Reading Filipino

You might also like

You are on page 1of 4

Ang Plaster ni Bong

Isang araw, pumasok si Bong sa klase na naka-benda ang kamay. Nagtaka ang kanyang mga kaklase at
unti-unting naglapitan sa kanya. “Anong nangyari sa iyo Bong?” tanong ni Annie.

“Plaster yan,hindi ba? Naku, nabalian ka ng buto!” ang malakas na sigaw ni Tito mula sa likuran.

“Oo, Tito. Nabali ang buto ko sa braso. Nag-bisikleta kasi ako sa madulas na kalsada at nadisgrasya. Dapat
talaga nakinig ako kay Nanay. Hindi pa sana nangyari ito.”, mahinang sagot ni Bong.

Tumahimik ang lahat ng dumating si Gng. Santos. Hudyat na ito ng simula ng klase. Matapos nilang
magdasal ay nagsalita ang guro sa lahat.

“Salamat sa pag-aalala ninyo sa inyong kaklase. Tulungan muna natin siya sa ilang mga gawain habang ang
kamay niya ay naka-plaster.

1. Sino ang unang nagulat ng makita si Bong na naka-benda ng pumasok sa klase?


a. Ang nanay ni Bong.
b. Ang tatay ni Bong.
c. Ang mga kaklase ni Bong.
d. Ang guro ni Bong.
2. Ano ang sinabi ng guro sa mga kaklase ni Bong tungkol sa kanyang kalagayan?
a. Huwag muna siyang papasukin sa klase.
b. Tulungan muna siya sa ilang mga gawain.
c. Lumipat na lang muna siya ng ibang silid-aralan.
d. Pansamantala muna siyang huminto sa klase at sa susunod na pasukan na pumasok.
3. Sino ang nagsabi na tulungan muna pansamantala si Bong sa mga Gawain?
a. Ang kaklase ni Bong na si Annie.
b. Ang tito ni Bong.
c. Ang guro ni Bong na si Gng. Santos.
d. Ang nanay ni Bong.
4. Ano ang damdaming ipinahayag ng bawat sinabi ng mga karakter sa kwento.
a. Mapangutya
b. mapagmalasakit
c. masaya
d. natakot
5. Ano kaya ang nangyari kung sinunod ni Bong ang utos ng kanyang ina?
a. Hindi siya makakapaglaro.
b. Hindi siya mababalian ng buto.
c. Iiyak siya at hihiling sa kanyang nanay na payagan siyang maglaro.
6. Bakit kaya naisip kaagad ni Tito na nabalian ng buto si Bong?
a. Dahil nakita niya itong naka-benda ang kamay.
b. Dahil nasaksihan niya itong nagbisikleta at nadulas.
c. Dahil sinabihan siya ng nanay ni Bong tungkol sa nangyari.
7. Kung ikaw ay isa sa mga kaklase ni Bong, ano ang mararamdaman mo pag nakita mo ang kanyang
kalagayan?
a. Kukutyain at ipapahamak.
b. Aalalayan siya kung kinakailangan.
c. Aasarin hanggang siya ay umiyak.
d. Walang pakialam.
8. Kung ikaw ang nanay ni Bong, ano ang sasabihin mo sa kanya tungkol sa nangyari.
a. Pagagalitan ng husto sa harap ng mga kaibigan.
b. Papaluin hanggang sa matuto at magtino.
c. Papaalahanan na dapat making sa lahat ng sasabihin ng mga magulang.
d. Hindi papalabasin sa bahay para hindi na mangyari ulit ang nangyari sa anak.
9. Anong aral ang makukuha sa kwento?
a. Ang pagiging matigas ang ulo at hindi pagsunod sa magulang ay nagdudulot ng masama.
b. Hindi dapat makinig sa sinasabi ng iba at gawin kung ano ang gusto.
c. Maging malaya ka kung anoman ang naisin na gawin.
d. Huwag ng pumasok sa paaralan at magbisikleta na lang araw-araw.
10. Ano ang mainam na wakas ng kwento?
a. Magtatampo dahil pinagalitan siya ng kanyang nanay.
b. Magsisisi at hihingi ng tawad dahil hindi siya nakinig sa kanyang nanay.
c. Magagalit siya sa kanyang mga kakalase dahil pagtatawanan lamang siya.
d. Hindi na ag-aaral dahil nahihiya siya sa kanyang naka-bendang mga kamay.

Ang Araw at ang Hangin

Isang araw, sinabi ng hangin, “O, gusto mob a talagang patunayan ko na mas malakas ako kaysa iyo?”

Ngumiti ang araw. “Sige, para hindi ka lang nagyayabang, tingnan natin. Hayun, may lalaking dumating.
Kung sino sa ating dalawa ang makakapagpaalis ng suot niyang polo, siya ang kikilalaning mas malakas.”

“Payag ako. Ngayon din, magkakasubukan tayo, “ malakas na sagot ni hangin.

“Ako ang uuna,” dugtong pa niya dahil ayaw niyang maging pangalawa sa anumang labanan.

Sinimulan niyang hipan ang naglalakad na lalake. Sa umpisa ay tila nagustuhan ng tao ang hihip ng hangin
kaya naging masigla at bumulis ang lakad nito.

Nilakasan ng hangin ang pag ihip. Isinara ng tao ang lahat ng butones hanggang sa may leeg ng kanyang
polo. Lalo naming pinakaipit-ipit ng mga braso ng lalake ang damit dahil tila giniginaw na siya

Nanghina na nang katakut-takot ang hangin sa pag-ihip niya ay talagang hindi niya makuhang mapaalis
ang damit ng lalaki.

“Sige,” sigaw niya sa araw, “tingnan naman natin ang galling mo. Marahil, hindi mo rin naman
mapapahubad ang taong iyon.”

Pinalitaw ni araw ang sinag niya, at unti-unti niyang pinainit ito. Tumulo ang pawis ng lalaki.

Dinagdagan pa ng araw ang init na inilalabas niya at ang lalake ay nagkalas ng mga ilang butones sa baro.

Maya-maya, nang uminit pa lalo ang araw, hindi na nakatiis ang tao at tinggal nang lahat ang ga butones
ng polo at hinubad ito.
Panalo ang araw! Mula noon, di na uli nagyabang ang hangin.

1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa kwento?


a. Ang Araw at Buwan
b. Ang Bituin at Buwan
c. Ang Araw at Hangin
d. Ang Hangin ant Tao.
2. Sino ang unang naghamon?
a. Ang Araw.
b. Ang Buwan.
c. Ang Tao.
d. Ang Hangin.
3. Bakit hindi natanggal ni Hangin ang damit ng tao?
a. Dahil pinakaipi-ipit ng lalaki ang damit dahil sa ginaw.
b. Dahil ayaw magtanggal ng lalaki ng damit dahil naiinitan siya.
c. Dahil mas mainam na may damit tuwing mahangin ang panahon.
d. Dahil baka mag mukhang bastos ang lalaki kung wala siyang damit na suot.
4. Dapat ba na tayo ay magyabang?
a. Oo, dahil ito ay kaaya-aya at dapat gawin.
b. Oo, dahil hindi namn tayo papagalitan ng ating mga magulang.
c. Hindi, dahil dapat tayong mapagkumbaba sa lahat ng panahon.
d. Hindi, daito ang sabi ng mga tao.
5. Kailangan ba na patunayan natin ang ating kakayahan sa iba?
a. Oo, upang malaman nila na tayo ay magaling.
b. Oo, upang hindi sila manlait.
c. Hindi, hayaan natin na an gating tagumpay ang mangibabaw.
d. Hindi, dahil hindi naman importante.
6. Kung ikaw si Hangin, ano ang mararamdaman mo ng hindi ka nanalo?
a. Hahamunin ko ulit si Araw ng paligsahan.
b. Malulungkot at hihingi ng tawad sa ugaling ipinakita.
c. Magagalit at mas lalakasan ko pa ang pag-ihip .
d. Hihingi ng tulong sa mga tao.
7. Ano kaya ang naramdaman ni Araw ng matalo niya si Hangin?
a. Masaya dahil napatunayan niya na mas magaling siya kay Hangin.
b. Nalungkot dahil ayaw niyang talunin ang kaibigang si Hangin.
c. Masaya dahil napagtanto na ni hangin na hindi dapat magyabang.
d. Magdidiwang dahil siya ang hinirang na pinakamalakas sa lahat.
8. Bakit mahalaga ang pagpapakumbaba?
a. Dahil ito ay magandang asal at dapat gawin sa lahat ng panahon.
b. Ito ay patunay na mas lamang ka kaysa sa iba.
c. Mas gaganda pa ang iyong reputasyon.
d. Magiging sikat ka sa social media.
9. Ano ang aral na makukuha sa kwento?
a. Ang pagiging mayabang ay kailanman hindi nagbubunga ng maganda.
b. Ang pagmamayabang ay nagpapatunay lamang na malakas ka.
c. Dapat na mayroong away na mangyari sa makakaibigan.
d. Dapat na maghanda ka kung gusto mong hamunin ang iyong kaibigan sa labanan.
10. Ano ang mainam na wakas ng kwento.
a. Hindi na dapat na magbati si hangin at Araw.
b. Pipilitin ni hangin ang lalaki na hubarin ang kanyang damit.
c. Maiisip ni Hangin na hindi dapat magyabang at magkakaayos sila ni Araw.
d. Iisip ng paraan si Hangin para makaganti kay Araw.

You might also like