You are on page 1of 2

GG1: KWENTANONG

Pangalan: Pantaran, Ameerah Hannah I. Petsa: ika-21 ng Enero, 2021


Baitang: 11-Marciano

1. Ilarawan ang buhay nina Bobot at ng kaniyang pamilya.


Mahirap ang pamumuhay nina Bobot at ng kaniyang pamilya. Nakatira sila
sa skwater at pito silang magkakapatid. Hindi nila nakakamit ang kanilang
pangunahing pangangailangan at karapatan tulad na lamang ng pagkakaroon ng
sapat na edukasyon, makakain ng malusog na pagkain, at magkaroon ng
maayos na tahanan bagama’t walang trabaho, istambay at madalas pang lasing
ang kanilang ama. Labandera naman ang kaniyang nanay na may sakit na ubo
ngunit hindi sapat ang kinikita nito sa dami nila.

2. Ano ang mga iniisip ni Bobot pagkatapos masaksihan ang pagbabago ng


buhay ni Aling Gunding matapos masagasaan ang anak?
Naisip ni Bobot na suwerte si Aling Gunding pagkatapos niyang
masaksihan ang pagbabago ng buhay nito matapos masagasaan ang kanyang
anak. Napag-alaman niya na malaki ang halaga ng salapi ang ibinayad ng
nakasagasa sa anak ni Aling Gunding at napansin niya din ang pagaan ng
pamumuhay nito dahil sila ay mayroon nang makakain. Naisipan din ni Bobot na
gawin sa kanyang sarili ang nangyari sa anak ni Aling Gunding upang mabigyan
ang kanyang ina ng salapi ng taong makakasagasa sa kanya. Inisip niya na
kapag binigyan ng malaking halaga ng salapi ang kanyang ina, makakakain na
ang kanyang mga kapatid at makakapaghinga na ang kanyang ina mula sa
paglalabada.

3. Dapat bang ikatuwa ang pagkamatay ng anak na ang kapalit ay salapi?


Hindi dapat ikatuwa ang pagkamatay ng anak kapalit ng salapi dahil hindi
kailanman mababayaran ng pera ang buhay ng tao. Aanhin mo ang kayamanan
kung hindi mo naman mabibili ang pagkakataon na makasamang muli ang taong
namatay. Mahahanap mo ang pera ngunit kapag buhay ng isang tao’y nawala,
hinding-hindi mo na ito mapapalitan at mahahanap pang muli. Hindi sapat ang
salitang masakit para ilarawan ang nararamdaman ng isang ina kapag siya ay
nawalan ng anak. Walang halaga ng salapi ang makakapagtanggal ng sakit na
nararamdaman kapag yumao ang isang mahal sa buhay dahil kasama narin sa
namatay ang pagkalaho ng isang parte ng puso.
4. Ano sa palagay ninyo ang kahulugan ng huling pangungusap? “Patakbong
sinalubong ni Bobot ang kotse.” Ipaliwanag ang sagot.
Sa aking palagay, ang kahulugan ng huling pangungusap na “Patakbong
sinalubong ni Bobot ang kotse.” ay nagpakamatay si Bobot sa pamamagitan ng
pagpapabangga ng kotse. Naisip niya na kapag nangyari sakaniya ang nangyari
sa anak ni Aling Gunding ay magkakaroon ng pera ang kanyang ina dahil
babayaran siya nito ng may-ari ng kotse. Kapag nangyari iyon, hindi na
maglalabada ang ina niyang may sakit na pinaghahalaan ni Bobot na TB at hindi
na rin iiyak ang kanyang mga kapatid lalo na si Boyet dahil ito ay hindi na
magugutom dahil may pambili na sila ng makakakain nila.

5. Sa palagay, anong pagdulong sa pagbasa ang iyong ginawa upang maunawaan


ang teksto? Ipaliwanag.
Ang pagdulong sa pagbasa na aking ginawa upang maunawaan ang
teksto ay Interaksyong Modelo dahil sinagot ko ang ibang tanong mula sa sarili
kong pagkakaintindi at kaalaman tulad na lamang ng tanong mula sa pangatlong
bilang. Maaring iba ang maging opinyon o sagot ng iba sa tanong na iyon dahil
iba ang kanilang pinaniniwalaan, pinanggalingan, at karanasan. May mga sagot
naman ako sa ibang tanong na mula sa teksto na aking binasa. Tulad ng pan-
apat na tanong kung saan kailangan ipaliwanag ang buhay ni Bobot at ng
kaniyang pamilya. Hindi ko maipapalowanag ng tama ang buhay na kinagisnan
ni Bobot at ng kaniyang pamilya kung nakabase lamang ako sa aking kaalaman
at hindi sa teksto na ibinigay.

You might also like