You are on page 1of 4

Laki sa layaw by Pedro S.

Dandan
Hindi dapat kunin sa dahas ang pagtutumpak sa anak na napalayaw, kundi talino at
hinahon upang mapatuwid sa buhay.
Si Berto ay bugtong anak ng kilalang mariwasang pag- asawahang Ninay at Bindoy sa
nayon ng Pulang- Gubat. Mahal na mahal nila si Berto. Sapul sa pagkabata ay
pinalayaw na nila ito. Ipinagkaloob nila ang lahat na maibigan ni Berto, gaya ng mga
laruan, mamahalimg mga damit, salapi, anumang sukat makalibang sa anak.
Nang tumontong si Berto sa ikaanim na baitang ng mababang paaralan ay lalong
nasunod nito ang lahat ng mahilig sa mag-asawa. At lalong nagmalabis si Berto ng
ito'y nasa ikaapat na taon nan g Haiskul. Hindi miniminsang nasabi nila a kapitbahay
na si Berto ay maagang makapag-aral sa kolehiyo kung papalaring makasulit sa
napipintong pagtatapos sa klase.
Ngunit tila mabibigo ang kanilang pag-asang si Berto ay mapagtapos ng
pagkamamanaggol. Isang araway nakatanggap si Mang Bindoy ng sulat buhat sa guro
ni Berto, na ganito ang sinasaad.
Mahal na G. Brigido Ramirez:
Huwang ninyong isiping isang paghihimasok ang pagloham kong to hinggl sa inyong
anak. Manapa'y udyok poi to ng aking hangad na huwag masayang ang isang taong
pag-aaral niya kung maagapan ninyong tulungan ako upang imulat siya sa wastong
asal at kaugalian, lalo nap o ang nagtataguyod sa kanyang mga Gawain sa paaralan.
Si Berto po ay matalinong bata, ngunit bunga ng malabis na pagkahilig niya sa mga
kalawayan ng katawan, gaya ng paglilimayon o malimit na pagksala sa pagpasok,
panonood ng sine, paninigarilyo, at kung minsan aypakipagsugal, napabayaan niya
ang kanyang pag-aaral. Dahil ditop, maaring ikabigo niya ang kanilang pagsusulit sa
buwang papasok.
Inaasahan ko nag inyond tulong upang mapabuti ang inyong anak at magtagumpay
siay sa lanyang pag-aaral.
Matapos bashin ang liham, napagkuro ni Mang Bindoy na may dapat silang
panagutan sa pahgiging malayaw ni Berto. Gayuman ay inakala niya na hindi pa huli
sa panahon upang mabago ang ugali nito. Ngunit, hindi niya dapat kunin ang dahas si
Berto. Ang lalong mabisa ay gamitan niya ng talino at kahinahunan ang paraan ng
pagtutumpak kay Berto.
Nang duamting si Berto sa kanilang bahay nang hapong iyon buhat sa paaralan,
masayang tinawag ito ni mang Bindoy at niayayang mamaril ng batu-bato. Snabi pa
ni Mnag Bindoy na sila ay maligo sa sapa. Malugod namang sumang-ayon si berto,
sapagkat sa kauna-unahang agkakataon ay noon lamang siay niyaya ng kanyang
tatang sa gayong uri ng paglilibang.
Pasan ni mang bindoy ang baril at naksakbat naman sa balikat ni Berto ang buslong
sisidlanng kanilang magiging huli. Bago sila sumapit sa bulaos ng kabukiran,
sinimulan ni Mang Bindoy ang kanyang layon na mamulat ang kanyangb anak.
Itninuro niya kay Berto ang dalawang malaking kiskisan ng bigas ni Don Sergio.
Isinalaysay niya sa anak kung paano natamo ng naturang Don ang gayong
magandang kapalaran. Sinabi niya kung paanon si Don Sergio ay nagsimula sa
pagpapastol ng kalabaw sa kangyang pagkabata, hanggang sa pamamagitan ng
tiyaga, sikap at pagtitipid ay nakapag-ari ng isang munting lupang masasaka at ng
kabayo at kareteling maipaghahanapbuhay at nang malaunan ay nakabili ng
kaiskisang siyang pinanggagalingan at tuluyang paglago ng kanyang kabuhayan.
Itinuro nin Mang Bindoy sa kanyang anak ng kubong tinutuluyan ni Mang Seton a
siyang dating may-ari ng kiskisang nabili ni Don Sergio.
Nalaman mo ba, anak, na si Mang Seto ngayon ay tagasingil ni Don Sergio ng
Kanyang mga pautang/ ang pagwawakas na tanong nang matanda kay Berto.
"Bakit po nagkapalit ang kanilang lagay?" tanong ni Berto.
"Sadyang gayon ang dapat asahan. Si Don Sergio ay masipag, masikap at matipid
ngunit si Mang Seto ay nagging marangya at mapaglimayon noong kanyang kasikatan
," ang tugon ni Mang Bindoy.
Natigil sa bahaging iyon ang kanilang pag-uusap sapagkat nakatanaw si Mang bindoy
ng ibon, at iyon ay pinagbagsak niya sa lupa sa pamamagitan ng isang putok ng rifle.
Ang ibon ay mainit [a ngunit patay na nang damputin ni Berto. Iniutos sa kanya ni
Mang bindoy na himulmulan iyon. pagkaraan ng ilang sandal, nakita ni Mang Bindoy
na hubad na hubad na nag katawan ng ibon. Sa gayon, iniutos ni Mang Bindoy sa
kanyang ank na pulutin ang mga balahibong pinutpot nito upang ibalik sa katawan ng
ibon.
"Mahirap pong mangyari ang ipinaggagawa ninyo sa akin , tatang. Tinangay nap o ng
hangin ang mga iyon! Ang tugon ni Berto.
"Ganyan lamang , Bert, ang pag-aaksaya ng panahon. Bawat araw na magdaan sa
ating buhay ay tulad ng balahibo ng ibon na hindi maaaring magbalik , kaya hindi
natin dapat sayangin uoang makapagtamo ng magandang kapalaran. Mararating ba
ni Don Sergio ang kanyang kalagayn ngayon kung inaksaya niya ang kanyang
panahon?" ani ni Mang Bindoy sa kanyang anak.
"Sa palagay ko po ay maaring maparin siya sa kay mang Seto kung nag-aaksaya siya
ng panahon," nag tugon ni Berto.
" Kaya nag pangyayaring iyan ay dapat makapagturo sa iyo ng mabuti. Nabalitaan ko
sa iyong maestro na madalas kang nagbubulakbol at hindi ka nag-aaral ng inyong
leksyon. Diumanoy malamang na hindi ka makapasa sa inyong pagsusulit sa mga
buwang papasok," ani Mang Bindoy.
Nakapkagat labi si Berto. Nabigla siya sa sinabi ng kanyang tatay. Natugunan namn ni
Mang Bindoy ang pagbabago sa kanyang anak, kaya siya ay nagturing.
" Hindi ka dapat mabahala , Berto. Hindi pa naman huli upang mabawi mo ang mag
pagkukulang sa nakaraan. Hayaan mo at ako ang bahalang umisip ng paraan
" ano po ang dapat kong gawin.?' Ang usisa ni Berto.
"Ganito ang masasabi ko sa iyo. Ag isang pinagmulan ng iyong kalawayan at
karangyaan ay ang pagkakaloob ko sa iyo ng labis na kuwalta. Sa araw-araw ay hindi
kinukulang sa tatolong piso ang ing binabaon. Buhat ngayon ay bibigyan kita ng
kaukulang panggastos sa loob ng isang buwan. Iyan ay liliit nang malaki kaysa rating
gugol mo. Gayunman, pag-aaralan mong magtipid. Tandaan mo, ang halagang
ipagkakaloob ko ay gagastusin mo sa loob ng isang buwan, hindi sa ilang araw
lamang. Kung maubos iyan nang wala sa takdang araw, ay tahasang kong sinsabi sa
iyo na hindi ka makahingi sa akin. Sa pamamagitan niyan ay maaring mabawasan ang
inyong mga pagbubulakbol at walang kabuluhang karangyaan." Ang wika ni Mang
Bindoy.
Napansin ni Mang Bindoy na sa walang kibo na namn si Berto. Sa halip na ukilkilin
ang ipinapayo sa kanyang anak, niyaya niya ito na maligo sa sapa.
Nang makapaghubad na si Mang Bindoy at makiisa kay Berto sa paglanguy-langoy at
pagsisid-sisid, naramdaman ng bata na nagging malapit na lalo si MAng Bindoy sa
kanyang kalooban. Magkaakbay pa sila ng kanyang Tatang nang umuwi. Sa kanyamg
batang puso ay nagtitibay ang pasya na tupdin ang pinag-uutos ng ama.
Ang guguling ibinigay ni Mang bindoy kay Berto ukol sa isang buwan ay tumagal
lamang ng labinlimang araw. Ngunit hindi nya idinaing ito sa kanyang tatang.
Ipinagpatuloy niya ang pagpasok sa paaralan kahit walang baon. Nagtiis siayng
maguotm at mabawasan ang pakikiisa sa mga paglilibang ng kanyang mga kaklase.
Nagtiis siyang huwag maglabas ng bahay at nilayuan ang dating kaibigang kasama sa
paglilimayon. Sa halip ay inukol ang kanyang panahon sa pag-aaral.
Nang sumunod na buwan naman ay balawampu't limang araw ang itinagal ng
kanyang kaukulang gugulin sa pag-aaral. Samantala, kinamalasan, siay sa klase ng
sikap at sigla sa pagsagot sa mga tanong ng kanyang guro.
Naang sumapit sang araw ng pagtatapos ng mga mag-aaral sa mataas na paaralan sa
nayong Pulong-Gubat, gayon na lamang ang tuwa ng mag magulang at kapitbahay ni
Berto. Nasaksihan nila ang makulay na parangal sa pag-aabot ng diploma sa mga
batabg mag-aaral. Kabilang si Berto sa mga nagtamo sa karangalang nabanggit.

You might also like