You are on page 1of 3

Kasal nina Julia at Tenyong

Paring Teban: Ingco


Julia: Gementera
Tenyong: Ramos
Miguel: Paras
Kura: Magpusaw
Juana: Taghap

Miguel: Julia... nariyan na si Pari Teban! Julia nariyan na ang Pari Teban.Ano bang tagal ng
salubungan na yan?Nariyan na si Paring Teban ah.Masama ang kutob ng loob ko sabi ko na nga
ba ayoko ng pinsan pinsan eh! Julia ano ba?

Julia: Pakasal kang mag-isa mo!

Miguel: Kay sama naman ng sagot nito! Aling Juana, sabihin mo po kay Julia na totoong
tanghali na.Magaalas-dose na nga yata eh!

Juana: Julia naghihintay na raw si Pari Teban.

Julia: Inang, si Tenyong po'y mamamatay na hindi po dapat iwan.

Juana: Mamamatay pala! Ginoong Heneral, masama raw po ang lagay ni  Kapitan Tenyong.

Juana: Mamatay na nga yata! Ginoo!mangyaring tawagin ang kura ng makapagkumpisal ang
kapitan tenyong at ah wag ka magagalit ha

Miguel: Hindi po hindi po ako magagalit.

Kura: Ako’y may ipahahayag sa inyo na isang malaking bagay…

“ang Kapitan Tenyong na sa oras na ito’y lilipat sa baying tahimik, ay may  huling
kahilingan.Ipinagmamakaawa niya sa iyo  Juana, at kay Ginoong Miguel, na yayamang siya ay
mamamatay rin sa oras na ito, ay mangyaring ipakasal sa kanya si Julia”

Juana: Ipakasal sa kanya si Julia?! Bakit?

Kura: Sapagkat noon pa ma’y may kasunduan na sila’y magpapakasal sa oras na  ito. 

Juana: Julia, halika. May salitaan nga ba kayo ni Tenyong?

Julia: Inang, ang tao pong nasa mahalagang oras ng kamatayan, at malapit ng dumulok sa
hukuman ng Diyos ay hindi  na nagsasasabi ng kasinungalingan.
Juana: AH totoo nga! Lilong anak! Sukab na  pamangkin!

Julia: Inang!

Juana: Hindi kita anak!

Julia: Inang minamahal hindi ko ipatawad na ibang pagkaloob ang isang pamangkin anak, si
Tenyong po ay sa Diyos haharap mahal pong pendesyon sakanya'y ligawad.

Juana: Mamamatay na nga.

Julia: Sa akin pong dibdib ay hindi ko gustong magliho sa inang nag ampon at hindi magsusukab
ang pinsan kong tenyong at ako'y ibigin sa habang panahon.

Juana: Ngunit hindi ko namalayan.

Julia: Dahil sa pagkabata'y kusa ng tumubo sa dalawang musmus walang salang puso ang
pagiibiga't talisay ng suyo na sinasaklawan ng hibog.

Juana: Banal na pag-ibig.

Julia: Ang pagsinta niya'y sa puso'y nakintal nagmula sa udyok na mahinhing asal ay tunay na
tipang magiisang palad kailan man humahango sa kaalipinan.

Juana: Ngunit paano na si Miguel?

Miguel: Oo nga po, paano na po ako?Pang!

Julia: Pipilit po akong kay miguel sumagot ako'y humayon wag ka lang mapuot at habang puso
ko'y nabubukod ng hindi maturang sa ina'y tumutol.

Juana: Masunuring anak.

Julia: Tila po dapat hindi iliko ang hilig pagka't di bubuting piliin ang pusong pinilit.Ang pag-
aasawa'y hulog daw ng langit na may tunghal sa dibdib.

Juana: Tumayo ka anak at si tenyong ay lapitan.Miguel ikaw ang sumagot.

Miguel: Pumapayag napo ako.

Juana: Ginoong heneral ikakasal daw po si Julia kay Kapitan Tenyong, kung ayan daw po ang
hinihiling ng mamamatay.

Paring Teban: Julia, Kapitan Tenyong sa araw na ito'y kayo'y ikakasal na, sa ngalan ng Ama,
Anak at Espiritu Santo Amen kasal na kayo

(Tumayo si Tenyong at itinangal ang kanyang tali sa noo)

Miguel: Walang Sugat?


Lahat: Walang Sugat!

(Musika)

You might also like