You are on page 1of 5

“WALANG

SUGAT”
ni Severino Reyes
PANGKAT 2

MGA TAUHAN/ GAGANAP

MAGBANUA, PRINCESS GAIL – Tagapagsalaysay


KAMLON, ALIYAN – Tagapagbasa

FRAGO, GLYDEL bilang Julia


SINDO, GABRIEL bilang Tenyong
PAGUIA, JHENICKA bilang Aling Juana
BUENAVENTURA, JEO FEI bilang Kapitan Inggo at Miguel
DIAZ, PRINCESS MAE bilang Kapitana Putin
BENITEZ, MARK BERNARD bilang Lucas
GOLES, LORIN bilang Monica
BAJADO, VERNICE bilang Pabling
LOGDONIO, RAIA bilang Heneral Leon
SAAVEDRA, XAM bilang Padre Teban
TAGAPAGSALAYSAY: Sa panahon ng mga kastila ay hindi makakailang dahilan ng
pagsiklab ng digmaan ay ang mga prayle at ang kanilang masasamang gawain sa mga
Pilipino. Ngunit, sa panahon ding ito. Ang nagbunga ay ang pagmamahalang Tenyong at
Julia.

TAGAPAGBASA: Isang hapon, ang mga kababaihan ay nagbuburda ng panyo para sa


kanilang mga minamahal at isa na rito ay si Julia.

JULIA: Napakaganda, Tiyak akong magugustuhan niya ito.


TENYONG: Julia, Maari ko ba makita ang binuburdahan mo?
JULIA: Huwag na muna Tenyong, saka na lang kapag maganda na ang aking pagkakayari
sa ngayon kasi ay masama pa ito kung iyong makkita. Saka na lang tenyong ha?
TENYONG: Posible ba na ang mga daliring ito na hagod kandila na parang perlas sa ganda
ay may yayariing hindi maganda? Hala na, titignan ko lamang saglit.
JULIA: Huwag mo nga ako binobola tenyong.
TENYONG: Hayyyy! Yan ang hirap sayo ei!
JULIA: Tenyong! Bakit ka ba nagagalit?
TENYONG: Hindi ako nagagalit, patawarin mo ako. Sa totoo lang, kasiyahan ang aking
nadarama dahil nakita ko na nakalimbag ang aking pangalan sa iyong binuburda.
JULIA: Pangalan mo? Hindi para sayo ang panyong ito.
TENYONG: Kasinungalingan. Kanino naming pangalan ito?
JULIA: ahh basta!
TENYONG: A Antonio, N narciso at F ay Flores.
JULIA: Para iyan sa aking ama
TENYONG: At bakit ANF ang nakaburda?
JULIA: ANF ama nating frayle
TENYONG: magsabi ka nga ng totoo. Para sa kura nga ba ang panyong ito? Kung hindi mo
sasabihin ay itatapon ko ito.
JULIA: huwag mong subukang itapon ang panyo mo.
TENYONG: pagkakasabi mong sa kura ito kaya nag init ang aking dugo. Sana sinabi mo na
lang agad na para sakin yan.

(Biglang papasok si lucas sa bahay na hingal na hingal dahil may kailangang sabihin kay
Tenyong)

LUCAS: Tenyong! Ang iyong ama ay dinakip. Magmadali ka at kailangan natin siyang
puntaham.

TAGAPAGBASA: Nang dahil sa pag aalala ay umalis na agad sila sumama na rin ang ilan
pa nilang kabayan kasama na rito sila kapitana putin, aling juana at Julia.

TAGAPAGSALAYSAY: Habang papunta na sila ay mas lalong pinapahirapan ng mga kastila


ang inaakala nilang rebelde at iba pa rito ay kanilang pinpatay.
TENYONG: Ano ang ginawa niyo sa ama ko!

TAGAPAGBASA: Hinimatay si kapitana putin dahil hindi niya kinaya ang mga nasaksihan.

TENYONG: Maghintay kayo at ipaghihigante ko ang aking ama lalong lalo na sa mga
gumawa nito sa kanya!

TAGAPAGSALAYSAY: Sa pagnanais ipaghiganti ang kaniyang ama ay umalis si tenyong sa


kanilang bayan kahit na marami ang tutol ditto kabilang na si Julia.
TAGAPAGBASA: Lumipas ang isang taon ngunit wala pa rin kahit isang sulat o balita na
natatanggap si Julia na galing kay tenyong.

JULIA: Ano na kaya ang balita sa kanya?


ALING JUANA: Alam mo? Hindi na babalik si tenyong. Maaring napaslang na kung hindi
man ay limot ka na niya.
JULIA: nagkakamali ka jan inay. Kilala ko si tenyong.
ALING JUANA: ah basta! Huwag ka na umasa. Sinasabi ko sayo na dapat ikasal na kayo ni
Miguel.
JULIA: Magpapakasal ako ngunit hindi ko maipapangakong lilimutin na si tenyong.

TAGAPAGBASA: Nakaisip si Julia ng paraan upang maipalam kay tenyong ang maaring
Maganap at nagbabaka sakaling ito ay kaniyang mapipigilan.

LUCAS: O Julia, bakit mo kami ipinatawag?


MONICA: Oo nga julia, ito na rin siguro ang una nating pagkikita simula nang umalis si
tenyong sa ating bayan.
JULIA: Ito nga, gumawa ako ng sulat para kay tenyong dahil nais ng aking inay na ikasal
na kami ni Miguel sa lalo’t madaling panahon
MONICA: Napaka hirap na pagsubok iyan
LUCAS: Akin na ang sulat, makakatiyak kang maipararating ko ito sakanya.
JULIA: Maraming salamat monica at lucas, kayo talaga ang nalalapitan ko pagdating sa
gantong bagay.

TAGAPAGSALAYSAY: Nang maibigay na ni lucas ang sulat at natanggap na ni tenyong ay


bumakas agad sa mukha nito ang labis na pagkalungkot.

TENYONG: Hindi ito pwede! dapat meron akong gawin.

TAGAPAGBASA: Nagpunta si tenyong kay heneral leon upang mangalap ng tulong.


TENYONG: Tao po! Heneral leon anjan ka po ba?
HENERAL LEON: OH Tenyong, naparito ka. Anong sadya mo?
TENYONG: Ikakasal na po kasi si Julia kay Miguel. Nag iisip po ako ng paraan kung pano
ito mapatigil.
HENERAL leon: Huwag kang mag alala tenyong may naisip na ako na paraan para diyan.

TAGAPAGSALAYSAY: Pagkalipas ng isang lingo ay nakatanggap si Julia ng liham na galing


kay Heneral leon at sinasabi sa sulat ay pumanaw na si tenyong. Dahil sa labis na
kalungkutan ay tuluyan ng pumayag si Julia na ganapin nalang ang kasal.

TAGAPAGBASA: Dumating na ang araw ng kasal at ang mga tao ay handa na para sa
kaganapang ito. Habang nagsisimula na ang prosisyon, bigla namang inanunsyo ni lucas
ang pagdating ni tenyong.

LUCAS: (pabulong) mangumpisal ka na agad sa kura para matapos na ito


TENYONG: Kura paroko, Bago ho sana ako mawalan ng hininga. Nais ko po muna
maipakasal kay Julia nang sa gayon ay matuloy ang pangako namin sa isa’t isa.

TAGAPAGSALAYSAY: Pumayag ang lahat sa nais ni Tenyong dahil alam naman nilang
mamamatay na ito at magiging balo rin si Julia.

TAGAPAGBASA: Ikinasal nga sina tenyong at Julia. At sa hindi inaasahan ay tumayo si


tenyong nang buong lakas upang ipakita sa lahat na siya ay walang sugat.
Ikinagulat ng mga tao ang kaganapang ito.

TAGAPAGSALAYSAY: At nagtatapos ang kwentong ito sa wagas na pag-iibigan nina


tenyong at Julia.

You might also like