You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS JPLPC-MALVAR


Malvar, Batangas
Tel. Nos.: (043) 778-2170/ (043) 406-0830 loc. 124
Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

KOLEHIYO NG EDUKASYONG PANGGURO

Javier, Adona B. FEd 311 Mga Natatanging Diskurso sa Wika at Panitikan


BSED-FILIPINO 3101 Ika-27 ng Nobyembre, 2021

“Bangungot: Isang Usapin ng Eksogamya sa Lingguwistika”


ni Julieta Cunanan-Mallari

Ang wikang pambansa ang nagbibigay daan upang magkaisa ang mga mamamayan na
may malaking kontribusyon sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang bansa. Bagamat
magkaiba ang kultura at pinagmulan ng wika sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas ay pinagbuklod-
buklod pa rin nito ang mga Pilipino sa iisang adhikaing magkaroon ng isang wikang pambansa
na tinatawag nating “Filipino.” At nang magkaroon ng isang wikang pambansa, hinahangad ng
mga nagtataguyod ng wika na manatili at patuloy na mapaunlad ang wikang Filipino.

Ang “Bangungot: Isang Usapin ng Eksogamya sa Lingguwistika” ay nagbigay ng ilang


punto ukol sa wika kung saan nakalahad ang winika ni Steiner na ang pambansang pagkatao ay
“nakalimbag na sa wika” at ang katumbas, may taglay na tatak ng wika. Sa gayon, ang
pangunahing kahalagahan ng kalusugan ng wika sa mga tao, na ang wika ay nabalbal o
nabastardo, magkakaroon ng katumbas na pagbaba sa pagkatao at kapalaran ng lipunan. Ito’y
nangangahulugan na ang wika ay kakambal ng pagkatao ng isang tao at kung ang wika ay nasira
o nadungisan, humahantong ito sa pagbaba ng pagkatao at kalagayan ng lipunan. Sa palagay na
ito, mahihinuha ang kahalagahan ng pagbibigay importansiya sa wikang Filipino bilang wikang
pambansa ng Pilipinas. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng mahusay na pagkatao ang mga
Pilipino na siyang dahilan upang magkakabuklod-buklod ang damdamin at diwa tungo sa isang
nagkakaisang bansa. Gayundin, higit na mapapansin sa akda ang malaking gampanin ng wikang
Filipino sa Pilipino at Pilipino sa wikang Filipino kung kaya’t nararapat na pangalagaan ng
bawat isa ang wikang pambansa hindi lang dahil sumasalamin ito sa pagkatao ng isang tao
ngunit ang pagkakaroon din ng isang adhikain upang mapaunlad ang wika. Sa pamamagitan ng
simpleng paggamit at pagtangkilik ng wikang Filipino, nalilinang din ang pagkatao ng bawat
Pilipino.

Isa rin sa makabuluhang aral na iniwan ng “Bangungot: Isang Usapin ng Eksogamya sa


Lingguwistika” ay ang epekto ng labis na panghihiram ng wika sa ibang lugar o bansa.
Binigyang tuon dito ang bangungot ng pagkakawatak-watak ng wikang Kapampangan na isang
banta sa isa sa wikang Katutubo ng bansang Pilipinas. Nabanggit sa akda ang nilalaman ng isang
tula na nauuwi sa kaabsurdohan o kabalintunaan sa paghahanap ng maaangking dayuhang wika
ngunit nasasakripisyo naman ang wikang katutubo. Ito ay tulang pangungutya na dinisenyo
upang patamaan ang mga mararangyang palabas na nag-aabandona sa kultura. Nangangahulugan
Republika ng Pilipinas
PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS JPLPC-MALVAR
Malvar, Batangas
Tel. Nos.: (043) 778-2170/ (043) 406-0830 loc. 124
Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

KOLEHIYO NG EDUKASYONG PANGGURO

na marami ang nagsasantabi ng wikang katutubo tulad ng Kapampangan at mas pinagtutuunan


ng pansin ang mga dayuhang wika na maituturing na sagabal upang higit na mapaunlad ang
wikang Filipino. Marami ang dumadaan sa proseso ng panghihiram na humahantong sa higit na
paglinang nito at nagreresulta sa pag-abandona sa itinuturing na kaluluwa ng bansa—ang wikang
Filipino. Kung gayon ang akdang “Bangungot: Isang Usapin ng Eksogamya sa Lingguwistika”
ay isang magandang paalala sa bawat mambabasa na kung hindi babalensahin ng bawat Pilipino
ang paggamit ng panghihiram sa wikang banyaga, maaapektuhan nito ang wikang Filipino. Kung
hindi nakikita ng bawat isa ang paglampas sa limitasyon, nagiging bangungot ito sa
pagtataguyod ng wikang pambansa. Naisaad nga sa akda na hindi naman masama ang
panghihiram sapagkat ito’y isang ambagan ng wika sa buong mundo, isang gawain na higit na
nagpapalawak sa umiiral na wika sa bansang Pilipinas ngunit sabi nga ng karamihan lahat ng
sobra ay masama. Ang panghihiram na may kalabisan ang nagdadala ng banta sa pagpapaunlad
ng wikang Filipino. Binigyang tuon dito na nasa gitna man ang bansa ng makabagong mundo,
hindi ito nangangahulugan ng paglimot sa sariling wika na siyang sumasalamin sa tradisyon,
kultura at maging sa pinagmulan ng bansang Pilipinas.

Sa kabuuan, ang paksang nakapaloob sa “Bangungot: Isang Usapin ng Eksogamya sa


Lingguwistika” ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng wikang Filipino sa paraan na nagbigay ito
ng linaw sa mga mambabasa sa epekto ng labis na pagtangkilik ng wika ng iba. Lumalabas na isa
sa resulta ay ang paghina ng wika hindi lamang ng wikang katutubo ngunit gayundin ng wikang
pambansa. Dagdag pa rito, mahihinuha rin na ang akdang ito ay mabisang paraan upang higit na
mapayabong ang wikang Filipino sapagkat nagsilbing itong paalala sa bawat Pilipino na bago
yakapin ang wikang banyaga, unahin munang paunlarin ang wikang pambansa.

You might also like