You are on page 1of 2

Ano nga ba ang Panonood?

- Kakayahang unawain ang mga imaheng biswal (visual images) at iugnay ang
mga ito sa sinasalita o binabasang teksto (Gorgis, 1999)
- Kakayahang makapagbigay ng kahulugan sa mga nakikitang imahe sa bidyo,
programa sa telebisyon, pelikula, teatro, at iba pa.
- Ito ay ang proseso ng pagmamasid ng manonood sa palabas, video recording, at
iba pang visual media upang magkaroon ng pag-unawa sa mensahe o ideya na
nais iparating nito.
- Ang panonood ay ang kayahang lumikha ng mga imahe upang mabisa itong
mapaunawa sa iba (Valmont 2003, Heinrich, 1999).

- ang panonood ay isang kasanayang pinakamadaling gamitin sa larangan ng


komunikasyong-sosyal na maaaring itapat sa ano mang larangan.

- Pagmamasid Isa pang tawag sa Makrong Panonood

Iba't ibang "Imaheng Biswal"

• Larawang guhit
• Larawang kuha ng camera
• Bidyo at pelikula
• Multimedia

Iba’t-ibang uri ng panonood:

Deskriminatibo - Paggamit ng opinyon o prejudice sa panunuri.


Kaswal o Panlibang - Impormal na pamamaraan at hindi nagbibigay pokus sa detalye.
Komprehensibo - Nagpapahalaga lamang sa mensahe at hindi sa ibang detalye.
Kritikal - Gumagamit ng pagbubuo ng hinuha mula sa mga detalye upang makabuo ng
ganap na pag-aanalisa o pagsusuri sa paksang napapanood.

Forward Watcher
Siya ang pinakaepektibong tagapanood, nanonood siya gamit hindi lamang ang
kanyang mata kundi maging ang kanyang utak. Lubos ang partisipasyon niya sa
gawain.

Uri ng Palabas

Impormatib - Naglalayong maghatid o magdagdag ng bagong kaalaman sa manonood.


Persuasive - Nanghihikayat o nanghihimok ng pagsang-ayon ng manonood
Narrative - Nagsasalaysay ng pangyayari o kuwento
Expository - Nagpapaliwag at nagbibigay ebidensya
Argumentative - Nanghahamon ng paniniwala o ng pangkalahatang opinyon
Sympathetic - Pumupukaw ng damdamin

Kasanayan sa Panonood
paghihinuha , paghuhula , pagwawakas, paglalahat, pagkilatis sa katotohanan o
opinyon at ebidensya at pangangatwiran/argument.

JOHN ERIC M. LLARENA


MAED-FILIPINO

You might also like