You are on page 1of 4

ISMAEL, KYZIL C.

I. Panimula

A. Pamagat ng Katha
Tatlong Kwento ng Buhay ni Julian Candelabra

B. May-akda
Lualhati Bautista

II. Tauhan

 Julian Candelabra -pangunahing tauhan, makatlong beses na natukso at nakagawa


ng kasalanan, nagnakaw, nakiapid sa asawa ng iba at nakapatay.
 Tatay ni Julian - walang hinangad kundi mapalaki si Julian na marangal.
 Aling Sandra - unang nagtiwala kay Julian, unang nagawan ni Julian ng kasalanan.
 Aling Connie -nangtukso kay Julian upang makagawa ng bagong kasalanan.
Mang Felix -Si Mang Felix ay ang asawa ni Aling Connie na humabol ng itak kay Julian
nang malaman niyang may nangyari sa kanila.
 Amo ni Julian -Amo ni Julian sa restaurant na sobrang higpit at kanyang napatay.
Mga magulang ni Julian Ang mga magulang ni Julian ay ang siyang nagbibigay ng
leksyon sa kaniya.
Bong -Si bong ay kalaro ni Julian at anak ni Aling Sandra.
Mga katrabahong waiter -Sila ang tumulong kay Julian na maunawaan ang sitwasyon
nilang mga waiter.

III. Tagpuan

 Bahay ni Aling Sandra


 Bahay ni Aling Connie
 Restaurant

IV. Mga Simbolo/Tayutay

1. Bagay
a. Pera
Sumisimbolo sa tuksong magnakaw

b. Itak
Sumisimbolo sag alit

c. Tira-tirang pagkain
Sumisimbolo sa masidhing kahirapan

2. Tao
a. Aling Connie
Sumisimbolo sa tukso bilang babae

b. Amo ni Julian
Sumisimbolo sa kawalang pagtratong makatarungan

V. Buod ng Akda

 Si Julian ay nagmula sa isang mahirap na pamilya. Kalaro niya si Bong na anak ng


maperang si Aling Sandra. Laging inuutusan ni Aling Sandra si Julian at binabayaran
niya ito. Pinagkakatiwalaan niya si Julian kaya't iniiwan niyang bukas ang lagayan niya
ng pera kahit na si Julian ay naroroon. Isang beses ay nagawang kumuha ni Julian ng
pera sa pitaka ni Aling Sandra upang bumili ng sisiw para may panghanda ang kanyang
ama sa kaarawan nito. Nahuli siya ni Aling Sandra at sinumbong siya sa ama niya.
Binugbog siya ng ama niya. “Hindi lang po napigilan ang sarili ko, Tatay!” ang sabi niya.
Naging usap-usapan siya ng mga tao.

 Akala niya ay may taong muling nagbigay na ng tiwala sa kanya, si Aling Connie. Lagi
siyang inuutusan nito. Isang gabi, inaya siya ni Aling Connie na kumain sa bahay nila
dahil wala si Mang Fellix at hindi siya masasaluhan sa pagkain. Inakit siya ni Aling
Connie at may nangyari sa kanila. Nalaman ito ni Mang Fellix sobrang nagalit ito.
Nagalit din ang ama ni Julian. “Hindi lang po napigilan ang sarili ko, Tatay!” muling sabi
niya.
 Pumasok sa pagiging waiter si Julian dahil naawa siya sa magulang niya. Naging
temporary waiter si Julian sa isang restaurant. Akala niya ay makakakain siya ng mga
mamahaling putahe doon ngunit hindi pala sagot ng restaurant ang pagkain ng mga
waiter. Sabi ng dati pang waiter doon ay makakakain naman daw sila ng mga pagkain
doon, at mga tira-tira ang tinutukoy niya. Sa paglipas ng panahon ay nagtaka siya kung
bakit ang lumiliit ang sahod nila. Nagtanong siya at sinabihan siyang tatanggalin na siya
sa trabaho ng amo nila. Nahuli niya kasi si Julian na kumakain kahit hindi pa oras ng
pagkain. Nagkasagutan sila hanggang sa nagdilim ang isip niya at napatay niya sa
sakal ang amo niya. Nilitis siya sa kasong pagpatay at ang tanging naging alibi niya:
Hindi ko po napigilan ang aking sarili!VI. Galaw ng Pangyayari

A. Simula 
Nagsimula ang kwento sa pagpapakilala sa pangunahing tauhan na kung saan siya si
Julian Candelabra na anak ng mag-asawang bagama’t hirap sa buhay ay gustong
mapalaki ang anak na marangal. Sa mumurahing edad ni Julian ay napagtanto niyang
mahirap mabuhay ng marangal kung gutom ka at hindi mo mabili anuman ang naisin
mo.

B. Gitna
Nagbalik sa isipan ni Julian ang lahat ng suliraning kanyang napagdaanan, simula kay
Aling Sandra patungo kay Aling Connie at hindi kalaunan sa kanyang pinasukang
trabaho. Naisip ni Julian na bakit kailangang takawin siya sa mga panahon na matindi
ang kanyang pangangailangan at pagkahayok, bakit kailangan pa siya ilagay ng tao sa
sitwasyon na hindi niya kayang paglabanan, kung saan siya ay pilit na tinutukso, inaakit
at sinusubok. Naisip ni Julian na sa simula pa lamang siya na ang ninanakawan ng
dangal. At dahil sa napalalim na nga ang matinding pag-iisip ni Julian ay hindi niya
napigilan ang sarili na hablutin ang leeg ng Ma’am niya at napatay niya ito.

C. Wakas 
Dinala sa hukuman si Julian dahil sa kasong pagpatay na inihain sa kanya at batid ni
Julian sa mga oras na iyon ang mga nanunumbat na mata ng kanyang ama, ang
tanging alibi na ibinigay niya ay hindi niya napigilan ang sarili.

VII. Pagsusuri

A. Uri ng Panitikan

Ito ay Maikiling Kwento kasi ito ay binubuo ng may akda upang mailahad niya ang isang
pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan, makapagkintal ng isang bisa sa puso at
diwa ng mga mambabasa. Ito ay likha ng bungang-isip na hango sa isang bahagi ng
buhay na tunay na nangyari o maaaring mangyari.

B. Estilo ng Paglalahad

Malinawang mensahe ng kuwento. Nailahad  ito ng mabuti at malinaw ang detalye.


Maayos na naipakilala ang mga tauhan. Dahil dito, nagging napakaganda ng kuwento
at karapat-dapat para sa mga gantimpala.Bahagyang nagging magulo ang mga
pangyayari sa kuwento, sa tuwing nagkakaroon ng flash back. Ngunit masasabing
nakatulong din ito upang maging madetalye ang kuwento.

C. Sariling Reaksyon

Sa kwentong ito, ating makikita na kailangan nating maging mapagmasid sa bawat


galaw natin . Kailangan nating suriin kung tam aba o mali ang ating ginagawa. Kagaya
na lamang sa kwentong ito, ang pangunahing tauhan ay may parusa dahil sa
kasalanang kanilang nagawa. At lagi nating tandan na ang bawat pagkakamali ay
merong kaarusahan at maaring maaprektohan ang ating pamumuhay.

D. Aral o Pag-uugnay sa Tunay na Sitwasyon ng Buhay 

Sa ating araw-araw na pamumuhay, huwag nating hayaan na lamunin tayo sa


emosyon. Kailangan marunong nating kontrolin ang ating mga sarili upang hind maging
mapanganib ang ating buhay. Sa totoong buhay hindi natin maiiwasan ang magkamali
at matukso. Pero kailangan nating malaman na sa bawat pagkakamali ay mayroong
ding parusa na mangyayari. Sa ating pagkakamali hindi natin hayaan na ang
pagkakamaling iyong ay magdadala sa atin sa kapahamakan, kundi maging
mapagmasid tayo. Gawin natin ang ating pagkakamali upang maging silbi sa ating pag-
uunlad sa buhay at ating sisiguraduhin na sa bawat pagkakamali ay meron tayong
leksyon na makukuha. At ang leksyon na iyon ay magsisilbi nating gabay upang hindi
na natin gawing muli ang ating pagkakamali. At ating ipagdasal na sa ating paglalakbay
sa mundong ito hindi natin maranasan ang naranasan ng mga panauhin sa kwentong
ito. Wag magpapatukso at matutong kontrolin ang emosyon at sarili.

You might also like