw sa isang maliit na lugar na
iyon.

Habang silay sumasayaw ay hindi sinasadyang mabangga ni Bong ang isang babaeng may
mahaba buhok, maliliit na mata at mapupulang labi ang bumungad sakanya. Si Bong ay nakatitig lang sa
babaeng iyon habang ang babae naman ay nagsosorry sakanya.
Sorry! Hindi ko sinasadya sabi ng babae. Ah ok lang., Nauutal na sagot ni Bong.

Nakatitig parin si Bong sa babaeng iyon habang papunta sa bar upang kumuha ng alak. Agad
namang sumunod ang kanyang mga kaibigan at siyay kinantyawan. Oy! Pare! Anong nangyari? Ang
ganda nun ah! Nakilala mo ba? Anong pangalan?, sunud-sunod na tanong ng kanyang mga
kabarkada. Hindi pare eh., sagot ni Bong. Ngunit hindi parin natitinag ang pagtitig niya sa babaeng
nakaupo sa kabilang mesa.

Tinuro ng mga kaibigang kasama ng babae si Bong kayat tinignan din ng babae ito pabalik. Hindi
mapakali at pinipilit iwasan ng tingin ni Bong ang babaeng kanyang nakabangga.

Pare! Pare! Palapit na sila dito. Hindi na magkandaugaga si Bong sa sunud-sunod na paglagok
niya ng alak sa natutuyot niyang lalamunan.

Pagdating ng babae kasama ang kanyang mga kaibigan sa kanyang harapan ay tinanong nya kung
bakit nakatingin si Bong sakanya. Wa-wala naman. So-sorry. Nanginginig na sagot ni Bong. Gusto niya
sanang makipagkilala!, gatong ng mga kaibigan ni Bong. Hindi! Hindi!, pangontra naman ni Bong.
Ngumiti lamang ang babae at nagpakilala, May, ako nga pala si May habang nakangiti kay Bong. Ah-
Hi, ako si Bong habang pilit na inaabot ang naninigas niyang kamay sa babae.

Nagsalo na ang dalawang grupo ng magkakaibigan sa isang lamesa habang nagkekwentuhan at


ang iba naman ay nagsasayawan.

Ilang araw pa ang nakalipas ay nagsunud-sunod ang pagkikita nila Bong at May. Pagkatapos ng
klase ni Bong ay sinusundo niya si May at sabay silang kumakain sa labas upang magkakilanlan pa ng
maayos. Hindi nagtagal ay dumating ang panahon na naging silang dalawa na.

Ilang taon din ang nakalipas ay nakatapos na ng kolehiyo sa kursong Bachelor of Science for Civil
Engineering si Bong at nagrereview na lamang para board exam.

Taong 1992 ng May 24, noong sinurpresa siya ni May sa isang romantikong hapunan si Bong para
sa kanyang kaarawan. Nagsindi nag kandila si May sa isang lamesang may nakahandang bagong lutong
ulam at mainit na kanin, habang amoy na amoy ang halimuyak ng pulang rosas na nakakalat sa pagpasok
pa lamang ng pintuan hanggang sa kama.
Kumakatok na sa pintuan si Bong at agad-agad na humaripas ng takbo si May upang salubungin
ito habang may dala dalang cake at lighter upang sindihan ang kandila. Pagbukas ng pinto ay kumanta si
May ng Happy Birthday at naglakihan ang mga mata ni Bong sa gulat ng makita niya ang buong kwartong
punong puno ng bulaklak at pagkain sa lamesa. Pagtapos kumanta ay binati ni May si bong at hinalikan.
Happy Birthday, para sayo lahat ito., bati ni May.

Kumain na sila ng hapunan at masayang nagkekwentuhan habang umiinom ng wine. Pagkatapos


nilang kumain at uminom ng wine ay unti-unti ng naginit ang kanilang mga katawan ng dahil na rin sa
kadahilanang silang dalawa lamang doon sa silid na kanilang tinutuluyan. Kayat unti-unti ng naglapit ang
kanilang mga labi at pinatay ang ilaw.

Makalipas ang isang buwan ng malaman ni May na siya ay nagdadalang tao. Hindi niya alam kung
pano ito sasabihin sa kanyang mga magulang at kay Bong. KAyat napagdesisyonan niyang makipagkita
kay Bong sa isang lugar malapit sa pinapasukan review center ni Bong.

Naghintay si May sa may isang kainan, tingin ng tingin sa kanyang paligid upang hanapin si bong
habang hinihimas ang kanyang tiyan. Dumating si Bong at tinanong si May kung bakit biglaang gusto
niyang makipagkita. Bakit bigla kang nakipagkita? May problema ba?, tanong ni Bong kay May. May
gusto sana akong sabihin sayo. Hindi ko na kasi alam kung anong gagawin ko. Sagot ni May. Ano yun?
wika ni Bong. Gulat na gulat si Bong noong sinabi ni May na buntis siya. Hindi niya rin alam kung ano ang
kanyang gagawin dahil hindi ganun ka yaman ang pamilya ni Bong at hirap na hirap na sila sa
pagpapaaral kay Bong para sa kanyang paghahanda sa palapit na board exam.

Walang- wala sa sariling sinabi ni Bong sa kanyang ina na buntis si May at wala ng nagawa ang
kanilang mga magulang kundi tanggapin ito. Tumigil si Bong sa pagrereview at nagtrabaho. Mas pinili
niyang magtrabaho na upang makatulong na agad sa kanilang pamilya at sa paghahanda sa bago niyang
magiging pamilya kesa ituloy ang pagkuha ng board exam.

Ngunit dumating ang mga panahong halos araw-araw ng nagaaway sila May at Bong. Hindi na sila
nagkakaintindihan at minumura na ni May si Bong na hindi nagugustuhan ng ina ni Bong.
Makalipas ang kabuwanan ni May ay isinilang niyang ang isang babaeng sanggol na may
mapupulang labi at pisngi. Pinangalanan nila ang babaeng sanggol na Reggie Ann. Ngunit sa paglabas ng
bata ay hindi parin naayos ang pagsasamahan nila Bong. Nagkaroon pa ng mas matitinding away at
nadamay pa ang mga magulang ni Bong dahil hindi na masikmura ng ina ni Bong ang pagaalipusta ni
May sa kanyang anak. Nalaman nilang kaya nagkaganun ay may iba na palang lalake si May. Nasaktan ng
lubusan si Bong na parang sinasaksak ang kanyang puso. Hindi niya inaasahan na sa lahat ng sakripsyong
ginawa niya para sa pamilya niya ay mauuwi sa wala. Ibinigay niya ang lahat para sa kanyang asawa at
kinalumutan ang kanyang pangarap upang maitaguyod ang kanyang pamilya. Kayat ng dahil sa
pangyayaring ito ay agad silang naghiwalay ni May at naiwan ang babaeng sanggol sa puder ng kanyang
ama. Nagkaroon sila ng kasulatang hindi maaring kunin ni May ang babaeng sanggol sa puder ng
kanyang ama.

Umiiyak habang binabasa ni May ang kasunduang ito at pilit na pinirmahan ang kasunduan kabay
ng pagpatak ng kanyang luha sa papel na iyon. Matapos nito ay pinuntahan niya ang kanyang anak at
inakap ng mahigpit. Anak sorry. Sorry, ito na lamang ang huling salitang bigibigkas niya bago siya
umalis.

Kalinga ng kanyang lola ang natamasa ng sanggol habang siyay lumalaki. Pangunguli sa kanyang ina ang
namuo sa kanyang puso habang nagkakaisip ang sanggol.

Sampung taon na ang nakalipas noong bumalik si May sa kanilang tahanan upang kunin ang bata
ngunit pinagbawalan siya ng ina ni Bong. Hindi rin sumangayon dito si Bong ngunit hindi naman ganun
katigas ang puso ni Bong upang ilayo ang kanyang anak sa ina nito. Gayun pa may ramdam niya ang
pangungulila ng kanyang anak sa pagmamahal ng isang ina. Kayat pinagpasya nilang magkasundo at
maging magkaibigan na lamang para ika-bubuti ng paglaki ng kanilang anak. Hindi man sila isang buong
pamilya, ngunit maari nilang gampanan ang kanilang pagiging isang magulang at pagiging gabay sa
kanilang anak.

Ipinaskil ni gie ann adorio sa 8:28 AM

Ang Ginto sa ating Kapaligiran

May mga bagay na hindi natin napapansin na mahalaga saating pamumuhay at sa pang araw-araw.
Mga bagay na ating napagkukunan ng enerhiya, hangin, at pagkain. Mga bagay na matatagpuan natin sa
ating paligid na nagsisilbing ginto saating mga tao. Kapag sinabing ginto, ang pumapasok sa ating isipan
ay maaaring ito ay mahiwaga, mahal, mabigat, at makinang. Ngunit hindi lahat ng ginto ay makinang,
mahal, at mabigat, ang ilan ay narito lamang sa ating kapaligiran.
Ang mga punong kahoy, na nagbibigay saatin ng napaka sarap na simoy ng hangin, at bumubuo sa
sangkap na kailangan sa paggawa ng ating mga tahanan. Mga punong kahoy na may mga malalapad at
matangkad, na nagbibigay saatin ng ibat-ibang kabuhayan at mapagkaki-kitaan.

Isa rin na nag sisilbing ginto sa ating buhay ay ang mga munting gulay na ating kinakailangan sa
pang araw-araw dahil ito ay nagbibigay saatin ng pagkain. Mga gulay na masustansya, nangungulay
berde, ang iba ay kulay lila, kulay dilaw, at kulay pula. Mga gulay na bilog na bilog na parang hugis bola,
mga gulay na walang kasing sarap dahil ito ay walang katulad at natural ang pagtubo.

Ang isa rin na ginto na matatagpuan sa ating kapaligiran ay ang tubig na malayang umaagos. Tubig
na nagbibigay inumin kapag tayo ay nauuhaw, ang tubig ay minsay malinaw na kasing linaw ng paningin
natin at minsay kulay asul na nag papahiwatig na ito ay malalim.

Ang mga ginto na ito ay napakaganda tingnan dahil sa magagandang katangian nito, ang mga kulay
berde na dahon, ang mga gulay na nagsisigandahan ang kulay, at ang dagat na nagdadagdag
kagandahan sa paligid.

At ang pinaka-magandang ginto sa ating kapaligiran ay ang ating nasisilayan sa oras ng pagmulat
ng ating mga mata, ang araw na nagbibigay saatin ng liwanag, ang araw na bilog na mas malaki pa sa
ating planeta, araw na nagbibigay saatin ng buhay at pag-asa sa araw-araw.

Isinulat ni:

John Linarson Z. Napoles

You might also like