isang anyo o paraan ng pagpapahayag na ang isang katotohanan ay pinagtitbay o pinatutunayan sa pamamagitan ng mga katwiran o rason, kalakip ang mga ebidensya sa diretsahang (harapan) at diretso (tuwid) na paglalahad. 1.Pangangatwirang Pabuod o Inductive Method- nagsisimula sa mga halimbawa o partikular na kaisipan o katotohanan at nagtatapos sa pangkalahatang simulain o katotohanan. 2. Pangangatwirang Pasaklaw o Deductive Method - sinisimulan ang pangangatwiran sa pamamagitan ng paglalahad ng pangkalahatan o masaklaw na pangyayari o katotohanan at mula rito ay iisa-isahing ilalahad ang maliliit o mga tiyak na pangyayari o katotohanan. Ayon kay Villafuerte (2002) nakasalalay ang pangangatwiran sa pag unawa at pag tanggap natin sa mga ideyang ating itinataya. Dahil dito, sa pagsusulat ng pangangatwiran ay Mahalagang mataglay natin ito ng elemento gaya ng: 1.Kombiksyon 2.Perswasyon Ayon kay Langan (1992) ang esenya ng mahusay na pagsusulat ng pangangatwiran ay 1.Gagawing punto 2.Nasa sumusupurtang punto 3.Makilala ang sumusupurtang punto Gawing malinaw ang ihahaing mga punto at tiyaking may sapat na Ebidensyang maipakita na magbibigay suporta sa susulating pyesa
Mga salik sa paglalatag ng
Ebidensya 1.Tesis 2.Pahayagan 3.Manwal 4.Brochure Sa pagsulat ng pangangatwiran, Mahalga ang paglatag ng isang ideya. Mula sa ideyang ito ay makabubuo ng opinyon ang gagamit nito sa paraang Pasulat o pasalita . Isang mabisang salik ang pangangatwiran upang mabigyan katarungan Ang mga opinyon at maipahayag ang mga opinyong ito. Panimula-pagbibigay ng pokus o atensyon ng manunulat sa pamamagitan ng paghihikayat. Katawan-magsisilbing daan para sa mambabasa upang manatiling tapat sapagkat malinaw na naiparating ang nais na katwiran. Ito ay nagagampanan sa pamamagitan ng mga patunay o ebidensya.