You are on page 1of 4

ACT 1 SCENE 4

TAGPUAN: Headquarters ni Tenyong

Tenyong: Mga kasama, magsikuha kayo sa inyong mga gulok at mga rebolber!

sundalong P(Gea): Ah! Meron akong gulok!

Sundalong P(Jherome): May rebolber na man ako!

Tenyong: Ihanda ninyo ang mga iyan at sasalakay tayo sa estasyon ng Guiginto.

Sundalong P(Gea): Nakasisiguro ka bang magsisilulan sila sa tren?

Tenyong: Oo, narinig ko ang pag-uusap nila at nabatid ko na sasabihin nila sa Heneral na

pagbabarilin tayo!

Sundalong P(Jherome): Mga Tampalasan!!

Sundalong P(Gea): Walang patawad!!( imu ituslok ang imu gulok sa lamisa)

(Dadating si Julia at makikita ni Tenyong. Lalabas si Tenyong)

Julia: Tenyong, Tenyong!

Tenyong: Julia!

Julia: Matitiis mo bang iwan ang ina mong kahapis-hapis ang anyo? Di ba't ikaw lang na bugtong

na anak ang makakaaliw sa kanya? Bakit mo siya iiwan?

Tenyong: (Hahawakan sa shoulders si Julia) Julia, tunay ang sinabi mo. Ngunit diba sinabi mo sa akin

na kakalingain mo si Ina na parang sarili mo na ring ina kagaya ng pagkalinga mo sa akin? Kaya

ano pa ba ang ipag-aalala ko?

Julia: Ngunit... Huwag ka nang umalis, Tenyong.(kuha ang hand ni Tenyong)

Tenyong: (kiss the hand of Julia) Julia, alam mo namang hindi iyan maaari. Hinihintay na ako ng

aking mga kapatid, Julia. Oras na Julia upang makawala tayo sa tanikalang nagbibigkis sa atin sa

mga kaapihan. (talikod) Halos tatlong daan na Julia!(magfoform ng fist) Hindi ko pwedeng

pabayaan na lang at ganito parati ang ating dinadanas hindi ko pwedeng pabayaang ang mga

magiging anak at mga inaanak natin ay makakadanas ng kalagim-lagim na kaalipin.

Julia: S-Sige. Heto, (kuhaa necklace) nang sa hindi mo ko makalimutan at isipin mong sa

pakikidigma mo ay parati akong nasa tabi mo. Kung sakali mang masugatan ka aking irog,

pumunta ka kaagad sa akin at huhugasan ko ang mga sugat mo ng aking pagmamahal.

Tenyong: Nananalig ako sa Diyos na magtumpay kami at kung saka-sakali mang hindi kami
magtagumpay at masawi ako---

(stop kasi ilalagay ni Julia ang isa na finger sa lips ni Tenyong)

Julia: Sssh. Huwag kang magsalita nang ganyan Tenyong huwag, natatakot ako.

Tenyong: Huwag kang matakot, mahal. Tutuparin ko ang sinumpaan ko sa aking mga kapatid at

pakatandaan mong nandito ka parati sa puso ko. (lagay ang right hand ni Julia sa puso ni Tenyong).

(one last hug)

TAGPUAN: sa estasyon ng Guiginto

( TURO SA WHITEBOARD bam! Giyera)

Tenyong: Mga kampon ni Lusiper! Dapat kayong mamatay! (Thwack!)(Slash!)

Sundalo P(Jherome): Pinatay niyo ang kapatid ko! (Patyon ang isa ka sundalo)

Sundalo P(Gea): Pinatay niyo ang asawa ko!!! (Barilin ang isa sa sundalo)

Tenyong: Nagawa natin mga kapatid!!!! Mabuhay ang Pilipinas!

ACT 2 SCENE 1

Juana: Julia, maggayak ka na. Paparito na sina Miguel at ang kanyang ina, dapat lang na

pakitaan mo sila ng kagandahang asal at anyo.

Julia: (nagdungaw ka sa bintana) Kung pumarito ho sila eh di kausapin niyo po.(inis ang tone)

Juana: Ano ang sinabi mo?

Julia: Wala po!

Juana: (HABLUTIN niya ang arm ni Julia) Halika nga dito. Hindi naman pangit at lipi ng mga

mabubuting tao, bugtong pa at nakakariwasa, ano pa ang hahangarin mo?

Julia: Inang, hindi ko po hinahangad ang mga kabutihang sinasabi niyo. Ang hinahangad ko po...

Juana: Ay ano? Sabihin mo nang maintindihan kita!

Julia: Ang hinahangad ko po ay ang lalaking minamahal ko at mamahalin ako.

Juana: (laugh) Hah! Julia, ako'y natatawa Ikaw ay bata pa nga- anong puso-puso ang

sinasabi mo? Iba na talaga ang takbo ng panahon ngayon! Noon, kung may lalaking nangingibig

ay tinatanggap sa mata at itinutuloy sa puso at kung ano ang tibok ay siyang sinusunod ngunit

ngayon!? Ngayon, kung may lalaking nangingibig ay tinatanggap sa mata at itinutuloy dito (ituturo ni
Estelle yung noo ni julia) diyan! at hindi sa puso! At kung ano ang pasya ng isip ay siyang
susundin hindi na talaga gumaganap ng maganda sa katungkulan ang puso ngayon!

Julia: (taken back) Nakasisindak ang mga pangungusap mo, Ina!

Juana: Siyang tunay!

Julia: Ngunit Ina! Hindi po ako makasusunod sa masamang kalakaran ng panahon ngayon!

Juana: Hindi Julia! Hindi... (den ma-shock) May kinalulugdan kang iba!

Julia: (mamilog ang mga mata) W-Wala po!

Juana: Kung wala ay bakit ka sumusuway sa aking inaaalok? (makalma na ang HB) Sige na

maggayak ka na. Bukas-makalawa'y mag-aasawa ka na. (iwan si Julia)

Julia: (weep effect nalugmok2x)

TAGPUAN: sa labas ng bahay ni Julia

Lucas: Monica!

Monica: (makikita si lucas at tatakbo papunta dito) oh! Ba’t ka nandito?

Lucas: Ang sakit kasi ng dibdib ko di ako makahinga (hawak sa dibdib)

Monica: Hala! Bakit? Anong nangyari? Dapat ay sa ospital ka na dumiretso! (natataranta)

Lucas: napapadalas na ‘tong karamdaman ‘kong ‘to. Nararamdaman ko ‘ to pag wala ka sa piling ko
(heheheheehhe)

Monica: naku! Ano ka ba lucas…..tumigil ka nga….(pabebe medj kilig)

TAGPUAN: bedroom ni Julia)

Julia: (di mapakali, palakad-lakad) Ano ang gagawin ko? Bukas na ang aming kasal sa Miguel na

iyon! Sino ba ang makakatulong sa akin? (stop ug palakad-lakad) Tama! Si Lucas!

Julia: Monicaaaa! Monicaaa!

(Si Monica kay nanilhig)

Monica: Pooo!

Julia: Halika nga saglit!

Monica: Opo!

(pasok sa kwarto)

Monica: Ano po iyon?

Julia: May ipapagawa sa iyo. Maghintay ka muna dito sa silid ko at tatapusin ko lang ito.

Monica: Opo.
(After 3 minutes)

Julia: (Fold the letter niya then seal) Heto.(ibigay kay Monica) Ibigay mo to kay Lucia. Kilala mo

naman si Lucia, hindi ba?

Monica: Opo, siya ho iyong parating kasa-kasama---

Julia: Ooo! Sige alam kong alam mo. Ibigay mo iyan sa kanya at sabihin mong pakibigay ang

sulat kay Tenyong. Kuha mo?

Monica: Opo!

Julia: Hala sige. Lumakad ka na at baka gabihin ka pa.

Monica: Opo

Julia: Ah, Monica?

Monica: Po?

Julia: Huwag mo tong sabihin kay Inang ha?

Monica: (Smile) Opo. Makakaasa ho kayo.

Julia: Salamat.

You might also like