You are on page 1of 1

Wikang Filipino bilang isang Wikang Global

TUNAY na maunlad ang wikang Filipino kung kaya’t masasabing ganap na itong isang wikang
“global” lalo na’t ikaanim na ito sa mga pangunahing wika sa Estados Unidos maliban sa Ingles.Ito ang
tinuran ng manunulat at propesor na si Ruth Elynia Mabanglo ng University of Hawaii sa Panayam sa
Wika 2010: “Kalikasan ng Wika, Wika ng Kalikasan” na ginanap sa Bulwagang Rizal, St. Raymund’s
Building noong ika-5 ng Agosto.

Masasabing maunlad ang wikang Filipino dahil ginagamit ito upang makipagkomunikasyon sa
iba’t ibang tao. Marami mga dayuhan ay pinag-aaralan pa ang wikang Filipino upang makipagusap sa
ibang tao. Napamahal na din sa kanila ang wikang ating kinagisnan. Maraming Pilipino ang mga
nainirahan sa ibang bansa kaya mas lumalaganap na din ang wikang Filipino sa iba’t ibang dako ng
daigdig at gamit din ang mga makabagong teknolohiya, nagagawa ng wika na mas mapaglagom pa lalo
ang saklaw nito. Ang “internet”, ang nagbigay daan sa global na komunikasyon. Kung ikukumpara mas
mataas pa rin ang gumagamit ng wikang Ingles sa buong daigdig pero di rin naman maglalaon dahil sa
atin mas lalaganap pa ang magiging isang ganap na wikang global na ang wikang Filipino. Sabi nga sa
isang kasabihan tangkilikin ang sariling atin. Mas palaguin pa natin ang paggamit ng wikang Filipino at
mahalin dahil ito kinagisnang wika na pinamana sa atin ng ating mga ninuno.

You might also like