You are on page 1of 3

KRISLYN JOY R.

MALBATAAN MAIKLING KWENTO AT NOBELA

MAED-FILIPINO

Ang Nakatagong Hustisya

Sa Baryo ng Gori, kung saan naninirahan ang pamilya ni Mang Jonny, isang
tahimik na bayan, magbubukas ang pinto ng isang masalimuot na kabanata ng
buhay. Isang maligayang pamilya na nagtataglay ng lakas ng loob upang baguhin
ang kanilang kapalaran, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay sinubok ng
isang sitwasyon ang kanilang buhay.

Si Aling Edna ang ilaw ng tahanan, si Mang Jonny ang padre de pamilya, si Yna
ang panganay na anak, si John ang padalawa at si Ligaya naman ang bunso.
Bawat anak ng mag-asawang ito ay masisipag mag-aral at tunay na kakikitaan ng
pagiging responsible sa kanilang tahanan.

Sabay-sabay na kumain ang mag-anak dahil ang kanilang pagkain ay sapat


lamang sa kanila kung kaya’t kinakailangang walang maiiwan sa kanila para hindi
kumain.
“Inay malapit na po ang kaarawan ni kuya John, ano pong ihahanda natin?” ang
masayang wika ng bunso na si Ligaya.

“Ah eh anak, ‘di ko kasi alam kung magkakaroon ba ng handa ang kuya mo dahil
madaming bayarin tayo ngayon eh. Hindi pa rin sumasahod ang iyong tatay sa
kaniyang trabaho.” ang sabi naman ni Aling Edna.

“Ganun po ba?” ang malungkot na sabi ni Ligaya.

“Huwag kang mag-alala Ligaya, ayos lang naman sakin na wala akong handa,
Malaki na ako pati ang mahalaga ay magkakasama at masaya tayo.” Ang
nakangiting wika ni John.

“Oo nga Ligaya, ang importante ay buo tayo at walang nagkakasakit” ani Ysa.
“Huwag kayong mag-alala mga anak, gagawan ko ng paraan na magkaroon ng
handa ang kuya niyo.” Ang wika ni Mang Jonny.

“Ano ka ba tatay, ayos lamang po na wala akong handa.” Sabi ni John


Walang naging sagot si Mang Johnny bagkus siya ay ngumiti kay John bilang
tugon sa sinabi nito. Natapos kumain ang mag-anak at sila’y nagligpit ng kinainan
at pumunta na sa kanilang kwarto upang matulog.
Pagkalipas ng ilang araw ay sumapit ang kaarawan ni John. Hindi nga binigo ni
Mang Jonny ang kaniyang mga anak at ipinaghanda niya si John sa kaarawan
nito. Nag-imbita si Mang Jonny ng kaniyang kaibigan at nagkaroon sila ng
kaunting inuman.
Kaibigan: Pare, maligayang kaarawan sa iyong anak. Salamat sa pag-imbita.

Mang Johnny: Walang anuman pare, ikaw pa ba. Teka mukhang gumagabi na at
tinatamaan ka na ng alak, halika at ihahatid na kita sa kanto.
Kaibigan: Kaya ko naman pre, pero salamat.

Inihatid ni Mang Johnny ang kaibigan niya sa kanto upang matiyak na ligtas itong
makakauwi. Sa kanilang tahanan ay abala si Aling Edna na maghugas ng plato
samantalang ang magkakapatid naman ay nanonood ng tv. Maya-maya….
“Inay, ano po kaya iyong maingay? Bakit po mukhang may nag-aaway? Tingnan po
kaya natin?” sabi ni John.

“Ay teka, sige tingnan natin” sabi ni Aling Edna.

“Sama din kami ni Ligaya Inay” ang wika ni Ysa.


Nagtungo ang mag-iina sa kung saan ay may nagkakagulo. Laking gulat nila na
kanilang marinig mula sa mga tao na si Mang Johnny ay sinaksak ng isa nilang
kabarangay matapos nitong patakbuhin ang kaniyang kaibigan na
nakursunudahan nito.

“Mahalllllllllll, anong nangyari sa’yo? Bakit? Bakit ka sinaksak? Ang wika ni aling
Edna sa nakalupaypay niyang asawa sa kalasada.
“Ma—hal, alagaan mo ang ating mga anak, mahal na mahal ko kayo,
pagpasensyahan niyo na at maiiwanan ko kayo.” Ang naghihingalong wika ni Mang
Johnny.
“Papa wag mo kaming iwan, papa pakiusap, wag mo kaming iwan, mahal ka namin
papa. Lumaban ka kaya mo yan. Papa, lumaban ka” ang iyak ng magkakapatid.

Labis na paghihinagpis ang naramdaman ng pamilya sa sinapit ng kanilang tatay


sa kamay ng masamang tao. Pinatay ang kanilang ama gayong wala naman itong
masamang ginagawa sa taong iyon. Binawian siya ng buhay matapos na
makapagpaalam sa kaniyang pamilya.
Hindi alam ni aling Edna kung paano niya itataguyod ang kaniyang mga anak
gayong wala na siyang asawa na susuporta sa kanila. Labis na sinisisi ni John ang
kaniyang sarili sa pagkamatay ng kaniyang tatay.
“Inay, sana hindi na lamang po ako naghanda sa kaarawan ko, sana buhay pa po
si itay.” Ang umiiyak na wika ni John.

“Wala kang kasalanan anak, nais ng iyong tatay na mapasaya ka. May mga bagay
tayong hindi natin inaasahan ngunit kailangang tanggapin. Sa pumatay sa tatay
mo, ang Diyos na ang bahala doon” ang malungkot na wika ni Aling Edna.

“Inay, di ko po kaya na wala na si tatay, ano pong gagawin ko” ang tumatangis na
sabi ni Ysa.”

“Ako rin po mama, wala na akong kakampi, wala ng magbibigay sa akin ng pera
tuwing hapon, wala ng magtatanggol sa akin at magpapabunot ng puting buhok.
Mama wala na si papa, di ko po kayaaa” ang humahagulogol na si Ligaya.
Lumipas ang mga araw, lingo, at buwan ay wala pa ring balita sa pumatay kay
Mang Johnny. Hindi mahanap ng kapulisan ang taong iyon sapagkat nakatakas ito
agad noong bago pa lamang dumating ang mga pulis sa insidente. Nalungkot ang
mag-anak sa nalamang tinigil na ang paghahanap sa kriminal dahil hindi nila
matukoy kung saan nga ba ito nagtungo.
Ilang taon na ang lumipas at nagsilakihan na ang magkakapatid. Nakapagtapos
sila ng pag-aaral gaya ng pangako nila sa kanilang Ama at binigyan ng magandang
buhay si Aling Edna. Unti-unti na nilang natatanggap ang pagkamatay ni Mang
Johnny ngunit ang pait at sakit ng nangyari ay nananatili pa rin sa kanilang mga
puso at isipan. Walang sinuman ang makapag-aalis nito sa kanila.
Hanggang sa ngayon ay wala pa ring balita sa kriminal. Ngunit, lahat ng iyon ay
ipinagkakatiwala na lamang nila sa Maykapal. Mahirap ang kanilang pinagdaanan
ngunit pinilit nilang bumangon mula sa pagkawasak. Hindi sila nakakalimot sa
nangyari subalit hindi nila hinayaan na ito ang maging dahilan upang hindi sila
magpatuloy sa buhay. Sa ngayon, nagkaroon na ng sari-sariling pamilya ang
magkakapatid at si Aling Edna ay naninirahan kasama ni Ligaya. Masaya sila sa
naging resulta ng kanilang pagbangon mula sa pagkalagapak. Hindi pa rin
natatagpuan ang pumatay kay Mang Jonny, ngunit ang kanilang pag-asa at
determinasyon ay buhay na buhay. Ang bawat pagkakamit ng tagumpay ay isang
hakbang patungo sa paghahanap ng katarungan at kapayapaan na inaasam ng
kanilang puso at isipan.

Ang pangunahing uri ng tunggalian sa kwento ay "Tunggalian ng Tao Laban


sa Kapwa Tao" o interpersonal conflict. Ang pagkamatay ni Mang Jonny at
ang pag-iiwan nito sa kanyang pamilya ay nagdulot ng malalim na
pangungulila at pagdadalamhati sa mga nabubuhay pa. Ang laban ng
pamilya para mabuhay ng maayos at makamtan ang hustisya para kay
Mang Jonny ay nagbigay-daan sa maraming emosyonal at sikolohikal na
laban.

Ang pagsusumikap ng pamilya na makabangon mula sa trahedya, ang


kanilang pagtutulungan, at ang kanilang paghahanap ng hustisya ay
naglalarawan ng pang-araw-araw na laban ng tao laban sa mga pagsubok
na dala ng kapalaran. Ito ay isang uri ng tunggalian na nagpapakita ng
kahalagahan ng pagkakaisa at determinasyon sa harap ng matindi at
hindi inaasahang mga pangyayari sa buhay.

You might also like