You are on page 1of 9

Narrator : isang mapagpalang umaga sa ating lahat nagbabalak ang _______ live na

live at ngayon ay mapakikinggan natin ang kwento ng ligaw na piraso ng jigsaw puzzle
na isinulat ni Ana Celina M. dela Pena(dagdag pa kayo ng pang intro)

Berto : Nabasa ko sa isang magasin na mas maraming babae ang naghahanap ng


magandang ugali sa isang lalaki kaysa magandang mukha o katawan o kahit makapal
na pitaka. Kalokohan! Bakit hanggang ngayon ay wala padin akong girlfriend? Limang
babae na ang aking niligawan, pero ni isa sa kanila ay hindi manlang ginantihan ang
aking tapat na pagtingin.

Narrator : natutuwa ang mga kaklase ni berto sa tuwing humihirit sya, ayon sa kanilang
mga kaklase at guro ay magaling daw magpatawa si berto. Maraming mga babae ang
lumalapit kay berto sa tuwing sa tuwing meron silang mga problema. Isa sa niligawan
ni berto ay si bianca na mag iisang taon na niyang nililigawan.

Bianca: friends lang talaga kami ni berto at first. Nagsimula kaming maging close nang
nagging magkagrupo kami sa English Play naming . Romeo and Juliet ang play naming
noon. Nagging close agad kami, tawag ko nga sa kanya minsa ay Romeo at ang tawag
naman nya sakin ay Juliet. Nagulat nalamang ako nang si Berto ay nagtapat ng
kanyang tunay nararamdaman sa akin.

Narrator : ayon kay Bianca ay magaling si berto sa pagpapatawa dahil sa kanyang mga
hirit na bentang benta sa kanya.

Bianca : tinanong ako ni berto kung pede nyakong ligawan, ngunit lumipas na ang mga
araw at hindi ko na maalala ang aking sinabi sa kanya hahahahaha. Sanay akong
tumawa kapag siya ang aking kasama, parang instinct nalang ganun hehehehe
(pabebe) kung hindi lang siya lalaki at nanliligaw saken, masasabi ko talagang best
friend ko siya.

Narrator : naramdaman ni bianca noong una na kaya siya kinaibigan ni berto ay dahil
meron siyang hidden agenda. Naniwala si Bianca na si berto ay tapat kasama at
kausap.
Berto : sa aking pagkakaalala, noong tinanong ko si bianca kung pede akong manligaw,
tumawa lang siya nang malakas, sampal sa mukha ung tawa nay un, HAHAHAHHA.
Pero ang inaasahan kong sagot nya ay magagalit sya, sisigawan nya ko, magwawala,
matuturn off at mag wawalk out.

Narrator: hanggang ngayon ay hindi padin alam ni berto kung ano ba tlga ang gusting
mangyari ni Bianca.

Berto : hindi ko alam kung okay lang kay Binca na ipagpatuloy ko itong pang liligaw ko
sa kanya o hanggang friends lang ba tlaga kame, pero para sakin kung ayaw nya sakin
sabihin nya masyado niya kong pinapaasa, nasasaktan ako ☹. Minsan sa
pakiramdam ko nagmumukha Nakong tanga sa harap nya. Sa tuwing may spesyal na
kaarawan ay lagi akong may regalo sa kanya.

Narrator: kahit wala mang okayson ay patuloy ang pagbigay ng regalo ni berto kay
bianca. Mga imported pa na chocolate ang kanyang ibinibigay.

Berto: Minsan nagreklamo ako sa best friend kong si Ysa, “ Bakit ganyan kayong mga
babae? Ang hirap nyong ispelingin?

Ysa: (tatawa muna) eh kung naiinis ka, bakit kapa nanliligaw?

Berto: sabihin mo nga sakin ang totoo ysa, totoo bang ugali ang hanap niyo sa mga
lalaki?

Ysa : Ako oo, Ewan ko sa ibang mga babae eh, bakit kayong mga lalaki? Ang hanap
nyo naman saming mga babae ay ung mga magagandang mukha at ung mga seksi.

Berto : oy hindi ah , gusto ko si bianca dahil sa ugali niya

Narrator : si Ysa at Berto ay parehong nilalait ang kanilang mga sarili , lagi silang nag
aasaran , na parnag magkapatid. Ngunit mas grabe manglait si ysa kay berto.

Berto : seryoso na, bakit ba ganit si bianca? Kung ayaw nya sakin, bakit ayaw nyang
sabihin?

Ysa : berto, berto, berto, ganito lang yan, Isa at mas malamang totoo, natatakot syang
saktan ka, sguro nag iisip pa sya ng paraan kung paano ka niya ibabasted, pangalawa,
maaaring gusto ka niya, pero hindi niya matanggap o nagpapakipot lang, kung ako sayo
berto pangalagaan mo yang pride mo at ikaw na ang kusang umalis. At dagdag ko pa
pala, maaaring pinaglalaruan kalang niya alam mo naming kaming mga babae gusto
naming ang nafa-flatter 😊.

Narrator: nasaktan si berto sa ikatlong sinabi ni ysa.

Bianca: alam kong napakasma kong tao, wala na nga akong balak sagutin si berto eh,
hindi ko kayang sabihin sa kaniya ng harap harapan, at ayaw kong sabihin sa kanya
kahit kalian, sanay naman akong mag turn down ng mga lalaki kaya hindi un ang
proiblema

Narrator: mapili si bianca sa kanyang mga manliligaw, meron siyang standards at hindi
nya basta basta sinasagot ang kanyang mga manliligaw. Hindi kayang bastedin din
bianca si berto , ayaw ni bianca na mawala si berto.

Bianca : ayokong tumigil si berto sa panliligaw sa akin, dahil sa lahat ng mga naligaw at
mga nagging boy friend ko, si berto ang talagang sincere at loyal, ganun ang hanap ko
samga lalaki, feeling ko nga parang isa akong prinsesa kapag siya ang kasama ko.

Narrator: minsan naiisip n ani bianca na tuluyan nan yang sagutin si berto, dahil ayon
sakanya ay pasok sa standards nya si berto, loyal at sincere. Ngunit may problema
kung bakit hindi niya masagot sagot si berto.

Bianca : hindi sya guwapo, hindi maganda ang kanyang itsura, pano ko siya
maihaharap sa mga nagging boyfriend ko, lalo na si Mark, minahal ko un pero iniwan
lang ako, baka sabhin lang nun hayan na ba ang ipinalit mo saken?

Narrator : isang araw ay tinanong ni bianca ang kanyang mga kaibigan?

Bianca : Guys anong gagawin nyo kapag sinagot ko si Berto ?

All: wag!

Bianca: hindi naman ubod ng pangit si berto, talagang hindi lang kami bagay, Una
maputi ako, matangkad, mapayat at malinis at maayos ang pananamit. Si berto kase
parang walang pake eh, alma nyo un mema suot? Puro sya tagyawat , hindi sya
maputi, sa school kase namen physical appearance lang ang basehan ng pagkatao mo.

Narrator : Malpit ng maubos ang pasensya ni berto, ika niya

Berto : baka nga tama si ysa, talagang pinagtritripan lang ako ni bianca, shuro pag wala
Nakong pera at maibigay na mga bagay sa kanya tsaka niya ko didiretsuhin, but inga
kung diretsuhi pa nya KO . mabuting tao naman si bianca at seryoso akong nagustuhan
ko siya dahil sa ugali niya, oo aminado ako napansin ko siya dahil siyay maganda,

Narrator: Maraming nagustuhan na ugaling ipinakikita ni bianca si berto kaya hindi niya
ito mabitaw bitawan.

Berto : Hindi bobo si bianca, lagging una ang pag aaral nya sa lahat ng bagay.
Pangalawa, hindi siya mapanlait katula ng kanyang mga kabarkada. Kaya hindi dapat
ako maniwala sa mga sinasabi ni ysa. Pero ffeling ko kailangan ko ng sumuko
pangagalagaan ko naman pride ko.

Narrator : hindi alam ni berto ang mga pinagsasasabi ni bianca kapag siyay nakatalikod
kaya niya nasasabi ang mga bagay na ito at kaya niya hindi pinakinggan ang sinabi ni
ysa.

Bianca: alam kong pinapaasa ko lang si berto tuwign nagiging mabait ako sa kanya at
sa tuwing tinatawagan ko siya, pano kasi ayaw ko siyang mawala, gusto kong suklian
ang lahat ng ginawa niya kahit papano.

Narrator: Litong lito na si bianca, hindi niya alam ang kanyang gagawin, iniisip nya na
hindi na sya makakahanap ng katulad ni berto, kaya hidni niya mabitawan si berto.
Hindi sa attitude ang pagtingin ni bianca bagkus sa itsura.

Bianca: gusto ko sanang imakeover si berto ngunit alam kong hindi siya papayag sa
aking gusto. Masyado siyang simple pero siyay matalino , hidni naman siguro masama
kung bilhan ko siya ng mga bagong gamit, sguro d sya maooffend, pero kilala ko si
berto, malalaman nya agad kung anong ginagawa ko , maooffend un ☹

Narrator: pumasok si berto sa opisina ng school paper at naupo sa tabi ni ysa.


Berto : I quit!!, ayako na, titigilan ko na ang panliligaw kay bianca, wala rin naming
mangayayari.

Ysa : sus ilang beses ko na ba yang narinig

Berto : hinde, seryoso nato, , wala na tlga, gusto ko na siyang kalimutan.

Ysa : bahala ka, Good for you

Bero : ano ayun lang ba masasabi mo ?

Ysa : (busy ) Importante tong ginagawa ko kaya pls wag mo Nakong guluhin

Berto : mas importante pa sakem?

Ysa : oo!

Narrator : Nakita ni berto ang replesiyon ng iskrin ng computer sa salamin niya

Berto : eh nagsosolitaire kalang naman eh

Narratoe: hindi na sumagot at umimik si ysa, Si bianca ay nanaginip

Bianca: anong klaseng panaginip iyun , tawa ako ng tawa, para akong isang baliw,
masaya ako noon at katabi ko si berto sa aking panaginp. Nagising ako at nangiti,
feeling ko tamang maging kame ni berto. Pero ayako, dreams are not partially true.

Narrator: hindi pinaniwalaan ni bianca ang kanyang panaginip

Berto :bago ko kalimutan si bianca, gusto kong may ibigay akong bagay sa knya para
lamang sa closure naming dalawa,

Narraotr: lumapit si berto kay bianca at kanyang kinausap.

Berto: bianca? Okay lang ba sayo na maging tayo?

Narrator : tahimik si bianca na nag iisp, sinubukan nyang ibahin ang usapan, ttanong
ulit ni berto

Berto : OO O HINDI ?

Bianca : Hindi?
Narrator : narinig n ani berto ang masakit na salitang nabitawan ni bianca para sa
kanya.

Berto : alam ko na kung anong sasabihin nya pero bakit nagbakasakali parin ako, bakit
ko pa tinuloy,

Bianca : hindi tayo pede eh , parang hindi tayo bagay?

Berto : hindi mon a kailangang magpaliwanag , naiintindihan ko kung bakeit? At hindi


naman masakit para sakin,

Narrator: umalis na si berto at naiwan ng mag isa si bianca

Bianca : nakakainis naman un d man lang ako binigyan ng chance na magpaliwanag


kung bakit hindi pedeng maging kame. Ung tingin nya saken eh, parang minamaliit nya
ko, na mababaw kong tao, masyado nga bang mababwa ang mga rason ko ?

Narrator lumapit si bianca sa kanyang mga kabrkada at kinausap nya ang mga it

Bianca: papaya ba kayo na maging boyfriend ko ang isang lalaking d naman


kagwapuhan,

ALL: hindi!!!!!
Bianca : bakit naman ? bakit hindi pede?

Friend 1 : kasi hindi magandang tignan; may reputasyon tayo eh, sge nga paano mo
maihaharap samga tao ang boyfriend mo kung hindi naman ka gwauhan.

Friend 2: alam mo naming sikat ka, pinaguusapan ka, at kung sinumang maging
boyfriend mo , kung pangit un pagtatawanan kalang nila, kung guwapo naman edi
mainggit sila!

Friend 3 : Nakita mon aba si mark na nanligaw ng pangit? Dba hindi. Lahat ng nagging
girlfriend niya pangmalakasan kumbaga pang model.

Bianca : pano kung masaya naming kasama ung taong iyun, dahil si mark kahit minahal
ko, ni minsan hindi nyako napatawa ng totoong tawa ko.
Friend 4: sus! Malalaman ba ng ibang tao kung happy ksama ang isang lalaki? Hindi.
Titignan lang nila kung ano ang itsura ng kasama mo at sila na ang magsasabi kung
happy ka o hindi.

Narrator : dagdag pa ng kanyang kaibigan pede ka naming mag pretend na msaya ka,
kasama ng guwapo mong boyfriend. Tumawa kalang ng tumawa ganun hahaha kahit
gaano ka baduy ung joke nya.

Bianca : eh pano kung guwapo nga pero bobo naman?

Friend 1 : oakay kalang? Sino bang gusting makipag usapa sa mga matatalino they are
so weird.

Narrator : sa pinaka unang pagkakataon sa buong buhay ni bianca ay may napulot


siyang mahalagang aral sa pakikipag usapa sa kanyang kabarkada, masakit mang isipi
para kay bianca ngunit kailangan niya itong tanggapin. Habang nakatambay si ysa at
berto sa opisina ng school paper nila ay nagsimulang nag usap.

Berto : madaling kalimutan ang mga babaeng tulad ni bianca. Mahigit tatlong lingo na
ang nakakalipas ng akoy bastedin ni bianca.

Ysa : ganun? Nakangiti si ysa. Eh bakit sya parin ang pinaguusapan naten ?

Narrator: madaming nagustuhan si berto kay ysa dahil sa magagandang ipinapakita


niya. Walang pakielam sa itsura si ysa ang pinababasehan nya ay ugali ng isang tao.

Berto : walang pakielam si ysa sa kahit ano mang maging itsura nya at ang mukhang I
haharap nya sa ibang tao, tulad ngayon hindi sya nagsukalay ,anaka clip lang ang
buhok niya, para sa akin maganda sya kahit ganun ang kanyang itsura.

Narrator : nang maging magkaibigan si berto at ysa ay hindi na naisipang manligaw ni


berto para kay ysa. Iiwas na muna sya at syay mag popokus sap ag aaral.

Berto: basta ako I quit, ayako na, never Nakong manliligaw ng magandang babae, kahit
gaano pa kaganda yan, sakit lang sa ulo jusko.

Narrator : habang binubuo ni berto at ysa ang puzzle ay napangiti si ysa kay berto, sa
totoo lang ay si ysa lang ang bumubuo ng puzzle,
Berto : ysa tulungan na kita sa pagbuo nyang puzzle nayan,,

Narrator: habang nag bubuo sila ng puzzle ay may muling itinanong si berto.

Bert: seryoso ysa, hindi totoo ung sinasabi nilang ugali ang tinitignan ng mga babae sa
isang lalaki, mukha at itsurang hinaharap. Kaya kung pangit ka hindi ka bagay sa
maganda.

Narraot: inikot ikot ni berto ang puzzle na hawak nya at napansin nya kung bakit hindi
ito magkasaya

Berto : tulad ng pirasong ito, kahit anong gawin mo , hindi ko pedeng ipagpilitan kung
san d sya pede. Hindi ko kailagngag ipagpilitan ang sarili ko sa taong d naman ako
gusto

Narrator: inihagisni berto ang puzzle piece na kanyang hawak

Berto : ysa san ka pupunta?

Ysa: kinuha ko ung puzzle na ibinato mo

Narrator : inikot ni ysa ang puzzle na hawak nya at sabay hawak ang kamay ni berto at
pasok ang puzzle piece na ito . eksakto ang manipis na daliri ni berto sa mga kamay ni
ysa. Pakiramdam niyay matagal angn hinihintay ng magsapang niyang kamay palad na
amdikit sa makinis na palad ni ysa. Tinititigan ni berto si ysa, nakangiti sila pareho na
nakatitig sa puzzle, nakakabit na ung pirasong hindi maikabit ni berto. Nagkatinginin ulit
si ysa at berto nakangiti parehas.

Berto : minsan ko ng sinabi na hindi na ulit ako papaya na mahulog pa sa isang


magandang babae. Pero minsan ko na ring sinabi na kalokohan lang para sa isang
magandang babae na mahulog sa isang lalaking hindi guwapi, macho o mayaman.

NARRATOR : AT DTO NAG TATAPOS ANG ATING KWENTO NGAYON, MULI ITO
ANG ____________ AT TUTOK LANG SA SUSUNOD NATING KWENTO.

You might also like