You are on page 1of 8

PENGUE-RUYU ELEMENTARY SCHOOL

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO VI

TALAAN NG ISPESIPIKASYON
MGA LAYUNIN BILANG NG
KINALALAGYAN
TANONG

1. Natutukoy ang mga paraan sa malayang pagpapahayag. 8 1-8

2. Naipakikita ang pagsasaalang-alang sa karapatan ng iba. 10 9-18

3. Natutukoy ang katangian/kakayahan ng Pilipinong kilala sa 10 19-28


iba’t ibang larangan.

4. Naipakikita ang pagiging responsibleng tagapangalaga ng 10 29-38


kalikasan.

5. Naipakikita na nais matularan ang magagandang halimbawa


ng matagumpay na Pilipino. 5 39-43

6. Naipakikita na ang sama-samang paggawa ay malaking 7 44-50


tulong para sa isang layunin.
Pengue-Ruyu Elementary School

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO VI

Pangalan: __________________________________________ Baitang at Pangkat: __________________

Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.


1. Nais mong ipahayag ang iyong saloobin tungkol sa naging tanong ng guro ngunit may nagsasalita pa.
Ano ang gagawin mo?
a. Hihintayin kong matapos ang nagsasalita at itataas ko ang aking kamay upang mapansin at
matawag ng guro.
b. Tatayo ako at sisingit ako sa pagsasalita ng nagsasalita.
c. Pauupuin ko na ang nagsasalita at ako naman ang magsasalita.
d. Wala sa nabanggit.
2. Nais mong pag-ibayuhin pa ang sistema ng mga waiter sa restawran na inyong kinainan sapagkat sa
tingin mo ay hindi ito sapat. Ano ang gagawin mo?
a. Kakausapin ko ang namamahala sa restawran at imumungkahi kong tanggalin ang waiter na di
maayos ang pagseserbisyo.
b. Susulat ako sa namamahala sa restawran tungkol sa mga napapansin kong di sapat na serbisyo ng
kanilang waiter at lalagyan ko ito ng lagda sa huli.
c. Sisiraan ko ang restawran sa aking mga kaibigan upang hindi na sila doon kumain.
d. Lahat na nabanggit.
3. Naininwala ang tao sa lugar nina Roy na mainam magtanim ng binhi ng palay tuwing kabilugan ng
buwan. Alam ni Roy na ito ay isang pamahiin lamang. Ano ang dapat niyang gawin?
a. Pagtawanan ang mga taong ito sapagkat wala naman silang basehan.
b. Ipaliwanag nang maayos sa mga taong ito na ito ay isang pamahiin lamang at walang kinalaman
ang pagtatanim ng binhi sa kabilugan ng buwan.
c. Pabayaan na lamang ang mga taong ito sapagkat wala namang mawawala kung susundin ito.
d. A at B
4. Naatasan ng guro ang dalawang mag-aaral sa bawat grupo na sila ang magtatala ng makukuhang
puntos ng magkabilang panig sa larong basketball. Napansin mong labis-labis na ang puntos ng
kalaban sa inyo. Ano ang gagawin mo?
a. Pupunta ako sa namumuno ng laro at sasabihin ko ang aking saloobin ng mahinahon tungkol sa
pagbibigay ng puntos.
b. Hihikayatin ko ang aking mga kasama na sumigaw ng madaya upang makuha ang atensyon ng
lahat.
c. Hihikayatin ko ang ibang mga kasapi na pumunta sa gitna ng court upang ipakita ang
pagkadismayado sa pagpupuntos sa magkabilang panig.
d. Sisigawan ko ang mga naglalaro na madadaya.
5. Si Mang Kiko ay nagtatrabaho bilang isang mekaniko sa isang talyer. Alam niyang mali ang pagsahod
sa kanila ng kanilang amo at hindi ito makatarungan sa hirap na kanilang dinaranas. Ano ang dapat
niyang gawin?
a. Hikayatin ang ibang mga kasamahan na magrally tungkol sa pasahod.
b. Hindi na dapat pumasok kahit walang paalam sa amo.
c. Kausapin nang maayos ang amo na pinagtatrabahuan at ihayag ang mga hinaing tungkol sa
pasahod at kung hindi magasundo ay magpapaalam nang maayos dito
d. Pumasok sa trabaho pero wala sa oras.
6. Napansin ni Dora na sira ang timbangan ni Aling Guada. Kaya pala mukhang hindi tama ang natanggap
niyang bigat ng bumili siya ng isda. Ano ang gagwin niya?
a. Irereklamo niya ang ginagawang pandaraya ni Aling Guada sa kanilang kapitan nang maayos at
mahinahon.
b. Ipapamalita niya sa ibang tao ang pandaraya ni Aling Guada para magtanda.
c. Susugurin niya si Aling Guada at pagsisigawan ito upang makahikayat ng atensyon ng ibang
mamimili.
d. Hindi ko na irereklamo si Aling Guada sapagkat nakatutulong na rin ako sa kanya kahit mali ang
kanyang pamamaraan.
7. Sama-sama kayo ng iyong mga kapatid na namimili sa supermarket nang mainis ang isa sa mga
kapatid mo patunkol sa mabagal na serbisyo ng mga kahera dito. Nagyaya na lamang siyang pumunta
sa palikuran. Nakita mong sinusulatan ng iyong kapatid ang dingding ng palikuran at dito ibinuhos ang
pagkainis sa mabagl na kahera. Ano ang dapat mong gawin?
a. Pagbabawalan ko siya.
b. Pagsasabihan ko siya at sasabihing mali ang kanyang ginawa.
c. Makisali ako sa pagsusulat.
d. Babalewalin ko na lamang ito sapagkat baka ito ang paraan upang mailabas niya ang sama ng loob.
8. Mayroong maling nasabi ang guro sa kanyang paliwanag sa aralin ninyo sa agham. Napansin mo ito.
Ano ang dapat mong gawin?
a. Pagtatawanan ko ang aking guro.
b. Itatama koi to sa pamamagitan ng pagsasabi sa aking mga katabi.
c. Tatayo ako at pahihintuin ko siyang magpaliwanag.
d. Itataas ko ang aking kamay at ipapaliwanag ko nang maayos at mahinahon ang maling nasabi ng
guro.
9. Nais mong magpatugtog ng radio ngunit nakita mong natutulog ang iyong mga kapatid. Ano ang
gagawin mo?
a. Palilipatin ko sa katabing bahay ang aking kapatid at doon na matulog.
b. Hihinaan ko na lamang ang pagpapatugtog.
c. Hihintayin ko na lamang silang magising at sakka ako magpapatugtog.
d. Bubuksan ko ang radio at patutugtugin ito at marahil ay hindi naman ito maririnig ng kanyang mga
kapatid.
10. Pinangkat kayo ng inyong guro sa lima. Walang tumanggap sa kaklase mong maitim, kulot at pango ang
ilong. Ano ang gagawin mo?
a. Hihikayatin kong sa aming pangkat na lamang siya sumali.
b. Hindi ko din siya tatanggapin sa aming pangkat.
c. Kunwari ay di ko siya napansin.
d. Tatawanan ko siya dahil walang pumili sa kanya.
11. Nakita mong di maayos ang suot na damit ng iyong kaklase. Ano ang gagawin mo?
a. Lalaitin ko ang kanyang suot.
b. Pagtatawanan ko ang suot niyang damit.
c. Tatahimik lamang ako at hindi magsasalita ng anumang masakit na salta sa aking kaklase.
d. Hindi ko siya papansinin.
12. Nanunuod ka ng telebsiyon nang makita mong nag-aaral ang iyong kapatid. Ano ang gagawin mo?
a. Wala akong gagwin at kunwari ay hindi ko siya nakita.
b. Hihinaan ko ang volume ng telebisyon upang hindi maabala ang aking kapatid.
c. Lalo ko pang lalakasan ang volume ng telebsiyon upang siya na ang magkusang lumpiat ng lugar
kung saan siya mag-aaral.
d. Aayain ko siyang makinood sa akin.
13. Mahilig tumugtog ng gitara si Aldren, napansin niyang malalim na pala ang gabi. Ano ang dapat niyang
gawin?
a. Lumabas ng bahay upang doon tumugtog ng gitara.
b. Tumigil na sa pagtugtog ng gitara upang di makaabala sa mga natutulog.
c. Ititigil na niya ang pagtutugtog ng gitara habambuhay.
d. Wala sa nabanggit.
14. Nagsasalita pa si Carmela at may nais kang sabihin sa guro. Ano ang dapat mong gawin?
a. Hihintayin ko munang matapos si Carmela bago ako magsalita.
b. Sisingit ako sa pagsasalita ni Carmela.
c. Sesensyasan ko ang guro na ako naman ang magsasalita.
d. Pahihintuin ko si Carmela sa pagsasalita.
15. Alam mong may nalalaman si Dina sa nangyayaring kaguluhan sa paaralan. Kitang-kita mong natatakot
siyang magsalita. Ano ang gagawin mo?
a. Sasang-ayunan na lamang ang desisyon ni Dina na huwag magsalita.
b. Ipapaliwanag k okay Dina na huwag matakot magsabi ng totoo sapagkat marami siyang
matutulungan.
c. Balwalain na lamng si Dina sapagkat baka madamay pa ako sa gulong ito.
d. Magmumukmok na lamang si Dina sa kanyang silid at hindi na lalabas.
16. Dahil sa sobrang kasiyahan mo ay nagtatalon ka sa tuwa at nagsisigaw ng pagkalakas-lakas at naabala
ang mo ang kabilang silid na nagkaklase. Ano ang gagawin mo?
a. Ititigil ang ginagawa at hihingi ng paumanhin sa naabalang silid.
b. Ipagpatuloy ang ginagawa sapagkat karapatan mong gawin ang nais mo.
c. Lalabas ako ng silid at doon magtatalon at magsisigaw.
d. Hindi ko sila papansinin at ipagpapatuloy ko ang pagtatalon.
17. Gutom na gutom ka na at nakita mo ang mahabang pila sa kantina. Ano ang dapat mong gawin?
a. Sumingit sa pila.
b. Makipag-agawan sa mga bumibili sa kantina.
c. Humanap ng kaibigan at magpapabili na lamang dito
d. Pumila at matiyagang maghintay ng iyong pagkakataon.
18. Nais mong sumama sa field trip sa darating na buwan ng Agosto. Puamayag ang iyong ina subalit
dumating ang isang malaking pagkakagastusan ng iyong kapatid na kung hindi mababayaran ay hindi
na siya makakakuha ng exam. Ang dapat mong gawin?
a. Ipagpipilitan ko sa aking ina na nauna akong nagsabi at ito ay karapatan ko.
b. Sasabihan ko ang aking ina an unahin muna ang dapat unahin.
c. Aawayin ko ang aking kapatid dahil sa pangayayaring ito at ipagpipilitan ang aking gusto.
d. Magdadabog ako sa nanay ko araw-araw.
19. Si Ginoong Rodredo ay isang kawani ng gobyerno at sa tuwing uuwi sa kanyang tahanan ay isang
simpleng mamamayan lamang kung titingnan. Anong katangian ang taglay niya?
a. Pagiging mababang loob. c. mayabang
b. Matapat d. papansin
20. Kilalang negosyante si Manny Reyes. Naranasan niyang lumagapak ngunit pinilit na bumangon. Anong
katangian ang kanyang taglay?
a. Matiyaga c. magalang
b. Matapat d. masipag
21. Sikat na host si Toni Gonzaga sa Pilipinas at kahit siya ay sikat na gumagamit pa rin siya ng mga
salitang po at opo sa mga taong higit na nakatatanda sa kanya. Anong taglay na katangian niya?
a. Matapat c. masipag
b. Magalang d. masinop
22. Mahusay sumayaw si Bong Almante. Marami ang umiidolo sa kanyang husay sa pagsasayaw. Malapit
din sa puso niya ang mga batang nais matutong sumayaw. Tinuturuan niya ng libre ang mga ito.
a. Matapat c. bukal sa loob na nagbabahgi ng kakayahan
b. Mapagbigay d. masigasig
23. Dahil sa pagiging masipag ni Mang Kanor kaya’t narrating niya ang kanyang pangarap. Umasenso siya
sa buhay at di pa rin niya nalilimutang magsimba at magpasalamat sa Diyos.
a. May takot sa Diyos c. matulungin
b. Matapat d. mayabang
24. Kahit sikat na sikat na si Manny Pacquiao, hindi pa rin niya nakalilimutang magbigay ng kaunting
donasyon sa may foundations.
a. Matulungin c. sakim
b. Masipag d. madamot
25. Unang beses magtatanghal ni Angeline sa entablado na maraming tao ang manonood. Nagawa naman
niya ito nang maayos at marami ang pumapalkpak sa kanya. Anong katangian mayroon si Angeline?
a. Mayabang c. may tiwala sa sarili
b. Pasikat d. mahiyain
26. Hindi naging sagabal kay Jane Felipe ang pagiging mahirap. Sa tuwing nalalagay sa sitwasyong ito ay
kumakapit lamang siya sa Panginoon at nalalampasan niyang lahat ito. Anong katangian mayroon si
Jane?
a. Matapang c. matatag ang paniniwala sa Panginoon
b. Malakas ang loob d. mahina
27. Sa halip na itapon ang mga bagay na maaari pang gamitin ni Joshua Andres ang sikat na mang-aawit,
itinatago niya ito upang gamitin muli sa ibang pagkakataon. Siya ay isang
a. Kuripot c. matipid
b. Malambing d. maaksaya
28. Hindi kinabahan si Jessica Suarez sa kanyang unang pagtatanghal sa ating bansa nagkus ay nag-
eenjoy pa siya dito.
a. May tiwala sa sariling kakayahan c. pasikat
b. Mayabang d, matalino
29. Habang naglalakad si Alleyne, kumakain siya ng biskwit. Wala siyang makitang basurahan upang itapon
ang balat ng kanyang pinagkainan. Ano ang dapat niyang gawin?
a. Tumingin sa paligid, tingnan kung may nakatingin. Kung wala, itapon ito sa tabi.
b. Pansamantalang ilagay muna sa bag at saka itapon kung may makita nang basurahan.
c. Itapon na lamang kung saan ang balat kahit may nakakita.
d. Magkunwaring ito ay nahulog nang kusa.
30. Minsan sumama ka sa pangingisda ng iyong ama, napansin mong gumagamit siya ng lambat na may
maliliit na butas. Ano ang gagawin mo?
a. Tutulungan ko si tatay na ihagis ang lambat sa dagat.
b. Sasabihin ko nang maayos at mahinahon kay Itay na bawal gumamit ng mga lambat na may maliliit
na butas sapagkat hindi makalalabas ang maliliit na isda.
c. Sisigawan ko si Itay sapagkat mali ang kanyang ginagawa.
d. Magagalit ako kay Itay at hindi ko na siya papansiin.
31. Nakita mong masayang nagkukuwentuhan ang mga bata habang sila ay kaumakain. Paalis na sila
ngunit iniwan lamang nila ang kanilang pinagkainan sa mesa. Ano ang dapat mong gawin?
a. Tatawagin ko sila at sasabihan na itapon sa tamang lalagyan ang mga pinagkainan.
b. Susugruin ko sila at ipapadampot ang kanilang mga pinagkainan at ipatatapon sa basurahan.
c. Akon a lamang ang magtatapon ng kanilang pinagkainan sapagkat ako ang mas nakatatanda.
d. Pupulutin ko ang mga kalat nila at ilalagay ko ito sa kani-kanilang bag.
32. Pauwi na ang mga batang iskawt mula sa camping site. Gumawa sila ng bonfire. Ano ang dapat nilang
gawin bago umalis?
a. Pabayaan na lang dahil mamamatay rin naman ito ng kusa.
b. Ikalat ito upang mamatay.
c. Patayin ang apoy sa pamamagtan ng pagbubuhos ng tubig.
d. Paglalaruan muna ito bago umalis.
33. Sumama ka sa mga pinsan mo sa pagpunta sa pulo. Nakarating kayo doon at nakita mo ang iba’t ibang
uri ng bulaklak-dagat o corals. Tuwang-tuwa ka dahil saiba’t ibang hugis at kulay ng ga ito. Ano ang
dapat mong gawin?
a. Pagmasdan at hangaan ang mga ito.
b. Kunin at iuwi sa bahay
c. Kunin, iuuwi sa bahay at ibenta.
d. Kunin at babasagin.
34. Kayo ng iyong mga kaibigan ay nagpiknik sa tabing-dagat. Marami kayong dalang mga pagkain. Oras
ng pag-uwi at nakita mong marami kayong nagkalat na pinagkainan. Ano ang dapat gawin?
a. Iwanan na lamang ito sa buhanginan sapagkat maanod din ito ng tubig-dagat.
b. Pupulutin at titipunin sa isang malaking plastic bag ng basura.
c. Pagsasama-samahin ito ilalagay sa isang malaking plastic, at ilalagay sa tamang basurahan.
d. Wala sa nabanggit.
35. Napag-aralan ninyo sa Agham na ang mga paru-paro ay nagmula sa uod. Sa inyong halamanan marami
kang nakitang ganito. Ano ang dapat gawin?
a. Pitikin ang mga ito upang hindi masira ang mga halaman.
b. Pababayayan lamang ang mga ito sapagkat ito ay magiging isang paru-paro.
c. Kukuha ng insecticide at bobombahin ang mga ito.
d. Papatayin ang mga ito dahil nakasisira ng mga halaman.
36. Palaging may mga ibon na dumadapo sa puno ng inyong manga. Ano ang dapat gawin?
a. Masayang panunuorin ang mga ito.
b. Titiradurin upang umalis sa mga sanga ng puno.
c. Huhulihin at ilalagay sa hawla.
d. Huhulihin at iluluto.
37. Nakapasok ang pusa sa inyong bahay at kinain ang inyong mga natirang ulam sa mesa. Ano ang dapat
gawin?
a. Hulihin at pagpapaluin ang pusa.
b. Sarhan ang maaaring daanan ng pusa at takipan ang mga natirang ulam sa mesa.
c. Hulihin at ikulong ang pusa hanggan sa magutom ito.
d. Itapon ang pusa sa malayong lugar.
38. Naglunsad ang inyong paaralan ng tree-planting activity. Sapagkat nauubos na ang mga puno sa inyong
lugar dulot g walang tigil na pagpuputol nito. Ano ang dapat gawin?
a. Makiisa sa proyektong ito.
b. Huwag pansinin ang proyektong ito sapagkat nagpapasikat lamang ang inyong paaralan sa mga
opsiyal ng inyong lugar.
c. Pabayaan na ang mga may matataas na posisyon sa paaralan ang makiisa rito sapagkat ito ay
kanilang ideya.
d. Magkukunwari akong walang nalalaman.
39. Nais ni Mila na maging isang mahusay na Arkitekto gaya ng kanyang ama. Ano ang dapat niyang
gawin?
a. Kumuha ng kursong Arkitekto at mag-aral nang mabuti.
b. Ipagmayabang ang arkitektong ama.
c. Kumuha ng kursong arkitekto.
d. Matatakot sa hirap ng kursong ito.
40. Si Aida ay isang mahusay na mang-aawit. Idolo niya si Sarah Agoncillo. Ano ang dapat niyang gawin?
a. Sumali nang sumali sa mga paligsahan sa pag-awit.
b. Mag-ensayo tuwing may libreng oras at sumali sa mga paligsahan sa pag-awit.
c. Iwan ang pag-aaral at pagtuunan ng pansin ang pagkanta.
d. Ikahihiya ang kanyang kakayahan
41. Dahil lamang sa maliit na puhunan naging matagumpay ang kaibigan ni Marina sa negosyong damitan.
Tuwang-tuwa si Marina sa pag-asenso ng kanyang kaibigan at nais niyang maging kagaya nito baling
araw. Ano ang dapat niyang gawin?
a. Mainggit sa kaibigan at kompetensyahin ito.
b. Maging masipag, matiyaga, maabilidad sa pagsisimula ng negosyo.
c. Pangarapin na lamang ang pagakakaroon ng negosyo.
d. Lahat ng nabanggit.
42. Kilalang-kilala na sa bansa si Vhong Manuel, ang mahusay na mananayaw na iniidolo ni Greg. Nais
niyang maging magaling na mananayaw gaya ng kanyang idolo. Ano ang dapat niyang gawin?
a. Makibarkada, at matutong uminom at manigarilyo upang maging astig.
b. Kumain ng masustansiyang pagkain, at mag-ensayo ng pagsasayaw tuwing libreng oras.
c. Huwag nang pumasok sa paaralan at mag-ensayo araw-araw ng pagsasayaw.
d. Lahat na nabanggit.
43. Sa ibang bansa na nagtatrabaho ang kapatid ni Nora bilang isang nurse. Natanggap siya agad dito
sapagkat matataas ang kanyang mara at nakapasa sa Licensure Exam. Masayang-masaya si Nora sa
kapatid at nais niyang maging tulad nito. Ano ang dapat gawin?
a. Makikisama sa mga taong matatalino upang maging matalino rin ako.
b. Mag-aaral nang mabuti at iwasan muna ang sobrang pakikipagbarkada.
c. Magpagawa ng mga takdang aralin at proyekto sa kaibigan upang masiguradong makakuha ng
mataas na marka.
d. Kaiinggitana ang kapatid.
44. Pinangkat ng guro ang mga mag-aaral sa lima. Ang grupo nina Philip ang isa dito. Naatasan silang
gumawa ng ulat tungkol sa mga paraan ng pagpapanatili ng kagandahan at kalinisan ng kapaligiran.
Ano ang dapat gawin?
a. Ipapamahagi ni Philip ang mga gawain ayon sa kakayahan ng bawat isa at magtulungan kung
kinakailangan.
b. Si Philip na lamang ang gagawa sapagkat sa tingin niya ay siya lamang ang may kakayahang
gumawa nito.
c. Iaasa na lamang ni Philip ang gawain sa kanyang mga kapangkat.
d. Aakuin na lamang ni Philip ang lahat na gawain.
45. Nais ni Coco, ang lider ng grupo, na sila ang manalo sa larong basketball sa darating na piyesta. Ano
ang dapat niyang gawin?
a. Magkita-kita na lamang sila sa araw ng piyesta.
b. Hikayating uminom ng alak ang mga kasamahan upang lumakas ang loob.
c. Maglaan ng oras sa pag-eensayo at pagpayuhan ang bawat kasapi na husayan ang laro.
d. Aasa na lamang sa panalangin.
46. Bagong lipat ang pamilya Suarez sa Barangay Mapayapa. Maraming gawain ang kailangan nilang
gawin. Ano ang dapat niyang gawin?
a. Pagtulungan ang mga mahihirap na gawain at gawin ng kusa ang madadaling gawain.
b. Iasa na lamang sa mga magulang ang lahat na gawain.
c. Kumuha ng isang taong maaaring maglinis at mag-ayos ng kanilang bahay at babayaran na lamang
ito.
d. Matutulog buong maghapon.
47. Nakita mong nahihirapan ang iyong ama sa pagsasaayos ng inyong taniman sa likod-bahay. Araw ng
Sabado kaya’t walang pasok kayong magkakapatid. Ano ang dapat gawin?
a. Pabayaan na lamang si Itay sapagkat gawain naman niya ito.
b. Hihikayatin ko ang aking kapatid na tumulong kay Itay.
c. Kunwari ay di ko napansin si Itay at manonood na lamang ako ng telebisyon.
d. Sasamahan si Itay sa labas pero maglalaro at manggugulo lang.
48. Grupo mo ang nakatoka sa pagdidilig ng halaman ng araw na iyon. Ano ang dapat gawin?
a. Bigyan ng gawain ang bawat miyembro ng grupo at magtulungan upang mapabilis ang gawain.
b. Utusan ang isang miyembro ng iyong grupo na sa tingin mo ay kayang-kayang gawin mag-isa ang
gawain.
c. Pumili lamang ng ilang miyembro sa inyong grupo na magdidilig.
d. Wala sa nabanggit.
49. Malaki ang bakuran nina Mang Edgardo at Aling Rosa. Hindi malaman ni Mang Edgardo ang dapat
gawin upang maayos ang bakuran sapagkat ito lamang ang araw na libre siya. Nakita niya ang kanyang
mga anak at nakiusap na kung pwedeng maaari siyang tulungan sa pagsasaayos nito. Ano ang dapat
gawin?
a. Suriin ang kakayahan ng mga anak bago ibigay ang gawaing nakatakda sa bawat isa.
b. Ibigay ang mahirap na gawain sa di mabuting anak.
c. Ibigay ang madaling gawain sa paboritong anak.
d. Ang mga anak na ang gagawa ng lahat.
50. Pumapasok ang mga anak ni Aling Guada. Siya naman ay nagtitinda ng isda sa palengke. Hindi na niya
maasikasong mabuti ang mga anak sa pagpasok nito sa eskwela. Ano ang dapat gawin?
a. Itigil na ang pagtitinda sa palengke upang mapagtuunan ng pansin ang mga anak.
b. Bulyawan ang mga anak upang bumilis ang pagkilos.
c. Magpatulong sa panganay na anak sa pag-iintindi sa mga nakababatang kapatid.
d. Lahat na nabanggit.

You might also like