You are on page 1of 1

Golden Gate Colleges

P. Prieto St., Batangas City Page | 1

KRISLYN JOY R. MALBATAAN MaEd FILIPINO

FIL 200 – PANIMULANG LINGWISTIKA

GAWAIN BLG. 1

Panuto: Magbasa ng mga artikulong pananaliksik na magsasabi na maaaring maging wikang


global ang Filipino.Gawan ito ng anotasyon.

Filipino Bilang Wikang Global

Ayon kay Hornedo, "Kapag sinabing wikang internasyonal ibig sabihin nito ay ang
paggamit ng Filipino bilang wika na tumatawid sa hangganan ng mga kultura. Isang antas
ito ng pagiging pandaigdig ng wika, na nagbibigay ng anumang larawan ng kung gaano
kalaki ang impluwensya ng wika sa mga gumagamit nito. Ang kinaroroonan ng mga
gumagamit ng wika ay (dapat isaalang-alang). Kahit isang milyon lamang ang gumagamit
ng Filipino sa labas ng Pilipinas, masasabi nating lingguwaheng pandaigdig ito, sapakat
ginagamit sa labas ng bansa. Maraming Pilipino ang naghahanap ng pagkakataong
gumamit ng Filipino dahil gusto nilang magkaroon ng tinatawag na ugat, kahit na sila ay
hindi na mamamayan ng Pilipinas."

Dahil maraming Pilipino ang nasa iba't-ibang bansa at marami ring dayuhan ang
naninirahan sa ating bansa ay lumawak na ang nakaaalam sa wikang Filipino. Gaya na
lamang kung ang isang dayuhan dito sa Pilipinas ay may kaalaman sa Wikang Filipino at
ito ang kanilang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon sa isa't-isa ay masasabi natin sa
kabilang banda na Wikang Global ito sa kadahilanang maraming tao ang nakaaalam at
gumagamit ng wikang ito. Dahil na rin sa pagpunta ng maraming Pilipino sa ibang bansa
upang doon manirahan, mamasyal, o kaya maghanpa-buhay, ay nagiging dahilan din ito
upang mas marami pang tao ang makakilala at makaalam ng Wikang Filipino. Naging
dahilan din ito upang lumaganap ang Wikang Filipino sa iba't-ibang bansa. Gaya ng sa
kung paano inaral at lumaganap ang Wikang Ingles, ay gayon din ang paglaganap ng ating
wika sa bawat bahagi ng mundo. Maaaring hindi ganoong kalaganap ang Wikang Filipino
kumpara sa wikang Ingles, masasabi rin natin sa paunti-unting hakbang ay lumalaganap
na rin ang wika natin sa iba't-ibang bansa na hindi natin namamalayan. Isa itong
pagsasalarawan na ang Filipino ay Wikang Global sapagkat ginagamit ito sa loob at labas
ng bansa sa iba't-ibang bahagi, kahit na hindi ito ganoong kalaganap ngunit kung
maraming bilang ang nakakikilala at nakaaalam ng wikang ito ay magpapatunay lamang
ng pagiging wikang global nito.

College of Graduate Studies

You might also like